Share

Chapter 49

Author: Koolkaticles
last update Last Updated: 2021-08-13 06:00:00

ILANG SANDALI PA ay bumukas na ang pintuan kaya halos mataranta si Evie sa pagbalik ng hawak na picture frame sa pinagkuhanan nito at humarap sa may pintuan.

Nang magkasalubong sila ni Silver ng tingin, may kung anong malakas na kabog siyang naramdaman na nakapagpatuod bigla sa kanya.

"Hey?" bati nito sa kanya.

"He -- hey!" pa-cool naman niyang sagot kaagad. Naglakad siya papalapit rito habang sinasara nito ang pinto. "Ahm. Here!" mabilis niyang paglapit at abot kay Silver ng folder na dala. "Pinabibigay ni Fe."

Napatingin pa muna si Silver sa kanya bago ibinaba ang tingin sa folder na inaabot ni Evie sa kanya.

"Sit down." prenteng sagot nito pagkakuha ng folder.

"Ah, no need. Aalis na rin ako, babalik pa kong office --"

"Sit. Down." mariing saad na nito habang seryosong nakatingin kay Evie kaya wala na itong nagawa kung hindi sundin siya.

Naupo nga si Evie sa visitor's chair sa tapat ng mesa ni Silver at naupo naman na si Silver sa swivel chair niya habang chini-check na ang folder na ibinigay sa kanya.

Mababaw ngunit mabilis na ang paghinga ni Evie sa kaba, lumilibot ang paningin niya hanggang sa makita ulit ang picture frame kaya iniwas niya ang tingin roon.

Tahimik pa rin si Silver na binabasa-basa ang mga papel sa folder at tila may tinitingnan sa laptop niya.

"Hmm.. Seems all good, may schedule na daw ba ulit ang balik nila sa Palawan kasabay ng deliveries?" seryosong tanong nito kay Evie kaya bigla itong napatingin sa kanya na tila nabibigla.

"Ah ha?" napapakurap ng mabilis si Evie hanggang sa mapagtanto ang mga sinabi ni Silver. "Ahh, hindi ko pa alam eh. Siguro sasabihan ko na lang si Fe." pormal naman ding sagot nito.

Napatungo-tungo na lang si Silver rito habang nakatuon pa rin sa hawak na folder.

Ilang sandali na naman silang natahimik at hindi na mapakali si Evie. Nanlalamig pa rin ang mga kamay at paa niya, mabuti na lang at naka-3/4 sleeves siya at white slacks pants kaya hindi masyado giniginaw ang katawan dahil sa kaba.

Napansin niya kung gaano kaseryoso si Silver sa ginagawa kaya hindi niya maiwasang humanga kahit paano. Sobrang pormal nitong tingnan lalo't naka-long sleeves polo at necktie pa ito, nakasalamin na din ito na sinusuot kapag nagbabasa o nakaharap sa monitor ng laptop.

Ilang saglit at tila may napansin siya ng hindi inaasahan, magkaparehas na dark violet pala ang mga suot nilang polo. Napatingin pa siya sa damit din niya at balik ulit kay Silver dahil naka-dark violet polo with white necktie ito, habang siya ay naka-dark violet na may panloob na puti na nakikita rin.

Napapahilot na lang ng noo niya si Evie dahil nakakaramdam siya ng kahihiyan. Mukhang mas hindi na makakaila ang sa kanila ni Silver dahil para silang nagusap sa porma at suot nila ngayon.

Pambihira! Bakit ba kasi ngayon ko pa naisipan magsuot ng ganitong kulay eh?

Napalibot muli siya ng tingin sa kabuuan ng opisina ni Silver at napatingin muli sa picture frame. Napansin na ito ni Silver kaya nagangat ng tingin sa kanya.

"Why did you put that?" seryoso niyang tanong rito.

Napatingin naman muna si Silver kung saan nakatingin si Evie at naunawaan nito ang ibig sabihin ng dalaga.

"Why not?"

Napapataas ng isang kilay si Evie ng tingnan na rin si Silver na nakangisi sa kanya.

"Baliw ka ba? Eh di may makakakita." tila pagtataray na nito.

"Of course may makakakita, yun nga ang purpose ko kung bakit ko nilagay yan dyan."

"Bakit nga?!"

"Anong bakit nga? Eh gusto kong ilagay picture natin dyan eh." tila pagmamatigas rin nito.

Napahinga ng malalim at napapapikit ng marahan si Evie bilang pagtitimpi niya rito.

"Bakit yang picture pa na yan? Dami-dami mong pictures eh."

"Ang gwapo ko kaya dyan?"

"Bakit kasama pa ko? Kung gusto mo mag-display ng picture dyan, mukha mo na lang dapat nilagay mo."

"Ayoko nga! Saka wala naman akong solo picture noong party na yan."

"Kaya nga, eh di sana hindi na lang yan."

"Kaysa yung picture natin na nasa yate tayo? Naka-swimsuit ka nun eh, kaya ayoko i-display."

Napapahilot naman si Evie ng sintido dahil mukhang hindi siya mananalo sa katigasan ng ulo ni Silver.

"Ano na lang -- sasabihin ng makakakita di ba? Yang mga empleyado mong pumapasok rito."

"Tinanong lang naman ng iba kung sino daw kasama ko dyan, aasawahin ko kako."

"Ano?!"

"Bakit ba nagrereklamo ka? Para malaman na ng mga sira ulo kong engineers na akin ka! Huwag na silang umeksena kung ayaw nilang mawalan ng trabaho!" padabog na paglapag niya pa ng folder sa mesa.

"Pinagsasasabi mo?" tila irita na netong saad.

"Oh bakit? Ayaw mong malaman ng lahat ang tungkol sa atin? Bakit? Kinakahiya mo ako?" tila sumiseryoso naman na si Silver.

"Wala akong sinasabing ganyan. Akala ko ba malinaw na sayo ang pinagusapan natin?"

"Oo nga! Hindi porket hinahayaan kitang balewalain ako sa ngayon ay hahayaan ko ng may makaporma sayo. Kahit pa si Benjamin."

"Anong sabi mo?" hindi naman inaasahan ito ni Evie at tila nagpantig ang tainga niya.

Mabilis na napagtanto ni Silver ang nasabi, tila nadulas siya.

"Ahm, I mean -- kahit sino pa yun. Probably, we're not in a good terms as of now, but it doesn't mean I'm letting you go that easily."

Tila mas kumabog ang dibdib ni Evie sa sinabi ni Silver. Hindi niya sigurado kung pinagseselosan na nito si Benjamin ngunit kung tutuusin, may dahilan na ito kung bakit.

Napapabuntong hininga at iling na lang si Evie rito, kapag napapasulyap siya kay Silver, iniirapan na lang din niya ito dahil mukhang nonsense makipagtalo rito.

"Eto nga sana ang idi-display ko kaso baka mainggit sila masyado eh." saad pa ni Silver habang nakayukong tingin sa table niya.

Pasimpleng napatingin rin doon si Evie na halos manlaki muli ang mga mata ng makita ang printed picture ulit nila ni Silver, selfie nila iyon habang nasa yate sila noon. Nakangiti siya sa camera habang nakahalik si Silver sa pisngi niya.

She remembers that time na sobrang saya nila, she can't help but to feel a little sadness about it.

"I'll finish this then -- let's have a dinner." pagtuon na nito sa laptop niya.

"What makes you think I will dine with you?"

"Why not? Kay Benjamin nga sumasama ka, sa akin, hindi?" he said sarcastically.

Tila tinatamaan naman si Evie sa mga pasaring ni Silver at nakakaramdam ng pagkahiya.

"Of course, he's my boss."

"And I'm your husband -- to be."

"Babalik pa kong office."

"Alam kong hindi ka na babalik dahil tinawagan ako ni Fe na ikaw na nga lang daw magdadala rito ng folder -- bago ka umuwi." pagdiin nito sa huling sinabi.

Napabagsak balikat naman si Evie na tila gustong sumabog anytime.

"Silver?"

"Evie? Sinabi ko na sayo, oo hinahayaan kita sa gusto mong magkalayo muna tayo habang wala pa yung resulta. Pero hindi ibig sabihin, hahayaan kong mabalewala ang relasyon natin."

Napapatameme si Evie at hindi makatingin ng diretso kay Silver. Hindi niya malaman kung dapat siyang mairita o matuwa. Tila napapaisip na lamang siya.

"Can I use your restroom?" pagiiba naman na niya ng usapan dahil tila matindi ang tensyon pa nila.

"Use mine here." pagturo pa ni Silver sa gawing kanan niya ng pintuan.

Tumayo na si Evie at nagtungo kaagad roon. Kagaya ng opisina ni Benjamin, wala itong chamber area, mas nakakatamad daw kasi kapag naglagay ng maliit na kwarto sa opisina, tanging banyo lamang.

Namangha naman siya sa pure black na restroom nito, from flooring to walls ay black tiles. Pati ang sink, faucet, shower area at toilet mismo ay pure black rin.

Napaharap siya sa salamin at mabilis na napansin ang mga nakadikit sa gilid ng salamin sa sink. Kaagad niya iyon nilapitan at sinuri isa-isa. Halos napaawang ang mga labi niya sa pagkabigla sa mga nakikita.

Mga pictures niya na iba't ibang kuha, karamihan ay stolen at may ilang nakatingin siya ngunit hindi nakangiti. Mayroong kuha na natutulog siya sa kama ni Silver na tanging kumot lang ang sapin, hanggang sa naka-swimsuit siya sa beach.

She finds it creepy and weird, if she doesn't knows Silver, she'll be freaking out. Kinda sweet yet still unbelievable.

Nagmadali na siyang gumamit ng banyo at dali-dali ring lumabas upang komprontahin si Silver.

"Hoy! Stalker ka ba ha?! Bakit -- ang dami kong pictures dun sa banyo?! Puro mga sexy shots pa talaga ah?! Ni hindi ko alam na kinuhanan mo pala ako dun. Don't tell me --"

"Kaysa manood ako ng porn di ba? Kailangan ko yun lalo kapag nami-miss kita." pa-cool lang na sagot nito na hindi man lang hinarap si Evie na nakatayo sa gilid niya.

"Sira ka ba? Paano na lang kung may makakita nun?! Alisin mo na nga!" tila pagpa-panic pa rin nito.

"Ayoko nga! Saka, ano naman? Cleaners lang nakakapasok dyan, kahit si Matt, hindi."

"Kahit na noh?! Nakakahiya! Sabihin -- sabihin ang halay ko! Nakahubad ako dun saka naka-swimsuit."

"May kumot ka naman nun. Naaalala ko kasi yung mga moments natin na --"

"Stop it! Ang manyak mo!" bulyaw pa nito.

Natawa naman si Silver at napalingon na kay Evie.

"Gusto mo, iba manyakin ko ganun?" tila nangaasar pa ito.

"Ewan ko sayo, Silverio!" sa inis niya, inirapan niya ito habang nakapamewang ngunit nabaling ang tingin niya sa laptop nito.

Nakita niyang wallpaper ni Silver ang picture niyang natutulog din noon sa kama at nakahubad siya, nakapadapa siyang higa at may rose sa gilid niya, mas close up ang kuha nito kaya tanging mukha, balikat at kaunting likod at braso niya lang ang nakita. Naalala niya ang peach rose na ibinigay sa kanya ni Silver noon.

Nanlalaki ang mga mata niya sa nakita kaya napatingin rin doon si Silver. Napapaawang at ngiwi si Evie sa pagkabigla sa mga nakikita niya.

"Ano yan?!" singhal pa nito at pagduro sa laptop ni Silver.

"Laptop." pagpapainosente pa nito.

Napasinghap ng malalim na hininga si Evie bilang pagtitimpi.

"Oo, alam ko. Ang ibig kong sabihin -- bakit nandyan ako?! Nakahubad pa talaga eh noh?!" halos gusto na naman nitong magwala.

"Eh sa gusto kong ikaw nandyan." prenteng sagot pa rin nito.

"Bakit -- ang dami -- bakit yan?! Baka may makakita?!" halos hindi naman mairi pa rin si Evie sa pagtitimpi. Hindi niya maunawaan kung kikiligin ba siya o maiinis pero nawiwindang pa rin siya dahil hindi siya makapaniwalang may mga ganoong kuha pala siya ni Silver.

"Personal stuff ko ito, walang nakakagamit aside sa akin. At kung may makakita man kagaya ni Matt o kung sino --" napatingin pa sa laptop niya ito bago nakangisi pa ring bumaling kay Evie. "Ano naman? Hindi ka naman nakahubad dyan totally. I just admire you so much. Saka, kasalanan mo yan!"

"At papaanong kasalanan ko? Kasalanan kong hindi ko alam na kinukuhanan mo ko ganun?!" pagtataray pa rin nito.

"Hindi. Kasalanan mo kasi -- kasi nagpapa-miss ka sa akin." biglang naging malumanay ang tono nito kaya napatitig naman sa kanya si Evie. "Sobra lang kitang nami-miss kaya gusto ko -- kahit saan pwede kitang makita." may dinukot ito sa bulsa niya at napansin ni Evie na phone niya ito. "Eto pa nga oh?" binuhay ni Silver ang phone at pinakita kay Evie ang screen saver nito na picture nilang tatlo ni Steve.

Naalala ni Evie ang mga sandali nilang iyon, ni hindi nga niya nakuha rito ang kopya ng mga litrato nilang magkasama.

Tila nakalma naman si Evie na parang nanlambot. She gave up, she find it really sweet at nakakakilig.

Napabuntong hininga na lang si Evie at kinalma na ang sarili.

Napatayo naman na si Silver na kinabigla ni Evie dahil gadangkal na lang pagitan nila. Pumayuko si Silver sa kanya na naglapit sa mukha nila kaya napapaatras si Evie rito na hindi maihiwalay naman ang mga mata nila.

"Hindi mo man lang ba ako -- na-miss?" tila nangungusap ang mga mata ni Silver.

Napalunok naman si Evie sa pagkabigla at kaba dahil sa lapit nila ni Silver. Hindi niya mawari kung bakit ganito pa rin ang nararamdaman niyang kaba sa tuwing nakikita at kalapit ito.

"Ahm.." napababa ito ng tingin bilang pag-iwas.

Bigla naman hinawakan ni Silver ang baba ni Evie at inangat ito ng tingin.

Bago pa man makapag-react si Evie ay naglapat na ang mga labi nila na labis niyang kinabigla kaya ni hindi siya nakapalag.

"Let's go" saad pa ni Silver na parang wala lang nangyari. Kinuha na niya ang coat na nakasampay sa sandalan ng swivel chair niya.

"Ah ahm.." hindi naman na nakapalag pang muli si Evie dahil sa pagkabigla ng hawakan ni Silver ang kamay niya at hinigit na siya palabas ng opisina nito.

Nadarang na lamang siya rito hanggang sa nakalabas sila ng silid na opisina nito. Napansin niyang parang nagkulapasan ang empleyado ni Silver at nagpatay malisya ng makita sila. Pero may iilang pasimple pa ring sumusulyap sa kanila.

"Matt, uuwi na kami." saad naman ni Silver na nilapitan kaagad ng sekretarya.

"Sige po boss, ingat po. Ingat din Miss Evie." magiliw pa ring pagpapaalam nito. Grabe pa rin itong makangisi dahil natutuwa na makita si Evie na kasama si Silver. Tila kinikilig ito.

"See you, Matt." nahihiya at naiilang pa ring tugon ni Evie rito.

Biglang naglakad muli si Silver habang hawak ang kamay ni Evie na hindi naman na makapalag. Tila proud na proud ito ngunit seryoso lang ang mukha, habang napapayuko naman si Evie sa hiya, kung pwede lang magtakip siya ng mukha, ginawa na niya. Nahihiya at naiilang pa rin siya sa atensyong nakukuha mula sa mga taong naroon.

"Bye, Sir!"

"Ingat po, Sir!"

Pagtungo lang ang sagot ni Silver sa mga empleyadong nagpapaalam sa kanila. Napapatingin at tungo na lang din si Evie sa mga ito. May nakikita siyang mapanghusga kung tumingin, yung iba ay tila kinukutya siya kaya umiiwas na lamang siya ng tingin. Ngunit may iba rin namang nakangiti kaya napapangiti rin siya sa mga iyon ng bahagya.

Nakahinga ng maluwag si Evie ng makapasok na sila ni Silver sa elevator. Tanging sila lamang dalawa naroon kaya nakapagpakawala siya ng malakas na buntong hininga.

"Saan mo gusto kumain?" tanong pa ni Silver habang nakatingin kay Evie sa full glassed elevator.

Napapatulala naman si Evie dahil napapaisip ito ngunit nabablanko siya. Hindi niya inaasahan ang mga nangyayari simula ng makarating siya sa opisina ni Silver. Gusto niyang tumanggi rito ngunit alam niyang hindi siya mananalo rito.

"Mommy?" pagtawag nitong muli kay Evie at hinalikan ang likod ng kamay ng dalaga na hawak niya dahilan para mapatingin na ito sa kanya. "Ano gusto mo kainin, mommy?" tila paglalambing naman na nito.

"Hindi pa kasi ako gutom." walang emosyong sagot naman ni Evie at nagiiwas ng tingin.

Bumukas na ang elevator at lumabas na rin sila, magkahawak kamay pa din silang naglalakad at halos lahat ng nakakasalubong o naroon sa ground floor ay napapatingin sa kanila. Not because Silver is their boss, but also it is very new to them seeing him with a girl holding their hands.

Dumiretso silang parking area ngunit sa sasakyan ni Silver lang sila huminto. Ang ultra nito ang dala niya.

"May dala akong kotse."

"Alam ko, ipapahatid ko na lang sa driver ko sa bahay mo."

"Huh?! Bakit pa? Pwede ko naman --"

"Sa akin ka sasakay."

"Ayoko nga? Magda-drive na lang ako." pagalis nito sa pagkakahawak sa kanya ni Silver at patungo na sana kung nasaan ang kotse niya nakaparada ng higitin muli siya ni Silver para pigilan.

"Ipapahatid ko na ngayon yan, akin na ang susi." paghaya pa nito sa kamay niya.

"Huwag na nga!" palayo ulit ito ngunit malakas siyang hinigit muli ni Silver papalapit dahilan upang mapadungol sa katawan ni Silver. Kaagad rin naman siyang pinayakap nito at mas nilapit ang mukha sa kanya.

"Huwag ng matigas ulo, mommy."

Mabilis naman napatulak si Evie rito na tila naiirita. Hindi niya gusto kapag pinipilit talaga siya.

"Uuwi na ko." tila pagalit nitong saad at mabilis naglakad patungo sa kotse niya.

Kaagad rin siyang sumakay dahil baka habulin pa siya ni Silver ngunit hindi naman siya nito nasundan. Knowing Silver, hindi talaga ito palahabol.

Binuhay niya ang makina ng kotse at kaagad na nag-drive palabas ng building. Dumungaw pa siya sa rear view mirror niya ngunit wala siyang natanaw na kasunod na sasakyan kaya ibinalik na lang niya ang tingin sa daraanang kalsada.

Normal naman ang bilis ng takbo ni Evie, palabas na siya sa highway nang maabutan ng stop light. Nang naka-go sign na sa lane niya, pinaandar niya muli ang sasakyan ngunit hindi pa nakakatawid sa kabilang lane ng intersection ay may bumangga na sa kanyang pick up car sa gawing kanan niya.

Malakas ang impact dahilan para mapahampas siya sa katabing bintana at naitulak ng ilang pulgada ang kotse niya. Nabasag kaagad ang mga bintana sa passenger at back seat door, malamang ay malalim ang yupi ng kotse niya. Tila nayanig ang pagkatao niya dahil naumpog rin siya sa bintana, mabuti na lamang at hindi iyon nabasag.

May malay pa naman siya ngunit nakakaramdam ng matinding hilo dahil sa pagkakaumpog. Nakakarinig siya ng malalakas na busina ngunit ilang sandali pa bago makabalik ang wisyo niya.

"Mommy?! Mommy?!"

Malakas na pagkatok at kalampag ni Silver ng driver's seat door kaya napalingon si Evie roon kahit pa pumupungay ang paningin at nahihilo.

"Mommy, open up!" patuloy na pagkatok ni Silver.

Nakahugot pa naman ng lakas si Evie at binuksan ang pintuan ng kotse. Si Silver na ang tuluyang nagbukas nun at kaagad siyang sinuri.

"Mommy, are you okay?!" natataranta naman ito sa pagaalala. Sinaklob ng dalawang kamay niya ang mukha ni Evie at sinuring mabuti ito kung mayroong pinsala. "Ambulance is coming."

"I'm fine. Nahihilo lang." halata pa rin sa boses nito ang panglalata.

"That bastard." tila inis nitong sambit at kaagad na inalisan si Evie.

Sinundan ng tingin ni Evie si Silver at patungo nga ito sa kotseng nakabangga sa kanya. May lumabas na lalaki sa driver's seat at isang babaeng buntis pa na mula naman sa passenger's seat. Mukhang magasawa yata ito. Kinakausap na sila ng traffic enforcer.

Nakita niyang tila seryosong kinakausap ni Silver ang mga ito at bakas naman sa mukha ng dalawang pasahero ng sasakyan ang pagsisisi.

Huminga ng malalim si Evie saka tinanggal na ang seat beat. Kahit medyo nahihilo pa, sinubukan niyang tumayo mula sa kotse ngunit bahagya siyang napasandal sa kotse niya.

"Ma’am, maupo na lang po kayo. Parating na po ang ambulansya para madala kayo sa ospital." pagpapaalala naman ng lumapit na traffic enforcer.

"Okay lang po ako, Sir. Wala naman po akong major injuries."

Naglakad na si Evie para makalapit kina Silver at kaagad naman siyang napansin ng mga ito.

"Miss? Miss? Okay ka lang ba? Pasensya na talaga ah? Hindi kasi napansin ng asawa ko yung stop light." tila pagsusumamo ng babae sa kanya. Halatang mas matanda sa kanila ang magasawa, mga nasa 40s na siguro.

"You've almost killed my wife! Malaki naman ang stoplight rito, paanong hindi niyo nakita?!" galit pa rin ang tono ni Silver.

"Eh sa bigla ngang nag-red light na pala! Nagmamadali lang din kasi kami!" ngunit presko at antipatikong tugon naman ng lalaking nakabangga na mas nakakapagpainit ng ulo ni Silver.

Gustong magpantig ng tainga ni Evie kung hindi lamang siya inaalo at pinakiusapan ng asawa nitong babae na mas nagaalala at nakokonsensya.

"Hon, tama na!" pagsuway pa nito sa asawa. "Kasalanan na nga natin eh, tayo yung nakabangga."

"Beating the red light po kayo, Sir. Sumenyas naman po kami pero ni hindi kayo bumagal ng takbo." dagdag pa ng enforcer.

"Babayaran na lang namin yung danyos na yan! Mukhang hindi naman nasaktan ang asawa mo eh." tila ito pa ang irita.

"Umayos ka nga! Nakakahiya na ngang tayo nakabangga." pagsuway pa rin nito sa asawa.

Napapaduro naman sa babae ang asawa niya na tila ito ang sinisisi. "Ikaw kasi eh, panay kang bunganga! Kung hindi mo ko inaaway sa kanina, hindi sana tayo mababangga!"

"Aba bakit ako?! Ikaw itong nagmamaneho! Ni hindi ka marunong makinig! Lagi ka may katwirang mali!"

Tila nagkakasagutan naman ang magasawa kaya napatingin sina Evie at Silver sa isa't isa. They both automatically picture themselves like them. Magiging ganito rin kaya sila kung nagkataon?

Lumapit naman si Silver kay Evie at hinaplos muli ang mukha nito.

"Ayos ka lang ba talaga mommy? Hindi ka ba nahihilo?" lumambing naman ang tono nito.

"Kaunti lang, pero kaya ko. Ayusin na lang natin ito."

"Gusto kong kasuhan itong mayabang na lalaki eh. Kaso naaawa naman ako sa asawa, buntis pa naman." tila pagtitimpi pa ni Silver.

"Kaya nga eh, ayusin na lang natin. Makipagareglo na lang tayo. Ayoko ng palakihin pa." tila nanghihina pa rin at nahihilo ito. Napapasapo siya sa ulo niya na nakalog talaga kanina.

Maya-maya pa ay nakarinig na sila ng Sirena ng pulis, kasunod na rin yun ng ambulansya. At dahil wala namang nasugatan o ano pa man, dumiretso na lamang silang presinto.

"Wala naman po akong balak magsampa pa ng kaso. Pero yung sasakyan ko po kasi ay sa company na pinagtatrabahuan ko, kaya sa kanila ko po i-direct ang punta ng danyos." paliwanag pa ni Evie sa mga ito.

"Sige, parating na ang attorney ko, yun na lang din ang paasikasuhin ko." tila mas kalmado naman na itong nakabanggang lalaki.

"Parating na rin ang attorney ko, sisiguraduhin lang namin ang terms sa pagbabayad ng danyos, or else mapipilitan kaming magkaso. Mabuti na lamang walang nangyaring masama sa asawa ko!" naguumpisa na namang maging tense si Silver kaya hinawakan na siya ni Evie sa braso upang masuway.

"Misis, pasensya na talaga ah? Hindi naman namin tatakbuhan, maraming salamat at hindi niyo na kami kakasuhan." pagpapakumbaba at sumamo naman ng babaeng buntis. Panay pa ang himas nito sa braso ni Evie.

"Nagkaaregluhan naman na po tayo. Wala naman din pong masamang nangyari sa akin. At mabuti ay wala rin po sa inyo."

"Oo nga eh, salamat sa Diyos. Malapit pa naman na akong manganak."

Nang dumating na ang kani-kanilang lawyer ay nagkasundo na rin ang magkabilang panig hingil sa pagbabayad ng danyos.

Related chapters

  • As You Needed   Chapter 50

    NAUNA NG UMALIS ng presinto sina Evie at Silver. Nakasakay na siya ngayon kay Silver at hindi niya alam kung saan ba siya dadalahin nito dahil natutulala na lamang siya dahil sa nangyari."Ayos ka lang ba talaga mommy? Walang masakit sayo?" pagsulyap pa ni Silver rito habang nagmamaneho."Ayos lang ako. Na -- nawiwindang lang siguro. Ngayon lang din kasi ako naaksidente eh.""Thank God nothing happens to you seriously. Pero sobra akong kinabahan kanina nung nakita kong bigla kang nabangga. Sabi naman kasi sayo, sa akin ka na sumakay kanina.""As if namang gusto kong mabangga di ba? Kinabahan rin naman ako." sarcastic pa nitong tugon at napahilot muli ng ulo.Hindi na lamang sila muling umimik hanggang sa napansin ni Evie na nasa ospital na sila."Bakit tayo nandito? Okay lang naman ako eh.""Gusto ko lang makampanteng ayos ka lang talaga."Hindi naman na umangal pa si Evie dahil pakiramdam niya ay wala na siyang lakas para maki

    Last Updated : 2021-08-14
  • As You Needed   Chapter 51

    NANG MAKAPAGKWENTUHAN sila patungkol sa insidente at kung papaano na ang settlement, nagpasya na rin si Benjamin na magpaalam. Ngunit tila ayaw niyang umalis dahil naroon pa rin si Silver, kaya nakaisip siya ng paraan upang maisama ito sa pagalis nila sa bahay ni Evie."Com'on! Just a few drinks! I know you've been so tired, and so am I!" pilit nitong pagaaya kay Silver.Tumanggi na si Silver, pero pinipilit pa rin siya ni Benjamin. At gusto sanang umawat ni Evie dahil alam niyang bawal uminom si Silver ng marami, perp hindi na lamang siya umimik. Dahil naisip niya rin na ito lang ang paraan para mapaalis ito ng apartment niya.Kaya kinuha na ni Evie ang mga damit ni Silver at inabot ito sa binata."Go on! Have some drinks, you boys! I need to rest too." payak niyang pagngiti na tila pinalalayas na niya ang mga ito. Masyadong awkward para sa kanya ang magkakasama sila lalo sa bahay niya.Masama man ang loob, bagsak balikat na lamang kinuha rin ni S

    Last Updated : 2021-08-15
  • As You Needed   Chapter 53

    KUNG KANINA AY halos walang buhay at gana si Evie, ngayon puno siya ng sigla at tuwa dahil sa mga supresang ginawa ni Silver para sa kanya.Nagkwentuhan lang din sila ng tungkol sa ginawa nila sa trabaho sa mga nagdaang araw. Nakwento at ipinakita rin ni Evie kay Silver ang binigay at ginawang surpresa rin ni Benjamin sa kanya."Tss.. Mas maganda yung akin noh!" halata mang na-intimidate ito pero dinadaan na lamang sa biro."Woo! Siguro may nakapagchismis lang sayo ng ginawa sa akin ni Benjamin kaya gumaya ka!""Oy hindi ah? Nag-half day nga ako sa trabaho para lang mahanda lahat ng toh. Nag-extra pay pa ko kay Matt para lang tulungan ako.""Buti pumayag? Wala siyang date?""Mayroon. Ayaw ba niya ng additional pang date?"Natatawa na lamang si Evie rito at napapailing. Aminado siyang hindi niya maalis ang mga ngiti.Mas lalo niyang naa-appreciate ang kagwapuhan ni Silver sa suot nitong suit and tie, brushed up hair at clean tri

    Last Updated : 2021-08-16
  • As You Needed   Chapter 52

    PAGKALABAS NG KWARTO niya si Evie, sinalubong naman kaagad siya ni Steve na sabik sa kanya. "Good morning, baby." paghimas niya pa sa leeg at katawan ng aso. Arf! Biglang tumahol si Steve at nanakbo patungo sa may pintuan. Arf! Laking taka ni Evie kung bakit tumatahol roon si Steve kaya sinundan niya ito roon. *Tok! Tok! Mas lalo niya kinabigla nang makarinig ng katok sa pintuan. "Aba? Sino naman kaya --" napatingin siya sa malaking wall clock. "Alas nuwebe pa lang eh." Kaagad na rin binuksan ni Evie ang pintuan niya at biglang nabuhay ang mga dugo niya dahil sa hindi inaasahan na bisita. Nanlalaki at napaawang na lang siya ng mga labi habang nakatitig kung sino ang nasa harapan niya. "Good morning!" magiliw na bati nito. Halos hindi na naman makita ang mga chinitong mata nito dahil sa lapad ng ngiti kay Evie. "Be -- Benj.." sabay na gulat at kaba ang nadarama n

    Last Updated : 2021-08-17
  • As You Needed   Chapter 54

    BINUHAT NA MULI ni Evie ang bata na mas kalmado na ngayon dahil pagod na, karga-karga nitong nagmamadaling maglakad patungo sa kotse niya at nilagay sa passenger's seat."Ay bawal pala ang bata rito sa harap. Eh wala naman akong baby seat?" napamewang pa si Evie rito na tila nagiisip.Sa huli ay kinabitan na lamang niya ng seat belt ang bata at maingat na nagmaneho patungo sa police station.Nagawan na ng report ang patungkol sa nawawalang bata, pero kagaya ng sinabi sa kanya ng admin officer, hindi niya maaaring iwan ang bata roon."Di ba dapat -- sa pangangalaga ng women and children's desk na toh? Makikomunikasyon kayo sa DSWD.""Ginagawa naman na po namin Ma’am." napalinga pa ang police officer sa paligid. "Pero nakikita niyo naman po, wala pong babaeng naka-duty ngayon. Since, nasa amin naman na po ang contact information niyo, kapag mayroong nag-report sa amin ng nawawalang bata, tatawagan na lang po namin kayo para maidala niyo na po y

    Last Updated : 2021-08-18
  • As You Needed   Chapter 55

    "HI MA’AM, try niyo ito para kay baby?." paglapit kaagad ng sales lady at haya ng isang ternong shirt at pang ibaba."Ah, sige. Yung size para sa kanya.""Sige po Ma’am."Hindi madalas sa baby section si Evie kung hindi lang niya kailangan mamili ng ipangreregalo sa inaanak at pamangkin. Pero ngayon nag-e enjoy na rin siyang mamili ng damit at sapatos. Hindi niya alam pero munting tulong na rin niya siguro sa bata."Ang gwapo-gwapo naman po ng anak niyo Ma’am, mana sayo." puri pa ng sale's lady ng isuot niya sa bata ang sapatos na binili para rito."Ah eh. Hehe thank you." hindi na lang niya sinabi ang totoo dahil tinatamad siyang mag-explain.Sinungaling naman neto? Hindi ko naman anak toh eh, paano magmamana sa akin?Sunod ay sa grocery na naman muli sila nagpunta. Sinakay ni Evie ang bata sa cart at tinulak niya iyon. Nag-unat unat pa siya ng mga braso niya dahil sa wakas, hindi na niya buhat ito.

    Last Updated : 2021-08-19
  • As You Needed   Chapter 56

    NATATAMEME AT NAPAPAISIP pa rin si Evie sa mga sinabi ni Silver."You don't have to think about it, mommy. As I said, whatever happens, I'm gonna make all our dreams come true, together."Pero hindi pa rin maiwasan pagisipan ito ni Evie. Nabibigla lang siguro siya pero ang mas nakakapagpabigat ng isipin niya ay ang desisyon sa buhay niya na hindi pa rin siya sigurado kung matatanggap ba niya, dapat niya bang tanggapin o hindi.Bakas sa mukha ni Silver ang saya ng sabihin ito sa kanya kaya tila nagaalangan siyang alamin pa rin ang patungkol sa bagay na pareho nilang kinaiilangan pagusapan. Ayaw naman din niya masira ang gabi nilang dalawa dahil ngayon na lamang muli sila nagkasama at aminado siyang nami-miss niya rin ang binata.Pinaglatag na lamang ni Evie ng makapal na comforter sa baba ng kama si Silver dahil ayaw nitong matulog sa sofa na. Halata sa mukha ni Silver ang pagkadismayado pero wala naman din siyang magagawa.Palihim na natatawa si Ev

    Last Updated : 2021-08-20
  • As You Needed   Chapter 57

    NAHIHIYA MAN, wala na ring nagawa si Evie kung hindi sumunod kay Silver."Good morning Sir Silver -- Miss Evie?" tila nabibigla namang bati ng gwardya nila sa gusali."Good morning po." magiliw na bati ni Silver rito at nauna ng pumasok habang tulak ang stroller."Good morning, kuya Jorge." tila nahihiya at pagpapalusot na lamang ni Evie na nagmamadaling makapasok at sunod kay Silver.Halatang puno ng pagtataka ang reaksyon ng gwardya nila patungkol sa nasaksihan pero hindi na ito nakapagtanong pa."Good morning Sir -- good morning Miss Evie.""Good morning po."Panay bati naman sa kanila ang mga empleyadong nakakasalubong, magiliw naman binabati rin ito ni Silver ngunit si Evie ay nakakadama ng kaunting hiya.Nang makarating sila bandang elevator ay inaasahan na ni Evie na all eyes sa kanya ang lahat ng empleyadong naroon at mas lalo ngayon dahil halatang kasama niya pa si Silver na nagtutulak ng stroller. May iilang nakakaala

    Last Updated : 2021-08-21

Latest chapter

  • As You Needed   Epilogue

    BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam

  • As You Needed   Chapter 65

    HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa

  • As You Needed   Chapter 64

    "GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni

  • As You Needed   Chapter 63

    HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b

  • As You Needed   Chapter 62

    NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky

  • As You Needed   Chapter 61

    DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open

  • As You Needed   Chapter 60

    NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi

  • As You Needed   Chapter 59

    ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret

  • As You Needed   Chapter 58

    TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata

DMCA.com Protection Status