Your Love is my Revenge

Your Love is my Revenge

last updateLast Updated : 2021-05-26
By:  Rubye GT  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
32Chapters
20.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

WARNING : Rated SPG | Mature Content | R18 Anicka Tiffany Escudero. San Martin's Princess. Maganda. Matalino. Mayaman. Tyron Alexander Montejo. Gwapo. Matalino. Mabuting anak. Ngunit mahirap. Paano kung ang langit mismo ang humalik sa lupa? Akala ni Tyron ay naakyat na niya ang langit nang mahalin siya ni Anicka. Ngunit isa lamang palang pagpapanggap ang lahat. Makalipas ang maraming taon, siya na ngayon ang nasa itaas. Magaawa niya bang kalimutan na lamang ang lahat sa ngalan ng pag-ibig?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

"NAY, kumusta na po kayo?" sabik na bati ni Tyron sa ina nang makausap niya ito sa telepono."Mabuti naman ako anak, ikaw? Kumusta ka na diyan?" ramdam niya rin ang galak sa tinig ng ina."Okay naman po, may ibabalita pala ako sa inyo, Nay.""Ano 'yon?""Malapit na po akong umuwi, confirmed na po 'yong flight ko." abot hanggang tainga ang ngiti niya habang sinasabi niya iyon.Alam niyang matagal na rin iyong hinihintay ng ina."Talaga ba, anak? Mabuti naman kung ganon... miss na miss na kita, anak."Ramdam niya ang pananabik ng ina sapagkat iyon din ang nararamdaman niya. "Ako din po, miss na miss ko na po kayo.""Ikaw naman kasi, anak... pwede ka naman palang umuwi, nagpalipas ka pa ng ilang taon.""Nay, sorry na po... napag-usapan na po natin iyan 'di ba? Ang importante po, pauwi na ako at magkikita na tayo." aniya sa malambing na tinig."Salamat naman, anak." masaya pa ring sagot ito. "Ako din, may

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2021-12-06 18:58:06
1
32 Chapters

Chapter 1

"NAY, kumusta na po kayo?" sabik na bati ni Tyron sa ina nang makausap niya ito sa telepono."Mabuti naman ako anak, ikaw? Kumusta ka na diyan?" ramdam niya rin ang galak sa tinig ng ina."Okay naman po, may ibabalita pala ako sa inyo, Nay.""Ano 'yon?""Malapit na po akong umuwi, confirmed na po 'yong flight ko." abot hanggang tainga ang ngiti niya habang sinasabi niya iyon.Alam niyang matagal na rin iyong hinihintay ng ina."Talaga ba, anak? Mabuti naman kung ganon... miss na miss na kita, anak."Ramdam niya ang pananabik ng ina sapagkat iyon din ang nararamdaman niya. "Ako din po, miss na miss ko na po kayo.""Ikaw naman kasi, anak... pwede ka naman palang umuwi, nagpalipas ka pa ng ilang taon.""Nay, sorry na po... napag-usapan na po natin iyan 'di ba? Ang importante po, pauwi na ako at magkikita na tayo." aniya sa malambing na tinig."Salamat naman, anak." masaya pa ring sagot  ito.  "Ako din, may
Read more

Chapter 2

PAGKAALIS ng kahuli-hulihang nakipag-libing ay napabuntong-hininga na lamang si Anicka.Ano nang gagawin niya ngayon?Nag-iisa na lamang siya.Nakita niya ang ama sa loob ng kwarto nito na wala nang buhay.Nagbaril ito sa sarili.Ayon sa iniwan nitong sulat ay humihingi ito ng tawad sa kanya.Hindi pa malinaw kung bakit.Nang maalala ang ama ay muling pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata.Bakit nagawa iyon ng ama?Kung may problema, o, kung may nagawa ito ay maaari naman nila iyong pag-usapan.Bakit kailangang kitlin nito ang sarili nitong buhay? Sa dami ng mga pinag-daanan nila ay ngayon pa ba ito susuko?Ama niya ito.Ito na lamang ang natitira sa kanya. Hindi maaaring hindi niya ito mapatawad.Napabuntong-hiningang lumabas na lamang siya ng sementeryo at nagpasya nang umuwi.Pagdating niya sa bahay ay may magarang kotseng na
Read more

Chapter 3

"GOOD MORNING, baby." bungad agad ni Albert pagsagot niya sa telepono."Morning." nakangiti niyang sagot dito."Ano'ng ginagawa mo?""Heto, nag-aayos papunta sa work."Ha? Work agad? Okay ka na ba?" naroon ng pag-aalala sa tinig nito.Humugot siya ng malalim na hininga. "I should be. Isang linggo na akong hindi pumapasok dahil sa burol ni Papa, kung hindi pa ako papasok, baka wala na akong trabahong balikan.""Pero baby, kailangan mo pa ng konting pahinga.""Okay lang ako, hindi ko pwedeng pabayaan ang trabaho ko. Hindi ko pwedeng pabayaan ang tabaho ko.""Kung pinakakasalan mo na ba kasi ako, e di wala ka nang problema."Isa pa uling buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Albert, napag-usapan na natin 'yan."Alam ko, kaya lang bakit mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Nakahanda naman akong alagaan ka.""Please, saka na natin pag-usapan 'yan."Sige na nga. sunduin na lang kita diyan, hatid kita
Read more

Chapter 4

KANINA pa wala sa sarili si Anicka. Hanggang sa mga oras na iyon ay naiisip niya pa rin si Tyron.Parang nararamdaman niya pa rin ang talim ng mga titig nito sa kanya kanina.Sigurado siyang nakita nito ang ginawang paghalik sa kanya ni Albert.Ano kaya ang iniisip nito sa nakita?At bakit parang galit ito sa talim ng titig nito sa kanya?Posible kayang...--?"Hays! Erase, erase, erase!" mahina niyang sabi na inihilamos ang kamay sa mukha. "Huwag mo na siyang isipin, Anicka. Mas marami kang bagay na mas dapat isipin kaysa sa kanya." kausap niya sa sarili habang pinapaypayan ang sarili gamit ang mga kamay at huminga ng malalim.Pagdating ng lunch time ay may problema na naman si Anicka.Wala siyang baong lunch!Tanghali na kasi siyang nagising kanina kaya't hindi na siya nagluto ng babaunin.Sa isip niya ay kakainin na lamang siya sa canteen sa tapat.Sa kabila naman kasi ng nangyari sa nakaraan ay maganda n
Read more

Chapter 5

"OKAY ka lang?" tanong ni Albert na kung ilang beses na yata nitong inulit."Huh...? Of course." ilang beses niya na ring sagot.Kanina pa siya wala sa sarili.Hindi niya sinunod ang sinabi ni Tyron na kanselahin ang dinner nila ni Albert.Narito siya ngayon at kumakain ng hapunan kasama ang binata, ngunit wala naman dito ang isip niya."Hah... sino ba siya sa akala niya?" maka-ilang ulit niyang kausap sa sarili.Maaaring may nagawa siyang kasalanan dito, ngunit wala itong karapatang mandohan siya.Kung may nagawa man siyang kasalanan sa nakalipas, ay ginawa niya iyon para din dito."Baby, are you sure, you're okay?" tanong muli ni Albert."Okay lang nga ako, ano ka ba? Napagod lang siguro ako, ang daming tao kanina. Malapit na kasi ang pasukan, eh." sagot niya ritong nag-iwas ng tingin.Bumuntong-hininga muna si Albert bago nagsalita."I saw him. He's back. Siya ba ang dahilan, kung bakit kanina ka pa bali
Read more

Chapter 6

FLASHBACK   "MGA Sissies..." Tila iisang tao na nag-angat ng mga ulo ang magkakaibigan nang marinig ang tinig ni Brittany na humahangos pang papalapit sa kanila. Naroon sila ngayon at nakatambay sa canteen dahil isang oras pa bago ang klase nila, pumasok lamang talaga sila ng maaga sapagkat sabi nga nito ay may good news daw ito sa kanila. "What now, Brit?" naka-angat ang isang kilay ni Bella nang tumingin dito. "Pinapasok mo kami ng maaga, pagkatapos ikaw ang late?" Ngunit nginitian lamang ito ni Brittanny. Sanay na sila sa isa't-isa. "Wait till you hear what i've got, Belle." inilibot nito ang tingin sa kanilang lahat at natigilan nang makitang kulang sila. "Where's Anicka?" "Sorry, i'm late." anang kadarating lang na dalaga. Isa-isa nitong nilapitan ang mga kaibigan at binigyan ng halik sa pisngi. "Ngayong kumpleto na tayo, spill the good news, Britt." sabi naman ni Chelsea.
Read more

Chapter 7

PAGPASOK ni Tyron sa silid niya ay agad siyang dumeretso sa cr.Kailangan niya ng cold shower. Upang kahit papaano ay humupa ang init na nararamdaman niya.Pakiramdam niya anumang sandali ay sasabog na lamang siyang bigla.Hindi niya akalain na ganoon pa rin ang epekto ni Anicka sa kanya.Hindi niya binalak na gawin iyon. Halik lamang ang balak niyang ibigay dito. Ngunit nang sandaling lumapat ang malambot na katawan nito sa kanya, ay nakalimot na siya. Katulad ng dati, kaya pa rin siya nitong baliwin sa lambot at bango ng katawan nito, na katulad ng dati ay malaya pa rin nitong ipinagkakaloob sa kanya.Bumalik sa ala-ala niya kung saan nagsimula ang lahat...  FLASHBACKPAGPASOK pa lamang ni Tyron sa loob ng campus ay narinig na niya ang usapan ng isang grupo ng mga fourth year students na nadaanan niya."Maging syota ko lang talaga yan, pare, kahit na isang araw lang, puwede na a
Read more

Chapter 8

NANG sumapit ang championship ay naroon nga si Anicka, kasama ang mga kaibigan nito upang manood ng laro, katulad ng ipinangako nito.Iyon nga lang, kasama rin ng mga ito si Albert.Natapos ang laro at nanalo na naman ang kanilang koponan. Gayon pa man, ay hindi siya nakaramdam ng lubos na kasiyahan. Ramdam ng puso niya ang pagkatalo.Nakita niyang akmang lalapit sana sa kanya si Anicka, ngunit minabuti niyang umiwas na lamang. Hindi rin naman niya alam ang sasabihin niya.Ngunit hindi niya inaasahang susundan siya nito sa locker room.Laking gulat niya nang marinig niya ang tinig nito habang nasa shower siya kaya't dali-dali niyang tinapos ang paliligo at kahit medyo basa pa ang katawan at tumutulo pa ang buhok ay lumabas na agad siya ng shower room. Para lamang makita ang nanlalaki nitong mga mata habang nakatingin sa mga ka-team mates niya.Agad siyang lumapit dito at tinakpan ang mga mata nito hinahatak papasok ng cubicle.Nang ma
Read more

Chapter 9

"TYRON, ano'ng ginagawa mo diyan?" gulat na bulalas ni Anicka, habang dali-daling binubuksan ang pinto sa terrace at pinapasok siya. Luminga-linga pa ito sa paligid, bago isinarang muli ang pinto at dali-daling tinakbo ang pinto ng silid nito, upang siguruhing naka-kandado iyon."Tyron, talaga? Mahal naman, eh, huwag ka nang magalit," malambing na sabi niya rito."Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na napaka-delikado ng ginawa mo? Kapag may nakakita sa'yo, hindi ko alam kung ano ang puwedeng mangyari," tuloy-tuloy na sita sa kanya ng kasintahan na hindi pinansin ang sinabi niya."Huwag kang mag-alala, mahal, dati ako'ng ninja!" sabi niya ritong may pilyong ngiti sa labi, sabay kindat."Puro ka kalokohan. Bakit ka ba kasi nandito?" anito sa tila naiinis na tinig, bago padarag na naupo sa gilid ng kama.Lumapit siya rito at paluhod na pumuwesto sa mismong harapan nito at hinawakan ang kamay ng kasintahan at deretsong tumingin sa m
Read more

Chapter 10

 CLAIRE (WORK)Nicks, ano'ng oras ka papasok? ANICKAWhy? Off ko ngayon. CLAIRE (WORK)Ah, gan'on ba? Sayang naman. ANICKABakit? CLAIRE (WORK)Usap-usapan na change management na raw tayo... may iba na raw nakabili ng WAAK. Malaki raw ang offer, kaya hindi nagdalawang isip si boss na ibenta... kahit daw tatlong WAAK puwedeng ipatayo sa laki ng offer. ANICKATalaga? Bakit kaya 'yong maliit na store natin ang napili niya, kung ganoon naman pala siyang kayaman? CLAIRE (WORK)Ewan. Bali-balita na ngayon daw ipapakilala iyong bagong may-ari. At balita ko, ang guwapo raw. Well, ayon lang naman kay Denise, ha. Nakita niya raw nung lumabas sa office
Read more
DMCA.com Protection Status