"TYRON, ano'ng ginagawa mo diyan?" gulat na bulalas ni Anicka, habang dali-daling binubuksan ang pinto sa terrace at pinapasok siya.
Luminga-linga pa ito sa paligid, bago isinarang muli ang pinto at dali-daling tinakbo ang pinto ng silid nito, upang siguruhing naka-kandado iyon.
"Tyron, talaga? Mahal naman, eh, huwag ka nang magalit," malambing na sabi niya rito.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na napaka-delikado ng ginawa mo? Kapag may nakakita sa'yo, hindi ko alam kung ano ang puwedeng mangyari," tuloy-tuloy na sita sa kanya ng kasintahan na hindi pinansin ang sinabi niya.
"Huwag kang mag-alala, mahal, dati ako'ng ninja!" sabi niya ritong may pilyong ngiti sa labi, sabay kindat.
"Puro ka kalokohan. Bakit ka ba kasi nandito?" anito sa tila naiinis na tinig, bago padarag na naupo sa gilid ng kama.
Lumapit siya rito at paluhod na pumuwesto sa mismong harapan nito at hinawakan ang kamay ng kasintahan at deretsong tumingin sa m
CLAIRE (WORK)Nicks, ano'ng oraska papasok?ANICKAWhy? Off ko ngayon.CLAIRE (WORK)Ah, gan'on ba?Sayang naman.ANICKABakit?CLAIRE (WORK)Usap-usapan na change management na raw tayo... may iba na raw nakabili ng WAAK. Malaki raw ang offer, kaya hindi nagdalawang isip si boss na ibenta... kahit daw tatlong WAAK puwedeng ipatayo sa laki ng offer.ANICKATalaga? Bakit kaya 'yong maliit na store natin ang napili niya, kung ganoon naman pala siyang kayaman?CLAIRE (WORK)Ewan. Bali-balita nangayon daw ipapakilalaiyong bagong may-ari.At balita ko, ang guwapo raw.Well, ayon lang namankay Denise, ha. Nakita niyaraw nung lumabas sa office
KASALUKUYANG kumakain si Anicka nang tumunog ang cellphone niya.Si Albert."Hi, baby. Sabay tayong mag-lunch." bungad agad nito pagsagot niya ng tawag.Bahagya siyang nangiwi sa sinabi nito."Ahm... nandito kami ngayon sa Trining's."Hindi niya alam kung magandang ideya ba na papuntahin niya roon si Albert lalo at kanina niya pa nararamdaman ang pailalim na tingin ni Tyron na tila binabantayan ang lahat ng kilos niya."Ahh... d'yan ka maglu-lunch?" tanong nitong muli."Baka dito na nga kami abutin ng lunch. Hindi yata magbubukas now ang WAAK, eh." sagot niya rito.Nang matapos ipakilala ni Mr. Santos si Tyron kanina ay umalis na rin agad ang binata. Ngunit nagbilin ito na magtungo silang lahat sa Trining's at nagpahanda umano ito ng makakain doon para sa kanilang lahat.Nais daw nito na nakapalagayang loob ang mga empleyado bago magsimula ng trabaho."Ahh... bakit? At ano naman ang ginagawa mo d'yan kung hindi na
TYRONWhere are you?ANICKAOn my way, Sir.TYRONYou're already late.ANICKAI'm sorry..TYRONMasyado ka bang pinagod niAlbert at hindi ka nagising ng maaga?Mariing naipikit ni Anicka ang mga mata.Heto na naman po sila.ANICKASir, please... kapag sinagotko 'yan, hindi ka namanmaniniwala, so what's the use? Sorry po kung na-late ako... hindi na po mauulit. Ibawas n'yo na lang po sa sahod ko.TYRONDamn you! I don't fuckingcare about your salary!ANICKAKapag sumagot ako, galit ka... kapag naman hindi ako sumagot, galit ka rin.TYRONDA
ANICKA'S POV"I'm so sorry, Albert..." nakayukong sabi niya.Nang ihatid siya ni Albert ng gabing iyon ay sinabi na niya rito na nagkabalikan na sila ni Tyron at hindi na siya maaaring magpakasal dito."Are you sure about this, Anicka? Well, I guess, wala na rin akong karapatang tawagin kang baby?" halos malasahan niya ang pait sa salita nito.Guiltily, she nodded, without looking at him."Tell me, how did it happen that fast?"I don't know... it just happened. Maybe, we really love each other that much." lalong hindi siya makatingin dito sa kasinungalingang sinabi niya.Mapait pa ring ngumiti ito."I'm sorry, too, Anicka... but I can't say, that i'm happy for you. It hurts, really. Akala ko may chance na tayo. After all these years, hindi mo ba talaga ako natutunang mahalin?" mahinang sabi nito na nakayuko ang ulo."I'm so sorry." iyon lang ang kaya niyang sabihin sa
PAGKAGISING ni Anicka kinabukasan, ay wala na si Tyron sa tabi niya. Ngunit may nakita siyang isang bungkos ng mga puting rosas, na nakapatong sa ibabaw ng nightstand niya. Agad siyang bumangon at may ngiti sa mga labing inabot niya iyon at sinamyo.Masakit pa ang buong katawan niya partikular na ang bahaging iyon, dahil sa nangyari sa kanila ni Tyron ng nagdaang gabi... technically, hanggang kaninang madaling araw. Tila hindi ito napapagod at nauubusan ng lakas. Kung hindi pa nagbubukang-liwayway na ay wala pa itong balak na magpahinga at patulugin siya.Mahal,Good morning... last night was really great. Thank you.I didn't wake you up... I know you're tired. You don't have to go to work today... just rest, okay?See you later.TyronNapangiti siya nang mabasa ang nakasulat sa kalakip nitong card.Pagtingin niya sa orasan ay alas diye
PAGDATING niya sa canteen ay inabutan niya ang inang tila hapong naka-upo sa tabi ng counter, masama raw ang pakiramdam nito."Dadalhin ko na po kayo sa ospital, Nay." agad niyang sabi rito.Iwinasiwas lang nito ang kamay. "Sus, para kang si Bench. Nahapo lang ako at naparami ang luto ko. May paluto kasing kare-kare si Mrs. de Guzman, eh, sayang din naman kaya tinanggap ko.""Nanay naman, eh. Sabi ko naman sa inyo huwag kayong masyadong nagpapagod, eh." tila nakukunsuming sermon niya sa ina. "Isara n'yo na lang kaya itong canteen. Nay, kaya ko naman po kayong buhayin kahit wala itong canteen.""Heh!" anitong pinandilatan siya ng mga mata. "At ano'ng gusto mong gawin ko? Maghilata lang sa bahay? Naku, anak, mas lalo akong manghihina kapag wala akong ginagawa.""Kaysa naman po ganyan," nag-aalala pa ring sabi niya."Huwag kang mag-alala, anak, hindi na ulit ako tatanggap ng ekstrang paluto. Ito na lang talagang canteen ang aasikasuhin ko. Nari
TYRONWHERE are you?Damn it, Anicka, lagi na lang bang ganito ang bungad text ko sa'yo? Lagi na lang kitang hinahanap!ANICKANasa WAAK na ako, bakit ba?TYRONHindi ba sabi ko sa iyo kaninang umaga, babalik ako? Maliligo lang ako at magbibihis.ANICKANakalimutan ko.TYRONNakalimutan, o, kinalimutan? Magkaiba 'yon!Anicka...ANICKAOh?TYRONBakit hindi ka na sumagot?ANICKAAyokong makipag-away, ang aga-aga.TYRONKung hinintay mo ako, wala sanang problema!ANICKABakit ba kasi kailangang sabay pa tayong pumasok?TYRON
PANAY ang pag-agos ng mga luha ni Anicka habang binabasa ang mga text sa kanya ni Tyron.Alam niya naman na hindi niya ito matatakasan. Gusto lamang sana niyang ipahinga ang sarili sa sakit na dulot nito.Ngunit mukhang sa tindi ng galit sa kanya ng binata ay wala itong balak na bigyan siya ng kahit na kaunting konsiderasyon.ANICKATyron, please, huwag ngayon.TYRONNo! Mag-uusap tayo, ngayon! Nasaan ka ba?ANICKANandito lang ako sa loob ng mansyon.Wala nang nagawang sagot niya sa mensahe nito.TYRONNandito ako sa labas... walang tao sa mansyon.ANICKAPumasok ka na.TYRONBuksan mo ang pinto.TYRON'
NANG magising si Anicka ay mag-isa na lamang siya sa silid. Bahagya pa siyang napaisip kung panaginip lamang ba ang lahat ng nangyari kagabi. Ngunit hindi, imposible, bukod pa sa hubad siya sa ilalim ng kumot.Inabot niya ang unang ginamit ni Tyron at niyakap. Nakakapit pa rin doon ang swabeng amoy ng cologne nito na humalo sa natural na amoy ng binata. Napapikit pa siya at hinayaang ipaghele siya nang mabagong amoy na iyon.Nang lumipas na ang antok ay iinot-inot na bumangon na siya.Nasaan kaya ang kasintahan? Ibinalabal niya ang kumot sa katawan at papasok na sana sa cr nang mapansin niya ang isang malaking kahon na nakapatong sa mesita. Kunot-noong nilapitan niya iyon.Napangiti siya nang masilayan ang isang magandang puting bestida, mayroon din niyong tila korona na gawa sa iba't ibang uri at kulay ng bulaklak. Napapikit pa siya nang samyuin ang bango niyon.Sa ibabaw ng damit ay may nakalagay na note, alam niyang sulat kam
"IS THAT Rachel? At kaya ayaw mong buksan ay dahil malalaman niyang nandito ako?" tanong ni Anicka sa binata sa malamig na tinig. Tila may malaking kamay na pumiga sa puso niya sa naisip.Awtomatiko ang pagkunot ng noo ni Tyron sa sinabi niya. "Of course, not." mabilis nitong sagot. "Rachel's in New York now, and she'll be staying there for good.""Kaya ba nandito ka na naman sa akin, dahil nandoon na naman siya. Ano'ng plano mo? Doon mo ititira ang pamilya mo habang kinakasama mo ako dito?" mapait siyang ngumiti. "Please, Tyron, spare me. Kung ginusto kong maging kabit, eh, di sana pumayag na lang ako sa gusto ni Mr. Montelibano. Hindi sana ako nasasaktan ngayon." aniyang pinangingiliran na ng mga luha.Agad niyang nakita ang pagtatagis ng mga bagang ni Tyron sa sinabi niya."Will you stop that?! Kaya nagkaka-loko-loko ang buhay natin, eh! Dahil diyan sa kung anu-anong iniisip mo!" inis na singhal nito sa kanya.Tila wala itong
KANINA pa naiinis si Tyron. Panay ang papungay ng mga mata sa kanya ng katabi niya. Kung dumating ang katulad nito noong mga panahong nasa New York siya at hindi pa sila nagkakabalikan ni Anicka, ay baka pinatulan niya pa ito. Ngunit sa ngayon ay sarado ang puso at mga mata niya para lamang sa iisang babae.Ang kailangan lamang niyang gawin ay hanapin ang babaeng iyon at patunayan dito kung gaano niya ito kamahal."Tyron, gusto mo ba subuan kita nitong mangga para hindi ka antukin? Ang aga kasi ng bihaye natin, eh." maarteng sabi ni Coleen habang bumibiyahe sila. Ito ang kapatid ng kaibigan ni Bench na kanina pa panay ang papungay ng mga mata sa kanya."No, thanks. Wala pang laman ang sikmura ko, baka mangasim sa mangga." aniya at pilit itong nginitian."Ah, okay. Just tell me, if you need something, ha. Nakakahiya naman sa'yo, ikaw pa ang nahilang driver namin. Pasensya ka na, ha, wala kasing ibang mahanap, eh." daldal pa rin nito.
"HI, ANICKA... kumusta?" agad na nagsalubong ang mga kilay niya nang makilala niya ito."Lander... mabuti naman." sabi niyang muling ibinalik ang tingin sa ginagawa.Matalik itong kaibigan ni Lance. Dalawang araw na ang nakararaan nang dumating ito sa resort at nais daw magbakasyon. Naibulong sa kanya ni Chelsea na may pinagtataguan daw itong babae sa Maynila kaya ito naroon sa resort.Mula nang ipakilala siya ni Chelsea rito ay hindi na siya nito tinantanan. Palagi na itong nakabuntot sa kanya. At bigla na lamang sumusulpot sa harapan niya, katulad na lamang ngayon.Kung hanggat maaari ay iniiwasan niya ito. Hindi man ito magsalita ay alam niya kung ano ang pakay nito sa kanya. At hindi pa siya handa para d'on."Wanna have dinner with me?" anitong binigyan siya ng nakakatunaw na ngiti at tingin, na kung ibang babae lamang siya ay tiyak na mapapapayag siya nito saan man siya nito nais na dalhin.Ngunit hindi siya iban
FLORENCIO RESORTIYON ang nabasa ni Anicka sa malaking arko pagbaba niya pa lamang ng taxi.Ito na siguro ang resort na pag-aari ng asawa ni Chelsea. Muli niyang tiningnan ang hawak na calling card ng kaibigan at binasa ang nakasulat na pangalan.Chelsea O. FlorencioHuminga muna siya ng malalim at bitbit ang hindi kalakihang maleta ay lumakad siya papalapit sa gate upang magtanong sa naroong security guard."Magandang umaga ho, manong guard, hinahanap ko po si Chelsea..." magalang na sabi niya rito.Magalang din naman itong ngumiti sa kanya. "Magandang umaga din po, Ma'am. Ano pa ang pangalan n'yo?" balik-tanong nito sa magalang ding paraan."Anicka Escudero po..."Sukat ay nagliwanag ang mukha ng gwardiya. "Ah, opo, itinawag na po kayo ni Ma'am Chelsea. Darating nga raw po kayo. Halika po kayo at sasamahan ko po kayo sa White House." anito na tinapik muna sa balikat ang isa pan
Mahal, I'm so sorry, Mahal. God knows, how much I wanted to fight for you... for us. For our love. Pero paano tayo lalaban kung mayroong isang inosenteng buhay na tayong madadamay? Kung sa ibang babae lang, ipaglalaban kita... ipaglalaban ko ang pag-ibig natin. But I can't do the same to your child. I love you. Love you enough, to set you free. Ayokong mahirapan kang mamili sa pagitan namin ng anak mo. I Love You, Mahal... nevet forget that. I'm so sorry.AnickaNANLULUMONG muling binasa ni Tyron ang sulat na hawak pa rin niya at bahagya nang nalukot dahil sa pagkuyom ng kanyang kamao.
ANGIE (work)Sir, I already got you an appointment with a Gynecologist, tomorrow.. 9 o'clock am. at St. Lukes Just look for Dra. Lara Legaspi TYRONThank you, Angie. ANICKA'S POVNANG pakiramdam ni Anicka ay naubos na ang luha niya sa kai-iyak ay bumangon na siya.Nakapag-pasya na siya.Kailangan na niyang lisanin ang masyon. Tama si Rachel. Kung totoo ngang pag-aari na ni Tyron ang mansyon ay mas may karapatan ang magiging anak nito kaysa sa kanya.Agad siyang naglagay ng ilang damit at gamit sa maleta at itinago iyon sa ilalim ng kama pagkatapos.Hindi niya pa alam kung saan siya pupunta. Isa lang ang alam niya. Kailangan niyang makalayo kay Tyron. Ayaw na niyang pahirapan pa ito sa pamimili sa pagitan niya at ng anak nito.Pagkatapos mag-empake ay dumeretso siya sa kusina at nagluto ng maaari nilang kainin ni Tyro
LINGGO. Rest day ni Anicka kaya't mas pinili niya na lamang manatili sa bahay at maglinis dahil wala naman siyang maisip na puntahan. Hindi niya alam kung darating ba si Tyron sapagkat wala naman silang usapan. Ang alam niya ay sinamahan nito ang ina kanina umaga upang mamili ng mga kakailanganin para sa canteen ng ina nito.Pagakatapos niyang maglinis ng bahay ay naligo na siya at nahiga na lamang. Sa kawalan ng gagawin ay naisip niyang magbasa na lamang ng pocketbook upang magpaantok.Nang tumunog ang cellphone niya ay hindi tinitingnan pakapa niya lamang iyong kinuha sa nightstand. Sinulyapan niya muna ang screen niyon at napangiti siya nang makita ang pangalan ng kasintahan. Agad niya iyong sinagot."Hi, Mahal..." nakangiting bati niya rito." Hi, anong ginagawa mo?" anito sa malambing na tinig."Nagbabasa ng pocketbook." sagot niya bagaman binitiwan na ang libro at umayos ng pwesto para maging komportable sa alam niyang mahaba-haba
"YOU'RE WHAT???!!!!" nag-echo sa buong kabahayan ang sigaw niyang iyon.Nang sabihin pa lang sa kanya ng ina na naghihintay sa kanya si Rachel ay kinabahan na agad siya.Alam niyang gulo na naman ang dala nito. Ngunit hindi niya akalain na ganito kalaking gulo pala.Ngayon pang mabuti na ang takbo ng relasyon nila ni Anicka. Saka naman ito darating at sasabihing buntis siya."You heard me right, babe. I'm pregnant. With our child." buong tamis ang pagkakangiti nito nang sabihin iyon."That's not mine, damn you!" naniningkit ang mga matang sigaw niya."How can you say that? We made love... countless of times." anitong umarte pang tila nasaktan sa sinabi niya."How could it be possible? It's been months since the last time we had SEX? Damn you, Rachel! Huwag mong ipaako sa akin ang kalat ng iba!" aniyang ipinagdiinan ang salitang SEX dito.It's just Anicka, he was, and he will making love with.