PAGKAALIS ng kahuli-hulihang nakipag-libing ay napabuntong-hininga na lamang si Anicka.
Ano nang gagawin niya ngayon?Nag-iisa na lamang siya.Nakita niya ang ama sa loob ng kwarto nito na wala nang buhay.Nagbaril ito sa sarili.Ayon sa iniwan nitong sulat ay humihingi ito ng tawad sa kanya.Hindi pa malinaw kung bakit.Nang maalala ang ama ay muling pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata.Bakit nagawa iyon ng ama?Kung may problema, o, kung may nagawa ito ay maaari naman nila iyong pag-usapan.Bakit kailangang kitlin nito ang sarili nitong buhay? Sa dami ng mga pinag-daanan nila ay ngayon pa ba ito susuko?Ama niya ito.Ito na lamang ang natitira sa kanya. Hindi maaaring hindi niya ito mapatawad.Napabuntong-hiningang lumabas na lamang siya ng sementeryo at nagpasya nang umuwi.Pagdating niya sa bahay ay may magarang kotseng nakaparada sa tapat ng bahay nila.Kunot-noong binuksan niya ang gate at pumasok.Muling nag-init ang kanyang mga mata nang mapatingin sa mansyon.Nag-iisa na lamang siya sa napakalaking mansyon na ito.Iniisip niyang ibenta na lamang ito at bumili ng mas maliit na bahay. Hindi naman niya kailangan ng ganito kalaking tirahan. Napakalaki nito para sa kanya, paglilinis pa lamang nito ay kukulangin na ang dalawang araw niya. Hindi naman na niya kayang kumuha ng katulong. Praktikal lamang na ibenta na lamang niya ito.Ang ama na lamang niya naman ang dahilan kung bakit doon pa rin sila nakatira. Hindi nito matanggap na wala na sa kanila ang lahat. Ayon dito ay darating din daw ang araw na mababawi nila ang lahat ng nawala sa kanila.Sumubok pa rin itong magtayo ng negosyo ngunit nabigo lamang ito.Wala nang gustong magtiwala rito dahil sa mga nangyari. Malaking kawalan dito ang pagkawala nito sa pwesto.Kung siya ang tatanungin ay nasanay na rin naman siya sa sitwasyon nila. Hindi na hinahanap ng katawan niya ang masarap na buhay. Natuto na siyang magbanat ng buto upang tustusan ang sariling pangangailangan.Isa lamang ang pinanghihinayangan niya sa mga nangyari, ang pagkawala ng ina.Masyado itong naging mataas at materyosa, kaya't hindi nito kinaya ang pagkawala ng lahat. Gayundin ang panlilibak ng mga tao, kaya't inatake ito sa puso.Naiiling na lamang siya nang maalala niya na naman ang mga magulang.Kung sana ay natuto na lamang na tanggapin ng mga ito ang kinahinatnan ng buhay nila, disin sana ay buo pa ang pamilya nila.Hindi na siya nagtaka nang bumaba ang may-ari ng sasakyan at sumunod sa kanya.Isa ito marahil sa mga pinagkaka-utangan ng kanyang ama.Sa tantiya niya ay nasa edad kuwarenta hanggang kuwareta y singko ang lalaki.May hitsura din naman ito. Ngunit base sa ngiti nito ay nararamdaman niyang hindi magandang balita ang dala nito."Ah... magandang hapon sa iyo, Anicka," magalang at nakangiting bati nito sa kanya."M-magandang hapon din po...--" sadya niyang ibinitin ang salita sapagkat hindi niya kilala ang lalaki."Lorenzo... Lorenzo Montelibano." dugtong naman nito sabay lahad ng kamay sa kanya.Dala ng kagandahang asal ay tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.Na tumagal kaysa sa nararapat, sapagkat hindi nito agad binitiwan ang kamay niya.Nahihiyang bahagya niyang hinatak ang kamay niya na tila ayaw na nitong bitiwan."Hrmp... maaari na ba akong pumasok at nang mapag-usapan na natin ang dahilan ng pagparito ko?" medyo napahiya nitong sabi."Ahm..." litong lumingon siya sa loob ng bahay at muling bumaling ang tingin dito.Hindi niya alam kung papapasukin ba ito o hindi. Hindi niya ito kilala kaya't bahagya siyang nag-dalawang isip."Huwag kang mag-alala, kilala ko ang ama mo," anito nang tila ay nabasa ang nasa isip niya.Wala sa loob na napatango na lamang siya sa sinabi nito at pinapasok ito sa loob ng bahay.Nanlaki ang mga mata niya at literal na bumuka ang labi nang umpisahan na nito ang dahilan kung bakit ito naroon."No...! Hindi totoo iyan! Hindi magagawa sa akin ng Papa iyan!" umiiling at nanlalaki pa rin ang mga matang sabi niya.Unti-unti nang nanunubig ang mga mata niya."Narito ang lahat ng kasulatan na magpapatunay sa pagkaka-utang ng ama mo. At may pirma niya rin ito. Maaari mong ipasuri, kung nais mo. Kasama ang kasulatan na kung hindi siya makakabayad ng halagang dalawang milyon, ay ikaw ang magiging kabayaran sa pagkaka-utang na iyon." pormal at malupit na saad nito.Doon na tuluyang pumatak ang mga luha niya.Paano nagawa ito sa kanya ng ama?Naalala niya ang sulat na iniwan nito.Ito ba ang dahilan kung bakit humihingi ito ng tawad sa kanya?Ito rin ba ang dahilan kung bakit mas ninais na lamang nitong kitlin ang sariling buhay, kaysa makita nito ang resulta ng ginawa nito?"Oh, Papa... what have you done?" tangis niya sa isip niya.Ngunit hindi ito ang oras ng kahinaan. Kailangan niyang magpakatatag.Pinahid niya ang mga luha at taas-noong humarap dito."Kung ganon ay kailangan kong magpakasal sa iyo, upang mabayaran ko ang pagkaka-utang ni Papa?" gusto niyang batiin ang sarili sapagkat nasabi niya iyon ng deretso at hindi pumipiyok.Bahagyang natawa si Mr. Montelibano sa sinabi niya na ikinakunot ng noo niya."Don't get me wrong, hija. Gusto kita..." anitong hinagod pa siya ng malisyosong tingin, medyo nagtagal ang tingin nito sa dibdib niya na ikinapula ng mukha niya. "Pero hindi sapat na dahilan para pakasalan kita. May pamilya na ako." deretsong sagot nito na muling ikinapanlaki ng mga mata niya.IBIG mong sabihin, gagawin mo akong kept woman? Nasisiraan ka na ba? Hindi ako ganoong klaseng babae!" medyo tumaas ang boses niya at napatayo nang sabihin iyon.
"Relax. Hindi mo naman kailangang mag-react ng ganyan. Kung hindi mo gusto, ay wala naman akong balak na pilitin ka. Ngunit kinakailangan mong bayaran ang halaga ng pagkaka-utang ng ama mo. At sa lalong madaling panahon." tila balewalang sabi nito at nagkibit pa ng balikat."Ang bahay na ito. Tama. Ibebenta ko ang bahay na ito, at may pambayad na ako sa iyo. Mahigit pa sa dalawang milyon ang halaga nito." nabuhayan siya ng loob sa naisip.Hindi biro ang halaga ng mansyon nila. Mababayaran na niya si Mr. Montelibano, ay tiyak na may matitira pa rin sa kanya upang gamitin sa pagbabagong-buhay.Nakangising naiiling si Mr. Montelibano sa sinabi niya."Kung ganoon ay wala ka pang alam?"Muli ay nangunot ang noo niya rito."Hindi na ninyo pag-aari ang mansyon na ito. Nauna pa itong naisangla, bago pa man nangutang sa akin ang ama mo."Muli ay nangilid ang mga luha niya sa nalaman.Ngunit sa pagkakataong iyon ay pinigilan niya iyong pumatak."Hanggang kailan ang palugit ko?" matatag at taas noo niyang tanong."Hanggang sa katapusan ng buwan.""Kung gayon ay makaka-alis ka na. Bumalik ka na lamang dito sa katapusan ng buwan." taas noo pa rin niyang sabi.Hindi siya si Anicka Tiffany Escudero para lamang sa wala.Nawala man ang lahat sa kanya ay dugong Escudero pa rin ang nananalaytay sa ugat niya.Hindi siya magpapasindak sa taong ito.May tatlong linggo pa siyang natitirang palugit.Makakahanap siya ng paraan bago matapos ang nakatakdang oras.Hindi siya papayag na maging kabit at babuyin ng taong ito.Tumigas ang ekspresyon ng mukha niya sa naisip."At sa paanong paraan naman ikaw sa tingin mo makakabayad sa akin?" hamon pa rin nito."Hindi mo na problema iyon. Basta ang gusto ko, huwag ka na munang magpapakita sa akin, hanggang sa sumapit ang takdang panahon. Makakaalis ka na." taas noo pa ring taboy niya rito."Kung ganon ay magkita na lamang tayo sa katapusan ng buwan." inis na sabi nito at tumayo na.Nang makaalis ang panauhin ay saka lamang nanghihinang napa-upo si Anicka sa naroong sofa.Ano na ngayon ang gagawin niya?Pati pala ang mansyon na ito ay hindi na rin sa kanya.Saan siya magsisimula?Idagdag pa ang problemang hatid ni Mr. Montelibano."Oh God, Papa. How could you do this to me? Bakit mo nagawang i-collateral ako sa pagkaka-utang mo? Iningatan mo ba ako buong buhay ko para pakinabangan, pagdating ng panahon? This is so unfair..." umiiyak na kausap niya sa larawan ng amang nakasabit sa pader ng mansyon."HI, baby. How are you?" bungad sa kanya ni Albert nang sagutin niya ang tawag nito.
Kasalukuyan siyang nagliligpit ng mga gamit ng ama.
"I'm fine." sagot niya habang kipit sa tainga at balikatang cellphone.
"What are you doing? Do you want me to come over?"
Mula nang mawala ang lahat ng mayroon sila, kasama pati mga kaibigan niya at amag-anak na noon ay kulang na lang halikan ang lupang dinaanan nila, si Albert na lamang ang tanging natira sa kanya. Ito lamang ang hindi siya iniwan at nanatili sa tabi niya.
"No thanks, Albert. Nagliligpit ako ng mga gamit ni Papa."
"Ahh... kumain ka na ba?"
"Tatapusin ko muna 'to, tapos kakain na rin ako."
"Yan ang sinasabi ko sa iyo, eh... huwag kang nagpapalipas ng gutom,"
"I'm on my way, dadalhan kita ng food."
"Albert, okay lang talaga ako." naiiling na sabi niya rito.
"I insist, okay? Hintayin mo ako diyan." pamimilit pa rin ng binata.
"Bahala ka na nga." wala nang nagawang pahinuhod na lamang niya. "Hindi ko naman ini-lock 'yung pinto, pumasok ka na lang."
"Kita mo yan, tsk. Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado ang panahon ngayon?" himig-sermon nito sa kanya. "Hindi mo dapat iniiwang bukas ang pinto."
"Hay nako, nanermon ka na naman." aniyang ipinaikot pa ang mga mata. "Nasa San Martin ako, baka nakakalimutan mo. Halos magkakakilala ang mga tao rito. Wala naman sigurong magtatangka ng masama sa akin dito."
"Kahit na, iba pa rin ang nag-iingat."
"Hay nako, tama na nga sermon. Pumunta ka na rito."
"Okay. Wait for me."
Mag-iingat ka ha..."
"Sure, baby, para sa iyo."
NANG dumating si Albert ay tila nakahanap siya ng kakampi sa katauhan nito. Ng kaibigan na mapag-hihingahan ng lahat ng bigat na dinadala niya.
"I'm willing to help." agad na sabi nito.
"Paano? Pahihiramin mo rin ako ng pera?" she smiled wearily. "Paano ko naman mababayaran iyon, aber?"
"Saka mo na isipin iyon," naiiling na bumuntong-hininga ito. "At least, hindi ako kasing manyak ng taong iyon. Or kung sa akin, at least, puwede kitang pakasalan, para matapos nang lahat ng problema mo."
Napapasentido siya sa sinasabi nito. Pakiramdam niya lalo lamang niyong palalalain ang problema niya.
"Albert, please. Lalo lang lalaki ang problema."
"Mahirap ba talaga para sa iyo na mahalin ako?" naroon ang lungkot sa mata nito anumang pilit nitong itago iyon. "High school pa lang tayo, sinabi ko na sa iyo na mahal kita. Nawala man sa iyo ang lahat, nandito pa rin ako... ano pa ba ang kailangan kong gawin para patunayang mahal kita at nakahanda akong akuin lahat ng bigat na dinadala mo?" halos ay nagsusumamo na ang tinig nito. "Bigyan mo lang ako ng pagkakataon..."
"I'm sorry Albert, napag-usapan na natin ito." awang-awa siya sa kaibigan ngunit ito ang pinakatama niyang maaaring gawin. "Ayokong madamay ka sa gulo ng buhay ko."
"Please, Anicka, hayaan mong damayan kita," pilit pa rin nito. "Sige, babayaran ko ang pagkakautang ng Papa mo, pero hindi ako manghihingi ng kahit na anong kapalit. Ayoko lang na mapahamak ka sa kamay ng manyakis na iyon."
Humugot siya ng malalim na paghinga.
"Pag-iisipan ko iyan, Albert... sa ngayon ay may kulang tatlong linggo pa ako para gumawa ng paraan. Kapag natapos ang palugit ko at wala pa rin akong nakuha, tatanggapin ko ang alok mo.
Inipon niya ang lahat ng natitirang tatag niya at tumingin sa mga mata nito.
"Kasabay ng pagtanggap ko ng perang iyon... PAKAKASALAN KITA."
"Fair enough."
Alam niyang iyon ang pinakatamang desisyon na maaari niyang magawa sa mga oras na iyon. Hindi niya idadamay si Albert sa mga problema niya.
Sa ngayon ay tama na munang nariyan ito bilang kaibigan.
"GOOD MORNING, baby." bungad agad ni Albert pagsagot niya sa telepono."Morning." nakangiti niyang sagot dito."Ano'ng ginagawa mo?""Heto, nag-aayos papunta sa work."Ha? Work agad? Okay ka na ba?" naroon ng pag-aalala sa tinig nito.Humugot siya ng malalim na hininga. "I should be. Isang linggo na akong hindi pumapasok dahil sa burol ni Papa, kung hindi pa ako papasok, baka wala na akong trabahong balikan.""Pero baby, kailangan mo pa ng konting pahinga.""Okay lang ako, hindi ko pwedeng pabayaan ang trabaho ko. Hindi ko pwedeng pabayaan ang tabaho ko.""Kung pinakakasalan mo na ba kasi ako, e di wala ka nang problema."Isa pa uling buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Albert, napag-usapan na natin 'yan."Alam ko, kaya lang bakit mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Nakahanda naman akong alagaan ka.""Please, saka na natin pag-usapan 'yan."Sige na nga. sunduin na lang kita diyan, hatid kita
KANINA pa wala sa sarili si Anicka. Hanggang sa mga oras na iyon ay naiisip niya pa rin si Tyron.Parang nararamdaman niya pa rin ang talim ng mga titig nito sa kanya kanina.Sigurado siyang nakita nito ang ginawang paghalik sa kanya ni Albert.Ano kaya ang iniisip nito sa nakita?At bakit parang galit ito sa talim ng titig nito sa kanya?Posible kayang...--?"Hays! Erase, erase, erase!" mahina niyang sabi na inihilamos ang kamay sa mukha. "Huwag mo na siyang isipin, Anicka. Mas marami kang bagay na mas dapat isipin kaysa sa kanya." kausap niya sa sarili habang pinapaypayan ang sarili gamit ang mga kamay at huminga ng malalim.Pagdating ng lunch time ay may problema na naman si Anicka.Wala siyang baong lunch!Tanghali na kasi siyang nagising kanina kaya't hindi na siya nagluto ng babaunin.Sa isip niya ay kakainin na lamang siya sa canteen sa tapat.Sa kabila naman kasi ng nangyari sa nakaraan ay maganda n
"OKAY ka lang?" tanong ni Albert na kung ilang beses na yata nitong inulit."Huh...? Of course." ilang beses niya na ring sagot.Kanina pa siya wala sa sarili.Hindi niya sinunod ang sinabi ni Tyron na kanselahin ang dinner nila ni Albert.Narito siya ngayon at kumakain ng hapunan kasama ang binata, ngunit wala naman dito ang isip niya."Hah... sino ba siya sa akala niya?" maka-ilang ulit niyang kausap sa sarili.Maaaring may nagawa siyang kasalanan dito, ngunit wala itong karapatang mandohan siya.Kung may nagawa man siyang kasalanan sa nakalipas, ay ginawa niya iyon para din dito."Baby, are you sure, you're okay?" tanong muli ni Albert."Okay lang nga ako, ano ka ba? Napagod lang siguro ako, ang daming tao kanina. Malapit na kasi ang pasukan, eh." sagot niya ritong nag-iwas ng tingin.Bumuntong-hininga muna si Albert bago nagsalita."I saw him. He's back. Siya ba ang dahilan, kung bakit kanina ka pa bali
FLASHBACK "MGA Sissies..." Tila iisang tao na nag-angat ng mga ulo ang magkakaibigan nang marinig ang tinig ni Brittany na humahangos pang papalapit sa kanila. Naroon sila ngayon at nakatambay sa canteen dahil isang oras pa bago ang klase nila, pumasok lamang talaga sila ng maaga sapagkat sabi nga nito ay may good news daw ito sa kanila. "What now, Brit?" naka-angat ang isang kilay ni Bella nang tumingin dito. "Pinapasok mo kami ng maaga, pagkatapos ikaw ang late?" Ngunit nginitian lamang ito ni Brittanny. Sanay na sila sa isa't-isa. "Wait till you hear what i've got, Belle." inilibot nito ang tingin sa kanilang lahat at natigilan nang makitang kulang sila. "Where's Anicka?" "Sorry, i'm late." anang kadarating lang na dalaga. Isa-isa nitong nilapitan ang mga kaibigan at binigyan ng halik sa pisngi. "Ngayong kumpleto na tayo, spill the good news, Britt." sabi naman ni Chelsea.
PAGPASOK ni Tyron sa silid niya ay agad siyang dumeretso sa cr.Kailangan niya ng cold shower. Upang kahit papaano ay humupa ang init na nararamdaman niya.Pakiramdam niya anumang sandali ay sasabog na lamang siyang bigla.Hindi niya akalain na ganoon pa rin ang epekto ni Anicka sa kanya.Hindi niya binalak na gawin iyon. Halik lamang ang balak niyang ibigay dito. Ngunit nang sandaling lumapat ang malambot na katawan nito sa kanya, ay nakalimot na siya. Katulad ng dati, kaya pa rin siya nitong baliwin sa lambot at bango ng katawan nito, na katulad ng dati ay malaya pa rin nitong ipinagkakaloob sa kanya.Bumalik sa ala-ala niya kung saan nagsimula ang lahat...FLASHBACKPAGPASOK pa lamang ni Tyron sa loob ng campus ay narinig na niya ang usapan ng isang grupo ng mga fourth year students na nadaanan niya."Maging syota ko lang talaga yan, pare, kahit na isang araw lang, puwede na a
NANG sumapit ang championship ay naroon nga si Anicka, kasama ang mga kaibigan nito upang manood ng laro, katulad ng ipinangako nito.Iyon nga lang, kasama rin ng mga ito si Albert.Natapos ang laro at nanalo na naman ang kanilang koponan. Gayon pa man, ay hindi siya nakaramdam ng lubos na kasiyahan. Ramdam ng puso niya ang pagkatalo.Nakita niyang akmang lalapit sana sa kanya si Anicka, ngunit minabuti niyang umiwas na lamang. Hindi rin naman niya alam ang sasabihin niya.Ngunit hindi niya inaasahang susundan siya nito sa locker room.Laking gulat niya nang marinig niya ang tinig nito habang nasa shower siya kaya't dali-dali niyang tinapos ang paliligo at kahit medyo basa pa ang katawan at tumutulo pa ang buhok ay lumabas na agad siya ng shower room. Para lamang makita ang nanlalaki nitong mga mata habang nakatingin sa mga ka-team mates niya.Agad siyang lumapit dito at tinakpan ang mga mata nito hinahatak papasok ng cubicle.Nang ma
"TYRON, ano'ng ginagawa mo diyan?" gulat na bulalas ni Anicka, habang dali-daling binubuksan ang pinto sa terrace at pinapasok siya.Luminga-linga pa ito sa paligid, bago isinarang muli ang pinto at dali-daling tinakbo ang pinto ng silid nito, upang siguruhing naka-kandado iyon."Tyron, talaga? Mahal naman, eh, huwag ka nang magalit," malambing na sabi niya rito."Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na napaka-delikado ng ginawa mo? Kapag may nakakita sa'yo, hindi ko alam kung ano ang puwedeng mangyari," tuloy-tuloy na sita sa kanya ng kasintahan na hindi pinansin ang sinabi niya."Huwag kang mag-alala, mahal, dati ako'ng ninja!" sabi niya ritong may pilyong ngiti sa labi, sabay kindat."Puro ka kalokohan. Bakit ka ba kasi nandito?" anito sa tila naiinis na tinig, bago padarag na naupo sa gilid ng kama.Lumapit siya rito at paluhod na pumuwesto sa mismong harapan nito at hinawakan ang kamay ng kasintahan at deretsong tumingin sa m
CLAIRE (WORK)Nicks, ano'ng oraska papasok?ANICKAWhy? Off ko ngayon.CLAIRE (WORK)Ah, gan'on ba?Sayang naman.ANICKABakit?CLAIRE (WORK)Usap-usapan na change management na raw tayo... may iba na raw nakabili ng WAAK. Malaki raw ang offer, kaya hindi nagdalawang isip si boss na ibenta... kahit daw tatlong WAAK puwedeng ipatayo sa laki ng offer.ANICKATalaga? Bakit kaya 'yong maliit na store natin ang napili niya, kung ganoon naman pala siyang kayaman?CLAIRE (WORK)Ewan. Bali-balita nangayon daw ipapakilalaiyong bagong may-ari.At balita ko, ang guwapo raw.Well, ayon lang namankay Denise, ha. Nakita niyaraw nung lumabas sa office
NANG magising si Anicka ay mag-isa na lamang siya sa silid. Bahagya pa siyang napaisip kung panaginip lamang ba ang lahat ng nangyari kagabi. Ngunit hindi, imposible, bukod pa sa hubad siya sa ilalim ng kumot.Inabot niya ang unang ginamit ni Tyron at niyakap. Nakakapit pa rin doon ang swabeng amoy ng cologne nito na humalo sa natural na amoy ng binata. Napapikit pa siya at hinayaang ipaghele siya nang mabagong amoy na iyon.Nang lumipas na ang antok ay iinot-inot na bumangon na siya.Nasaan kaya ang kasintahan? Ibinalabal niya ang kumot sa katawan at papasok na sana sa cr nang mapansin niya ang isang malaking kahon na nakapatong sa mesita. Kunot-noong nilapitan niya iyon.Napangiti siya nang masilayan ang isang magandang puting bestida, mayroon din niyong tila korona na gawa sa iba't ibang uri at kulay ng bulaklak. Napapikit pa siya nang samyuin ang bango niyon.Sa ibabaw ng damit ay may nakalagay na note, alam niyang sulat kam
"IS THAT Rachel? At kaya ayaw mong buksan ay dahil malalaman niyang nandito ako?" tanong ni Anicka sa binata sa malamig na tinig. Tila may malaking kamay na pumiga sa puso niya sa naisip.Awtomatiko ang pagkunot ng noo ni Tyron sa sinabi niya. "Of course, not." mabilis nitong sagot. "Rachel's in New York now, and she'll be staying there for good.""Kaya ba nandito ka na naman sa akin, dahil nandoon na naman siya. Ano'ng plano mo? Doon mo ititira ang pamilya mo habang kinakasama mo ako dito?" mapait siyang ngumiti. "Please, Tyron, spare me. Kung ginusto kong maging kabit, eh, di sana pumayag na lang ako sa gusto ni Mr. Montelibano. Hindi sana ako nasasaktan ngayon." aniyang pinangingiliran na ng mga luha.Agad niyang nakita ang pagtatagis ng mga bagang ni Tyron sa sinabi niya."Will you stop that?! Kaya nagkaka-loko-loko ang buhay natin, eh! Dahil diyan sa kung anu-anong iniisip mo!" inis na singhal nito sa kanya.Tila wala itong
KANINA pa naiinis si Tyron. Panay ang papungay ng mga mata sa kanya ng katabi niya. Kung dumating ang katulad nito noong mga panahong nasa New York siya at hindi pa sila nagkakabalikan ni Anicka, ay baka pinatulan niya pa ito. Ngunit sa ngayon ay sarado ang puso at mga mata niya para lamang sa iisang babae.Ang kailangan lamang niyang gawin ay hanapin ang babaeng iyon at patunayan dito kung gaano niya ito kamahal."Tyron, gusto mo ba subuan kita nitong mangga para hindi ka antukin? Ang aga kasi ng bihaye natin, eh." maarteng sabi ni Coleen habang bumibiyahe sila. Ito ang kapatid ng kaibigan ni Bench na kanina pa panay ang papungay ng mga mata sa kanya."No, thanks. Wala pang laman ang sikmura ko, baka mangasim sa mangga." aniya at pilit itong nginitian."Ah, okay. Just tell me, if you need something, ha. Nakakahiya naman sa'yo, ikaw pa ang nahilang driver namin. Pasensya ka na, ha, wala kasing ibang mahanap, eh." daldal pa rin nito.
"HI, ANICKA... kumusta?" agad na nagsalubong ang mga kilay niya nang makilala niya ito."Lander... mabuti naman." sabi niyang muling ibinalik ang tingin sa ginagawa.Matalik itong kaibigan ni Lance. Dalawang araw na ang nakararaan nang dumating ito sa resort at nais daw magbakasyon. Naibulong sa kanya ni Chelsea na may pinagtataguan daw itong babae sa Maynila kaya ito naroon sa resort.Mula nang ipakilala siya ni Chelsea rito ay hindi na siya nito tinantanan. Palagi na itong nakabuntot sa kanya. At bigla na lamang sumusulpot sa harapan niya, katulad na lamang ngayon.Kung hanggat maaari ay iniiwasan niya ito. Hindi man ito magsalita ay alam niya kung ano ang pakay nito sa kanya. At hindi pa siya handa para d'on."Wanna have dinner with me?" anitong binigyan siya ng nakakatunaw na ngiti at tingin, na kung ibang babae lamang siya ay tiyak na mapapapayag siya nito saan man siya nito nais na dalhin.Ngunit hindi siya iban
FLORENCIO RESORTIYON ang nabasa ni Anicka sa malaking arko pagbaba niya pa lamang ng taxi.Ito na siguro ang resort na pag-aari ng asawa ni Chelsea. Muli niyang tiningnan ang hawak na calling card ng kaibigan at binasa ang nakasulat na pangalan.Chelsea O. FlorencioHuminga muna siya ng malalim at bitbit ang hindi kalakihang maleta ay lumakad siya papalapit sa gate upang magtanong sa naroong security guard."Magandang umaga ho, manong guard, hinahanap ko po si Chelsea..." magalang na sabi niya rito.Magalang din naman itong ngumiti sa kanya. "Magandang umaga din po, Ma'am. Ano pa ang pangalan n'yo?" balik-tanong nito sa magalang ding paraan."Anicka Escudero po..."Sukat ay nagliwanag ang mukha ng gwardiya. "Ah, opo, itinawag na po kayo ni Ma'am Chelsea. Darating nga raw po kayo. Halika po kayo at sasamahan ko po kayo sa White House." anito na tinapik muna sa balikat ang isa pan
Mahal, I'm so sorry, Mahal. God knows, how much I wanted to fight for you... for us. For our love. Pero paano tayo lalaban kung mayroong isang inosenteng buhay na tayong madadamay? Kung sa ibang babae lang, ipaglalaban kita... ipaglalaban ko ang pag-ibig natin. But I can't do the same to your child. I love you. Love you enough, to set you free. Ayokong mahirapan kang mamili sa pagitan namin ng anak mo. I Love You, Mahal... nevet forget that. I'm so sorry.AnickaNANLULUMONG muling binasa ni Tyron ang sulat na hawak pa rin niya at bahagya nang nalukot dahil sa pagkuyom ng kanyang kamao.
ANGIE (work)Sir, I already got you an appointment with a Gynecologist, tomorrow.. 9 o'clock am. at St. Lukes Just look for Dra. Lara Legaspi TYRONThank you, Angie. ANICKA'S POVNANG pakiramdam ni Anicka ay naubos na ang luha niya sa kai-iyak ay bumangon na siya.Nakapag-pasya na siya.Kailangan na niyang lisanin ang masyon. Tama si Rachel. Kung totoo ngang pag-aari na ni Tyron ang mansyon ay mas may karapatan ang magiging anak nito kaysa sa kanya.Agad siyang naglagay ng ilang damit at gamit sa maleta at itinago iyon sa ilalim ng kama pagkatapos.Hindi niya pa alam kung saan siya pupunta. Isa lang ang alam niya. Kailangan niyang makalayo kay Tyron. Ayaw na niyang pahirapan pa ito sa pamimili sa pagitan niya at ng anak nito.Pagkatapos mag-empake ay dumeretso siya sa kusina at nagluto ng maaari nilang kainin ni Tyro
LINGGO. Rest day ni Anicka kaya't mas pinili niya na lamang manatili sa bahay at maglinis dahil wala naman siyang maisip na puntahan. Hindi niya alam kung darating ba si Tyron sapagkat wala naman silang usapan. Ang alam niya ay sinamahan nito ang ina kanina umaga upang mamili ng mga kakailanganin para sa canteen ng ina nito.Pagakatapos niyang maglinis ng bahay ay naligo na siya at nahiga na lamang. Sa kawalan ng gagawin ay naisip niyang magbasa na lamang ng pocketbook upang magpaantok.Nang tumunog ang cellphone niya ay hindi tinitingnan pakapa niya lamang iyong kinuha sa nightstand. Sinulyapan niya muna ang screen niyon at napangiti siya nang makita ang pangalan ng kasintahan. Agad niya iyong sinagot."Hi, Mahal..." nakangiting bati niya rito." Hi, anong ginagawa mo?" anito sa malambing na tinig."Nagbabasa ng pocketbook." sagot niya bagaman binitiwan na ang libro at umayos ng pwesto para maging komportable sa alam niyang mahaba-haba
"YOU'RE WHAT???!!!!" nag-echo sa buong kabahayan ang sigaw niyang iyon.Nang sabihin pa lang sa kanya ng ina na naghihintay sa kanya si Rachel ay kinabahan na agad siya.Alam niyang gulo na naman ang dala nito. Ngunit hindi niya akalain na ganito kalaking gulo pala.Ngayon pang mabuti na ang takbo ng relasyon nila ni Anicka. Saka naman ito darating at sasabihing buntis siya."You heard me right, babe. I'm pregnant. With our child." buong tamis ang pagkakangiti nito nang sabihin iyon."That's not mine, damn you!" naniningkit ang mga matang sigaw niya."How can you say that? We made love... countless of times." anitong umarte pang tila nasaktan sa sinabi niya."How could it be possible? It's been months since the last time we had SEX? Damn you, Rachel! Huwag mong ipaako sa akin ang kalat ng iba!" aniyang ipinagdiinan ang salitang SEX dito.It's just Anicka, he was, and he will making love with.