Share

Chapter 3

Author: Rubye GT
last update Last Updated: 2021-04-08 08:56:13

"GOOD MORNING, baby." bungad agad ni Albert pagsagot niya sa telepono.

"Morning." nakangiti niyang sagot dito.

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Heto, nag-aayos papunta sa work."

Ha? Work agad? Okay ka na ba?" naroon ng pag-aalala sa tinig nito.

Humugot siya ng malalim na hininga. "I should be. Isang linggo na akong hindi pumapasok dahil sa burol ni Papa, kung hindi pa ako papasok, baka wala na akong trabahong balikan."

"Pero baby, kailangan mo pa ng konting pahinga."

"Okay lang ako, hindi ko pwedeng pabayaan ang trabaho ko. Hindi ko pwedeng pabayaan ang tabaho ko."

"Kung pinakakasalan mo na ba kasi ako, e di wala ka nang problema."

Isa pa uling buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Albert, napag-usapan na natin 'yan.

"Alam ko, kaya lang bakit mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Nakahanda naman akong alagaan ka."

"Please, saka na natin pag-usapan 'yan."

Sige na nga. sunduin na lang kita diyan, hatid kita sa work mo." patianod na lamang nito.

"May trabahon ka rin, 'di ba?"

Mahina itong tumawa. "Baby, ako ang amo ng sarili ko. Kahit ma-late ako, walang sisita sa akin."

That's bad for the business."

"Basta para sa iyo, handa akong maging bad."

"Asus, bumanat ka na naman!"

"At least, napangiti kita. Aminin mo..."

"Sige na," naiiling na aniya. "Anong oras na, baka ma-late pa ako."

"Okay. wait mo lang ako, susunduin kita."

"Okay, thank you!"

"You're welcome, baby."

PAGBABA ni Anicka sa sasakyan ni Albert ay napatingin siya sa kainan sa tapat.

Nangunot ang noo niya nang makita niyang sarado ito.

"Bakit kaya?" sa isip-isp niya.

Ngayon lang nangyaring sarado ito ng hindi naman holiday.

Sa araw-araw, mula nang mapasok siya sa tindahan ng school supplies na iyon, ay lagi siyang tumatanaw sa kainan sa tapat, kung mayroon din lang siyang pagkakataon. 

Masaya na siya sa pagtanaw doon.

Ngunit kasabay ng saya na iyon, ay ang lungkot, kapag naiisip niya kung sino ang may-ari ng kainan na iyon.

Naiiling na pumasok na lamang siya ng tindahan, matapos magpaalam at magpasalamat kay Albert.

"Susunduin kita mamaya, ha!" pahabol na sigaw ng binata na tinanguan niya na lamang kahit nakatalikod na.

Hindi na siya nakipag-talo dahil magpipilit din naman ito.

Kung tutuusin ay gwapo naman si Albert. Lahat na yata ng maaaring hanapin ng isang babae sa isang lalaki ay narito na.

Gwapo.

Matipuno.

Mabait.

Matalino.

Maalaga.

Mayaman.

Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya ito matutunang mahalin.

High school pa lamang sila ay nanliligaw na ito sa kanya. Ngunit wala talaga siyang makapang espesyal na damdamin para sa binata, maliban sa pagtinging kaibigan.

Minsan ay hinayaan niya itong halikan siya, gusto niyang malaman kung may mararamdaman man lamang ba siya kahit na kaunti, ngunit wala talaga.

Hindi na niya hinayaang maulit pa ang pangyayaring iyon.

Tinapat na niya ito na wala talaga siyang maramdaman para dito.

Ngunit mapilit pa rin ito.

Hindi raw ito susuko hangga't hindi pa siya nag-aasawa.

Napailing na lamang siya sa tinatakbo ng ala-ala.

Mukhang kay Albert din ang bagsak niya.

Naalala niya ang napag-usapan nila. Na kung hindi siya nakahanap ng pambayad sa utang ng ama, ay tatanggapin niya ang alok nitong tulong at magpapakasal siya rito.

Mas mamatamisin niyang mapunta kay Albert, kaysa gawing kabit ng Mr. Montelibano na iyon.

Iniisip pa lamang niya ay kinikilabutan na siya.

Siguro, kung magpapakasal siya kay Albert ay matututunan niya rin itong mahalin.

Sa naisip ay isang imahe ang pumasok sa isip niya.

Ipinilig niya ang ulo at pabuntong-hiningang dumeretso na sa pwesto niya.

Ayaw na niyang isipin pa ang nakaraan. Sa dami ng problema niya ay wala na siyang panahong mag-isip pa ng iba pang bagay.

HINDI magkanda-ugaga si Aling Trining sa pag-aasikaso ng mga pagkaing nakahain sa mesa. Gusto niyang makasigurong perpekto at maayos ang lahat.

Espesyal ang araw na ito.

Ngayon ang dating ni Tyron. 

Makalipas ang ilang taon ay ngayon lamang sila muling magkikita ng anak.

Madalas silang magka-usap nito sa skype at messenger, nagpaturo pa siyang gumamit ng advance na teknolohiya upang makita ang anak, pero iba pa rin sa personal.

Sabik na sabik na siyang mayakap ito.

Kasama sana siya sa pagsundo rito, ngunit ayon dito, ay mapapagod lamang daw siya, eh, sigurado namang sa kanya ito uuwi, kaya't tiyak na magkikita rin sila.

Bandang huli, ay napahinuhod din siya at naisip na personal na lamang na pangasiwaan ang pagluluto para dito.

Iniluto nila ang lahat ng paborito nito. Inimbita niya pa ang mga taga-luto niya sa kainan upang tulungan siya sa pagluluto.

Maya-maya pa ay narinig na niya ang tunog ng sasakyan sa labas.

Dali-dali niyang iniwan ang ginagawa at sinalubong ang anak.

Pagkakita rito ay naiiyak na sinugod niya ito ng yakap na ginantihan din nito ng mahigpit ding yakap.

NANG maghiwalay sila ay napansin niyang namumula rin ang mga mata nito, tandang naiiyak din ito sa muli nilang pagkikita.

"Nanay talaga, nahawa tuloy ako sa inyo." nakangiting sabi ni Tyron at pinunasan ang luha ng ina.

"Heh..! Ikaw na bata ka, ang tagal-tagal mong hindi nauwi." nakangiti niyang sabi kahit may luha ang mga matang hinampas ng mahina ang braso ng anak.

Natatawang muli siyang niyakap ng binata.

"NAY, nandito na po ako,"

"Hindi ka na ba muling aalis, anak?"

Nagka-lambong ang mga mata niya sa tanong ng ina.

"Nay, gustuhin ko man po, hindi po maaari. Tatlong buwan lang po ang leave na nakuha ko," aniya at sinundan ng buntong-hininga.

"Ano?! Aba'y napakabilis lang ng tatlong buwan, ah!" gulat na bulalas ng ina.

"Nay, huwag po muna nating pag-usapan ang pag-alis ko, kadarating ko lang po." aniyang pilit na pinasigla ang boses.

"Ewan ko ba naman sa iyong bata ka, mula noong--"

"Nay, ready na po ang mesa, let's food!" maarteng sabi ng baklang pinsan ni Tyron nang lumapit sa kanila.

Ito ang kasama ni Aling Trining sa bahay. Ulila na ito sa mga magulang. Sabay na namatay ang mga magulang nito sa isang aksidente sa kalsada.

Mula noon ay kinupkop na ito ni Aling Trining tutal ay wala naman itong kasama sa bahay.

Nakahinga siya ng maluwag sa pagsulpot ni Bench.

Alam na niya ang sasabihin ng ina.

Naiiling na sumunod na lamang siya sa mga ito papuntang kusina.

Habang kumakain ay masaya silang nagku-kwentuhan. Sandaling nakalimutan na ng ina ang pinag-uusapan nila kanina.

"Kuya Tyron, dala mo ba lahat ng binilin ko? Iyong mga mook-up, saka mga dress na pinabili ko sa iyo?" ani Bench, habang kumakain.

"Oo na, nandoon lahat sa bagahe, hanapin mo na lang mamaya."

"Eeeeeh...! Narinig mo 'yon, Nay? May pang-rampa na naman ako, siguradong dadami lalo ang jowa ko!" sabi nitong sinundan  ng malakas na tawa. "Ikaw kuya, wala ka man lang ipakikilalang jowa sa amin?" tuloy-tuloy na sabi nito.

Muntik nang masamid si Tyron sa sinbi ng pinsan.

Dali-dali niyang inabot ang baso ng tubig at ininom.

Natawa na lamang ang nanay niya sa reaksyon niya.

Naalala niya ang eksena bago siya bumalik ng Pilipinas.

FLASHBACK

"Babe, promise me, babalik ka, ha. Kung pwede lang sana akong sumama sa iyo, ginawa ko na. Hindi lang kasi pwedeng iwan ang company ngayon, eh. Basta, ha, iyong usapan natin, titikman mo lang siya, then, babalik ka sa akin, then, we'll get married," sabi nito habang nakayakap sa baywang niya.

Katatapos lang ng mainit na tagpo.

Kinabukasan ang biyahe niya pauwi ng Pilipinas.

Napa-angat at kilay niya sa sinabi nito.

Kinalas niya ang braso nitong naka-yakap sa kanya at naupo ng nakasadal sa headboard ng kama.

"Hrmp... ahm.., may gusto sana akong sabihin sa iyo," panimula niya.

"What is it?" kunot ang noong tanong nito.

"Bago sana ako umalis, gusto kong tapusin na ang lahat sa atin," hindi tumitingin ditong sabi niya.

"What?! You're kidding, right?" gulat na sabi nitong biglang napabangon, hindi na pinagka-abalahang takpan ang sariling kahubdan.

"I'm serious..." sa pagkakataong iyon ay tumingin siya rito.

"But why? I thought, we're okay? I thought, you love me?"

"Who's talking about love? You know, I'm not capable of that feeling. Believe me, Rachel, it is better this way." naisip na niya na hindi magiging madali ang pagkalas dito.

"For whom? Ano ba ang problema? May nagawa ba ako? May hindi ba ako nagawa? Is it because, hindi ko maiwan ang family business namin at sumama sa iyo sa Pilipinas? Tell me, kasi kung iyon lang, I am very much willing to leave everything, for you! Just please, dont do this! Don't leave me... I love you, so much!" umiiyak nang sabi nito.

Napabuntong-hininga na lamang si Tyron.

This is getting harder than he thought!

"That's exactly the reason, why I wanted to end this. You're becoming too serious! I made it clear to you, that this relationship is good while it last. I told you, I have no plans of marrying!"

"Iyon ba? Then, I'm sorry. I won't mention it again. Just please, don't break-up with me."

"I'm sorry, Rachel, let's call it quits." walang emosyong sabi niya.

"You bastard, you used me!" galit na ang ibinabadya ng mga mata nito.

"Didn't you use me, too? Pareho lang tayo, we satisfied each other. And now, I want out..." malupit niyang sabi at tumayo na at pumasok sa cr.

MAYA-MAYA ay narinig na niya ang malakas na pagsara ng pinto sa labas.

Napahinga siya ng malalim at tila nabunutan ng tinik.

Mabuti na rin ang ganito, kaysa patagalin  niya pa.

Inaamin niyang, minsan niyang inisip na magkaroon ng anak dito, ngunit kinalimutan na niya ang ideya na iyon.

Mas lalo lamang siyang mahihirapang kalasan ito kapag nagkataon.

Bumabanggit na ito ng salitang kasal.

At iyon ang iniiwasan niya.

END OF FLASHBACK

"WALA akong girlfriend," nang makabawi ay sabi niya.

"Ay, true ba 'yan? 'Yang yummy mo na 'yan, wala kang jowa? Ay nako, kuya, wait mo lang, irarampa kita sa bayan, for sure, hindi matatapos ang araw, nakapila ang mga nag-a-apply maging jowa mo!" sabi nito sa pagitan ng pag-nguya.

Natawa na lamang siya sa sinabi ng pinsan.

"Huwag mo nga akong isali sa kalokohan mo, ha."

"Ay, wait... may magandang girlaloo doon sa tindahan ng mga school supplies, sa tapat ng canteen natin. Hay nako, kuya, kapag nakita mo siya baka maisipan mo nang mag-jowa. Ang ganda kaya ni Anicka, kung naging min lang ako, niligawan ko talaga 'yon. Eh, dahil nga pareho kaming girl, why not, kayo na lang dalawa? Bagay na bagay kayo, promise!" tuloy-tuloy pa ring daldal nito.

Agad na nangunot ang noo niya nang marinig ang pangalang binanggit nito.

Wala kasing alam ang pinsan niya sa nakaraan niya. Hindi pa ito sa kanila nakatira nang mga panahong iyon. Wala itong ideya sa nakaraan nila ni Anicka.

Napa-angat din ang paningin ng nanay niyang tahimik lamang na kumakain.

"Mano nga ikaw Bench, eh, tigil-tigilan mo na ang kuya mo! Tapusin mo na lang iyang kinakain mo at baka kung ano pa ang lumabas diyan sa bibig mo!" agad na awat ng nanay niya rito.

"Why, mother dear? May nasabi ba aketch na masama? Maganda naman talaga si Anicka,"

"Heh! Basta kumain ka na lang diyan. Sige ka, baka itinda ko sa bayan iyong mga pasalubong ng kuya mo sa iyo."

"Ay, dahil diyan, quite na ang beauty ko." anitong nagkunwa pang sinisipiran ang bibig.

Naiiling na lamang siya sa kadaldalan ng pinsan.

FROM : TYRON

Nay, nasa canteen na po ba kayo?

FROM : NANAY

Oo, anak. Kanina pa, hindi na ako nagpaalam at natutulog ka pa.

FROM : TYRON

Bakit hindi n'yo po ako ginising para natulungan ko kayong magbukas ng canteen?

FROM : NANAY

Nako, huwag ka nang mag-alala at kaya ko na ito. Nandito naman si Bench. Sanay na kami rito.

FROM : TYRON

Ganoon ho ba? Sige po, maliligo lang ako at pupunta ako diyan. Gusto ko rin pong makita iyang canteen.

FROM : NANAY

O siya, sige. Dito ka na rin kumain.

FROM : TYRON

Sige po.

KATULAD ng mga nagdaang araw, ay inihinatid na naman ni Albert si Anicka sa trabaho.

Mula nang sabihin niya rito ang posibilidad na tanggapin niya ang alok nitong kasal, ay lalo itong naging pursigido sa pagsuyo sa kanya.

Nang mapadako ang paningin niya sa tindahan sa tapat ay nakita niyang bukas na ito.

Bababa na sana siya ng sasakyan, nang hawakan siya ni Albert sa braso at kabigin paharap dito, at kinintalan siya ng isang masuyong halik sa pisngi.

Nanlaki ang mga mata niyang napatingin dito.

Hindi pa naman tinted ang dala nitong sasakyan, kaya't siguradong kita sila sa loob. Tutuksuhin na naman siya ng mga kasamahan sa trabaho.

"Come on, baby. It's just a goodbye kiss, pampa-good vibes lang."

"Albert--"

"Okay, i'm sorry. Hindi ko na uulitin. Kj. Baby, even friends, kiss each other goodbye, right?"

"Oo na. Ikaw talaga. Sige na, lalabas na ako at baka ma-late pa ako." naiiling na lamang siya sa ginawa nito.

"Okay. Susunduin kita uli mamaya, ha!"

Tumango lamang siya rito at bumaba na ng sasakyan

Hindi niya alam kung nakagawian lamang ba niya, o, kung ano ang nagtulak sa kanya upang lingunin ang kainan sa tapat.

Pakiramdam niya ay tinakasan ng kulay ang mukha niya nang makasalubong ng mga mata niya ang isang pares ng nagbabagang mga mata.

Matiim ang titig nito sa kanya at nag-ngangalit ang mga bagang.

Kung maaari lamang na bumuka ang lupa at lamunin siya, ay mas mamatamisin niya pa.

Related chapters

  • Your Love is my Revenge   Chapter 4

    KANINA pa wala sa sarili si Anicka. Hanggang sa mga oras na iyon ay naiisip niya pa rin si Tyron.Parang nararamdaman niya pa rin ang talim ng mga titig nito sa kanya kanina.Sigurado siyang nakita nito ang ginawang paghalik sa kanya ni Albert.Ano kaya ang iniisip nito sa nakita?At bakit parang galit ito sa talim ng titig nito sa kanya?Posible kayang...--?"Hays! Erase, erase, erase!" mahina niyang sabi na inihilamos ang kamay sa mukha. "Huwag mo na siyang isipin, Anicka. Mas marami kang bagay na mas dapat isipin kaysa sa kanya." kausap niya sa sarili habang pinapaypayan ang sarili gamit ang mga kamay at huminga ng malalim.Pagdating ng lunch time ay may problema na naman si Anicka.Wala siyang baong lunch!Tanghali na kasi siyang nagising kanina kaya't hindi na siya nagluto ng babaunin.Sa isip niya ay kakainin na lamang siya sa canteen sa tapat.Sa kabila naman kasi ng nangyari sa nakaraan ay maganda n

    Last Updated : 2021-04-08
  • Your Love is my Revenge   Chapter 5

    "OKAY ka lang?" tanong ni Albert na kung ilang beses na yata nitong inulit."Huh...? Of course." ilang beses niya na ring sagot.Kanina pa siya wala sa sarili.Hindi niya sinunod ang sinabi ni Tyron na kanselahin ang dinner nila ni Albert.Narito siya ngayon at kumakain ng hapunan kasama ang binata, ngunit wala naman dito ang isip niya."Hah... sino ba siya sa akala niya?" maka-ilang ulit niyang kausap sa sarili.Maaaring may nagawa siyang kasalanan dito, ngunit wala itong karapatang mandohan siya.Kung may nagawa man siyang kasalanan sa nakalipas, ay ginawa niya iyon para din dito."Baby, are you sure, you're okay?" tanong muli ni Albert."Okay lang nga ako, ano ka ba? Napagod lang siguro ako, ang daming tao kanina. Malapit na kasi ang pasukan, eh." sagot niya ritong nag-iwas ng tingin.Bumuntong-hininga muna si Albert bago nagsalita."I saw him. He's back. Siya ba ang dahilan, kung bakit kanina ka pa bali

    Last Updated : 2021-04-08
  • Your Love is my Revenge   Chapter 6

    FLASHBACK "MGA Sissies..." Tila iisang tao na nag-angat ng mga ulo ang magkakaibigan nang marinig ang tinig ni Brittany na humahangos pang papalapit sa kanila. Naroon sila ngayon at nakatambay sa canteen dahil isang oras pa bago ang klase nila, pumasok lamang talaga sila ng maaga sapagkat sabi nga nito ay may good news daw ito sa kanila. "What now, Brit?" naka-angat ang isang kilay ni Bella nang tumingin dito. "Pinapasok mo kami ng maaga, pagkatapos ikaw ang late?" Ngunit nginitian lamang ito ni Brittanny. Sanay na sila sa isa't-isa. "Wait till you hear what i've got, Belle." inilibot nito ang tingin sa kanilang lahat at natigilan nang makitang kulang sila. "Where's Anicka?" "Sorry, i'm late." anang kadarating lang na dalaga. Isa-isa nitong nilapitan ang mga kaibigan at binigyan ng halik sa pisngi. "Ngayong kumpleto na tayo, spill the good news, Britt." sabi naman ni Chelsea.

    Last Updated : 2021-04-08
  • Your Love is my Revenge   Chapter 7

    PAGPASOK ni Tyron sa silid niya ay agad siyang dumeretso sa cr.Kailangan niya ng cold shower. Upang kahit papaano ay humupa ang init na nararamdaman niya.Pakiramdam niya anumang sandali ay sasabog na lamang siyang bigla.Hindi niya akalain na ganoon pa rin ang epekto ni Anicka sa kanya.Hindi niya binalak na gawin iyon. Halik lamang ang balak niyang ibigay dito. Ngunit nang sandaling lumapat ang malambot na katawan nito sa kanya, ay nakalimot na siya. Katulad ng dati, kaya pa rin siya nitong baliwin sa lambot at bango ng katawan nito, na katulad ng dati ay malaya pa rin nitong ipinagkakaloob sa kanya.Bumalik sa ala-ala niya kung saan nagsimula ang lahat...FLASHBACKPAGPASOK pa lamang ni Tyron sa loob ng campus ay narinig na niya ang usapan ng isang grupo ng mga fourth year students na nadaanan niya."Maging syota ko lang talaga yan, pare, kahit na isang araw lang, puwede na a

    Last Updated : 2021-04-08
  • Your Love is my Revenge   Chapter 8

    NANG sumapit ang championship ay naroon nga si Anicka, kasama ang mga kaibigan nito upang manood ng laro, katulad ng ipinangako nito.Iyon nga lang, kasama rin ng mga ito si Albert.Natapos ang laro at nanalo na naman ang kanilang koponan. Gayon pa man, ay hindi siya nakaramdam ng lubos na kasiyahan. Ramdam ng puso niya ang pagkatalo.Nakita niyang akmang lalapit sana sa kanya si Anicka, ngunit minabuti niyang umiwas na lamang. Hindi rin naman niya alam ang sasabihin niya.Ngunit hindi niya inaasahang susundan siya nito sa locker room.Laking gulat niya nang marinig niya ang tinig nito habang nasa shower siya kaya't dali-dali niyang tinapos ang paliligo at kahit medyo basa pa ang katawan at tumutulo pa ang buhok ay lumabas na agad siya ng shower room. Para lamang makita ang nanlalaki nitong mga mata habang nakatingin sa mga ka-team mates niya.Agad siyang lumapit dito at tinakpan ang mga mata nito hinahatak papasok ng cubicle.Nang ma

    Last Updated : 2021-04-08
  • Your Love is my Revenge   Chapter 9

    "TYRON, ano'ng ginagawa mo diyan?" gulat na bulalas ni Anicka, habang dali-daling binubuksan ang pinto sa terrace at pinapasok siya.Luminga-linga pa ito sa paligid, bago isinarang muli ang pinto at dali-daling tinakbo ang pinto ng silid nito, upang siguruhing naka-kandado iyon."Tyron, talaga? Mahal naman, eh, huwag ka nang magalit," malambing na sabi niya rito."Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na napaka-delikado ng ginawa mo? Kapag may nakakita sa'yo, hindi ko alam kung ano ang puwedeng mangyari," tuloy-tuloy na sita sa kanya ng kasintahan na hindi pinansin ang sinabi niya."Huwag kang mag-alala, mahal, dati ako'ng ninja!" sabi niya ritong may pilyong ngiti sa labi, sabay kindat."Puro ka kalokohan. Bakit ka ba kasi nandito?" anito sa tila naiinis na tinig, bago padarag na naupo sa gilid ng kama.Lumapit siya rito at paluhod na pumuwesto sa mismong harapan nito at hinawakan ang kamay ng kasintahan at deretsong tumingin sa m

    Last Updated : 2021-04-11
  • Your Love is my Revenge   Chapter 10

    CLAIRE (WORK)Nicks, ano'ng oraska papasok?ANICKAWhy? Off ko ngayon.CLAIRE (WORK)Ah, gan'on ba?Sayang naman.ANICKABakit?CLAIRE (WORK)Usap-usapan na change management na raw tayo... may iba na raw nakabili ng WAAK. Malaki raw ang offer, kaya hindi nagdalawang isip si boss na ibenta... kahit daw tatlong WAAK puwedeng ipatayo sa laki ng offer.ANICKATalaga? Bakit kaya 'yong maliit na store natin ang napili niya, kung ganoon naman pala siyang kayaman?CLAIRE (WORK)Ewan. Bali-balita nangayon daw ipapakilalaiyong bagong may-ari.At balita ko, ang guwapo raw.Well, ayon lang namankay Denise, ha. Nakita niyaraw nung lumabas sa office

    Last Updated : 2021-04-12
  • Your Love is my Revenge   Chapter 11

    KASALUKUYANG kumakain si Anicka nang tumunog ang cellphone niya.Si Albert."Hi, baby. Sabay tayong mag-lunch." bungad agad nito pagsagot niya ng tawag.Bahagya siyang nangiwi sa sinabi nito."Ahm... nandito kami ngayon sa Trining's."Hindi niya alam kung magandang ideya ba na papuntahin niya roon si Albert lalo at kanina niya pa nararamdaman ang pailalim na tingin ni Tyron na tila binabantayan ang lahat ng kilos niya."Ahh... d'yan ka maglu-lunch?" tanong nitong muli."Baka dito na nga kami abutin ng lunch. Hindi yata magbubukas now ang WAAK, eh." sagot niya rito.Nang matapos ipakilala ni Mr. Santos si Tyron kanina ay umalis na rin agad ang binata. Ngunit nagbilin ito na magtungo silang lahat sa Trining's at nagpahanda umano ito ng makakain doon para sa kanilang lahat.Nais daw nito na nakapalagayang loob ang mga empleyado bago magsimula ng trabaho."Ahh... bakit? At ano naman ang ginagawa mo d'yan kung hindi na

    Last Updated : 2021-04-14

Latest chapter

  • Your Love is my Revenge   Special Chapter

    NANG magising si Anicka ay mag-isa na lamang siya sa silid. Bahagya pa siyang napaisip kung panaginip lamang ba ang lahat ng nangyari kagabi. Ngunit hindi, imposible, bukod pa sa hubad siya sa ilalim ng kumot.Inabot niya ang unang ginamit ni Tyron at niyakap. Nakakapit pa rin doon ang swabeng amoy ng cologne nito na humalo sa natural na amoy ng binata. Napapikit pa siya at hinayaang ipaghele siya nang mabagong amoy na iyon.Nang lumipas na ang antok ay iinot-inot na bumangon na siya.Nasaan kaya ang kasintahan? Ibinalabal niya ang kumot sa katawan at papasok na sana sa cr nang mapansin niya ang isang malaking kahon na nakapatong sa mesita. Kunot-noong nilapitan niya iyon.Napangiti siya nang masilayan ang isang magandang puting bestida, mayroon din niyong tila korona na gawa sa iba't ibang uri at kulay ng bulaklak. Napapikit pa siya nang samyuin ang bango niyon.Sa ibabaw ng damit ay may nakalagay na note, alam niyang sulat kam

  • Your Love is my Revenge   FINALE

    "IS THAT Rachel? At kaya ayaw mong buksan ay dahil malalaman niyang nandito ako?" tanong ni Anicka sa binata sa malamig na tinig. Tila may malaking kamay na pumiga sa puso niya sa naisip.Awtomatiko ang pagkunot ng noo ni Tyron sa sinabi niya. "Of course, not." mabilis nitong sagot. "Rachel's in New York now, and she'll be staying there for good.""Kaya ba nandito ka na naman sa akin, dahil nandoon na naman siya. Ano'ng plano mo? Doon mo ititira ang pamilya mo habang kinakasama mo ako dito?" mapait siyang ngumiti. "Please, Tyron, spare me. Kung ginusto kong maging kabit, eh, di sana pumayag na lang ako sa gusto ni Mr. Montelibano. Hindi sana ako nasasaktan ngayon." aniyang pinangingiliran na ng mga luha.Agad niyang nakita ang pagtatagis ng mga bagang ni Tyron sa sinabi niya."Will you stop that?! Kaya nagkaka-loko-loko ang buhay natin, eh! Dahil diyan sa kung anu-anong iniisip mo!" inis na singhal nito sa kanya.Tila wala itong

  • Your Love is my Revenge   Chapter 30

    KANINA pa naiinis si Tyron. Panay ang papungay ng mga mata sa kanya ng katabi niya. Kung dumating ang katulad nito noong mga panahong nasa New York siya at hindi pa sila nagkakabalikan ni Anicka, ay baka pinatulan niya pa ito. Ngunit sa ngayon ay sarado ang puso at mga mata niya para lamang sa iisang babae.Ang kailangan lamang niyang gawin ay hanapin ang babaeng iyon at patunayan dito kung gaano niya ito kamahal."Tyron, gusto mo ba subuan kita nitong mangga para hindi ka antukin? Ang aga kasi ng bihaye natin, eh." maarteng sabi ni Coleen habang bumibiyahe sila. Ito ang kapatid ng kaibigan ni Bench na kanina pa panay ang papungay ng mga mata sa kanya."No, thanks. Wala pang laman ang sikmura ko, baka mangasim sa mangga." aniya at pilit itong nginitian."Ah, okay. Just tell me, if you need something, ha. Nakakahiya naman sa'yo, ikaw pa ang nahilang driver namin. Pasensya ka na, ha, wala kasing ibang mahanap, eh." daldal pa rin nito.

  • Your Love is my Revenge   Chapter 29

    "HI, ANICKA... kumusta?" agad na nagsalubong ang mga kilay niya nang makilala niya ito."Lander... mabuti naman." sabi niyang muling ibinalik ang tingin sa ginagawa.Matalik itong kaibigan ni Lance. Dalawang araw na ang nakararaan nang dumating ito sa resort at nais daw magbakasyon. Naibulong sa kanya ni Chelsea na may pinagtataguan daw itong babae sa Maynila kaya ito naroon sa resort.Mula nang ipakilala siya ni Chelsea rito ay hindi na siya nito tinantanan. Palagi na itong nakabuntot sa kanya. At bigla na lamang sumusulpot sa harapan niya, katulad na lamang ngayon.Kung hanggat maaari ay iniiwasan niya ito. Hindi man ito magsalita ay alam niya kung ano ang pakay nito sa kanya. At hindi pa siya handa para d'on."Wanna have dinner with me?" anitong binigyan siya ng nakakatunaw na ngiti at tingin, na kung ibang babae lamang siya ay tiyak na mapapapayag siya nito saan man siya nito nais na dalhin.Ngunit hindi siya iban

  • Your Love is my Revenge   Chapter 28

    FLORENCIO RESORTIYON ang nabasa ni Anicka sa malaking arko pagbaba niya pa lamang ng taxi.Ito na siguro ang resort na pag-aari ng asawa ni Chelsea. Muli niyang tiningnan ang hawak na calling card ng kaibigan at binasa ang nakasulat na pangalan.Chelsea O. FlorencioHuminga muna siya ng malalim at bitbit ang hindi kalakihang maleta ay lumakad siya papalapit sa gate upang magtanong sa naroong security guard."Magandang umaga ho, manong guard, hinahanap ko po si Chelsea..." magalang na sabi niya rito.Magalang din naman itong ngumiti sa kanya. "Magandang umaga din po, Ma'am. Ano pa ang pangalan n'yo?" balik-tanong nito sa magalang ding paraan."Anicka Escudero po..."Sukat ay nagliwanag ang mukha ng gwardiya. "Ah, opo, itinawag na po kayo ni Ma'am Chelsea. Darating nga raw po kayo. Halika po kayo at sasamahan ko po kayo sa White House." anito na tinapik muna sa balikat ang isa pan

  • Your Love is my Revenge   Chapter 27

    Mahal, I'm so sorry, Mahal. God knows, how much I wanted to fight for you... for us. For our love. Pero paano tayo lalaban kung mayroong isang inosenteng buhay na tayong madadamay? Kung sa ibang babae lang, ipaglalaban kita... ipaglalaban ko ang pag-ibig natin. But I can't do the same to your child. I love you. Love you enough, to set you free. Ayokong mahirapan kang mamili sa pagitan namin ng anak mo. I Love You, Mahal... nevet forget that. I'm so sorry.AnickaNANLULUMONG muling binasa ni Tyron ang sulat na hawak pa rin niya at bahagya nang nalukot dahil sa pagkuyom ng kanyang kamao.

  • Your Love is my Revenge   Chapter 26

    ANGIE (work)Sir, I already got you an appointment with a Gynecologist, tomorrow.. 9 o'clock am. at St. Lukes Just look for Dra. Lara Legaspi TYRONThank you, Angie. ANICKA'S POVNANG pakiramdam ni Anicka ay naubos na ang luha niya sa kai-iyak ay bumangon na siya.Nakapag-pasya na siya.Kailangan na niyang lisanin ang masyon. Tama si Rachel. Kung totoo ngang pag-aari na ni Tyron ang mansyon ay mas may karapatan ang magiging anak nito kaysa sa kanya.Agad siyang naglagay ng ilang damit at gamit sa maleta at itinago iyon sa ilalim ng kama pagkatapos.Hindi niya pa alam kung saan siya pupunta. Isa lang ang alam niya. Kailangan niyang makalayo kay Tyron. Ayaw na niyang pahirapan pa ito sa pamimili sa pagitan niya at ng anak nito.Pagkatapos mag-empake ay dumeretso siya sa kusina at nagluto ng maaari nilang kainin ni Tyro

  • Your Love is my Revenge   Chapter 25

    LINGGO. Rest day ni Anicka kaya't mas pinili niya na lamang manatili sa bahay at maglinis dahil wala naman siyang maisip na puntahan. Hindi niya alam kung darating ba si Tyron sapagkat wala naman silang usapan. Ang alam niya ay sinamahan nito ang ina kanina umaga upang mamili ng mga kakailanganin para sa canteen ng ina nito.Pagakatapos niyang maglinis ng bahay ay naligo na siya at nahiga na lamang. Sa kawalan ng gagawin ay naisip niyang magbasa na lamang ng pocketbook upang magpaantok.Nang tumunog ang cellphone niya ay hindi tinitingnan pakapa niya lamang iyong kinuha sa nightstand. Sinulyapan niya muna ang screen niyon at napangiti siya nang makita ang pangalan ng kasintahan. Agad niya iyong sinagot."Hi, Mahal..." nakangiting bati niya rito." Hi, anong ginagawa mo?" anito sa malambing na tinig."Nagbabasa ng pocketbook." sagot niya bagaman binitiwan na ang libro at umayos ng pwesto para maging komportable sa alam niyang mahaba-haba

  • Your Love is my Revenge   Chapter 24

    "YOU'RE WHAT???!!!!" nag-echo sa buong kabahayan ang sigaw niyang iyon.Nang sabihin pa lang sa kanya ng ina na naghihintay sa kanya si Rachel ay kinabahan na agad siya.Alam niyang gulo na naman ang dala nito. Ngunit hindi niya akalain na ganito kalaking gulo pala.Ngayon pang mabuti na ang takbo ng relasyon nila ni Anicka. Saka naman ito darating at sasabihing buntis siya."You heard me right, babe. I'm pregnant. With our child." buong tamis ang pagkakangiti nito nang sabihin iyon."That's not mine, damn you!" naniningkit ang mga matang sigaw niya."How can you say that? We made love... countless of times." anitong umarte pang tila nasaktan sa sinabi niya."How could it be possible? It's been months since the last time we had SEX? Damn you, Rachel! Huwag mong ipaako sa akin ang kalat ng iba!" aniyang ipinagdiinan ang salitang SEX dito.It's just Anicka, he was, and he will making love with.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status