Share

Chapter 4

Author: Rubye GT
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

KANINA pa wala sa sarili si Anicka. Hanggang sa mga oras na iyon ay naiisip niya pa rin si Tyron.

Parang nararamdaman niya pa rin ang talim ng mga titig nito sa kanya kanina.

Sigurado siyang nakita nito ang ginawang paghalik sa kanya ni Albert.

Ano kaya ang iniisip nito sa nakita?

At bakit parang galit ito sa talim ng titig nito sa kanya?

Posible kayang...--?

"Hays! Erase, erase, erase!" mahina niyang sabi na inihilamos ang kamay sa mukha. "Huwag mo na siyang isipin, Anicka. Mas marami kang bagay na mas dapat isipin kaysa sa kanya." kausap niya sa sarili habang pinapaypayan ang sarili gamit ang mga kamay at huminga ng malalim.

Pagdating ng lunch time ay may problema na naman si Anicka.

Wala siyang baong lunch!

Tanghali na kasi siyang nagising kanina kaya't hindi na siya nagluto ng babaunin.

Sa isip niya ay kakainin na lamang siya sa canteen sa tapat.

Sa kabila naman kasi ng nangyari sa nakaraan ay maganda naman ang pakitungo ni Nanay Trining sa kanya.

Ito pa ang nagpilit na tawagin na lamang daw niya itong nanay, tutal, ay parang anak na rin naman daw ang turing nito sa kanya.

Hindi niya nga lamang inaasahan na darating si Tyron.

At ngayon nga ay namomroblema siya.

Hindi umaalis si Tyron sa canteen.

Dahil salamin na sliding door ang pintuan ng canteen ng mga ito, ay tanaw niya si Tyron, na siya ngayong naka-upo sa kaha na tila nalilibang sa kanyang ginagawa.

Ang susunod pa namang pinaka-malapit na kakainan ay kinse minutos na lakarin.

Kinse minutos papunta, at kinse minutos din pabalik, e di, treinta minutos agad ang mawawala sa oras ng lunch break niya. Ayaw niya namang mamasahe at nanghihinayang din siya sa ibabayad niya.

Napahinga na lamang siya ng malalim.

"Bahala na nga."

Pagdating ng break time ay wala siyang ibang pagpipilian kundi kumain sa canteen sa tapat.

Mabuti na lamang at may kasabay siya.

Wala ring baong pagkain ang isa niyang kasama kaya't napagpasyahan nilang sabay na lamang kumain sa canteen sa tapat.

Pagpasok pa lamang nila sa loob ng canteen ay ramdam niya na ang mga mata ni Tyron na nakasunod sa kanya.

Pero kahit yata magka-stiff neck siya ay hindi siya lilingon sa gawi nito.

"Kuya, sobra po 'yong sukli ko, two hundred na buo lang po iyong binayad ko, hindi po five hundred. Sobra po kayo ng three hundred."

Narinig niyang sabi ng isang estudiyante sa cashier.

"Ahh... gan'on ba? Oo nga ano...?" nakangiting sabi nito sa estudiyante na halatang kinilig nang ngitian nito.

Sino ba naman ang hindi kikiligin?

Naka-suot ito ng yellow polo shirt na humahapit sa maskulado nitong dibdib at maong na pantalon na tila ay yumayakap sa mga hita nito.

Samahan pa ng mala-toothpaste commercial nitong ngiti.

Parang gusto na niyang dumighay sa kabusugan kahit hindi pa man lang siya nakaka-order.

"Akala ko ba hindi ka lilingon?" nang-uuyam na sabi ng isang bahagi ng utak niya. "Sorry naman, napalingon lang naman ako d'on sa estudiyante." sagot naman ng kabila.

Napailing na lamang siya sa naisip.

Dati niyang pag-aari ang lahat ng iyon.

Dating buong pusong iniaalay sa kanya.

Kung hindi lang sana--

Napahinga na lamang siya ng malalim.

"Huy, nakikinig ka ba?" siko ng kasamahan niyang si Claire ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

"Huh?!" nagulat pang sabi niya.

"Hay nako... sabi ko na nga ba, lumilipad na naman 'yang utak mo, eh," sabi nito sabay paikot ng mga mata. "Sabi ko, ang gwapo ng bagong cashier. Grabe, kung ganito ba araw-araw, eh di, lagi na lang akong hindi magbabaon," kinikilig na bulong nito sa kanya.

"Shhh... marinig ka! Halika na nga, pila na tayo." sabi niya ritong bahagya lamang sumulyap kay Tyron.

Nagulat pa siya sapagkat nakatingin pa rin si Tyron sa kanya.

"Nicks, nakatingin siya rito. Ano? Okay lang ba ang hitsura ko? Hindi ba magulo ang buhok ko? Hindi pa naman ako nakapag-retouch, oh my God, hindi ako prepared!" maarteng bulong pa rin nito na pinanlakihan niya na lamang ng mga mata.

Ang style ng canteen ni Nanay Trining ay iyong tila sa mga foodcourt ng mall.

Pipila ka upang pumili ng pagkain at sa unahan ng pila ay naroon ang cashier upang bayaran ang in-order mo.

Kaya't heto siya ngayon, kinakabahang makarating sa unahan ng pila.

Nakapili na siya ng pagkain at hinihintay na lamang ang turn niya sa pagbabayad.

Pagdating sa kanya ay pilit niyang iniiwasang magtama ang mga mata nila ng cashier.

"One hundred pesos," narinig niyang sabi nito sa baritonong tinig.

Inabot niya rito ang isandaang piso nang hindi pa rin tumitingin dito.

"Duwag ka pa rin," 

Gulat na nag-angat siya ng tingin sa sinabi nito.

Pagtingin  niya rito ay kay Claire na ito nakangiting nakatingin.

Na lalo namang nagpakilig dito.

Naiiling na binuhat niya na lamang ang tray ng pagkain at inilibot ang paningin upang humanap ng bakanteng mesa.

Tila naman nananadya, ang mesa na malapit sa counter lamang ang nakita niyang bakante. Kaya't wala siyang choice kundi doon maupo.

Paglingon niya ay nakita niyang naroon pa rin si Claire at sa mga sandaling iyon ay hawak nito ang cellphone nito.

Ganoon din si Tyron.

Mukhang nagpalitan na ng number ang dalawa.

Ang bilis talaga ni Claire.

Nagkibit na lamang siya ng balikat at nag-umpisa nang kumain kahit wala pa ito sa mesa.

Baka matagalan pa ang pakikipag-ngisngisan nito sa cashier.

Lihim siyang napa-ingos.

MAYA-MAYA pa ay dumating na si Claire na dala rin ang tray ng pagkain nito.

"Hay nako, wala na pala akong pag-asa kay pogi,"

Nangunot ang noo niya sa sinabi nito. Akala ba niya ay nagkapalitan na ang mga ito ng cellphone number?

Hinihintay niyang dugtungan nito ang sinabi ngunit nakangiti lamang itong nag-umpisa nang kumain.

Lokaret talaga 'to. Binitin pa ako sa kwento.

Hindi naman na siya nagtanong at ipinagpatuloy na lamang ang pagkain.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya.

Si Albert.

Uminom muna siya ng tubig bago sinagot ang tawag.

"Hello..."

"Hi, baby. Kumain ka na ba?"

"Kumakain kami ngayon, kasabay ko si Claire."

"Sayang naman, akala ko pwede tayong mag-sabay. Nandito ako ngayon sa malapit, may kausap akong prospective buyer, eh."

"Ah, gan'on ba? First batch kasi kami ni Claire, kaya ang aga naming nag-lunch,"

Hindi sabay-sabay ang break ng mga empleyado sa school supplies na pinagta-trabahuhan niya. Kailangang may maiwang bantay sa tindahan habang kumakain ang iba, kaya't body-body ang schedule ng kain nila. Anim sila sa tindahan kaya naman tatlong batch sila kung mag-lunch.

"Ah, gan'on ba? Hindi bale, mamaya na lang. Sabay tayong mag-dinner, bago kita ihatid sa bahay mo,"

"Sige. Hihintayin na lang kita mamaya."

"Sige na, baka naaabala na kita sa pagkain mo. I love you."

"Sige. Goodluck sa ka-meeting mo."

Iyon lang at tinapos na niya ang tawag.

"Sino 'yon? Si Papa Albert?"

"Oo." matipid niyang sagot.

Ayaw niya na sana pang pag-usapan.

Ewan niya, pero nararamdaman niya pa rin na nakatingin si Tyron sa kanya.

Nang mag-angat siya ng tingin ay hindi nga siya nagkamali.

Madilim na naman ng mukha nitong nakatingin nga sa kanya.

"Ang swerte mo talaga, Nicks. Ang ganda mo kasi, eh. Kapag sinagot mo si Papa Albert, balato mo na lang sa akin si pogi, ha." sabi nitong sinundan ng hagikgik.

Muli ay kunot-noo niyang tiningnan ito na tila hinihingan ng paliwanag sa mga sinabi nito.

Ngunit nakangiting nagkibit lamang itong muli ng balikat.

Naiiling na ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkain.

Kailangan na niyang maka-alis sa lugar na iyon. Kung totoong apoy lamang ang inilalabas ng mga mata ni Tyron, malamang, kanina pa siya abo. Hindi na siya magtataka kung hindi siya matunawan.

Nang muling tumunog ang  cellphone niya. 

May nag-text. 

Agad niya iyong kinuha upang tingnan ang mensahe. Nangunot ang noo niya sapagkat hindi niya kilala ang rumehistrong numero dito.

FROM  :09160000000

CANCEL YOUR DATE WITH THAT BASTARD, BOYFRIEND OF YOURS!

Mas lalong nangunot ang noo niya sa pagkagulat nang mabasa ang laman ng katatanggap lamang na mensahe.

Hindi nakarehistro ang number.

Wala naman siyang boyfriend.

Baka wrong send.

Kibit-balikat niyang sabi sa sarili, at saka binura ang naturang mensahe at muling itinabi ang cellphone.

Napitlag siya nang muli iyong tumunog.

May tumatawag.

Kaparehong numero ng nag-text sa kanya kanina.

Ilang saglit na nakatitig lamang siya sa cellphone niya nang huminto iyon sa pagtunog

Ngunit muli na naman iyong tumunog, tanda na may nag-text na naman.

FROM : 09160000000

ANSWER MY CALL! DAMN IT!

FROM : ANICKA

Who are you?

FROM : 09160000000

So, who are you na lang ako ngayon, ha?!

FROM : ANICKA

Hindi nga kita kilala.

FROM : TYRON

Talaga ba? MAHAL? Ngayon, kilala mo na ba ako?

Dagling lumipad ang nanlalaki niyang mga mata patungo rito. Nasalubong niya ang nag-aapoy pa rin nitong mga tingin.

FROM : ANICKA

Tyron?

FROM : TYRON

I'm glad, nakilala mo ako dahil sa endearment na iyan! Bakit? Wala na bang ibang tumawag sa iyo ng ganyan? Teka... ilan nga ba uli kaming pinag-laruan mo? At ilan sila ngayong pina-iikot

mo?

FROM : ANICKA

Tyron, please, hindi ba pwedeng kalimutan na lang natin ang nakaraan? Kung may nagawa man akong kasalanan noon, buong puso akong humihingi ng tawad. Just please... kalimutan na natin 'yon.

FROM : TYRON

In your dreams, Anicka.

FROM : ANICKA

Pagbabayaran mo ang lahat ng sakit na ibinigay mo sa 'kin.

FROM : TYRON

Paano mo nga pala nalaman ang number ko?

FROM : TYRON

Huwag mong ibahin ang usapan.

FROM : ANICKA

Okay. What do you want?

FROM : TYRON

YOU!

Mariin siyang napalunok sa sagot nito.

FROM : ANICKA

Me?

FROM : TYRON

Yes, YOU!

FROM : ANICKA

I have no time for this

FROM : TYRON

I don't care about your fucking time! I am telling you to cancel your date with that fucking bastard! I'll meet you, after your work.

FROM : ANICKA

And if i don't?

FROM : TYRON

THEN, YOU WILL BE SORRY!

NAIINIS SIYA.

Hindi niya alam kung bakit.

Kaninang umaga, nang makita niya si Anicka na inihatid ng Albert na iyon ay ganoon na lamang ang galit na naramdaman niya.

Lalo pa nang makita niyang hinalikan nito si Anicka bago bumaba ng sasakyan.

So, sila pa rin pala?

Sabagay, ano pa nga ba ang inaasahan niya?

Hindi maaari.

Hindi siya papayag na maging masaya ang mga ito.

Kanina, nang malingat si Anicka, ay kinuha niya ang numero nito sa kasama nito.

Hindi naman siya masyadong nahirapan. Kaunting bola, kaunting ngiti... ay ibinigay agad nito ang hinihingi niya.

Nang marinig niya itong may kausap sa cellphone kanina ay naisip niya agad na si Albert iyon. Na kinumpirma ng pagtatanong  ng kasama nito.

Nagtagis ang mga ngipin niya.

Hindi siya papayag na humadlang ito sa paghihiganti niya.

Kailangang mapasa-kanya si Anicka.

Kailangang mahulog ito sa bitag niya.

Walang kahit na ilang Albert ang maka-pipigil sa kanya.

Nakaka-ilang tingin na siya sa relo niya. Ang bagal ng oras. Gustong-gusto na niyang maka-usap si Anicka.

Kailangang maipa-mukha niya na rito na hindi ito maaaring maging masaya sa piling ng iba.

Hindi maaari, hangga't miserable siya.

Tama.

Miserable pa rin siya hanggang ngayon.

Wala naman nang saysay kung ikakaila niya pa iyon maging sa sarili niya.

At si Anicka ang may kagagawan niyon.

Sila ng tatay niya.

At ni Albert.

Related chapters

  • Your Love is my Revenge   Chapter 5

    "OKAY ka lang?" tanong ni Albert na kung ilang beses na yata nitong inulit."Huh...? Of course." ilang beses niya na ring sagot.Kanina pa siya wala sa sarili.Hindi niya sinunod ang sinabi ni Tyron na kanselahin ang dinner nila ni Albert.Narito siya ngayon at kumakain ng hapunan kasama ang binata, ngunit wala naman dito ang isip niya."Hah... sino ba siya sa akala niya?" maka-ilang ulit niyang kausap sa sarili.Maaaring may nagawa siyang kasalanan dito, ngunit wala itong karapatang mandohan siya.Kung may nagawa man siyang kasalanan sa nakalipas, ay ginawa niya iyon para din dito."Baby, are you sure, you're okay?" tanong muli ni Albert."Okay lang nga ako, ano ka ba? Napagod lang siguro ako, ang daming tao kanina. Malapit na kasi ang pasukan, eh." sagot niya ritong nag-iwas ng tingin.Bumuntong-hininga muna si Albert bago nagsalita."I saw him. He's back. Siya ba ang dahilan, kung bakit kanina ka pa bali

  • Your Love is my Revenge   Chapter 6

    FLASHBACK "MGA Sissies..." Tila iisang tao na nag-angat ng mga ulo ang magkakaibigan nang marinig ang tinig ni Brittany na humahangos pang papalapit sa kanila. Naroon sila ngayon at nakatambay sa canteen dahil isang oras pa bago ang klase nila, pumasok lamang talaga sila ng maaga sapagkat sabi nga nito ay may good news daw ito sa kanila. "What now, Brit?" naka-angat ang isang kilay ni Bella nang tumingin dito. "Pinapasok mo kami ng maaga, pagkatapos ikaw ang late?" Ngunit nginitian lamang ito ni Brittanny. Sanay na sila sa isa't-isa. "Wait till you hear what i've got, Belle." inilibot nito ang tingin sa kanilang lahat at natigilan nang makitang kulang sila. "Where's Anicka?" "Sorry, i'm late." anang kadarating lang na dalaga. Isa-isa nitong nilapitan ang mga kaibigan at binigyan ng halik sa pisngi. "Ngayong kumpleto na tayo, spill the good news, Britt." sabi naman ni Chelsea.

  • Your Love is my Revenge   Chapter 7

    PAGPASOK ni Tyron sa silid niya ay agad siyang dumeretso sa cr.Kailangan niya ng cold shower. Upang kahit papaano ay humupa ang init na nararamdaman niya.Pakiramdam niya anumang sandali ay sasabog na lamang siyang bigla.Hindi niya akalain na ganoon pa rin ang epekto ni Anicka sa kanya.Hindi niya binalak na gawin iyon. Halik lamang ang balak niyang ibigay dito. Ngunit nang sandaling lumapat ang malambot na katawan nito sa kanya, ay nakalimot na siya. Katulad ng dati, kaya pa rin siya nitong baliwin sa lambot at bango ng katawan nito, na katulad ng dati ay malaya pa rin nitong ipinagkakaloob sa kanya.Bumalik sa ala-ala niya kung saan nagsimula ang lahat...FLASHBACKPAGPASOK pa lamang ni Tyron sa loob ng campus ay narinig na niya ang usapan ng isang grupo ng mga fourth year students na nadaanan niya."Maging syota ko lang talaga yan, pare, kahit na isang araw lang, puwede na a

  • Your Love is my Revenge   Chapter 8

    NANG sumapit ang championship ay naroon nga si Anicka, kasama ang mga kaibigan nito upang manood ng laro, katulad ng ipinangako nito.Iyon nga lang, kasama rin ng mga ito si Albert.Natapos ang laro at nanalo na naman ang kanilang koponan. Gayon pa man, ay hindi siya nakaramdam ng lubos na kasiyahan. Ramdam ng puso niya ang pagkatalo.Nakita niyang akmang lalapit sana sa kanya si Anicka, ngunit minabuti niyang umiwas na lamang. Hindi rin naman niya alam ang sasabihin niya.Ngunit hindi niya inaasahang susundan siya nito sa locker room.Laking gulat niya nang marinig niya ang tinig nito habang nasa shower siya kaya't dali-dali niyang tinapos ang paliligo at kahit medyo basa pa ang katawan at tumutulo pa ang buhok ay lumabas na agad siya ng shower room. Para lamang makita ang nanlalaki nitong mga mata habang nakatingin sa mga ka-team mates niya.Agad siyang lumapit dito at tinakpan ang mga mata nito hinahatak papasok ng cubicle.Nang ma

  • Your Love is my Revenge   Chapter 9

    "TYRON, ano'ng ginagawa mo diyan?" gulat na bulalas ni Anicka, habang dali-daling binubuksan ang pinto sa terrace at pinapasok siya.Luminga-linga pa ito sa paligid, bago isinarang muli ang pinto at dali-daling tinakbo ang pinto ng silid nito, upang siguruhing naka-kandado iyon."Tyron, talaga? Mahal naman, eh, huwag ka nang magalit," malambing na sabi niya rito."Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na napaka-delikado ng ginawa mo? Kapag may nakakita sa'yo, hindi ko alam kung ano ang puwedeng mangyari," tuloy-tuloy na sita sa kanya ng kasintahan na hindi pinansin ang sinabi niya."Huwag kang mag-alala, mahal, dati ako'ng ninja!" sabi niya ritong may pilyong ngiti sa labi, sabay kindat."Puro ka kalokohan. Bakit ka ba kasi nandito?" anito sa tila naiinis na tinig, bago padarag na naupo sa gilid ng kama.Lumapit siya rito at paluhod na pumuwesto sa mismong harapan nito at hinawakan ang kamay ng kasintahan at deretsong tumingin sa m

  • Your Love is my Revenge   Chapter 10

    CLAIRE (WORK)Nicks, ano'ng oraska papasok?ANICKAWhy? Off ko ngayon.CLAIRE (WORK)Ah, gan'on ba?Sayang naman.ANICKABakit?CLAIRE (WORK)Usap-usapan na change management na raw tayo... may iba na raw nakabili ng WAAK. Malaki raw ang offer, kaya hindi nagdalawang isip si boss na ibenta... kahit daw tatlong WAAK puwedeng ipatayo sa laki ng offer.ANICKATalaga? Bakit kaya 'yong maliit na store natin ang napili niya, kung ganoon naman pala siyang kayaman?CLAIRE (WORK)Ewan. Bali-balita nangayon daw ipapakilalaiyong bagong may-ari.At balita ko, ang guwapo raw.Well, ayon lang namankay Denise, ha. Nakita niyaraw nung lumabas sa office

  • Your Love is my Revenge   Chapter 11

    KASALUKUYANG kumakain si Anicka nang tumunog ang cellphone niya.Si Albert."Hi, baby. Sabay tayong mag-lunch." bungad agad nito pagsagot niya ng tawag.Bahagya siyang nangiwi sa sinabi nito."Ahm... nandito kami ngayon sa Trining's."Hindi niya alam kung magandang ideya ba na papuntahin niya roon si Albert lalo at kanina niya pa nararamdaman ang pailalim na tingin ni Tyron na tila binabantayan ang lahat ng kilos niya."Ahh... d'yan ka maglu-lunch?" tanong nitong muli."Baka dito na nga kami abutin ng lunch. Hindi yata magbubukas now ang WAAK, eh." sagot niya rito.Nang matapos ipakilala ni Mr. Santos si Tyron kanina ay umalis na rin agad ang binata. Ngunit nagbilin ito na magtungo silang lahat sa Trining's at nagpahanda umano ito ng makakain doon para sa kanilang lahat.Nais daw nito na nakapalagayang loob ang mga empleyado bago magsimula ng trabaho."Ahh... bakit? At ano naman ang ginagawa mo d'yan kung hindi na

  • Your Love is my Revenge   Chapter 12

    TYRONWhere are you?ANICKAOn my way, Sir.TYRONYou're already late.ANICKAI'm sorry..TYRONMasyado ka bang pinagod niAlbert at hindi ka nagising ng maaga?Mariing naipikit ni Anicka ang mga mata.Heto na naman po sila.ANICKASir, please... kapag sinagotko 'yan, hindi ka namanmaniniwala, so what's the use? Sorry po kung na-late ako... hindi na po mauulit. Ibawas n'yo na lang po sa sahod ko.TYRONDamn you! I don't fuckingcare about your salary!ANICKAKapag sumagot ako, galit ka... kapag naman hindi ako sumagot, galit ka rin.TYRONDA

Latest chapter

  • Your Love is my Revenge   Special Chapter

    NANG magising si Anicka ay mag-isa na lamang siya sa silid. Bahagya pa siyang napaisip kung panaginip lamang ba ang lahat ng nangyari kagabi. Ngunit hindi, imposible, bukod pa sa hubad siya sa ilalim ng kumot.Inabot niya ang unang ginamit ni Tyron at niyakap. Nakakapit pa rin doon ang swabeng amoy ng cologne nito na humalo sa natural na amoy ng binata. Napapikit pa siya at hinayaang ipaghele siya nang mabagong amoy na iyon.Nang lumipas na ang antok ay iinot-inot na bumangon na siya.Nasaan kaya ang kasintahan? Ibinalabal niya ang kumot sa katawan at papasok na sana sa cr nang mapansin niya ang isang malaking kahon na nakapatong sa mesita. Kunot-noong nilapitan niya iyon.Napangiti siya nang masilayan ang isang magandang puting bestida, mayroon din niyong tila korona na gawa sa iba't ibang uri at kulay ng bulaklak. Napapikit pa siya nang samyuin ang bango niyon.Sa ibabaw ng damit ay may nakalagay na note, alam niyang sulat kam

  • Your Love is my Revenge   FINALE

    "IS THAT Rachel? At kaya ayaw mong buksan ay dahil malalaman niyang nandito ako?" tanong ni Anicka sa binata sa malamig na tinig. Tila may malaking kamay na pumiga sa puso niya sa naisip.Awtomatiko ang pagkunot ng noo ni Tyron sa sinabi niya. "Of course, not." mabilis nitong sagot. "Rachel's in New York now, and she'll be staying there for good.""Kaya ba nandito ka na naman sa akin, dahil nandoon na naman siya. Ano'ng plano mo? Doon mo ititira ang pamilya mo habang kinakasama mo ako dito?" mapait siyang ngumiti. "Please, Tyron, spare me. Kung ginusto kong maging kabit, eh, di sana pumayag na lang ako sa gusto ni Mr. Montelibano. Hindi sana ako nasasaktan ngayon." aniyang pinangingiliran na ng mga luha.Agad niyang nakita ang pagtatagis ng mga bagang ni Tyron sa sinabi niya."Will you stop that?! Kaya nagkaka-loko-loko ang buhay natin, eh! Dahil diyan sa kung anu-anong iniisip mo!" inis na singhal nito sa kanya.Tila wala itong

  • Your Love is my Revenge   Chapter 30

    KANINA pa naiinis si Tyron. Panay ang papungay ng mga mata sa kanya ng katabi niya. Kung dumating ang katulad nito noong mga panahong nasa New York siya at hindi pa sila nagkakabalikan ni Anicka, ay baka pinatulan niya pa ito. Ngunit sa ngayon ay sarado ang puso at mga mata niya para lamang sa iisang babae.Ang kailangan lamang niyang gawin ay hanapin ang babaeng iyon at patunayan dito kung gaano niya ito kamahal."Tyron, gusto mo ba subuan kita nitong mangga para hindi ka antukin? Ang aga kasi ng bihaye natin, eh." maarteng sabi ni Coleen habang bumibiyahe sila. Ito ang kapatid ng kaibigan ni Bench na kanina pa panay ang papungay ng mga mata sa kanya."No, thanks. Wala pang laman ang sikmura ko, baka mangasim sa mangga." aniya at pilit itong nginitian."Ah, okay. Just tell me, if you need something, ha. Nakakahiya naman sa'yo, ikaw pa ang nahilang driver namin. Pasensya ka na, ha, wala kasing ibang mahanap, eh." daldal pa rin nito.

  • Your Love is my Revenge   Chapter 29

    "HI, ANICKA... kumusta?" agad na nagsalubong ang mga kilay niya nang makilala niya ito."Lander... mabuti naman." sabi niyang muling ibinalik ang tingin sa ginagawa.Matalik itong kaibigan ni Lance. Dalawang araw na ang nakararaan nang dumating ito sa resort at nais daw magbakasyon. Naibulong sa kanya ni Chelsea na may pinagtataguan daw itong babae sa Maynila kaya ito naroon sa resort.Mula nang ipakilala siya ni Chelsea rito ay hindi na siya nito tinantanan. Palagi na itong nakabuntot sa kanya. At bigla na lamang sumusulpot sa harapan niya, katulad na lamang ngayon.Kung hanggat maaari ay iniiwasan niya ito. Hindi man ito magsalita ay alam niya kung ano ang pakay nito sa kanya. At hindi pa siya handa para d'on."Wanna have dinner with me?" anitong binigyan siya ng nakakatunaw na ngiti at tingin, na kung ibang babae lamang siya ay tiyak na mapapapayag siya nito saan man siya nito nais na dalhin.Ngunit hindi siya iban

  • Your Love is my Revenge   Chapter 28

    FLORENCIO RESORTIYON ang nabasa ni Anicka sa malaking arko pagbaba niya pa lamang ng taxi.Ito na siguro ang resort na pag-aari ng asawa ni Chelsea. Muli niyang tiningnan ang hawak na calling card ng kaibigan at binasa ang nakasulat na pangalan.Chelsea O. FlorencioHuminga muna siya ng malalim at bitbit ang hindi kalakihang maleta ay lumakad siya papalapit sa gate upang magtanong sa naroong security guard."Magandang umaga ho, manong guard, hinahanap ko po si Chelsea..." magalang na sabi niya rito.Magalang din naman itong ngumiti sa kanya. "Magandang umaga din po, Ma'am. Ano pa ang pangalan n'yo?" balik-tanong nito sa magalang ding paraan."Anicka Escudero po..."Sukat ay nagliwanag ang mukha ng gwardiya. "Ah, opo, itinawag na po kayo ni Ma'am Chelsea. Darating nga raw po kayo. Halika po kayo at sasamahan ko po kayo sa White House." anito na tinapik muna sa balikat ang isa pan

  • Your Love is my Revenge   Chapter 27

    Mahal, I'm so sorry, Mahal. God knows, how much I wanted to fight for you... for us. For our love. Pero paano tayo lalaban kung mayroong isang inosenteng buhay na tayong madadamay? Kung sa ibang babae lang, ipaglalaban kita... ipaglalaban ko ang pag-ibig natin. But I can't do the same to your child. I love you. Love you enough, to set you free. Ayokong mahirapan kang mamili sa pagitan namin ng anak mo. I Love You, Mahal... nevet forget that. I'm so sorry.AnickaNANLULUMONG muling binasa ni Tyron ang sulat na hawak pa rin niya at bahagya nang nalukot dahil sa pagkuyom ng kanyang kamao.

  • Your Love is my Revenge   Chapter 26

    ANGIE (work)Sir, I already got you an appointment with a Gynecologist, tomorrow.. 9 o'clock am. at St. Lukes Just look for Dra. Lara Legaspi TYRONThank you, Angie. ANICKA'S POVNANG pakiramdam ni Anicka ay naubos na ang luha niya sa kai-iyak ay bumangon na siya.Nakapag-pasya na siya.Kailangan na niyang lisanin ang masyon. Tama si Rachel. Kung totoo ngang pag-aari na ni Tyron ang mansyon ay mas may karapatan ang magiging anak nito kaysa sa kanya.Agad siyang naglagay ng ilang damit at gamit sa maleta at itinago iyon sa ilalim ng kama pagkatapos.Hindi niya pa alam kung saan siya pupunta. Isa lang ang alam niya. Kailangan niyang makalayo kay Tyron. Ayaw na niyang pahirapan pa ito sa pamimili sa pagitan niya at ng anak nito.Pagkatapos mag-empake ay dumeretso siya sa kusina at nagluto ng maaari nilang kainin ni Tyro

  • Your Love is my Revenge   Chapter 25

    LINGGO. Rest day ni Anicka kaya't mas pinili niya na lamang manatili sa bahay at maglinis dahil wala naman siyang maisip na puntahan. Hindi niya alam kung darating ba si Tyron sapagkat wala naman silang usapan. Ang alam niya ay sinamahan nito ang ina kanina umaga upang mamili ng mga kakailanganin para sa canteen ng ina nito.Pagakatapos niyang maglinis ng bahay ay naligo na siya at nahiga na lamang. Sa kawalan ng gagawin ay naisip niyang magbasa na lamang ng pocketbook upang magpaantok.Nang tumunog ang cellphone niya ay hindi tinitingnan pakapa niya lamang iyong kinuha sa nightstand. Sinulyapan niya muna ang screen niyon at napangiti siya nang makita ang pangalan ng kasintahan. Agad niya iyong sinagot."Hi, Mahal..." nakangiting bati niya rito." Hi, anong ginagawa mo?" anito sa malambing na tinig."Nagbabasa ng pocketbook." sagot niya bagaman binitiwan na ang libro at umayos ng pwesto para maging komportable sa alam niyang mahaba-haba

  • Your Love is my Revenge   Chapter 24

    "YOU'RE WHAT???!!!!" nag-echo sa buong kabahayan ang sigaw niyang iyon.Nang sabihin pa lang sa kanya ng ina na naghihintay sa kanya si Rachel ay kinabahan na agad siya.Alam niyang gulo na naman ang dala nito. Ngunit hindi niya akalain na ganito kalaking gulo pala.Ngayon pang mabuti na ang takbo ng relasyon nila ni Anicka. Saka naman ito darating at sasabihing buntis siya."You heard me right, babe. I'm pregnant. With our child." buong tamis ang pagkakangiti nito nang sabihin iyon."That's not mine, damn you!" naniningkit ang mga matang sigaw niya."How can you say that? We made love... countless of times." anitong umarte pang tila nasaktan sa sinabi niya."How could it be possible? It's been months since the last time we had SEX? Damn you, Rachel! Huwag mong ipaako sa akin ang kalat ng iba!" aniyang ipinagdiinan ang salitang SEX dito.It's just Anicka, he was, and he will making love with.

DMCA.com Protection Status