ALL OF ME(A Wife Untold Story)

ALL OF ME(A Wife Untold Story)

last updateLast Updated : 2021-05-13
By:   Shein Althea   Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
36Chapters
11.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Para kay Laura ang pag-ibig ay parang sugal. May nananalo... May natatalo. Sa larong siya mismo ang taya. Ano ang kaya niyang ibigay? Papaano niya haharapin ang kapalarang nakaabang sa kaniya kung ang lahat nang nasa paligid niya ay kontra? Lahat ay kayang gawin para sa minamahal. Lahat ay kayang ibigay para sa pag-ibig. Sarili. Dignidad. Karapatan. All of Me...

View More

Latest chapter

Free Preview

Simula

"Pero alam mo Mare. . . once a cheater always a cheater. Kaya iyong asawa kong si Dindo, buti na lang iniwan ko na. Tingnan mo naman ako ngayon, looking young and healthy. Hindi tulad noon na mukha akong basahan."Napatango na lamang ako sa tuloy-tuloy na pagsasalita ng aking kaibigang si Olive. Magkaibigan na kami mula pa hayskul kaya sanay na ako sa ugali nito. Masyado itong prangka at matalim ang dila. Walang preno ang bibig nito kahit na nakakasakit na iyon ng damdamin.Pinagmasdan ko ng mabuti ang kaibigan. Gumanda nga ito ngayon at naging makurba ang katawan. Wala na ring mababakas na maitim na linya sa ilalim ng mga mata nito.Natatandaan ko pa kung paano ito pumal...

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
Danilo Baruc
I love my story at hirap ng masaktan ng lobos.
2021-07-24 19:54:29
0
36 Chapters
Simula
"Pero alam mo Mare. . . once a cheater always a cheater. Kaya iyong asawa kong si Dindo, buti na lang iniwan ko na. Tingnan mo naman ako ngayon, looking young and healthy. Hindi tulad noon na mukha akong basahan."  Napatango na lamang ako sa tuloy-tuloy na pagsasalita ng aking kaibigang si Olive. Magkaibigan na kami mula pa hayskul kaya sanay na ako sa ugali nito. Masyado itong prangka at matalim ang dila. Walang preno ang bibig nito kahit na nakakasakit na iyon ng damdamin.  Pinagmasdan ko ng mabuti ang kaibigan. Gumanda nga ito ngayon at naging makurba ang katawan. Wala na ring mababakas na maitim na linya sa ilalim ng mga mata nito.  Natatandaan ko pa kung paano ito pumal
last updateLast Updated : 2021-04-15
Read more
Kabanata 1
"Oh! bakit ganiyan ang hitsura mo?" tanong ko sa kapatid habang pinagmamasdan ang kaniyang kabuuan. May mantsa sa T-shirt nito at may gusot sa dulo. Habang medyo magulo naman ang buhok na hinayaan lang nitong nakalugay.  "Naglaro tayo sa P.E di ba? Alangan namang hindi ako madumihan. Saka, ang hirap maging malinis kung takbo ka nang takbo," sagot naman nito sa akin. Alam kong nagsisinungaling siya dahil hindi ito makatingin sa akin ng diretso.  Napailing ako sa kaniyang sinabi kapagkuwan. Alam ko kasing hindi naman siya nadumihan sa P.E kundi sa pakikipag-away kanina. Nakita ko sila ni Laila at alam ko ang ginawa nito sa aking kapatid.  Naikuyom ko kaagad ang aking kamao. May araw rin sa akin ang babaeng 'yon. Lalo lang niyang di
last updateLast Updated : 2021-04-15
Read more
Kabanata 2
Nilisan ko ang hotel nang may mabigat na dibdib. Pinilit ko rin ang aking sarili na lumayo mula roon. Napakasakit pala. Nanunuot sa aking puso ang bawat eksenang aking nakita. Hindi ko matanggap ngunit wala akong lakas ng loob na sugurin sila.  Akala ko noon sa mga pelikula lang nangyayari ang mga bagay na imposible. Ngunit ngayon, napagtanto kong maging sa totoong buhay ay posible pala 'yon. "Ma'am saan po kayo?" tanong sa akin ng isang tricycle driver. Tiningnan ko ito at napagtantong sadya niya akong hinintuan. Napangiti ako nang mapait. Pinalis ko rin ang namumuong mga luha sa aking mga mata.  "Sa San Vicente Cathedral po," sagot ko. Kailangan ko munang mag-isip. Kailangan kong mapag-isa. Kailangan kong ilabas ang lahat ng kirot sa puso ko bago ako umuwi. Bago
last updateLast Updated : 2021-04-15
Read more
Kabanata 3
Ang pinakapayapang lugar para sa akin sa aming paaralan ay ang rooftop ng eskwelahan. Dali-dali akong umakyat sa hagdanan at napangiti nang nasa bungad na ako ng pintuan.  Agad kong binuksan iyon at bumungad kaagad sa akin ang maaliwalas na kalangitan na may magandang panahon. Mas lalong lumawak ang aking pagkakangiti. Sigurado akong magiging maganda ang aking magiging siesta. Umupo ako sa nakasanayan kong pwesto at bahagyang iniunat ang aking katawan. Humikab ako at itinaas ang aking mga kamay para sa mas komportableng pagtulog. Ngunit, pipikit na lamang ako nang may marinig akong mahinang pagkanta.  Agad-agad kong inilibot ang aking paningin. Hindi pa ako nakontento at tumayo ako para tingnan kung sino ang kumakanta. Nilibot ko ang
last updateLast Updated : 2021-04-15
Read more
Kabanata 4
Napakaaga kong nagising kahit na panay ang tahimik kong paghikbi kagabi. Siniguro kong nailabas ko na ang lahat ng pait na nararamdaman ko sa aking dibdib at pati ang aking mga agam-agam. Naisip kong sumuko at iwanan na lamang si Bernard ngunit hindi maaari. Ako ang asawa. Ako ang mas may karapatan dahil kasal kami. Ang kabit ang siyang dapat lumugar at hindi ako.   Sinulyapan ko muna si Bernard na mahimping pa rin na natutulog sa aking tabi bago ako tumuloy sa banyo. Mabilis akong naligo at nagbihis ng pambahay. Nang matapos ako ay dumiretso kaagad ako sa kusina. Naabutan ko pa si Nene na nagkakape sa dining table. "Maayong buntag Ma'am," (Magandang umaga, Ma'am,) bati nito sa akin.  
last updateLast Updated : 2021-04-15
Read more
Kabanata 5
Pagkatapos nilang umalis ay naisipan kong tawagan si Olive. Alam kong siya lang ang tanging makakaintindi sa aking nararamdaman. Mabilis akong naupo sa pinakamalapit na sofa sa aming malawak na sala. Hinintay kong sagutin ni Olive ang aking tawag at hindi nga ako nagkamali. Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot na niya iyon.  "Hello?" tanong kaagad nito sa akin.  Napangiti ako ng bahagya na para bang nakikita ako ni Olive. Naisip ko rin kung katulad ba ng nararamdaman niya noon ang nararamdaman ko ngayon. Kasi kung tutuusin pareho kaming niloko.  "Olive," umpisa ko.  "Ano ba 'yon? Hoy! bruha ka, huwag mo akong pinapakaba. Spill the beans, dali!" apuradong sabi nito.  
last updateLast Updated : 2021-04-15
Read more
Kabanata 6
"Bakit ba ang kulit mo, Laura? Hindi nga ako makakadalo. Busy ako," bungad kaagad sa akin ni Lara sa kabilang linya.  "Gusto ko lang namang samahan mo akong tumanggap ng aking parangal, Lara." sagot ko naman pagkatapos ng isang buntonghininga.  "Alam mo, kahit naman wala ako do'n, pwedeng-pwede mo pa ring tanggapin ang tropiyo mo." mariing sabi nito. Narinig ko pang may kung anong kakaibang tunog sa background ng aking kapatid. "Pero, Lara.." pagtutol ko.  "Ang ayaw ko sa lahat Laura, 'yong makulit. Si Bernard ang imbitahin mo, hindi ako." galit na sabi nito. Napailing ako kapagkuwan. Mukhang w
last updateLast Updated : 2021-04-15
Read more
Kabanata 7
"B-Bernard," tanging nasambit ko na lamang nang tuluyan akong makapasok sa opisina ng aking asawa. Tinitigan ko ito sa aking mga mata ngunit hindi naman ito makatingin ng diretso sa akin. Alam kong nararamdam niyang nasasaktan ako. Alam kong nararamdam niyang hindi ko gusto ang aking nakikita. "Honey, ano kasi.." Mas lalong akong nasaktan sa naging reaksyon ni Bernard. Mas lalo kong naramdamang, wala na. Na matagal na niya akong niloloko. "Oh! Bakit ganiyan ang hitsura mo, Laura? Para kang hinabol ng asong ulol." Agaw pansin sa akin ni Lara. Tiningnan ko siya ng masama kaya natigilan din ang kaniyang hitsura. "Hindi kita kinakausap Lara, kaya manahimik ka!" Galit na sabi ko pagkatapos ay binalingan ko ulit si Bernard. "May dapat ba akong malaman, Bernard?" dagdag ko pa. Natahimik siya at napailing. Tumayo din ito at nilapitan ako habang ako naman ay nagpupuyos ng gal
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more
Kabanata 8
"Why are you here?" tanong ko kaagad kay Andrew. Hindi niya ako sinagot bagkus ay tiningnan niya lamang ako. Isang klase ng tingin na kailanman ay hindi ko gugustuhing makita galing sa kaniya. He looked at me pitifully. Na maging ako ay ramdam ang awa sa sarili.  "Huwag mo akong tingnan ng ganyan," mahina kong bulong. Halos hindi ko na nga marinig ang sarili kong boses. Napayuko ako at niyakap ang aking sarili. Nasasaktan ako ngayon ngunit kailangan kong magpakatatag. Lahat ay lilipas lamang at may mga bagong darating. Hindi ko nga lamang alam kong kailan. "Umuwi ka na, Laura." sabi nito sa akin. Umiling ako sa kaniyang sinabi. I needed more time. I needed to be alone to think. Kailangan ko ng isang taong makakaintindi sa akin. Kasi hindi ko alam. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa amin bago ko naramdamang lumalapit siya sa akin. Dahan
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more
Kabanata 9
May mga bagay na mahirap ngunit kailangan mong tanggapin. Tinanggap ko ulit si Bernard. Magmula ng gabing iyon sa mansion ng kaniyang buong pamilya ay pinilit kong maging normal sa amin ang lahat. Hindi man katulad ng dati ngunit hindi naman gaanong magulo. Iwinaksi ko rin sa isip ang mga bagay na nagpapaalala sa akin kay Andrew. Natatakot ako dahil nitong mga nakalipas na buwan ay palagi na lamang nagsusumiksik sa utak ko ang kaniyang mukha. Nangingilabot ako sa aking sarili dahil alam kong hindi dapat. "Honey," tawag sa akin ni Bernard. Nasa tabi ko ito at nakikiramdam. "Bakit?" tanong ko dito. Bahagya kong sinulyapan si Bernard at nakita ko ang pag-asam sa kaniyang mga mata. Magmula ng makita ko ang bagay na iyon at naging maayos na kami ni Bernard ay hindi na ulit namin nagagawa ang bagay na iyon. Natatakot ako. Pilit ko mang kalimutan ngunit hindi ko magawa.
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status