"Bakit ba ang kulit mo, Laura? Hindi nga ako makakadalo. Busy ako," bungad kaagad sa akin ni Lara sa kabilang linya. "Gusto ko lang namang samahan mo akong tumanggap ng aking parangal, Lara." sagot ko naman pagkatapos ng isang buntonghininga. "Alam mo, kahit naman wala ako do'n, pwedeng-pwede mo pa ring tanggapin ang tropiyo mo." mariing sabi nito. Narinig ko pang may kung anong kakaibang tunog sa background ng aking kapatid. "Pero, Lara.." pagtutol ko. "Ang ayaw ko sa lahat Laura, 'yong makulit. Si Bernard ang imbitahin mo, hindi ako." galit na sabi nito. Napailing ako kapagkuwan. Mukhang w
Last Updated : 2021-04-15 Read more