Napakaaga kong nagising kahit na panay ang tahimik kong paghikbi kagabi. Siniguro kong nailabas ko na ang lahat ng pait na nararamdaman ko sa aking dibdib at pati ang aking mga agam-agam. Naisip kong sumuko at iwanan na lamang si Bernard ngunit hindi maaari. Ako ang asawa. Ako ang mas may karapatan dahil kasal kami. Ang kabit ang siyang dapat lumugar at hindi ako.
Sinulyapan ko muna si Bernard na mahimping pa rin na natutulog sa aking tabi bago ako tumuloy sa banyo. Mabilis akong naligo at nagbihis ng pambahay. Nang matapos ako ay dumiretso kaagad ako sa kusina. Naabutan ko pa si Nene na nagkakape sa dining table.
"Maayong buntag Ma'am," (Magandang umaga, Ma'am,) bati nito sa akin.
"Good morning din," sagot ko. Nginitian ko siya at tumuloy na sa kitchen counter. Nagpainit kaagad ako ng tubig sa heater habang kumukuha ng kawali para magluto ng agahan ni Bernard.
Egg, bacon, sandwich bread ang gusto niya kapag umaga at kape kaya naman madali sa akin ang gumawa niyon. Sinigurado kong bago siya kumain ay mainit pa iyon. Ilang sandali pa ay hindi nga ako nagkamali, bumaba si Bernard na nakapormal na suot.
It was his usual working attire. White polo shirt and black slacks. Bagong paligo na rin ito. Nakangiti sa akin habang papalapit sa kinaroroonan ko.
Gwapo ang asawa ko, walang duda roon. He was only thirty-two, yet he was already the Mayor of our town. Marami ang humahanga sa kaniya. Maging bata at matatanda sa aming lugar dahil sa kabaitan nito. Marami na ring proyekto ang bayan na siya ang nagpatayo.
Mukha siyang kagagalang-galang sa aking paningin. Para bang hindi makakagawa ng kasalanan. Para bang hindi man lamang nito inisip ang nagawa nito kahapon. It seemed like he didn't care about things.
Ipinilig ko ang aking ulo. Kung ano-ano na naman kasi ang naiisip ko na nagdudulot sa aking puso ng kirot. I should never think about that moment and focus instead on how to tame him and make him feel that I am the better woman for him.
"Good morning, Honey," bati nito sa akin. Nilapitan ako ni Bernard at niyakap ng mahigpit. Hinalikan niya rin ang aking labi ng mabilis. "Hindi man lamang ako nakaisa. Paano tayo makakabuo ng prinsesa at prinsipe niyan?" dagdag niya pa.
Gusto kong tumawa ng nakakaloko ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Baka kasi kapag pinatulan ko pa siya ay kung ano pa ang masabi ko sa kaniya. Ngumiti na lamang ako sa sinabi nito at tumango.
"Ano ka ba? Puwede naman tayong gumawa kahit kailan mo gusto, Honey. Hindi mo naman siguro ako iiwan kaya marami pa tayong pagkakataon," sagot ko na lamang sa kaniya.
Lumayo ako kay Bernard at tinigan siya sa mga mata. Nakapaskil pa rin sa kaniyang mukha ang isang ngiti. Ngunit, nang tingnan ko ang kaniyang mga mata ay nabanaag ko ang agam-agam doon. Ang ngiti sa labi ko ay biglang naglaho. Ang kirot sa puso na pilit kong kinakalimutan ay muling nabuhay. Gayunpaman, pinilit kong maging matatag. Martir man kung martir ngunit, ipaglalaban ko ang aking karapatan. Hindi ako susuko dahil alam kong umpisa pa lang ng laban.
Sa mga nagdaang taon ng buhay ko marami akong mga bagay na natutunan. Mulat ako sa katotohanang ayaw sa akin ng aking ina. Naging matagumpay akong artista dahil sa pagsusumikap. Ngunit ang mas nakakahigit doon ay dahil hindi ako sumuko. Hindi kailan man ako nanghina at patuloy lamang sa pagsusumikap. Lakas ng loob at paniniwalang kaya kong maabot ang pangarap ko.
Sa buhay may mga bagay na kailangan mong ipaglaban. I chose to love Bernard. I married him not because he was perfect, but because I also accepted his imperfections. Infidelity was a sin. Pero kung susukuan ko siya ngayon, bakit ko pa siya minahal?
Sa ngayon, isa lamang ang hiling ko. Sana makaya ko ang lahat. Sana mas maging matatag pa ako.
"Umupo ka na, mag-aalmusal ka na," sabi ko sa kaniya at itinulak siya ng bahagya. Lumapit pa siya sa akin at hinalikan ulit ang tuktuk ng aking ulo bago umupo sa bakanteng upuan.
"Mukhang masarap ang agahan ko, Honey. Pero mas masarap ka," sabi niya pa.
Napailing ako habang nilalagay ang pagkain sa isang bandehado. Natanong ko tuloy ang aking sarili kung bakit may mga taong sinungaling? Paano nila nakakayang magsinungaling kung alam nilang may masasaktan sila?
"Syempre naman, Honey. Para sa 'yo kaya dapat masarap," sabi ko na lamang sabay lapag ng pagkain sa kaniyang harapan. Kinindatan ko pa siya na para bang walang nangyaring kakaiba. Na para bang hindi siya nagkasala sa akin.
Mas lalo pang lumawak ang kaniyang pagkakangiti. Tumayo siya at dahan-dahang lumalapit sa akin. Nang makalapit ay hinapit niya ako at iginaya paupo sa kinauupuan niya kanina.
"Subuan na lang kita, Mahal. Mas gusto kong nabubusog ka, kahit hindi na ako. Mahal kita, Laura," wika niya habang nakatitig sa aking mga mata.
Sa mga sinabi ni Bernard ay nais kong maluha, ngunit ako na mismo ang pumigil sa aking sarili. Kahit dama kong totoo ang kaniyang sinabi ngunit nasasapawan iyon ng mga eksenang aking nakita. If he truly loved me, he wouldn't dare to hurt me. To cheat on me and lie to me.
"Baka langgamin na tayo rito. Mapagalitan pa tayo ni, Nene," pagbibiro ko sa kaniya upang pagaanin ang aking pakiramdam. Kailangan kong piliting maging normal. Kailangan kong magpanggap na ayos lang.
"Ahem!"
Akmang susubuan ako ni Bernard nang makarinig kami ng isang pagtikhim. Sabay namin itong nilingon at bumungad kaagad sa amin ang aking kakambal. Napakaganda nito sa suot nitong bestidang may disenyong bulaklak. Nakapostura rin ito at bihis na bihis.
"Sorry for interrupting. Pupunta kasi ako sa bayan at sasabay na sana ako sa 'yo Bernard. Ayos lang ba?" tanong nito sa aking asawa habang papalapit sa amin.
Napakunot ang noo ko. "Bakit ang aga mo naman, yata? Kakain pa lang si Bernard."
"Makikikain na rin ako, Laura. Alam mo na, walang pagkain sa bahay. Tinamad akong magluto, eh," sagot ni Lara. Umupo kaagad ito sa aking tabi. "Bernard, pakitimpla naman ng kape, please," dagdag pa nito.
Napataas ang kilay ko sa sinabi ng aking kapatid. Maging si Bernard na nasa aking harapan ay naibalik ang kutsarang may lamang pagkain sa kaniyang plato. Pareho kaming nagkatinginan sa isat-isa. Naguguluhan ako habang hindi ko naman masabi ang damdamin na nasa mga mata nito.
Sa huli, napabuntonghininga ang aking asawa. Nagpunta ito sa kitchen counter at agad na nagtimpla ng kape para sa aking kakambal. Ni hindi man lamang ito tumanggi. Napataas pa ang kilay ko nang mapagtantong alam niya ang gusto nitong timpla.
"Alam mo, Lara. Dapat matuto ka nang magluto. Matanda na si Nanay para siya pa ang asahan mo sa lahat," wika ko. Itinago ko ang pait sa aking boses.
Tiningnan ako ng aking kakambal kaya nagkatitigan kami. May namumuong isang nakatagong ngisi sa kaniyang labi habang ang mga mata naman nito ay parang nagagalak.
Malaki na ang nagbago kay Lara. Ibang-iba na siya sa dating mahinhin at pino. Malaki rin ang pagbabago sa pakikitungo niya sa akin. Hindi man niya aminin, alam kong nagsimula iyon nang maging asawa ko si Bernard.
"Mag-iingat ka, Honey," sabi ko sa aking asawa bago siya tuluyang makalabas ng aming bahay.
Naging payapa kahit papaano ang aming agahan kahit pa napupuno ito ng tensyon. Kumain ako ng tahimik at pati na rin si Bernard habang bumangka naman ang aking kapatid.
Sa bawat salitang kaniyang sinasabi kanina ay gusto ko siyang suplahin. Sa bawat katagang kaniyang binibitiwan ay gusto ko siyang sagutin. Ngunit, nanatili akong tahimik.
Hindi ko kaya.
"Mag-iingat ka rin. Tumawag nga pala si Andrew. Puwede mo bang puntahan ang maisan? Hindi ko na kasi madadaanan dahil may session pa sa munisipyo ngayon, Mahal.l," imporma niya sa akin. Napakamot pa siya sa kaniyang ulo at mukhang hindi sigurado sa kaniyang sinasabi.
Napabuntonghininga ako bago tumango. Ngumiti naman siya sa aking naging sagot at hinalikan ako sa labi. Hinalikan ko rin siya pabalik. Sa pamamagitan ng halik ay pinadama ko sa kaniya ang aking pagmamahal.
Ilang saglit pa ay bumusina ang kotse ng aking asawa. Natigil kami sa ginagawa at tiningnan ito. Bumungad kaagad sa amin ang inis na mukha ng aking kapatid.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Kung naiinip ka Lara, mauna ka na. Hindi 'yong para kang nawalan ng kendi. Ngawa nang ngawa!" Alam kong nagulat siya sa sinabi ko ngunit saglit lang ay napangisi ang aking kakambal.
"Huwag kang mag-alala, Laura. Kapag napasaakin na ang kendi, hindi na ako ngangawa," sabi nito. "Tara na nga, Bernard! Para namang hindi ka na uuwi mamaya," dagdag pa niyang sabi bago tuluyang pumasok sa sasakyan ng aking asawa.
Agad akong napatingin kay Bernard. Pilit kong inaaninag sa kaniyang mga mata ang isang bagay na maging ako ay hindi alam.
"Mahal kita, Bernard," tanging nasabi ko na lamang.
"Mahal din kita, Laura. At sa 'yo lang ako uuwi," huling sabi niya sa akin bago niya ako tinalikuran.
Tama si Bernard. Sa akin lang siya uuwi. Dahil hinding-hindi ko siya ibibigay. Kahit pa sa sarili kong kapatid.
Naalala ko bigla ang isang linya sa isang palabas. "Akin lang ang asawa ko."
Akin lang si Bernard.
Pagkatapos nilang umalis ay naisipan kong tawagan si Olive. Alam kong siya lang ang tanging makakaintindi sa aking nararamdaman. Mabilis akong naupo sa pinakamalapit na sofa sa aming malawak na sala. Hinintay kong sagutin ni Olive ang aking tawag at hindi nga ako nagkamali. Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot na niya iyon."Hello?" tanong kaagad nito sa akin.Napangiti ako ng bahagya na para bang nakikita ako ni Olive. Naisip ko rin kung katulad ba ng nararamdaman niya noon ang nararamdaman ko ngayon. Kasi kung tutuusin pareho kaming niloko."Olive," umpisa ko."Ano ba 'yon? Hoy! bruha ka, huwag mo akong pinapakaba. Spill the beans, dali!" apuradong sabi nito.
"Bakit ba ang kulit mo, Laura? Hindi nga ako makakadalo. Busy ako," bungad kaagad sa akin ni Lara sa kabilang linya."Gusto ko lang namang samahan mo akong tumanggap ng aking parangal, Lara." sagot ko naman pagkatapos ng isang buntonghininga."Alam mo, kahit naman wala ako do'n, pwedeng-pwede mo pa ring tanggapin ang tropiyo mo." mariing sabi nito. Narinig ko pang may kung anong kakaibang tunog sa background ng aking kapatid."Pero, Lara.." pagtutol ko."Ang ayaw ko sa lahat Laura, 'yong makulit. Si Bernard ang imbitahin mo, hindi ako." galit na sabi nito.Napailing ako kapagkuwan. Mukhang w
"B-Bernard," tanging nasambit ko na lamang nang tuluyan akong makapasok sa opisina ng aking asawa. Tinitigan ko ito sa aking mga mata ngunit hindi naman ito makatingin ng diretso sa akin. Alam kong nararamdam niyang nasasaktan ako. Alam kong nararamdam niyang hindi ko gusto ang aking nakikita. "Honey, ano kasi.." Mas lalong akong nasaktan sa naging reaksyon ni Bernard. Mas lalo kong naramdamang, wala na. Na matagal na niya akong niloloko. "Oh! Bakit ganiyan ang hitsura mo, Laura? Para kang hinabol ng asong ulol." Agaw pansin sa akin ni Lara. Tiningnan ko siya ng masama kaya natigilan din ang kaniyang hitsura. "Hindi kita kinakausap Lara, kaya manahimik ka!" Galit na sabi ko pagkatapos ay binalingan ko ulit si Bernard. "May dapat ba akong malaman, Bernard?" dagdag ko pa. Natahimik siya at napailing. Tumayo din ito at nilapitan ako habang ako naman ay nagpupuyos ng gal
"Why are you here?" tanong ko kaagad kay Andrew. Hindi niya ako sinagot bagkus ay tiningnan niya lamang ako. Isang klase ng tingin na kailanman ay hindi ko gugustuhing makita galing sa kaniya. He looked at me pitifully. Na maging ako ay ramdam ang awa sa sarili. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan," mahina kong bulong. Halos hindi ko na nga marinig ang sarili kong boses. Napayuko ako at niyakap ang aking sarili. Nasasaktan ako ngayon ngunit kailangan kong magpakatatag. Lahat ay lilipas lamang at may mga bagong darating. Hindi ko nga lamang alam kong kailan. "Umuwi ka na, Laura." sabi nito sa akin. Umiling ako sa kaniyang sinabi. I needed more time. I needed to be alone to think. Kailangan ko ng isang taong makakaintindi sa akin. Kasi hindi ko alam. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa amin bago ko naramdamang lumalapit siya sa akin. Dahan
May mga bagay na mahirap ngunit kailangan mong tanggapin. Tinanggap ko ulit si Bernard. Magmula ng gabing iyon sa mansion ng kaniyang buong pamilya ay pinilit kong maging normal sa amin ang lahat. Hindi man katulad ng dati ngunit hindi naman gaanong magulo. Iwinaksi ko rin sa isip ang mga bagay na nagpapaalala sa akin kay Andrew. Natatakot ako dahil nitong mga nakalipas na buwan ay palagi na lamang nagsusumiksik sa utak ko ang kaniyang mukha. Nangingilabot ako sa aking sarili dahil alam kong hindi dapat. "Honey," tawag sa akin ni Bernard. Nasa tabi ko ito at nakikiramdam. "Bakit?" tanong ko dito. Bahagya kong sinulyapan si Bernard at nakita ko ang pag-asam sa kaniyang mga mata. Magmula ng makita ko ang bagay na iyon at naging maayos na kami ni Bernard ay hindi na ulit namin nagagawa ang bagay na iyon. Natatakot ako. Pilit ko mang kalimutan ngunit hindi ko magawa.
"Anong sinasabi mo?" tanong ko dito nang makahuma. Kita ko kaagad ang galit sa kaniyang mga mata kaya naman mas lalo akong naguluhan. "Nakikipagkita ka ba sa kapatid ko? Iniiputan niyo ako sa ulo?" Imbes na sumagot ay tanong din ang ibinato niya sa akin. Nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi ngunit pinanatili kong pormal ang aking hitsura. Lumapit ako kay Bernard ng dahan-dahan at hinarap siya. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata at itinuro ko ang puso ko. "Naramdaman mo ba na minsan sa pagsasama natin, hindi kita minahal? Sagutin mo ako, Bernard! Kasi kung naramdaman mo! Nararamdaman ko rin dahil sa ginagawa mo ngayon!" mariing sabi ko sa kaniya. Nakita kong nagulat siya sa aking ginawa. Nanlaki din ang kaniyang mga mata at ang biglaang pagbabago ng emsoyon nito. Bumukas-dili ang kaniyang labi ngunit wala ni isang salitang namutawi doon. "Ako ba talaga ang may kasalanan, Bernard?
Naabutan ako ng ulan at hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa ko. Tinawagan ko na ulit si Nene at nagsabing may inutusan na itong tauhan. Malakas ang ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang malaya kong napagmamasdan sa loob ng aking sasakyan. Ang sunud-sunod na mga pagpatak ng butil nito na siyang nagpapadilim sa paligid ang labis kong kinatatakutan. Hindi kinakaya maging ng windshield ang mabilis na pag-agos nito. Napatingala ako sa aking kinauupuan at napabuntonghininga na lamang. Pagod na pagod ako dahil sa maghapong pagiging abala sa naganap na kasalan kaya't gusto ko na sanang matulog at hayaan na lamang na tumila ang ulan. Naisip kong sa mga nakalipas na taon ng aking buhay naging abala din ako. Naging abala sa mga taong itinuring kong bahagi nito. Na minahal ko ng lubos at nirespeto. Ngunit ngayon, naisip kong sumubra pala ako. Na dapat pala ay nagbigay ako para sa aking sarili ng konteng pagpapahalaga
Gulat na gulat pa rin ang mukha ni Bernard habang titig na titig sa akin. Binitiwan niya ang bata at hinayaan itong gumapang sa sahig na may placemat. Habang ang kapatid ko rin ay natigagal sa kinatatayuan nito. Galit na galit ako. Sumisikip ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman nito. Hindi ko na pinigilan ang aking sarili at isa-isang hiniyaang pumatak ang mga luha galing sa aking mga mata. "Laura," "Ano? Magsisinungaling ka pa?!" Pasigaw kong tanong dito. Akala ko tanggap ko na. Akala ko kaya ko na. Hindi pa rin pala. Nasasaktan pa rin ako. Sobrang sakit! "Kailan pa?" halos pabulong na lamang na wika ko. Pinilit ko ang aking sarili na lumapit sa kanila. Dahan-dahan habang unti-unti ring nadudurog ang aking puso. "Laura, hindi! Mali ang iniisip mo," nahihirapang sabi nito sa akin. Umiyak ang bata sa lapag kaya naman bumaling ang tingin ng dalawa d
Laura POV San Vicente mourns for Guerrero's death Mayor Bernard Guerrero died in a car crash Hinaplos ko ang mga kataga na nakasulat sa isang lumang diyaryo. Pagkatapos ng ilang sandali ay napabuntong-hininga ako. Isinandal ko rin ang aking likuran sa kahoy na upuan habang tahimik na pinagmamasdan ang karagatan. Napakalawak nito at tila ba napakapayapa. Ang asul na tubig na humahalik sa mapusyaw na kalangitan ay napakagandang pagmasdan. Ang liwanag na nagmumula sa araw na tila nagdudulot ng bagong pag-asa sa sinuman ay nakakabighani kong titingnan. Tila ito isang obra na sadyang nilikha para sa nais makahanap ng katiwasayan. "Ano pong nangyari sa prinsipe? Nasaan na po, siya?" Isang maliit na boses ang umagaw sa aking nagliliwaliw na isip. Itinagilid ko ang aking ulo at tiningnan ito sa aking tabi. Naglalaro ito ng buhangin habang ang mga malilit na
Bernard POVNapakaganda.Iyon ang unang salita na naisip ko nang tumanaw ako sa ibaba ng school ground. Tinuturo nina Gary at Arnel ang dalawang babae na nakaupo roon. Napakunot pa ang noo ko nang makilala ang isa sa mga iyon. Ang babaeng binigyan ko ng panyo kanina. Pero, hindi sa kaniya natuon ang atensyon ko kundi sa kasama nito. Laura. Katulad nito ay napakaganda din ng pangalan nito."Bernard, bakit mo ako hihiwalayan?"Binalingan ko kaagad si Lani, ang pinakabago kong nobya. Nakahiga ito sa kama habang nakabalot ng kumot ang hubad na katawan nito. Kakatapos lang naming magpalabas ng init sa katawan nang sabihin ko dito ang talagang gusto ko."Hindi nga kita, mahal! Pasensya ka na. Alam mo naman na hindi ako seryoso sa'yo, di ba?!" may halong inis na sagot ko sa tanong nito.Napaiyak ito sa sinabi ko. Nakita ko pa ang pag-alog ng balikat nito habang impit na umiiyak.
Andrew POVPalagi akong nagpupunta sa rooftop kapag libreng oras. Mahilig ako magsyesta kapag tanghali at walang klase. Tahimik kasi ang lugar at mahangin. Masarap matulog."Ikaw lang talaga ang mahal ko. Maniwala ka naman sa akin?"Boses kaagad ng babae ang narinig ko galing sa kung saan. Kakapasok ko pa lang sa rooftop kaya napakunot kaagad ang noo ko. Sayang naman ang syesta ko kung madidisturbo lang ng maingay na babae.Araw-araw nandoon ang babae para mag-ensayo. Akala ko sasali ito sa contest pero nalaman kong mahilig talaga itong umarte. Palagi ko rin itong pinagmamasdan. Malayo mula dito para hindi ito mailang. Masasabi ko rin na magaling ito.Napapangiti na lang ako kapag sinasampal o sinasabunutan nito ang sarili. Minsan pa ay tatawa ito na parang baliw. Tumitingala sa langit pagkatapos ay iiyak. Napailing pa ako minsan nang maupo ito sa sahig ng rooftop. Kung may makakakita dito
Lara POV"Shhh, huwag kang maingay.""Kuya, bakit po?" tanong ko dito.Mabilis na inilagay ni Kuya ang kaniyang kamay sa aking bibig. "Sabing 'wag kang maingay!" Nanlilisik ang mga mata na wika pa nito.Kinabahan kaagad ako sa inaakto ni Kuya. Lalo na nang mas inilapit niya pa ang mukha sa akin. Nakahiga ako sa aking kama habang siya naman ay nakatanghod sa akin."Nakakatakot ka, Kuya!" bulalas ko nang pakawalan nito ang aking bibig. "Nay! Tat-""Gusto mo ba, si Laura na lang?"mahinang bulong nito sa aking tainga matapos akong kubabawan. Inilagay din nito ang kamay pabalik sa aking bibig.Ang takot ko ay mas nadoble nang banggitin nito ang aking kakambal. Magkasama kami ni Laura sa kuwarto ngunit, wala ito ngayon dahil nasa bahay ng isang kaibigan.Umiling ako kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata. Disi-sais
"Saan ba kasi tayo, pupunta?" Nakataas ang kilay na tanong ko kay Bernard. Nasa tabi ko ito at seryosong nagmamaneho. Nakatuon ang mga mata nito sa harap habang may munting ngiti sa labi.Inirapan ko na lamang ito nang hindi ito sumagot. Nagkibit-balikat ako at inayos na lamang ang sarili. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi niya rin sinasagot ang mga tanong ko. Para itong pipi sa sobrang silyado at ingat sa mga salita nito."Basta," sa wakas ay wika nito.Sinulyapan ko ito ng bahagya sabay tango. Nakita ko pa ang pagsulyap din nito sa akin sabay ngiti na sinuklian ko naman. Hindi na rin ako nagtanong pa ng kahit ano. Hinayaan ko si Bernard sa gusto niya. Kung saan man kami pupunta. Nagpatianod ako sa lahat."Antok ka na?" wika nito kapagkuwan."O-Oo. Malayo pa ba tayo?" tanong ko dito habang ang ulo ay nakasandal sa gilid ng bintana. Pinagalitan ko pa ang sarili dahil hindi man la
Kasabay nang malalakas na hampas ng hangin ay ang nagliliyab na mga damdamin na matagal nang nakabaon. Kasabay ng paghampas ng ulan ay ang mga ungol ng kaluwalhatian. Damang-dama ko sa kaibuturan ng aking puso ang pagpapaubaya. Ang pagsuko sa lahat ng sakit at ang muling pagkagising ng isang natutulog na damdamin.Nang matapos ang isang mainit na tagpo ay pareho kaming hinihingal ni Bernard na napatihaya sa kama. Ang lamig na dulot ng panahon ay hindi nagawang maibsan ang aming nag-iinit na pakiramdam. Ang apoy na gumising sa puso kong matagal nang nakabaon ay muling nagliyab."Laura, patawarin mo na ako. Hindi man ako perpekto pero mahal na mahal kita." halos pabulong na sabi nito.Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Bernard. Agad akong tumagilid at pinulupot ang hubad na katawan sa isang kumot. Lumayo din ako sa kaniya ng bahagya at tinalikuran ito.Sa nangyari ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong s
Tahimik akong pinagmamasdan ang mga tao sa aming harapan. Kahit tirik ang araw at nakatayo sa malawak na gym ng kanilang baranggay ay nakangiti pa rin ang mga ito habang nakatanaw kay Bernard at sa mga kaalyado nito na nagsasalita at nagpapahayag ng kani-kanilang plataporma."Gusto mo ba nang maiinom, Hija?" bulong sa akin ng Nanay ni Bernard.Agad ko itong binalingan. Ngumiti din ako sabay iling, "Hindi po, Mama. Salamat na lang po," magalang na tanggi ko.Napangiti ito at tumango sa aking tugon. Bumalik rin ang tingin nito sa aming harapan. Nasa entablado kami at nakaupo kasama ang mga kandidato. Maging ang Tatay ni Bernard ay prente din ang pagkakaupo katabi ang asawa nito. Nakangiti pa ito sa lahat na tila ba masayang-masaya."Mayor! Suportado ka namin!""Mayor! Mayor! Mayor!""Oo nga! Sure win ka na, Mayor!"Napangiti ako nang marinig ang sigawan ng m
Hindi ko na hinintay na ipagtulakan pa nila ako paalis. Mabilis ang aking mga hakbang habang nagpupuyos ng sakit sa aking dibdib. Lakad takbo ang ginawa ko para lamang makaalis sa lugar na iyon. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinabi ni Lara sa akin kanina.Habang sinasabi niya ang mga katagang 'yon ay ang pagkadurog din ng aking pagkatao. Nasasaktan ako sa mga nangyayari. Naguguluhan ako sa lahat. Sa direktang pagtakwil ni Nanay sa akin at sa rebelelasyon ni Lara na hindi ko alam kung totoo."Mayora? Ano po ang nangyari sa inyo?" tanong ng isang tricycle driver.Ikinurap-kurap ko ang aking mga mata. Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa Toda ng mga namamasada. Sa sobrang sakit ng dibdib ko parang may sariling isip din ang mga paa ko kung saan ako dadalhin nito.Babalik na naman ba ako sa dati? Magpapakaalipin na naman ba ako sa sakit?Pakiramdam ko n
"Kapag nasasaktan ka, walang nakakahigit na nakakaalam sa 'yong pagdurusa kundi Siya. Kapag naguguluhan ka, kumapit ka lang at maniwala sa Kaniya."Ang lahat ay tahimik habang nakikinig sa liturhiya ng pari sa aming harapan. Linggo ngayon, at nakasanayan na ng pamilya nina Bernard na magsimba tuwing umaga. Isa ito sa dahilan kung bakit minahal sila nang mamamayan ng San Vicente."Ang pagmamahal ng Diyos ay hindi lamang para sa isa. Hindi lamang para sa'yo, sa akin, sa kaniya, kundi para sa lahat. Ang pag-ibig Niya ang siyang nagbubuklod sa sanlibutan. Kaya kapatid, kung inaakala mo na mag-isa ka na lang. Kung pakiramdam mo iniwan ka na nang lahat. Pwes, mali ka! Dahil Siya! Hinding-hindi ka Niya iiwan. Manalangin tayo," wika nito bilang pagtatapos nang liturhiya.Sa lahat ng narinig ko mula dito, pakiramdam ko para iyon sa akin. Lahat ay tumagos sa aking puso maging sa kaibuturan ng aking pagkatao.Ipiniki