Home / Romance / ALL OF ME(A Wife Untold Story) / Chapter 31 - Chapter 36

All Chapters of ALL OF ME(A Wife Untold Story): Chapter 31 - Chapter 36

36 Chapters

Kabanata 30

Kasabay nang malalakas na hampas ng hangin ay ang nagliliyab na mga damdamin na matagal nang nakabaon. Kasabay ng paghampas ng ulan ay ang mga ungol ng kaluwalhatian. Damang-dama ko sa kaibuturan ng aking puso ang pagpapaubaya. Ang pagsuko sa lahat ng sakit at ang muling pagkagising ng isang natutulog na damdamin.Nang matapos ang isang mainit na tagpo ay pareho kaming hinihingal ni Bernard na napatihaya sa kama. Ang lamig na dulot ng panahon ay hindi nagawang maibsan ang aming nag-iinit na pakiramdam. Ang apoy na gumising sa puso kong matagal nang nakabaon ay muling nagliyab."Laura, patawarin mo na ako. Hindi man ako perpekto pero mahal na mahal kita." halos pabulong na sabi nito.Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Bernard. Agad akong tumagilid at pinulupot ang hubad na katawan sa isang kumot. Lumayo din ako sa kaniya ng bahagya at tinalikuran ito.Sa nangyari ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong s
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 31

"Saan ba kasi tayo, pupunta?" Nakataas ang kilay na tanong ko kay Bernard. Nasa tabi ko ito at seryosong nagmamaneho. Nakatuon ang mga mata nito sa harap habang may munting ngiti sa labi.Inirapan ko na lamang ito nang hindi ito sumagot. Nagkibit-balikat ako at inayos na lamang ang sarili. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi niya rin sinasagot ang mga tanong ko. Para itong pipi sa sobrang silyado at ingat sa mga salita nito."Basta," sa wakas ay wika nito.Sinulyapan ko ito ng bahagya sabay tango. Nakita ko pa ang pagsulyap din nito sa akin sabay ngiti na sinuklian ko naman. Hindi na rin ako nagtanong pa ng kahit ano. Hinayaan ko si Bernard sa gusto niya. Kung saan man kami pupunta. Nagpatianod ako sa lahat."Antok ka na?" wika nito kapagkuwan."O-Oo. Malayo pa ba tayo?" tanong ko dito habang ang ulo ay nakasandal sa gilid ng bintana. Pinagalitan ko pa ang sarili dahil hindi man la
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 32

Lara POV "Shhh, huwag kang maingay.""Kuya, bakit po?" tanong ko dito.Mabilis na inilagay ni Kuya ang kaniyang kamay sa aking bibig. "Sabing 'wag kang maingay!" Nanlilisik ang mga mata na wika pa nito.Kinabahan kaagad ako sa inaakto ni Kuya. Lalo na nang mas inilapit niya pa ang mukha sa akin. Nakahiga ako sa aking kama habang siya naman ay nakatanghod sa akin."Nakakatakot ka, Kuya!" bulalas ko nang pakawalan nito ang aking bibig. "Nay! Tat-""Gusto mo ba, si Laura na lang?"mahinang bulong nito sa aking tainga matapos akong kubabawan. Inilagay din nito ang kamay pabalik sa aking bibig.Ang takot ko ay mas nadoble nang banggitin nito ang aking kakambal. Magkasama kami ni Laura sa kuwarto ngunit, wala ito ngayon dahil nasa bahay ng isang kaibigan.Umiling ako kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata. Disi-sais
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 33

Andrew POVPalagi akong nagpupunta sa rooftop kapag libreng oras. Mahilig ako magsyesta kapag tanghali at walang klase. Tahimik kasi ang lugar at mahangin. Masarap matulog."Ikaw lang talaga ang mahal ko. Maniwala ka naman sa akin?"Boses kaagad ng babae ang narinig ko galing sa kung saan. Kakapasok ko pa lang sa rooftop kaya napakunot kaagad ang noo ko. Sayang naman ang syesta ko kung madidisturbo lang ng maingay na babae.Araw-araw nandoon ang babae para mag-ensayo. Akala ko sasali ito sa contest pero nalaman kong mahilig talaga itong umarte. Palagi ko rin itong pinagmamasdan. Malayo mula dito para hindi ito mailang. Masasabi ko rin na magaling ito.Napapangiti na lang ako kapag sinasampal o sinasabunutan nito ang sarili. Minsan pa ay tatawa ito na parang baliw. Tumitingala sa langit pagkatapos ay iiyak. Napailing pa ako minsan nang maupo ito sa sahig ng rooftop. Kung may makakakita dito
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 34

Bernard POVNapakaganda.Iyon ang unang salita na naisip ko nang tumanaw ako sa ibaba ng school ground. Tinuturo nina Gary at Arnel ang dalawang babae na nakaupo roon. Napakunot pa ang noo ko nang makilala ang isa sa mga iyon. Ang babaeng binigyan ko ng panyo kanina. Pero, hindi sa kaniya natuon ang atensyon ko kundi sa kasama nito. Laura. Katulad nito ay napakaganda din ng pangalan nito."Bernard, bakit mo ako hihiwalayan?"Binalingan ko kaagad si Lani, ang pinakabago kong nobya. Nakahiga ito sa kama habang nakabalot ng kumot ang hubad na katawan nito. Kakatapos lang naming magpalabas ng init sa katawan nang sabihin ko dito ang talagang gusto ko."Hindi nga kita, mahal! Pasensya ka na. Alam mo naman na hindi ako seryoso sa'yo, di ba?!" may halong inis na sagot ko sa tanong nito.Napaiyak ito sa sinabi ko. Nakita ko pa ang pag-alog ng balikat nito habang impit na umiiyak.
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Wakas

Laura POV San Vicente mourns for Guerrero's death Mayor Bernard Guerrero died in a car crash Hinaplos ko ang mga kataga na nakasulat sa isang lumang diyaryo. Pagkatapos ng ilang sandali ay napabuntong-hininga ako. Isinandal ko rin ang aking likuran sa kahoy na upuan habang tahimik na pinagmamasdan ang karagatan. Napakalawak nito at tila ba napakapayapa. Ang asul na tubig na humahalik sa mapusyaw na kalangitan ay napakagandang pagmasdan. Ang liwanag na nagmumula sa araw na tila nagdudulot ng bagong pag-asa sa sinuman ay nakakabighani kong titingnan. Tila ito isang obra na sadyang nilikha para sa nais makahanap ng katiwasayan. "Ano pong nangyari sa prinsipe? Nasaan na po, siya?" Isang maliit na boses ang umagaw sa aking nagliliwaliw na isip. Itinagilid ko ang aking ulo at tiningnan ito sa aking tabi. Naglalaro ito ng buhangin habang ang mga malilit na
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status