Home / All / ALL OF ME(A Wife Untold Story) / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of ALL OF ME(A Wife Untold Story): Chapter 11 - Chapter 20

36 Chapters

Kabanata 10

"Anong sinasabi mo?" tanong ko dito nang makahuma. Kita ko kaagad ang galit sa kaniyang mga mata kaya naman mas lalo akong naguluhan. "Nakikipagkita ka ba sa kapatid ko? Iniiputan niyo ako sa ulo?" Imbes na sumagot ay tanong din ang ibinato niya sa akin. Nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi ngunit pinanatili kong pormal ang aking hitsura. Lumapit ako kay Bernard ng dahan-dahan at hinarap siya. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata at itinuro ko ang puso ko. "Naramdaman mo ba na minsan sa pagsasama natin, hindi kita minahal? Sagutin mo ako, Bernard! Kasi kung naramdaman mo! Nararamdaman ko rin dahil sa ginagawa mo ngayon!" mariing sabi ko sa kaniya. Nakita kong nagulat siya sa aking ginawa. Nanlaki din ang kaniyang mga mata at ang biglaang pagbabago ng emsoyon nito. Bumukas-dili ang kaniyang labi ngunit wala ni isang salitang namutawi doon. "Ako ba talaga ang may kasalanan, Bernard?
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 11

Naabutan ako ng ulan at hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa ko. Tinawagan ko na ulit si Nene at nagsabing may inutusan na itong tauhan. Malakas ang ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang malaya kong napagmamasdan sa loob ng aking sasakyan. Ang sunud-sunod na mga pagpatak ng butil nito na siyang nagpapadilim sa paligid ang labis kong kinatatakutan. Hindi kinakaya maging ng windshield ang mabilis na pag-agos nito. Napatingala ako sa aking kinauupuan at napabuntonghininga na lamang. Pagod na pagod ako dahil sa maghapong pagiging abala sa naganap na kasalan kaya't gusto ko na sanang matulog at hayaan na lamang na tumila ang ulan. Naisip kong sa mga nakalipas na taon ng aking buhay naging abala din ako. Naging abala sa mga taong itinuring kong bahagi nito. Na minahal ko ng lubos at nirespeto. Ngunit ngayon, naisip kong sumubra pala ako. Na dapat pala ay nagbigay ako para sa aking sarili ng konteng pagpapahalaga
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 12

Gulat na gulat pa rin ang mukha ni Bernard habang titig na titig sa akin. Binitiwan niya ang bata at hinayaan itong gumapang sa sahig na may placemat. Habang ang kapatid ko rin ay natigagal sa kinatatayuan nito. Galit na galit ako. Sumisikip ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman nito. Hindi ko na pinigilan ang aking sarili at isa-isang hiniyaang pumatak ang mga luha galing sa aking mga mata. "Laura," "Ano? Magsisinungaling ka pa?!" Pasigaw kong tanong dito. Akala ko tanggap ko na. Akala ko kaya ko na. Hindi pa rin pala. Nasasaktan pa rin ako. Sobrang sakit! "Kailan pa?" halos pabulong na lamang na wika ko. Pinilit ko ang aking sarili na lumapit sa kanila. Dahan-dahan habang unti-unti ring nadudurog ang aking puso. "Laura, hindi! Mali ang iniisip mo," nahihirapang sabi nito sa akin. Umiyak ang bata sa lapag kaya naman bumaling ang tingin ng dalawa d
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 13

"Kapag nagkaanak tayo, anong ipapangalan mo?" tanong ni Bernard sa akin. Nakapulupot ang kaniyang braso sa akin habang ako naman ay paharap na nakasandal sa kaniyang dibdib. Pareho kaming hubo't hubad galing sa mainit na pagtatalik. "Laurabelle. Para kasing pangalan mo," sagot niya sa akin. Naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo kaya naman tumingala ako para makita siya. Agad akong napangiti nang tuluyan ko siyang mapagmasdan. Napakagwapo ng aking asawa at mabait pa. Nagbago siya para sa akin at ramdan kong magiging mabuti rin siyang ama sa aming mga supling. Itinaas ko ang aking kaliwang kamay at hinaplos ang kaniyang mukha. "Kapag lalaki, syempre kapangalan mo. Kasi wala si Laura kung wala si Bernard, di ba?" Nakangiting sabi ko pa. Hinuli niya ang aking kamay at hinalikan iyon. Niyakap niya ako ng mahigpit pagkat
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 14

"Nandito na tayo, Laura." pukaw sa akin ni Andrew. Sa sobrang dami ng iniisip ko, hindi ko na namalayang narating na namin ang malawak na bakuran ng mga Guerrero. Binalingan ko siya ng tingin at tinanguan. Nginitian ko rin siya ng bahagya habang siya naman ay nakatitig lang sa akin. "Huwag mo na akong ngingitian ng ganyan. Kapag nahihirapan ka, pwede ka namang magpahinga. Hindi mo pwedeng lokohin na lang ang sarili mo, Laura," mahina nitong bulong ngunit dinig na dinig ko iyon. "Galit na galit ako kay Bernard dahil sa ginawa niya sa'yo. Gusto kitang agawin. Sana pala hindi kita isinuko noon. Pero alam kong mas kailangan mong mag-isip. Ayaw ko nang dagdagan ang paghihirap mo," dagdag pa nito pagkatapos. Tumango ulit ako kay Andrew. Ramdam ko ang malasakit niya sa akin. Kitang-kita ko ito sa kaniyang mga mata. Ginagap ko ang kaniyang kamay at hinawakan iyon. Alam kong nagulat siya sa ak
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 15

"Miss Laura, ready na po ba kayo?" tanong sa akin ng isang crew. Tumango ako habang nanatiling napapikit. Kasalukuyan akong inaasiste ng aking make up artist para sa isang interview. Comeback interview to be exact on one of the biggest reality talk show in the Philippines. "Bongga na, Madam! Sobrang ganda mo talaga." kinikilig na turan ng aking make up artist. Napangiti ako at dahan-dahang binuksan ang aking mga mata. Bumungad kaagad sa akin ang aking hitsura mula sa salamin. Light make up na bumagay sa aking hindi kaputiang balat. Habang mas pinatapang naman ang aking mga mata. "Salamat. Ang galing mo rin kasi." masayang sagot ko naman dito. Ngumiti siya sa akin at binistahan pang mabuti ang aking mukha. "Kapag nandito ang asawa mo Madam, tiyak na maiinlove pa 'yon sa'yo." wala sa loob na wika pa nito. Natahimik ako sa sinabi nito at nag-iwas ng tingin. Bahagya na l
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 16

Naramdaman ko na lamang ang unti-unting pagkalas ng mga braso ni Yohan sa akin. Ang unti-unting pagpulupot ng isang tuwalya sa aking hubad na katawan at ang paggiya sa akin para maupo. "I'm sorry," sabi nito. Iminulat ko ang aking mga mata pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Sa nanlalabong paningin ay nakita ko kaagad ang awa sa kaniyang mga mata. Pinunasan niya rin ang aking basang pisngi gamit ang kaniyang kamay. Habang hinahalikan ako ni Yohan kanina ay hindi ko na namalayang lumuluha na pala ako. Na sa lahat nang ginawa ni Bernard sa akin, may puwang pa rin siya sa puso ko. Akala ko kaya kong gawin ang ginawa niyang pagtataksil sa akin. Akala ko sa pamamagitan ni Yohan ay makakaganti na ako sa lahat ng panloloko niya sa akin. Akala ko kaya kong gawin ang pakikiapid sa iba. Ngunit hindi. Tinalo pa rin ako ng sarili ko. Hindi ko kaya dahil mahina pa ri
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 17

Nagising ako na sapo ang aking ulo. Para itong binibiyak sa sobrang sakit nito. Pumikit ako pabalik at kinumutan ang sarili. Gusto ko pang matulog ulit, para makabawi man lang sa pagod na naranasan ko sa mga nakalipas na araw. Wala rin akong gagawin kaya gusto ko pang magpahinga. Kapag nakakatulog ako ay doon ko lamang nararamdaman ang tunay kapayapaan. Unti-unti akong nilalamon ng antok nang makarinig ako ng ingay mula sa labas. Dali-dali akong dumilat at pinakiramdaman ang paligid. Ilang sandali pa ay natampal ko ang aking sariling noo. Paano ko nakalimutan na nandito nga pala si Bernard sa aking bahay? Kinutusan ko ang aking sarili at dali-daling bumangon. Ni hindi na ako nag-abala na mag-ayos. Nang sulyapan ko ang aking alarm clock ay napamura ako sa isip. Alas diyes na nang umaga at tiyak kong gutom na ito. 'Nakakainis.' pagkastigo ko sa aking sarili. Mabilis ang aking m
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 18

You can only feel loneliness, when you can feel its existence. You can pretend to be happy but your heart can't deny the emptiness.  Parang ako. I can pretend to be happy but my heart knew how broken I was. Sugat na unti-unting humihilom sa pagdaan ng panahon. Bitak na nilikha ng mga taong mahal ko. Mga taong bahagi ng buhay ko.  Pagkatapos naming mag-usap ni Grace ay umalis din ito. Ako na lamang ang narito sa dressing room at nagpapahinga. Ayaw ko pang umuwi. Mas gusto kong mapag-isa sa mga lugar kung saan walang naiwang bakas nina Bernard at Lara. Lugar kung saan alam kong walang mananakit sa akin. "Bernard umuwi ka na!" matigas kong wika kay Bernard. Nasa may sala ko ito at prenteng nakaupo roon. "Ayaw ko pa nga. Mas gusto kong nandito sa tabi mo, Laura. Natatakot akong maagaw ka ng iba." walang pakialam na sagot nito.
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 19

The eyes is what captured the soul. The smile is what captured the heart. All unsaid words can be heared by someone with fragile heart. Only, in true loves touch. Ilang segundo akong natulala sa sinabi ni Andrew sa akin. Napakurap-kurap ako para palisin ang nagbabadyang pagluha. Agad akong nagbaba ng tingin at inayos ang sarili. Tumikhim din ako para kumalma at mawala ang bara sa aking lalamunan. "Huwag kang magbibiro ng ganiyan, Andrew." wika ko dito. Narinig ko pa ang kaniyang mahinang pagbuntong hininga bago tuluyan niyang binuksan ang naka-lock na pinto ng kotse. Ipinilig ko ang aking ulo at napailing. Pagkatapos ay dali-dali akong lumabas ng sasakyan. Hindi ko alam ngunit ang salita ni Andrew ay nagdulot ng sakit sa aking pagkatao. Para bang isa itong punyal na agad tumarak sa akin hanggang manghina ako. Mali. Hindi pwede. "Ano pong gusto niyo, Ma'am?"
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more
PREV
1234
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status