Home / All / ALL OF ME(A Wife Untold Story) / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of ALL OF ME(A Wife Untold Story): Chapter 21 - Chapter 30

36 Chapters

Kabanata 20

Kanina pa ako nagpalinga-linga sa loob ng restaurant. Sinilip ko ang aking cellphone at nakita ang oras doon. Mag-aalas dos na nang hapon at mukhang hindi na sisipot ang taong aking kikitain. Napabuntong hininga ako at handa na sanang umalis. Dinayal ko rin ang numero ni Olive para kausapin ito. Hinintay kong may sumagot sa kabilang linya ngunit nabigo rin ako. Tumayo ako upang lisanin ang lugar ngunit natigil ito ng isang kamay ang pumigil sa akin mula sa likuran. "Sorry, I'm late!" sambit nito habang tinatapik ang aking balikat. Agad itong lumipat sa aking harapan kaya tuluyan ko itong nabistahan ng mabuti. "Attorney Kraius Montreal at your service." dagdag pa nito. Nakangiti nitong inilalahad ang kaliwang kamay sa akin na agad ko namang tinanggap. "Laura Moran," wika ko. "Yes! Of course, I know you." sabi nito at pinakawalan ang
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 21

"Handa ka na ba, Laura?"Napatingin ako sa gawi ni Bernard nang marinig ko ang kaniyang tanong. Prente itong nakaupo sa driver seat ng kotse at abala sa pagmamanehon patungon ng San Vicente.Isinandal ko ang aking likod sa upuan. Napabuntong-hininga rin ako ng malakas. Nakita ko pa sa aking balintataw kung paano ako sulyapan ni Bernard ngunit, hindi ko na lamang siya pinansin. Natanong ko kaagad sa aking sarili kung handa na ba ako?Isang linggo na mula nang maganap ang pag-uusap sa Manila Pen. Sumang-ayon ako sa lahat at hindi na nagsalita pa. Sa isip ko ay kaya ko namang gampanan ang sinasabi nito lalopa't artista ako. Bukod pa sa katotohanang may usapan na kami matagal na.Nilingon ko si Bernard at sumagot. "Pinaghandaan ko na ang araw na 'to, Bernard."Nakita kong tumango siya sa aking sinabi at hindi na muling nagsalita pa. Maging ako ay inayos na lamang ang sarili at hindi na siya pi
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 22

Nang tuluyan akong makasakay sa kotse ni Andrew ay agad niya iyong pinasibad. Ilang segundo ang namagitan sa amin bago ko pinakawalan ang isang halakhak. Nakita ko pa sa gilid ng aking mga mata kung paano ito napatingin sa akin."Ayos ka lang?" tanong nito.Tumigil ako at tiningnan siya. Bakas sa kaniyang mukha ang pagtataka. Habang ako naman ay may nakapaskil na isang ngisi sa labi. Kapagkuwan ay napailing ako sabay nguso upang palisin ang nagbabadyang paghalakhak muli."Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nagawa mo ang isang bagay na gusto mong gawin," makahulugang wika ko.Habang nagmamaneho ay napakunot ang noo nito. Ngumisi ako dahil doon. Alam kong naguguluhan si Andrew sa aking sinabi. Naisip kong kahit kailan si Andrew ang taong pwede kong pagkatiwalaan nang walang halong pagpapanggap."Ano ka ba, Andrew!" wika ko sabay tampal sa kaniyang balikat. "Huwag mong seryosohin ang mga sina
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 23

"Laura," tawag sa akin ni Bernard. Kakatapos lamang namin kumain at agad akong lumabas mula sa kusina.Pakiramdam ko kapag nagtagal pa ako sa lugar na iyon ay baka mas lalo lamang manikip ang aking dibdib. Baka lalo lamang akong manliit sa sarili dahil sa ginagawa kong pagpapanggap.Kanina habang kumakain kami ay napakasaya ng ama ni Bernard. Panay nito binida ang anak na tiyak daw na mananalo bilang governor. Na si Bernard ang susunod sa yapak niya at maaari pang maging mambabatas.Napapailing na lamang ako habang nakikinig sa bawat salita na sinasambit nito. Naisip kong hindi naman malayong mangyari iyon. Napapangisi din ako kapagkuwan. Sana lamang kahit hindi marunong manindigan si Bernard ay maging karapat dapat siya para sa taumbayan."Ano?!" Nakakunot-noong tanong ko dito."Pagpasensyahan mo na sana si Papa kanina. Alam mo naman na umaasa siyang mananalo ako sa eleksyon," mahabang sa
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 24

Love is pure. Love is free.Kasabay nang paghalik ko kay Bernard ay ang pagbuhos ng ulan mula sa langit. Katumbas ng pagpatak ng ulan ay ang nakabibinging tunog ng aking naghuhurumentadong puso. Ang bawat hagod ng kaniyang labi sa akin ay pawang nagsisilbing paalala sa akin. Isang paalala para sa aking sarili na ang nakalipas ay hindi na maaari pang balikan.Itinulak ko si Bernard ng bahagya pagkatapos ko siyang halikan. Bakas sa kaniyang mukha ang pagtataka. Maging ang kaniyang mga mata ay sumasalalim ng kaguluhan. Mariin itong nakatitig sa akin at naghahanap ng kasagutan."Pasensya ka na," wika ko kapagkuwan. Inayos ko ang aking sarili at hinarap ang kinalalagyan ng aming anak.Bawat pagkabog nang puso ko ay katumbas ng isang walang kamatayang sakit at lungkot. Akala ko naiahon ko na ang aking sarili mula sa masaklap na ala-ala. Akala ko naibaon ko na sa limot ang lahat. Ngunit, sadyang mapaglaro ang aki
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 25

"Gusto kong sumama ka kay Bernard sa lahat ng meeting de avance, Laura."Kanina pa nagsasalita si Governor sa aming harapan. Lahat kami ay nasa mesa at kumakain ngunit sadyang hindi ito maawat sa mga gusto nitong gawin ko sa mga susunod na araw."Pa! Pwede po bang mamaya na lang 'yan? Kumakain pa po, tayo!" reklamo ni Bernard dito.Agad na napataas ang kilay ko sa narinig. Akala ko mananahimik na lamang kasi ito sa isang tabi at hahayaan niya ang ama ngunit, mukhang nagkamali ako."Arnaldo.. Tama ang anak mo, pwede bang mamaya na 'yan?" segunda naman ng Nanay ni Bernard. Nakita ko pang hinawakan nito ang braso ng asawa at pinisil iyon. Narinig ko rin ang pagbuntong-hininga ni Governor at nagpatuloy na sa pagkain."Bakit pa kasi pinagsasabihan niyo pa 'yang si Laura, Papa? Alam na niyan ang gagawin. Total, artista naman 'yan! Magaling umarte!" pahabol naman ni Aria.Agad ko
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 26

"Pahinga lang po ang kailangan mo, Misis Guerrero. Uso po ang lagnat ngayon dahil sa panahon." wika ng doktor na tumingin sa akin.Tumango ako habang pinagmamasdan itong nagliligpit ng mga gamit nito. Kanina habang pauwi kami ng mansion ay gusto sana ni Bernard na dalhin ako sa hospital ngunit, tumanggi ako. Alam kong marami siyang ginagawa at abala ang lahat kaya ayaw ko nang makaabala pa. Mas mabuti na rin para sa akin ang manatili sa bahay dahil hindi naman malala ang aking pakiramdam. Sadyang hindi lang talaga maiwasan na lagnatin ako dahil na rin sa madalas na pagkakabasa sa ulan."Ayos lang ba talaga ang asawa ko, Doc. Reyes?" tanong ni Bernard. Nakaupo ito sa aking paanan habang malamlam ang mga matang nakatitig sa akin."Yes! Mayor. Kung may problema man ay pwede niyo akong tawagan kahit anong oras." Nakangiting sagot naman nito kay Bernard.Tumango si Bernard at napailing. Pinagmasdan ko pa sila n
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 27

"Kapag nasasaktan ka, walang nakakahigit na nakakaalam sa 'yong pagdurusa kundi Siya. Kapag naguguluhan ka, kumapit ka lang at maniwala sa Kaniya."Ang lahat ay tahimik habang nakikinig sa liturhiya ng pari sa aming harapan. Linggo ngayon, at nakasanayan na ng pamilya nina Bernard na magsimba tuwing umaga. Isa ito sa dahilan kung bakit minahal sila nang mamamayan ng San Vicente."Ang pagmamahal ng Diyos ay hindi lamang para sa isa. Hindi lamang para sa'yo, sa akin, sa kaniya, kundi para sa lahat. Ang pag-ibig Niya ang siyang nagbubuklod sa sanlibutan. Kaya kapatid, kung inaakala mo na mag-isa ka na lang. Kung pakiramdam mo iniwan ka na nang lahat. Pwes, mali ka! Dahil Siya! Hinding-hindi ka Niya iiwan. Manalangin tayo," wika nito bilang pagtatapos nang liturhiya.Sa lahat ng narinig ko mula dito, pakiramdam ko para iyon sa akin. Lahat ay tumagos sa aking puso maging sa kaibuturan ng aking pagkatao.Ipiniki
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 28

Hindi ko na hinintay na ipagtulakan pa nila ako paalis. Mabilis ang aking mga hakbang habang nagpupuyos ng sakit sa aking dibdib. Lakad takbo ang ginawa ko para lamang makaalis sa lugar na iyon. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinabi ni Lara sa akin kanina.Habang sinasabi niya ang mga katagang 'yon ay ang pagkadurog din ng aking pagkatao. Nasasaktan ako sa mga nangyayari. Naguguluhan ako sa lahat. Sa direktang pagtakwil ni Nanay sa akin at sa rebelelasyon ni Lara na hindi ko alam kung totoo. "Mayora? Ano po ang nangyari sa inyo?" tanong ng isang tricycle driver.Ikinurap-kurap ko ang aking mga mata. Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa Toda ng mga namamasada. Sa sobrang sakit ng dibdib ko parang may sariling isip din ang mga paa ko kung saan ako dadalhin nito.Babalik na naman ba ako sa dati? Magpapakaalipin na naman ba ako sa sakit?Pakiramdam ko n
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more

Kabanata 29

Tahimik akong pinagmamasdan ang mga tao sa aming harapan. Kahit tirik ang araw at nakatayo sa malawak na gym ng kanilang baranggay ay nakangiti pa rin ang mga ito habang nakatanaw kay Bernard at sa mga kaalyado nito na nagsasalita at nagpapahayag ng kani-kanilang plataporma."Gusto mo ba nang maiinom, Hija?" bulong sa akin ng Nanay ni Bernard.Agad ko itong binalingan. Ngumiti din ako sabay iling, "Hindi po, Mama. Salamat na lang po," magalang na tanggi ko.Napangiti ito at tumango sa aking tugon. Bumalik rin ang tingin nito sa aming harapan. Nasa entablado kami at nakaupo kasama ang mga kandidato. Maging ang Tatay ni Bernard ay prente din ang pagkakaupo katabi ang asawa nito. Nakangiti pa ito sa lahat na tila ba masayang-masaya."Mayor! Suportado ka namin!""Mayor! Mayor! Mayor!""Oo nga! Sure win ka na, Mayor!"Napangiti ako nang marinig ang sigawan ng m
last updateLast Updated : 2021-05-13
Read more
PREV
1234
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status