Nilisan ko ang hotel nang may mabigat na dibdib. Pinilit ko rin ang aking sarili na lumayo mula roon. Napakasakit pala. Nanunuot sa aking puso ang bawat eksenang aking nakita. Hindi ko matanggap ngunit wala akong lakas ng loob na sugurin sila.
Akala ko noon sa mga pelikula lang nangyayari ang mga bagay na imposible. Ngunit ngayon, napagtanto kong maging sa totoong buhay ay posible pala 'yon.
"Ma'am saan po kayo?" tanong sa akin ng isang tricycle driver. Tiningnan ko ito at napagtantong sadya niya akong hinintuan. Napangiti ako nang mapait. Pinalis ko rin ang namumuong mga luha sa aking mga mata.
"Sa San Vicente Cathedral po," sagot ko. Kailangan ko munang mag-isip. Kailangan kong mapag-isa. Kailangan kong ilabas ang lahat ng kirot sa puso ko bago ako umuwi. Bago ko sila harapin.
Nang makarating kami sa Cathedral ay sakto namang mayroong misa. Pumasok agad ako at naupo sa isang bakanteng upuan, malayo sa mga tao. Tahimik akong nakinig sa bawat katagang binibigkas ng Pari. Tahimik kong ninanamnam sa aking sarili ang bawat salita nito.
"Ang pag-ibig ng Diyos ay pag-ibig para sa lahat. Ang pagpapatawad ay isang klase ng pag-ibig. Kung mayroon mang mas nakakahigit na nakakaramdam sa 'yong pag-iisa at dalamhati ay Siya lamang," sabi ng Pari sa kaniyang liturgy.
Habang nagsasalita ito ay panay lamang ang pagtulo ng aking mga luha. Natanong ko rin sa aking sarili kung ano ang naging aking pagkukulang? Kung ano ang kailangan kong baguhin dahil napakasakit. Hindi ko matanggap.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapaniwalaan ang lahat. Kung bakit ako niloko? Kung bakit nagawa ni Bernard na saktan ako at baliin ang sinumpaan niya sa harap ng altar noong ikinasal kami?
"Alam mo masama ang sobrang pag-iyak."
Mula sa kung saan ay nilingon ko ang tinig. Pamilyar ito sa akin kaya nang tuluyan ko itong makita ay napagtanto kong si Andrew iyon, ang kapatid ni Bernard.
"Wala kang pakialam kung gusto kong umiyak. Luha ko ito, mata ko rin ito," mahinang sabi ko sa kaniya.
Ngumiti lang ito sa akin at hindi na ako sinagot pa. Inilahad niya rin sa aking harapan ang kaniyang panyo mula sa bulsa ng kaniyang pantalon. Mababanaag sa mukha nito ang pag-aalala. Maging sa kaniyang titig ay nagsusumigaw ang isang damdamin na hindi ko matukoy kung ano. Para bang inaarok ako nito maging ang aking kaluluwa.
"Kunin mo," sabi niya sa akin. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata at hinahanap ang sinseridad doon. "Napakaganda mo Laura para umiyak," pabulong niyang sabi sa akin at inilagay ang panyo sa aking paanan.
Tinitigan ko iyon ng ilang sandali at ibinalik ko ulit kay Andrew ang aking tingin. Ngunit, umalis na siya. He left me with his handkerchief. Hindi ko alam, ngunit may kirot sa aking puso nang tanawin ko siya papalayo. Tanaw ko na lamang ang likuran nito habang nakikipagsiksikan sa mga tao sa simbahan.
Napabuntonghininga ako. Kinuha ko na lamang ang panyo ni Andrew at pinunasan ang aking mga luha. Nasasamyo ko pa ang bango niyon sa aking ilong. Napakabango na para bang unti-unting winawaglit ang lahat ng dinaramdam ko. Na para bang binubura nito lahat ng aking agam-agam.
"Nawa'y palaganapin natin ang wagas na pagmamahal sa bawat isa. Nawa'y matuto tayong magbigay at magpatawad sa nakasala sa atin. Magandang araw sa lahat," pagtatapos ng pari.
Give thanks with a grateful heart.
Give thanks to the Holy one.
Give thanks because He's given. Jesus Christ, His son.
And now, Let the weak say "I am strong"
Let the poor say "I am rich"
Because of what the Lord has done for us, Give thanks.
Nang matapos ang misa ay mabilis kong nilisan ang lugar. Lulugo-lugo pa rin ang aking pakiramdam ngunit mas magaan na ito ngayon. Mas naging payapa.
Dumiretso kaagad ako sa aming mansion. Isa ito sa namana ni Bernard mula sa kaniyang mga magulang. Dalawa lamang kaming nakatira rito at may isang kasambahay.
Bumungad kaagad sa akin ang engrandeng sala na napapalamutian ng mamahaling muwebles. Ang sabi ni Bernard sa akin ay inangkat pa ang mga gamit na ito mula sa Europa. Ang mga kagamitang yari sa adobe at isang napakalaking chandelier ang mas lalong nagpa-elegante sa lugar.
"Ma'am, tumawag po si Sir Bernard. Hinahanap po kayo kanina. Ang sabi ko po, hindi pa kayo dumarating. Kaya sabi niya kapag dumating ka na raw ay sabihin kong matatagalan daw siya sa pag-uwi," mahabang litanya sa akin ni Nene, ang aming kasambahay. Ito kaagad ang bungad niya sa akin pagkapasok pa lamang ng bahay.
Napailing ako sabay napangisi nang mapait. Bakit nga ba siya uuwi kung may nagpapaligaya pa sa kaniya? Tumango ako kagkuwan at ipinilig ang aking ulo nang bahagya. Naaalala ko na naman ang tagpo kanina ngunit pinigilan ko ang aking sarili sa paghagulgol. Pinilit kong itago ang sakit sa kaibuturan ng aking puso upang makaya kong tumayo hanggang ngayon.
Nakakapagod na.
Kung maaari lamang sanang mawala ang lahat ng sakit sa aking puso sa pamamagitan ng pag-iyak ay baka ginawa ko na. Ngunit, alam kong hindi. Mananakit lamang ang aking mga mata ngunit mananatili ang sugat sa aking puso.
"Sige, akyat na ako sa kwarto. Hindi na ako kakain Nene, kaya ikaw na lang ang maghanda para sa sarili mo, okay?" sabi ko dito bago nagpaalam.
Umakyat kaagad ako sa marmol na hagdanan papunta sa aming kwarto ni Bernard. Habang tinatanaw ko ang buong paligid ay gusto kong pumalahaw ng iyak. Naupo ako sa aming kama at dinama ang kalambutan niyon gamit ang aking kamay.
Ang kama. Dito ko unang ginawa kasama si Bernard ang aming mga pangarap para sa isat-isa. Dito ko unang naramdaman ang pagiging isang ganap na babae. Ang pagiging isang maybahay at ang pagiging isang Mrs. Guerrero.
"Mahal kita, Bernard." sabi ko bago niya ako inilapag sa aming kama. Kakatapos lamang ng aming kasal at sobrang nakakapagod ang lahat.
Napangiti siya sa aking sinabi. Kapagkuwan ay tumabi rin siya sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay at pinagsalikop iyon kasama ang kaniya.
Napangiti ako sa kaniyang ginawa. Bahagya ko rin siyang nilingon at nakitang titig na titig din siya sa akin. Namumungay ang kaniyang mga mata sa sobrang kasiyahan at ito'y nagpaparamdam sa akin ng pag-ibig na walang hanggan.
"Mahal na mahal din kita, Laura. Ikaw ang buhay ko at wala ng iba pa. Dito tayo bubuo ng pamilya, Laura. Sa bahay na ito, ikaw ang Reyna at gagawa tayo ng maraming prinsesa at prinsipe."
Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Lalo pa nang halikan niya ang aking mga kamay. Nararamdaman ko sa aking puso ang pagmamahal sa akin ni Bernard.
"Baka naman maging losyang na ako dahil diyan?" tanong kong nakangiti.
Tumawa siya sa aking sinabi. Pinisil niya ang aking ilong gamit ang bakante niyang kamay.
"Ikaw pa rin ang pinakamagandang babae na nakilala ko. Kahit maging dabyana ka pa o kahit kasing laki mo pa ang bahay." sabi niya pa habang tatawa-tawa.
Mas lalo akong napangiti dahil doon. Alam ko kasing hindi ako ipagpapalit ni Bernard. Alam kong totoo niya akong mahal. Lagi niyang pinaparamdam sa akin iyon.
"Baka hanggang salita ka lang," panunukso ko pa sa kaniya. Tinaasan ko rin siya ng kilay pagkatapos. Sumimangot naman siya sa aking sinabi sabay napanguso. The mere sight made me happy even more. The boyish Bernard, ang aking asawa.
Napakasaya ko at walang sinuman ang pwedeng sumira ng kasiyahan ko.
Akala ko noon imposible ko siyang mahalin. Ngunit, wala nga palang imposible sa taong determindo. At si Bernard, iyon. Lahat ginawa niya para mapaiibig ako. Lahat ng bagay na magpaparamdam kung gaano ako kaespesyal sa kaniya ay nagawa niya.
Kaya minahal ko rin siya.
Nang dahan-dahang hinubad ni Bernard ang aking damit ay nakaramdam ako ng kaba. Ito ang aming unang pulot gata kaya hindi ko alam ang gagawin.
Nang titigan kong maigi ang aking asawa ay nakita ko ang determinasyon sa kaniyang mukha. Ang pagmamahal sa kaniyang mga mata at pag-iingat para sa akin.
Sa bawat haplos niya ay nararamdaman ko ang ibayong pagpapala. Wala siyang pinalampas na parte ng aking katawan. Hinalikan niya ito ng purong pagmamahal.
Dama ko. Damang-dama ko.
Napaluha akong muli nang maalala ang pangyayaring 'yon mahigit isang taon na ang nakakaraan. Kinuha ko rin ang aming wedding photo na nasa aming bedside table at pinakatitigan iyon.
Isa-isang nagpatakan ang aking mga luha patungo sa litrato. Napakasakit. Napakasakit ng mga alaala na akala kong panghabangbuhay. Napakasakit malamang ang mga pangako ni Bernard sa akin ay isa-isang napako.
"Bakit mo nagawa sa akin 'to?" bulong ko na lamang sa kawalan. Patuloy pa rin ako sa paghikbi. Pinipilit kong gamutin ang sugat na nilikha ni Bernard at ng pagtataksil niya sa akin.
Yakap-yakap ko ang aming litrato ng makarinig ako ng busina ng sasakyan. Dali-dali kong tinuyo ang aking mga luha at inayos ang aking sarili. Maging ang picture frame ay ibinalik ko rin. Dahan-dahan akong nahiga sa aming kama at nagtalukbong ng kumot.
Alam kong si Bernard na 'yon dahil kabisado ko ang tunog ng kaniyang sasakyan.
Ilang sandali pa ay pumasok na nga ang aking asawa. Umakto akong normal at tila abala sa binabasa. Dahan-dahan ko siyang nililingon at bumungad kaagad sa akin ang kaniyang nakangiting mukha mula sa aming pintuan.
"Hi! honey," sabi niya agad sa akin. Mabilis ang kaniyang lakad patungo sa aking kinalalagyan. Nang saktong nasa tapat ko na siya ay akma niya akong hahalikan ngunit umiwas ako.
"Saan ka galing?" tanong ko agad. Hindi ako kumurap o anuman. Titig na titig ako sa kaniya habang siya nama'y napaiwas ng tingin.
Napakamot siya sa ulo pagkatapos ay umalis. Inilagay niya muna ang hinubad na polo sa sofa at hinarap ako.
"Nagkayayaan kasi kami sa inuman. Birthday ng anak ni Konsehal Ramirez kaya imbitado kami lahat. Nakakahiya naman kasing tumanggi kaya sumama ako," sabi niya sa akin. Hinuhubad naman niya ang kaniyang pantalon ngayon.
"Ang tagal naman yata natapos ng inuman?" tanong ko pa. Pilit kong pinatatag ang aking boses dahil alam kong nasasaktan ako sa bawat pagsisinungaling niya.
"Oo, eh. Napasarap lang sa inuman. Galit ka ba?" tanong niya habang dahan-dahang gumagapang patungo sa aking tabi.
Naikuyom ko ang aking kamao. Tama nga sila. Ang lahat ay nagbabago. Hindi mo na lang malalaman. Halos hindi mo nga maramdaman.
You could never tell.
Ang pinakapayapang lugar para sa akin sa aming paaralan ay ang rooftop ng eskwelahan. Dali-dali akong umakyat sa hagdanan at napangiti nang nasa bungad na ako ng pintuan.Agad kong binuksan iyon at bumungad kaagad sa akin ang maaliwalas na kalangitan na may magandang panahon. Mas lalong lumawak ang aking pagkakangiti. Sigurado akong magiging maganda ang aking magiging siesta.Umupo ako sa nakasanayan kong pwesto at bahagyang iniunat ang aking katawan. Humikab ako at itinaas ang aking mga kamay para sa mas komportableng pagtulog. Ngunit, pipikit na lamang ako nang may marinig akong mahinang pagkanta.Agad-agad kong inilibot ang aking paningin. Hindi pa ako nakontento at tumayo ako para tingnan kung sino ang kumakanta. Nilibot ko ang
Napakaaga kong nagising kahit na panay ang tahimik kong paghikbi kagabi. Siniguro kong nailabas ko na ang lahat ng pait na nararamdaman ko sa aking dibdib at pati ang aking mga agam-agam. Naisip kong sumuko at iwanan na lamang si Bernard ngunit hindi maaari. Ako ang asawa. Ako ang mas may karapatan dahil kasal kami. Ang kabit ang siyang dapat lumugar at hindi ako.Sinulyapan ko muna si Bernard na mahimping pa rin na natutulog sa aking tabi bago ako tumuloy sa banyo. Mabilis akong naligo at nagbihis ng pambahay. Nang matapos ako ay dumiretso kaagad ako sa kusina. Naabutan ko pa si Nene na nagkakape sa dining table."Maayong buntag Ma'am," (Magandang umaga, Ma'am,) bati nito sa akin.
Pagkatapos nilang umalis ay naisipan kong tawagan si Olive. Alam kong siya lang ang tanging makakaintindi sa aking nararamdaman. Mabilis akong naupo sa pinakamalapit na sofa sa aming malawak na sala. Hinintay kong sagutin ni Olive ang aking tawag at hindi nga ako nagkamali. Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot na niya iyon."Hello?" tanong kaagad nito sa akin.Napangiti ako ng bahagya na para bang nakikita ako ni Olive. Naisip ko rin kung katulad ba ng nararamdaman niya noon ang nararamdaman ko ngayon. Kasi kung tutuusin pareho kaming niloko."Olive," umpisa ko."Ano ba 'yon? Hoy! bruha ka, huwag mo akong pinapakaba. Spill the beans, dali!" apuradong sabi nito.
"Bakit ba ang kulit mo, Laura? Hindi nga ako makakadalo. Busy ako," bungad kaagad sa akin ni Lara sa kabilang linya."Gusto ko lang namang samahan mo akong tumanggap ng aking parangal, Lara." sagot ko naman pagkatapos ng isang buntonghininga."Alam mo, kahit naman wala ako do'n, pwedeng-pwede mo pa ring tanggapin ang tropiyo mo." mariing sabi nito. Narinig ko pang may kung anong kakaibang tunog sa background ng aking kapatid."Pero, Lara.." pagtutol ko."Ang ayaw ko sa lahat Laura, 'yong makulit. Si Bernard ang imbitahin mo, hindi ako." galit na sabi nito.Napailing ako kapagkuwan. Mukhang w
"B-Bernard," tanging nasambit ko na lamang nang tuluyan akong makapasok sa opisina ng aking asawa. Tinitigan ko ito sa aking mga mata ngunit hindi naman ito makatingin ng diretso sa akin. Alam kong nararamdam niyang nasasaktan ako. Alam kong nararamdam niyang hindi ko gusto ang aking nakikita. "Honey, ano kasi.." Mas lalong akong nasaktan sa naging reaksyon ni Bernard. Mas lalo kong naramdamang, wala na. Na matagal na niya akong niloloko. "Oh! Bakit ganiyan ang hitsura mo, Laura? Para kang hinabol ng asong ulol." Agaw pansin sa akin ni Lara. Tiningnan ko siya ng masama kaya natigilan din ang kaniyang hitsura. "Hindi kita kinakausap Lara, kaya manahimik ka!" Galit na sabi ko pagkatapos ay binalingan ko ulit si Bernard. "May dapat ba akong malaman, Bernard?" dagdag ko pa. Natahimik siya at napailing. Tumayo din ito at nilapitan ako habang ako naman ay nagpupuyos ng gal
"Why are you here?" tanong ko kaagad kay Andrew. Hindi niya ako sinagot bagkus ay tiningnan niya lamang ako. Isang klase ng tingin na kailanman ay hindi ko gugustuhing makita galing sa kaniya. He looked at me pitifully. Na maging ako ay ramdam ang awa sa sarili. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan," mahina kong bulong. Halos hindi ko na nga marinig ang sarili kong boses. Napayuko ako at niyakap ang aking sarili. Nasasaktan ako ngayon ngunit kailangan kong magpakatatag. Lahat ay lilipas lamang at may mga bagong darating. Hindi ko nga lamang alam kong kailan. "Umuwi ka na, Laura." sabi nito sa akin. Umiling ako sa kaniyang sinabi. I needed more time. I needed to be alone to think. Kailangan ko ng isang taong makakaintindi sa akin. Kasi hindi ko alam. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa amin bago ko naramdamang lumalapit siya sa akin. Dahan
May mga bagay na mahirap ngunit kailangan mong tanggapin. Tinanggap ko ulit si Bernard. Magmula ng gabing iyon sa mansion ng kaniyang buong pamilya ay pinilit kong maging normal sa amin ang lahat. Hindi man katulad ng dati ngunit hindi naman gaanong magulo. Iwinaksi ko rin sa isip ang mga bagay na nagpapaalala sa akin kay Andrew. Natatakot ako dahil nitong mga nakalipas na buwan ay palagi na lamang nagsusumiksik sa utak ko ang kaniyang mukha. Nangingilabot ako sa aking sarili dahil alam kong hindi dapat. "Honey," tawag sa akin ni Bernard. Nasa tabi ko ito at nakikiramdam. "Bakit?" tanong ko dito. Bahagya kong sinulyapan si Bernard at nakita ko ang pag-asam sa kaniyang mga mata. Magmula ng makita ko ang bagay na iyon at naging maayos na kami ni Bernard ay hindi na ulit namin nagagawa ang bagay na iyon. Natatakot ako. Pilit ko mang kalimutan ngunit hindi ko magawa.
"Anong sinasabi mo?" tanong ko dito nang makahuma. Kita ko kaagad ang galit sa kaniyang mga mata kaya naman mas lalo akong naguluhan. "Nakikipagkita ka ba sa kapatid ko? Iniiputan niyo ako sa ulo?" Imbes na sumagot ay tanong din ang ibinato niya sa akin. Nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi ngunit pinanatili kong pormal ang aking hitsura. Lumapit ako kay Bernard ng dahan-dahan at hinarap siya. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata at itinuro ko ang puso ko. "Naramdaman mo ba na minsan sa pagsasama natin, hindi kita minahal? Sagutin mo ako, Bernard! Kasi kung naramdaman mo! Nararamdaman ko rin dahil sa ginagawa mo ngayon!" mariing sabi ko sa kaniya. Nakita kong nagulat siya sa aking ginawa. Nanlaki din ang kaniyang mga mata at ang biglaang pagbabago ng emsoyon nito. Bumukas-dili ang kaniyang labi ngunit wala ni isang salitang namutawi doon. "Ako ba talaga ang may kasalanan, Bernard?
Laura POV San Vicente mourns for Guerrero's death Mayor Bernard Guerrero died in a car crash Hinaplos ko ang mga kataga na nakasulat sa isang lumang diyaryo. Pagkatapos ng ilang sandali ay napabuntong-hininga ako. Isinandal ko rin ang aking likuran sa kahoy na upuan habang tahimik na pinagmamasdan ang karagatan. Napakalawak nito at tila ba napakapayapa. Ang asul na tubig na humahalik sa mapusyaw na kalangitan ay napakagandang pagmasdan. Ang liwanag na nagmumula sa araw na tila nagdudulot ng bagong pag-asa sa sinuman ay nakakabighani kong titingnan. Tila ito isang obra na sadyang nilikha para sa nais makahanap ng katiwasayan. "Ano pong nangyari sa prinsipe? Nasaan na po, siya?" Isang maliit na boses ang umagaw sa aking nagliliwaliw na isip. Itinagilid ko ang aking ulo at tiningnan ito sa aking tabi. Naglalaro ito ng buhangin habang ang mga malilit na
Bernard POVNapakaganda.Iyon ang unang salita na naisip ko nang tumanaw ako sa ibaba ng school ground. Tinuturo nina Gary at Arnel ang dalawang babae na nakaupo roon. Napakunot pa ang noo ko nang makilala ang isa sa mga iyon. Ang babaeng binigyan ko ng panyo kanina. Pero, hindi sa kaniya natuon ang atensyon ko kundi sa kasama nito. Laura. Katulad nito ay napakaganda din ng pangalan nito."Bernard, bakit mo ako hihiwalayan?"Binalingan ko kaagad si Lani, ang pinakabago kong nobya. Nakahiga ito sa kama habang nakabalot ng kumot ang hubad na katawan nito. Kakatapos lang naming magpalabas ng init sa katawan nang sabihin ko dito ang talagang gusto ko."Hindi nga kita, mahal! Pasensya ka na. Alam mo naman na hindi ako seryoso sa'yo, di ba?!" may halong inis na sagot ko sa tanong nito.Napaiyak ito sa sinabi ko. Nakita ko pa ang pag-alog ng balikat nito habang impit na umiiyak.
Andrew POVPalagi akong nagpupunta sa rooftop kapag libreng oras. Mahilig ako magsyesta kapag tanghali at walang klase. Tahimik kasi ang lugar at mahangin. Masarap matulog."Ikaw lang talaga ang mahal ko. Maniwala ka naman sa akin?"Boses kaagad ng babae ang narinig ko galing sa kung saan. Kakapasok ko pa lang sa rooftop kaya napakunot kaagad ang noo ko. Sayang naman ang syesta ko kung madidisturbo lang ng maingay na babae.Araw-araw nandoon ang babae para mag-ensayo. Akala ko sasali ito sa contest pero nalaman kong mahilig talaga itong umarte. Palagi ko rin itong pinagmamasdan. Malayo mula dito para hindi ito mailang. Masasabi ko rin na magaling ito.Napapangiti na lang ako kapag sinasampal o sinasabunutan nito ang sarili. Minsan pa ay tatawa ito na parang baliw. Tumitingala sa langit pagkatapos ay iiyak. Napailing pa ako minsan nang maupo ito sa sahig ng rooftop. Kung may makakakita dito
Lara POV"Shhh, huwag kang maingay.""Kuya, bakit po?" tanong ko dito.Mabilis na inilagay ni Kuya ang kaniyang kamay sa aking bibig. "Sabing 'wag kang maingay!" Nanlilisik ang mga mata na wika pa nito.Kinabahan kaagad ako sa inaakto ni Kuya. Lalo na nang mas inilapit niya pa ang mukha sa akin. Nakahiga ako sa aking kama habang siya naman ay nakatanghod sa akin."Nakakatakot ka, Kuya!" bulalas ko nang pakawalan nito ang aking bibig. "Nay! Tat-""Gusto mo ba, si Laura na lang?"mahinang bulong nito sa aking tainga matapos akong kubabawan. Inilagay din nito ang kamay pabalik sa aking bibig.Ang takot ko ay mas nadoble nang banggitin nito ang aking kakambal. Magkasama kami ni Laura sa kuwarto ngunit, wala ito ngayon dahil nasa bahay ng isang kaibigan.Umiling ako kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata. Disi-sais
"Saan ba kasi tayo, pupunta?" Nakataas ang kilay na tanong ko kay Bernard. Nasa tabi ko ito at seryosong nagmamaneho. Nakatuon ang mga mata nito sa harap habang may munting ngiti sa labi.Inirapan ko na lamang ito nang hindi ito sumagot. Nagkibit-balikat ako at inayos na lamang ang sarili. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi niya rin sinasagot ang mga tanong ko. Para itong pipi sa sobrang silyado at ingat sa mga salita nito."Basta," sa wakas ay wika nito.Sinulyapan ko ito ng bahagya sabay tango. Nakita ko pa ang pagsulyap din nito sa akin sabay ngiti na sinuklian ko naman. Hindi na rin ako nagtanong pa ng kahit ano. Hinayaan ko si Bernard sa gusto niya. Kung saan man kami pupunta. Nagpatianod ako sa lahat."Antok ka na?" wika nito kapagkuwan."O-Oo. Malayo pa ba tayo?" tanong ko dito habang ang ulo ay nakasandal sa gilid ng bintana. Pinagalitan ko pa ang sarili dahil hindi man la
Kasabay nang malalakas na hampas ng hangin ay ang nagliliyab na mga damdamin na matagal nang nakabaon. Kasabay ng paghampas ng ulan ay ang mga ungol ng kaluwalhatian. Damang-dama ko sa kaibuturan ng aking puso ang pagpapaubaya. Ang pagsuko sa lahat ng sakit at ang muling pagkagising ng isang natutulog na damdamin.Nang matapos ang isang mainit na tagpo ay pareho kaming hinihingal ni Bernard na napatihaya sa kama. Ang lamig na dulot ng panahon ay hindi nagawang maibsan ang aming nag-iinit na pakiramdam. Ang apoy na gumising sa puso kong matagal nang nakabaon ay muling nagliyab."Laura, patawarin mo na ako. Hindi man ako perpekto pero mahal na mahal kita." halos pabulong na sabi nito.Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Bernard. Agad akong tumagilid at pinulupot ang hubad na katawan sa isang kumot. Lumayo din ako sa kaniya ng bahagya at tinalikuran ito.Sa nangyari ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong s
Tahimik akong pinagmamasdan ang mga tao sa aming harapan. Kahit tirik ang araw at nakatayo sa malawak na gym ng kanilang baranggay ay nakangiti pa rin ang mga ito habang nakatanaw kay Bernard at sa mga kaalyado nito na nagsasalita at nagpapahayag ng kani-kanilang plataporma."Gusto mo ba nang maiinom, Hija?" bulong sa akin ng Nanay ni Bernard.Agad ko itong binalingan. Ngumiti din ako sabay iling, "Hindi po, Mama. Salamat na lang po," magalang na tanggi ko.Napangiti ito at tumango sa aking tugon. Bumalik rin ang tingin nito sa aming harapan. Nasa entablado kami at nakaupo kasama ang mga kandidato. Maging ang Tatay ni Bernard ay prente din ang pagkakaupo katabi ang asawa nito. Nakangiti pa ito sa lahat na tila ba masayang-masaya."Mayor! Suportado ka namin!""Mayor! Mayor! Mayor!""Oo nga! Sure win ka na, Mayor!"Napangiti ako nang marinig ang sigawan ng m
Hindi ko na hinintay na ipagtulakan pa nila ako paalis. Mabilis ang aking mga hakbang habang nagpupuyos ng sakit sa aking dibdib. Lakad takbo ang ginawa ko para lamang makaalis sa lugar na iyon. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinabi ni Lara sa akin kanina.Habang sinasabi niya ang mga katagang 'yon ay ang pagkadurog din ng aking pagkatao. Nasasaktan ako sa mga nangyayari. Naguguluhan ako sa lahat. Sa direktang pagtakwil ni Nanay sa akin at sa rebelelasyon ni Lara na hindi ko alam kung totoo."Mayora? Ano po ang nangyari sa inyo?" tanong ng isang tricycle driver.Ikinurap-kurap ko ang aking mga mata. Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa Toda ng mga namamasada. Sa sobrang sakit ng dibdib ko parang may sariling isip din ang mga paa ko kung saan ako dadalhin nito.Babalik na naman ba ako sa dati? Magpapakaalipin na naman ba ako sa sakit?Pakiramdam ko n
"Kapag nasasaktan ka, walang nakakahigit na nakakaalam sa 'yong pagdurusa kundi Siya. Kapag naguguluhan ka, kumapit ka lang at maniwala sa Kaniya."Ang lahat ay tahimik habang nakikinig sa liturhiya ng pari sa aming harapan. Linggo ngayon, at nakasanayan na ng pamilya nina Bernard na magsimba tuwing umaga. Isa ito sa dahilan kung bakit minahal sila nang mamamayan ng San Vicente."Ang pagmamahal ng Diyos ay hindi lamang para sa isa. Hindi lamang para sa'yo, sa akin, sa kaniya, kundi para sa lahat. Ang pag-ibig Niya ang siyang nagbubuklod sa sanlibutan. Kaya kapatid, kung inaakala mo na mag-isa ka na lang. Kung pakiramdam mo iniwan ka na nang lahat. Pwes, mali ka! Dahil Siya! Hinding-hindi ka Niya iiwan. Manalangin tayo," wika nito bilang pagtatapos nang liturhiya.Sa lahat ng narinig ko mula dito, pakiramdam ko para iyon sa akin. Lahat ay tumagos sa aking puso maging sa kaibuturan ng aking pagkatao.Ipiniki