Cursed Painting/ Tagalog

Cursed Painting/ Tagalog

last updateLast Updated : 2021-06-30
By:  corasv  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
52Chapters
7.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Siyam na estudyante ang naimbitahan sa Mansiyon ng sikat na Artist na su Gregorio Santillan. Ngunit ang hindi alam ng mga estudyante, may nagbabadyang panganib na naghihintay sa kanila. At ano ang ibig ipahiwatig ng mga panaginip ni Alyssa? Ito ba ay isang babala o sadyang panaginip lamang? Paano pa maililigtas ni Alyssa ang walong estudyante sa sumpa ng painting na kanilang nilalagdaan, kung maging siya ay bilanggo na rin ng Larawan?

View More

Latest chapter

Free Preview

Kabanata 1

GULO ang isip na nagpalinga-linga si Alyssa. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar na kinaroroonan niya. Nag lakad-lakad siya, may nakita siyang isang malaking puno na hitik sa bunga ngunit hindi niya din kilala kung anong puno ito. May mga nakapaligid na halaman at mgagandang bulaklak naengganyo siyang lapitan ito. "Ang ganda ng mga bulaklak ang bango-bango," pumikit siya, bumuntong hininga at suminghap ng sariwang hangin. Pumitas siya ng isang bulaklak kulay rosas ito at iniipit niya sa kanang tenga at nag lakad-lakad. Sa di kalayuan may nakita siya isang magandang upuan kulay puti ito. Kunot noo na tila nag-isip ang dalaga. "Nasaan kaya ako, anong lugar kaya ito?" tahimik ang paligid parang siya lang ang tao. Nag palinga -linga siya. Nakita niya ang mga nagliliparang mga paru-paro, ibat-ibang hugis at ibat-ibang kulay. "Nasa Heaven na ba ako?'' Pakiwari niya nasa paraiso siya. Nag lakad siya palapit sa puting upuan at naupo, medyo nakakar

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
Mariabeth De Guzman
maganda Kaya Lang need pa mag bayad
2021-07-17 21:32:19
2
user avatar
Erna Aledo
more chapters please..
2021-05-09 07:01:10
1
52 Chapters

Kabanata 1

GULO ang isip na nagpalinga-linga si Alyssa. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar na kinaroroonan niya. Nag lakad-lakad siya, may nakita siyang isang malaking puno na hitik sa bunga ngunit hindi niya din kilala kung anong puno ito. May mga nakapaligid na halaman at mgagandang bulaklak naengganyo siyang lapitan ito. "Ang ganda ng mga bulaklak ang bango-bango," pumikit siya, bumuntong hininga at suminghap ng sariwang hangin. Pumitas siya ng isang bulaklak kulay rosas ito at iniipit niya sa kanang tenga at nag lakad-lakad. Sa di kalayuan may nakita siya isang magandang upuan kulay puti ito. Kunot noo na tila nag-isip ang dalaga. "Nasaan kaya ako, anong lugar kaya ito?" tahimik ang paligid parang siya lang ang tao. Nag palinga -linga siya. Nakita niya ang mga nagliliparang mga paru-paro, ibat-ibang hugis at ibat-ibang kulay.  "Nasa Heaven na ba ako?'' Pakiwari niya nasa paraiso siya. Nag lakad siya palapit sa puting upuan at naupo, medyo nakakar
Read more

Kabanata 2

NAKITA ni Alyssa ang papalapit na kaibigan, may dala itong isang tray na may dalawang umuusok na tasa ng kape. May dalawang slice din ng chocolate cake.Umupo si Maggie sa tapat niya at iniabot sa kanya ang isang tasang kape at isang slice na cake."Amoy pa lang mukhang masarap na ang kape." Sabi ni Alyssa at nagsimula na siyang humigop ng mainit na kape."Sinabi mo pa girl, buti na lang pinuntahan ko dahil kung hindi, baka bukas pa makakarating order natin." Sagot ni Maggie. Una nitong nilantakan ang isang slice na chocolate cake. "My gosh! so yummy!"Nangingiting tinignan ni Alyssa ang kaibigan nang bigla niyang maalala ang nabasa sa newspaper."Girl, naalala mo ba iyong sikat na pintor sa bayan ng San Victoria?" Tanong ni Alyssa sa kaibigan at muling humigop ng kape.Tumango naman si Maggie."Yes, what about him?"  Tanong nito sa kanya.Bilang sagot niya sa tanong nito iniabot niya dito ang kaperasong newspaper. "Read it!"
Read more

Kabanata 3

INABOT ni Alyssa ang isa pa na handy bag niya kung saan nakalagay ang ilang gamit niya sa pagpipinta gaya ng mga paint brush at pangkulay.May mga pagkain din silang baon na good for one week, pinagtulungan nilang magkaibigan na buhatin ang isa pang bag na may mga lamang pagkain.Nagsimula na silang lumakad palapit sa nakasaradong gate. Mula sa labas ng gate makikita ang nakatayong malaking Mansiyon na pagmamay-ari ng pintor na si Mr.Gregorio Santillan. Medyo may kalumaan na pero maganda pa din. Nag doorbell si Alyssa. Saglit lang at may bumukas na ng gate. Isang matandang lalake ang nakita nila."Goodevening po," panabay na bati nila ni Maggie. Tumango lang ang matanda."Sumunod kayo sa akin." Ang sabi ng matanda at tumalikod na sa kanila.Nagkatinginan naman sila. Lumapit kay Alyssa si Maggie at may ibinulong ito."Ang weird ni manong," bulong ni Maggie sa kanya. Pasimpleng siniko niya ito.''Sshhhh, baka marinig ka," saway niya sa kaibiga
Read more

Kabanata 4

NAG simula na din mag-ayos ng gamit sina Alyssa at Maggie habang nagku-kwentuhan silang tatlo.May malaking kabinet na walang laman, doon nila nilagay ang mga damit nila at ilang gamit. Pareho silang may baon na pagkain pinagsama nilang tatlo iyon sa iisang bag. Nang matapos ang tatlo nag kanya - kanya na sila ng pwesto ng higa, dala ng pagod ay agad naman silang nakatulog. DAY 1 SA MANSIYON."Alyssa....alyssa...! Napadilat ng mga mata si Alyssa. Ikinurap-kurap niya ang mga mata. Tinignan niya ang mga katabi sa kama mukhang tulog pa ang mga ito. Parang narinig niya na may tumatawag sa panganalan niya habang natutulog siya.Bumangon siya sa kama at naupo. Parang hinihila pa ng antok ang mga mata niya. Bumaba siya ng kama at tinungo ang isang maliit na lamesa kung saan nakapatong ang bottled water nila, parang nanunuyo kasi ang lalamunan niya. Dumampot siya ng isa, binuksan ito at uminom ng tubig.Pabalik na siya ng kama nang mapansin n
Read more

Kabanata 5

"KANINA kasi nang hawakan ko ang painting pakiramdam ko nasa loob ako nito. Nasa gitna ako ng dagat at naging sirena ako." Kuwento ni Alyssa. Inaasahan na niya ang magiging reaksiyon ni Maggie.Humagalpak ng tawa si Maggie sa narinig na sinabi ni Alyssa."Ikaw, kung saan na nakakarating ang imahinasyon mo ano?" natatawang tanong ni Maggie sa kanya."I'm serious!" Seryosong sabi ni Alyssa. Nag kuwento pa siya sa kaibigan tungkol sa nakita niyang babae. Pero ayaw maniwala sa kanya ng kaibigan."Alas singko pa lang ng umaga, subukan mo ulit matulog girl," suhestiyon ni Maggie at muling sumampa sa kama at nahiga. "Pag gising ko nakita na kita na nakatayo sa tapat ng painting, hindi ako kumurap girl, kaya sa maniwala ka sa hindi pero hindi ka umalis sa kinatatayuan mo.""P-pero kasi--" hindi na natuloy ni Alyssa ang sasabihin ng muling magsalita ang kaibigan."Matulog kana, baka hindi mo namalayan nakatulog ka at sa sobrang pagkabighani mo sa painting
Read more

Kabanata 6

"SANA nga maganda ang kalabasan kapag pipintahan ko na," halatang natutuwa din si Maggie sa kanyang ginawa. Inakbayan ni Alyssa ang kaibigan. "Syempre naman, ikaw pa!" Tinulungan ni Alyssa na magligpit ng gamit ang kaibigan at pagkatapos sumunod na silang lumabas ng silid na iyon sa mga kasama. "Nakakagutom pala ang gumuhit," birong reklamo ni Maggie sabay himas ng tiyan. "Sinabi mo pa, kaya kumain ka ng madami talent mo din 'yan!" Natatawang biro niya sa kaibigan. Inirapan naman siya ni Maggie. "Tse!" Umismid ito. Natatawang pinindot niya ang tungkil ng ilong nito. "Ang cute mo talaga!" SA HAPAG KAINAN.....Sinigang na hipon at gulay na pakbet na sinamahan pa ng pritong isdang bangus ang pananghalian nila, kaya lalong natakam ang magkaibigan na Alyssa at Maggie maging ang kanilang mga kasama. "Kumain kayo ng madami huwag kayong mahihiya." Nakangiting sabi ni Gregorio sa mga estudyante niya. Sumandok ito ng k
Read more

Kabanata 7

NGUMITI si Carlos kay Alyssa."Okay lang ako. Broken family lang ako pero may lola naman akong mahal na mahal ako." Sabi pa ni Carlos. "Kahit naman may sariling family na ang mga parents ko suportado pa din naman nila ako, katunayan nga kina mama ako nag e stay habang nag-aaral. Kapag weekend naman umuuwi ako ng cavite.""Ako naman only daughter lang ako." Simula ni Alyssa. "Okay naman ang parents ko kaso lagi silang busy sa work, kaya itong si Maggie na bestfriend ko ang laging kong kasama." Kuwento niya."Wala pa boyfriend si Alyssa since birth." Sabat naman ni Maggie.Dinampot ni Alyssa ang isang tsinelas niya at ipinukol kay Maggie na nakailag naman."Pagpasensiyahan mo na si Maggie ha, ganyan talaga 'yan palabiro." Nahihiyang sabi niya kay Carlos.Ngumiti si Carlos at umayos ng upo."Walang boyfriend pero may nanliligaw?" Seryosong tanong ng binata. Tumingin
Read more

Kabanata 8

"AYON! umamin din!" Tukso ni Miguel sabay tapik sa balikat ni Carlos. "Mukha naman mabait si Alyssa. Naku ang suwerte mo bro, kapag naging girlfriend mo siya."Napangiti naman si Carlos sa sinabi nito. Wish niya lang na pareho sila nang nararamdaman ng dalaga."Eh ikaw, may nagugustuhan ka ba sa mga girls dito?" Tanong ni Carlos kay Miguel."Meron," mabilis na sagot nito. "Si Sofia!""Halata naman sa inyong dalawa ni Sofia na pareho kayong may gusto sa isat-isa." Sabi ni Noel sabay abot ng soda na nasa table. "Kung magtitigan kayo parang hinuhubaran n'yo ang isat-isa!""Loko!" Natatawang inakbayan ni Miguel ang katabi na si Noel sabay kinutusan niya ito sa ulo.Sabay na napalingon sa mahabang hagdan ang mga binata. Nakita nilang pababa nang hagdan ang babaeng pinag-uusapan nila.Si Sofia! Nakasuot ito nang puting top tube at maiksing short at mukhang bagong ligo.
Read more

Kabanata 9

"ALAM mo na kong ano ang gagawin mo." Mahinang sabi ni Gregorio sa kausap. Napatingin sa kanya ang binata, nginitian niya ito.Gumanti ng ngiti si Miguel sa artist at muling ipinagpatuloy ang pagpipinta.Isang oras din ang nakalipas ng matapos ang dalawa. Lumapit sa mga ito ang artist. Una nitong tinignan ang ginawa ni Miguel."Magaling!" Puri ni Gregorio na sinabayan pa ng palakpak."Yes!" Tuwang sambit ni Miguel, saktong napasulyap sa kanya si Sofia. Mabilis na kindat ang ginawa niya para sa dalaga. Kinikilig na ngumiti naman si Sofia.Nilapitan naman ni Gregorio ang ginawa ng dalaga."Magaling!" Puri din ni Gregorio sa dalaga sabay tapik sa kanang balikat nito."Thank you Sir," kinikilig na pasasalamat ni Sofia. Tuwang - tuwa siya dahil  maganda ang kinalabasan ng painting."Pirmahan na ninyo ang mga larawan na inyong kinulayan," utos ni Gregorio sa dalawa."Pero Sir, kayo po ang may-ri ng painting," mabilis na sagot ni S
Read more

Chapter 10

BUMALIK sa alala ni Gregorio ang malagim na nangyari sa kanyang pamilya. Nilooban ang bahay nila ng masasamang tao habang himbing sila na natutulog, hindi pa nakontento sa paglimas ng kanilang pera at alahas pinatay pa ang kanyang asawa't anak. Sinubukan din siyang patayin ng mga ito pero nakaligtas siya dahil bago siya lagutan ng hininga nag dasal siya sa panginoon ng kadiliman na iligtas ang kanyang buhay. Masama ang loob niya sa dios ng langit dahil sa malagim na nangyari sa kanyang pamilya.Bilang kapalit ng kanyang buhay, kailangan niyang mag alay ng buhay sa kanyang panginoon na si Satanas. Kailangan niyang gawin ito para makamit ang buhay na walang hanggan.Nakapaghiganti na din siya sa mga taong pumatay sa kanyang mag-ina, nag bayad siya ng tao para ipapatay ang mga ito. Ngunit kailangan pa din niyang mag alay ng buhay ng tao para patuloy siyang mamuhay ng matagal sa mundong ibabaw.DAY TWO SA MANSIYON.Umaga nasa hapag-kainan na ang mga estud
Read more
DMCA.com Protection Status