INABOT ni Alyssa ang isa pa na handy bag niya kung saan nakalagay ang ilang gamit niya sa pagpipinta gaya ng mga paint brush at pangkulay.
May mga pagkain din silang baon na good for one week, pinagtulungan nilang magkaibigan na buhatin ang isa pang bag na may mga lamang pagkain.
Nagsimula na silang lumakad palapit sa nakasaradong gate. Mula sa labas ng gate makikita ang nakatayong malaking Mansiyon na pagmamay-ari ng pintor na si Mr.Gregorio Santillan. Medyo may kalumaan na pero maganda pa din. Nag doorbell si Alyssa. Saglit lang at may bumukas na ng gate. Isang matandang lalake ang nakita nila.
"Goodevening po," panabay na bati nila ni Maggie. Tumango lang ang matanda.
"Sumunod kayo sa akin." Ang sabi ng matanda at tumalikod na sa kanila.
Nagkatinginan naman sila. Lumapit kay Alyssa si Maggie at may ibinulong ito.
"Ang weird ni manong," bulong ni Maggie sa kanya. Pasimpleng siniko niya ito.
''Sshhhh, baka marinig ka," saway niya sa kaibigan.
Sinundan nila ang matanda at ng nasa harap na sila nang malaking pintuan may dinukot ito sa bulsa at inilabas nito ang kumpol na mga susi.
Pagkabukas ng pinto agad na namangha si Alyssa sa kayang mga nakita. Madaming mga painting na nakasabit sa wall.
"Wow!" bulalas ni Alyssa. ''Ang gaganda ng mga painting." Bakas ang tuwa sa mukha ng dalaga
"Oo nga girl,'' sang-ayon ni Maggie at lumapit ito sa isang nakasabit na painting. "Parang buhay na buhay ang mga nasa larawan," dugtong ng dalaga.
Narinig nila ang mahinang tikhim ng matanda. Sabay silang napalingon.
"Dadalhin ko kayo sa kusina para sabay -sabay na kayong maghapunan." Anang matanda at lumakad ulit ito.
Nagkatinginan ang magkaibigan.
"Kayo daw?" ibig sabihin may mga ibang tao pa na naunang dumating kaysa sa kanila.
"Mukhang exciting yata ang pag punta natin dito, akala ko magiging boring ang buong isang linggo ko dito!" natatawang sabi ni Maggie.
Pagdating sa kusina sinalubong sila ng isang lalakeng may kaedaran na pero mukhang matikas pa din ang pangangatawan nito. Namukhaan ito ni Alyssa.
"Sir, Gregorio?'' paniniguro ni Alyssa. Bakas sa mukha ng dalaga ang tuwa ng makita ito.
Nakangiting tumango ang lalake. Lumapit ito sa kanila.
"Alyssa at Maggie?'' tanong naman nito sa kanila.
"Yes, po!" Panabay na sagot ng magkaibigan. Nakipag kamay sila dito.
"Have a sit," paanyaya ng artist na inalalayan pa sila makaupo. Nahihiyang tumalima naman sila.
"Hi!" Panabay na bati ng ilang panauhin na nakadulog na din sa hapag-kainan.
"Hello!" Nakangiting panabay na bati nilang magkaibigan.
"Kumain na muna tayo mga hija, hijo, huwag natin paghintayin ang grasya." Nakangiting turan ni Gregorio sa mga panauhin niya.
"Oo nga naman mukhang masarap pa naman ang inihanda ni Sir," ani Maggie na kanina pa nagrereklamo kay Alyssa na gutom na. Nauna na itong kumuha ng pagkain at nilagay sa sariling plato.
Sumunod na din ang ibang naroon, kanya - kanyang kuha ng pagkain.
Maganang kumain ang lahat dahil na din sa pagod sa byahe.
PAGKATAPOS kumain ng lahat kinausap ni Gregorio ang mga estudyante.
"Alam kong pagod ang lahat kaya mas mabuti sigurong magpahinga na muna kayo." Nakangiting sabi ni Gregorio. Sinulyan niya ang katiwala na nakatayo sa gilid nito. "Ito pala si Mang Nestor katiwala ko dito sa mansyon, ituturo niya sa inyo ang magiging kwarto ninyo." Pagpapakilala nito sa katiwala. "Magpahinga kayo at bukas magsisimula na tayo. Magandang gabi sa inyong lahat!" Nakangiting bati pa nito.
"Magandang gabi din po Sir," masiglang panabay na sagot ng mga estudyante.
Sinenyasan ni Gregorio ang katiwala agad naman itong tumalima.
"Sumunod kayo saakin," ani Mang Nestor. Nagsimula na itong humakbang, sumunod naman sila.
Binaybay nila ang kahabaan ng bahay, umakyat sila ng hagdan at bawat isa ay namamangha sa mga nakasabit na larawan sa dingding at iisang salita lang ang namumutawi sa kanilang mga bibig.
"Wow!"
"May apat na kuwarto dito, ang mga babae hiwalay sa mga lalake." Sabi ni Mang Nestor at dumukot ito sa bulsa para kunin ang mga susi.
Siyam silang lahat, anim na babae at tatlong lalake na sa tingin ni Alyssa hindi nagkakalayo ang mga edad nila. Inabot ni Mang Nestor ang susi sa bawat isa.
Sa isang kuwarto tatlo silang magkakasama. Alyssa, Maggie at Daisy na nagpakilala na sa kanila.
Binuksan ni Alyssa ang pinto ng kuwarto at sabay na silang tatlo na pumasok.
Inilibot ni Alyssa ang paningin sa loob ng kuwarto. Maganda! sa isip niya. Babaeng-babae ang dating ng kuwarto. May malaking kama at may mga nakasabit din na painting sa mga dingding.
"Ang ganda ng room," sabi ni Maggie. "Terno lahat, ang kurtena, punda, kumot at kubre kama." Dugtong niya.
"At ang laki ng kama!" Segunda ni Alyssa.
"Hindi ba nakakahiya at naki-share ako sa inyo ng kuwarto?" Si Daisy. Kung ilalarawan ito, mukha itong mahinhin, maganda matangkad at maputi.
"Ano ka ba Diasy, kung may dapat man mahiya dito dapat ako 'yon." Sagot ni Maggie na natatawa. "Dahil kayo may talent at ako wala, saling pusa lang ako dito. Hehehe!" sabay lingon kay Alyssa. "'diba friend?"
"May talent ka naman girl, ang kumain." Sagot niya. Natawa si Daisy sa sinabi niya. "Lagi ka nalang kasing gutom eh." Natatawang dugtong ni Alyssa sa sinabi. Paano ba naman katatapos lang nilang kumain may nginunguya na naman ito.
Lumapit si Maggie sa kama at dumapa ikinawagkawag pa nito ang mga braso at paa na parang lumalangoy sa dagat. "Food is life friend, he he he!"
Lumapit din sa kama si Daisy at naupo. "Nakakatuwa kayong magkaibigan." Sabi nito at sinimula ng ayusin ang mga dalang gamit nito.
"Good choice ka sa piniling kasama sa kuwarto Daisy." Anya. Tumingin ito sa kanya. "Dahil may kasama tayong clown dito sa kuwarto." Tinutukoy niya ang kaibigan na si Maggie at sinabayan niya ng mahinang tawa.
Bumangon sa kama si Maggie at naupo sa tabi ni Daisy.
"Do you have a friend?" tanong nito sa dalaga sabay subo ng junkfoods.
"Meron naman kaso busy sa study niya kaya 'di nakasama," sagot ni Daisy.
"Gusto mo?" alok ni Maggie dito ng kinakain.
"No thanks," tanggi nito. "Nice to meet you nga pala sa inyong dalawa, Alyssa at Maggie." Nakangiting turan ni Daisy at tinapunan sila ng tingin.
"Nice to meet you din Daisy!" Panabay nilang magkaibigan.
NAG simula na din mag-ayos ng gamit sina Alyssa at Maggie habang nagku-kwentuhan silang tatlo.May malaking kabinet na walang laman, doon nila nilagay ang mga damit nila at ilang gamit. Pareho silang may baon na pagkain pinagsama nilang tatlo iyon sa iisang bag. Nang matapos ang tatlo nag kanya - kanya na sila ng pwesto ng higa, dala ng pagod ay agad naman silang nakatulog.DAY 1 SA MANSIYON."Alyssa....alyssa...! Napadilat ng mga mata si Alyssa. Ikinurap-kurap niya ang mga mata. Tinignan niya ang mga katabi sa kama mukhang tulog pa ang mga ito. Parang narinig niya na may tumatawag sa panganalan niya habang natutulog siya.Bumangon siya sa kama at naupo. Parang hinihila pa ng antok ang mga mata niya. Bumaba siya ng kama at tinungo ang isang maliit na lamesa kung saan nakapatong ang bottled water nila, parang nanunuyo kasi ang lalamunan niya. Dumampot siya ng isa, binuksan ito at uminom ng tubig.Pabalik na siya ng kama nang mapansin n
"KANINA kasi nang hawakan ko ang painting pakiramdam ko nasa loob ako nito. Nasa gitna ako ng dagat at naging sirena ako." Kuwento ni Alyssa. Inaasahan na niya ang magiging reaksiyon ni Maggie.Humagalpak ng tawa si Maggie sa narinig na sinabi ni Alyssa."Ikaw, kung saan na nakakarating ang imahinasyon mo ano?" natatawang tanong ni Maggie sa kanya."I'm serious!" Seryosong sabi ni Alyssa. Nag kuwento pa siya sa kaibigan tungkol sa nakita niyang babae. Pero ayaw maniwala sa kanya ng kaibigan."Alas singko pa lang ng umaga, subukan mo ulit matulog girl," suhestiyon ni Maggie at muling sumampa sa kama at nahiga. "Pag gising ko nakita na kita na nakatayo sa tapat ng painting, hindi ako kumurap girl, kaya sa maniwala ka sa hindi pero hindi ka umalis sa kinatatayuan mo.""P-pero kasi--" hindi na natuloy ni Alyssa ang sasabihin ng muling magsalita ang kaibigan."Matulog kana, baka hindi mo namalayan nakatulog ka at sa sobrang pagkabighani mo sa painting
"SANA nga maganda ang kalabasan kapag pipintahan ko na," halatang natutuwa din si Maggie sa kanyang ginawa. Inakbayan ni Alyssa ang kaibigan. "Syempre naman, ikaw pa!" Tinulungan ni Alyssa na magligpit ng gamit ang kaibigan at pagkatapos sumunod na silang lumabas ng silid na iyon sa mga kasama. "Nakakagutom pala ang gumuhit," birong reklamo ni Maggie sabay himas ng tiyan. "Sinabi mo pa, kaya kumain ka ng madami talent mo din 'yan!" Natatawang biro niya sa kaibigan. Inirapan naman siya ni Maggie. "Tse!" Umismid ito. Natatawang pinindot niya ang tungkil ng ilong nito. "Ang cute mo talaga!" SA HAPAG KAINAN.....Sinigang na hipon at gulay na pakbet na sinamahan pa ng pritong isdang bangus ang pananghalian nila, kaya lalong natakam ang magkaibigan na Alyssa at Maggie maging ang kanilang mga kasama. "Kumain kayo ng madami huwag kayong mahihiya." Nakangiting sabi ni Gregorio sa mga estudyante niya. Sumandok ito ng k
NGUMITI si Carlos kay Alyssa."Okay lang ako. Broken family lang ako pero may lola naman akong mahal na mahal ako." Sabi pa ni Carlos. "Kahit naman may sariling family na ang mga parents ko suportado pa din naman nila ako, katunayan nga kina mama ako nag e stay habang nag-aaral. Kapag weekend naman umuuwi ako ng cavite.""Ako naman only daughter lang ako." Simula ni Alyssa. "Okay naman ang parents ko kaso lagi silang busy sa work, kaya itong si Maggie na bestfriend ko ang laging kong kasama." Kuwento niya."Wala pa boyfriend si Alyssa since birth." Sabat naman ni Maggie.Dinampot ni Alyssa ang isang tsinelas niya at ipinukol kay Maggie na nakailag naman."Pagpasensiyahan mo na si Maggie ha, ganyan talaga 'yan palabiro." Nahihiyang sabi niya kay Carlos.Ngumiti si Carlos at umayos ng upo."Walang boyfriend pero may nanliligaw?" Seryosong tanong ng binata. Tumingin
"AYON! umamin din!" Tukso ni Miguel sabay tapik sa balikat ni Carlos. "Mukha naman mabait si Alyssa. Naku ang suwerte mo bro, kapag naging girlfriend mo siya."Napangiti naman si Carlos sa sinabi nito. Wish niya lang na pareho sila nang nararamdaman ng dalaga."Eh ikaw, may nagugustuhan ka ba sa mga girls dito?" Tanong ni Carlos kay Miguel."Meron," mabilis na sagot nito. "Si Sofia!""Halata naman sa inyong dalawa ni Sofia na pareho kayong may gusto sa isat-isa." Sabi ni Noel sabay abot ng soda na nasa table. "Kung magtitigan kayo parang hinuhubaran n'yo ang isat-isa!""Loko!" Natatawang inakbayan ni Miguel ang katabi na si Noel sabay kinutusan niya ito sa ulo.Sabay na napalingon sa mahabang hagdan ang mga binata. Nakita nilang pababa nang hagdan ang babaeng pinag-uusapan nila.Si Sofia! Nakasuot ito nang puting top tube at maiksing short at mukhang bagong ligo.
"ALAM mo na kong ano ang gagawin mo." Mahinang sabi ni Gregorio sa kausap. Napatingin sa kanya ang binata, nginitian niya ito.Gumanti ng ngiti si Miguel sa artist at muling ipinagpatuloy ang pagpipinta.Isang oras din ang nakalipas ng matapos ang dalawa. Lumapit sa mga ito ang artist. Una nitong tinignan ang ginawa ni Miguel."Magaling!" Puri ni Gregorio na sinabayan pa ng palakpak."Yes!" Tuwang sambit ni Miguel, saktong napasulyap sa kanya si Sofia. Mabilis na kindat ang ginawa niya para sa dalaga. Kinikilig na ngumiti naman si Sofia.Nilapitan naman ni Gregorio ang ginawa ng dalaga."Magaling!" Puri din ni Gregorio sa dalaga sabay tapik sa kanang balikat nito."Thank you Sir," kinikilig na pasasalamat ni Sofia. Tuwang - tuwa siya dahil maganda ang kinalabasan ng painting."Pirmahan na ninyo ang mga larawan na inyong kinulayan," utos ni Gregorio sa dalawa."Pero Sir, kayo po ang may-ri ng painting," mabilis na sagot ni S
BUMALIK sa alala ni Gregorio ang malagim na nangyari sa kanyang pamilya. Nilooban ang bahay nila ng masasamang tao habang himbing sila na natutulog, hindi pa nakontento sa paglimas ng kanilang pera at alahas pinatay pa ang kanyang asawa't anak. Sinubukan din siyang patayin ng mga ito pero nakaligtas siya dahil bago siya lagutan ng hininga nag dasal siya sa panginoon ng kadiliman na iligtas ang kanyang buhay. Masama ang loob niya sa dios ng langit dahil sa malagim na nangyari sa kanyang pamilya.Bilang kapalit ng kanyang buhay, kailangan niyang mag alay ng buhay sa kanyang panginoon na si Satanas. Kailangan niyang gawin ito para makamit ang buhay na walang hanggan.Nakapaghiganti na din siya sa mga taong pumatay sa kanyang mag-ina, nag bayad siya ng tao para ipapatay ang mga ito. Ngunit kailangan pa din niyang mag alay ng buhay ng tao para patuloy siyang mamuhay ng matagal sa mundong ibabaw.DAY TWO SA MANSIYON.Umaga nasa hapag-kainan na ang mga estud
KASALUKUYAN na nasa harden ang mga estudyante patuloy na naghahanap sa nawawalang dalawang kasama." Sofia.....!" Sigaw ni Charlotte. "S-so-" Natigil sa pagsigaw si Charlotte nang maramdaman na nag vibrate ang cellphone niya na nakasuksok sa bulsa ng suot na maong short. Agad naman nitong dinukot ang cellphone at ini-on ang screen."Sofia!" bulalas ni Charlotte nang mapag-sino ang may-ari ng natanggap na mensahe. Agad na sinenyasan niya ang mga kasama."Nag message si Sofia!" Sigaw ni Charlotte.Mabilis naman na lumapit sa dalaga ang mga kasama."Anong sabi?" Tanong ni Maureen habang nagpupunas ng pawis sa noo gamit ang mga kamay."Wait, babasahin ko." Sagot ni Charlotte. Binuksan nito ang mensahe na galing kay Sofia at sinimulan basahin.Kasama ko si Miguel umalis kami kanina madaling araw, sumama ako sa kanya na pumunta sa bayan taga dito daw kase isa sa mg
"SAAN KAYO GALING?" Panabay na tanong ng anim na mga teenager. Nagpalitan ng tingin ang tatlo Alyssa, Maggie at Carlos. Walang namutawi sa mga bibig nila na patakbong niyakap ang mga nakabalik ng kasamahan, masaya sila at nagkita-kita na ulit sila. "Uy, parang ang tagal natin na hindi nagkita-kita!" Natatawang puna ni Noel kay Carlos at kumawala ito sa yakap ng binata. Ang natandaan lang ni Noel ay iyong araw bago ito umalis kasama si Mang Nestor. "Bumalik kayo ng mansiyon ni Sofia?" Tanong ni Noel kay Miguel. Napakunot-noo naman si Miguel sa narinig. "Hindi naman kami umalis ni Sofia." Sagot ni Miguel na tinapunan ng tingin ang pinag-uusapan na dalaga wala din itong maalala sa nangyari dito. Pakamot-kamot sa bumbunan niya si Noel, parang may nangyayari yata sa mansiyon na hindi niya alam. Natatawang inakbaya
"MAGSITIGIL KAYO!" Malakas na saway ni Alyssa sa dalawang lalaki na panay pa din ang palitan ng suntok.I to ang eksenang naabutan ng dalaga sa likuran bahagi ng mansyon.Natigil sa pagsuntok si Gregorio nang makilala ang boses ng nagsalita.Iniangat naman ni Carlos ang kanyang ulo para makita ang bagong dating .May tuwang naramdaman ang binata ng mapag-sino ito."Alyssa, nagbalik ka!" mabilis na naitulak ng binata ang natigilan pa din na artist.Masama ang tingin na ipinukol ni Gregorio sa dalaga, may sapusa yata ang buhay ng dalaga.Hindi pa din lubos maisip ni Gregorio kung papaanong nakalabas sa painting ang dalaga, lalo na nga at naabu na ang sinunog niyang painting na kung saan dapat nakakulong ang dalaga.Mariing naikuyom ni Gregorio ang mga kamay bago ito magsalita."Paanong nakalabas ka sa iyong kulungan?" tukoy nito sa painting.
NAABUTAN NINA MAGGIE AT CARLOS ang artist sa likurang bahagi ng mansiyon. Humahalkhak ito habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkasunog ng painting. Hindi nito napansin ang paglapit ng dalawang estudyante dahil nasa nasusunog na painting nakatuon ang pansin nito.Mabilis na dinamba ni Carlos ang nakatalikod na artist, mukha itong nagulat kaya hindi nito naiwasan ang suntok na galing sa binata. Sapol sa panga ang artist, napaatras ito. Nakita ni Carlos ang isang kamay nito na tila aabutin ang nakasukbit na baril, mabilis na inundayan niya ito ng sipa."Arghhh!" Ungol ni Gregorio. Sapo nito ang duguang mga labi, naningkit ang mga matang tumingin sa nanggagalaiti sa galit na binata.Mabilis na kinapa ni Gregorio ang kanyang baril, pero wala na ito doon sa pinagsukbitan niya.Mabilis na dinampot naman ni Maggie ang tumilapon na baril sa kinaroroonan niya.Muling uundayan ng
HININTAY muna ni Aling Iseng na tuluyan na makalabas ng mansiyon ang kanyang amo, kanina pa ito nagkukubli sa isang malaki at mataas na flower vase. Nasaksihan ng matanda ang lahat ng kaganapan sa malaking sala, nagdadalawang isip ito kung lalabas ba sa pinagtataguan o mananatili nalang siyang magtatago doon.Dati pa alam na niya ang mga kababalaghan na ginagawa ng amo, matagal na panahon na din silang naging sunod-sunuran dito. Pero sa nasaksihan niya kanina hindi na nakakaya ng kanyang konsensya. Nag sign of the cross muna si Aling Iseng, bago mabilis na lumabas sa pinagtataguan.Mabilis na nilapitan ni Aling Iseng ang dalawang estudyante na nasa sala."A-aling Iseng?" Nagulat man si Maggie, pero nabuhayan naman siya ng loob ng makita ang matandang babae. "Tulungan mo kami Aling Iseng, parang awa mo na." Luhaan na pakiusap ng dalaga sa matanda.Nung una nag dalawang isip pa si Aling Isen
NARAMDAMAN ni Alyssa ang pagtanggal ng pintor sa lubid na nakatali sa kanyang mga kamay, sunod naman na tinanggal nito ang kanyang piring.Makailang ulit na ipinikit ni Alyssa ang nanakit na mga mata, medyo lumabo ang kanyang paningin gawa ng pagkakapiring sa kanyang mga mata."Ha!" Singhap ng dalaga ng may maramdaman siyang matigas na bagay na nakatutok sa kanyang sintido.Nagsisisigaw naman si Maggie sa takot dahil sa nasaksihan nito, inaakala ng dalaga na babarilin ng artist ang kaibigan."Huwag mo'ng ituloy 'yan, parang awa mo na po Sir!" Umiiyak na pagsusumamo ni Maggie. Pinilit na gumapang ng dalaga gamit ang kanyang dibdib at tuhod upang makalapit kay Alyssa."Isulat mo ang pangalan mo at pirmahan mo!" Mariin na utos nito sa dalaga. Inabot nito kay Alyssa ang paintbrush at black ink na gagamitin nito."Ayoko!" Mariing tanggi ni Alyssa, luhaan ang mg
"Ayoko, bitiwan mo ako!" umiiyak na pakiusap ni Charlotte nang maramdaman ang paghablot sa kanyang braso ng artist. Nagpupumiglas ang dalaga. "Parang awa mo na Sir, huwag po!" pakiusap pa nito at sumigaw ng malakas na humihingi ng saklolo. Narindi si Gregorio sa sigaw ng dalaga kaya isang malakas na sampal ang binigay niya dito. "Kapag hindi ka tumahimik hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin!" singhal nito sa dalaga. Umiiyak na tumahimik na nga si Charloyte. Ramdam ng dalaga ang sakit ng pagkakasampal sa kanya ng artist. Natakot na itong magsalita at baka totohanin nga nito ang banta. Itinayo ni Gregorio ang dalaga. Walang abog-abog na binuhat ang nagulat na dalaga. "Anong gagawin mo sa akin? Saan mo ako dadalhin?" Hintakot na sunod-sunod na tanong ng dalaga. Pabalyang iniupo ng artist sa isang silya ang dalaga. Marahas ang mga kamay na tinanggal ni
"Ha, ha, ha, ha, ha!" Masayang halakhak ni Gregorio. Inabot nito ang baso na may laman na orange juice. Nilagok nito ang orange juice, sinaid ang laman ng baso.Napasandal sa silya si Gregorio, muling ipinatong nito ang wala ng laman na baso sa lamesa. Hindi mawala-wala ang ngiti nito sa labi habang pinagmamasdan ang mga nakatulog na mga estudyante, maging ang matandang si Aling Iseng. Pero hindi naman siya interesado sa matanda, nadamay lang ito dahil nakakain din ito ng ulam na nilagyan niya ng pampatulog.Tumayo ang artist at isa-isang inangat ang mga mukha ng mga estudyanteng nakatulog, huli nitong pinagmasdan ang mukha ni Alyssa."Masyado ka kasing pabida, may ilang araw pa sana kayo na ilalagi sa mundong ito, pero ginalit mo ako!" Mariing sabi nito at marahas na binitiwan nito ang hawak na buhok ng dalaga. Bumagsak ang mukha ng dalaga sa babasagin na lamesa, pero hindi ito nagising.
"Tingin ninyo bakit nasa trashbag ni Sir ang mga cellphone na 'yan?" tanong ni Alyssa sa mga kasama. Hindi naman nakaimik ang mga ito,"Pakiramdam ko may masamang nangyari sa kanila," pag-amin ni Charlotte. "Kanina nabuksan ko pa ang cellphone ni Daisy, nabasa ko ang mensahe ng kuya niya. At mukhang hindi nakauwi si Daisy sa kanila.""Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ni Carlos. Hindi pa din makapaniwala ang binata na kayang gumawa ng masama ng artist. Sa mga ipinakita nito sa kanila masasabi mo talagang mabait ito at alaga pa sila sa pagkain."Nabasa ko sa mensahe ng kuya ni Daisy na nagtatanong ito kung kailan siya babalik ng Manila, ibig sabihin hindi nga umalis ng mansiyon si Daisy. Hindi ito umuwi sa kanila, sobrang nag-aalala na sa kanya ang kanyang pamilya." Mahabang sagot ni Charlotte.Napabuntong hininga ang binata at mataman na tumingin ito kay Alyssa. Kung totoo ang sinasabi n
NAPANSIN ni Gregorio na parang ang tagal makabalik sa silid na iyon ng dalagang si Charlotte. Parang may kakaibang naramdaman ang artist kaya nagpaalam ito sa tatlong estudyante na kunwari ay may kukunin lang sa baba.Nasa tapat ng pinto si Charlotte, huminga muna ito ng malalim para pakalmahin ang sarili. hinawakan ng dalaga ang seradura para pihitin, pero bigla itong bumukas kaya napasigaw sa gulat ang dalaga."Eeeeeeehhh!" Nakapikit na sigaw ng dalaga.Pati si Gregorio nagulat sa sigaw ng dalaga dahil pagbukas niya ng pinto ay nasa tapat na pala ito ng silid na iyon."Charlotte," tawag pansin ni Gregorio sa dalaga.Tumigil naman ang dalaga sa pagsigaw."S-sorry po, Sir, n-nagulat po ako," hinging paumanhin ni Charlotte sa artist.Nakayukong pumasok na si Charlotte sa silid na iyon. Hindi na nagawang tumingin ng dalaga sa natigilan na pi