Share

Kabanata 6

Author: corasv
last update Last Updated: 2021-05-08 22:36:04

"SANA nga maganda ang kalabasan kapag pipintahan ko na," halatang natutuwa din si Maggie sa kanyang ginawa.

Inakbayan ni Alyssa ang kaibigan. "Syempre naman, ikaw pa!"

Tinulungan ni Alyssa na magligpit ng gamit ang kaibigan at pagkatapos sumunod na silang lumabas ng silid na iyon sa mga kasama.

"Nakakagutom pala ang gumuhit," birong reklamo ni Maggie sabay himas ng tiyan.

"Sinabi mo pa, kaya kumain ka ng madami talent mo din 'yan!" Natatawang biro niya sa kaibigan.

Inirapan naman siya ni Maggie.

"Tse!" Umismid ito.

Natatawang pinindot niya ang tungkil ng ilong nito. "Ang cute mo talaga!"

SA HAPAG KAINAN.....

Sinigang na hipon at gulay na pakbet na sinamahan pa ng pritong isdang bangus ang pananghalian nila, kaya lalong natakam ang magkaibigan na Alyssa at Maggie maging ang kanilang mga kasama.

"Kumain kayo ng madami huwag kayong mahihiya." Nakangiting sabi ni Gregorio sa mga estudyante niya. Sumandok ito ng kanin, kumuha din ito ng gulay na pakbet itinabi sa kanin.

"Matagal na akong ulila, tanging si Mang Nestor na lang ang kasama ko dito sa mansiyon. Masaya ako at nandito kayo, nabigyan ng kulay ang aking mansiyon."

"Ang bait mo po talaga Sir," sabi ng isang estudyante nito.

Suot pa nila ang kani-kanilang mga name-tag. 'Maureen' ang pangalan niya. Sumandok na din ito ng kanin.

Wala naman nangahas sa kanila na mag tanong sa artist tungkol sa pamilya nito, ayaw nilang ma offened ito.

Masayang kumain ang lahat. Sa unang araw nila sa mansiyon nagkapalagayan na din ng loob ang bawat isa.

Pagkatapos naman kumain tumulong sa pagliligpit ng pinangkainan ang mga babae, tulong na din sila sa paghuhugas ng mga pinagkainan bilang pasasalamat na din nila sa libreng pagpapakain sa kanila ng artist. Pinigil naman sila ng ginoo pero mapilit sila kahit man lang sa ganoong paraan makaganti sila sa kabaitan na pinapakita nito sa kanila.

"O siya, kung mapilit kayo, basta pagkatapos ninyo diyan pahinga na din kayo."

"Yes po!" Panabay na sagot ng mga esrudyante.

Nagpaalam si Gregorio sa mga ito na pupunta ng kanyang silid. "Alas tres ng hapon dapat nandoon na kayo sa silid para ipagpatuloy ang inyong mga iginuhit." Bilin pa ng artist bago tuluyan lumabas ng kusina.

SINIPAT ni Alyssa ang suot na relo pambisig, 1:30 pa lang ng hapon. Niyaya niya ang kaibigan na pumunta sa harden para doon mag palipas ng oras. Iyong ibang mga girls, mas minabuti na magpahinga sa kani-kanilang silid.

"Hindi ba mainit doon?" tanong sa kanya ni Maggie.

"Mukhang hindi naman. Nakita mo naman ang daming malalaking puno ang nakapaligid dito sa mansiyon." Sagot ni Alyssa.

Tumayo si Alyssa. Kasalukuyan nasa kusina pa din sila nakaupo habang nagkukwentuhan.     

"Ikaw Daisy, gusto mo sumama?" Tanong naman ni Alyssa sa bagong kaibigan.

"Kayo na lang siguro, medyo inaantok kasi ako. Subukan ko muna umidlip," sagot nito. Tumayo ito at nagpaalam sa kanila ni Maggie.

"Samahan na kita!" boses mula sa likuran ni Alyssa.

Napalingon si Alyssa sa nagsalita. Si Carlos ang nakita niya at nakatayo sa gilid ng pintuan ng kusina. Nakilala nila ito kanina habang kumakain sila ng tanghalian.

May hitsura si Carlos may pagka-tisoy kahit na ang sabi nito ay purong pinoy ang parents niya. Matangkad at maganda ang built ng katawan.

Lumakad ang binata palapit sa kinaroroonan ng magkaibigan.

"Wala kasi akong makausap, 'yong ibang boys naman nasa kuwarto umidlip muna." Sabi nito, lumapit ito sa kanya.

"Mukhang nangangamoy pag - ibig dito," mahinang sabi ni Maggie na hindi naman nakaligtas sa pan-dinig ni Alyssa.

Pakiramdam ni Alyssa uminit ang magkabilang pisngi niya. In short nag blush siya sa sinabi ni Maggie. Nandidilat ang mga mata na sinaway ni Alyssa ang kaibigan.

"Umayos ka diyan," bulong ni Alyssa sa kaibigan at pasimpleng kinurot ito sa tagiliran ng bewang.

"Ouch!" reklamo ni Maggie habang hinuhuli ang kamay niya.

"Ano girls, pupunta ba kayo sa harden?" tanong ni Carlos sa kanila.

"Papunta nga kami doon ni Maggie," simpleng sagot ni Alyssa.

Hinawakan ni Alyssa ang dalawang braso ng kaibigan at hinila ito patayo.

''Shall we?" Nakangiting paanyaya ni Carlos. Ngumiti pa ang binata ng kay tamis kaya lumabas ang mapuputi nitong ngipin na lalong ikinadadag ng pogi points nito.

Napalunok si Alyssa. Madami na siyang nakakasalamuha na lalaki pero dito lang kay Carlos siya nakaramdam ng kakaiba. Kinikilig siya tuwing ngumingiti ang binata. Kumakabog ang kanyang dibdib. Naramdaman ni alyssa ang paghawak ni Maggie sa ilalim ng baba niya.

"Ang laway baka tumulo, masyado ka halata!" bulong na biro ni Maggie sa kanya at naunang lumabas ng kusina, naiwan silang dalawa ni Carlos.

"T-tara na," utal na sabi ni Alyssa. Nahihiya Alyssa siyang tumingin sa binata.

Sabay na naglakad palabas ng kusina sina Alyssa at Carlos. Nasa unahan naman nila si Maggie na panay ang selfie bawat madaanan kinukuhanan ng picture.

NAUPO sa bench ang tatlo. Maganda ang harden. Maraming mga ibat - ibang halaman. May mga ibat ibang uri ng bulaklak, may malaki may maliit at ibat ibang kulay.

''Hmmmmmm....." Sumamyo si Alyssa nang sariwang hangin. "Ang sarap dito ang fresh ng air at ang bango pa ng mga bulaklak."

"Oo nga girl," sagot ni Maggie at muli itong nag selfie kasama ng mga magagandang bulaklak.

"Saan nga pala kayo sa manila?" Tanong ni Carlos kay Alyssa.

"Taga bicutan kami. Iisang lugar lang kami ni Maggie. Pero hindi magkalapit ang mga bahay namin," sagot ni Alyssa medyo naiilang ang dalaga everytime na ngumingiti ang binata.

"Para na din namang iisang bahay lang ang inuuwian namin ni Alyssa, madalas akong nasa kanila." Singit ni Maggie.

"Ikaw, taga saan ka?" Si Alyssa naman ang nagtanong na hindi tumitungin kay Carlos. Kunwari nililibang niya ang sarili sa paghawak ng mga bulaklak.

"Taga Cavite ako." Sagot ni Carlos. "Pero sa manila ako nag-aaral ng college."

Nag kuwento pa si Carlos tungkol sa family nito. Broken family daw sila, parehong may ibang pamilya na ang parents nito kaya mas minabuti nalang daw nito na tumira sa lola niya.

Nakaramdam ng lungkot si Alyssa para kay Carlos.

"Sorry ha!" Iyon na lamang ang nasabi ni Alyssa.

Related chapters

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 7

    NGUMITI si Carlos kay Alyssa."Okay lang ako. Broken family lang ako pero may lola naman akong mahal na mahal ako." Sabi pa ni Carlos. "Kahit naman may sariling family na ang mga parents ko suportado pa din naman nila ako, katunayan nga kina mama ako nag e stay habang nag-aaral. Kapag weekend naman umuuwi ako ng cavite.""Ako naman only daughter lang ako." Simula ni Alyssa. "Okay naman ang parents ko kaso lagi silang busy sa work, kaya itong si Maggie na bestfriend ko ang laging kong kasama." Kuwento niya."Wala pa boyfriend si Alyssa since birth." Sabat naman ni Maggie.Dinampot ni Alyssa ang isang tsinelas niya at ipinukol kay Maggie na nakailag naman."Pagpasensiyahan mo na si Maggie ha, ganyan talaga 'yan palabiro." Nahihiyang sabi niya kay Carlos.Ngumiti si Carlos at umayos ng upo."Walang boyfriend pero may nanliligaw?" Seryosong tanong ng binata. Tumingin

    Last Updated : 2021-05-08
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 8

    "AYON! umamin din!" Tukso ni Miguel sabay tapik sa balikat ni Carlos. "Mukha naman mabait si Alyssa. Naku ang suwerte mo bro, kapag naging girlfriend mo siya."Napangiti naman si Carlos sa sinabi nito. Wish niya lang na pareho sila nang nararamdaman ng dalaga."Eh ikaw, may nagugustuhan ka ba sa mga girls dito?" Tanong ni Carlos kay Miguel."Meron," mabilis na sagot nito. "Si Sofia!""Halata naman sa inyong dalawa ni Sofia na pareho kayong may gusto sa isat-isa." Sabi ni Noel sabay abot ng soda na nasa table. "Kung magtitigan kayo parang hinuhubaran n'yo ang isat-isa!""Loko!" Natatawang inakbayan ni Miguel ang katabi na si Noel sabay kinutusan niya ito sa ulo.Sabay na napalingon sa mahabang hagdan ang mga binata. Nakita nilang pababa nang hagdan ang babaeng pinag-uusapan nila.Si Sofia! Nakasuot ito nang puting top tube at maiksing short at mukhang bagong ligo.

    Last Updated : 2021-05-09
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 9

    "ALAM mo na kong ano ang gagawin mo." Mahinang sabi ni Gregorio sa kausap. Napatingin sa kanya ang binata, nginitian niya ito.Gumanti ng ngiti si Miguel sa artist at muling ipinagpatuloy ang pagpipinta.Isang oras din ang nakalipas ng matapos ang dalawa. Lumapit sa mga ito ang artist. Una nitong tinignan ang ginawa ni Miguel."Magaling!" Puri ni Gregorio na sinabayan pa ng palakpak."Yes!" Tuwang sambit ni Miguel, saktong napasulyap sa kanya si Sofia. Mabilis na kindat ang ginawa niya para sa dalaga. Kinikilig na ngumiti naman si Sofia.Nilapitan naman ni Gregorio ang ginawa ng dalaga."Magaling!" Puri din ni Gregorio sa dalaga sabay tapik sa kanang balikat nito."Thank you Sir," kinikilig na pasasalamat ni Sofia. Tuwang - tuwa siya dahil maganda ang kinalabasan ng painting."Pirmahan na ninyo ang mga larawan na inyong kinulayan," utos ni Gregorio sa dalawa."Pero Sir, kayo po ang may-ri ng painting," mabilis na sagot ni S

    Last Updated : 2021-05-09
  • Cursed Painting/ Tagalog   Chapter 10

    BUMALIK sa alala ni Gregorio ang malagim na nangyari sa kanyang pamilya. Nilooban ang bahay nila ng masasamang tao habang himbing sila na natutulog, hindi pa nakontento sa paglimas ng kanilang pera at alahas pinatay pa ang kanyang asawa't anak. Sinubukan din siyang patayin ng mga ito pero nakaligtas siya dahil bago siya lagutan ng hininga nag dasal siya sa panginoon ng kadiliman na iligtas ang kanyang buhay. Masama ang loob niya sa dios ng langit dahil sa malagim na nangyari sa kanyang pamilya.Bilang kapalit ng kanyang buhay, kailangan niyang mag alay ng buhay sa kanyang panginoon na si Satanas. Kailangan niyang gawin ito para makamit ang buhay na walang hanggan.Nakapaghiganti na din siya sa mga taong pumatay sa kanyang mag-ina, nag bayad siya ng tao para ipapatay ang mga ito. Ngunit kailangan pa din niyang mag alay ng buhay ng tao para patuloy siyang mamuhay ng matagal sa mundong ibabaw.DAY TWO SA MANSIYON.Umaga nasa hapag-kainan na ang mga estud

    Last Updated : 2021-05-09
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 11

    KASALUKUYAN na nasa harden ang mga estudyante patuloy na naghahanap sa nawawalang dalawang kasama." Sofia.....!" Sigaw ni Charlotte. "S-so-" Natigil sa pagsigaw si Charlotte nang maramdaman na nag vibrate ang cellphone niya na nakasuksok sa bulsa ng suot na maong short. Agad naman nitong dinukot ang cellphone at ini-on ang screen."Sofia!" bulalas ni Charlotte nang mapag-sino ang may-ari ng natanggap na mensahe. Agad na sinenyasan niya ang mga kasama."Nag message si Sofia!" Sigaw ni Charlotte.Mabilis naman na lumapit sa dalaga ang mga kasama."Anong sabi?" Tanong ni Maureen habang nagpupunas ng pawis sa noo gamit ang mga kamay."Wait, babasahin ko." Sagot ni Charlotte. Binuksan nito ang mensahe na galing kay Sofia at sinimulan basahin.Kasama ko si Miguel umalis kami kanina madaling araw, sumama ako sa kanya na pumunta sa bayan taga dito daw kase isa sa mg

    Last Updated : 2021-05-09
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 12

    "MAIWAN ko na muna kayo, alam n'yo na ang mga rules dito sa mansiyon. Kapag oras na ng tanghalian dapat sabay-sabay na kayong nasa hapag-kainan." Bilin pa ni Gregorio sa mga ito."Yes po!" Panabay na sagot ng mga estudyante.NAPABALIKWAS na bumangon sa kama si Alyssa. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya pagkatapos nilang magtanghalian.Dinampot niya ang maliit na alarm clock na nakapatong sa isang lamesita na katabi ng kama. "Alas kuwatro na pala, bulong niya sa sarili."Bumaba ng kama si Alyssa at maingat na ipinatong sa lamesita ang alarm clock. Humihikab pa siya na tinungo ang banyo, naghilamos siya at nagsepilyo.Nasaan kaya sina Maggie at Daisy? bulong niya sa hangin. Agad siyang nagpalit ng kasuotan, baka nasa sala ang mga ito hindi man lang siya ginising.Saglit lang na inayos niya ang sarili, konteng suklay ng kanyang buhok, nagpahid na din siya ng kaunting pulbo sa mukha at nag lagay na din siya ng lip tint. Muli ni

    Last Updated : 2021-05-09
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 12

    "MAIWAN ko na muna kayo, alam n'yo na ang mga rules dito sa mansiyon. Kapag oras na ng tanghalian dapat sabay-sabay na kayong nasa hapag-kainan." Bilin pa ni Gregorio sa mga ito."Yes po!" Panabay na sagot ng mga estudyante.NAPABALIKWAS na bumangon sa kama si Alyssa. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya pagkatapos nilang magtanghalian.Dinampot niya ang maliit na alarm clock na nakapatong sa isang lamesita na katabi ng kama. "Alas kuwatro na pala, bulong niya sa sarili."Bumaba ng kama si Alyssa at maingat na ipinatong sa lamesita ang alarm clock. Humihikab pa siya na tinungo ang banyo, naghilamos siya at nagsepilyo.Nasaan kaya sina Maggie at Daisy? bulong niya sa hangin. Agad siyang nagpalit ng kasuotan, baka nasa sala ang mga ito hindi man lang siya ginising.Saglit lang na inayos niya ang sarili, konteng suklay ng kanyang buhok, nagpahid na din siya ng kaunting pulbo sa mukha at nag lagay na din siya ng lip tint. Muli ni

    Last Updated : 2021-05-09
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 13

    "Anong gingawa mo doon sa silid na yon?" Tanong ni Maggie kay Alyssa katatapos lang nito makipag-usap sa ina. Ang tinutukoy nito ay ang workplace nila. "Tinulungan ko lang si Sir na tapusin 'yong sinimulan niyang na painting," sagot ni Alyssa. Lumapit siya kay Maggie na nakaupo malapit sa bintana, nagbabasa ito ng Novel. Naupo siya sa tapat nito. "Grabe ang ganda ng painting!" Bida niya sa kaibigan. "Anong painting ang tinutukoy mo?" Tanong ni Maggie. "Sayang, hindi mo nga pala nakita kasi lumabas agad tayo ng kuwarto. Pinalalagdaan nga ni Sir saakin iyong painting para daw may remembrance siya sa atin. Kaso '

    Last Updated : 2021-05-10

Latest chapter

  • Cursed Painting/ Tagalog   Finale

    "SAAN KAYO GALING?" Panabay na tanong ng anim na mga teenager. Nagpalitan ng tingin ang tatlo Alyssa, Maggie at Carlos. Walang namutawi sa mga bibig nila na patakbong niyakap ang mga nakabalik ng kasamahan, masaya sila at nagkita-kita na ulit sila. "Uy, parang ang tagal natin na hindi nagkita-kita!" Natatawang puna ni Noel kay Carlos at kumawala ito sa yakap ng binata. Ang natandaan lang ni Noel ay iyong araw bago ito umalis kasama si Mang Nestor. "Bumalik kayo ng mansiyon ni Sofia?" Tanong ni Noel kay Miguel. Napakunot-noo naman si Miguel sa narinig. "Hindi naman kami umalis ni Sofia." Sagot ni Miguel na tinapunan ng tingin ang pinag-uusapan na dalaga wala din itong maalala sa nangyari dito. Pakamot-kamot sa bumbunan niya si Noel, parang may nangyayari yata sa mansiyon na hindi niya alam. Natatawang inakbaya

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 50

    "MAGSITIGIL KAYO!" Malakas na saway ni Alyssa sa dalawang lalaki na panay pa din ang palitan ng suntok.I to ang eksenang naabutan ng dalaga sa likuran bahagi ng mansyon.Natigil sa pagsuntok si Gregorio nang makilala ang boses ng nagsalita.Iniangat naman ni Carlos ang kanyang ulo para makita ang bagong dating .May tuwang naramdaman ang binata ng mapag-sino ito."Alyssa, nagbalik ka!" mabilis na naitulak ng binata ang natigilan pa din na artist.Masama ang tingin na ipinukol ni Gregorio sa dalaga, may sapusa yata ang buhay ng dalaga.Hindi pa din lubos maisip ni Gregorio kung papaanong nakalabas sa painting ang dalaga, lalo na nga at naabu na ang sinunog niyang painting na kung saan dapat nakakulong ang dalaga.Mariing naikuyom ni Gregorio ang mga kamay bago ito magsalita."Paanong nakalabas ka sa iyong kulungan?" tukoy nito sa painting.

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 49

    NAABUTAN NINA MAGGIE AT CARLOS ang artist sa likurang bahagi ng mansiyon. Humahalkhak ito habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkasunog ng painting. Hindi nito napansin ang paglapit ng dalawang estudyante dahil nasa nasusunog na painting nakatuon ang pansin nito.Mabilis na dinamba ni Carlos ang nakatalikod na artist, mukha itong nagulat kaya hindi nito naiwasan ang suntok na galing sa binata. Sapol sa panga ang artist, napaatras ito. Nakita ni Carlos ang isang kamay nito na tila aabutin ang nakasukbit na baril, mabilis na inundayan niya ito ng sipa."Arghhh!" Ungol ni Gregorio. Sapo nito ang duguang mga labi, naningkit ang mga matang tumingin sa nanggagalaiti sa galit na binata.Mabilis na kinapa ni Gregorio ang kanyang baril, pero wala na ito doon sa pinagsukbitan niya.Mabilis na dinampot naman ni Maggie ang tumilapon na baril sa kinaroroonan niya.Muling uundayan ng

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 48

    HININTAY muna ni Aling Iseng na tuluyan na makalabas ng mansiyon ang kanyang amo, kanina pa ito nagkukubli sa isang malaki at mataas na flower vase. Nasaksihan ng matanda ang lahat ng kaganapan sa malaking sala, nagdadalawang isip ito kung lalabas ba sa pinagtataguan o mananatili nalang siyang magtatago doon.Dati pa alam na niya ang mga kababalaghan na ginagawa ng amo, matagal na panahon na din silang naging sunod-sunuran dito. Pero sa nasaksihan niya kanina hindi na nakakaya ng kanyang konsensya. Nag sign of the cross muna si Aling Iseng, bago mabilis na lumabas sa pinagtataguan.Mabilis na nilapitan ni Aling Iseng ang dalawang estudyante na nasa sala."A-aling Iseng?" Nagulat man si Maggie, pero nabuhayan naman siya ng loob ng makita ang matandang babae. "Tulungan mo kami Aling Iseng, parang awa mo na." Luhaan na pakiusap ng dalaga sa matanda.Nung una nag dalawang isip pa si Aling Isen

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 47

    NARAMDAMAN ni Alyssa ang pagtanggal ng pintor sa lubid na nakatali sa kanyang mga kamay, sunod naman na tinanggal nito ang kanyang piring.Makailang ulit na ipinikit ni Alyssa ang nanakit na mga mata, medyo lumabo ang kanyang paningin gawa ng pagkakapiring sa kanyang mga mata."Ha!" Singhap ng dalaga ng may maramdaman siyang matigas na bagay na nakatutok sa kanyang sintido.Nagsisisigaw naman si Maggie sa takot dahil sa nasaksihan nito, inaakala ng dalaga na babarilin ng artist ang kaibigan."Huwag mo'ng ituloy 'yan, parang awa mo na po Sir!" Umiiyak na pagsusumamo ni Maggie. Pinilit na gumapang ng dalaga gamit ang kanyang dibdib at tuhod upang makalapit kay Alyssa."Isulat mo ang pangalan mo at pirmahan mo!" Mariin na utos nito sa dalaga. Inabot nito kay Alyssa ang paintbrush at black ink na gagamitin nito."Ayoko!" Mariing tanggi ni Alyssa, luhaan ang mg

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 46

    "Ayoko, bitiwan mo ako!" umiiyak na pakiusap ni Charlotte nang maramdaman ang paghablot sa kanyang braso ng artist. Nagpupumiglas ang dalaga. "Parang awa mo na Sir, huwag po!" pakiusap pa nito at sumigaw ng malakas na humihingi ng saklolo. Narindi si Gregorio sa sigaw ng dalaga kaya isang malakas na sampal ang binigay niya dito. "Kapag hindi ka tumahimik hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin!" singhal nito sa dalaga. Umiiyak na tumahimik na nga si Charloyte. Ramdam ng dalaga ang sakit ng pagkakasampal sa kanya ng artist. Natakot na itong magsalita at baka totohanin nga nito ang banta. Itinayo ni Gregorio ang dalaga. Walang abog-abog na binuhat ang nagulat na dalaga. "Anong gagawin mo sa akin? Saan mo ako dadalhin?" Hintakot na sunod-sunod na tanong ng dalaga. Pabalyang iniupo ng artist sa isang silya ang dalaga. Marahas ang mga kamay na tinanggal ni

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 45

    "Ha, ha, ha, ha, ha!" Masayang halakhak ni Gregorio. Inabot nito ang baso na may laman na orange juice. Nilagok nito ang orange juice, sinaid ang laman ng baso.Napasandal sa silya si Gregorio, muling ipinatong nito ang wala ng laman na baso sa lamesa. Hindi mawala-wala ang ngiti nito sa labi habang pinagmamasdan ang mga nakatulog na mga estudyante, maging ang matandang si Aling Iseng. Pero hindi naman siya interesado sa matanda, nadamay lang ito dahil nakakain din ito ng ulam na nilagyan niya ng pampatulog.Tumayo ang artist at isa-isang inangat ang mga mukha ng mga estudyanteng nakatulog, huli nitong pinagmasdan ang mukha ni Alyssa."Masyado ka kasing pabida, may ilang araw pa sana kayo na ilalagi sa mundong ito, pero ginalit mo ako!" Mariing sabi nito at marahas na binitiwan nito ang hawak na buhok ng dalaga. Bumagsak ang mukha ng dalaga sa babasagin na lamesa, pero hindi ito nagising.

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 44

    "Tingin ninyo bakit nasa trashbag ni Sir ang mga cellphone na 'yan?" tanong ni Alyssa sa mga kasama. Hindi naman nakaimik ang mga ito,"Pakiramdam ko may masamang nangyari sa kanila," pag-amin ni Charlotte. "Kanina nabuksan ko pa ang cellphone ni Daisy, nabasa ko ang mensahe ng kuya niya. At mukhang hindi nakauwi si Daisy sa kanila.""Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ni Carlos. Hindi pa din makapaniwala ang binata na kayang gumawa ng masama ng artist. Sa mga ipinakita nito sa kanila masasabi mo talagang mabait ito at alaga pa sila sa pagkain."Nabasa ko sa mensahe ng kuya ni Daisy na nagtatanong ito kung kailan siya babalik ng Manila, ibig sabihin hindi nga umalis ng mansiyon si Daisy. Hindi ito umuwi sa kanila, sobrang nag-aalala na sa kanya ang kanyang pamilya." Mahabang sagot ni Charlotte.Napabuntong hininga ang binata at mataman na tumingin ito kay Alyssa. Kung totoo ang sinasabi n

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 43

    NAPANSIN ni Gregorio na parang ang tagal makabalik sa silid na iyon ng dalagang si Charlotte. Parang may kakaibang naramdaman ang artist kaya nagpaalam ito sa tatlong estudyante na kunwari ay may kukunin lang sa baba.Nasa tapat ng pinto si Charlotte, huminga muna ito ng malalim para pakalmahin ang sarili. hinawakan ng dalaga ang seradura para pihitin, pero bigla itong bumukas kaya napasigaw sa gulat ang dalaga."Eeeeeeehhh!" Nakapikit na sigaw ng dalaga.Pati si Gregorio nagulat sa sigaw ng dalaga dahil pagbukas niya ng pinto ay nasa tapat na pala ito ng silid na iyon."Charlotte," tawag pansin ni Gregorio sa dalaga.Tumigil naman ang dalaga sa pagsigaw."S-sorry po, Sir, n-nagulat po ako," hinging paumanhin ni Charlotte sa artist.Nakayukong pumasok na si Charlotte sa silid na iyon. Hindi na nagawang tumingin ng dalaga sa natigilan na pi

DMCA.com Protection Status