Share

Kabanata 8

Author: corasv
last update Last Updated: 2021-05-09 00:02:44

"AYON! umamin din!" Tukso ni Miguel sabay tapik sa balikat ni Carlos. "Mukha naman mabait si Alyssa. Naku ang suwerte mo bro, kapag naging girlfriend mo siya."

Napangiti naman si Carlos sa sinabi nito. Wish niya lang na pareho sila nang nararamdaman ng dalaga.

"Eh ikaw, may nagugustuhan ka ba sa mga girls dito?" Tanong ni Carlos kay Miguel.

"Meron," mabilis na sagot nito. "Si Sofia!"

"Halata naman sa inyong dalawa ni Sofia na pareho kayong may gusto sa isat-isa." Sabi ni Noel sabay abot ng soda na nasa table. "Kung magtitigan kayo parang hinuhubaran n'yo ang isat-isa!"

"Loko!" Natatawang inakbayan ni Miguel ang katabi na si Noel sabay kinutusan niya ito sa ulo.

Sabay na napalingon sa mahabang hagdan ang mga binata. Nakita nilang pababa nang hagdan ang babaeng pinag-uusapan nila.

Si Sofia! Nakasuot ito nang puting top tube at maiksing short at mukhang bagong ligo.

Tinukso ni Noel si Miguel.

"Bro, mukhang fresh na fresh si crush mo." Bulong nito kay Miguel.

Tinakpan ni Miguel ang bibig ni Noel nang makitang padaan sa kinaroroonan nila ang dalaga. Tumayo si Miguel at nag paalam sa mga kasama, balak niyang sundan ang dalaga.

Tumango lang si Carlos at muling pinagpatuloy ang pagbabasa. Samantalang si Noel, balak pa samahan si Miguel.

"Samahan mo nalang dito si Carlos, panira ka lang sa diskarte ko eh!"

Nag pumilit pa si Noel pero paulit-ulit siyang tinutulak paupo ni Miguel kaya wala na itong nagawa kundi ipagpatuloy nalang ang kumain ng junkfood.

Bago tuluyan umalis sa sala, kumindat pa si Miguel sa mga ito. Sinundan nga ni Miguel si Sofia hanggang sa kusina.

Hindi ito namalayan ng dalaga. Kumuha ito ng baso at binuksan ang fridge. Inabot ang isang pitchel na may malamig na tubig. Nagsalin ng tubig sa baso sabay tungga.

"Hi!" Bati ni Miguel.

Napalundag naman sa gulat si Sofia. "Miguel naman nagulat ako saiyo, kanina ka pa ba diyan?"

"Medyo," simpleng sagot ni Miguel, tumingin siya nang deretso sa mga mata ng dalaga. Tingin na tila nang-aakit.

"Tigilan mo nga ako sa ganyang tingin, hindi mo ako madadala sa ganyan noh," kunway pagtataray ni Sofia. Sinara niya ang fridge, ngunit sa pagharap niya bigla siyang hinalikan ng binata.

"A-ano ba, Miguel," pigil ni Sofia sa binata, pero gumaganti na din ng halik.

Nang maramdaman naman ni Miguel na tila nagugustuhan na ng dalaga ang kanyang ginagawa, lalo pa naging marahas ang binata. Kung saan - saan na nakakarating ang palad nito na hindi naman nagawang pigilan ng dalaga.

"Ahemmm!" Tikhim mula sa likuran ng binata.

Mabilis na naitulak ni Sofia si Miguel nang ang artist na nakatayo sa likuran ng binata.

Mabilis na inayos ng dalawa ang sarili, nakayukong humingi ng paumanhin sa artist.

"Bumaba lang ako para magtimpla ng kape, kung hindi pa kayo inaantok puwede n'yo akong samahan sa tatlong palapag. Ipapakita ko sa inyo ang mga larawan na ginawan ko kanina." Nakangiting sabi ni Gregorio.

Tulad nga ng sabi ng artist, nagtimpla nga ito ng kape. Tila nag patay - malisya lang ito sa nakita.

"Sige po sasama kami ni Sofia," sagot ni Miguel sabay siko sa dalaga. Napalingon naman ito sa kanya.

"S-sige po Sir, sasama kami. Maaga pa naman para matulog." Ngiting sagot ni Sofia.

Pagkatapos magtimpla nang kape ni Gregorio, niyaya na nga niya ang dalawa. Akmang lalabas na ang mga ito sa kusina nang pigilan sila ng artist.

"May shortcut na papunta sa third floor, sumunod kayo saakin." Sabi ni Gregorio at nilapitan nito ang isang wall.

Nagtatakang nagpalitan ng tingin sina Sofia at Miguel.

Saglit lang at itinulak ng artist bahagya ang wall. Sumenyas ito sa dalawa na lumapit, agad naman na tumalima ang mga ito. Muling itinulak ng artist ang wall at bigla iyon bumukas, umikot ng isang beses.

"Wow! ang galing!" Bulalas ni Sofia nang mapansin na wala na sila sa loob ng kusina.

Ngumiti sa dalaga ang artist. "Alam mo naman kasi hija tumatanda na ako, hirap na akong umakyat sa matataas na hagdan. Kapag dito tayo dumaan isang hagdan nalang ang lalakarin ko."

Nakita nga nila ang isang hagdanan, iyon na siguro ang tinutukoy ng artist. Lumapit si Miguel sa artist at inalalayan itong humakbang sa hagdan.

Samantalang si Sofia binubusog ang mga mata sa mga painting na nakasabit sa wall.

Nang marating ng tatlo ang third floor agad na binuksan ng artist ang pinto. Walang atubiling pumasok naman ang dalawa kasabay nito. Agad na inusisa naman ng dalawa ang mga canvas na may mga larawan na, 'yon iba may mga kulay na pero hindi pa tapus.

Nang mapansin ni Gregorio na abala na ang dalawa palihim niyang ni-lock ang pinto.

"Ang ganda nito Sir!" Ani Miguel na ang tinutukoy ay ang nasa painting na lalaki at babae na tila sumasayaw ng tanggo!

Lumapit dito si Gregorio, humigop muna ng kape bago mag salita.

"Bagong gawa ko lang 'yan kanina, gusto mo ba na tapusin ang pagkukulay nito?" Tanong ni Gregorio kay Miguel.

"Eh Sir, baka masira ko lang 'yan, napakaganda pa naman." Sagot ni Miguel, pero ang totoo kating-kati na ang mga kamay nito na humawak ng paint brush.

"Sige lang, tsaka may tiwala naman ako saiyo!" Nakangiting tinapik ni Gregorio sa balikat ng binata. "Ikaw hija, baka may magustuhan ka sa mga larawan na hindi ko pa natapus kulayan puwede mo din subukan." Tanong naman nito sa dalaga.

"Talaga po?" Nanlalaki ang mga mata ni Sofia sa tuwa.

"Oo naman," sagot ng artist. "Pumili ka sa mga larawan na gusto mo lagyan ng kulay,"

"Ayyy! thank you Sir." Kinikilig na sabi ng dalaga at nagsimula na nga itong pumili ng mga larawan, halos lahat naman may mga kulay na pero iyong iba hindi pa tapos.

GAMIT ang paint brush na galing sa artist, nagsimula na nga ang dalawa na magpinta.

Napili ni Sofia ang larawan ng isang babae na naka red hat.

Samantalang si Miguel ay ang larawan ng tila magkasintahan na sumasayaw ng tanggo.

Nakaupo naman si Gregorio sa harapan ng dalawa, lihim itong natutuwa. Dinampot nito ang reciever ng telepono na nasa ibabaw ng table at kinausap nito ang katiwala.

Related chapters

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 9

    "ALAM mo na kong ano ang gagawin mo." Mahinang sabi ni Gregorio sa kausap. Napatingin sa kanya ang binata, nginitian niya ito.Gumanti ng ngiti si Miguel sa artist at muling ipinagpatuloy ang pagpipinta.Isang oras din ang nakalipas ng matapos ang dalawa. Lumapit sa mga ito ang artist. Una nitong tinignan ang ginawa ni Miguel."Magaling!" Puri ni Gregorio na sinabayan pa ng palakpak."Yes!" Tuwang sambit ni Miguel, saktong napasulyap sa kanya si Sofia. Mabilis na kindat ang ginawa niya para sa dalaga. Kinikilig na ngumiti naman si Sofia.Nilapitan naman ni Gregorio ang ginawa ng dalaga."Magaling!" Puri din ni Gregorio sa dalaga sabay tapik sa kanang balikat nito."Thank you Sir," kinikilig na pasasalamat ni Sofia. Tuwang - tuwa siya dahil maganda ang kinalabasan ng painting."Pirmahan na ninyo ang mga larawan na inyong kinulayan," utos ni Gregorio sa dalawa."Pero Sir, kayo po ang may-ri ng painting," mabilis na sagot ni S

    Last Updated : 2021-05-09
  • Cursed Painting/ Tagalog   Chapter 10

    BUMALIK sa alala ni Gregorio ang malagim na nangyari sa kanyang pamilya. Nilooban ang bahay nila ng masasamang tao habang himbing sila na natutulog, hindi pa nakontento sa paglimas ng kanilang pera at alahas pinatay pa ang kanyang asawa't anak. Sinubukan din siyang patayin ng mga ito pero nakaligtas siya dahil bago siya lagutan ng hininga nag dasal siya sa panginoon ng kadiliman na iligtas ang kanyang buhay. Masama ang loob niya sa dios ng langit dahil sa malagim na nangyari sa kanyang pamilya.Bilang kapalit ng kanyang buhay, kailangan niyang mag alay ng buhay sa kanyang panginoon na si Satanas. Kailangan niyang gawin ito para makamit ang buhay na walang hanggan.Nakapaghiganti na din siya sa mga taong pumatay sa kanyang mag-ina, nag bayad siya ng tao para ipapatay ang mga ito. Ngunit kailangan pa din niyang mag alay ng buhay ng tao para patuloy siyang mamuhay ng matagal sa mundong ibabaw.DAY TWO SA MANSIYON.Umaga nasa hapag-kainan na ang mga estud

    Last Updated : 2021-05-09
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 11

    KASALUKUYAN na nasa harden ang mga estudyante patuloy na naghahanap sa nawawalang dalawang kasama." Sofia.....!" Sigaw ni Charlotte. "S-so-" Natigil sa pagsigaw si Charlotte nang maramdaman na nag vibrate ang cellphone niya na nakasuksok sa bulsa ng suot na maong short. Agad naman nitong dinukot ang cellphone at ini-on ang screen."Sofia!" bulalas ni Charlotte nang mapag-sino ang may-ari ng natanggap na mensahe. Agad na sinenyasan niya ang mga kasama."Nag message si Sofia!" Sigaw ni Charlotte.Mabilis naman na lumapit sa dalaga ang mga kasama."Anong sabi?" Tanong ni Maureen habang nagpupunas ng pawis sa noo gamit ang mga kamay."Wait, babasahin ko." Sagot ni Charlotte. Binuksan nito ang mensahe na galing kay Sofia at sinimulan basahin.Kasama ko si Miguel umalis kami kanina madaling araw, sumama ako sa kanya na pumunta sa bayan taga dito daw kase isa sa mg

    Last Updated : 2021-05-09
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 12

    "MAIWAN ko na muna kayo, alam n'yo na ang mga rules dito sa mansiyon. Kapag oras na ng tanghalian dapat sabay-sabay na kayong nasa hapag-kainan." Bilin pa ni Gregorio sa mga ito."Yes po!" Panabay na sagot ng mga estudyante.NAPABALIKWAS na bumangon sa kama si Alyssa. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya pagkatapos nilang magtanghalian.Dinampot niya ang maliit na alarm clock na nakapatong sa isang lamesita na katabi ng kama. "Alas kuwatro na pala, bulong niya sa sarili."Bumaba ng kama si Alyssa at maingat na ipinatong sa lamesita ang alarm clock. Humihikab pa siya na tinungo ang banyo, naghilamos siya at nagsepilyo.Nasaan kaya sina Maggie at Daisy? bulong niya sa hangin. Agad siyang nagpalit ng kasuotan, baka nasa sala ang mga ito hindi man lang siya ginising.Saglit lang na inayos niya ang sarili, konteng suklay ng kanyang buhok, nagpahid na din siya ng kaunting pulbo sa mukha at nag lagay na din siya ng lip tint. Muli ni

    Last Updated : 2021-05-09
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 12

    "MAIWAN ko na muna kayo, alam n'yo na ang mga rules dito sa mansiyon. Kapag oras na ng tanghalian dapat sabay-sabay na kayong nasa hapag-kainan." Bilin pa ni Gregorio sa mga ito."Yes po!" Panabay na sagot ng mga estudyante.NAPABALIKWAS na bumangon sa kama si Alyssa. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya pagkatapos nilang magtanghalian.Dinampot niya ang maliit na alarm clock na nakapatong sa isang lamesita na katabi ng kama. "Alas kuwatro na pala, bulong niya sa sarili."Bumaba ng kama si Alyssa at maingat na ipinatong sa lamesita ang alarm clock. Humihikab pa siya na tinungo ang banyo, naghilamos siya at nagsepilyo.Nasaan kaya sina Maggie at Daisy? bulong niya sa hangin. Agad siyang nagpalit ng kasuotan, baka nasa sala ang mga ito hindi man lang siya ginising.Saglit lang na inayos niya ang sarili, konteng suklay ng kanyang buhok, nagpahid na din siya ng kaunting pulbo sa mukha at nag lagay na din siya ng lip tint. Muli ni

    Last Updated : 2021-05-09
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 13

    "Anong gingawa mo doon sa silid na yon?" Tanong ni Maggie kay Alyssa katatapos lang nito makipag-usap sa ina. Ang tinutukoy nito ay ang workplace nila. "Tinulungan ko lang si Sir na tapusin 'yong sinimulan niyang na painting," sagot ni Alyssa. Lumapit siya kay Maggie na nakaupo malapit sa bintana, nagbabasa ito ng Novel. Naupo siya sa tapat nito. "Grabe ang ganda ng painting!" Bida niya sa kaibigan. "Anong painting ang tinutukoy mo?" Tanong ni Maggie. "Sayang, hindi mo nga pala nakita kasi lumabas agad tayo ng kuwarto. Pinalalagdaan nga ni Sir saakin iyong painting para daw may remembrance siya sa atin. Kaso '

    Last Updated : 2021-05-10
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 14

    KAUSAP ni Daisy sa kanyang cellphone ang kanyang kuya, isinugod daw sa hospital ang daddy nila dahil sa mild stoke. Ayon dito maayos naman na daw ang kalagayan ng ama nila pero 'di pa din niya maiwasan ang mag alala. "Magpapaalam ako mamaya kay Sir Gregorio, uuwi na ako bukas kuya." Ani Daisy sa kausap. "Tapusin mo na lang ang ilang araw na natitira mo diyan. Maayos naman na ang kalagayan ni Dad," ang sabi ng kuya niya sa kabilang linya. "Nag-aalala kasi ako kay Dad," naluluhang sabi ni Daisy. Gamit ang mga daliri pinunasan niya ang luhaang mga mata. "Huwag ka ng mag-alala, kami na ang bahala kay Dad. Gusto mo ba makausap ang Dad?" "Sige po kuya, please." Sagot

    Last Updated : 2021-05-11
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 15

    ALASOTSO ng gabi habang naghahapunan, nabanggit ni Daisy ang planong pag-uwi niya kinabukas."Bakit naman hija?" Tanong ni Gregorio sa dalaga. Inabot niya ang table napkin at nagpahid ng bibig.Natigil naman sa pagsubo ang ilang mga estudyante sa sinabi ni Daisy bukod kay Maureen at Charlotte na nauna ng malaman ang plano nito."Bakit naman Daisy, may problema ba?" tanong ni Alyssa."May nagawa ba kami ni Alyssa na hindi mo nagustuhan?" tanong naman ni Maggie. Maingat na inilapag nito ang hawak na kutsara sa gilid ng plato. Naisip lang kasi ni Maggie na baka naiingayan na ito sa kanilang magkaibigan lalo na sa kanya, baka pakiramdam nito na a-out of place ito.

    Last Updated : 2021-05-11

Latest chapter

  • Cursed Painting/ Tagalog   Finale

    "SAAN KAYO GALING?" Panabay na tanong ng anim na mga teenager. Nagpalitan ng tingin ang tatlo Alyssa, Maggie at Carlos. Walang namutawi sa mga bibig nila na patakbong niyakap ang mga nakabalik ng kasamahan, masaya sila at nagkita-kita na ulit sila. "Uy, parang ang tagal natin na hindi nagkita-kita!" Natatawang puna ni Noel kay Carlos at kumawala ito sa yakap ng binata. Ang natandaan lang ni Noel ay iyong araw bago ito umalis kasama si Mang Nestor. "Bumalik kayo ng mansiyon ni Sofia?" Tanong ni Noel kay Miguel. Napakunot-noo naman si Miguel sa narinig. "Hindi naman kami umalis ni Sofia." Sagot ni Miguel na tinapunan ng tingin ang pinag-uusapan na dalaga wala din itong maalala sa nangyari dito. Pakamot-kamot sa bumbunan niya si Noel, parang may nangyayari yata sa mansiyon na hindi niya alam. Natatawang inakbaya

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 50

    "MAGSITIGIL KAYO!" Malakas na saway ni Alyssa sa dalawang lalaki na panay pa din ang palitan ng suntok.I to ang eksenang naabutan ng dalaga sa likuran bahagi ng mansyon.Natigil sa pagsuntok si Gregorio nang makilala ang boses ng nagsalita.Iniangat naman ni Carlos ang kanyang ulo para makita ang bagong dating .May tuwang naramdaman ang binata ng mapag-sino ito."Alyssa, nagbalik ka!" mabilis na naitulak ng binata ang natigilan pa din na artist.Masama ang tingin na ipinukol ni Gregorio sa dalaga, may sapusa yata ang buhay ng dalaga.Hindi pa din lubos maisip ni Gregorio kung papaanong nakalabas sa painting ang dalaga, lalo na nga at naabu na ang sinunog niyang painting na kung saan dapat nakakulong ang dalaga.Mariing naikuyom ni Gregorio ang mga kamay bago ito magsalita."Paanong nakalabas ka sa iyong kulungan?" tukoy nito sa painting.

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 49

    NAABUTAN NINA MAGGIE AT CARLOS ang artist sa likurang bahagi ng mansiyon. Humahalkhak ito habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkasunog ng painting. Hindi nito napansin ang paglapit ng dalawang estudyante dahil nasa nasusunog na painting nakatuon ang pansin nito.Mabilis na dinamba ni Carlos ang nakatalikod na artist, mukha itong nagulat kaya hindi nito naiwasan ang suntok na galing sa binata. Sapol sa panga ang artist, napaatras ito. Nakita ni Carlos ang isang kamay nito na tila aabutin ang nakasukbit na baril, mabilis na inundayan niya ito ng sipa."Arghhh!" Ungol ni Gregorio. Sapo nito ang duguang mga labi, naningkit ang mga matang tumingin sa nanggagalaiti sa galit na binata.Mabilis na kinapa ni Gregorio ang kanyang baril, pero wala na ito doon sa pinagsukbitan niya.Mabilis na dinampot naman ni Maggie ang tumilapon na baril sa kinaroroonan niya.Muling uundayan ng

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 48

    HININTAY muna ni Aling Iseng na tuluyan na makalabas ng mansiyon ang kanyang amo, kanina pa ito nagkukubli sa isang malaki at mataas na flower vase. Nasaksihan ng matanda ang lahat ng kaganapan sa malaking sala, nagdadalawang isip ito kung lalabas ba sa pinagtataguan o mananatili nalang siyang magtatago doon.Dati pa alam na niya ang mga kababalaghan na ginagawa ng amo, matagal na panahon na din silang naging sunod-sunuran dito. Pero sa nasaksihan niya kanina hindi na nakakaya ng kanyang konsensya. Nag sign of the cross muna si Aling Iseng, bago mabilis na lumabas sa pinagtataguan.Mabilis na nilapitan ni Aling Iseng ang dalawang estudyante na nasa sala."A-aling Iseng?" Nagulat man si Maggie, pero nabuhayan naman siya ng loob ng makita ang matandang babae. "Tulungan mo kami Aling Iseng, parang awa mo na." Luhaan na pakiusap ng dalaga sa matanda.Nung una nag dalawang isip pa si Aling Isen

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 47

    NARAMDAMAN ni Alyssa ang pagtanggal ng pintor sa lubid na nakatali sa kanyang mga kamay, sunod naman na tinanggal nito ang kanyang piring.Makailang ulit na ipinikit ni Alyssa ang nanakit na mga mata, medyo lumabo ang kanyang paningin gawa ng pagkakapiring sa kanyang mga mata."Ha!" Singhap ng dalaga ng may maramdaman siyang matigas na bagay na nakatutok sa kanyang sintido.Nagsisisigaw naman si Maggie sa takot dahil sa nasaksihan nito, inaakala ng dalaga na babarilin ng artist ang kaibigan."Huwag mo'ng ituloy 'yan, parang awa mo na po Sir!" Umiiyak na pagsusumamo ni Maggie. Pinilit na gumapang ng dalaga gamit ang kanyang dibdib at tuhod upang makalapit kay Alyssa."Isulat mo ang pangalan mo at pirmahan mo!" Mariin na utos nito sa dalaga. Inabot nito kay Alyssa ang paintbrush at black ink na gagamitin nito."Ayoko!" Mariing tanggi ni Alyssa, luhaan ang mg

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 46

    "Ayoko, bitiwan mo ako!" umiiyak na pakiusap ni Charlotte nang maramdaman ang paghablot sa kanyang braso ng artist. Nagpupumiglas ang dalaga. "Parang awa mo na Sir, huwag po!" pakiusap pa nito at sumigaw ng malakas na humihingi ng saklolo. Narindi si Gregorio sa sigaw ng dalaga kaya isang malakas na sampal ang binigay niya dito. "Kapag hindi ka tumahimik hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin!" singhal nito sa dalaga. Umiiyak na tumahimik na nga si Charloyte. Ramdam ng dalaga ang sakit ng pagkakasampal sa kanya ng artist. Natakot na itong magsalita at baka totohanin nga nito ang banta. Itinayo ni Gregorio ang dalaga. Walang abog-abog na binuhat ang nagulat na dalaga. "Anong gagawin mo sa akin? Saan mo ako dadalhin?" Hintakot na sunod-sunod na tanong ng dalaga. Pabalyang iniupo ng artist sa isang silya ang dalaga. Marahas ang mga kamay na tinanggal ni

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 45

    "Ha, ha, ha, ha, ha!" Masayang halakhak ni Gregorio. Inabot nito ang baso na may laman na orange juice. Nilagok nito ang orange juice, sinaid ang laman ng baso.Napasandal sa silya si Gregorio, muling ipinatong nito ang wala ng laman na baso sa lamesa. Hindi mawala-wala ang ngiti nito sa labi habang pinagmamasdan ang mga nakatulog na mga estudyante, maging ang matandang si Aling Iseng. Pero hindi naman siya interesado sa matanda, nadamay lang ito dahil nakakain din ito ng ulam na nilagyan niya ng pampatulog.Tumayo ang artist at isa-isang inangat ang mga mukha ng mga estudyanteng nakatulog, huli nitong pinagmasdan ang mukha ni Alyssa."Masyado ka kasing pabida, may ilang araw pa sana kayo na ilalagi sa mundong ito, pero ginalit mo ako!" Mariing sabi nito at marahas na binitiwan nito ang hawak na buhok ng dalaga. Bumagsak ang mukha ng dalaga sa babasagin na lamesa, pero hindi ito nagising.

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 44

    "Tingin ninyo bakit nasa trashbag ni Sir ang mga cellphone na 'yan?" tanong ni Alyssa sa mga kasama. Hindi naman nakaimik ang mga ito,"Pakiramdam ko may masamang nangyari sa kanila," pag-amin ni Charlotte. "Kanina nabuksan ko pa ang cellphone ni Daisy, nabasa ko ang mensahe ng kuya niya. At mukhang hindi nakauwi si Daisy sa kanila.""Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ni Carlos. Hindi pa din makapaniwala ang binata na kayang gumawa ng masama ng artist. Sa mga ipinakita nito sa kanila masasabi mo talagang mabait ito at alaga pa sila sa pagkain."Nabasa ko sa mensahe ng kuya ni Daisy na nagtatanong ito kung kailan siya babalik ng Manila, ibig sabihin hindi nga umalis ng mansiyon si Daisy. Hindi ito umuwi sa kanila, sobrang nag-aalala na sa kanya ang kanyang pamilya." Mahabang sagot ni Charlotte.Napabuntong hininga ang binata at mataman na tumingin ito kay Alyssa. Kung totoo ang sinasabi n

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 43

    NAPANSIN ni Gregorio na parang ang tagal makabalik sa silid na iyon ng dalagang si Charlotte. Parang may kakaibang naramdaman ang artist kaya nagpaalam ito sa tatlong estudyante na kunwari ay may kukunin lang sa baba.Nasa tapat ng pinto si Charlotte, huminga muna ito ng malalim para pakalmahin ang sarili. hinawakan ng dalaga ang seradura para pihitin, pero bigla itong bumukas kaya napasigaw sa gulat ang dalaga."Eeeeeeehhh!" Nakapikit na sigaw ng dalaga.Pati si Gregorio nagulat sa sigaw ng dalaga dahil pagbukas niya ng pinto ay nasa tapat na pala ito ng silid na iyon."Charlotte," tawag pansin ni Gregorio sa dalaga.Tumigil naman ang dalaga sa pagsigaw."S-sorry po, Sir, n-nagulat po ako," hinging paumanhin ni Charlotte sa artist.Nakayukong pumasok na si Charlotte sa silid na iyon. Hindi na nagawang tumingin ng dalaga sa natigilan na pi

DMCA.com Protection Status