KAUSAP ni Daisy sa kanyang cellphone ang kanyang kuya, isinugod daw sa hospital ang daddy nila dahil sa mild stoke. Ayon dito maayos naman na daw ang kalagayan ng ama nila pero 'di pa din niya maiwasan ang mag alala.
"Magpapaalam ako mamaya kay Sir Gregorio, uuwi na ako bukas kuya." Ani Daisy sa kausap.
"Tapusin mo na lang ang ilang araw na natitira mo diyan. Maayos naman na ang kalagayan ni Dad," ang sabi ng kuya niya sa kabilang linya.
"Nag-aalala kasi ako kay Dad," naluluhang sabi ni Daisy. Gamit ang mga daliri pinunasan niya ang luhaang mga mata.
"Huwag ka ng mag-alala, kami na ang bahala kay Dad. Gusto mo ba makausap ang Dad?"
"Sige po kuya, please." Sagot
ALASOTSO ng gabi habang naghahapunan, nabanggit ni Daisy ang planong pag-uwi niya kinabukas."Bakit naman hija?" Tanong ni Gregorio sa dalaga. Inabot niya ang table napkin at nagpahid ng bibig.Natigil naman sa pagsubo ang ilang mga estudyante sa sinabi ni Daisy bukod kay Maureen at Charlotte na nauna ng malaman ang plano nito."Bakit naman Daisy, may problema ba?" tanong ni Alyssa."May nagawa ba kami ni Alyssa na hindi mo nagustuhan?" tanong naman ni Maggie. Maingat na inilapag nito ang hawak na kutsara sa gilid ng plato. Naisip lang kasi ni Maggie na baka naiingayan na ito sa kanilang magkaibigan lalo na sa kanya, baka pakiramdam nito na a-out of place ito.
"TULOYKADAISY!" Nakangiting sabi ni Gregorio nang makita ang dalagang sumilip sa pinto. Pumasok nga si Daisy at maingat na isinara ang pinto. "Goodevening po Sir," bati ng dalaga dito. "Lumapit ka dito, tignan mo ang larawan na ginawa ko para saiyo." Nakangiti pa din ang artist sa dalaga. Agad naman na tumalima ang dalaga. "Maganda ba?" tanong ni Gregorio sa dalaga na tila natulala na nang makita ang painting. "Oh my gosh!" Bulalas ni Daisy. "Sobrang ganda po Sir," puri ng dalaga sa artist.
NASA balkonahe si Alyssa nang may marinig siya boses na tumatawag sa pangalan niya, nagpalinga-linga siya para mapag-sino ang tumatawag sa pangalan niya. "Alyssa...alyssa..!" Kunot-noong nagpalinga-linga ulit siya pero wala naman siyang makita. "Alyssaaaaa!" anang isang tinig. Lumapit si Alyssa sa railing ng balkone. Iginala niya ang paningin, dumako ang paningin niya sa gate ng mansiyon. May nakita siya. Sina Sofia, Miguel at Daisy nakatayo ang mga ito malapit sa gate, nakita niya ang pagkaway sa kanya ni Daisy. Naguguluhan na gumanti din siya ng kaway sa tatlo.
"Haaaaaaaaaaaaaa!" Malakas na tili ni Sofia at bigla itong naglaho sa paningin ni Alyssa. Sa takot niya bigla siyang nagtatatakbo palayo sa lugar na iyon. Naguguluhan na talaga siya sa mga nangyayari lalo na kay Sofia lagi nalang itong umiiyak tapus bigla din itong nawawala sa paningin niya. Natigil siya sa pagtakbo nang may marinig na naman siyang boses na tumatawag sa pangalan niya. "Alyssa!" boses lalake naman ito. "Miguel!" Sambit niya nang makilala ang boses nito. "Nasaan ka?" tanong niya dito. "Nandito ako Alyssa," Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses nito. May nakita siyang dalawang magkapareha na tila sumasayaw n
"Ligtas na makakauwi sa kanila si Daisy, huwag mo na lang bigyan kahulugan ang iyong napanaginapan. Walang katotohanan sa panaginip at kung meron man kabaliktaran iyon sa nangyari sa iyong panaginip." Si Maggie. Napasulyap si Alyssa sa alarm clock na nasa lamesita katabi ng kama. Quarter to five am na pala. Bulong niya sa sarili. Umayos siya ng higa susubukan niyang makaidlip, may dalawang oras pa para sa oras ng pag gising nila. Sinulyapan niya ang kaibigan na si Maggie nakapikit na ang mga mata nito pero hindi naman niya masabi kung nakatulog na nga ulit ito. Ipinikit niya ang mga mata, sinubukan niyang huwag isipin ang napanaginapan. Saglit lang ay makikita na ang magkaibigan na himbing na sa pagtulog.
DAYTHREE SA MANSIYON.Sabay-sabay na lumabas ng kani-kanilang kuwarto ang mga estudyante, binati ng magandang umaga ang bawat isa. Tumuloy ang mga ito sa kusina para sa kanilang almusal. Naupo sa kani-kanilang pwesto."Napasarap yata ang tulog ni Sir," puna ni Charlotte nang mapansin na wala pa sa puwesto nito ang artist."Oo nga ano," sabi naman ni Noel.Nagtataka lang sila, dahil ngayon lang ito na late sa usapan na gigising sa tamang oras. Madalas ito ang nauuna sa kusina pero ngayon wala pa ito.Sabay na napalingon sa bungad ng kusina ang lahat ng pumasok si Mang Nestor sa kusina."Ang sabi ni Sir saakin mauna na daw kayong mag-almusal
SATHIRDFLOORsubsob na ang lahat. Kinukulayan na ng mga estudyante ang mga natapos ng larawan na iginuhit ng mga ito.Nakaupo naman sa kanyang swivel chair si Gregorio na matamang pinagmamasdan ang mga estudyante. Nakita niya na sabay-sabay na napalingon ang mga ito sa bandang bintana nang biglang kumulog na sinabayan na ng ulan.Nakasarado naman ang bintana na gawa sa salamin kaya hindi makapasok sa loob ng kuwarto ang ulan."Natatakot ba kayo sa kulog, gusto nyo ba na takpan ko ng kurtina?" Tanong ni Gregorio sa mga ito.Sabay na umiling naman ang mga estudyante."Blessing daw po ang ulan Sir," nangingiting sabi ni Noel
PAGKATAPOS mananghalian tumuloy sa kanilang kuwarto ang magkaibigan na Alyssa at Maggie habang iyong ibang mga kasama nila mas pinili na tumambay sa sala habang nanonood ng balita."May bagyo pala ngayon." Sambit ni Noel habang humihigop ng mainit na kape.Humigop din muna ng kape si Carlos bago tumingin kay Noel."Kaya pala walang tigil ang ulan." Muling ibinalik ni Carlos ang paningin sa pinapanood sa telebisyon. "Grabe baha na pala sa ibang karatig bayan ng San Victoria.""Sana lang huwag tumagal ang bagyo!" Sabi naman ni Maureen habang maya-maya ang subo ng fish cracker na baon mismo nito. Inalok niya ang dalawang binata pero tumanggi ang mga ito."Sana nga kasi apat na araw na lang ang ilalagi natin dito. Ayoko naman umuwi na baha sa kalsada, hindi kasi ako marunong lumangoy baka malunod ako." Nakangusong sabi naman ni Charlotte at bahagyang kumagat sa chocolate bar na haw
"SAAN KAYO GALING?" Panabay na tanong ng anim na mga teenager. Nagpalitan ng tingin ang tatlo Alyssa, Maggie at Carlos. Walang namutawi sa mga bibig nila na patakbong niyakap ang mga nakabalik ng kasamahan, masaya sila at nagkita-kita na ulit sila. "Uy, parang ang tagal natin na hindi nagkita-kita!" Natatawang puna ni Noel kay Carlos at kumawala ito sa yakap ng binata. Ang natandaan lang ni Noel ay iyong araw bago ito umalis kasama si Mang Nestor. "Bumalik kayo ng mansiyon ni Sofia?" Tanong ni Noel kay Miguel. Napakunot-noo naman si Miguel sa narinig. "Hindi naman kami umalis ni Sofia." Sagot ni Miguel na tinapunan ng tingin ang pinag-uusapan na dalaga wala din itong maalala sa nangyari dito. Pakamot-kamot sa bumbunan niya si Noel, parang may nangyayari yata sa mansiyon na hindi niya alam. Natatawang inakbaya
"MAGSITIGIL KAYO!" Malakas na saway ni Alyssa sa dalawang lalaki na panay pa din ang palitan ng suntok.I to ang eksenang naabutan ng dalaga sa likuran bahagi ng mansyon.Natigil sa pagsuntok si Gregorio nang makilala ang boses ng nagsalita.Iniangat naman ni Carlos ang kanyang ulo para makita ang bagong dating .May tuwang naramdaman ang binata ng mapag-sino ito."Alyssa, nagbalik ka!" mabilis na naitulak ng binata ang natigilan pa din na artist.Masama ang tingin na ipinukol ni Gregorio sa dalaga, may sapusa yata ang buhay ng dalaga.Hindi pa din lubos maisip ni Gregorio kung papaanong nakalabas sa painting ang dalaga, lalo na nga at naabu na ang sinunog niyang painting na kung saan dapat nakakulong ang dalaga.Mariing naikuyom ni Gregorio ang mga kamay bago ito magsalita."Paanong nakalabas ka sa iyong kulungan?" tukoy nito sa painting.
NAABUTAN NINA MAGGIE AT CARLOS ang artist sa likurang bahagi ng mansiyon. Humahalkhak ito habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkasunog ng painting. Hindi nito napansin ang paglapit ng dalawang estudyante dahil nasa nasusunog na painting nakatuon ang pansin nito.Mabilis na dinamba ni Carlos ang nakatalikod na artist, mukha itong nagulat kaya hindi nito naiwasan ang suntok na galing sa binata. Sapol sa panga ang artist, napaatras ito. Nakita ni Carlos ang isang kamay nito na tila aabutin ang nakasukbit na baril, mabilis na inundayan niya ito ng sipa."Arghhh!" Ungol ni Gregorio. Sapo nito ang duguang mga labi, naningkit ang mga matang tumingin sa nanggagalaiti sa galit na binata.Mabilis na kinapa ni Gregorio ang kanyang baril, pero wala na ito doon sa pinagsukbitan niya.Mabilis na dinampot naman ni Maggie ang tumilapon na baril sa kinaroroonan niya.Muling uundayan ng
HININTAY muna ni Aling Iseng na tuluyan na makalabas ng mansiyon ang kanyang amo, kanina pa ito nagkukubli sa isang malaki at mataas na flower vase. Nasaksihan ng matanda ang lahat ng kaganapan sa malaking sala, nagdadalawang isip ito kung lalabas ba sa pinagtataguan o mananatili nalang siyang magtatago doon.Dati pa alam na niya ang mga kababalaghan na ginagawa ng amo, matagal na panahon na din silang naging sunod-sunuran dito. Pero sa nasaksihan niya kanina hindi na nakakaya ng kanyang konsensya. Nag sign of the cross muna si Aling Iseng, bago mabilis na lumabas sa pinagtataguan.Mabilis na nilapitan ni Aling Iseng ang dalawang estudyante na nasa sala."A-aling Iseng?" Nagulat man si Maggie, pero nabuhayan naman siya ng loob ng makita ang matandang babae. "Tulungan mo kami Aling Iseng, parang awa mo na." Luhaan na pakiusap ng dalaga sa matanda.Nung una nag dalawang isip pa si Aling Isen
NARAMDAMAN ni Alyssa ang pagtanggal ng pintor sa lubid na nakatali sa kanyang mga kamay, sunod naman na tinanggal nito ang kanyang piring.Makailang ulit na ipinikit ni Alyssa ang nanakit na mga mata, medyo lumabo ang kanyang paningin gawa ng pagkakapiring sa kanyang mga mata."Ha!" Singhap ng dalaga ng may maramdaman siyang matigas na bagay na nakatutok sa kanyang sintido.Nagsisisigaw naman si Maggie sa takot dahil sa nasaksihan nito, inaakala ng dalaga na babarilin ng artist ang kaibigan."Huwag mo'ng ituloy 'yan, parang awa mo na po Sir!" Umiiyak na pagsusumamo ni Maggie. Pinilit na gumapang ng dalaga gamit ang kanyang dibdib at tuhod upang makalapit kay Alyssa."Isulat mo ang pangalan mo at pirmahan mo!" Mariin na utos nito sa dalaga. Inabot nito kay Alyssa ang paintbrush at black ink na gagamitin nito."Ayoko!" Mariing tanggi ni Alyssa, luhaan ang mg
"Ayoko, bitiwan mo ako!" umiiyak na pakiusap ni Charlotte nang maramdaman ang paghablot sa kanyang braso ng artist. Nagpupumiglas ang dalaga. "Parang awa mo na Sir, huwag po!" pakiusap pa nito at sumigaw ng malakas na humihingi ng saklolo. Narindi si Gregorio sa sigaw ng dalaga kaya isang malakas na sampal ang binigay niya dito. "Kapag hindi ka tumahimik hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin!" singhal nito sa dalaga. Umiiyak na tumahimik na nga si Charloyte. Ramdam ng dalaga ang sakit ng pagkakasampal sa kanya ng artist. Natakot na itong magsalita at baka totohanin nga nito ang banta. Itinayo ni Gregorio ang dalaga. Walang abog-abog na binuhat ang nagulat na dalaga. "Anong gagawin mo sa akin? Saan mo ako dadalhin?" Hintakot na sunod-sunod na tanong ng dalaga. Pabalyang iniupo ng artist sa isang silya ang dalaga. Marahas ang mga kamay na tinanggal ni
"Ha, ha, ha, ha, ha!" Masayang halakhak ni Gregorio. Inabot nito ang baso na may laman na orange juice. Nilagok nito ang orange juice, sinaid ang laman ng baso.Napasandal sa silya si Gregorio, muling ipinatong nito ang wala ng laman na baso sa lamesa. Hindi mawala-wala ang ngiti nito sa labi habang pinagmamasdan ang mga nakatulog na mga estudyante, maging ang matandang si Aling Iseng. Pero hindi naman siya interesado sa matanda, nadamay lang ito dahil nakakain din ito ng ulam na nilagyan niya ng pampatulog.Tumayo ang artist at isa-isang inangat ang mga mukha ng mga estudyanteng nakatulog, huli nitong pinagmasdan ang mukha ni Alyssa."Masyado ka kasing pabida, may ilang araw pa sana kayo na ilalagi sa mundong ito, pero ginalit mo ako!" Mariing sabi nito at marahas na binitiwan nito ang hawak na buhok ng dalaga. Bumagsak ang mukha ng dalaga sa babasagin na lamesa, pero hindi ito nagising.
"Tingin ninyo bakit nasa trashbag ni Sir ang mga cellphone na 'yan?" tanong ni Alyssa sa mga kasama. Hindi naman nakaimik ang mga ito,"Pakiramdam ko may masamang nangyari sa kanila," pag-amin ni Charlotte. "Kanina nabuksan ko pa ang cellphone ni Daisy, nabasa ko ang mensahe ng kuya niya. At mukhang hindi nakauwi si Daisy sa kanila.""Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ni Carlos. Hindi pa din makapaniwala ang binata na kayang gumawa ng masama ng artist. Sa mga ipinakita nito sa kanila masasabi mo talagang mabait ito at alaga pa sila sa pagkain."Nabasa ko sa mensahe ng kuya ni Daisy na nagtatanong ito kung kailan siya babalik ng Manila, ibig sabihin hindi nga umalis ng mansiyon si Daisy. Hindi ito umuwi sa kanila, sobrang nag-aalala na sa kanya ang kanyang pamilya." Mahabang sagot ni Charlotte.Napabuntong hininga ang binata at mataman na tumingin ito kay Alyssa. Kung totoo ang sinasabi n
NAPANSIN ni Gregorio na parang ang tagal makabalik sa silid na iyon ng dalagang si Charlotte. Parang may kakaibang naramdaman ang artist kaya nagpaalam ito sa tatlong estudyante na kunwari ay may kukunin lang sa baba.Nasa tapat ng pinto si Charlotte, huminga muna ito ng malalim para pakalmahin ang sarili. hinawakan ng dalaga ang seradura para pihitin, pero bigla itong bumukas kaya napasigaw sa gulat ang dalaga."Eeeeeeehhh!" Nakapikit na sigaw ng dalaga.Pati si Gregorio nagulat sa sigaw ng dalaga dahil pagbukas niya ng pinto ay nasa tapat na pala ito ng silid na iyon."Charlotte," tawag pansin ni Gregorio sa dalaga.Tumigil naman ang dalaga sa pagsigaw."S-sorry po, Sir, n-nagulat po ako," hinging paumanhin ni Charlotte sa artist.Nakayukong pumasok na si Charlotte sa silid na iyon. Hindi na nagawang tumingin ng dalaga sa natigilan na pi