Share

Kabanata 18

Author: corasv
last update Last Updated: 2021-05-12 15:24:32

"Haaaaaaaaaaaaaa!" Malakas na tili ni Sofia at bigla itong naglaho sa paningin ni Alyssa.

Sa takot niya bigla siyang nagtatatakbo palayo sa lugar na iyon.

Naguguluhan na talaga siya sa mga nangyayari lalo na kay Sofia lagi nalang itong umiiyak tapus bigla din itong nawawala sa paningin niya. Natigil siya sa pagtakbo nang may marinig na naman siyang boses na tumatawag sa pangalan niya.

"Alyssa!" boses lalake naman ito.

"Miguel!" Sambit niya nang makilala ang boses nito. "Nasaan ka?" tanong niya dito.

"Nandito ako Alyssa,"

Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses nito. May nakita siyang dalawang magkapareha na tila sumasayaw n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 19

    "Ligtas na makakauwi sa kanila si Daisy, huwag mo na lang bigyan kahulugan ang iyong napanaginapan. Walang katotohanan sa panaginip at kung meron man kabaliktaran iyon sa nangyari sa iyong panaginip." Si Maggie. Napasulyap si Alyssa sa alarm clock na nasa lamesita katabi ng kama. Quarter to five am na pala. Bulong niya sa sarili. Umayos siya ng higa susubukan niyang makaidlip, may dalawang oras pa para sa oras ng pag gising nila. Sinulyapan niya ang kaibigan na si Maggie nakapikit na ang mga mata nito pero hindi naman niya masabi kung nakatulog na nga ulit ito. Ipinikit niya ang mga mata, sinubukan niyang huwag isipin ang napanaginapan. Saglit lang ay makikita na ang magkaibigan na himbing na sa pagtulog.

    Last Updated : 2021-05-13
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 20

    DAYTHREE SA MANSIYON.Sabay-sabay na lumabas ng kani-kanilang kuwarto ang mga estudyante, binati ng magandang umaga ang bawat isa. Tumuloy ang mga ito sa kusina para sa kanilang almusal. Naupo sa kani-kanilang pwesto."Napasarap yata ang tulog ni Sir," puna ni Charlotte nang mapansin na wala pa sa puwesto nito ang artist."Oo nga ano," sabi naman ni Noel.Nagtataka lang sila, dahil ngayon lang ito na late sa usapan na gigising sa tamang oras. Madalas ito ang nauuna sa kusina pero ngayon wala pa ito.Sabay na napalingon sa bungad ng kusina ang lahat ng pumasok si Mang Nestor sa kusina."Ang sabi ni Sir saakin mauna na daw kayong mag-almusal

    Last Updated : 2021-05-13
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 21

    SATHIRDFLOORsubsob na ang lahat. Kinukulayan na ng mga estudyante ang mga natapos ng larawan na iginuhit ng mga ito.Nakaupo naman sa kanyang swivel chair si Gregorio na matamang pinagmamasdan ang mga estudyante. Nakita niya na sabay-sabay na napalingon ang mga ito sa bandang bintana nang biglang kumulog na sinabayan na ng ulan.Nakasarado naman ang bintana na gawa sa salamin kaya hindi makapasok sa loob ng kuwarto ang ulan."Natatakot ba kayo sa kulog, gusto nyo ba na takpan ko ng kurtina?" Tanong ni Gregorio sa mga ito.Sabay na umiling naman ang mga estudyante."Blessing daw po ang ulan Sir," nangingiting sabi ni Noel

    Last Updated : 2021-05-14
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 22

    PAGKATAPOS mananghalian tumuloy sa kanilang kuwarto ang magkaibigan na Alyssa at Maggie habang iyong ibang mga kasama nila mas pinili na tumambay sa sala habang nanonood ng balita."May bagyo pala ngayon." Sambit ni Noel habang humihigop ng mainit na kape.Humigop din muna ng kape si Carlos bago tumingin kay Noel."Kaya pala walang tigil ang ulan." Muling ibinalik ni Carlos ang paningin sa pinapanood sa telebisyon. "Grabe baha na pala sa ibang karatig bayan ng San Victoria.""Sana lang huwag tumagal ang bagyo!" Sabi naman ni Maureen habang maya-maya ang subo ng fish cracker na baon mismo nito. Inalok niya ang dalawang binata pero tumanggi ang mga ito."Sana nga kasi apat na araw na lang ang ilalagi natin dito. Ayoko naman umuwi na baha sa kalsada, hindi kasi ako marunong lumangoy baka malunod ako." Nakangusong sabi naman ni Charlotte at bahagyang kumagat sa chocolate bar na haw

    Last Updated : 2021-05-15
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 23

    "ANG lakas pa din ng ulan at parang medyo bumabaha na sa labas ng gate." Sabi ni Alyssa nang mapansin ang tubig na pumapasok sa bandang ilalim ng gate ng mansion."Aaayyyyyyyy!!!!!!!!!! " Panabay na tili ng magkaibigan nang biglang kumulog na sinabayan pa ng kidlat.Napayuko silang magkaibigan, natatawa pa silang dalawa ng gumapang sila pabalik ng kama."Sana lang huwag ng tumagal ang bagyo." Wika ni Maggie.Sasagot pa sana si Alyssa nang biglang tumunog ang cellphone niya na nasa ibabaw ng tokador. Agad niya itong dinakpot at sinagot ni hindi na nga niya nagawang tignan kung sino ang caller."Hello?" Simula niya."Anak, kamusta kayo diyan sa San Victorio?" tanong ng nasa kabilang linya. Ang mommy pala niya ang tumawag."Si tita ba yan?" pabulong na tanong ni Maggie sa kanya. Tumango siya sabay lapat ng hintuturong daliri sa kanyang bibig sinyales na tumahik muna ito."Were fine, Mom," sagot niya sa ina na nasa kabilang linya."M

    Last Updated : 2021-05-21
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 24

    INILAGAY ni Gregorio ang mga braso sa kanyang likuran at paulit-ulit na ikinuyom ang mga kamay. Wala pa naman ito idea kung ano ang gustong itanong ng dalawang dalaga."Ah, wala naman po!" Panabay na sagot nilang dalawa."Hmm, ano naman ang tungkol kay Mang Nestor?" Muling tanong ng artist."Nakita ko po kasi kahapon si Mang Nestor na dala ang bag na pagmamay-ari ni Daisy." Si Maggie ang sumagot.Saglit na natahimik si Gregorio sa narinig. Agad siya nag-isip ng isasagot sa mga ito.Bahagyang lumiyad ang artist bago ito nagsalita. "Hindi kasi naisama sa kotse iyong isang bag ni Daisy kaya inutusan ko kahapon si Mang Nestor na pumunta ng bayan para ipadala sa DCL ang naiwan niyang gamit. Si Daisy na ang bahalang pumik-up ng gamit niya." Mahabang alibi ni Gregorio. Pero lihim na nagngingitngit ang kalooban ng artist sa galit sa katiwala dahil hindi ito naging maingat sa trabaho."Ganun po ba, Sir, kaya pala dala ni Mang Nestor iyong bag ni Daisy kaha

    Last Updated : 2021-05-22
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 25

    DAY 4 SA MANSIYON. Abala na ang lahat sa pagguguhit sa silid na iyon nang biglang mag black out kaya naghiyawan ang mga estudyante. "Siguro naman babalik din agad ang power." Ani Alyssa at tumayo. Tinungo ni Alyssa ang bintana, hinawi niya ang kurtina na nakatakip sa bintanang salamin pero hindi pa din sapat ang liwanag na nagmumula sa labas dahil malakas pa din ang ulan. "Puwede ninyong ituloy ang pagguguhit sa inyong mga kuwarto, may kanya - kanya kayong emergency light. Ipapacheck ko na din ang generator kay Mang Nestor para kung malobat man ang mga emergency light may magagamit pa tayo." Mahabang turan ni Gregorio. Mataman na nakikinig naman ang mga estudyan

    Last Updated : 2021-05-24
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 26

    UMABOT na ang gabi pero wala pa din kuryente, low-bat na din ang mga emergency light buti na nga lang at may generator na pang back up. Ilaw nga lang muna ang puwede nilang gamitin.Pagkatapos nilang mag hapunan nag stay muna sila sa sala kasama ang artist.Nag kuwentuhan habang umaasang sana bumalik na ang kuryente. Natigil lang sila sa pag-uusap ng lumapit sa mga ito ang katiwala na si Mang Nestor may dala itong mga kandila at ipinatong iyon sa ibabaw ng lamesita sa gilid ng sofa na kinauupuan ng artist."Ipinahanda ko na 'yan kay Mang Nestor para kung sakali hindi umabot hanggang umaga ang generator magagamit ninyo pansamantala ang mga kandila na." Sabi ni Gregorio.Bawat isa binigyan ni Gregorio ng tag-isa na kandila.

    Last Updated : 2021-05-26

Latest chapter

  • Cursed Painting/ Tagalog   Finale

    "SAAN KAYO GALING?" Panabay na tanong ng anim na mga teenager. Nagpalitan ng tingin ang tatlo Alyssa, Maggie at Carlos. Walang namutawi sa mga bibig nila na patakbong niyakap ang mga nakabalik ng kasamahan, masaya sila at nagkita-kita na ulit sila. "Uy, parang ang tagal natin na hindi nagkita-kita!" Natatawang puna ni Noel kay Carlos at kumawala ito sa yakap ng binata. Ang natandaan lang ni Noel ay iyong araw bago ito umalis kasama si Mang Nestor. "Bumalik kayo ng mansiyon ni Sofia?" Tanong ni Noel kay Miguel. Napakunot-noo naman si Miguel sa narinig. "Hindi naman kami umalis ni Sofia." Sagot ni Miguel na tinapunan ng tingin ang pinag-uusapan na dalaga wala din itong maalala sa nangyari dito. Pakamot-kamot sa bumbunan niya si Noel, parang may nangyayari yata sa mansiyon na hindi niya alam. Natatawang inakbaya

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 50

    "MAGSITIGIL KAYO!" Malakas na saway ni Alyssa sa dalawang lalaki na panay pa din ang palitan ng suntok.I to ang eksenang naabutan ng dalaga sa likuran bahagi ng mansyon.Natigil sa pagsuntok si Gregorio nang makilala ang boses ng nagsalita.Iniangat naman ni Carlos ang kanyang ulo para makita ang bagong dating .May tuwang naramdaman ang binata ng mapag-sino ito."Alyssa, nagbalik ka!" mabilis na naitulak ng binata ang natigilan pa din na artist.Masama ang tingin na ipinukol ni Gregorio sa dalaga, may sapusa yata ang buhay ng dalaga.Hindi pa din lubos maisip ni Gregorio kung papaanong nakalabas sa painting ang dalaga, lalo na nga at naabu na ang sinunog niyang painting na kung saan dapat nakakulong ang dalaga.Mariing naikuyom ni Gregorio ang mga kamay bago ito magsalita."Paanong nakalabas ka sa iyong kulungan?" tukoy nito sa painting.

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 49

    NAABUTAN NINA MAGGIE AT CARLOS ang artist sa likurang bahagi ng mansiyon. Humahalkhak ito habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkasunog ng painting. Hindi nito napansin ang paglapit ng dalawang estudyante dahil nasa nasusunog na painting nakatuon ang pansin nito.Mabilis na dinamba ni Carlos ang nakatalikod na artist, mukha itong nagulat kaya hindi nito naiwasan ang suntok na galing sa binata. Sapol sa panga ang artist, napaatras ito. Nakita ni Carlos ang isang kamay nito na tila aabutin ang nakasukbit na baril, mabilis na inundayan niya ito ng sipa."Arghhh!" Ungol ni Gregorio. Sapo nito ang duguang mga labi, naningkit ang mga matang tumingin sa nanggagalaiti sa galit na binata.Mabilis na kinapa ni Gregorio ang kanyang baril, pero wala na ito doon sa pinagsukbitan niya.Mabilis na dinampot naman ni Maggie ang tumilapon na baril sa kinaroroonan niya.Muling uundayan ng

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 48

    HININTAY muna ni Aling Iseng na tuluyan na makalabas ng mansiyon ang kanyang amo, kanina pa ito nagkukubli sa isang malaki at mataas na flower vase. Nasaksihan ng matanda ang lahat ng kaganapan sa malaking sala, nagdadalawang isip ito kung lalabas ba sa pinagtataguan o mananatili nalang siyang magtatago doon.Dati pa alam na niya ang mga kababalaghan na ginagawa ng amo, matagal na panahon na din silang naging sunod-sunuran dito. Pero sa nasaksihan niya kanina hindi na nakakaya ng kanyang konsensya. Nag sign of the cross muna si Aling Iseng, bago mabilis na lumabas sa pinagtataguan.Mabilis na nilapitan ni Aling Iseng ang dalawang estudyante na nasa sala."A-aling Iseng?" Nagulat man si Maggie, pero nabuhayan naman siya ng loob ng makita ang matandang babae. "Tulungan mo kami Aling Iseng, parang awa mo na." Luhaan na pakiusap ng dalaga sa matanda.Nung una nag dalawang isip pa si Aling Isen

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 47

    NARAMDAMAN ni Alyssa ang pagtanggal ng pintor sa lubid na nakatali sa kanyang mga kamay, sunod naman na tinanggal nito ang kanyang piring.Makailang ulit na ipinikit ni Alyssa ang nanakit na mga mata, medyo lumabo ang kanyang paningin gawa ng pagkakapiring sa kanyang mga mata."Ha!" Singhap ng dalaga ng may maramdaman siyang matigas na bagay na nakatutok sa kanyang sintido.Nagsisisigaw naman si Maggie sa takot dahil sa nasaksihan nito, inaakala ng dalaga na babarilin ng artist ang kaibigan."Huwag mo'ng ituloy 'yan, parang awa mo na po Sir!" Umiiyak na pagsusumamo ni Maggie. Pinilit na gumapang ng dalaga gamit ang kanyang dibdib at tuhod upang makalapit kay Alyssa."Isulat mo ang pangalan mo at pirmahan mo!" Mariin na utos nito sa dalaga. Inabot nito kay Alyssa ang paintbrush at black ink na gagamitin nito."Ayoko!" Mariing tanggi ni Alyssa, luhaan ang mg

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 46

    "Ayoko, bitiwan mo ako!" umiiyak na pakiusap ni Charlotte nang maramdaman ang paghablot sa kanyang braso ng artist. Nagpupumiglas ang dalaga. "Parang awa mo na Sir, huwag po!" pakiusap pa nito at sumigaw ng malakas na humihingi ng saklolo. Narindi si Gregorio sa sigaw ng dalaga kaya isang malakas na sampal ang binigay niya dito. "Kapag hindi ka tumahimik hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin!" singhal nito sa dalaga. Umiiyak na tumahimik na nga si Charloyte. Ramdam ng dalaga ang sakit ng pagkakasampal sa kanya ng artist. Natakot na itong magsalita at baka totohanin nga nito ang banta. Itinayo ni Gregorio ang dalaga. Walang abog-abog na binuhat ang nagulat na dalaga. "Anong gagawin mo sa akin? Saan mo ako dadalhin?" Hintakot na sunod-sunod na tanong ng dalaga. Pabalyang iniupo ng artist sa isang silya ang dalaga. Marahas ang mga kamay na tinanggal ni

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 45

    "Ha, ha, ha, ha, ha!" Masayang halakhak ni Gregorio. Inabot nito ang baso na may laman na orange juice. Nilagok nito ang orange juice, sinaid ang laman ng baso.Napasandal sa silya si Gregorio, muling ipinatong nito ang wala ng laman na baso sa lamesa. Hindi mawala-wala ang ngiti nito sa labi habang pinagmamasdan ang mga nakatulog na mga estudyante, maging ang matandang si Aling Iseng. Pero hindi naman siya interesado sa matanda, nadamay lang ito dahil nakakain din ito ng ulam na nilagyan niya ng pampatulog.Tumayo ang artist at isa-isang inangat ang mga mukha ng mga estudyanteng nakatulog, huli nitong pinagmasdan ang mukha ni Alyssa."Masyado ka kasing pabida, may ilang araw pa sana kayo na ilalagi sa mundong ito, pero ginalit mo ako!" Mariing sabi nito at marahas na binitiwan nito ang hawak na buhok ng dalaga. Bumagsak ang mukha ng dalaga sa babasagin na lamesa, pero hindi ito nagising.

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 44

    "Tingin ninyo bakit nasa trashbag ni Sir ang mga cellphone na 'yan?" tanong ni Alyssa sa mga kasama. Hindi naman nakaimik ang mga ito,"Pakiramdam ko may masamang nangyari sa kanila," pag-amin ni Charlotte. "Kanina nabuksan ko pa ang cellphone ni Daisy, nabasa ko ang mensahe ng kuya niya. At mukhang hindi nakauwi si Daisy sa kanila.""Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ni Carlos. Hindi pa din makapaniwala ang binata na kayang gumawa ng masama ng artist. Sa mga ipinakita nito sa kanila masasabi mo talagang mabait ito at alaga pa sila sa pagkain."Nabasa ko sa mensahe ng kuya ni Daisy na nagtatanong ito kung kailan siya babalik ng Manila, ibig sabihin hindi nga umalis ng mansiyon si Daisy. Hindi ito umuwi sa kanila, sobrang nag-aalala na sa kanya ang kanyang pamilya." Mahabang sagot ni Charlotte.Napabuntong hininga ang binata at mataman na tumingin ito kay Alyssa. Kung totoo ang sinasabi n

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 43

    NAPANSIN ni Gregorio na parang ang tagal makabalik sa silid na iyon ng dalagang si Charlotte. Parang may kakaibang naramdaman ang artist kaya nagpaalam ito sa tatlong estudyante na kunwari ay may kukunin lang sa baba.Nasa tapat ng pinto si Charlotte, huminga muna ito ng malalim para pakalmahin ang sarili. hinawakan ng dalaga ang seradura para pihitin, pero bigla itong bumukas kaya napasigaw sa gulat ang dalaga."Eeeeeeehhh!" Nakapikit na sigaw ng dalaga.Pati si Gregorio nagulat sa sigaw ng dalaga dahil pagbukas niya ng pinto ay nasa tapat na pala ito ng silid na iyon."Charlotte," tawag pansin ni Gregorio sa dalaga.Tumigil naman ang dalaga sa pagsigaw."S-sorry po, Sir, n-nagulat po ako," hinging paumanhin ni Charlotte sa artist.Nakayukong pumasok na si Charlotte sa silid na iyon. Hindi na nagawang tumingin ng dalaga sa natigilan na pi

DMCA.com Protection Status