INILAGAY ni Gregorio ang mga braso sa kanyang likuran at paulit-ulit na ikinuyom ang mga kamay. Wala pa naman ito idea kung ano ang gustong itanong ng dalawang dalaga.
"Ah, wala naman po!" Panabay na sagot nilang dalawa.
"Hmm, ano naman ang tungkol kay Mang Nestor?" Muling tanong ng artist.
"Nakita ko po kasi kahapon si Mang Nestor na dala ang bag na pagmamay-ari ni Daisy." Si Maggie ang sumagot.
Saglit na natahimik si Gregorio sa narinig. Agad siya nag-isip ng isasagot sa mga ito.
Bahagyang lumiyad ang artist bago ito nagsalita. "Hindi kasi naisama sa kotse iyong isang bag ni Daisy kaya inutusan ko kahapon si Mang Nestor na pumunta ng bayan para ipadala sa DCL ang naiwan niyang gamit. Si Daisy na ang bahalang pumik-up ng gamit niya." Mahabang alibi ni Gregorio. Pero lihim na nagngingitngit ang kalooban ng artist sa galit sa katiwala dahil hindi ito naging maingat sa trabaho.
"Ganun po ba, Sir, kaya pala dala ni Mang Nestor iyong bag ni Daisy kaha
DAY 4 SA MANSIYON. Abala na ang lahat sa pagguguhit sa silid na iyon nang biglang mag black out kaya naghiyawan ang mga estudyante. "Siguro naman babalik din agad ang power." Ani Alyssa at tumayo. Tinungo ni Alyssa ang bintana, hinawi niya ang kurtina na nakatakip sa bintanang salamin pero hindi pa din sapat ang liwanag na nagmumula sa labas dahil malakas pa din ang ulan. "Puwede ninyong ituloy ang pagguguhit sa inyong mga kuwarto, may kanya - kanya kayong emergency light. Ipapacheck ko na din ang generator kay Mang Nestor para kung malobat man ang mga emergency light may magagamit pa tayo." Mahabang turan ni Gregorio. Mataman na nakikinig naman ang mga estudyan
UMABOT na ang gabi pero wala pa din kuryente, low-bat na din ang mga emergency light buti na nga lang at may generator na pang back up. Ilaw nga lang muna ang puwede nilang gamitin.Pagkatapos nilang mag hapunan nag stay muna sila sa sala kasama ang artist.Nag kuwentuhan habang umaasang sana bumalik na ang kuryente. Natigil lang sila sa pag-uusap ng lumapit sa mga ito ang katiwala na si Mang Nestor may dala itong mga kandila at ipinatong iyon sa ibabaw ng lamesita sa gilid ng sofa na kinauupuan ng artist."Ipinahanda ko na 'yan kay Mang Nestor para kung sakali hindi umabot hanggang umaga ang generator magagamit ninyo pansamantala ang mga kandila na." Sabi ni Gregorio.Bawat isa binigyan ni Gregorio ng tag-isa na kandila.
"OUCH!"Reklamo ni Alyssa sa kaibigan niya. Nakasalampak ito sa sahig habang hinihilot ang natapilok niyang kanang paa. Sa kalilingon niya kasi sa kuwarto ng artist habang naglalakad siya ay bigla siyang napatid ng kaliwa niyang paa. "Dahan-dahan lang naman dahil masakit,""Paano ba naman kasi ayaw mo tantanan ang kuwarto ni Sir!" Sermon ni Maggie sa kanya habang nilaglagyan nito ng ointment ang kanyang paa. "Buti nalang hindi ka napilayan.""Sigurado ka, bakit masakit?" Sunod-sunod niyang tanong. Napapangiwi siya sa bawat hagod nito sa kanyang paa."Wala akong nakitang buto na lumabas sa balat ng paa mo eh!" Sagot naman ni Maggie na tila nag bibiro lang naman. "Seryoso, magiging okay din itong paa mo mamaya. Nabugbog lang gawa ng pagkakatapilok mo."
"Bro, gising!" Malakas na mga yugyog ang ginawa ni Carlos para lang magising ang umuungol na binata. Katabi niya ito sa pagtulog nagising lang siya dahil sa malalakas nitong ungol na tila binabangungot. "Noel gising!" "No!" Sigaw pa ni Noel na parang may tinutulak ito. "Bro, ako ito si Carlos!" Muli nitong niyugyog sa balikat ang binata. Nakita ni Carlos ang pagmulat ng mga mata ni Noel na tila takot na takot. Humihingal na napaupo si Noel sa ibabaw ng kama. Inihilamos nito ang mga kamay sa kanyang mukha. Bumaba ng kama si Carlos, kumuha siya ng bottled water na nakapatong sa lamesita. Iniabot niya ito kay Noel.
MABILIS naman ang mga hakbang na lumapit si Noel sa artist. Pero ang mga mata nito inililibot sa buong paligid ng kuwartong iyon. Sobrang laki ng kuwarto ng artist parang dodoblehin ang kuwartong tinutuluyan nila ni Carlos. Madaming nakasabit na mga magagandang painting sa wall. Sobrang laki ng kama na parang pang prinsipe ang dating ng frame ng kama. Madami plaque na nakasabit din sa wall."Noel!" Pukaw ni Gregorio sa tila natulalang binata."Po?'' gulat na sabi ng binata. "Sobrang laki ng kuwarto mo Sir, para na din akong nasa sala." Humahangang sabi pa nito."Salamat," ngiting sagot ni Gregorio.Napansin ni Noel ang painting na ginagawa ng artist."Wow, ang ganda naman ng painting mo S
NATIGIL sa pagguguhit si Alyssa nang maramdaman na tila may gumuhit na kaba sa kanyang dibdib. Wala sa loob na nasapo niya ang tapat ng kanyang dibdib. Biglang pumasok sa isip niya ang binata na si Noel. Lahat nagulat nang biglang isang malakas na kulog at kidlat ang pumunit sa katahimikan ng sala. Naputol ang hawak na pencil ni Alyssa napahigpit kasi ang diin niya dito nang magulat siya sa kulog at kidlat. "Sana okay lang sina Noel at Mang Nestor," anang dalagang si Alyssa. "Oo nga, dinig ko na ang malakas na ulan sa labas." Segunda naman ni Charlotte. Ngunit mabilis itong tumayo nang maalala na magsasaing pa pala siya. "Maiwan ko na muna kayo magsasaing lang ako. Kayo na ang bahala mag sabi kay Sir, kapag nakaba
"TAWAGANMUNASISOFIA." Ani Alyssa sa kaibigan. Naubusan na kasi siya ng load noong isang araw pa. Masipag naman tumawag sa kanya ang kanyang ina pero tila nakalimutan yata nito ang sinabi niya na ibili siya ng load dahil naubusan na siya. Kasalukuyan na nasa sala pa din sila mas pinili nilang mag stay doon dahil iyon lang ang part na mas maliwanag. "Bakit n'yo tatawagan si Sofia?" tanong ni Charlotte na ngumunguya ng mani. Marami itong baon na mani kaya share silang lahat dito. "Wala, kakamustahin lang." Sagot ni Maggie habang tinitipa ang mga numero code na nasa card para sa load. "Pakausap ako s
HINDI namalayanng mga nasa sala ang pagbaba ni Gregorio ng hagdan hanggang makarating sa sala, kaya tumikhim ito para kunin ang pansin ng mga estudyante. "Naandito na pala si Sir!" Ani Alyssa nang marinig niya ang mahinang tikhim nito. Tumayo naman si Aling Iseng para magbigay galang sa artist. "Magandang hapon po, Sir," bati ni Aling Iseng na hindi makatingin ng deretso sa mga mata ni Gregorio lalo na nga at tila galit ang mga mata nito na nakatingin sa matanda. "Kanina ka pa ba Aling Iseng?" Tanong ni Gregorio sa matanda. Lumakad ito palapit sa kinauupuan ni Carlos at naupo sa tabi nito. "Kararating lang po ni Aling Iseng." Si Carlos na
"SAAN KAYO GALING?" Panabay na tanong ng anim na mga teenager. Nagpalitan ng tingin ang tatlo Alyssa, Maggie at Carlos. Walang namutawi sa mga bibig nila na patakbong niyakap ang mga nakabalik ng kasamahan, masaya sila at nagkita-kita na ulit sila. "Uy, parang ang tagal natin na hindi nagkita-kita!" Natatawang puna ni Noel kay Carlos at kumawala ito sa yakap ng binata. Ang natandaan lang ni Noel ay iyong araw bago ito umalis kasama si Mang Nestor. "Bumalik kayo ng mansiyon ni Sofia?" Tanong ni Noel kay Miguel. Napakunot-noo naman si Miguel sa narinig. "Hindi naman kami umalis ni Sofia." Sagot ni Miguel na tinapunan ng tingin ang pinag-uusapan na dalaga wala din itong maalala sa nangyari dito. Pakamot-kamot sa bumbunan niya si Noel, parang may nangyayari yata sa mansiyon na hindi niya alam. Natatawang inakbaya
"MAGSITIGIL KAYO!" Malakas na saway ni Alyssa sa dalawang lalaki na panay pa din ang palitan ng suntok.I to ang eksenang naabutan ng dalaga sa likuran bahagi ng mansyon.Natigil sa pagsuntok si Gregorio nang makilala ang boses ng nagsalita.Iniangat naman ni Carlos ang kanyang ulo para makita ang bagong dating .May tuwang naramdaman ang binata ng mapag-sino ito."Alyssa, nagbalik ka!" mabilis na naitulak ng binata ang natigilan pa din na artist.Masama ang tingin na ipinukol ni Gregorio sa dalaga, may sapusa yata ang buhay ng dalaga.Hindi pa din lubos maisip ni Gregorio kung papaanong nakalabas sa painting ang dalaga, lalo na nga at naabu na ang sinunog niyang painting na kung saan dapat nakakulong ang dalaga.Mariing naikuyom ni Gregorio ang mga kamay bago ito magsalita."Paanong nakalabas ka sa iyong kulungan?" tukoy nito sa painting.
NAABUTAN NINA MAGGIE AT CARLOS ang artist sa likurang bahagi ng mansiyon. Humahalkhak ito habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkasunog ng painting. Hindi nito napansin ang paglapit ng dalawang estudyante dahil nasa nasusunog na painting nakatuon ang pansin nito.Mabilis na dinamba ni Carlos ang nakatalikod na artist, mukha itong nagulat kaya hindi nito naiwasan ang suntok na galing sa binata. Sapol sa panga ang artist, napaatras ito. Nakita ni Carlos ang isang kamay nito na tila aabutin ang nakasukbit na baril, mabilis na inundayan niya ito ng sipa."Arghhh!" Ungol ni Gregorio. Sapo nito ang duguang mga labi, naningkit ang mga matang tumingin sa nanggagalaiti sa galit na binata.Mabilis na kinapa ni Gregorio ang kanyang baril, pero wala na ito doon sa pinagsukbitan niya.Mabilis na dinampot naman ni Maggie ang tumilapon na baril sa kinaroroonan niya.Muling uundayan ng
HININTAY muna ni Aling Iseng na tuluyan na makalabas ng mansiyon ang kanyang amo, kanina pa ito nagkukubli sa isang malaki at mataas na flower vase. Nasaksihan ng matanda ang lahat ng kaganapan sa malaking sala, nagdadalawang isip ito kung lalabas ba sa pinagtataguan o mananatili nalang siyang magtatago doon.Dati pa alam na niya ang mga kababalaghan na ginagawa ng amo, matagal na panahon na din silang naging sunod-sunuran dito. Pero sa nasaksihan niya kanina hindi na nakakaya ng kanyang konsensya. Nag sign of the cross muna si Aling Iseng, bago mabilis na lumabas sa pinagtataguan.Mabilis na nilapitan ni Aling Iseng ang dalawang estudyante na nasa sala."A-aling Iseng?" Nagulat man si Maggie, pero nabuhayan naman siya ng loob ng makita ang matandang babae. "Tulungan mo kami Aling Iseng, parang awa mo na." Luhaan na pakiusap ng dalaga sa matanda.Nung una nag dalawang isip pa si Aling Isen
NARAMDAMAN ni Alyssa ang pagtanggal ng pintor sa lubid na nakatali sa kanyang mga kamay, sunod naman na tinanggal nito ang kanyang piring.Makailang ulit na ipinikit ni Alyssa ang nanakit na mga mata, medyo lumabo ang kanyang paningin gawa ng pagkakapiring sa kanyang mga mata."Ha!" Singhap ng dalaga ng may maramdaman siyang matigas na bagay na nakatutok sa kanyang sintido.Nagsisisigaw naman si Maggie sa takot dahil sa nasaksihan nito, inaakala ng dalaga na babarilin ng artist ang kaibigan."Huwag mo'ng ituloy 'yan, parang awa mo na po Sir!" Umiiyak na pagsusumamo ni Maggie. Pinilit na gumapang ng dalaga gamit ang kanyang dibdib at tuhod upang makalapit kay Alyssa."Isulat mo ang pangalan mo at pirmahan mo!" Mariin na utos nito sa dalaga. Inabot nito kay Alyssa ang paintbrush at black ink na gagamitin nito."Ayoko!" Mariing tanggi ni Alyssa, luhaan ang mg
"Ayoko, bitiwan mo ako!" umiiyak na pakiusap ni Charlotte nang maramdaman ang paghablot sa kanyang braso ng artist. Nagpupumiglas ang dalaga. "Parang awa mo na Sir, huwag po!" pakiusap pa nito at sumigaw ng malakas na humihingi ng saklolo. Narindi si Gregorio sa sigaw ng dalaga kaya isang malakas na sampal ang binigay niya dito. "Kapag hindi ka tumahimik hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin!" singhal nito sa dalaga. Umiiyak na tumahimik na nga si Charloyte. Ramdam ng dalaga ang sakit ng pagkakasampal sa kanya ng artist. Natakot na itong magsalita at baka totohanin nga nito ang banta. Itinayo ni Gregorio ang dalaga. Walang abog-abog na binuhat ang nagulat na dalaga. "Anong gagawin mo sa akin? Saan mo ako dadalhin?" Hintakot na sunod-sunod na tanong ng dalaga. Pabalyang iniupo ng artist sa isang silya ang dalaga. Marahas ang mga kamay na tinanggal ni
"Ha, ha, ha, ha, ha!" Masayang halakhak ni Gregorio. Inabot nito ang baso na may laman na orange juice. Nilagok nito ang orange juice, sinaid ang laman ng baso.Napasandal sa silya si Gregorio, muling ipinatong nito ang wala ng laman na baso sa lamesa. Hindi mawala-wala ang ngiti nito sa labi habang pinagmamasdan ang mga nakatulog na mga estudyante, maging ang matandang si Aling Iseng. Pero hindi naman siya interesado sa matanda, nadamay lang ito dahil nakakain din ito ng ulam na nilagyan niya ng pampatulog.Tumayo ang artist at isa-isang inangat ang mga mukha ng mga estudyanteng nakatulog, huli nitong pinagmasdan ang mukha ni Alyssa."Masyado ka kasing pabida, may ilang araw pa sana kayo na ilalagi sa mundong ito, pero ginalit mo ako!" Mariing sabi nito at marahas na binitiwan nito ang hawak na buhok ng dalaga. Bumagsak ang mukha ng dalaga sa babasagin na lamesa, pero hindi ito nagising.
"Tingin ninyo bakit nasa trashbag ni Sir ang mga cellphone na 'yan?" tanong ni Alyssa sa mga kasama. Hindi naman nakaimik ang mga ito,"Pakiramdam ko may masamang nangyari sa kanila," pag-amin ni Charlotte. "Kanina nabuksan ko pa ang cellphone ni Daisy, nabasa ko ang mensahe ng kuya niya. At mukhang hindi nakauwi si Daisy sa kanila.""Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ni Carlos. Hindi pa din makapaniwala ang binata na kayang gumawa ng masama ng artist. Sa mga ipinakita nito sa kanila masasabi mo talagang mabait ito at alaga pa sila sa pagkain."Nabasa ko sa mensahe ng kuya ni Daisy na nagtatanong ito kung kailan siya babalik ng Manila, ibig sabihin hindi nga umalis ng mansiyon si Daisy. Hindi ito umuwi sa kanila, sobrang nag-aalala na sa kanya ang kanyang pamilya." Mahabang sagot ni Charlotte.Napabuntong hininga ang binata at mataman na tumingin ito kay Alyssa. Kung totoo ang sinasabi n
NAPANSIN ni Gregorio na parang ang tagal makabalik sa silid na iyon ng dalagang si Charlotte. Parang may kakaibang naramdaman ang artist kaya nagpaalam ito sa tatlong estudyante na kunwari ay may kukunin lang sa baba.Nasa tapat ng pinto si Charlotte, huminga muna ito ng malalim para pakalmahin ang sarili. hinawakan ng dalaga ang seradura para pihitin, pero bigla itong bumukas kaya napasigaw sa gulat ang dalaga."Eeeeeeehhh!" Nakapikit na sigaw ng dalaga.Pati si Gregorio nagulat sa sigaw ng dalaga dahil pagbukas niya ng pinto ay nasa tapat na pala ito ng silid na iyon."Charlotte," tawag pansin ni Gregorio sa dalaga.Tumigil naman ang dalaga sa pagsigaw."S-sorry po, Sir, n-nagulat po ako," hinging paumanhin ni Charlotte sa artist.Nakayukong pumasok na si Charlotte sa silid na iyon. Hindi na nagawang tumingin ng dalaga sa natigilan na pi