"Bro, gising!" Malakas na mga yugyog ang ginawa ni Carlos para lang magising ang umuungol na binata. Katabi niya ito sa pagtulog nagising lang siya dahil sa malalakas nitong ungol na tila binabangungot. "Noel gising!"
"No!" Sigaw pa ni Noel na parang may tinutulak ito.
"Bro, ako ito si Carlos!" Muli nitong niyugyog sa balikat ang binata.
Nakita ni Carlos ang pagmulat ng mga mata ni Noel na tila takot na takot.
Humihingal na napaupo si Noel sa ibabaw ng kama. Inihilamos nito ang mga kamay sa kanyang mukha.
Bumaba ng kama si Carlos, kumuha siya ng bottled water na nakapatong sa lamesita. Iniabot niya ito kay Noel.
MABILIS naman ang mga hakbang na lumapit si Noel sa artist. Pero ang mga mata nito inililibot sa buong paligid ng kuwartong iyon. Sobrang laki ng kuwarto ng artist parang dodoblehin ang kuwartong tinutuluyan nila ni Carlos. Madaming nakasabit na mga magagandang painting sa wall. Sobrang laki ng kama na parang pang prinsipe ang dating ng frame ng kama. Madami plaque na nakasabit din sa wall."Noel!" Pukaw ni Gregorio sa tila natulalang binata."Po?'' gulat na sabi ng binata. "Sobrang laki ng kuwarto mo Sir, para na din akong nasa sala." Humahangang sabi pa nito."Salamat," ngiting sagot ni Gregorio.Napansin ni Noel ang painting na ginagawa ng artist."Wow, ang ganda naman ng painting mo S
NATIGIL sa pagguguhit si Alyssa nang maramdaman na tila may gumuhit na kaba sa kanyang dibdib. Wala sa loob na nasapo niya ang tapat ng kanyang dibdib. Biglang pumasok sa isip niya ang binata na si Noel. Lahat nagulat nang biglang isang malakas na kulog at kidlat ang pumunit sa katahimikan ng sala. Naputol ang hawak na pencil ni Alyssa napahigpit kasi ang diin niya dito nang magulat siya sa kulog at kidlat. "Sana okay lang sina Noel at Mang Nestor," anang dalagang si Alyssa. "Oo nga, dinig ko na ang malakas na ulan sa labas." Segunda naman ni Charlotte. Ngunit mabilis itong tumayo nang maalala na magsasaing pa pala siya. "Maiwan ko na muna kayo magsasaing lang ako. Kayo na ang bahala mag sabi kay Sir, kapag nakaba
"TAWAGANMUNASISOFIA." Ani Alyssa sa kaibigan. Naubusan na kasi siya ng load noong isang araw pa. Masipag naman tumawag sa kanya ang kanyang ina pero tila nakalimutan yata nito ang sinabi niya na ibili siya ng load dahil naubusan na siya. Kasalukuyan na nasa sala pa din sila mas pinili nilang mag stay doon dahil iyon lang ang part na mas maliwanag. "Bakit n'yo tatawagan si Sofia?" tanong ni Charlotte na ngumunguya ng mani. Marami itong baon na mani kaya share silang lahat dito. "Wala, kakamustahin lang." Sagot ni Maggie habang tinitipa ang mga numero code na nasa card para sa load. "Pakausap ako s
HINDI namalayanng mga nasa sala ang pagbaba ni Gregorio ng hagdan hanggang makarating sa sala, kaya tumikhim ito para kunin ang pansin ng mga estudyante. "Naandito na pala si Sir!" Ani Alyssa nang marinig niya ang mahinang tikhim nito. Tumayo naman si Aling Iseng para magbigay galang sa artist. "Magandang hapon po, Sir," bati ni Aling Iseng na hindi makatingin ng deretso sa mga mata ni Gregorio lalo na nga at tila galit ang mga mata nito na nakatingin sa matanda. "Kanina ka pa ba Aling Iseng?" Tanong ni Gregorio sa matanda. Lumakad ito palapit sa kinauupuan ni Carlos at naupo sa tabi nito. "Kararating lang po ni Aling Iseng." Si Carlos na
Alyssaaa... Alysssaaa... boses ni Daisy ang naririnig niya na tumatawag sa pangalan niya. Bahaw ang boses nito na parang ang lungkot. Hindi agad nakakilos si Alyssa pakiramdam niya nakapako na ang mga paa niya sa hagdan. Muli niyang iniangat ang paningin, naandon pa din ang tatlo talagang hinihintay siya na makaakyat. Alyssssaaaa.... Alyssa.....! muling tawag sa pangalan niya na sa pagkakataon na iyon silang tatlo na ang tumatawag sa kanya. Nakita ni Alyssa ang pagtaas ng isang kamay ni Sofia tila inaaya na siyang makaakyat. Hindi niya maintindihan pero pakiramdam niya may kakayahan ang mga ito na mapasunod siya. Napahigpit ang hawak niya sa railing ng hagdan, pakiwari niya dinig niya ang bawat pintig ng puso niya na may kaba. Iniisip niya na baka
SUMILIPmuna si Alyssa sa malaking pinto bago tuluyan pumasok sa mansiyon. Maingat ang mga hakbang na ginawa niya, siguro nasa sala pa din ang mga kasama niya. Tuloy-tuloy ang lakad niya nang makarinig siya ng ingay sa bandang kusina. Ang mga kasama niya ang kanyang nakita, nagmemeryenda ang mga ito habang nagbibiruan. "Alyssa!" bulalas ni Maggie nang makita siya sa bungad ng kusina. "Gusto mo ba ipagtimpla kita ng kape?" "Huwag na ako na lang." Malumanay niyang sagot. Kumuha siya ng tasa at nagtimpla ng kanyang kape. "Anong nangyari saiyo, bakit parang pasan mo ang daigdig?" Puna ni Maggie sa kanya ng makaupo na siya ng silya.
SA DINING TABLE.Pinagsasaluhan nilang lahat ang niluto ni Aling Iseng na tinolang manok, ginataang pakbet at ginisang gulay na ampalaya."In fairness sayo Aling Iseng, masarap ka din magluto kagaya ni Mang Nestor." Puri ni Maggie sa ginang na kasalo din nila kumain nasa tabi ito ng artist nakaupo.Humigop pa ng sabaw si Maggie na may tunog."Oo nga Aling Iseng, super B!" Segunda naman ni Charlitte na kinamay na ang manok.Mahinhin na ngumiti lang ang ginang sa papuri ng mga ito."Ang tahimik mo yata." Puna ni Maggie kay Alyssa. Napansin niya kasi parang bigat na bigat ang kaibigan sa pagtaas ng kutsara. "Need help?
"ALYSSA!"Tawag pansin ni Carlos sa dalaga na tila natigilan ng malapitan niya. Napakagat labi si Alyssa namomroblema siya ngayon kung ano ang puwede niyang idahilan sa binata, hindi niya napaghandaan iyon basta ang gusto niya lang mapigilan ang artist sa kung ano man na binabalak nito kay Carlos. Narinig ni Alyssa ang pag tikhim ni Carlos kaya napatingin siya sa mukha nito. Ang gwapo mo talaga...sa loob ni Alyssa pero agad din naman sinaway niya ang sarili. Nanganganib na nga ang mga buhay nila nagagawa pa niyang pagnasaa ang kaharap. "A-aahhh e-kasi," nakangiwing simula ni Alyssa, pinaglalaro niya ang daliri sa mga kamay. "
"SAAN KAYO GALING?" Panabay na tanong ng anim na mga teenager. Nagpalitan ng tingin ang tatlo Alyssa, Maggie at Carlos. Walang namutawi sa mga bibig nila na patakbong niyakap ang mga nakabalik ng kasamahan, masaya sila at nagkita-kita na ulit sila. "Uy, parang ang tagal natin na hindi nagkita-kita!" Natatawang puna ni Noel kay Carlos at kumawala ito sa yakap ng binata. Ang natandaan lang ni Noel ay iyong araw bago ito umalis kasama si Mang Nestor. "Bumalik kayo ng mansiyon ni Sofia?" Tanong ni Noel kay Miguel. Napakunot-noo naman si Miguel sa narinig. "Hindi naman kami umalis ni Sofia." Sagot ni Miguel na tinapunan ng tingin ang pinag-uusapan na dalaga wala din itong maalala sa nangyari dito. Pakamot-kamot sa bumbunan niya si Noel, parang may nangyayari yata sa mansiyon na hindi niya alam. Natatawang inakbaya
"MAGSITIGIL KAYO!" Malakas na saway ni Alyssa sa dalawang lalaki na panay pa din ang palitan ng suntok.I to ang eksenang naabutan ng dalaga sa likuran bahagi ng mansyon.Natigil sa pagsuntok si Gregorio nang makilala ang boses ng nagsalita.Iniangat naman ni Carlos ang kanyang ulo para makita ang bagong dating .May tuwang naramdaman ang binata ng mapag-sino ito."Alyssa, nagbalik ka!" mabilis na naitulak ng binata ang natigilan pa din na artist.Masama ang tingin na ipinukol ni Gregorio sa dalaga, may sapusa yata ang buhay ng dalaga.Hindi pa din lubos maisip ni Gregorio kung papaanong nakalabas sa painting ang dalaga, lalo na nga at naabu na ang sinunog niyang painting na kung saan dapat nakakulong ang dalaga.Mariing naikuyom ni Gregorio ang mga kamay bago ito magsalita."Paanong nakalabas ka sa iyong kulungan?" tukoy nito sa painting.
NAABUTAN NINA MAGGIE AT CARLOS ang artist sa likurang bahagi ng mansiyon. Humahalkhak ito habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkasunog ng painting. Hindi nito napansin ang paglapit ng dalawang estudyante dahil nasa nasusunog na painting nakatuon ang pansin nito.Mabilis na dinamba ni Carlos ang nakatalikod na artist, mukha itong nagulat kaya hindi nito naiwasan ang suntok na galing sa binata. Sapol sa panga ang artist, napaatras ito. Nakita ni Carlos ang isang kamay nito na tila aabutin ang nakasukbit na baril, mabilis na inundayan niya ito ng sipa."Arghhh!" Ungol ni Gregorio. Sapo nito ang duguang mga labi, naningkit ang mga matang tumingin sa nanggagalaiti sa galit na binata.Mabilis na kinapa ni Gregorio ang kanyang baril, pero wala na ito doon sa pinagsukbitan niya.Mabilis na dinampot naman ni Maggie ang tumilapon na baril sa kinaroroonan niya.Muling uundayan ng
HININTAY muna ni Aling Iseng na tuluyan na makalabas ng mansiyon ang kanyang amo, kanina pa ito nagkukubli sa isang malaki at mataas na flower vase. Nasaksihan ng matanda ang lahat ng kaganapan sa malaking sala, nagdadalawang isip ito kung lalabas ba sa pinagtataguan o mananatili nalang siyang magtatago doon.Dati pa alam na niya ang mga kababalaghan na ginagawa ng amo, matagal na panahon na din silang naging sunod-sunuran dito. Pero sa nasaksihan niya kanina hindi na nakakaya ng kanyang konsensya. Nag sign of the cross muna si Aling Iseng, bago mabilis na lumabas sa pinagtataguan.Mabilis na nilapitan ni Aling Iseng ang dalawang estudyante na nasa sala."A-aling Iseng?" Nagulat man si Maggie, pero nabuhayan naman siya ng loob ng makita ang matandang babae. "Tulungan mo kami Aling Iseng, parang awa mo na." Luhaan na pakiusap ng dalaga sa matanda.Nung una nag dalawang isip pa si Aling Isen
NARAMDAMAN ni Alyssa ang pagtanggal ng pintor sa lubid na nakatali sa kanyang mga kamay, sunod naman na tinanggal nito ang kanyang piring.Makailang ulit na ipinikit ni Alyssa ang nanakit na mga mata, medyo lumabo ang kanyang paningin gawa ng pagkakapiring sa kanyang mga mata."Ha!" Singhap ng dalaga ng may maramdaman siyang matigas na bagay na nakatutok sa kanyang sintido.Nagsisisigaw naman si Maggie sa takot dahil sa nasaksihan nito, inaakala ng dalaga na babarilin ng artist ang kaibigan."Huwag mo'ng ituloy 'yan, parang awa mo na po Sir!" Umiiyak na pagsusumamo ni Maggie. Pinilit na gumapang ng dalaga gamit ang kanyang dibdib at tuhod upang makalapit kay Alyssa."Isulat mo ang pangalan mo at pirmahan mo!" Mariin na utos nito sa dalaga. Inabot nito kay Alyssa ang paintbrush at black ink na gagamitin nito."Ayoko!" Mariing tanggi ni Alyssa, luhaan ang mg
"Ayoko, bitiwan mo ako!" umiiyak na pakiusap ni Charlotte nang maramdaman ang paghablot sa kanyang braso ng artist. Nagpupumiglas ang dalaga. "Parang awa mo na Sir, huwag po!" pakiusap pa nito at sumigaw ng malakas na humihingi ng saklolo. Narindi si Gregorio sa sigaw ng dalaga kaya isang malakas na sampal ang binigay niya dito. "Kapag hindi ka tumahimik hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin!" singhal nito sa dalaga. Umiiyak na tumahimik na nga si Charloyte. Ramdam ng dalaga ang sakit ng pagkakasampal sa kanya ng artist. Natakot na itong magsalita at baka totohanin nga nito ang banta. Itinayo ni Gregorio ang dalaga. Walang abog-abog na binuhat ang nagulat na dalaga. "Anong gagawin mo sa akin? Saan mo ako dadalhin?" Hintakot na sunod-sunod na tanong ng dalaga. Pabalyang iniupo ng artist sa isang silya ang dalaga. Marahas ang mga kamay na tinanggal ni
"Ha, ha, ha, ha, ha!" Masayang halakhak ni Gregorio. Inabot nito ang baso na may laman na orange juice. Nilagok nito ang orange juice, sinaid ang laman ng baso.Napasandal sa silya si Gregorio, muling ipinatong nito ang wala ng laman na baso sa lamesa. Hindi mawala-wala ang ngiti nito sa labi habang pinagmamasdan ang mga nakatulog na mga estudyante, maging ang matandang si Aling Iseng. Pero hindi naman siya interesado sa matanda, nadamay lang ito dahil nakakain din ito ng ulam na nilagyan niya ng pampatulog.Tumayo ang artist at isa-isang inangat ang mga mukha ng mga estudyanteng nakatulog, huli nitong pinagmasdan ang mukha ni Alyssa."Masyado ka kasing pabida, may ilang araw pa sana kayo na ilalagi sa mundong ito, pero ginalit mo ako!" Mariing sabi nito at marahas na binitiwan nito ang hawak na buhok ng dalaga. Bumagsak ang mukha ng dalaga sa babasagin na lamesa, pero hindi ito nagising.
"Tingin ninyo bakit nasa trashbag ni Sir ang mga cellphone na 'yan?" tanong ni Alyssa sa mga kasama. Hindi naman nakaimik ang mga ito,"Pakiramdam ko may masamang nangyari sa kanila," pag-amin ni Charlotte. "Kanina nabuksan ko pa ang cellphone ni Daisy, nabasa ko ang mensahe ng kuya niya. At mukhang hindi nakauwi si Daisy sa kanila.""Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ni Carlos. Hindi pa din makapaniwala ang binata na kayang gumawa ng masama ng artist. Sa mga ipinakita nito sa kanila masasabi mo talagang mabait ito at alaga pa sila sa pagkain."Nabasa ko sa mensahe ng kuya ni Daisy na nagtatanong ito kung kailan siya babalik ng Manila, ibig sabihin hindi nga umalis ng mansiyon si Daisy. Hindi ito umuwi sa kanila, sobrang nag-aalala na sa kanya ang kanyang pamilya." Mahabang sagot ni Charlotte.Napabuntong hininga ang binata at mataman na tumingin ito kay Alyssa. Kung totoo ang sinasabi n
NAPANSIN ni Gregorio na parang ang tagal makabalik sa silid na iyon ng dalagang si Charlotte. Parang may kakaibang naramdaman ang artist kaya nagpaalam ito sa tatlong estudyante na kunwari ay may kukunin lang sa baba.Nasa tapat ng pinto si Charlotte, huminga muna ito ng malalim para pakalmahin ang sarili. hinawakan ng dalaga ang seradura para pihitin, pero bigla itong bumukas kaya napasigaw sa gulat ang dalaga."Eeeeeeehhh!" Nakapikit na sigaw ng dalaga.Pati si Gregorio nagulat sa sigaw ng dalaga dahil pagbukas niya ng pinto ay nasa tapat na pala ito ng silid na iyon."Charlotte," tawag pansin ni Gregorio sa dalaga.Tumigil naman ang dalaga sa pagsigaw."S-sorry po, Sir, n-nagulat po ako," hinging paumanhin ni Charlotte sa artist.Nakayukong pumasok na si Charlotte sa silid na iyon. Hindi na nagawang tumingin ng dalaga sa natigilan na pi