Share

Kabanata 5

Author: corasv
last update Last Updated: 2021-05-07 19:42:19

"KANINA kasi nang hawakan ko ang painting pakiramdam ko nasa loob ako nito. Nasa gitna ako ng dagat at naging sirena ako." Kuwento ni Alyssa. Inaasahan na niya ang magiging reaksiyon ni Maggie.

Humagalpak ng tawa si Maggie sa narinig na sinabi ni Alyssa.

"Ikaw, kung saan na nakakarating ang imahinasyon mo ano?" natatawang tanong ni Maggie sa kanya.

"I'm serious!" Seryosong sabi ni Alyssa. Nag kuwento pa siya sa kaibigan tungkol sa nakita niyang babae. Pero ayaw maniwala sa kanya ng kaibigan.

"Alas singko pa lang ng umaga, subukan mo ulit matulog girl," suhestiyon ni Maggie at muling sumampa sa kama at nahiga. "Pag gising ko nakita na kita na nakatayo sa tapat ng painting, hindi ako kumurap girl, kaya sa maniwala ka sa hindi pero hindi ka umalis sa kinatatayuan mo."

"P-pero kasi--" hindi na natuloy ni Alyssa ang sasabihin ng muling magsalita ang kaibigan.

"Matulog kana, baka hindi mo namalayan nakatulog ka at sa sobrang pagkabighani mo sa painting napanaginipan mo ito.'' Sabi ni Maggie sabay talukbong ng kumot.

Napabuntong hininga na sumampa na din sa kama si Alyssa, hindi pa din mawala sa isip niya ang mga nangyari na kakaiba sa kanya.

"Haist!" Inis na humiga siya sa kama. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Naitanong  niya sarili. Dinampot niya ang isang unan na nasa tabi ni Daisy na himbing sa pagtulog. Itinakip niya iyon sa mukha.

"Matulog kana, huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano," pahabol pa ni Maggie sa kanya.

"Oo na!" Tipid na sagot ni Alyssa. Umayos siya ng higa sa kama.

Pero ang totoo laman pa din ng isip niya ang tungkol sa painting. Ang karagatan, mga sirena at ang babaeng umiiyak.

Ilang minuto din siyang nag iisip at tinatanong ang sarili niya na hindi din naman niya masagot. Humikab siya hanggang sa makatulog na laman pa din ng isip ang tungkol sa painting.

GAYA nang bilin ni Mr. Santillan sa kanila bago pumanhik ng kuwarto, dapat seven in the morning gising na sila.

Maraming pagkain sa hapag kainan sabay-sabay silang nag almusal. Libre na silang tuturuan gumuhit at puminta libre pa ang kanilang pagkain. Sobrang bait pa sa kanila ng artist.

Pagkatapos nilang mag almusal dinala sila ng artist sa isang malaking silid.

"Wow!" Bulalas na sambit ni Alyssa.

Ang laki ng silid at madaming mga nakasabit na makukulay na painting. Meron din mga sinimulan na iginuhit pero hindi pa mga tapus.

Isa-isa silang pumasok sa silid, nasa ayos na ang lahat. May kanya - kanya silang puwesto base sa mga name-tag na nakapatong sa mga upuan at may kanya-kanya silang malinis na canvas.

Binuksan naman ni Mang Nestor ang mga salamin na bintana kaya pumasok ang sariwang hangin. Kasalukuyan na nasa third floor sila kaya tanaw nila ang paligid mula sa bintana, ang mga naglalakihang puno at naggagandahang halaman at bulaklak na sakop pa din ng lupain ng pintor.

"Magandang umaga sa inyong lahat!" Nakangiting bati ni Gregorio sa siyam na kanyang estudyante.

"Magandang umaga din po saiyo Sir," Panabay na bati ng mga ito.

Nag palakad-lakad sa loob ng silid si Grregorio habang nagsasalita.

"As you can see ginawan ko kayo ng mga name-tag para naman hindi mahirapan ang bawat isa sa atin kapag kakausapin natin ang bawat isa. It means, diyan din kayo dapat nakapuwesto," Mahabang sabi nito. Sinenyasan nito ang mga estudyante na puntahan na ang kanilang mga puwesto at ipinasuot ang mga name-tag na ginawa nito. "Gusto kong makita ang inyong mga talento sa pagguhit at pagpinta. Iguhit ninyo ang mga gusto ninyo, bagay, hayop, lugar o tao pa man 'yan. Iguhit ninyo ang inyong mga nasa isipan, naandito ako para e guide kayo."

"Paano naman po ako, Sir?" sabad ni Maggie.

Sinulyapan ni Calixto ang nagtanong na dalaga.

"Lahat tayo ay may talento, maaring iba nga lang ang talento mo. Pero puwede mo naman subukan baka sakaling ngayon mo malaman na may tinatago ka din palang talento sa pagguhit." Mahinahon nitong sagot. "Sige na, huwag ka ng mahiya. Subukan mo lang Maggie. Diyan ka sa tabi ng kaibigan mo na si Alyssa."

Mabilis naman na tumalima si Maggie. Ginawan din siya ng name-tag ng artist. Tumabi siya kay Alyssa.

"Kahit saling-pusa lang ako, gagalingan ko ang pagguhit, hehehe." Pagyayabang ni Maggie kay Alyssa at nagsimula na itong mag-isip ng iguguhit.

Kinindatan ni Alyssa ang kaibigan sabay thumbs up dito.

Tahimik na ang lahat. Seryoso ang bawat isa, matamang nakamasid lang ang artist. Nilapitan niya isa-isa ang mga estudyante at kapag may hindi siya nagustuhan pinapaulit niya. Kung minsan hinahawakan niya ang kamay ng mga estudyante. Tinuturuan niya ang estudyante kung papaano ang tamang paghawak ng pencil.

Lumapit ang artist kay Alyssa.

"Very Impressive!" Bulong ni Gregorio sa dalaga.

Bahagya naman nagulat si Alyssa.

"Thank you po Sir," ngiting tugon ni Alyssa. Kinikilig siya, s'yempre sabihan ka ba naman na very impressive ng taong iniidolo mo.

"Rain forest?" Paniniguro ng artist.

"Yes po!" Masiglang sagot ni Alyssa. Mahilig talaga siyang gumuhit ng mga kagubatan para kasing masarap sa paningin.

Tumango-tango si Gregorio. Nilapitan naman niya ang ilan pang estudyante.

Halos lahat naman sila nakarinig ng magandang papuri galing sa artist. Ganado sa pag guhit ang lahat kaya hindi nila namalayan ang takbo ng oras.

Pumalakpak ng tatlong beses si Gregorio.

"Tama na muna yan guys! lunch break na. Mamayang Hapon n'yo na ulit iyan ituloy." Ani Gregorio.

Nag inat - inat muna si Alyssa bago tumayo at niligpit ang mga gamit niya. Nilapitan niya ang kaibigan na parang gigil na gigil sa ginuguhit. Lihim na natatawa siya dito dahil kulang na lang ay makipagpalit ito ng mukha sa iginuguhit nito.

"Mamaya mo na ituloy 'yan girl, lunch na daw muna tayo." Sabi ni Alyssa sa kaibigan. Sinilip niya ang obra niyo. Bulaklak ang ginuhit ni Maggie.

"Huwag kang tumawa sasapakin kita," agad na babala ni Maggie.

Binatukan niya ng mahina si Maggie.

"Maganda naman ang ginawa mo," puring totoo niya sa kaibigan. "First time mo ito, kaya dapat mahalin mo girl. Pagbalik natin sa Manila, isabit mo 'yan sa kuwarto mo para naman lalo mo pa ma-motivate ang sarili mo."

Related chapters

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 6

    "SANA nga maganda ang kalabasan kapag pipintahan ko na," halatang natutuwa din si Maggie sa kanyang ginawa. Inakbayan ni Alyssa ang kaibigan. "Syempre naman, ikaw pa!" Tinulungan ni Alyssa na magligpit ng gamit ang kaibigan at pagkatapos sumunod na silang lumabas ng silid na iyon sa mga kasama. "Nakakagutom pala ang gumuhit," birong reklamo ni Maggie sabay himas ng tiyan. "Sinabi mo pa, kaya kumain ka ng madami talent mo din 'yan!" Natatawang biro niya sa kaibigan. Inirapan naman siya ni Maggie. "Tse!" Umismid ito. Natatawang pinindot niya ang tungkil ng ilong nito. "Ang cute mo talaga!" SA HAPAG KAINAN.....Sinigang na hipon at gulay na pakbet na sinamahan pa ng pritong isdang bangus ang pananghalian nila, kaya lalong natakam ang magkaibigan na Alyssa at Maggie maging ang kanilang mga kasama. "Kumain kayo ng madami huwag kayong mahihiya." Nakangiting sabi ni Gregorio sa mga estudyante niya. Sumandok ito ng k

    Last Updated : 2021-05-08
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 7

    NGUMITI si Carlos kay Alyssa."Okay lang ako. Broken family lang ako pero may lola naman akong mahal na mahal ako." Sabi pa ni Carlos. "Kahit naman may sariling family na ang mga parents ko suportado pa din naman nila ako, katunayan nga kina mama ako nag e stay habang nag-aaral. Kapag weekend naman umuuwi ako ng cavite.""Ako naman only daughter lang ako." Simula ni Alyssa. "Okay naman ang parents ko kaso lagi silang busy sa work, kaya itong si Maggie na bestfriend ko ang laging kong kasama." Kuwento niya."Wala pa boyfriend si Alyssa since birth." Sabat naman ni Maggie.Dinampot ni Alyssa ang isang tsinelas niya at ipinukol kay Maggie na nakailag naman."Pagpasensiyahan mo na si Maggie ha, ganyan talaga 'yan palabiro." Nahihiyang sabi niya kay Carlos.Ngumiti si Carlos at umayos ng upo."Walang boyfriend pero may nanliligaw?" Seryosong tanong ng binata. Tumingin

    Last Updated : 2021-05-08
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 8

    "AYON! umamin din!" Tukso ni Miguel sabay tapik sa balikat ni Carlos. "Mukha naman mabait si Alyssa. Naku ang suwerte mo bro, kapag naging girlfriend mo siya."Napangiti naman si Carlos sa sinabi nito. Wish niya lang na pareho sila nang nararamdaman ng dalaga."Eh ikaw, may nagugustuhan ka ba sa mga girls dito?" Tanong ni Carlos kay Miguel."Meron," mabilis na sagot nito. "Si Sofia!""Halata naman sa inyong dalawa ni Sofia na pareho kayong may gusto sa isat-isa." Sabi ni Noel sabay abot ng soda na nasa table. "Kung magtitigan kayo parang hinuhubaran n'yo ang isat-isa!""Loko!" Natatawang inakbayan ni Miguel ang katabi na si Noel sabay kinutusan niya ito sa ulo.Sabay na napalingon sa mahabang hagdan ang mga binata. Nakita nilang pababa nang hagdan ang babaeng pinag-uusapan nila.Si Sofia! Nakasuot ito nang puting top tube at maiksing short at mukhang bagong ligo.

    Last Updated : 2021-05-09
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 9

    "ALAM mo na kong ano ang gagawin mo." Mahinang sabi ni Gregorio sa kausap. Napatingin sa kanya ang binata, nginitian niya ito.Gumanti ng ngiti si Miguel sa artist at muling ipinagpatuloy ang pagpipinta.Isang oras din ang nakalipas ng matapos ang dalawa. Lumapit sa mga ito ang artist. Una nitong tinignan ang ginawa ni Miguel."Magaling!" Puri ni Gregorio na sinabayan pa ng palakpak."Yes!" Tuwang sambit ni Miguel, saktong napasulyap sa kanya si Sofia. Mabilis na kindat ang ginawa niya para sa dalaga. Kinikilig na ngumiti naman si Sofia.Nilapitan naman ni Gregorio ang ginawa ng dalaga."Magaling!" Puri din ni Gregorio sa dalaga sabay tapik sa kanang balikat nito."Thank you Sir," kinikilig na pasasalamat ni Sofia. Tuwang - tuwa siya dahil maganda ang kinalabasan ng painting."Pirmahan na ninyo ang mga larawan na inyong kinulayan," utos ni Gregorio sa dalawa."Pero Sir, kayo po ang may-ri ng painting," mabilis na sagot ni S

    Last Updated : 2021-05-09
  • Cursed Painting/ Tagalog   Chapter 10

    BUMALIK sa alala ni Gregorio ang malagim na nangyari sa kanyang pamilya. Nilooban ang bahay nila ng masasamang tao habang himbing sila na natutulog, hindi pa nakontento sa paglimas ng kanilang pera at alahas pinatay pa ang kanyang asawa't anak. Sinubukan din siyang patayin ng mga ito pero nakaligtas siya dahil bago siya lagutan ng hininga nag dasal siya sa panginoon ng kadiliman na iligtas ang kanyang buhay. Masama ang loob niya sa dios ng langit dahil sa malagim na nangyari sa kanyang pamilya.Bilang kapalit ng kanyang buhay, kailangan niyang mag alay ng buhay sa kanyang panginoon na si Satanas. Kailangan niyang gawin ito para makamit ang buhay na walang hanggan.Nakapaghiganti na din siya sa mga taong pumatay sa kanyang mag-ina, nag bayad siya ng tao para ipapatay ang mga ito. Ngunit kailangan pa din niyang mag alay ng buhay ng tao para patuloy siyang mamuhay ng matagal sa mundong ibabaw.DAY TWO SA MANSIYON.Umaga nasa hapag-kainan na ang mga estud

    Last Updated : 2021-05-09
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 11

    KASALUKUYAN na nasa harden ang mga estudyante patuloy na naghahanap sa nawawalang dalawang kasama." Sofia.....!" Sigaw ni Charlotte. "S-so-" Natigil sa pagsigaw si Charlotte nang maramdaman na nag vibrate ang cellphone niya na nakasuksok sa bulsa ng suot na maong short. Agad naman nitong dinukot ang cellphone at ini-on ang screen."Sofia!" bulalas ni Charlotte nang mapag-sino ang may-ari ng natanggap na mensahe. Agad na sinenyasan niya ang mga kasama."Nag message si Sofia!" Sigaw ni Charlotte.Mabilis naman na lumapit sa dalaga ang mga kasama."Anong sabi?" Tanong ni Maureen habang nagpupunas ng pawis sa noo gamit ang mga kamay."Wait, babasahin ko." Sagot ni Charlotte. Binuksan nito ang mensahe na galing kay Sofia at sinimulan basahin.Kasama ko si Miguel umalis kami kanina madaling araw, sumama ako sa kanya na pumunta sa bayan taga dito daw kase isa sa mg

    Last Updated : 2021-05-09
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 12

    "MAIWAN ko na muna kayo, alam n'yo na ang mga rules dito sa mansiyon. Kapag oras na ng tanghalian dapat sabay-sabay na kayong nasa hapag-kainan." Bilin pa ni Gregorio sa mga ito."Yes po!" Panabay na sagot ng mga estudyante.NAPABALIKWAS na bumangon sa kama si Alyssa. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya pagkatapos nilang magtanghalian.Dinampot niya ang maliit na alarm clock na nakapatong sa isang lamesita na katabi ng kama. "Alas kuwatro na pala, bulong niya sa sarili."Bumaba ng kama si Alyssa at maingat na ipinatong sa lamesita ang alarm clock. Humihikab pa siya na tinungo ang banyo, naghilamos siya at nagsepilyo.Nasaan kaya sina Maggie at Daisy? bulong niya sa hangin. Agad siyang nagpalit ng kasuotan, baka nasa sala ang mga ito hindi man lang siya ginising.Saglit lang na inayos niya ang sarili, konteng suklay ng kanyang buhok, nagpahid na din siya ng kaunting pulbo sa mukha at nag lagay na din siya ng lip tint. Muli ni

    Last Updated : 2021-05-09
  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 12

    "MAIWAN ko na muna kayo, alam n'yo na ang mga rules dito sa mansiyon. Kapag oras na ng tanghalian dapat sabay-sabay na kayong nasa hapag-kainan." Bilin pa ni Gregorio sa mga ito."Yes po!" Panabay na sagot ng mga estudyante.NAPABALIKWAS na bumangon sa kama si Alyssa. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya pagkatapos nilang magtanghalian.Dinampot niya ang maliit na alarm clock na nakapatong sa isang lamesita na katabi ng kama. "Alas kuwatro na pala, bulong niya sa sarili."Bumaba ng kama si Alyssa at maingat na ipinatong sa lamesita ang alarm clock. Humihikab pa siya na tinungo ang banyo, naghilamos siya at nagsepilyo.Nasaan kaya sina Maggie at Daisy? bulong niya sa hangin. Agad siyang nagpalit ng kasuotan, baka nasa sala ang mga ito hindi man lang siya ginising.Saglit lang na inayos niya ang sarili, konteng suklay ng kanyang buhok, nagpahid na din siya ng kaunting pulbo sa mukha at nag lagay na din siya ng lip tint. Muli ni

    Last Updated : 2021-05-09

Latest chapter

  • Cursed Painting/ Tagalog   Finale

    "SAAN KAYO GALING?" Panabay na tanong ng anim na mga teenager. Nagpalitan ng tingin ang tatlo Alyssa, Maggie at Carlos. Walang namutawi sa mga bibig nila na patakbong niyakap ang mga nakabalik ng kasamahan, masaya sila at nagkita-kita na ulit sila. "Uy, parang ang tagal natin na hindi nagkita-kita!" Natatawang puna ni Noel kay Carlos at kumawala ito sa yakap ng binata. Ang natandaan lang ni Noel ay iyong araw bago ito umalis kasama si Mang Nestor. "Bumalik kayo ng mansiyon ni Sofia?" Tanong ni Noel kay Miguel. Napakunot-noo naman si Miguel sa narinig. "Hindi naman kami umalis ni Sofia." Sagot ni Miguel na tinapunan ng tingin ang pinag-uusapan na dalaga wala din itong maalala sa nangyari dito. Pakamot-kamot sa bumbunan niya si Noel, parang may nangyayari yata sa mansiyon na hindi niya alam. Natatawang inakbaya

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 50

    "MAGSITIGIL KAYO!" Malakas na saway ni Alyssa sa dalawang lalaki na panay pa din ang palitan ng suntok.I to ang eksenang naabutan ng dalaga sa likuran bahagi ng mansyon.Natigil sa pagsuntok si Gregorio nang makilala ang boses ng nagsalita.Iniangat naman ni Carlos ang kanyang ulo para makita ang bagong dating .May tuwang naramdaman ang binata ng mapag-sino ito."Alyssa, nagbalik ka!" mabilis na naitulak ng binata ang natigilan pa din na artist.Masama ang tingin na ipinukol ni Gregorio sa dalaga, may sapusa yata ang buhay ng dalaga.Hindi pa din lubos maisip ni Gregorio kung papaanong nakalabas sa painting ang dalaga, lalo na nga at naabu na ang sinunog niyang painting na kung saan dapat nakakulong ang dalaga.Mariing naikuyom ni Gregorio ang mga kamay bago ito magsalita."Paanong nakalabas ka sa iyong kulungan?" tukoy nito sa painting.

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 49

    NAABUTAN NINA MAGGIE AT CARLOS ang artist sa likurang bahagi ng mansiyon. Humahalkhak ito habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkasunog ng painting. Hindi nito napansin ang paglapit ng dalawang estudyante dahil nasa nasusunog na painting nakatuon ang pansin nito.Mabilis na dinamba ni Carlos ang nakatalikod na artist, mukha itong nagulat kaya hindi nito naiwasan ang suntok na galing sa binata. Sapol sa panga ang artist, napaatras ito. Nakita ni Carlos ang isang kamay nito na tila aabutin ang nakasukbit na baril, mabilis na inundayan niya ito ng sipa."Arghhh!" Ungol ni Gregorio. Sapo nito ang duguang mga labi, naningkit ang mga matang tumingin sa nanggagalaiti sa galit na binata.Mabilis na kinapa ni Gregorio ang kanyang baril, pero wala na ito doon sa pinagsukbitan niya.Mabilis na dinampot naman ni Maggie ang tumilapon na baril sa kinaroroonan niya.Muling uundayan ng

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 48

    HININTAY muna ni Aling Iseng na tuluyan na makalabas ng mansiyon ang kanyang amo, kanina pa ito nagkukubli sa isang malaki at mataas na flower vase. Nasaksihan ng matanda ang lahat ng kaganapan sa malaking sala, nagdadalawang isip ito kung lalabas ba sa pinagtataguan o mananatili nalang siyang magtatago doon.Dati pa alam na niya ang mga kababalaghan na ginagawa ng amo, matagal na panahon na din silang naging sunod-sunuran dito. Pero sa nasaksihan niya kanina hindi na nakakaya ng kanyang konsensya. Nag sign of the cross muna si Aling Iseng, bago mabilis na lumabas sa pinagtataguan.Mabilis na nilapitan ni Aling Iseng ang dalawang estudyante na nasa sala."A-aling Iseng?" Nagulat man si Maggie, pero nabuhayan naman siya ng loob ng makita ang matandang babae. "Tulungan mo kami Aling Iseng, parang awa mo na." Luhaan na pakiusap ng dalaga sa matanda.Nung una nag dalawang isip pa si Aling Isen

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 47

    NARAMDAMAN ni Alyssa ang pagtanggal ng pintor sa lubid na nakatali sa kanyang mga kamay, sunod naman na tinanggal nito ang kanyang piring.Makailang ulit na ipinikit ni Alyssa ang nanakit na mga mata, medyo lumabo ang kanyang paningin gawa ng pagkakapiring sa kanyang mga mata."Ha!" Singhap ng dalaga ng may maramdaman siyang matigas na bagay na nakatutok sa kanyang sintido.Nagsisisigaw naman si Maggie sa takot dahil sa nasaksihan nito, inaakala ng dalaga na babarilin ng artist ang kaibigan."Huwag mo'ng ituloy 'yan, parang awa mo na po Sir!" Umiiyak na pagsusumamo ni Maggie. Pinilit na gumapang ng dalaga gamit ang kanyang dibdib at tuhod upang makalapit kay Alyssa."Isulat mo ang pangalan mo at pirmahan mo!" Mariin na utos nito sa dalaga. Inabot nito kay Alyssa ang paintbrush at black ink na gagamitin nito."Ayoko!" Mariing tanggi ni Alyssa, luhaan ang mg

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 46

    "Ayoko, bitiwan mo ako!" umiiyak na pakiusap ni Charlotte nang maramdaman ang paghablot sa kanyang braso ng artist. Nagpupumiglas ang dalaga. "Parang awa mo na Sir, huwag po!" pakiusap pa nito at sumigaw ng malakas na humihingi ng saklolo. Narindi si Gregorio sa sigaw ng dalaga kaya isang malakas na sampal ang binigay niya dito. "Kapag hindi ka tumahimik hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin!" singhal nito sa dalaga. Umiiyak na tumahimik na nga si Charloyte. Ramdam ng dalaga ang sakit ng pagkakasampal sa kanya ng artist. Natakot na itong magsalita at baka totohanin nga nito ang banta. Itinayo ni Gregorio ang dalaga. Walang abog-abog na binuhat ang nagulat na dalaga. "Anong gagawin mo sa akin? Saan mo ako dadalhin?" Hintakot na sunod-sunod na tanong ng dalaga. Pabalyang iniupo ng artist sa isang silya ang dalaga. Marahas ang mga kamay na tinanggal ni

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 45

    "Ha, ha, ha, ha, ha!" Masayang halakhak ni Gregorio. Inabot nito ang baso na may laman na orange juice. Nilagok nito ang orange juice, sinaid ang laman ng baso.Napasandal sa silya si Gregorio, muling ipinatong nito ang wala ng laman na baso sa lamesa. Hindi mawala-wala ang ngiti nito sa labi habang pinagmamasdan ang mga nakatulog na mga estudyante, maging ang matandang si Aling Iseng. Pero hindi naman siya interesado sa matanda, nadamay lang ito dahil nakakain din ito ng ulam na nilagyan niya ng pampatulog.Tumayo ang artist at isa-isang inangat ang mga mukha ng mga estudyanteng nakatulog, huli nitong pinagmasdan ang mukha ni Alyssa."Masyado ka kasing pabida, may ilang araw pa sana kayo na ilalagi sa mundong ito, pero ginalit mo ako!" Mariing sabi nito at marahas na binitiwan nito ang hawak na buhok ng dalaga. Bumagsak ang mukha ng dalaga sa babasagin na lamesa, pero hindi ito nagising.

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 44

    "Tingin ninyo bakit nasa trashbag ni Sir ang mga cellphone na 'yan?" tanong ni Alyssa sa mga kasama. Hindi naman nakaimik ang mga ito,"Pakiramdam ko may masamang nangyari sa kanila," pag-amin ni Charlotte. "Kanina nabuksan ko pa ang cellphone ni Daisy, nabasa ko ang mensahe ng kuya niya. At mukhang hindi nakauwi si Daisy sa kanila.""Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ni Carlos. Hindi pa din makapaniwala ang binata na kayang gumawa ng masama ng artist. Sa mga ipinakita nito sa kanila masasabi mo talagang mabait ito at alaga pa sila sa pagkain."Nabasa ko sa mensahe ng kuya ni Daisy na nagtatanong ito kung kailan siya babalik ng Manila, ibig sabihin hindi nga umalis ng mansiyon si Daisy. Hindi ito umuwi sa kanila, sobrang nag-aalala na sa kanya ang kanyang pamilya." Mahabang sagot ni Charlotte.Napabuntong hininga ang binata at mataman na tumingin ito kay Alyssa. Kung totoo ang sinasabi n

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 43

    NAPANSIN ni Gregorio na parang ang tagal makabalik sa silid na iyon ng dalagang si Charlotte. Parang may kakaibang naramdaman ang artist kaya nagpaalam ito sa tatlong estudyante na kunwari ay may kukunin lang sa baba.Nasa tapat ng pinto si Charlotte, huminga muna ito ng malalim para pakalmahin ang sarili. hinawakan ng dalaga ang seradura para pihitin, pero bigla itong bumukas kaya napasigaw sa gulat ang dalaga."Eeeeeeehhh!" Nakapikit na sigaw ng dalaga.Pati si Gregorio nagulat sa sigaw ng dalaga dahil pagbukas niya ng pinto ay nasa tapat na pala ito ng silid na iyon."Charlotte," tawag pansin ni Gregorio sa dalaga.Tumigil naman ang dalaga sa pagsigaw."S-sorry po, Sir, n-nagulat po ako," hinging paumanhin ni Charlotte sa artist.Nakayukong pumasok na si Charlotte sa silid na iyon. Hindi na nagawang tumingin ng dalaga sa natigilan na pi

DMCA.com Protection Status