Share

Kabanata 4

Author: corasv
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

NAG simula na din mag-ayos ng gamit sina Alyssa at Maggie habang nagku-kwentuhan silang tatlo.

May malaking kabinet na walang laman, doon nila nilagay ang mga damit nila at ilang gamit. Pareho silang may baon na pagkain pinagsama nilang tatlo iyon sa iisang bag. Nang matapos ang tatlo nag kanya - kanya na sila ng pwesto ng higa, dala ng pagod ay agad naman silang nakatulog.

DAY 1 SA MANSIYON.

"Alyssa....alyssa...! Napadilat ng mga mata si Alyssa. Ikinurap-kurap niya ang mga mata. Tinignan niya ang mga katabi sa kama mukhang tulog pa ang mga ito. Parang narinig niya na may tumatawag sa panganalan niya habang natutulog siya.

Bumangon siya sa kama at naupo. Parang hinihila pa ng antok ang mga mata niya. Bumaba siya ng kama at tinungo ang isang maliit na lamesa kung saan nakapatong ang bottled water nila, parang nanunuyo kasi ang lalamunan niya. Dumampot siya ng isa, binuksan ito at uminom ng tubig.

Pabalik na siya ng kama nang mapansin niya ang isang painting na nakasabit sa wall. Nilapitan ito ni Alyssa at inusisa.

"Wow, ang ganda!" Bulalas niya.

Isang malawak na karagatan ang nasa painting. May mga sirena na nakaupo sa malaking bato, ibat - ibang uri ng isda at halaman dagat. Pakiramdam ni Alyssa nabibighani siya sa nakikita, unti-unting nilalapit ng dalaga ang kanang kamay sa larawan at marahan na ipinikit ang mga mata.

Napasinghap si Alyssa nang may maramdaman na tila mga kamay na humila sa kanya papasok sa painting.

Iminulat ni Alyssa ang mga mata nang maramdaman na may malamig na hangin ang dumapo sa balat niya. Ngunit ganoon na lamang ang pagtataka niya ng sa pagmulat ng mga mata ay iba na ang nasa paligid niya. Nakaupo siya sa malaking bato na nasa pusod ng dagat at tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay ilaw sa kapaligiran. Nag palinga-linga siya.

"Nasaan ba ako, anong lugar ba ito?tanong ni Alyssa sa sarili.

Akmang tatayo sana si Alyssa nang mapansin niyang may kakaiba sa mga binti niya, hindi niya agad iyon napansin dahil nakalubog ang kalahating katawan niya sa dagat. Sinubukan niyang e-angat ang mga binti.

"Oh my gosh! oh my gosh!" hintakot na bulalas ni Ayssa. Sa pag angat niya ng mga binti iba ang kanyang nakita. Isang mahabang buntot na nangingintab kapag tinatamaan ng liwanag ng buwan. "P-paanong nagyari ito?" naguguluhan na talaga siya paanong nag karoon siya ng buntot ng isda.

"Isa na ba siyang SIRENA?" Nananaginip na naman yata siya.

Nagulat si Alyssa nang biglang may humatak sa isang kamay niya, pumailalim sila sa dagat.

Isang  sirena ang nakita niyang may hawak sa kamay niya. At may iilan pa na sirena ang sumisisid sa ilalim ng dagat na tila nagpapaligsahan sa paglangoy.

Pinilit niyang mag pumiglas pero mahigpit ang hawak ng sirena sa kanya. Pumasok sila sa isang malaking kuweba, may narining siyang umiiyak pero wala siyang nakikita. Naramdaman niyang binitawan na siya ng sirena at lumangoy ito palayo sa kanya.

Nagtatakang nasundan ni Alyssa ng tingin ang papalayong sirena. Bakit kaya siya dinala nito sa loob ng kuweba?

Kinabahan siya nang maisip na baka ipapakain siya sa isang malaking uri ng isda o kaya sa isang malaking pugita. Kaya siguro may narinig siyang umiiyak kanina kasi nilalapa na siguro iyon ng halimaw sa dagat. Kinilabutan siya sa mga tumatakbo sa kanyang isipan.

"Anong gagawin ko dito?" tanong niya sa sarili. Pinakiramdaman niya ang paligid, mukha naman safe at walang halimaw gaya ng naiisip niya.

"Hu!hu!hu!hu!" Narinig na naman niya ang iyak at tila boses ito ng isang babae.

"Hello, may tao ba dito?!" tanong niya sa malakas na boses pero walang sagot. Mali yata ang pagkakasabi niya dapat siguro taong isda? "May taong isda ba dito?"

Gumapang siya sa mga malalaking bato. Ngayon napatunayan niya na hindi pala biro maging isang sirena. May nakita siya nakatalikod ito sa kanya, base sa histura nito isa itong babae, kulot ang mahaba nitong buhok.

Narinig na naman niyang umiyak ang babae. Nakaupo ito sa isang malaki at malapad na bato sa paligid nito ay mga nag gagandahang mga halamang dagat

Gumapang na nilapitan ni Alyssa ang nakatalikod na babaeng umiiyak.

"Miss, bakit ka umiiyak?" tanong ni Alyssa sa babae.

Tumigil ang babae sa pag-iyak ng marinig nito ang boses niya. Pero hindi pa din ito humaharap sa kanya.

"Alyssa..." Tawag nito sa pangalan niya. Nagtaka siya bakit alam ng babae ang pangalan niya.

"Kilala mo ako?" naguguluhan na tanong niya dito. Marahang itong tumango.

"Umalis na kayo sa mansyon," sabi ng babae hindi pa din ito humaharap sa kanya. "Umalis na kayo sa mansiyon bago pa mahuli ang lahat, kung ayaw mo na tuluyan na matulad sa amin na mga biktima niya." Mahabang sabi nito, muli na naman itong umiyak.

"Hindi kita maintindihan miss, sino ba ang tinutukoy mo?" Tanong niya sa umiiyak na babae.

Bigla itong humarap sa kanya at bigla siyang hinawakan sa mga balikat.Sa gulat ni Alyssa napapikit siya ng mga mata.Hindi niya nagawang pag masdan ang mukha nito.

"Umalis na kayo!" Malakas na sigaw nito.

"HOY!" Marahan na tinapik ni Maggie sa balikat si Alyssa.

Nagising si Maggie dahil sa tunog ng alarm clock ng cellphone niya. Kanina pa niya nakikita na nakatayo sa tapat ng painting ang kaibigan kaya nilapitan na niya ito. "Anong ginagawa mo? kanina pa kita pinagmamasdan,"

"Ha?" gulat na sambit ni Alyssa. Sa pag dilat niya ng mga mata nasa loob na ulit siya ng kwarto.

Natatawang niyakap ni Maggie ang kaibigan mula sa likuran nito.

"Ngayon ko lang nalaman na nag e sleep walking ka pala girl," natatawang biro ni Maggie sa kaibigan. Bumitiw si Maggie sa pagkakayakap dito at humarap sa kaibigan. "Anong napanaginipan mo?"

Naihilamos ni Alyssa ang mga kamay sa kanyang mukha. Nalilitong tumingin siya sa mga mata ng kaibigan.

"Hindi ko alam kung panaginip ang nangyari girl," simula ni Alyssa. Bakas sa mukha ng dalaga ang pagkalito. Naglakad siya pabalik sa kama at naupo sa gilid. Sumunod naman sa kanya si Maggie.

"Anong ibig mo sabihin?" tanong ni Maggie.

Itinuro ni Alyssa ang painting na nasa dingding. Sinundan naman ito ng tingin ni Maggie.

Related chapters

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 5

    "KANINA kasi nang hawakan ko ang painting pakiramdam ko nasa loob ako nito. Nasa gitna ako ng dagat at naging sirena ako." Kuwento ni Alyssa. Inaasahan na niya ang magiging reaksiyon ni Maggie.Humagalpak ng tawa si Maggie sa narinig na sinabi ni Alyssa."Ikaw, kung saan na nakakarating ang imahinasyon mo ano?" natatawang tanong ni Maggie sa kanya."I'm serious!" Seryosong sabi ni Alyssa. Nag kuwento pa siya sa kaibigan tungkol sa nakita niyang babae. Pero ayaw maniwala sa kanya ng kaibigan."Alas singko pa lang ng umaga, subukan mo ulit matulog girl," suhestiyon ni Maggie at muling sumampa sa kama at nahiga. "Pag gising ko nakita na kita na nakatayo sa tapat ng painting, hindi ako kumurap girl, kaya sa maniwala ka sa hindi pero hindi ka umalis sa kinatatayuan mo.""P-pero kasi--" hindi na natuloy ni Alyssa ang sasabihin ng muling magsalita ang kaibigan."Matulog kana, baka hindi mo namalayan nakatulog ka at sa sobrang pagkabighani mo sa painting

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 6

    "SANA nga maganda ang kalabasan kapag pipintahan ko na," halatang natutuwa din si Maggie sa kanyang ginawa. Inakbayan ni Alyssa ang kaibigan. "Syempre naman, ikaw pa!" Tinulungan ni Alyssa na magligpit ng gamit ang kaibigan at pagkatapos sumunod na silang lumabas ng silid na iyon sa mga kasama. "Nakakagutom pala ang gumuhit," birong reklamo ni Maggie sabay himas ng tiyan. "Sinabi mo pa, kaya kumain ka ng madami talent mo din 'yan!" Natatawang biro niya sa kaibigan. Inirapan naman siya ni Maggie. "Tse!" Umismid ito. Natatawang pinindot niya ang tungkil ng ilong nito. "Ang cute mo talaga!" SA HAPAG KAINAN.....Sinigang na hipon at gulay na pakbet na sinamahan pa ng pritong isdang bangus ang pananghalian nila, kaya lalong natakam ang magkaibigan na Alyssa at Maggie maging ang kanilang mga kasama. "Kumain kayo ng madami huwag kayong mahihiya." Nakangiting sabi ni Gregorio sa mga estudyante niya. Sumandok ito ng k

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 7

    NGUMITI si Carlos kay Alyssa."Okay lang ako. Broken family lang ako pero may lola naman akong mahal na mahal ako." Sabi pa ni Carlos. "Kahit naman may sariling family na ang mga parents ko suportado pa din naman nila ako, katunayan nga kina mama ako nag e stay habang nag-aaral. Kapag weekend naman umuuwi ako ng cavite.""Ako naman only daughter lang ako." Simula ni Alyssa. "Okay naman ang parents ko kaso lagi silang busy sa work, kaya itong si Maggie na bestfriend ko ang laging kong kasama." Kuwento niya."Wala pa boyfriend si Alyssa since birth." Sabat naman ni Maggie.Dinampot ni Alyssa ang isang tsinelas niya at ipinukol kay Maggie na nakailag naman."Pagpasensiyahan mo na si Maggie ha, ganyan talaga 'yan palabiro." Nahihiyang sabi niya kay Carlos.Ngumiti si Carlos at umayos ng upo."Walang boyfriend pero may nanliligaw?" Seryosong tanong ng binata. Tumingin

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 8

    "AYON! umamin din!" Tukso ni Miguel sabay tapik sa balikat ni Carlos. "Mukha naman mabait si Alyssa. Naku ang suwerte mo bro, kapag naging girlfriend mo siya."Napangiti naman si Carlos sa sinabi nito. Wish niya lang na pareho sila nang nararamdaman ng dalaga."Eh ikaw, may nagugustuhan ka ba sa mga girls dito?" Tanong ni Carlos kay Miguel."Meron," mabilis na sagot nito. "Si Sofia!""Halata naman sa inyong dalawa ni Sofia na pareho kayong may gusto sa isat-isa." Sabi ni Noel sabay abot ng soda na nasa table. "Kung magtitigan kayo parang hinuhubaran n'yo ang isat-isa!""Loko!" Natatawang inakbayan ni Miguel ang katabi na si Noel sabay kinutusan niya ito sa ulo.Sabay na napalingon sa mahabang hagdan ang mga binata. Nakita nilang pababa nang hagdan ang babaeng pinag-uusapan nila.Si Sofia! Nakasuot ito nang puting top tube at maiksing short at mukhang bagong ligo.

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 9

    "ALAM mo na kong ano ang gagawin mo." Mahinang sabi ni Gregorio sa kausap. Napatingin sa kanya ang binata, nginitian niya ito.Gumanti ng ngiti si Miguel sa artist at muling ipinagpatuloy ang pagpipinta.Isang oras din ang nakalipas ng matapos ang dalawa. Lumapit sa mga ito ang artist. Una nitong tinignan ang ginawa ni Miguel."Magaling!" Puri ni Gregorio na sinabayan pa ng palakpak."Yes!" Tuwang sambit ni Miguel, saktong napasulyap sa kanya si Sofia. Mabilis na kindat ang ginawa niya para sa dalaga. Kinikilig na ngumiti naman si Sofia.Nilapitan naman ni Gregorio ang ginawa ng dalaga."Magaling!" Puri din ni Gregorio sa dalaga sabay tapik sa kanang balikat nito."Thank you Sir," kinikilig na pasasalamat ni Sofia. Tuwang - tuwa siya dahil maganda ang kinalabasan ng painting."Pirmahan na ninyo ang mga larawan na inyong kinulayan," utos ni Gregorio sa dalawa."Pero Sir, kayo po ang may-ri ng painting," mabilis na sagot ni S

  • Cursed Painting/ Tagalog   Chapter 10

    BUMALIK sa alala ni Gregorio ang malagim na nangyari sa kanyang pamilya. Nilooban ang bahay nila ng masasamang tao habang himbing sila na natutulog, hindi pa nakontento sa paglimas ng kanilang pera at alahas pinatay pa ang kanyang asawa't anak. Sinubukan din siyang patayin ng mga ito pero nakaligtas siya dahil bago siya lagutan ng hininga nag dasal siya sa panginoon ng kadiliman na iligtas ang kanyang buhay. Masama ang loob niya sa dios ng langit dahil sa malagim na nangyari sa kanyang pamilya.Bilang kapalit ng kanyang buhay, kailangan niyang mag alay ng buhay sa kanyang panginoon na si Satanas. Kailangan niyang gawin ito para makamit ang buhay na walang hanggan.Nakapaghiganti na din siya sa mga taong pumatay sa kanyang mag-ina, nag bayad siya ng tao para ipapatay ang mga ito. Ngunit kailangan pa din niyang mag alay ng buhay ng tao para patuloy siyang mamuhay ng matagal sa mundong ibabaw.DAY TWO SA MANSIYON.Umaga nasa hapag-kainan na ang mga estud

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 11

    KASALUKUYAN na nasa harden ang mga estudyante patuloy na naghahanap sa nawawalang dalawang kasama." Sofia.....!" Sigaw ni Charlotte. "S-so-" Natigil sa pagsigaw si Charlotte nang maramdaman na nag vibrate ang cellphone niya na nakasuksok sa bulsa ng suot na maong short. Agad naman nitong dinukot ang cellphone at ini-on ang screen."Sofia!" bulalas ni Charlotte nang mapag-sino ang may-ari ng natanggap na mensahe. Agad na sinenyasan niya ang mga kasama."Nag message si Sofia!" Sigaw ni Charlotte.Mabilis naman na lumapit sa dalaga ang mga kasama."Anong sabi?" Tanong ni Maureen habang nagpupunas ng pawis sa noo gamit ang mga kamay."Wait, babasahin ko." Sagot ni Charlotte. Binuksan nito ang mensahe na galing kay Sofia at sinimulan basahin.Kasama ko si Miguel umalis kami kanina madaling araw, sumama ako sa kanya na pumunta sa bayan taga dito daw kase isa sa mg

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 12

    "MAIWAN ko na muna kayo, alam n'yo na ang mga rules dito sa mansiyon. Kapag oras na ng tanghalian dapat sabay-sabay na kayong nasa hapag-kainan." Bilin pa ni Gregorio sa mga ito."Yes po!" Panabay na sagot ng mga estudyante.NAPABALIKWAS na bumangon sa kama si Alyssa. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya pagkatapos nilang magtanghalian.Dinampot niya ang maliit na alarm clock na nakapatong sa isang lamesita na katabi ng kama. "Alas kuwatro na pala, bulong niya sa sarili."Bumaba ng kama si Alyssa at maingat na ipinatong sa lamesita ang alarm clock. Humihikab pa siya na tinungo ang banyo, naghilamos siya at nagsepilyo.Nasaan kaya sina Maggie at Daisy? bulong niya sa hangin. Agad siyang nagpalit ng kasuotan, baka nasa sala ang mga ito hindi man lang siya ginising.Saglit lang na inayos niya ang sarili, konteng suklay ng kanyang buhok, nagpahid na din siya ng kaunting pulbo sa mukha at nag lagay na din siya ng lip tint. Muli ni

Latest chapter

  • Cursed Painting/ Tagalog   Finale

    "SAAN KAYO GALING?" Panabay na tanong ng anim na mga teenager. Nagpalitan ng tingin ang tatlo Alyssa, Maggie at Carlos. Walang namutawi sa mga bibig nila na patakbong niyakap ang mga nakabalik ng kasamahan, masaya sila at nagkita-kita na ulit sila. "Uy, parang ang tagal natin na hindi nagkita-kita!" Natatawang puna ni Noel kay Carlos at kumawala ito sa yakap ng binata. Ang natandaan lang ni Noel ay iyong araw bago ito umalis kasama si Mang Nestor. "Bumalik kayo ng mansiyon ni Sofia?" Tanong ni Noel kay Miguel. Napakunot-noo naman si Miguel sa narinig. "Hindi naman kami umalis ni Sofia." Sagot ni Miguel na tinapunan ng tingin ang pinag-uusapan na dalaga wala din itong maalala sa nangyari dito. Pakamot-kamot sa bumbunan niya si Noel, parang may nangyayari yata sa mansiyon na hindi niya alam. Natatawang inakbaya

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 50

    "MAGSITIGIL KAYO!" Malakas na saway ni Alyssa sa dalawang lalaki na panay pa din ang palitan ng suntok.I to ang eksenang naabutan ng dalaga sa likuran bahagi ng mansyon.Natigil sa pagsuntok si Gregorio nang makilala ang boses ng nagsalita.Iniangat naman ni Carlos ang kanyang ulo para makita ang bagong dating .May tuwang naramdaman ang binata ng mapag-sino ito."Alyssa, nagbalik ka!" mabilis na naitulak ng binata ang natigilan pa din na artist.Masama ang tingin na ipinukol ni Gregorio sa dalaga, may sapusa yata ang buhay ng dalaga.Hindi pa din lubos maisip ni Gregorio kung papaanong nakalabas sa painting ang dalaga, lalo na nga at naabu na ang sinunog niyang painting na kung saan dapat nakakulong ang dalaga.Mariing naikuyom ni Gregorio ang mga kamay bago ito magsalita."Paanong nakalabas ka sa iyong kulungan?" tukoy nito sa painting.

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 49

    NAABUTAN NINA MAGGIE AT CARLOS ang artist sa likurang bahagi ng mansiyon. Humahalkhak ito habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkasunog ng painting. Hindi nito napansin ang paglapit ng dalawang estudyante dahil nasa nasusunog na painting nakatuon ang pansin nito.Mabilis na dinamba ni Carlos ang nakatalikod na artist, mukha itong nagulat kaya hindi nito naiwasan ang suntok na galing sa binata. Sapol sa panga ang artist, napaatras ito. Nakita ni Carlos ang isang kamay nito na tila aabutin ang nakasukbit na baril, mabilis na inundayan niya ito ng sipa."Arghhh!" Ungol ni Gregorio. Sapo nito ang duguang mga labi, naningkit ang mga matang tumingin sa nanggagalaiti sa galit na binata.Mabilis na kinapa ni Gregorio ang kanyang baril, pero wala na ito doon sa pinagsukbitan niya.Mabilis na dinampot naman ni Maggie ang tumilapon na baril sa kinaroroonan niya.Muling uundayan ng

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 48

    HININTAY muna ni Aling Iseng na tuluyan na makalabas ng mansiyon ang kanyang amo, kanina pa ito nagkukubli sa isang malaki at mataas na flower vase. Nasaksihan ng matanda ang lahat ng kaganapan sa malaking sala, nagdadalawang isip ito kung lalabas ba sa pinagtataguan o mananatili nalang siyang magtatago doon.Dati pa alam na niya ang mga kababalaghan na ginagawa ng amo, matagal na panahon na din silang naging sunod-sunuran dito. Pero sa nasaksihan niya kanina hindi na nakakaya ng kanyang konsensya. Nag sign of the cross muna si Aling Iseng, bago mabilis na lumabas sa pinagtataguan.Mabilis na nilapitan ni Aling Iseng ang dalawang estudyante na nasa sala."A-aling Iseng?" Nagulat man si Maggie, pero nabuhayan naman siya ng loob ng makita ang matandang babae. "Tulungan mo kami Aling Iseng, parang awa mo na." Luhaan na pakiusap ng dalaga sa matanda.Nung una nag dalawang isip pa si Aling Isen

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 47

    NARAMDAMAN ni Alyssa ang pagtanggal ng pintor sa lubid na nakatali sa kanyang mga kamay, sunod naman na tinanggal nito ang kanyang piring.Makailang ulit na ipinikit ni Alyssa ang nanakit na mga mata, medyo lumabo ang kanyang paningin gawa ng pagkakapiring sa kanyang mga mata."Ha!" Singhap ng dalaga ng may maramdaman siyang matigas na bagay na nakatutok sa kanyang sintido.Nagsisisigaw naman si Maggie sa takot dahil sa nasaksihan nito, inaakala ng dalaga na babarilin ng artist ang kaibigan."Huwag mo'ng ituloy 'yan, parang awa mo na po Sir!" Umiiyak na pagsusumamo ni Maggie. Pinilit na gumapang ng dalaga gamit ang kanyang dibdib at tuhod upang makalapit kay Alyssa."Isulat mo ang pangalan mo at pirmahan mo!" Mariin na utos nito sa dalaga. Inabot nito kay Alyssa ang paintbrush at black ink na gagamitin nito."Ayoko!" Mariing tanggi ni Alyssa, luhaan ang mg

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 46

    "Ayoko, bitiwan mo ako!" umiiyak na pakiusap ni Charlotte nang maramdaman ang paghablot sa kanyang braso ng artist. Nagpupumiglas ang dalaga. "Parang awa mo na Sir, huwag po!" pakiusap pa nito at sumigaw ng malakas na humihingi ng saklolo. Narindi si Gregorio sa sigaw ng dalaga kaya isang malakas na sampal ang binigay niya dito. "Kapag hindi ka tumahimik hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin!" singhal nito sa dalaga. Umiiyak na tumahimik na nga si Charloyte. Ramdam ng dalaga ang sakit ng pagkakasampal sa kanya ng artist. Natakot na itong magsalita at baka totohanin nga nito ang banta. Itinayo ni Gregorio ang dalaga. Walang abog-abog na binuhat ang nagulat na dalaga. "Anong gagawin mo sa akin? Saan mo ako dadalhin?" Hintakot na sunod-sunod na tanong ng dalaga. Pabalyang iniupo ng artist sa isang silya ang dalaga. Marahas ang mga kamay na tinanggal ni

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 45

    "Ha, ha, ha, ha, ha!" Masayang halakhak ni Gregorio. Inabot nito ang baso na may laman na orange juice. Nilagok nito ang orange juice, sinaid ang laman ng baso.Napasandal sa silya si Gregorio, muling ipinatong nito ang wala ng laman na baso sa lamesa. Hindi mawala-wala ang ngiti nito sa labi habang pinagmamasdan ang mga nakatulog na mga estudyante, maging ang matandang si Aling Iseng. Pero hindi naman siya interesado sa matanda, nadamay lang ito dahil nakakain din ito ng ulam na nilagyan niya ng pampatulog.Tumayo ang artist at isa-isang inangat ang mga mukha ng mga estudyanteng nakatulog, huli nitong pinagmasdan ang mukha ni Alyssa."Masyado ka kasing pabida, may ilang araw pa sana kayo na ilalagi sa mundong ito, pero ginalit mo ako!" Mariing sabi nito at marahas na binitiwan nito ang hawak na buhok ng dalaga. Bumagsak ang mukha ng dalaga sa babasagin na lamesa, pero hindi ito nagising.

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 44

    "Tingin ninyo bakit nasa trashbag ni Sir ang mga cellphone na 'yan?" tanong ni Alyssa sa mga kasama. Hindi naman nakaimik ang mga ito,"Pakiramdam ko may masamang nangyari sa kanila," pag-amin ni Charlotte. "Kanina nabuksan ko pa ang cellphone ni Daisy, nabasa ko ang mensahe ng kuya niya. At mukhang hindi nakauwi si Daisy sa kanila.""Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ni Carlos. Hindi pa din makapaniwala ang binata na kayang gumawa ng masama ng artist. Sa mga ipinakita nito sa kanila masasabi mo talagang mabait ito at alaga pa sila sa pagkain."Nabasa ko sa mensahe ng kuya ni Daisy na nagtatanong ito kung kailan siya babalik ng Manila, ibig sabihin hindi nga umalis ng mansiyon si Daisy. Hindi ito umuwi sa kanila, sobrang nag-aalala na sa kanya ang kanyang pamilya." Mahabang sagot ni Charlotte.Napabuntong hininga ang binata at mataman na tumingin ito kay Alyssa. Kung totoo ang sinasabi n

  • Cursed Painting/ Tagalog   Kabanata 43

    NAPANSIN ni Gregorio na parang ang tagal makabalik sa silid na iyon ng dalagang si Charlotte. Parang may kakaibang naramdaman ang artist kaya nagpaalam ito sa tatlong estudyante na kunwari ay may kukunin lang sa baba.Nasa tapat ng pinto si Charlotte, huminga muna ito ng malalim para pakalmahin ang sarili. hinawakan ng dalaga ang seradura para pihitin, pero bigla itong bumukas kaya napasigaw sa gulat ang dalaga."Eeeeeeehhh!" Nakapikit na sigaw ng dalaga.Pati si Gregorio nagulat sa sigaw ng dalaga dahil pagbukas niya ng pinto ay nasa tapat na pala ito ng silid na iyon."Charlotte," tawag pansin ni Gregorio sa dalaga.Tumigil naman ang dalaga sa pagsigaw."S-sorry po, Sir, n-nagulat po ako," hinging paumanhin ni Charlotte sa artist.Nakayukong pumasok na si Charlotte sa silid na iyon. Hindi na nagawang tumingin ng dalaga sa natigilan na pi

DMCA.com Protection Status