GULO ang isip na nagpalinga-linga si Alyssa. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar na kinaroroonan niya.
Nag lakad-lakad siya, may nakita siyang isang malaking puno na hitik sa bunga ngunit hindi niya din kilala kung anong puno ito. May mga nakapaligid na halaman at mgagandang bulaklak naengganyo siyang lapitan ito.
"Ang ganda ng mga bulaklak ang bango-bango," pumikit siya, bumuntong hininga at suminghap ng sariwang hangin. Pumitas siya ng isang bulaklak kulay rosas ito at iniipit niya sa kanang tenga at nag lakad-lakad.
Sa di kalayuan may nakita siya isang magandang upuan kulay puti ito. Kunot noo na tila nag-isip ang dalaga.
"Nasaan kaya ako, anong lugar kaya ito?" tahimik ang paligid parang siya lang ang tao. Nag palinga -linga siya. Nakita niya ang mga nagliliparang mga paru-paro, ibat-ibang hugis at ibat-ibang kulay.
"Nasa Heaven na ba ako?'' Pakiwari niya nasa paraiso siya. Nag lakad siya palapit sa puting upuan at naupo, medyo nakakaramdam na siya ng antok dala siguro ng katahimikan ng paligid. Humikab siya at isinandal ang likod sa upuan at nagsimula ng pumikit ang kanyang mga mata, saglit lang at nakatulog na siya.
"ALYSSA gising!" Si Maggie bestfriend niya at kaklase sa isang subject.
Naupo si Maggie sa tabi ni Alyssa at muli nitong niyugyog ang balikat ng kaibigan.
"Uy! grabe ka girl ang sarap ng tulog mo, anong akala mo nasa kama ka? 'Andito ka po sa bench sa basketball court." Sabi ni Maggie sabay dukot sa bulsa ng suot niyang paldang school uniform nila, kinuha ang salamin at suklay. Nagsimula siyang mag paganda.
Sinulyapan muli ni Maggie ang kaibigan. Ang sarap pa din ng tulog nito, tumigil si Maggie sa ginagawa sabay tirik ng mga mata. Nilapitan niya ang mukha ni Alyssa tinapik-tapik ito sa kanang pisngi.
"ALYSSAAAAAA!" malakas na sigaw ni Maggie sa isang tenga ng kaibigan.
Nagulat ang kaibigan niya at na out of balance ito sa kinahihigaang bench.
"Aray!" Sapo ni Alyssa ang ulo. Nahulog siya sa semento at buti nalang hindi mataas ang bench. Tinulungan siyang makaupo ni Maggie pabalik sa bench. Nag inat-inat siya sabay kurot sa kaibigan.
"Bakit ba naninigaw ka nahulog tuloy ako sa gulat," sabi ni Alyssa habang inaayos na ang mga paint brush na kumalat sa bench.
"Ikaw naman kasi, tirik ang araw sarap ng tulog mo dito sa bench. Niyaya kita dito sa basketball court para manood ng praktis nila John pero natulog ka lang." Ungos ni Maggie na may pairap irap pa ng mata. "Naku girl, hindi mo napanood maglaro si John, grabe ang galing niya ang gwapo pa! heeeeeee!"
Marahan na binatukan ni Alyssa ang kaibigan.
"Ang landi mo ha," nangingiting turan ni Alyssa. Ngunit natigilan siya nang maalala ang kanyang napanaginipan. Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Maggie at nakipagtitigan dito. "Nanaginip ako girl, kakaiba. Hmmm, alam mo 'yon, na parang nasa isang paraiso daw ako. Walang katao-tao kundi ako lang at parang totoo."
"Feel ko nga, nahirapan kasi akong gisingin ka,'' nakaismid na sagot ni Maggie.
"I'm serious Maggie, lagi naman akong nananaginip but this one is different.''
Inalis ni Maggie ang mga kamay niya na nasa balikat nito, tumayo at dinampot ang bag.
"Naku Alyssa, its just a dream! walang totoo. Buti sana kung may kasama kang pogi sa panaginip baka sumama pa ako sa'yo sa panaginip mo." Natatawang biro nito sa kanya.
"Per-" hindi natuloy ang sasabihin niya nang biglang magsalita ang kaibigan.
"I'm hungry, lets go. Narinig ko kanina sa isang student masarap daw ang meryende ngayon sa canteen. Treat na kita dahil sinamahan mo ako manood ng praktis ng basketball ni John." Mukha pa din itong kinikilig may pa pikit pa ito ng mga mata. "Kahit na natulog ka lang!" biro nito na sinabayan pa ng mahinang tawa.
"Hmp!" ingos niya sabay dampot ng bag at tumayo. "Okay lets go,''
Nagpatiuna na siya maglakad, pero hindi pa din mawala sa isip ang napanaginipan niyang paraiso para sa kanya.
BAKASYON na, masayang nag-uusap sina Alyssa at Maggie. Kasalukuyan nasa loob sila ng isang coffee shop at hinihintay ang kanilang order. Nang may biglang dumaan sa gilid ni Maggie, isang may kaedaran ng lalake. Nasagi ang dalaga kaya napalingon ito sa matanda.
"Ouchie!" mahinang bigkas ni Maggie, sabay lingon sa nakatalikod na matanda. "Buti na lang lolo na, naku kung nagkataon na--" hindi nito natuloy ang sasabihin nang parang may malakas na hangin ang pumasok sa coffee shop sa pagbukas ng pinto ng matanda.
"Ang creepy naman!" Panabay na sambit nilang magkaibigan.
Nakakakilabot naman talaga ang pakiramdam nang biglang may malamig na hangin ang dumaan sa harap nila. Maya-maya lang biglang may punit na newspaper ang pumasok sa coffee shop tuloy-tuloy ito sa kinaroroonan ng magkaibigan at dumapo ito sa mukha ni Maggie. Nandidiring inalis naman ito ng dalaga.
"Sa ganda kung ito ginawa pa na trashcan ang face ko," nakasimangot na turan ni Maggie habang pinupunasan ang mukha gamit ng sariling panyo.
Samantalang panay naman ang tawa ni Alyssa. Mabuti na lang at silang dalawa pa lang ang nasa loob ng coffee shop.
Kinuha ni Alyssa ang newspaper sa kaibigan at tinignan ang mga nakasulat dito.
"Dont tell me may time ka pa na basahin yan? baka galing sa loob ng basurahan 'yan at nilipad lang." Mahabang sabi ni Maggie. Akmang kukunin nito sa kanya ang kapirasong papel.
"Wait!" Pigil ni Alyssa sa kaibigan sabay harang ng isang kamay niya sa mukha nito.
"Gusot na ang mukha ko girl," reklamo ni Maggie sabay tayo. "Puntahan ko na kaya sa counter order natin baka bukas pa dumating," at nag lakad na ito palayo sa table nila.
Inagaw ng isang pahina ang atensyon ni Alyssa.
HEADLINE ngayon. Isang sikat na pintor inanyayahan ang lahat ng kabataan na pumunta sa kanyang mansiyon, upang ipakita ang kanyang mga obra maestra at ibahagi ng libre ang kanyang kaalaman sa pagguhit.
Nandidilat ang mga mata ni Alyssa sa nabasa.
"Oh, my gosh! totoo ba itong nababasa ko?" hindi pa din siya makapaniwala sa nabasa.
Isang kilalang magaling na pintor si Mr. Gregorio Santillan. Halos lahat ng painting nito ang ibinibida sa mga art gallery. Taon-taon itong humahakot ng award. Ngunit noong taong 2016 tumigil ito dahil sa trahedya ng kanyang pamilya.
Bigla nakaramdam ng lungkot si Alyssa para sa artist.
NAKITA ni Alyssa ang papalapit na kaibigan, may dala itong isang tray na may dalawang umuusok na tasa ng kape. May dalawang slice din ng chocolate cake.Umupo si Maggie sa tapat niya at iniabot sa kanya ang isang tasang kape at isang slice na cake."Amoy pa lang mukhang masarap na ang kape." Sabi ni Alyssa at nagsimula na siyang humigop ng mainit na kape."Sinabi mo pa girl, buti na lang pinuntahan ko dahil kung hindi, baka bukas pa makakarating order natin." Sagot ni Maggie. Una nitong nilantakan ang isang slice na chocolate cake. "My gosh! so yummy!"Nangingiting tinignan ni Alyssa ang kaibigan nang bigla niyang maalala ang nabasa sa newspaper."Girl, naalala mo ba iyong sikat na pintor sa bayan ng San Victoria?" Tanong ni Alyssa sa kaibigan at muling humigop ng kape.Tumango naman si Maggie."Yes, what about him?" Tanong nito sa kanya.Bilang sagot niya sa tanong nito iniabot niya dito ang kaperasong newspaper. "Read it!"
INABOT ni Alyssa ang isa pa na handy bag niya kung saan nakalagay ang ilang gamit niya sa pagpipinta gaya ng mga paint brush at pangkulay.May mga pagkain din silang baon na good for one week, pinagtulungan nilang magkaibigan na buhatin ang isa pang bag na may mga lamang pagkain.Nagsimula na silang lumakad palapit sa nakasaradong gate. Mula sa labas ng gate makikita ang nakatayong malaking Mansiyon na pagmamay-ari ng pintor na si Mr.Gregorio Santillan. Medyo may kalumaan na pero maganda pa din. Nag doorbell si Alyssa. Saglit lang at may bumukas na ng gate. Isang matandang lalake ang nakita nila."Goodevening po," panabay na bati nila ni Maggie. Tumango lang ang matanda."Sumunod kayo sa akin." Ang sabi ng matanda at tumalikod na sa kanila.Nagkatinginan naman sila. Lumapit kay Alyssa si Maggie at may ibinulong ito."Ang weird ni manong," bulong ni Maggie sa kanya. Pasimpleng siniko niya ito.''Sshhhh, baka marinig ka," saway niya sa kaibiga
NAG simula na din mag-ayos ng gamit sina Alyssa at Maggie habang nagku-kwentuhan silang tatlo.May malaking kabinet na walang laman, doon nila nilagay ang mga damit nila at ilang gamit. Pareho silang may baon na pagkain pinagsama nilang tatlo iyon sa iisang bag. Nang matapos ang tatlo nag kanya - kanya na sila ng pwesto ng higa, dala ng pagod ay agad naman silang nakatulog.DAY 1 SA MANSIYON."Alyssa....alyssa...! Napadilat ng mga mata si Alyssa. Ikinurap-kurap niya ang mga mata. Tinignan niya ang mga katabi sa kama mukhang tulog pa ang mga ito. Parang narinig niya na may tumatawag sa panganalan niya habang natutulog siya.Bumangon siya sa kama at naupo. Parang hinihila pa ng antok ang mga mata niya. Bumaba siya ng kama at tinungo ang isang maliit na lamesa kung saan nakapatong ang bottled water nila, parang nanunuyo kasi ang lalamunan niya. Dumampot siya ng isa, binuksan ito at uminom ng tubig.Pabalik na siya ng kama nang mapansin n
"KANINA kasi nang hawakan ko ang painting pakiramdam ko nasa loob ako nito. Nasa gitna ako ng dagat at naging sirena ako." Kuwento ni Alyssa. Inaasahan na niya ang magiging reaksiyon ni Maggie.Humagalpak ng tawa si Maggie sa narinig na sinabi ni Alyssa."Ikaw, kung saan na nakakarating ang imahinasyon mo ano?" natatawang tanong ni Maggie sa kanya."I'm serious!" Seryosong sabi ni Alyssa. Nag kuwento pa siya sa kaibigan tungkol sa nakita niyang babae. Pero ayaw maniwala sa kanya ng kaibigan."Alas singko pa lang ng umaga, subukan mo ulit matulog girl," suhestiyon ni Maggie at muling sumampa sa kama at nahiga. "Pag gising ko nakita na kita na nakatayo sa tapat ng painting, hindi ako kumurap girl, kaya sa maniwala ka sa hindi pero hindi ka umalis sa kinatatayuan mo.""P-pero kasi--" hindi na natuloy ni Alyssa ang sasabihin ng muling magsalita ang kaibigan."Matulog kana, baka hindi mo namalayan nakatulog ka at sa sobrang pagkabighani mo sa painting
"SANA nga maganda ang kalabasan kapag pipintahan ko na," halatang natutuwa din si Maggie sa kanyang ginawa. Inakbayan ni Alyssa ang kaibigan. "Syempre naman, ikaw pa!" Tinulungan ni Alyssa na magligpit ng gamit ang kaibigan at pagkatapos sumunod na silang lumabas ng silid na iyon sa mga kasama. "Nakakagutom pala ang gumuhit," birong reklamo ni Maggie sabay himas ng tiyan. "Sinabi mo pa, kaya kumain ka ng madami talent mo din 'yan!" Natatawang biro niya sa kaibigan. Inirapan naman siya ni Maggie. "Tse!" Umismid ito. Natatawang pinindot niya ang tungkil ng ilong nito. "Ang cute mo talaga!" SA HAPAG KAINAN.....Sinigang na hipon at gulay na pakbet na sinamahan pa ng pritong isdang bangus ang pananghalian nila, kaya lalong natakam ang magkaibigan na Alyssa at Maggie maging ang kanilang mga kasama. "Kumain kayo ng madami huwag kayong mahihiya." Nakangiting sabi ni Gregorio sa mga estudyante niya. Sumandok ito ng k
NGUMITI si Carlos kay Alyssa."Okay lang ako. Broken family lang ako pero may lola naman akong mahal na mahal ako." Sabi pa ni Carlos. "Kahit naman may sariling family na ang mga parents ko suportado pa din naman nila ako, katunayan nga kina mama ako nag e stay habang nag-aaral. Kapag weekend naman umuuwi ako ng cavite.""Ako naman only daughter lang ako." Simula ni Alyssa. "Okay naman ang parents ko kaso lagi silang busy sa work, kaya itong si Maggie na bestfriend ko ang laging kong kasama." Kuwento niya."Wala pa boyfriend si Alyssa since birth." Sabat naman ni Maggie.Dinampot ni Alyssa ang isang tsinelas niya at ipinukol kay Maggie na nakailag naman."Pagpasensiyahan mo na si Maggie ha, ganyan talaga 'yan palabiro." Nahihiyang sabi niya kay Carlos.Ngumiti si Carlos at umayos ng upo."Walang boyfriend pero may nanliligaw?" Seryosong tanong ng binata. Tumingin
"AYON! umamin din!" Tukso ni Miguel sabay tapik sa balikat ni Carlos. "Mukha naman mabait si Alyssa. Naku ang suwerte mo bro, kapag naging girlfriend mo siya."Napangiti naman si Carlos sa sinabi nito. Wish niya lang na pareho sila nang nararamdaman ng dalaga."Eh ikaw, may nagugustuhan ka ba sa mga girls dito?" Tanong ni Carlos kay Miguel."Meron," mabilis na sagot nito. "Si Sofia!""Halata naman sa inyong dalawa ni Sofia na pareho kayong may gusto sa isat-isa." Sabi ni Noel sabay abot ng soda na nasa table. "Kung magtitigan kayo parang hinuhubaran n'yo ang isat-isa!""Loko!" Natatawang inakbayan ni Miguel ang katabi na si Noel sabay kinutusan niya ito sa ulo.Sabay na napalingon sa mahabang hagdan ang mga binata. Nakita nilang pababa nang hagdan ang babaeng pinag-uusapan nila.Si Sofia! Nakasuot ito nang puting top tube at maiksing short at mukhang bagong ligo.
"ALAM mo na kong ano ang gagawin mo." Mahinang sabi ni Gregorio sa kausap. Napatingin sa kanya ang binata, nginitian niya ito.Gumanti ng ngiti si Miguel sa artist at muling ipinagpatuloy ang pagpipinta.Isang oras din ang nakalipas ng matapos ang dalawa. Lumapit sa mga ito ang artist. Una nitong tinignan ang ginawa ni Miguel."Magaling!" Puri ni Gregorio na sinabayan pa ng palakpak."Yes!" Tuwang sambit ni Miguel, saktong napasulyap sa kanya si Sofia. Mabilis na kindat ang ginawa niya para sa dalaga. Kinikilig na ngumiti naman si Sofia.Nilapitan naman ni Gregorio ang ginawa ng dalaga."Magaling!" Puri din ni Gregorio sa dalaga sabay tapik sa kanang balikat nito."Thank you Sir," kinikilig na pasasalamat ni Sofia. Tuwang - tuwa siya dahil maganda ang kinalabasan ng painting."Pirmahan na ninyo ang mga larawan na inyong kinulayan," utos ni Gregorio sa dalawa."Pero Sir, kayo po ang may-ri ng painting," mabilis na sagot ni S
"SAAN KAYO GALING?" Panabay na tanong ng anim na mga teenager. Nagpalitan ng tingin ang tatlo Alyssa, Maggie at Carlos. Walang namutawi sa mga bibig nila na patakbong niyakap ang mga nakabalik ng kasamahan, masaya sila at nagkita-kita na ulit sila. "Uy, parang ang tagal natin na hindi nagkita-kita!" Natatawang puna ni Noel kay Carlos at kumawala ito sa yakap ng binata. Ang natandaan lang ni Noel ay iyong araw bago ito umalis kasama si Mang Nestor. "Bumalik kayo ng mansiyon ni Sofia?" Tanong ni Noel kay Miguel. Napakunot-noo naman si Miguel sa narinig. "Hindi naman kami umalis ni Sofia." Sagot ni Miguel na tinapunan ng tingin ang pinag-uusapan na dalaga wala din itong maalala sa nangyari dito. Pakamot-kamot sa bumbunan niya si Noel, parang may nangyayari yata sa mansiyon na hindi niya alam. Natatawang inakbaya
"MAGSITIGIL KAYO!" Malakas na saway ni Alyssa sa dalawang lalaki na panay pa din ang palitan ng suntok.I to ang eksenang naabutan ng dalaga sa likuran bahagi ng mansyon.Natigil sa pagsuntok si Gregorio nang makilala ang boses ng nagsalita.Iniangat naman ni Carlos ang kanyang ulo para makita ang bagong dating .May tuwang naramdaman ang binata ng mapag-sino ito."Alyssa, nagbalik ka!" mabilis na naitulak ng binata ang natigilan pa din na artist.Masama ang tingin na ipinukol ni Gregorio sa dalaga, may sapusa yata ang buhay ng dalaga.Hindi pa din lubos maisip ni Gregorio kung papaanong nakalabas sa painting ang dalaga, lalo na nga at naabu na ang sinunog niyang painting na kung saan dapat nakakulong ang dalaga.Mariing naikuyom ni Gregorio ang mga kamay bago ito magsalita."Paanong nakalabas ka sa iyong kulungan?" tukoy nito sa painting.
NAABUTAN NINA MAGGIE AT CARLOS ang artist sa likurang bahagi ng mansiyon. Humahalkhak ito habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkasunog ng painting. Hindi nito napansin ang paglapit ng dalawang estudyante dahil nasa nasusunog na painting nakatuon ang pansin nito.Mabilis na dinamba ni Carlos ang nakatalikod na artist, mukha itong nagulat kaya hindi nito naiwasan ang suntok na galing sa binata. Sapol sa panga ang artist, napaatras ito. Nakita ni Carlos ang isang kamay nito na tila aabutin ang nakasukbit na baril, mabilis na inundayan niya ito ng sipa."Arghhh!" Ungol ni Gregorio. Sapo nito ang duguang mga labi, naningkit ang mga matang tumingin sa nanggagalaiti sa galit na binata.Mabilis na kinapa ni Gregorio ang kanyang baril, pero wala na ito doon sa pinagsukbitan niya.Mabilis na dinampot naman ni Maggie ang tumilapon na baril sa kinaroroonan niya.Muling uundayan ng
HININTAY muna ni Aling Iseng na tuluyan na makalabas ng mansiyon ang kanyang amo, kanina pa ito nagkukubli sa isang malaki at mataas na flower vase. Nasaksihan ng matanda ang lahat ng kaganapan sa malaking sala, nagdadalawang isip ito kung lalabas ba sa pinagtataguan o mananatili nalang siyang magtatago doon.Dati pa alam na niya ang mga kababalaghan na ginagawa ng amo, matagal na panahon na din silang naging sunod-sunuran dito. Pero sa nasaksihan niya kanina hindi na nakakaya ng kanyang konsensya. Nag sign of the cross muna si Aling Iseng, bago mabilis na lumabas sa pinagtataguan.Mabilis na nilapitan ni Aling Iseng ang dalawang estudyante na nasa sala."A-aling Iseng?" Nagulat man si Maggie, pero nabuhayan naman siya ng loob ng makita ang matandang babae. "Tulungan mo kami Aling Iseng, parang awa mo na." Luhaan na pakiusap ng dalaga sa matanda.Nung una nag dalawang isip pa si Aling Isen
NARAMDAMAN ni Alyssa ang pagtanggal ng pintor sa lubid na nakatali sa kanyang mga kamay, sunod naman na tinanggal nito ang kanyang piring.Makailang ulit na ipinikit ni Alyssa ang nanakit na mga mata, medyo lumabo ang kanyang paningin gawa ng pagkakapiring sa kanyang mga mata."Ha!" Singhap ng dalaga ng may maramdaman siyang matigas na bagay na nakatutok sa kanyang sintido.Nagsisisigaw naman si Maggie sa takot dahil sa nasaksihan nito, inaakala ng dalaga na babarilin ng artist ang kaibigan."Huwag mo'ng ituloy 'yan, parang awa mo na po Sir!" Umiiyak na pagsusumamo ni Maggie. Pinilit na gumapang ng dalaga gamit ang kanyang dibdib at tuhod upang makalapit kay Alyssa."Isulat mo ang pangalan mo at pirmahan mo!" Mariin na utos nito sa dalaga. Inabot nito kay Alyssa ang paintbrush at black ink na gagamitin nito."Ayoko!" Mariing tanggi ni Alyssa, luhaan ang mg
"Ayoko, bitiwan mo ako!" umiiyak na pakiusap ni Charlotte nang maramdaman ang paghablot sa kanyang braso ng artist. Nagpupumiglas ang dalaga. "Parang awa mo na Sir, huwag po!" pakiusap pa nito at sumigaw ng malakas na humihingi ng saklolo. Narindi si Gregorio sa sigaw ng dalaga kaya isang malakas na sampal ang binigay niya dito. "Kapag hindi ka tumahimik hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin!" singhal nito sa dalaga. Umiiyak na tumahimik na nga si Charloyte. Ramdam ng dalaga ang sakit ng pagkakasampal sa kanya ng artist. Natakot na itong magsalita at baka totohanin nga nito ang banta. Itinayo ni Gregorio ang dalaga. Walang abog-abog na binuhat ang nagulat na dalaga. "Anong gagawin mo sa akin? Saan mo ako dadalhin?" Hintakot na sunod-sunod na tanong ng dalaga. Pabalyang iniupo ng artist sa isang silya ang dalaga. Marahas ang mga kamay na tinanggal ni
"Ha, ha, ha, ha, ha!" Masayang halakhak ni Gregorio. Inabot nito ang baso na may laman na orange juice. Nilagok nito ang orange juice, sinaid ang laman ng baso.Napasandal sa silya si Gregorio, muling ipinatong nito ang wala ng laman na baso sa lamesa. Hindi mawala-wala ang ngiti nito sa labi habang pinagmamasdan ang mga nakatulog na mga estudyante, maging ang matandang si Aling Iseng. Pero hindi naman siya interesado sa matanda, nadamay lang ito dahil nakakain din ito ng ulam na nilagyan niya ng pampatulog.Tumayo ang artist at isa-isang inangat ang mga mukha ng mga estudyanteng nakatulog, huli nitong pinagmasdan ang mukha ni Alyssa."Masyado ka kasing pabida, may ilang araw pa sana kayo na ilalagi sa mundong ito, pero ginalit mo ako!" Mariing sabi nito at marahas na binitiwan nito ang hawak na buhok ng dalaga. Bumagsak ang mukha ng dalaga sa babasagin na lamesa, pero hindi ito nagising.
"Tingin ninyo bakit nasa trashbag ni Sir ang mga cellphone na 'yan?" tanong ni Alyssa sa mga kasama. Hindi naman nakaimik ang mga ito,"Pakiramdam ko may masamang nangyari sa kanila," pag-amin ni Charlotte. "Kanina nabuksan ko pa ang cellphone ni Daisy, nabasa ko ang mensahe ng kuya niya. At mukhang hindi nakauwi si Daisy sa kanila.""Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ni Carlos. Hindi pa din makapaniwala ang binata na kayang gumawa ng masama ng artist. Sa mga ipinakita nito sa kanila masasabi mo talagang mabait ito at alaga pa sila sa pagkain."Nabasa ko sa mensahe ng kuya ni Daisy na nagtatanong ito kung kailan siya babalik ng Manila, ibig sabihin hindi nga umalis ng mansiyon si Daisy. Hindi ito umuwi sa kanila, sobrang nag-aalala na sa kanya ang kanyang pamilya." Mahabang sagot ni Charlotte.Napabuntong hininga ang binata at mataman na tumingin ito kay Alyssa. Kung totoo ang sinasabi n
NAPANSIN ni Gregorio na parang ang tagal makabalik sa silid na iyon ng dalagang si Charlotte. Parang may kakaibang naramdaman ang artist kaya nagpaalam ito sa tatlong estudyante na kunwari ay may kukunin lang sa baba.Nasa tapat ng pinto si Charlotte, huminga muna ito ng malalim para pakalmahin ang sarili. hinawakan ng dalaga ang seradura para pihitin, pero bigla itong bumukas kaya napasigaw sa gulat ang dalaga."Eeeeeeehhh!" Nakapikit na sigaw ng dalaga.Pati si Gregorio nagulat sa sigaw ng dalaga dahil pagbukas niya ng pinto ay nasa tapat na pala ito ng silid na iyon."Charlotte," tawag pansin ni Gregorio sa dalaga.Tumigil naman ang dalaga sa pagsigaw."S-sorry po, Sir, n-nagulat po ako," hinging paumanhin ni Charlotte sa artist.Nakayukong pumasok na si Charlotte sa silid na iyon. Hindi na nagawang tumingin ng dalaga sa natigilan na pi