"Bakit ang dungis mo na naman? Tanong ni Marilyn sa pamangkin. Mula nang mamatay ang mga magulang ng bata, siya na ang kumupkop dito, naging pangalawang ina siya ng bata. "Si Dolly po kasi, sabi ko sa kanya ayoko maglaro pero nagalit siya." Tukoy ng bata sa hawak na manika. Nasundan naman ng tingin ni Marilyn ang manikang hawak nito, pero dahil walong taon palang ang kanyang pamangkin ay sinawalang bahala niya ang mga sinasabi ng bata. "Anong ginagawa ni Dolly kapag nagagalit siya?" Sinakyan ni Marilyn ang sinabi ni Maya. "Minsan tita nagpapalit po kami, minsan ako ang nasa loob ng kahon para maging manika at siya naman ay magiging tao." Naguluhan si Marilyn sa sinabi ng pamangkin, natatawang ginulo niya ang mahabang buhok nito. Ngunit isang araw ay muli niyang nakita ang isang maputing batang babae, hawak nito ang kahon kung saan nilalagay niya ang manika ni Maya. Pinagsabihan ni Marilyn ang batang babae sa pag-aakalang kukunin nito ang manika ng pamangkin niya. Pinaalis niya ang batang babae, ngumiti lang ito sa kanya. Ngiting nagbigay ng kaba sa sa dibdib ni Marilyn. Inilapag ng batang babae ang kahon at mabilis na itong tumakbo palabas ng gate. Ngunit ganoon na lamang ang hilakbot na nadarama ni Marilyn nang buksan niya ang kahon at makita ang isang manika na nasa loob. "Hindi ito totoo, Maya!"
View MoreNanlulumo na muling napaupo sa sofa ang si Marilyn. She's positive it was Perlita. Lalo na nga at nabanggit ang kanilang lugar na kung saan doon daw ito nasagasaan.Maging si Mang Alfonso ay hindi din makapaniwala sa napanood na balita, nanginig ang kamay na ine-off nito ang tv."Itay anong gagawin natin?" tanong niya sa kanyang ama."Anak hindi pa tayo sigurado na si Perlita nga iyong babaeng nakita nilang bangkay," nagawa pa din sabihin iyon ni Mang Alfonso kahit na nga may kutob na ito na si Perlita ang nakitang bangkay sa dumpsite."Si Perlita iyon itay, iyong kasuotan niya at maging ang street natin." Mangiyak-ngiyak na niyang sabi.Naaawa siya sa sinapit ni Perlita, kung alam lang sana niya na sasapitin ito ng dalaga sana hindi na talaga niya ito pinaalis ng bahay. Sobrang na guilty siya sa nangyari sa dalaga. "Kasalanan ko ang nangyari k
MAKIKITA naman sa itaas na bahagi ng bangin ang kumpolan ng mga kotse at mga taong nakatanaw sa natutupok na kotse sa ilalim ng bangin. At iisang salita ang namutawi sa mga bibig ng mga taong nakiusyuso sa aksidenteng naganap."Dios ko, kawawa naman ang mga sakay ng nasa kotse!" bulalas ng isang babae na nakatakip ang isang kamay sa bibig nito."Kawawa naman ang mga biktima!" hiyawan ng mga taong nakiki-usyuso.Mula sa kung saan maririnig ang mga tunog ng mga sasakyan ng mga paparating na ambulance, mga wang-wang ng nga police mobile car at fire trucks."Tabi-tabi!" sigaw ng mga police na bagong dating.Tumabi naman ang mga taong nakikiusyuso.
PAGDATING sa sala may nakitang tatlong pulis si Marilyn, kinabahan agad siya. "Magandang umaga po mga Sir," kinakabahan na bati niya sa tatlong pulis. "Maupo po muna tayo," Naupo ang tatlong pulis sa sofa sa tapat nila ng kanyang mga magulang habang kalong naman niya sa kandungan ang pamangkin. Nakita niyang tinignan ng tatlong pulis ang kanyang pamangkin at tila naunawaan naman niya ang ibig ipabatid ng mga ito. "Maya, doon ka na muna sa kuwarto mo ha." "Bakit po tita?" nagtataka ang inosenteng mukha ng bata. "May importante lang kami na pag-uusapan," "Okay po,"
"SEE?" ipinakita ni Marilyn ang manika na nakapatong sa ibabaw ng tokador. Kasalukuyan na nasa loob na sila ng kuwarto ng pumanaw niyang kapatid. "Pero tita I swear, nakita ko po si Dolly kanina." Pinagpipilitan pa din ng bata ang nakita nito kanina. "Dolly is here!" medyo napalakas ang boses na sabi niya. Agad naman na naitakip ni Marilyn ang isang palad sa kanyang bibig, hindi naman niya sinasadya na mapalakas ang kanyang boses. Nakita ni Marilyn ang paglamlam ng mga mata ng kanyang pamangkin, na kahit na anong oras ay babagsak na ang luha nito sa mga mata. "We are all in danger!" pasigaw na sabi ng bata. Hindi na napigilan nito ang sarili na maiyak dahil masama ang loob nito
AT nang makasakay na sa truck ang dalawa ay mabilis na itong pinasibad ng driver ng truck. "Anong gagawin natin sa babae?" balot pa din ng takot ang lalaki, ayaw din nitong makulong dahil may lima siyang anak na binubuhay. "Itatapon natin sa dumpsite, ikaw at ako lang ang nakakaalam sa insidenteng ito kaya kung ako saiyo itikom mo iyang bibig mo kung ayaw mo pareho tayong damputin at dalhin sa kulungan!" may galit sa boses na mahabang turan ng driver. Minabuti na ngang manahimik ng lalaki kahit na nga kinakain na siya ng kanyang konsensiya, pero mas mahalaga sa kanya ang kanyang pamilya, magugutom ang kanyang mga anak kung makukulong siya. Kanina pa nakatigil sa tapat ng gate ng malaking bahay ang rider, usapan nila ng nobya ay alas-nuwebe
SI Marilyn lang ang pumasok sa kanyang kuwarto para kumuha ng pera na ibibigay niya kay Perlita, habang nasa labas ng kuwarto ang kanyang pamangkin at si Perlita.Pagkakuha ng pera ay agad naman niya iyong iniabot sa dalaga."Salamat po ate," nakangiting sabi ng dalaga at ibinulsa ang perang binigay niya dito."Mag-iingat kayo ha," paalala niya kay Perlita. "May susi ka naman sa gate, pakisuyo na lang paki-lock pagkalabas mo." Dugtong pa niya, may tiwala naman siya sa dalaga dahil kamag-anak ito ng isa sa mga kaibigan niya at sa mukha pa lang nito mukhang hindi naman ito gagawa ng hindi maganda."Opo ate, sige po aalis na po ako!" paalam dalaga at tumalikod na.Nasundan na lamang ng tingin ni Marilyn ang dalaga na pababa na ng hagdan. Hindi niya maintindihan pero parang nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba habang tinitignan ang papalayong si Perlita."Tita," narinig niyang tawag ni Maya na bahagyang hinila ang dulo ng suot niya na blouse.
HINDI na nag tagal sa bahay na iyon si Padre Damian, dahil dadaan pa ito ng simbahan para sa pang+alas sais na misa.Si Marilyn na ang naghatid hanggang sa sasakyan na van ang Pari at mga kasama nito, habang nasa nakabukas naman na gate nakatayo si Perlita na kasambahay nila.Bago pumasok ng van si Father Damian ay kinausap niya muna ang dalaga para balaan ito."Ineng mag-iingat kayo, kanina may naramdaman akong masamang esperitu na nananahan sa bahay na ito. Hindi ako sigurado kung ligaw na kaluluwa ng mag-asawang namatay. Basta mag-iingat kayo," mahabang bilin ni Padre Damian bago sumakay ng van.Sa sinabing iyon ni Padre Damian tila may takot na bumalot sa buong pagkatao ni Marilyn. Sa ilang araw na paninirahan nila sa bahay ng kanyang ate wala naman silang naramdaman na kakaiba o panganib para sa kanilang pamilya. Pero dahil sa sinabi ng pari nag-iwan iyon ng takot sa kanyang puso.
PAGPASOK ni Aling Mercedes sa kuwarto ng apo, nakita nito na abala nga sa paglalaro ng manika na bigay niya ang bata.Nakangiting nilapitan ng ginang ang apo pero bago pa man ito makalapit sa bata ay napansin nito ang isang manika na nasa ilalim ng kama nito. Lumuhod ang ginang at inabot ang manika."Apo, sino nagbigay saiyo ng manikang ito?" tanong ng ginang sa bata na ipinakita dito ang pinulot na manika. "Ang Daddy o ang Mommy mo?""Si tita Marilyn po. Dolly po ang pangalan ng doll na 'yan lola." Sagot ni Maya na mahigpit na niyakap ang bagong manika niya."Ayaw mo ba sa manikang ito?" muling tanong ng ginang na naupo na sa tabi ng apo."Ayaw po," sagot ng bata na sinabayan ng pag-iling ng ulo."Mas gusto ko po itong doll na bigay mo lola, kasi si dolly bad po 'yan!" dugtong pa ng bata.Hindi naman na nagtanong ang si Aling Mercedez kung bakit nasabi ng bata n
NAALALA ni Marilyn na nasa bulsa pala niya ang susi ng kwarto ni Maya, hindi siya magkandatuto sa pagdukot sa kanyang bulsa. Nasaan na ba iyon?inis na bulong sa sarili ng dalaga nang hindi madukot ang susi. Natuwa siya nang mahawakan ang susi, nandoon lang pala iyon sa pinakamaliit na bulsa ng suot niyang pantalon. Mabilis na ipinasok ng dalaga ang hawak na susi sa keyhole ng door knob at mabilis na pinihit iyon. "Maya!" tawag ng dalaga sa pamangkin na nakahiga sa sahig, tingin niya nakatulog ito kaya pala hindi siya nito sinasagot. Patakbong nilapitan niya ang nakahiga pa din na pamangkin, inangat niya ang ulo nito at sinimulang gisingin ito. "Maya wake up!" "Uunghh..." Ungol ng bata bago tuluyan i
HALOS madurog ang puso ni Marilyn habang pinagmamasdan ang pamangkin na walang tigil ang iyak, mahigpit na yakap nito ang kabaong ng ina tapus lilipat ito sa isa pang kabaong kung nasaan ang katawan ng ama. "Mama, papa, sasama na ako sa inyo." Umiiyak na sabi ng bata. Napapikit ng mga mata si Marilyn sa narinig na sinabi ng pamangkin, sobrang naaawa siya sa bata. Walong taong gulang pa lang ang pamangkin niyang si Maya, pero maagang naulila na sa magulang. Mahigpit na niyakap ng matandang babae ang apo na walang tigil sa pag-iyak, pilit na inilalayo sa mga kabaong dahil ipapasok na ang mga ito sa butas kung saan ilalagak ang mga kabaong. "Mama! papa!" umiiyak na nagwawala ang batang si Maya. ...
Comments