Home / All / The Doll / Chapter 1

Share

The Doll
The Doll
Author: corasv

Chapter 1

Author: corasv
last update Last Updated: 2021-05-10 14:28:29

HALOS madurog ang puso ni Marilyn habang pinagmamasdan ang pamangkin na walang tigil ang iyak, mahigpit na yakap nito ang kabaong ng ina tapus lilipat ito sa isa pang kabaong kung nasaan ang katawan ng ama.

"Mama, papa, sasama na ako sa inyo." Umiiyak na sabi ng bata.

Napapikit ng mga mata si Marilyn sa narinig na sinabi ng pamangkin, sobrang naaawa siya sa bata. Walong taong gulang pa lang ang pamangkin niyang si Maya, pero maagang naulila na sa magulang.

Mahigpit na niyakap ng matandang babae ang apo na walang tigil sa pag-iyak, pilit na inilalayo sa mga kabaong dahil ipapasok na ang mga ito sa butas kung saan ilalagak ang mga kabaong.

"Mama! papa!" umiiyak na nagwawala ang batang si Maya.

Mabilis naman na nilapitan ni Marilyn ang kanyang ina, niyakap niya ang umiiyak na pamangkin.

"Maya," tawag niya sa pangalan ng pamangkin. "N'andito pa naman ang tita, hindi naman kita pababayan. Mahal kita, kami ng lolo at lola mo."

Yumakap ng mahigpit sa kanya ang bata habang tuloy pa din ang pag-iyak

"Tita, hindi ko na ba makikita sina Mama at Papa?" inosenteng tanong nito sa kanya.

Tumingala si Marilyn upang pigilan ang luhang sumisilip na sa kanyang mga mata.

"Maya, kahit kailan hindi ka iiwan ng Mama at Papa mo. Mahal na mahal ka nila, hindi mo man sila nakikita pero lagi silang nakatingin saiyo. Babantayan ka nila, Maya!" paliwanag niya sa bata habang hinihimas ang likod nito.

"Totoo po, tita?"

Tumango si Marilyn.

"May pupuntahan lang ang Mama at Papa mo, pero lagi ka nilang babantayan. Huwag ka ng umiyak ha, naandito pa naman ang tita ako ang mag aalaga saiyo. Mamahalin kita tulad ng pagmamahal ng mga magulang mo."

Tumango ang bata pero humihikbi pa din ito.

PAGKATAPOS ng libing, tumuloy na muna sila sa bahay ng kanyang kapatid ang ina ni Maya. Pinag-usapan nila ng kanyang magulang at magulang ng asawa ng ate niya kung saan titira ang bata.

"Iuuwi ko na lang ang aking apo sa probinsya," sabi ng ina ng ama ni Maya.

Agad naman na nag-react si Marilyn.

"Hindi po p'wede, napakalayo ng inyong probinsya. Paano namin madadalaw ang bata?" sabat niya.

Mabilis naman siyang hinawakan sa kamay ng kanyang ina para patahimikan. "Hindi, Nay," piksi niya. "Kung tutuusin mas may karapatan tayo kay Maya, dala niya ang apelyedo natin."

Totoo ang sinabi ni Marilyn dahil bago pa man ikasal ang mga magulang ni Maya ay naipanganak na ito. At dahil sa hindi naman agad tinanggap ng lalaki ang bata napilitan silang ipagamit ang apelyedo nila sa bata.

Natahimik naman ang matanda, nakuha nito ang ibig pakahulugan ng dalaga. Hindi lingid sa mga ito na hindi sila boto sa asawa ng anak nilang namayapa na ama ni Maya.

"Sa probinsya mabibigyan namin siya ng magandang buhay, nag-iisang apo lang namin si Maya. Lahat ng aming kayamanan sa kanya mapupunta." Segunda naman ng matandang lalaki.

"Ang kailangan ni Maya ang totoong pagmamahal, hindi ako papayag na iuwi niyo siya sa probinsya kahit na humantong pa tayo sa hukuman. Hindi ninyo makukuha ang bata!" Mariing sabi ni Marilyn.

"Tita," boses ni Maya.

Sabay na napalingon ang mga nasa sala sa mahabang hagdan, nakita nila ang batang si Maya na nakatayo sa itaas ng hagdan.

"Excuse me," paalam ni Marilyn sa mga kausap. Tumayo ang dalaga at tinungo ang hagdan para puntahan ang bata.

Naiwan naman ang apat na matanda sa sala, muli nilang pinag-usapan ang kustodiya ng bata.

INAKAY ni Marilyn ang pamangkin na si Maya, muli niya itong ipinasok sa silid nito.

Binuhat ng dalaga ang bata at pinaupo sa ibabaw ng kama.

"Maya, pakiusap huwag ka sumama sa mga lolo at lola mo sa probinsya. Malulungkot ang tita," aniya at mahigpit na niyakap ang bata, gumanti naman ng yakap sa kanya si Maya..

"Tita, huwag mo po akong ibibigay sa kanila, dito na lang po tayo sa bahay ni Mama. Malumanay na sabi ni Maya.

Hinalikan ni Marilyn ang ulo ng bata.

"Oo Maya, hindi ako papayag na kunin ka nila saamin. Kami ang iyong pamilya ang totoong nagmamahal sayo,"

"Talaga po tita?" inosenteng tanong nito sa kanya. Tumingala pa ang bata kaya nakita niya ang malungkot nitong mukha, namamaga ang mga mata dahil sa pagdadalamhati nito sa pagkamatay ng mga magulang.

"Pangako, hindi ako papayag na makuha ka nila saamin." Paniniguro niya dito. "Sige na magpahinga kana muna dito sa kuwarto mo, baba muna ang tita ha." Paalam niya sa bata.

"Sige po tita," tumango ito.

"Gusto mo ba manood ng tv?'' tanong niya sa bata.

Tumango ulit ang bata.

Tumayo si Marilyn, kinuha niya ang remote ng tv na nasa ibabaw ng maliit na tokador ng bata. Ine-on ng dalaga ang tv at saglit na namili ng mga kids show, spongebob square pants ang napili niya.

"Ok na ba 'yan o papalitan ko pa?" tanong ng dalaga sa bata.

"'Yan na lang po tita," malumanay na sagot nito.

Muli siyang naupo sa kama, hinalikan niya sa noo ang bata. Inabot niya ang dalawang malalaking unan at nilagay iyon sa likuran ni Maya, bahagya niyang inihiga ang pamangkin. Nakita niya kasi ang sunod-sunod nitong paghikab. Alam niyang pagod ang bata at kulang ito sa tulog dahil ni minsan hindi ito umalis sa tabi ng kabaong ng mga magulang, lagi itong umiiyak.

Muling nakaramdam ng lungkot at awa ni Marilyn para sa pamankin, napakabata pa nito para maulila sa mga magulang.

Car accident ang ikinamatay ng mag-asawa kasalukuyan na papunta ang mga ito sa trabaho ng mahagip ng malaking truck ang kotseng sinasakyan ng mga ito. Masakit din sa kanila ng kanyang magulang ang pagkawala ng mahal nila sa buhay lalo na at panganay ang ate niya, mabait at mapagmahal na anak at kapatid.

Naalala pa niya kung paano nito kinaya ang pagbubuntis sa pamankin niyang si Maya, kahit na alam niyang sobrang nasasaktan ito dahil hindi pinanagutan ng lalaki ang pinagbubuntis nito. Lalo pa nag sumikap sa buhay ang kanyang ate nang makapanganak na ito, mataas ang pangarap nito para sa anak. Pero ng tumuntong sa edad na dalawang taon ang batang si Maya muling nagparamdam ang lalaki, inalok nito ng kasal ang kanyang ate. S'yempre noong una hindi sila pumayag dahil sa ginawa nitong pang-iiwan sa ate niya, pero wala din naman silang magawa dahil mahal pa din nito ang lalaki. Kinasal ang dalawa at namuhay na isang masayang pamilya, nakita naman nila ang pag-susumikap ng lalaki para makabawi sa mag-ina kaya natutunan na din nilang patawarin ang lalaki.

Pero sadyang may hangganan ang buhay ng tao, walang nakakaalam kung kailan ka kukunin ng may kapal, kung hanggang saan lang ang buhay na ibinigay saiyo ng diyos.

Napabuntong hininga si Marilyn. "Lalabas na muna ang tita," paalam niya sa bata.

Inaantok na tumango naman ang bata, muli niya itong hinalikan sa noo bago siya lumabas ng silid nito.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
adiwahyubowo
Can't wait for the next updates!!! This is so great! I wish you could share any social media I could follow so I can send you lots of love!!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Doll   Chapter 2

    SA may sala, napagkasunduan ng bawat pamilya na mananatili sa Maynila ang batang si Maya kasama ni Marilyn. Doon ito titira sa bahay ng namayapang mag-asawa kasama ng bata, pumayag na din ang dalawang matanda. Ang usapan, kada pasko kukunin nila ang bata para doon mag diwang ng pasko sa probinsya, pumayag naman si Marilyn ang mahalaga nasa kanya ang kustodiya ng bata. Hindi na nila pinag-usapan ang tungkol sa bahay ng mag-asawa dahil nakapangalan ito sa anak na si Maya, naisip din ng mag-asawang matanda na mas nakakabuti kung nasa Maynila ang bata para may maiwan na alala dito ng mga magulang. "AALIS NA KAMI,"paalam ng matandang babae. "Dito na kayo mag palipas ng gabi," ani Marilyn sa mag-asawa.

    Last Updated : 2021-05-10
  • The Doll   Chapter 3

    "NARIYAN na sila, akin na ang apo ko dito na maupo sa tabi ng lola," Ani Aing Pacing at inabot ang apo sa dalaga. "Pagkabigat na ng aking apo," iniupo nito ang bata sa isang silya na katabi nito. Inabot ni Marilyn ang plato ni Maya, nilagyan ito ng kanin at ulam na adobong manok. "Maya, kain ka ng gulay para laging healthy." Ani Marilyn at nilagyan ng gulay na chopseuy. Tumango lang naman ang bata ng nakangiti. "Kakain ka ng madami ha," "Yes po tita!" Naupo na din si Marilyn, naglagay na din siya ng pagkain sa kanyang plato. "Very good talaga ang aming baby Maya," tuwang sam

    Last Updated : 2021-05-10
  • The Doll   Chapter 4

    "Madami ka yatang niluto nak?" puna ni Mang Alfonso nang makita ang iba-ibang pagkain na nasa lamesa na. Nakangiting nilingon ng dalaga ang ama. "S'yempre tay, gawin natin special ang mga araw na naandito pa kayo ni inay." Sagot niya at ine-off na ang stove. "Maiwan na po muna kita tay, gigisingin ko lang si Maya," paalam niya sa ama. Tumango naman ito kaya lumabas na siya ng kusina. Nasa sala na si Marilyn nang matanaw niya ang pamangkin na pababa na ng hagdan, maayos ang mahabang buhok nito at ang aliwalas tignan ng mukha. Isa ito sa nagustuhan niya sa bata, bukod sa malambing na marunong na din ito mag-ayos ng sarili. Kahit only child lang ang bata hindi naman ito pinalaking spoiled ng mga magulang.

    Last Updated : 2021-05-10
  • The Doll   Chapter 5

    DAPIT-HAPON, kasalukuyan na nasa garden si Marilyn at nagdidilig ng mga halaman nang mapansin niyang wala na sa kinauupuang bench si Maya. Sinarado ng dalaga ang gripo at iniligpit ang hawak na hose, pumasok siya sa bahay at naabutan niyang nasa sala ang kanyang mga magulang nanonood ang mga ito ng telebisyon."Nay, napansin n'yo po ba si Maya?'' tanong niya sa ina."Nagpaalam na pupunta daw siya sa kanyang kuwarto doon na lang daw siya maglalaro," anang kanyang ina na muling ibinalik ang paningin sa pinapanood."Ganoon po ba, sige po akyatin ko na muna si Maya." Paalam niya sa mga magulang."Ipaghahanda ko kayo ng juice, may niluto akong pansit mag meryenda kayong dalawa ni Maya.""Sige po inay, kayo ba ni itay nakapagmeryenda na?""Hindi pa naman anak, mauna na lang kayo ni Maya. Alam mo naman ang itay mo gustong kasama ako kapag nanonood siya ng paborito

    Last Updated : 2021-05-10
  • The Doll   Chapter 6

    PAGKATAPOS mag meryenda nagpaalam si Marilyn sa mga magulang na may gagawin lang sa kanyang kuwarto, nagpaiwan naman si Maya sa sala kasama ng lola at lolo nito. Nanonood ang mga ito ng pambatang movie ang 'the little mermaid'requestni Maya sa kanya bago siya umalis ng sala. Pagkapasok niya sa kanyang kuwarto agad na binusisi niya ang kanyang laptop, nakadapa sa ibabaw ng kama ang dalaga habang tsine-tsek ang kanyang email. Madami siyang natanggap na emails na purocondolenceang laman ng mensahe. May natanggap din siyang mensahe na galing sa kanyang boss na agad niyang binasa, ayon sa kanyang nabasa isang buwan na ang ibinigay sa kanyang bakasyong ng kompanya with pay pa!Sobrang natuwa siya sa nabasang mensahe galing sa kanyang boss kaya agad naman siyang nag reply dito.T

    Last Updated : 2021-05-11
  • The Doll   Chapter 7

    MATAMAN na nakatingin naman ang batang si Maya sa kanyang tiyahin pero ang mga mata nito tila balisa. May gustong sabihin pero ayaw magsalita, iniisip kasi nito na baka kapag nagsumbong siya paghiwalayin sila ni Dolly ang kanyang manika. Ayaw mangyari ni Maya iyon dahil ayaw niyang mawalan ng kalaro.Nakita ni Marilyn ang ginawang paghipo ni Maya sa mukha ng manika pero wala naman nangyari sa bata. Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya, ilang araw pa lang sila naninirahan sa bahay ng ate Esmie niya pero madami na ang nangyayari sa kanya na hindi niya maunawaan. Hallucination nga lang ba niya ang lahat ng iyon o talagang nagpaparamdam sa kanya ang kanyang kapatid, o baka naman napaparanoid lang siya.Napabuntong hininga si Marilyn, sumasakit na ang kanyang ulo sa kaiisip. Palalampasin niya muna ang mga nangyari sa kanya sa araw na iyon, pero kapag nag tuloy-tuloy pa, kailangan na yata niyang mag pa check up baka over stressed na siya ng hind

    Last Updated : 2021-05-12
  • The Doll   Chapter 8

    PAGKAPASOK sa kabahayan mabilis na ni-lock ng kanyang ama ang screen door at maging ang pangalawang pinto. Tsenek din nito kung mga naka lock na din ba ang mga bintana. At ng ma-secure na naka-locked na ang lahat sabay na silang tatlo umakyat ng hagdan. Muling pumasok sa kuwarto ng pamangkin ang dalaga, naupo muna ito sa gilid ng kama nakatingin sa kawalan habang inaaalala ang mukha ng batang babae. Pakiwari ni Marilyn namumukhan niya ang batang babae, hindi niya lang matandaan kung saan at kailan niya ito unang nakita. Malalim na napabuntong hininga ang dalaga, humiga na siya sa kama sa tabi ng pamangkin hindi na nito napansin ang maduming mga talampakan ng manika. Patihayang nakahiga sa kama ang dalaga habang nakapatong sa noo nito ang isang braso, hindi pa din mawala sa kanyang isipan ang mukha ng batang babae. Sa

    Last Updated : 2021-05-13
  • The Doll   Chapter 9

    "Aaahhh!!" Malakas na tili ni Mrs. Castillo nang ma-out of balance ito. Naramdaman niya na may tumulak sa bandang likuran niya.Nagpagulong-gulong ang prinsipal teacher sa mahabang hagdan habang sumisigaw hanggang sa bumulagta na ito sa sahig.Duguan ang ilong at ulo ng guro pero may malay pa ito. Nakita nito ang isang manika na nakatayo sa itaas na bahagi ng hagdan, ngumisi pa ito sa kanya na ikinatakot ng guro bago ito mawalan ng malay tao.Gaya ng pangako ng pamangkin hindi nga ito umalis sa kinakatuyaan nito. Paglabas ni Marilyn ng banyo naabutan niya si Maya na kinakausap ang hawak na manika."Lets go na!" yakag niya kay Maya inabot niya ang isang kamay nito at umalis na sa lugar na iyon."Excuse me!" boses sa bandang likuran ni Marilyn na ikinagulat niya.Ano kaya ang nangyayari? bulong niya sa sarili nang makita ang mga nagtatakbuhan na mga guro at guwardiy

    Last Updated : 2021-05-14

Latest chapter

  • The Doll   Chapter 23

    Nanlulumo na muling napaupo sa sofa ang si Marilyn. She's positive it was Perlita. Lalo na nga at nabanggit ang kanilang lugar na kung saan doon daw ito nasagasaan.Maging si Mang Alfonso ay hindi din makapaniwala sa napanood na balita, nanginig ang kamay na ine-off nito ang tv."Itay anong gagawin natin?" tanong niya sa kanyang ama."Anak hindi pa tayo sigurado na si Perlita nga iyong babaeng nakita nilang bangkay," nagawa pa din sabihin iyon ni Mang Alfonso kahit na nga may kutob na ito na si Perlita ang nakitang bangkay sa dumpsite."Si Perlita iyon itay, iyong kasuotan niya at maging ang street natin." Mangiyak-ngiyak na niyang sabi.Naaawa siya sa sinapit ni Perlita, kung alam lang sana niya na sasapitin ito ng dalaga sana hindi na talaga niya ito pinaalis ng bahay. Sobrang na guilty siya sa nangyari sa dalaga. "Kasalanan ko ang nangyari k

  • The Doll   Chapter 22

    MAKIKITA naman sa itaas na bahagi ng bangin ang kumpolan ng mga kotse at mga taong nakatanaw sa natutupok na kotse sa ilalim ng bangin. At iisang salita ang namutawi sa mga bibig ng mga taong nakiusyuso sa aksidenteng naganap."Dios ko, kawawa naman ang mga sakay ng nasa kotse!" bulalas ng isang babae na nakatakip ang isang kamay sa bibig nito."Kawawa naman ang mga biktima!" hiyawan ng mga taong nakiki-usyuso.Mula sa kung saan maririnig ang mga tunog ng mga sasakyan ng mga paparating na ambulance, mga wang-wang ng nga police mobile car at fire trucks."Tabi-tabi!" sigaw ng mga police na bagong dating.Tumabi naman ang mga taong nakikiusyuso.

  • The Doll   Chapter21

    PAGDATING sa sala may nakitang tatlong pulis si Marilyn, kinabahan agad siya. "Magandang umaga po mga Sir," kinakabahan na bati niya sa tatlong pulis. "Maupo po muna tayo," Naupo ang tatlong pulis sa sofa sa tapat nila ng kanyang mga magulang habang kalong naman niya sa kandungan ang pamangkin. Nakita niyang tinignan ng tatlong pulis ang kanyang pamangkin at tila naunawaan naman niya ang ibig ipabatid ng mga ito. "Maya, doon ka na muna sa kuwarto mo ha." "Bakit po tita?" nagtataka ang inosenteng mukha ng bata. "May importante lang kami na pag-uusapan," "Okay po,"

  • The Doll   Chapter 20

    "SEE?" ipinakita ni Marilyn ang manika na nakapatong sa ibabaw ng tokador. Kasalukuyan na nasa loob na sila ng kuwarto ng pumanaw niyang kapatid. "Pero tita I swear, nakita ko po si Dolly kanina." Pinagpipilitan pa din ng bata ang nakita nito kanina. "Dolly is here!" medyo napalakas ang boses na sabi niya. Agad naman na naitakip ni Marilyn ang isang palad sa kanyang bibig, hindi naman niya sinasadya na mapalakas ang kanyang boses. Nakita ni Marilyn ang paglamlam ng mga mata ng kanyang pamangkin, na kahit na anong oras ay babagsak na ang luha nito sa mga mata. "We are all in danger!" pasigaw na sabi ng bata. Hindi na napigilan nito ang sarili na maiyak dahil masama ang loob nito

  • The Doll   Chater 19

    AT nang makasakay na sa truck ang dalawa ay mabilis na itong pinasibad ng driver ng truck. "Anong gagawin natin sa babae?" balot pa din ng takot ang lalaki, ayaw din nitong makulong dahil may lima siyang anak na binubuhay. "Itatapon natin sa dumpsite, ikaw at ako lang ang nakakaalam sa insidenteng ito kaya kung ako saiyo itikom mo iyang bibig mo kung ayaw mo pareho tayong damputin at dalhin sa kulungan!" may galit sa boses na mahabang turan ng driver. Minabuti na ngang manahimik ng lalaki kahit na nga kinakain na siya ng kanyang konsensiya, pero mas mahalaga sa kanya ang kanyang pamilya, magugutom ang kanyang mga anak kung makukulong siya. Kanina pa nakatigil sa tapat ng gate ng malaking bahay ang rider, usapan nila ng nobya ay alas-nuwebe

  • The Doll   Chapter 18

    SI Marilyn lang ang pumasok sa kanyang kuwarto para kumuha ng pera na ibibigay niya kay Perlita, habang nasa labas ng kuwarto ang kanyang pamangkin at si Perlita.Pagkakuha ng pera ay agad naman niya iyong iniabot sa dalaga."Salamat po ate," nakangiting sabi ng dalaga at ibinulsa ang perang binigay niya dito."Mag-iingat kayo ha," paalala niya kay Perlita. "May susi ka naman sa gate, pakisuyo na lang paki-lock pagkalabas mo." Dugtong pa niya, may tiwala naman siya sa dalaga dahil kamag-anak ito ng isa sa mga kaibigan niya at sa mukha pa lang nito mukhang hindi naman ito gagawa ng hindi maganda."Opo ate, sige po aalis na po ako!" paalam dalaga at tumalikod na.Nasundan na lamang ng tingin ni Marilyn ang dalaga na pababa na ng hagdan. Hindi niya maintindihan pero parang nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba habang tinitignan ang papalayong si Perlita."Tita," narinig niyang tawag ni Maya na bahagyang hinila ang dulo ng suot niya na blouse.

  • The Doll   Chapter 17

    HINDI na nag tagal sa bahay na iyon si Padre Damian, dahil dadaan pa ito ng simbahan para sa pang+alas sais na misa.Si Marilyn na ang naghatid hanggang sa sasakyan na van ang Pari at mga kasama nito, habang nasa nakabukas naman na gate nakatayo si Perlita na kasambahay nila.Bago pumasok ng van si Father Damian ay kinausap niya muna ang dalaga para balaan ito."Ineng mag-iingat kayo, kanina may naramdaman akong masamang esperitu na nananahan sa bahay na ito. Hindi ako sigurado kung ligaw na kaluluwa ng mag-asawang namatay. Basta mag-iingat kayo," mahabang bilin ni Padre Damian bago sumakay ng van.Sa sinabing iyon ni Padre Damian tila may takot na bumalot sa buong pagkatao ni Marilyn. Sa ilang araw na paninirahan nila sa bahay ng kanyang ate wala naman silang naramdaman na kakaiba o panganib para sa kanilang pamilya. Pero dahil sa sinabi ng pari nag-iwan iyon ng takot sa kanyang puso.

  • The Doll   Chapter 16

    PAGPASOK ni Aling Mercedes sa kuwarto ng apo, nakita nito na abala nga sa paglalaro ng manika na bigay niya ang bata.Nakangiting nilapitan ng ginang ang apo pero bago pa man ito makalapit sa bata ay napansin nito ang isang manika na nasa ilalim ng kama nito. Lumuhod ang ginang at inabot ang manika."Apo, sino nagbigay saiyo ng manikang ito?" tanong ng ginang sa bata na ipinakita dito ang pinulot na manika. "Ang Daddy o ang Mommy mo?""Si tita Marilyn po. Dolly po ang pangalan ng doll na 'yan lola." Sagot ni Maya na mahigpit na niyakap ang bagong manika niya."Ayaw mo ba sa manikang ito?" muling tanong ng ginang na naupo na sa tabi ng apo."Ayaw po," sagot ng bata na sinabayan ng pag-iling ng ulo."Mas gusto ko po itong doll na bigay mo lola, kasi si dolly bad po 'yan!" dugtong pa ng bata.Hindi naman na nagtanong ang si Aling Mercedez kung bakit nasabi ng bata n

  • The Doll   Chapter 15

    NAALALA ni Marilyn na nasa bulsa pala niya ang susi ng kwarto ni Maya, hindi siya magkandatuto sa pagdukot sa kanyang bulsa. Nasaan na ba iyon?inis na bulong sa sarili ng dalaga nang hindi madukot ang susi. Natuwa siya nang mahawakan ang susi, nandoon lang pala iyon sa pinakamaliit na bulsa ng suot niyang pantalon. Mabilis na ipinasok ng dalaga ang hawak na susi sa keyhole ng door knob at mabilis na pinihit iyon. "Maya!" tawag ng dalaga sa pamangkin na nakahiga sa sahig, tingin niya nakatulog ito kaya pala hindi siya nito sinasagot. Patakbong nilapitan niya ang nakahiga pa din na pamangkin, inangat niya ang ulo nito at sinimulang gisingin ito. "Maya wake up!" "Uunghh..." Ungol ng bata bago tuluyan i

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status