Share

Chapter 4

Author: corasv
last update Last Updated: 2021-05-10 15:45:39

"Madami ka yatang niluto nak?" puna ni Mang Alfonso nang makita ang iba-ibang pagkain na nasa lamesa na.

Nakangiting nilingon ng dalaga ang ama. "S'yempre tay, gawin natin special ang mga araw na naandito pa kayo ni inay." Sagot niya at ine-off na ang stove.

"Maiwan na po muna kita tay, gigisingin ko lang si Maya," paalam niya sa ama. Tumango naman ito kaya lumabas na siya ng kusina.

Nasa sala na si Marilyn nang matanaw niya ang pamangkin na pababa na ng hagdan, maayos ang mahabang buhok nito at ang aliwalas tignan ng mukha.

Isa ito sa nagustuhan niya sa bata, bukod sa malambing na marunong na din ito mag-ayos ng sarili. Kahit only child lang ang bata hindi naman ito pinalaking spoiled ng mga magulang.

Nakangiting inabangan ni Marilyn ang batang si Maya sa ibabang bahagi ng hagdan.

"Good morning po tita," inosenting bati nito sa kanya.

"Good morning Maya," ngiting bati niya din dito at inakay ito sa balikat.

Agad na napansin ng batang si Maya ang manika na nakaupo sa sofa. Bumitiw si Maya sa dalaga at patakbong nilapitan ang manika.

Nasundan ng tingin ni Marilyn ang tumakbong pamangkin.

"Wow tita, para po saakin ito 'diba?" tanong nito sa kanya habang mahigpit na yapos ang manika. "Salamat po tita!" masayang sabi pa nito.

Hindi siya nakasagot agad, gusto niya sanang tanungin ang bata kung pagmamay-ari nito ang manika, pero base sa reaksyon nito parang ngayon lang nakita ang manika. Gusto niya sanang sabihin dito na nakita lang ito ng lola nito sa attic pero mas pinili na lang niyang huwag sabihin. Nakakatunaw ng puso ang ngiting nakikita niya sa pamangkin.

"Oo, para talaga saiyo 'yan Maya, nagustuhan mo ba?" Tanong niya dito sa pinasiglang boses.

Bahagya siyang nagulat ng yumakap ito sa kanyang mga binti habang karga nito sa isang kamay ang manika.

"Salamat po tita, sobrang nagustuhan ko po!" Masiglang sagot nito at bumitiw na sa pagkakayakap sa kanya.

Natutuwa si Marilyn sa nakikitang kasiyahan sa mukha ni Maya, kahit papaano nabawasan na din ang lungkot nito na nadarama.cNatanaw niya ang kanyang ina na papalapit sa kanilang dalawa ni Maya. Mabilis siyang nag paalam sa bata para salubungin ang ina.

"Mukhang nagustuhan ng apo ko ang manika," nakangiting turan ni Aling Pacing habang nakatanaw ang paningin sa apo na nilalaro ang manika.

"Pssst..." anya at inilagay sa kanyang labi ang hintuturo. Tila nagtaka naman ang ginang. "Ang akala ni Maya saakin galing ang manika nay, pero nang makita ko ang excitement sa kanyang mukha hindi ko na nasabi na nakita mo lang sa attic ang manika." Pag-amin niya sa ina.

Napatango naman ang matanda.

"Huwag na lang po natin sabihin na hindi galing saakin ang manika nay, nakita ko kasing sobrang saya ni Maya nang makita ang manika. Baka kasi kapag sinabi natin ang totoo, hindi niya ito tanggapin." Pakiusap niya sa ina.

"Oo nman anak, ang mahalaga ay makita natin na masaya na ulit ang aking apo. Iyon naman gusto nating lahat, salamat sa diyos at nakita ko ang manika na iyon." Natutuwang sabi ng kanyang ina.

"Oo nga po inay at natutuwa po akong makita na ngumingiti na ulit si Maya," anya habang pinagmamasdan ang nakangiting bata habang nakatanaw sa kanila. "Ah, nay nakapagluto na pala ako, tara na sa kusina at makapag-almusal na po tayo," yakag niya sa ina.

Tinawag ni Marilyn ang pamangkin, patakbo naman itong lumapit sa kanya.

"Maya, mag breakfast na muna tayo. Mamaya na kayo mag laro ng iyong manika," sabi niya dito. Tumango naman ang bata, muli nitong inilagay sa sofa ang hawak na manika at bumalik ito sa kanya.

"Tita salamat po ulit,"

"Your welcome, Maya," sagot niya pero ang kanyang mata ay nasa kanyang ina.

Tumungo nga sila sa kusina para mag almusal.

Sa hapag-kainan masaya nilang pinagsaluhan ang mga nilutong pagkain ng dalaga.

Maya-maya ang tingin ni Marilyn sa kumakain na pamangkin, halatang ganado itong kumain kaya natutuwa siya. Kahit ang mag -asawang Alfonso at Pacing natutuwa sa nakikita nilang sigla ng kanilang apo.

Sana tuloy-tuloy na, sa loob-loob ni Marilyn habang panay ang higop ng sabaw ng sopas. Ayaw na niyang makitang malungkot ulit ang pamangkin dahil sobrang naaawa siya dito.

Una, nagpapasalamat siya sa panginoon dahil hindi nito hinayaan na tumagal pa ang pagdadalamhati na nararamdaman ng bata, pangalawa sa nakitang manika ng kanyang ina. Hindi maitatanggi na mula nang makita ng bata ang manika meron na agad siyang nakitang spark sa mga mata nito, iyon ba na kahit hindi mo sabihin na masaya ka o ang ibang tao, makikita mo naman ito sa reaksyon ng isang tao.

"Gusto mo pa ba ng kanin Maya?'' tanong niya sa pamangkin.

Nakangiting tumango ang bata. Inabot ni Marilyn ang pinaglagyan ng sangag na kanin at sinalinan ang plato ng bata.

"Kain lang ng kain ha," nakangiting sabi niya sa pamangkin at ginulo bahagya ang buhok nito sa bumbunan.

"Opo tita!" Sagot ni Maya kahit na punong-puno ang bibig.

Inakbayan ni Mang Alfonso ang kanyang asawa, ipinilig naman ng ginang ang ulo sa balikat ng asawa. Sobrang natutuwa sila sa kanilang nakikita sa apo.

Naagaw naman ang atensyong ni Marilyn ng kanyang mga magulang.

"Ahemm," kunwa'y tikhim niya. "Baka langgamin kayo sa sobrang sweet ninyo ni tatay." Puna niya sa mga magulang at muli siyang sumandok ng sopas.

Natatawa naman na pinaglayo ng mag-asawa ang mga sarili.

"S'yempre anak, ganyan kami magmahalan ng tatay mo." Sagot ni Aling Pacing na sinulyapan ang asawa bago ito muling sumubo ng pagkain.

"Naiinggit lang iyang anak mo dahil wala pang lovelife!" tukso sa kanya ng ama.

"Naku tay,makita ko lang na masaya kayo ni inay kahit wala na akong love life okay lang!" sabi niyang totoo, wala pa kasi talaga sa isip niya ang mga pag-ibig na 'yan. Twenty three na siya pero nbsb pa. No boyfriend since birth ika nga! hindi naman siya pangit, sadya lang talaga hindi pa siya interesado sa mga ganoong bagay.

"Baka tumandang dalaga ka niyan anak?" anang kanyang ina.

"Hindi naman nay, bata pa naman ako. Tsaka aminin niyo ni yatay ayaw pa ninyo akong makapag-asawa?"

Napakamot sa batok ang kanyang ama, hindi naman nakaimik ang kanyang ina. Sabi na ngaba niya tama ang hula niya ayaw pa nilang mag asawa na siya.

Ipinagpatuloy nila ang masaganang almusal na sinabayan pa din nila ng kuwentuhan.

Related chapters

  • The Doll   Chapter 5

    DAPIT-HAPON, kasalukuyan na nasa garden si Marilyn at nagdidilig ng mga halaman nang mapansin niyang wala na sa kinauupuang bench si Maya. Sinarado ng dalaga ang gripo at iniligpit ang hawak na hose, pumasok siya sa bahay at naabutan niyang nasa sala ang kanyang mga magulang nanonood ang mga ito ng telebisyon."Nay, napansin n'yo po ba si Maya?'' tanong niya sa ina."Nagpaalam na pupunta daw siya sa kanyang kuwarto doon na lang daw siya maglalaro," anang kanyang ina na muling ibinalik ang paningin sa pinapanood."Ganoon po ba, sige po akyatin ko na muna si Maya." Paalam niya sa mga magulang."Ipaghahanda ko kayo ng juice, may niluto akong pansit mag meryenda kayong dalawa ni Maya.""Sige po inay, kayo ba ni itay nakapagmeryenda na?""Hindi pa naman anak, mauna na lang kayo ni Maya. Alam mo naman ang itay mo gustong kasama ako kapag nanonood siya ng paborito

    Last Updated : 2021-05-10
  • The Doll   Chapter 6

    PAGKATAPOS mag meryenda nagpaalam si Marilyn sa mga magulang na may gagawin lang sa kanyang kuwarto, nagpaiwan naman si Maya sa sala kasama ng lola at lolo nito. Nanonood ang mga ito ng pambatang movie ang 'the little mermaid'requestni Maya sa kanya bago siya umalis ng sala. Pagkapasok niya sa kanyang kuwarto agad na binusisi niya ang kanyang laptop, nakadapa sa ibabaw ng kama ang dalaga habang tsine-tsek ang kanyang email. Madami siyang natanggap na emails na purocondolenceang laman ng mensahe. May natanggap din siyang mensahe na galing sa kanyang boss na agad niyang binasa, ayon sa kanyang nabasa isang buwan na ang ibinigay sa kanyang bakasyong ng kompanya with pay pa!Sobrang natuwa siya sa nabasang mensahe galing sa kanyang boss kaya agad naman siyang nag reply dito.T

    Last Updated : 2021-05-11
  • The Doll   Chapter 7

    MATAMAN na nakatingin naman ang batang si Maya sa kanyang tiyahin pero ang mga mata nito tila balisa. May gustong sabihin pero ayaw magsalita, iniisip kasi nito na baka kapag nagsumbong siya paghiwalayin sila ni Dolly ang kanyang manika. Ayaw mangyari ni Maya iyon dahil ayaw niyang mawalan ng kalaro.Nakita ni Marilyn ang ginawang paghipo ni Maya sa mukha ng manika pero wala naman nangyari sa bata. Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya, ilang araw pa lang sila naninirahan sa bahay ng ate Esmie niya pero madami na ang nangyayari sa kanya na hindi niya maunawaan. Hallucination nga lang ba niya ang lahat ng iyon o talagang nagpaparamdam sa kanya ang kanyang kapatid, o baka naman napaparanoid lang siya.Napabuntong hininga si Marilyn, sumasakit na ang kanyang ulo sa kaiisip. Palalampasin niya muna ang mga nangyari sa kanya sa araw na iyon, pero kapag nag tuloy-tuloy pa, kailangan na yata niyang mag pa check up baka over stressed na siya ng hind

    Last Updated : 2021-05-12
  • The Doll   Chapter 8

    PAGKAPASOK sa kabahayan mabilis na ni-lock ng kanyang ama ang screen door at maging ang pangalawang pinto. Tsenek din nito kung mga naka lock na din ba ang mga bintana. At ng ma-secure na naka-locked na ang lahat sabay na silang tatlo umakyat ng hagdan. Muling pumasok sa kuwarto ng pamangkin ang dalaga, naupo muna ito sa gilid ng kama nakatingin sa kawalan habang inaaalala ang mukha ng batang babae. Pakiwari ni Marilyn namumukhan niya ang batang babae, hindi niya lang matandaan kung saan at kailan niya ito unang nakita. Malalim na napabuntong hininga ang dalaga, humiga na siya sa kama sa tabi ng pamangkin hindi na nito napansin ang maduming mga talampakan ng manika. Patihayang nakahiga sa kama ang dalaga habang nakapatong sa noo nito ang isang braso, hindi pa din mawala sa kanyang isipan ang mukha ng batang babae. Sa

    Last Updated : 2021-05-13
  • The Doll   Chapter 9

    "Aaahhh!!" Malakas na tili ni Mrs. Castillo nang ma-out of balance ito. Naramdaman niya na may tumulak sa bandang likuran niya.Nagpagulong-gulong ang prinsipal teacher sa mahabang hagdan habang sumisigaw hanggang sa bumulagta na ito sa sahig.Duguan ang ilong at ulo ng guro pero may malay pa ito. Nakita nito ang isang manika na nakatayo sa itaas na bahagi ng hagdan, ngumisi pa ito sa kanya na ikinatakot ng guro bago ito mawalan ng malay tao.Gaya ng pangako ng pamangkin hindi nga ito umalis sa kinakatuyaan nito. Paglabas ni Marilyn ng banyo naabutan niya si Maya na kinakausap ang hawak na manika."Lets go na!" yakag niya kay Maya inabot niya ang isang kamay nito at umalis na sa lugar na iyon."Excuse me!" boses sa bandang likuran ni Marilyn na ikinagulat niya.Ano kaya ang nangyayari? bulong niya sa sarili nang makita ang mga nagtatakbuhan na mga guro at guwardiy

    Last Updated : 2021-05-14
  • The Doll   Chapter 10

    "Basta huwag mo na uulitin 'yon ha,""Paulit-ulit kong gagawin iyon kapag may umapi saiyo Maya, sasaktan ko ang mga taong malalapit saiyo.""Kahit na ang mga lola, lolo at tita ko?"Ngumisi nangg nakakatakot ang bata. "Oo!" Sagot nito."Ayoko na saiyo bad ka!" sigaw ni Maya sa batang kaharap. "Ayaw na kitang kalaro!" tinulak ni Maya sa dibdib ang bata kaya napahiga ito sa ibabaw ng kama."Kapag hindi kana nakipaglaro saakin, sasaktan ko talaga sila!" pananakot ng bata na gumanti din ng tulak kay Maya. "Kung ayaw mo na saktan ko sila dapat ako pa din ang best friend mo. Mangako ka na makikipaglaro ka pa din saakin!" tila maiiyak sa galit na sabi ng bata bago ito bumalik sa anyong Manika dahil naramdaman nito na may paparating.Natigil sa pagkatok ng pinto si Marilyn nang marinig mula sa loob ng kuwarto ng pamangkin na parang may kausap si Maya."I hate y

    Last Updated : 2021-05-15
  • The Doll   Chapter 11

    SAMANTALANG sa kuwarto ng batang si Maya. Nag ngingitngit ang kalooban ng isang batang babae. Hindi nito nagustuhan ang ginawa sa kanya ni Maya.Bumalik sa alaala ng batang babae ang masamang nangyari sa kanyang buhay na mahabang panahon na ang nagdaan.Lumaki din siya sa piling ng kanyang tiyahin pero hindi kagaya ni Maya na mahal ito ng pamilya nito, samantalang siya pinagmalupitan ng kanyang tiyahin.Sinasaktan, ginugutom at ginawang alila. Sa kanyang huling hininga ang tanging kasama niya ay ang kanyang manika na kung saan hanggang ngayon nananahan ang kanyang ligaw na kaluluwa.Naiinggit siya kay Maya, gusto niyang maranasan kung ano man ang meron ito. Lahat gagawin niya magpalit lang sila ng kapalaran ng batang si Maya!Ngumiti ang bata ng pagkatamis na may ibig pakahulugan at tumawa ito ng mahina hanggang sa unti-unti na itong bumalik sa pagiging manika.MASAMA pa din ang loob ni Maya sa batang si Dolly ayaw pa din niy

    Last Updated : 2021-05-19
  • The Doll   Chapter 12

    MAGKASABAY na pumunta ng sala ang mag-ina, iyon talaga ang paborito nilang spot ng bahay ang sala dahil doon sila madalas mag kuwentuhan, manood ng movies at magmeryenda."Tita bakit hindi mo ako sinama?" Nagtatampo na sabi ni Maya sa kanya. Katabi niya itong nakaupo sa sofa."Sorry, Maya, may dinaanan kasi ang tita na bawal sa mga bata. Next time na lang ha, papasyal tayo nina lola." Guilty niyang sagot sa pamangkin."Promise?" paniniguro ng bata.Itinaas ni Marilyn ang isang kamay na parang nanunumpa."Promise!"sagot ng dalaga at pinisil ang tungki ng ilong ng pamangkin."Kumain na tayo habang mainit-init pa ang pizza na pasalubong ng tita mo," Ani Aling Pacing nang iabot nito sa dalaga ang platito na may isang slice na pizza."Salamat, nay," magalang na sabi ni Marilyn. Binigyan din ng isang platito na may isang slice na pizza ang apo at ang asawa ni Aling Pacing.Masayang nag-kukuwentuhan sa sala ang mag pamilya

    Last Updated : 2021-05-21

Latest chapter

  • The Doll   Chapter 23

    Nanlulumo na muling napaupo sa sofa ang si Marilyn. She's positive it was Perlita. Lalo na nga at nabanggit ang kanilang lugar na kung saan doon daw ito nasagasaan.Maging si Mang Alfonso ay hindi din makapaniwala sa napanood na balita, nanginig ang kamay na ine-off nito ang tv."Itay anong gagawin natin?" tanong niya sa kanyang ama."Anak hindi pa tayo sigurado na si Perlita nga iyong babaeng nakita nilang bangkay," nagawa pa din sabihin iyon ni Mang Alfonso kahit na nga may kutob na ito na si Perlita ang nakitang bangkay sa dumpsite."Si Perlita iyon itay, iyong kasuotan niya at maging ang street natin." Mangiyak-ngiyak na niyang sabi.Naaawa siya sa sinapit ni Perlita, kung alam lang sana niya na sasapitin ito ng dalaga sana hindi na talaga niya ito pinaalis ng bahay. Sobrang na guilty siya sa nangyari sa dalaga. "Kasalanan ko ang nangyari k

  • The Doll   Chapter 22

    MAKIKITA naman sa itaas na bahagi ng bangin ang kumpolan ng mga kotse at mga taong nakatanaw sa natutupok na kotse sa ilalim ng bangin. At iisang salita ang namutawi sa mga bibig ng mga taong nakiusyuso sa aksidenteng naganap."Dios ko, kawawa naman ang mga sakay ng nasa kotse!" bulalas ng isang babae na nakatakip ang isang kamay sa bibig nito."Kawawa naman ang mga biktima!" hiyawan ng mga taong nakiki-usyuso.Mula sa kung saan maririnig ang mga tunog ng mga sasakyan ng mga paparating na ambulance, mga wang-wang ng nga police mobile car at fire trucks."Tabi-tabi!" sigaw ng mga police na bagong dating.Tumabi naman ang mga taong nakikiusyuso.

  • The Doll   Chapter21

    PAGDATING sa sala may nakitang tatlong pulis si Marilyn, kinabahan agad siya. "Magandang umaga po mga Sir," kinakabahan na bati niya sa tatlong pulis. "Maupo po muna tayo," Naupo ang tatlong pulis sa sofa sa tapat nila ng kanyang mga magulang habang kalong naman niya sa kandungan ang pamangkin. Nakita niyang tinignan ng tatlong pulis ang kanyang pamangkin at tila naunawaan naman niya ang ibig ipabatid ng mga ito. "Maya, doon ka na muna sa kuwarto mo ha." "Bakit po tita?" nagtataka ang inosenteng mukha ng bata. "May importante lang kami na pag-uusapan," "Okay po,"

  • The Doll   Chapter 20

    "SEE?" ipinakita ni Marilyn ang manika na nakapatong sa ibabaw ng tokador. Kasalukuyan na nasa loob na sila ng kuwarto ng pumanaw niyang kapatid. "Pero tita I swear, nakita ko po si Dolly kanina." Pinagpipilitan pa din ng bata ang nakita nito kanina. "Dolly is here!" medyo napalakas ang boses na sabi niya. Agad naman na naitakip ni Marilyn ang isang palad sa kanyang bibig, hindi naman niya sinasadya na mapalakas ang kanyang boses. Nakita ni Marilyn ang paglamlam ng mga mata ng kanyang pamangkin, na kahit na anong oras ay babagsak na ang luha nito sa mga mata. "We are all in danger!" pasigaw na sabi ng bata. Hindi na napigilan nito ang sarili na maiyak dahil masama ang loob nito

  • The Doll   Chater 19

    AT nang makasakay na sa truck ang dalawa ay mabilis na itong pinasibad ng driver ng truck. "Anong gagawin natin sa babae?" balot pa din ng takot ang lalaki, ayaw din nitong makulong dahil may lima siyang anak na binubuhay. "Itatapon natin sa dumpsite, ikaw at ako lang ang nakakaalam sa insidenteng ito kaya kung ako saiyo itikom mo iyang bibig mo kung ayaw mo pareho tayong damputin at dalhin sa kulungan!" may galit sa boses na mahabang turan ng driver. Minabuti na ngang manahimik ng lalaki kahit na nga kinakain na siya ng kanyang konsensiya, pero mas mahalaga sa kanya ang kanyang pamilya, magugutom ang kanyang mga anak kung makukulong siya. Kanina pa nakatigil sa tapat ng gate ng malaking bahay ang rider, usapan nila ng nobya ay alas-nuwebe

  • The Doll   Chapter 18

    SI Marilyn lang ang pumasok sa kanyang kuwarto para kumuha ng pera na ibibigay niya kay Perlita, habang nasa labas ng kuwarto ang kanyang pamangkin at si Perlita.Pagkakuha ng pera ay agad naman niya iyong iniabot sa dalaga."Salamat po ate," nakangiting sabi ng dalaga at ibinulsa ang perang binigay niya dito."Mag-iingat kayo ha," paalala niya kay Perlita. "May susi ka naman sa gate, pakisuyo na lang paki-lock pagkalabas mo." Dugtong pa niya, may tiwala naman siya sa dalaga dahil kamag-anak ito ng isa sa mga kaibigan niya at sa mukha pa lang nito mukhang hindi naman ito gagawa ng hindi maganda."Opo ate, sige po aalis na po ako!" paalam dalaga at tumalikod na.Nasundan na lamang ng tingin ni Marilyn ang dalaga na pababa na ng hagdan. Hindi niya maintindihan pero parang nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba habang tinitignan ang papalayong si Perlita."Tita," narinig niyang tawag ni Maya na bahagyang hinila ang dulo ng suot niya na blouse.

  • The Doll   Chapter 17

    HINDI na nag tagal sa bahay na iyon si Padre Damian, dahil dadaan pa ito ng simbahan para sa pang+alas sais na misa.Si Marilyn na ang naghatid hanggang sa sasakyan na van ang Pari at mga kasama nito, habang nasa nakabukas naman na gate nakatayo si Perlita na kasambahay nila.Bago pumasok ng van si Father Damian ay kinausap niya muna ang dalaga para balaan ito."Ineng mag-iingat kayo, kanina may naramdaman akong masamang esperitu na nananahan sa bahay na ito. Hindi ako sigurado kung ligaw na kaluluwa ng mag-asawang namatay. Basta mag-iingat kayo," mahabang bilin ni Padre Damian bago sumakay ng van.Sa sinabing iyon ni Padre Damian tila may takot na bumalot sa buong pagkatao ni Marilyn. Sa ilang araw na paninirahan nila sa bahay ng kanyang ate wala naman silang naramdaman na kakaiba o panganib para sa kanilang pamilya. Pero dahil sa sinabi ng pari nag-iwan iyon ng takot sa kanyang puso.

  • The Doll   Chapter 16

    PAGPASOK ni Aling Mercedes sa kuwarto ng apo, nakita nito na abala nga sa paglalaro ng manika na bigay niya ang bata.Nakangiting nilapitan ng ginang ang apo pero bago pa man ito makalapit sa bata ay napansin nito ang isang manika na nasa ilalim ng kama nito. Lumuhod ang ginang at inabot ang manika."Apo, sino nagbigay saiyo ng manikang ito?" tanong ng ginang sa bata na ipinakita dito ang pinulot na manika. "Ang Daddy o ang Mommy mo?""Si tita Marilyn po. Dolly po ang pangalan ng doll na 'yan lola." Sagot ni Maya na mahigpit na niyakap ang bagong manika niya."Ayaw mo ba sa manikang ito?" muling tanong ng ginang na naupo na sa tabi ng apo."Ayaw po," sagot ng bata na sinabayan ng pag-iling ng ulo."Mas gusto ko po itong doll na bigay mo lola, kasi si dolly bad po 'yan!" dugtong pa ng bata.Hindi naman na nagtanong ang si Aling Mercedez kung bakit nasabi ng bata n

  • The Doll   Chapter 15

    NAALALA ni Marilyn na nasa bulsa pala niya ang susi ng kwarto ni Maya, hindi siya magkandatuto sa pagdukot sa kanyang bulsa. Nasaan na ba iyon?inis na bulong sa sarili ng dalaga nang hindi madukot ang susi. Natuwa siya nang mahawakan ang susi, nandoon lang pala iyon sa pinakamaliit na bulsa ng suot niyang pantalon. Mabilis na ipinasok ng dalaga ang hawak na susi sa keyhole ng door knob at mabilis na pinihit iyon. "Maya!" tawag ng dalaga sa pamangkin na nakahiga sa sahig, tingin niya nakatulog ito kaya pala hindi siya nito sinasagot. Patakbong nilapitan niya ang nakahiga pa din na pamangkin, inangat niya ang ulo nito at sinimulang gisingin ito. "Maya wake up!" "Uunghh..." Ungol ng bata bago tuluyan i

DMCA.com Protection Status