MATAMAN na nakatingin naman ang batang si Maya sa kanyang tiyahin pero ang mga mata nito tila balisa. May gustong sabihin pero ayaw magsalita, iniisip kasi nito na baka kapag nagsumbong siya paghiwalayin sila ni Dolly ang kanyang manika. Ayaw mangyari ni Maya iyon dahil ayaw niyang mawalan ng kalaro.
Nakita ni Marilyn ang ginawang paghipo ni Maya sa mukha ng manika pero wala naman nangyari sa bata. Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya, ilang araw pa lang sila naninirahan sa bahay ng ate Esmie niya pero madami na ang nangyayari sa kanya na hindi niya maunawaan. Hallucination nga lang ba niya ang lahat ng iyon o talagang nagpaparamdam sa kanya ang kanyang kapatid, o baka naman napaparanoid lang siya.Napabuntong hininga si Marilyn, sumasakit na ang kanyang ulo sa kaiisip. Palalampasin niya muna ang mga nangyari sa kanya sa araw na iyon, pero kapag nag tuloy-tuloy pa, kailangan na yata niyang mag pa check up baka over stressed na siya ng hindi niya namamalayan.KINAGABIHAN pagkatapos maghapunan maagang umakyat ng kuwarto ang magtiyahin. Request sa kanya ng pamangkin na samahan niya itong matulog sa kuwarto nito, kaya nagdala siya ng isang libro na babasahin niya habang hindi pa siya inaantok.
"Goodnight Maya," malambing na sabi niya sa pamangkin at ginawaran niya ito ng isang halik sa noo, inayos niya ang pagkakahiga nito."Goodnight Tita," sabi din nito na nakangiti sa kanya. "Goodnight Dolly," Nakahiga din ang manika sa tabi nito.Natigilan si Marilyn nang marinig niya ang pangalan ng manika. Mabilis din naman niyang sinaway ang sarili dahil kung anu-ano na agad ang naiisip niya sa manika.
"Matulog kana," anang dalaga at bahagyang itinaas nito ang kumot hanggang dibdib ng pamangkin. Nakita niya ang pagpikit ng mga mata ng bata hihintayin niya muna na makatulog ito bago siya magsimulang magbasa.Nang masiguro na nakatulog na ang pamangkin, nagsimula na din siyang magbasa. Dumapa sa kama ang dalaga malapit sa lampshade, fantasy book ang kanyang binabasa. Nakakalimang pages palang siya nang maramdaman ang paggalaw ni Maya, nakita niya na wala na sa unan ang ulo ng bata. Bumangon siya sa kama at inayos sa pagkakahiga ang pamangkin, napakunot noo si Marilyn nang mapansin na wala na sa tabi ng bata ang manika.Inabot niya ang kumot sa pag-aakalang baka natabunan lang ang manika, pero wala ito doon sa ibabaw ng kama.Blag!Napaigtad sa gulat ang dalaga, narinig niya ang malakas na kalabog buhat sa bintana. Parang may matigas na bagay ang tumama sa glass window. Itinigil niya ang paghahanap sa manika, bumaba siya ng kama at lumapit sa bintana. Atubiling dumungaw sa bintana ang dalaga, may nakita siyang isang batang babae na nakatayo at nakatingala ito, nagtama ang kanilang paningin. Maganda ang batang babae, mahaba ang buhok, maputi at nakasuot ito ng kulay puti na semi-dress.Bakit may bata dito? sino ang batang 'yan? sunod-sunod na tanong ng dalaga sa sarili habang pinagmamasdan ang bata na nanatiling nakatayo sa labas. Nakita niya ang pag slow motion na pagtalikod nito.Sandali bata! sigaw niya para sana pigilan ang pag-alis ng batang babae, nang marealize niyang imposible siyang marinig ng bata dahil nakasarado ang bintana sa kuwartong iyon. Mabilis na lumayo ang dalaga sa bintana balak niya sanang habulin ang nakitang bata, napalundag siya nang may maapakan na matigas na bagay.Kaya pala hindi niya makita ang manika sa kama ng pamangkin dahil nahulog ito sa sahig, mabilis niya itong dinampot at bahagyang pinagpag muli niyang inihiga sa kama ang manika katabi ng natutulog na pamangkin.Tinungo ni Marilyn ang pinto at lumabas, binabaybay na niya ang hagdan ng makasalubong ang kanyang ina na paakyat naman ng hagdan. Tumigil sa tapat niya ang kanyang ina."O anak, gising ka pa pala ang akala namin ng tatay mo ay nakatulog kana,""Nagbabasa pa po ako ng libro inay," sagot niya. "Nay, may napansin ba kayong bata sa labas, doon malapit sa gate?" tanong niya sa ina.Umiling ang ginang at bakas sa mukha ang pagtataka.
"Paano naman magkakaroon ng ibang bata dito, lalo na sa ganitong oras na ng gabi." Sagot ni Aling Pacing."May nakita akong bata nay, nakita ko siya buhat sa bintana ng kuwarto ni Maya nagkatitigan pa nga kami." Anya."Baka namamalikmata ka lang anak, matulog kana.""Hindi nay, totoo ang sinasabi ko. Tara nay, samahan mo ako sa labas silipin lang natin baka naandoon pa ang bata." Yakag niya sa ina, hindi na niya inantay na makasagot ito mabilis niyang hinawakan ang isang kamay ng ina at maingat na isinabay ito sa paglakad pababa ng hagdan."Susmaryosep itong batang ire, dahan-dahan lang at baka tayo ay mahulog," reklamo n Aling Pacing."Sorry nay," paumanhin ng dalaga at inalalayan ang ina sa paghakbang.NAPANSIN ni Mang Alfonso ang kanyang mag-ina na papalabas ng bahay, mabilis na napatayo sa sofa ang matandang lalaki para sundan ang dalawa. Tinatahak ng mga ito ang daan papuntang gate hindi pa din napansin ng mga ito ang sumusunod na si Mang Alfonso.
"Wala naman bata dito anak," puna ni Aling Pacing habang nag palinga-linga ito sa loob at labas ng gate.
"Pero nay, nakita ko po talaga kanina nakatayo siya banda dito." Sabi ni Marilyn sabay turo sa isang lugar kung saan niya nakitang nakatayo ang batang babae.
"T'saka anak paanong magkakaroon ng bata dito, malayo naman ang pagitan ng mga bahay dito sa lugar na ito. Tapus alas nuwebe na ng gabi,"
May punto naman ang kanyang ina, alas nuwebe na nga ng gabi at tahimik na ang Paligid. Tanging ang ilaw sa may garahe ang nagbibigay liwanag sa harap ng gate.
"Anong ginagawa n'yo dito?" biglang singit ni Mang Alfonso sa kanyang mag-ina.
Napasigaw naman sa gulat ang mag-ina, muntik ng mahampas sa mukha ni Aling Pacing ang asawa.
"Ano ka ba naman'g lalaki ka, mapapatay mo ako sa nerbiyos eh!" Inis na turan ni Aling Pacing nang makaharap ang asawa.
"Ano ba kasi ang ginagawa ninyong dalawa dito sa labas? ang dilim-dilim dito," muling tanong ni Mang Alfonso.
"Kasi itong anak mo may nakita daw na batang babae dito, nagpasama saakin para hanapin ang bata." Sagot ni Aling Pacing.
"Pero kasi tay, nakita ko talaga iyong batang babae nakatayo dito." Pagpupumilit pa ng dalaga.
"Anak naman, baka napadaan lang 'yong sinasabing mo na bata. Pumasok na tayo sa loob ng bahay mahamog na naandito pa din kayo sa labas."
Parang ayaw pa umalis sa lugar na iyon si Marilyn gusto niya kasing makasiguro na wala na nga doon ang batang nakita niya.
"Marilyn!" tawag pansin ni Mang Alofonso sa natigilang anak. "Tara na't pumasok na tayo sa loob ng bahay,"
"Opo tay," napipilitan na sagot ng dalaga.
Sabay na nga silang tatlo na umalis sa lugar na iyon, pero panay pa din ang lingon ni Marilyn sa may gate pero ni anino ng bata ay hindi na niya nakita.
PAGKAPASOK sa kabahayan mabilis na ni-lock ng kanyang ama ang screen door at maging ang pangalawang pinto. Tsenek din nito kung mga naka lock na din ba ang mga bintana. At ng ma-secure na naka-locked na ang lahat sabay na silang tatlo umakyat ng hagdan. Muling pumasok sa kuwarto ng pamangkin ang dalaga, naupo muna ito sa gilid ng kama nakatingin sa kawalan habang inaaalala ang mukha ng batang babae. Pakiwari ni Marilyn namumukhan niya ang batang babae, hindi niya lang matandaan kung saan at kailan niya ito unang nakita. Malalim na napabuntong hininga ang dalaga, humiga na siya sa kama sa tabi ng pamangkin hindi na nito napansin ang maduming mga talampakan ng manika. Patihayang nakahiga sa kama ang dalaga habang nakapatong sa noo nito ang isang braso, hindi pa din mawala sa kanyang isipan ang mukha ng batang babae. Sa
"Aaahhh!!" Malakas na tili ni Mrs. Castillo nang ma-out of balance ito. Naramdaman niya na may tumulak sa bandang likuran niya.Nagpagulong-gulong ang prinsipal teacher sa mahabang hagdan habang sumisigaw hanggang sa bumulagta na ito sa sahig.Duguan ang ilong at ulo ng guro pero may malay pa ito. Nakita nito ang isang manika na nakatayo sa itaas na bahagi ng hagdan, ngumisi pa ito sa kanya na ikinatakot ng guro bago ito mawalan ng malay tao.Gaya ng pangako ng pamangkin hindi nga ito umalis sa kinakatuyaan nito. Paglabas ni Marilyn ng banyo naabutan niya si Maya na kinakausap ang hawak na manika."Lets go na!" yakag niya kay Maya inabot niya ang isang kamay nito at umalis na sa lugar na iyon."Excuse me!" boses sa bandang likuran ni Marilyn na ikinagulat niya.Ano kaya ang nangyayari? bulong niya sa sarili nang makita ang mga nagtatakbuhan na mga guro at guwardiy
"Basta huwag mo na uulitin 'yon ha,""Paulit-ulit kong gagawin iyon kapag may umapi saiyo Maya, sasaktan ko ang mga taong malalapit saiyo.""Kahit na ang mga lola, lolo at tita ko?"Ngumisi nangg nakakatakot ang bata. "Oo!" Sagot nito."Ayoko na saiyo bad ka!" sigaw ni Maya sa batang kaharap. "Ayaw na kitang kalaro!" tinulak ni Maya sa dibdib ang bata kaya napahiga ito sa ibabaw ng kama."Kapag hindi kana nakipaglaro saakin, sasaktan ko talaga sila!" pananakot ng bata na gumanti din ng tulak kay Maya. "Kung ayaw mo na saktan ko sila dapat ako pa din ang best friend mo. Mangako ka na makikipaglaro ka pa din saakin!" tila maiiyak sa galit na sabi ng bata bago ito bumalik sa anyong Manika dahil naramdaman nito na may paparating.Natigil sa pagkatok ng pinto si Marilyn nang marinig mula sa loob ng kuwarto ng pamangkin na parang may kausap si Maya."I hate y
SAMANTALANG sa kuwarto ng batang si Maya. Nag ngingitngit ang kalooban ng isang batang babae. Hindi nito nagustuhan ang ginawa sa kanya ni Maya.Bumalik sa alaala ng batang babae ang masamang nangyari sa kanyang buhay na mahabang panahon na ang nagdaan.Lumaki din siya sa piling ng kanyang tiyahin pero hindi kagaya ni Maya na mahal ito ng pamilya nito, samantalang siya pinagmalupitan ng kanyang tiyahin.Sinasaktan, ginugutom at ginawang alila. Sa kanyang huling hininga ang tanging kasama niya ay ang kanyang manika na kung saan hanggang ngayon nananahan ang kanyang ligaw na kaluluwa.Naiinggit siya kay Maya, gusto niyang maranasan kung ano man ang meron ito. Lahat gagawin niya magpalit lang sila ng kapalaran ng batang si Maya!Ngumiti ang bata ng pagkatamis na may ibig pakahulugan at tumawa ito ng mahina hanggang sa unti-unti na itong bumalik sa pagiging manika.MASAMA pa din ang loob ni Maya sa batang si Dolly ayaw pa din niy
MAGKASABAY na pumunta ng sala ang mag-ina, iyon talaga ang paborito nilang spot ng bahay ang sala dahil doon sila madalas mag kuwentuhan, manood ng movies at magmeryenda."Tita bakit hindi mo ako sinama?" Nagtatampo na sabi ni Maya sa kanya. Katabi niya itong nakaupo sa sofa."Sorry, Maya, may dinaanan kasi ang tita na bawal sa mga bata. Next time na lang ha, papasyal tayo nina lola." Guilty niyang sagot sa pamangkin."Promise?" paniniguro ng bata.Itinaas ni Marilyn ang isang kamay na parang nanunumpa."Promise!"sagot ng dalaga at pinisil ang tungki ng ilong ng pamangkin."Kumain na tayo habang mainit-init pa ang pizza na pasalubong ng tita mo," Ani Aling Pacing nang iabot nito sa dalaga ang platito na may isang slice na pizza."Salamat, nay," magalang na sabi ni Marilyn. Binigyan din ng isang platito na may isang slice na pizza ang apo at ang asawa ni Aling Pacing.Masayang nag-kukuwentuhan sa sala ang mag pamilya
"I'm sorry," hinantay niya ang sagot ng pamangkin pero hindi ito nagsalita.Pinihit niya ang door knob natuwa siya dahil hindi pala iyon ni-lock ng bata ni Maya. Itinulak niya ng bahagya ang pinto, nakita niya ang pamangkin nakadapa ito sa ibabaw ng kama, nakasubsob ang mukha sa unan."Can i come in?" tanong niya sa bata, pero pumasok na siya kahit hindi ito sumagot sa kanya. Naglakad siya palapit sa kama nito."I'm not a liar tita," sabi ng batang si Maya nang maramdaman nito ang paggalaw ng kama dahil sa ginawang pag-upo ng dalaga.Hinimas-himas ni Marilyn ang mahabang buhok ng pamangkin, nanatili pa din itong nakadapa at nakasubsob ang mukha sa unan."I know," sagot niya sa sinabi ng pamangkin.Biglang angat ng mukha ang bata, naawa siya nang makita ang luhaang mga mata nito."Bakit ayaw mo po maniwala sa sinasabi ko?" inosenteng tanong nito.Pinaupo niya ang pamangkin at masuyong hinawakan ang kanang pisngi nito.
"NANDIYAN NA SILA," ngiting turan ni Aling Pacing nang matanaw ang magtiyahin na naglalakad papalapit sa sala."Ang aking apo!" ngiting bulalas ni Aling Mercedes ang lola ni Maya sa Ama.Binitiwan ni Marilyn ang kamay ng pamangkin. Patakbong lumapit naman ang bata sa kanyang lola."Lola!" masayang sambit ng bata at yumakap ng mahigpit sa abuwela."I have something for you!" kinuha ng ginang ang isang kahon na nakalapag sa sofa, iniabot ito sa apo na nandidilat ang mga mata sa tuwa."Wow, it's a doll!" tuwang bulalas ni Maya at sinimulan na buksan ang kahon. "Thank you lola, i love you!" Malambing na sabi pa ng bata sabay mabilis na humalik sa pisngi ng kanyang lola.Natutuwang pinagmasdan ni Marilyn ang maglola, naupo siya sa isang sofa."Kumusta naman ang aking apo?" tanong naman ng lolo nito sa Ama,kinarga nito ang bata at pinaupo sa kandungan nito."I'm fine lolo," ngiting sagot ng bata na nasa bagong manika nakatingin ang mga mata.
NAALALA ni Marilyn na nasa bulsa pala niya ang susi ng kwarto ni Maya, hindi siya magkandatuto sa pagdukot sa kanyang bulsa. Nasaan na ba iyon?inis na bulong sa sarili ng dalaga nang hindi madukot ang susi. Natuwa siya nang mahawakan ang susi, nandoon lang pala iyon sa pinakamaliit na bulsa ng suot niyang pantalon. Mabilis na ipinasok ng dalaga ang hawak na susi sa keyhole ng door knob at mabilis na pinihit iyon. "Maya!" tawag ng dalaga sa pamangkin na nakahiga sa sahig, tingin niya nakatulog ito kaya pala hindi siya nito sinasagot. Patakbong nilapitan niya ang nakahiga pa din na pamangkin, inangat niya ang ulo nito at sinimulang gisingin ito. "Maya wake up!" "Uunghh..." Ungol ng bata bago tuluyan i
Nanlulumo na muling napaupo sa sofa ang si Marilyn. She's positive it was Perlita. Lalo na nga at nabanggit ang kanilang lugar na kung saan doon daw ito nasagasaan.Maging si Mang Alfonso ay hindi din makapaniwala sa napanood na balita, nanginig ang kamay na ine-off nito ang tv."Itay anong gagawin natin?" tanong niya sa kanyang ama."Anak hindi pa tayo sigurado na si Perlita nga iyong babaeng nakita nilang bangkay," nagawa pa din sabihin iyon ni Mang Alfonso kahit na nga may kutob na ito na si Perlita ang nakitang bangkay sa dumpsite."Si Perlita iyon itay, iyong kasuotan niya at maging ang street natin." Mangiyak-ngiyak na niyang sabi.Naaawa siya sa sinapit ni Perlita, kung alam lang sana niya na sasapitin ito ng dalaga sana hindi na talaga niya ito pinaalis ng bahay. Sobrang na guilty siya sa nangyari sa dalaga. "Kasalanan ko ang nangyari k
MAKIKITA naman sa itaas na bahagi ng bangin ang kumpolan ng mga kotse at mga taong nakatanaw sa natutupok na kotse sa ilalim ng bangin. At iisang salita ang namutawi sa mga bibig ng mga taong nakiusyuso sa aksidenteng naganap."Dios ko, kawawa naman ang mga sakay ng nasa kotse!" bulalas ng isang babae na nakatakip ang isang kamay sa bibig nito."Kawawa naman ang mga biktima!" hiyawan ng mga taong nakiki-usyuso.Mula sa kung saan maririnig ang mga tunog ng mga sasakyan ng mga paparating na ambulance, mga wang-wang ng nga police mobile car at fire trucks."Tabi-tabi!" sigaw ng mga police na bagong dating.Tumabi naman ang mga taong nakikiusyuso.
PAGDATING sa sala may nakitang tatlong pulis si Marilyn, kinabahan agad siya. "Magandang umaga po mga Sir," kinakabahan na bati niya sa tatlong pulis. "Maupo po muna tayo," Naupo ang tatlong pulis sa sofa sa tapat nila ng kanyang mga magulang habang kalong naman niya sa kandungan ang pamangkin. Nakita niyang tinignan ng tatlong pulis ang kanyang pamangkin at tila naunawaan naman niya ang ibig ipabatid ng mga ito. "Maya, doon ka na muna sa kuwarto mo ha." "Bakit po tita?" nagtataka ang inosenteng mukha ng bata. "May importante lang kami na pag-uusapan," "Okay po,"
"SEE?" ipinakita ni Marilyn ang manika na nakapatong sa ibabaw ng tokador. Kasalukuyan na nasa loob na sila ng kuwarto ng pumanaw niyang kapatid. "Pero tita I swear, nakita ko po si Dolly kanina." Pinagpipilitan pa din ng bata ang nakita nito kanina. "Dolly is here!" medyo napalakas ang boses na sabi niya. Agad naman na naitakip ni Marilyn ang isang palad sa kanyang bibig, hindi naman niya sinasadya na mapalakas ang kanyang boses. Nakita ni Marilyn ang paglamlam ng mga mata ng kanyang pamangkin, na kahit na anong oras ay babagsak na ang luha nito sa mga mata. "We are all in danger!" pasigaw na sabi ng bata. Hindi na napigilan nito ang sarili na maiyak dahil masama ang loob nito
AT nang makasakay na sa truck ang dalawa ay mabilis na itong pinasibad ng driver ng truck. "Anong gagawin natin sa babae?" balot pa din ng takot ang lalaki, ayaw din nitong makulong dahil may lima siyang anak na binubuhay. "Itatapon natin sa dumpsite, ikaw at ako lang ang nakakaalam sa insidenteng ito kaya kung ako saiyo itikom mo iyang bibig mo kung ayaw mo pareho tayong damputin at dalhin sa kulungan!" may galit sa boses na mahabang turan ng driver. Minabuti na ngang manahimik ng lalaki kahit na nga kinakain na siya ng kanyang konsensiya, pero mas mahalaga sa kanya ang kanyang pamilya, magugutom ang kanyang mga anak kung makukulong siya. Kanina pa nakatigil sa tapat ng gate ng malaking bahay ang rider, usapan nila ng nobya ay alas-nuwebe
SI Marilyn lang ang pumasok sa kanyang kuwarto para kumuha ng pera na ibibigay niya kay Perlita, habang nasa labas ng kuwarto ang kanyang pamangkin at si Perlita.Pagkakuha ng pera ay agad naman niya iyong iniabot sa dalaga."Salamat po ate," nakangiting sabi ng dalaga at ibinulsa ang perang binigay niya dito."Mag-iingat kayo ha," paalala niya kay Perlita. "May susi ka naman sa gate, pakisuyo na lang paki-lock pagkalabas mo." Dugtong pa niya, may tiwala naman siya sa dalaga dahil kamag-anak ito ng isa sa mga kaibigan niya at sa mukha pa lang nito mukhang hindi naman ito gagawa ng hindi maganda."Opo ate, sige po aalis na po ako!" paalam dalaga at tumalikod na.Nasundan na lamang ng tingin ni Marilyn ang dalaga na pababa na ng hagdan. Hindi niya maintindihan pero parang nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba habang tinitignan ang papalayong si Perlita."Tita," narinig niyang tawag ni Maya na bahagyang hinila ang dulo ng suot niya na blouse.
HINDI na nag tagal sa bahay na iyon si Padre Damian, dahil dadaan pa ito ng simbahan para sa pang+alas sais na misa.Si Marilyn na ang naghatid hanggang sa sasakyan na van ang Pari at mga kasama nito, habang nasa nakabukas naman na gate nakatayo si Perlita na kasambahay nila.Bago pumasok ng van si Father Damian ay kinausap niya muna ang dalaga para balaan ito."Ineng mag-iingat kayo, kanina may naramdaman akong masamang esperitu na nananahan sa bahay na ito. Hindi ako sigurado kung ligaw na kaluluwa ng mag-asawang namatay. Basta mag-iingat kayo," mahabang bilin ni Padre Damian bago sumakay ng van.Sa sinabing iyon ni Padre Damian tila may takot na bumalot sa buong pagkatao ni Marilyn. Sa ilang araw na paninirahan nila sa bahay ng kanyang ate wala naman silang naramdaman na kakaiba o panganib para sa kanilang pamilya. Pero dahil sa sinabi ng pari nag-iwan iyon ng takot sa kanyang puso.
PAGPASOK ni Aling Mercedes sa kuwarto ng apo, nakita nito na abala nga sa paglalaro ng manika na bigay niya ang bata.Nakangiting nilapitan ng ginang ang apo pero bago pa man ito makalapit sa bata ay napansin nito ang isang manika na nasa ilalim ng kama nito. Lumuhod ang ginang at inabot ang manika."Apo, sino nagbigay saiyo ng manikang ito?" tanong ng ginang sa bata na ipinakita dito ang pinulot na manika. "Ang Daddy o ang Mommy mo?""Si tita Marilyn po. Dolly po ang pangalan ng doll na 'yan lola." Sagot ni Maya na mahigpit na niyakap ang bagong manika niya."Ayaw mo ba sa manikang ito?" muling tanong ng ginang na naupo na sa tabi ng apo."Ayaw po," sagot ng bata na sinabayan ng pag-iling ng ulo."Mas gusto ko po itong doll na bigay mo lola, kasi si dolly bad po 'yan!" dugtong pa ng bata.Hindi naman na nagtanong ang si Aling Mercedez kung bakit nasabi ng bata n
NAALALA ni Marilyn na nasa bulsa pala niya ang susi ng kwarto ni Maya, hindi siya magkandatuto sa pagdukot sa kanyang bulsa. Nasaan na ba iyon?inis na bulong sa sarili ng dalaga nang hindi madukot ang susi. Natuwa siya nang mahawakan ang susi, nandoon lang pala iyon sa pinakamaliit na bulsa ng suot niyang pantalon. Mabilis na ipinasok ng dalaga ang hawak na susi sa keyhole ng door knob at mabilis na pinihit iyon. "Maya!" tawag ng dalaga sa pamangkin na nakahiga sa sahig, tingin niya nakatulog ito kaya pala hindi siya nito sinasagot. Patakbong nilapitan niya ang nakahiga pa din na pamangkin, inangat niya ang ulo nito at sinimulang gisingin ito. "Maya wake up!" "Uunghh..." Ungol ng bata bago tuluyan i