Possession Series Mula ng mamatay ang kapatid ni Raphael ay naiwan sa pangangalaga niya ang pamangking si Riley. Pinangako niya sa kapatid na gagawin niya ang lahat huwag lang mapunta sa mga De Lobo ang bata. Para magkaroon siya ng pagkakataong maipanalo ang custody ng bata, bukod sa financial ay kailangan kasal siya. Kaya nang alukin siya ni Nicolo ng kasal ay hindi niya ito nagawang tanggihan. Ang problema ni Raphael kay Riley ay nabigyan ng solusyon, pero hindi ang puso niyang nahuhulog ng tuluyan sa binata. Tama bang umibig siya sa isang De Lobo kahit na ang pamilya nito ang dahilan ng paghihirap ng kapatid niya? O ang tamang tanong, magagawa kaya siyang mahalin ni Nicolo kahit isa siyang lalaki, gayong pinakasalan lang naman siya nito alang-alang sa mana. WARNING!!! DON'T READ IF YOU ARE NOT A BxB LOVER!
view more"SINO 'YANG kasama mo?" tanong ni Ellias pagkapasok nito sa shop niya, sabay nginusuan nito ang babaeng nakatayo lang sa labas ng shop."Bodyguard ko," sagot ko."Bodyguard?"Inis na nagpakawala si Raphael ng malalim na buntong hininga. "Ipinagpilitan ni Nicolo. Hindi ako makakalabas hanggat hindi ako pumapayag na may Bodyguard."Pilyo siyang nginitian ni Elli. "Okay na kayo?""Hindi. Masama pa rin ang loob ko sa kanya.""Masama raw ang loob pero halata namang kinikilig dahil over protective sa kanya ang asawa niya," pang-iinis pa nito."Hindi ako kinikilig! Sino kikiligin na merong nakabuntot sa akin kahit saan ako magpunta?""Sus! Ang sabihin mo, gusto ka lang ilayo ni Nicolo mula kay Kuya Hecthor.""Ewan ko ba sa isip ng lalaking 'yon.""Ano na nga pala ang balita kay Reyna?"Natigil siya sa pag-arrange ng mga bulaklak. Wala siya naging balita kay Reyna. Wala rin naman sinabi si Nicolo tungkol sa dalaga at hindi naman niya nagawang itanong dahil nawala sa isip niya."Naku ha! Baka n
"WHAT do you want to ask, Mr. De Lobo?" tanong sa kanya ni Dr. Malari, ang doktor na tumitingin ngayon kay Raphael.Sinadya talaga niyang puntahan ang doktor sa opisina nito para tanungin tungkol sa kundisyon ngayon ni Raphael."My husband has a selective amnesia, anong paraan ang dapat gawin para bumalik ang alaalang nawala sa kanya?""In most cases, Mr. De Lobo, amnesia resolves itself without treatment. However, if an underlying physical or mental disorder is present, treatment may be necessary. Psychotherapy can help some patients. Hypnosis can be an effective way of recalling memories that have been forgotten.If you don't mind if I ask you, what is the reason why your husband had this kind of condition?"Nagbuga siya ng hangin. "I don't know the reason,""Mas mainam kung malalaman natin ang naging dahilan ng pagkakaroon niya ng ganito para mas matulungan natin ang paggaling niya,"Tumango siya. "Kakausapin ko ho ang asawa ko tungkol dito," Tumayo na siya. "Maraming salamat ho, D
NAGISING si Raphael na wala siyang kasama sa kwarto. Marahan siyang bumangon at naupo. Kinapa niya ang bandage na nasa ulo niya, bahagya siyang nangiwi nang bagha 'yung kumirot.Nabaling ang tingin niya sa pinto nang bumukas 'yun at iniluwa ni'yun si Mario. Napatingin siya sa dala nitong basket na puno ng prutas."Bakit ka nandito? Tinitingnan mo ba kung malubha ang kalagayan ko?" aniya.Nilapag nito ang basket sa lamesa at humakbang palapit sa kanya."Kumusta ka na?" tanong nito imbis na sagutin ang tanong niya.May pagtatakang tinitigan niya ito. Anong nakain nito at nagbago bigla ang pakikitungo nito? Pansin na niya 'yun mula nang makasama niya ito sa yate. Hindi kaya naengkanto ito?"Kinakamusta mo 'ko?" kunot ang noong tanong niya."Hindi ba pwede?" tila nagmamaang-maangan nitong tanong."Bagong strategy mo ba 'to, Mario? Pwes hindi mo ako madadala sa pagbabait-baitan mo," pagsusungit niya.Napatanga siya nang bigla itong tumawa. "Gusto kong mainis sa'yo pero hindi ko magawa," na
NAKA YUKO si Nicolo habang nakaupo sa waiting area na nasa labas ng kwarto ng hospital kung nasaan si Raphael.Naabutan niya ito sa cabin nila nang walang malay habang si Reyna ay may hawak na kutsilyo. He asked Reyna what had happened, but before she could answer she lost consciousness at nakita niya ang saksak nito sa tyan.Buti na lang malapit na sila sa manila nang mangyari ang trahedya. Nasa maayos naman na kalagayan si Raphael habang si Reyna ay kasalukuyan pang nasa operating room.Hindi pa niya alam ang totoong nangyari kung bakit humantong sa ganun ang dalawa, pero ang higit na bumabagabag sa kanya ay 'yung tinawag siyang superman ni Raphael.Why did Raphael suddenly call him that? Except Reyna no one else knows about it."How's your husband?" tanong ni Kalila nang dumating ito kasama si Hecthor.Hinilamos niya ang mukha at isinandal ang ulo sa dingding. "he's still unconscious."Naupo ito sa tabi niya. "How about Reyna?""She's still in the operating room and undergoing surg
KINABUKASAN, maaga silang lahat nagising para sulitin ang huling araw nila sa Puerto Galera.Nagkahayaan ang magpipinsan na mag snorkeling habang sila Nicolo at Reyna ay nagkaayaang mag jet ski.Kahit ayaw niyang tapunan ng tingin ang mga ito ay hindi niya maiwasang hindi tingnan ang dalawa lalo na kapag nagtatawanan ang mga ito."Hey!" tawag pansin sa kanya ni Hecthor nang makaahon na ito mula sa pag-snorkeling."Hey,""Bakit hindi ka sumama?" naupo ito sa tabi niya."I'm not in the mood,"Sinulyapan nito sila Nicolo at Reyna na masayang nag jejet ski. Paikot-ikot ang mga ito at rinig na rinig ang bawat pagsigaw ni Reyna.Nagbuntong-hininga ito. "Nakakahalata na si Kalila sa nangyayari ngayon sa inyo nila Nicolo at Reyna. Nakita niya kanina na lumabas si Nicolo mula sa cabin ni Reyna."Mapait siyang ngumiti. Kaya pala hindi sa kwarto nila natulag ito."Napagdesisyonan na namin na maghihiwalay na kami pagkabalik namin sa manila." aniya."At si Reley?""Problema ko na si Riley, Thor."T
BUMILIS ang tahip ng puso ni Raphael habang nakatitig sa lalaking mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya.Nasapo niya ang bibig. "Diyos ko! Ano ba itong nagawa ko?" mahinang tanong niya sa sarili.Panandaliang napawi ang pangamba kay Raphael nang malaya niyang napagmasdan ang gwapo nitong mukha. Para itong maamong tupa kapag tulog at leon naman kapag gising ito.Marahil sa sobrang kalasingan nilang pareho kaya nangyari ito. Isa pa hindi ito magagawa ni Nicolo sa kanya kung nasa tamang katinuan ito. Nakita na niya sa mga mata nito kung gaano nito pinagsisisihan ang paghalik sa kanya nito noon.Hindi niya gugustuhing magisingan siya ni Nicolo. Ayaw na niyang makarinig ng pagsisisi mula rito. Kaya maingat siyang umalis mula sa ibabaw ng kama, pero sa konting paggalaw ng kama ay gumalaw si Nicolo.Umungol na marahang nagmulat ng mga mata si Nicolo at awtomatikong nagtama ang kanilang mga mata.
EKSAKTONG ala-sais nang muling maglayag ang yate papunta sa Puerto Galera kung saan doon mag-istay ng dalawang araw.Pasado Ala-siyete ang mag-umpisa ang dinner. Lahat sila ay nasa isang malaking pabilig na lamesa. Nasa kaliwa niya si Nicolo habang katabi nito si Reyna at nasa kanan naman niya si Hecthor habang katabi nito si Kalila.Tahimik lang siya habang nag-uusap ang magpipinsan tungkol sa negosyo na gustong itayo ng bawat isa. Wala naman siyang masasabi kaya nananahimik na lang siya."By the way," si Kalila. "so unfair naman Kuya Nicolo na ikinasal kayo ni Raphael pero hindi man lang namin nasaksihan ang kasal ninyo."Tumikhim si Nicolo. "Well, biglaan din kasi ang lahat. And we both know na tututol si mom kapag ipinaalam ko sa inyong lahat." nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya."I love Raphael, ayokong merong makahadlang sa pagpapakasal ko sa kanya."Sus! Gustong hi
"NAG-IISA ka ata rito?" naupo si Hecthor sa bakanteng upuan sa tabi niya.Humihop siya ng kape habang ang mga mata ay nakatanaw sa payapang karagatan. Alas-ocho na ng umaga. Mula kanina hanggang ngayon ay wala pa siyang tulog."Are you okay?" muling tanong ni Hecthor sa kanya. Tiningnan niya ito at nginitian."Yes I'm okay."Tumaas ang kamay nito at hinaplos ang kanang mata niya gamit ang hinlalaki nito."You cried. Pinaiyak ka ba ni Nicolo?"Yumuko siya at tinitigan ang laman ng tasa niya. Sakatunayan hindi niya alam ang emosyong naglalaro sa kanya ngayon."I shouldn't be in love with Nicolo. I shouldn't love him right?""Mahal mo na siya?" nahimigan niya ang lungkot sa boses nito.Raphael sighed heavily. "I don’t know if it’s love I feel for him. Meron bahagi sa isip ko na nagsasabing... I have known him for a long time and I have
PIPIHITIN na sana ni Raphael pabukas ang seradura ng pinto nang bumukas iyon. Ang walang emosyong mukha ni Nicolo ang sumalubong sa kanya."Where did you think your going?" tanong nito."Maglilibot ako sa labas. Bawal ba?"Tiningnan nito ang suot na orasan. "It's already midnight para maglibot ka pa." isinara nito ang pinto."Anong pakialam mo? Bakit mo pa ako sinama rito kung ikukulong mo lang pala ako sa kwarto?" naiinis niyang sagot.Kanina pa siya naiirita rito nang basta siya nito iniwan. Dahil sa inis din niya nagpalit na siya ng costume nang wala sa oras."Go back to sleep. Kung gusto mo sasamahan pa kitang maglibot bukas." anito. Hinawakan siya nito sa palapulsuhan niya at hinila pabalik sa kama.Inis na inagaw niya ang kamay mula rito. "Sino ka para magdesisyon sa dapat kong gawin?" Dinuro niya ito. "Kanina ka pa. Naiinis na ako sayo Nicolo!"
Mga Comments