MAHIGPIT na hawak ni Raphael ang kamay ni Riley habang mahimbing itong natutulog sa malaking puting sofa. Hindi niya inaalis ang tingin dito na para bang ano mang oras ay maaari itong mawala sa kanya. Gagawin niya ang lahat para sa kapakanan ng bata. Hindi siya makakapayag na makuha ni Mario ang nag-iisang ala-ala sa kanya ng kapatid. Hindi siya papayag na mapunta ito sa isang rapist.
Nangako siya kay Shanel na hindi niya ipapakita sa mga De Lobo ang bata at lalong hindi niya ibibigay ang bata sa ama nito kahit na anong mangyari. Pero sa pagkakataong ito, kailangan niyang harapin ang pinsan ni Mario na si Nicolo.
Hinaplos niya ang malambot na mukha ng paslit at masuyo niya itong kinintalan ng halik sa noo. Isang taon na ang lumipas mula nang mamatay ang kapatid niya mula sa panganganak, pero parang kahapon lang nangyari lahat. Ang sakit at ang pangungulila niya sa kapatid ay hindi pa rin humuhupa.
"Why are you here?" isang baritonong boses ang nagpatigil sa kanya.
Umangat ang tingin ni Raphael sa lalaking kanina pa niya hinihintay. Isang taon mula din nang huli niya itong nakita, pero tila ito higit na gumuwapo. This man had the kind of face that stopped you. He had tousled dark brown hair. His nose slender and rounded. His prominent jaw with an almost perfectly symmetrical face. He's taller, slim, muscular. He has an spanish heritage that shows in his features. But most caught her eyes is his gray eyes, but no emotion at all.
Bumaba ang tingin ni Nicolo sa batang mahimbing na natutulog at muling ibinalik sa kanya. Marahil nagtataka ito ngayon kung bakit siya nandito kasama ang bata. Naupo ito sa kaharap niyang upuan kuway pinagsalikop ang mga kamay nito. "Noong huli kitang nakausap, sinabi mo sa'kin na wala kang balak na ipakita sa amin ang bata. Now you're here." He asked coldly.
Tinapatan niya ng tingin ang malamig na pakikiharap nito sa kanya. Nothing is change. Noon pa man ganito na ang pakitungo ng pamilya nito sa kapatid niya.
"I'm here because of this." galit na inilapag ni Raphael ang papeles sa center table. Isa iyong pitisyon para sa custody ni Riley. "Ang kapal naman ng mukha ng pinsan mo para hingiin ang karapatan niya sa anak ng kapatid ko!"
Kinuha ni Nicolo ang papeles at binasa nang masinsinan at pagkatapos ay muling ibinalik sa kanya ang malamig nitong mga tingin. "Wala akong nakikitang mali sa gustong mangyari ni Rio," walang emosyong sabi nito.
Umarko ang isa niyang kilay. "Wala?"
"Wala. Ama ni Riley si Rio kaya may karapatan siya sa bata. Walang masama kung magpakatatay siya sa anak niya."
Gusto niyang matawa sa sinabi nito. Paanong walang masama kung isa itong rapist? "Sa tingin mo hahayaan ko ang pinsan mong rapist na kunin sa'kin si Riley?!" He hissed.
Tumaas ang sulok ng itaas ng labi nito. "Rapist? Napatunayan sa korte na inosente si Rio. Huwag mong sabihing nakalimutan mo na iyon?"
"Talaga ba? Alam kong alam mo na ginamit niyo lang ang pera ninyo para lang palabasin na inosente ng pinsan mo!" bahagyang gumalaw ang pamangkin niya dahil sa pagsigaw niya kaya tinapik-tapik niya ito sa hita para muling makatulog.
Nagbuga ng hangin si Nicolo. "Hindi lingid sa atin kung anong mayroong pagkakaunawaan si Shanel at si Rio. Kaya imposible ang ibinibintang mo sa kanya, Raphael."
Natigilan siya. Hindi nga iyon lingid sa kanya. Pero imposibleng gumawa ng kwento at magsinungaling ang kapatid niya tungkol doon. "So, sinasabi mo bang nagsisinungaling lang ang kapatid ko?"
"Sa bibig mo na lumabas, hindi sa akin."
"How dare you!"
Marahas na muli nagbuntong hininga si Nicolo. Halatang tinatamad na itong kausapin siya.. "Raphael, kahit anong gawin mo wala kang laban dahil hindi ikaw ang magulang ni Riley. Ngayong wala na si Shanel si Rio na ang may karapatan sa kanya, hindi ikaw."
Nakuyom niya ang kamao. "Hindi magiging mabuting ama ang pinsan mong kriminal!"
He tsked. "You're so judgmental. Wala pa nga pinangungunahan mo agad. Paano mo malalaman kung hindi mo siya bibigyan ng pagkakataon na magpakatatay?"
"Nagsasabi lang ako ng totoo!" He snapped.
Nagkibit ito ng balikat. "So, why you're here anyway?"
"Nandito ako dahil gusto kong sabihin mo sa walang hiya mong pinsan na hindi niya makukuha sa'kin si Riley!"
Dumilim ang mukha ni Nicolo, nauubusan na ng pasensya. "Hindi mo mapipilit ang gusto mo. Tanggapin mo ang katotohanan na wala kang karapatan sa bata."
Tumarak sa puso niya ang sinabi nito. Masakit pero iyon ang katotohanan. Napamahal na sa kanya si Riley, ito lang ang tanging naiwang ala-ala ng kapatid niya sa kanya. Muli niyang nakuyom ang kamao at sinalubong ang malamig nitong tingin. "Si Riley lang ang ala-alang naiwan sa'kin... siya na lang ang tanging pamilya ko. K-kaya nangako ako kay Shanel na hindi ko ibibigay si Riley sa ama niya."
Dumukwang ito ng bahagya palapit sa kanya. "Sa financial pa lang wala ka ng laban." tila nang-iinsultong sabi nito.
Alam niyang walang laban ang maliit niyang flower shop kumpara sa malaking negosyo ng pinsan nito. Pero malaki naman ang maitutulong niyon para sa mga pangangailangan ni Riley.
"Pera ba ang sukatan para maging isang magulang?"
"Pero hindi ka magulang, Rafael. Hindi ikaw ang ama, si Rio ang ama ni Riley."
"Lalaban pa rin ako!" He snapped again. Pumatak ang mga luha niya sa isiping mawawala sa kanya ang bata.
"Masasaktan ka lang kapag nagpumilit ka sa gusto mo." tama ba ang nakikita niya na awa mula sa mga mata nito? Siguro nga awa, awa dahil wala ako magiging laban kapag gumamit na ng pera si Mario.
"Hindi bale nang masaktan, kaysa masaktan ng hindi lumalaban. Kahit hindi ako ang tunay na magulang ni Riley, mahal ko siya higit sa buhay ko!"
Nagbuntong-hininga ito at hinilamos ang sariling mukha. "Hindi kita matutulungan kung gusto mong pakiusapan ko si Rio na tigilan na ang anak niya."
Bumaba ang tingin niya kay Riley na bahagyang gumalaw. Hindi niya talaga kakayanin kapag nawala sa kanya ang pamangkin. Napamahal na ito sa kanya. Ginagap niya ang maliit nitong kamay. "Gagawin ko ang lahat para hindi siya kunin sa'kin ni Rio."
"You'll do everything to win Riley's custody?" Putol ni Nicolo sa katahimikan.
Nilingon niya ito. Determinado siyang tumango. "Yes."
Tumango-tango ito. "Okay, I'll help you."
Nanlalaki ng mga matang tinitigan niya ito. "Tutulungan mo ako?" hindi makapaniwalang tanong niya. Paano isang De Lobo ang gustong tumulong sa kanya.
"Yes, I'll help you. But in return you will need to help me too. Kailangan mong isakripisyo ang kalayaan mo."
Nangunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?"
Pinagsalikop nito ang mga kamay habang ang mga siko nito ay nakapatong sa magkabila niyang hita at mataimtim na tumitig sa kanya. "Para mapasayo si Riley, kailangan mo siyang ampunin. Pero hindi mo iyon magagawa kung wala kang asawa."
"S-sinasabi mo bang kailangan kong magpakasal? S-sa ganoon bang paraan magkakaroon ako ng laban para sa custody ni Riley?"
Tumango ito. "Malaki ang laban mo, lalo pa't kapag nalaman ng korte ang naging issue ni Shanel at Rio."
Bigla siyang nabuhayaan ng loob. Pero hindi niya maiwasang magtaka kung bakit siya nito tinutulungan? "P-pero wala akong kilala na pwede akong pakasalan para lang sa custody ni Riley."
"You don't need to find someone who willing to marry you, Raphael. I'm here. I can marry you." anito na tila ba nabingi siya.
Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. "I-ikaw? Pakakasalan mo ako?" hindi makapaniwalang tanong niya. Bakit naman nito gugustohing pakasalan siya? Sa isang lalaking katulad niya?
"My grandfather wants me to get married. Sa ganoong paraan sa akin niya ipapamana ang Hacienda Ezperanza. Hindi naman nakasaad sa last will and testament ni Grandfa kung lalaki o babae ang dapat kong pakasalan. Isa pa naisabatas na din ang same sex marriage dito sa bansa, so why not you?" anito na hindi pa rin siya makapaniwala.
"Kapag pumayag ka, matutulungan mo ako at matutulungan din kita." sabi pa nito.
Nilunok niya muna ang bumabara sa lalamunan niya bago muling nagsalita. "May katanungan lang ako."
"Ask away."
"Bakit gusto mo akong tulungan kahit na may posibilidad na makakalaban mo ang pinsan mo?"
Nagkibit ito ng balikat. "Wala naman ako pakialam sa problema niya. Mas importante sa'kin ang problema ko."
"Paano ako makakasiguro na mananalo ako laban kay Rio?"
Ngumisi ito. "Nasa akin ang isa sa pinakamagaling na abogado. Believe me, honey... makukuha mo ang custody ni Riley."
Muli niyang tinapunan ng tingin ang pamangkin. Gagawin niya ang lahat para sa pamangkin. Kahit ano, pero magpapakasal siya at sa isang lalaki pa? Ano na lang ang iisipin ng ibang tao? ,Oo aminado siyang bisexual siya, pero never na pumasok sa isip niya ang magpakasal at makipagrelasyon sa kauri niyang lalaki.
"Your answer, Raphael?" Untag nito sa kanya.
"I'm sorry, but are you..."
"I'm not gay kung iyan ang itatanong mo," dugtong nito sa hindi niya masabi.
"Bakit sa isang katulad kong lalaki? I'm sure maraming babae ang papayag kapag inalok mo sila na pakasalan ka, so why me?"
"Exactly, pero bakit ikaw? Dahil alam kong you're into man at nasisiguro kong hindi sila papayag na makipag-divorce sa akin."
Ramdam niya ang bigpang pag-init ng mukha niya. "Paano ka nakakasiguro na papayag ako?"
Saglit muna siya nitong tinitigan, tinatantya kung nagsasabi siya ng totoo. "Because I know how much you hate me."
Umiwas siya ng tingin dito, hindi niya kayang tapatan ang tingin na binibigay nito sa kanya. Oo galit siya sa mga De Lobo, pero hindi naman galit ang nararamdaman niya kay Nicolo. "I can't answer you right now."
"You don't have to answer me right now. I'll give you time to decide, pero sana hindi pa huli."
Tumango-tango siya. "J-just give me time to think." kinarga na niya si Riley. "Aalis na kami, huwag mo na lang sabihin kay Mario na nagpunta kami rito."
Tiningnan ni Nicolo ang suot na orasan pambisig. "It's already late. Dito na kayo magpalipas ng gabi."
"No, it's okay," tanggi niya.
"I insist," tinawag ni Nicolo ang isa sa kasambahay nito. "Pakihatid sila sa guestroom." utos nito bago sila iwan. Sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa tuluyan itong nakapanhik sa ikalawang palapag.
"TALAGA nag punta ka sa bahay ni Nicolo De Lobo?" hindi makapaniwalang tanong ni Ellias sa kanya nang ikwento niya rito ang pagpunta niya sa bahay ni Nicolo. Dinaanan siya nito galing sa trabaho.
"Inilalayo mo ang bata, pero ikaw din naman ang naglapit sa isa ring De Lobo." hindi siya nakasagot sa sinabi ng kaibigan.
Sumubo ito ng mangga na pinagsasaluhan nila. "May maganda bang nangyari sa pagpunta mo 'dun?"
"Inalok niya ako ng kasal," nasamid si Ellias sa sinabi niya. Inabot niya rito ang bottled water.
"Ano, kasal? Sa isang lalaki? Tsaka bakit ka naman niya aalukin ng kasal?"
"Gusto raw kasi ng lolo ni Nicolo na magpakasal na siya at kapag naikasal na siya sa kanya ipapamana ang Hacienda Ezperanza."
"Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba 'yang si Nicolo. Maraming babae ang agad na papayag kapag inalok niya ng kasal, bakit sayo po? Don't get me wrong, Raphael. Alam kong legal na ang same sex marriage sa panahon ngayon, pero bakit sa isang lalaki niya gustong ikasal? Ano na lang ang sasabihin ng pamilya niya tapos sayo pa, eh alam naman niya ang issue ngayon sa inyo ni Mario. Kaloka!"
Inubos muna niya ang laman ng bibig bago niya ito sinagot. "Iyan din ang tanong ko sa kanya. Ang sagot ni Nocolo hindi raw papayag ang babaeng pakakasalan niya na makipaghiwalay sa kanya pagdating ng panahon, alam din daw niya kasi kung gaano ko siya kadisgusto."
Ellias rolled his eyes. "Sus! Reason... ang daming lalaki dyan na pwede niyang alukin, dinamay ka pa!"
"Pumayag lang daw ako sa alok niyang kasal tutulungan niya akong maipanalo ang custody ni Riley."
"Naniwala ka naman?"
Hindi agad siya nakasagot. Paano nga ba niya mapagkakatiwalaan ang isang De Lobo? Paano nga ba siya makakasiguro na magagawa siya nitong tulungan at paano kung sa huli siya lang ang madehado?
Naghuntong-hininga siya. "Hindi ko alam, Elli. Wala naman ako ibang gusto kundi ang maipanalo ko ang custody ni Riley."
"Papayag ka sa alok ni Nicolo?"
Tinitigan niya ito. "I don't know."
Nagkibit ng balikat si Ellias. "Kung talagang matutulungan ka ni Nicolo kay Riley, bakit hindi? Pero paaalalahanan kita, Raphael. Mag-iingat ka sa kanya dahil isa pa rin siyang De Lobo, ikaw din baka masaktan ka rin sa huli tulad ng kapatid mo." huling katagang sinabi nito.
Hindi na rin siya nagsalita pa. Mula nang makausap niya si Nicolo magdamag niyang pinag-isipan ang alok nito, pero hanggang ngayon hindi pa rin niya alam ang dapat na gawin. Kailangan pa niya ng oras para makapag-isip pa.
SA MGA sumunod na araw ay naging abala si Raphael sa flower shop. Nitong mga nakaraang araw kasi dumami ang mga naging customer niya at kabilaan ang mga order kaya kinakailangan niyang pumasok ng maaga at gabi na nakakauwi ng bahay. Mabuti na lang talaga naaasahan niya ang stay out baby sitter ni Riley na si Apple.Katatapos lang niyang mag-arrange ng bouquet nang may pumasok sa shop niya."Good morning, ma'am— Reyna?" hindi makapaniwalang tinitigan niya ito."I'm glad I found you, Rap." malawak siya nitong nginitian at sa gulat niya ay bigla siya nitong niyakap."It's been awhile," tinitigan siya nito kuway ngumuso. "bakit umalis ka ng walang paalam?"Kababata ni Raphael si Reyna sa Teharas La Union. Mula kasi nang mamatay ang mga magulang nila ni Shanel ay kinakailangan nilang ibenta ang maliit nilang Hacienda sa La Union para maipambayad sa mga natitirang utang ng mga magulang nila na kailangan n
"PAKI-CONFIRN na lang sa'kin kapag nakapagdesosyon ka na-""Mr. De Lobo!" marahas niyang binuksan ang pinto at basta na lang pumasok sa loob ng opisina ni Nicolo dahilan para mapahinto ang dalawang tao na seryosong nag-uusap."Sir, I'm sorry nagpumilit po kasi siyang pumasok." hinging paumanhin naman ng sekretarya ni Nicolo rito."Oh! You must be Raphael Perez, right?" tingnan niya ang lalaking kausap ni Nicolo. Kung hindi siya nagkakamali si Dyon ito, isa sa mga kaibigan ni Nicolo.Mariing pumikit si Nicolo, sinusubukang pigilan ang pagkainis. "Iwan niyo muna kami." Nicolo said in deep tone."Nasaana ng pinsan mo?!" agad niyang tanong sa binata pagkasara ng pinto.Pailalim siya nitong tiningnan. "Now you're asking me?""Nicolo naman! Sabihin mo na lang sa'kin kung saan dinala ng hayop mong pinsan ang pamangkin ko!""
PINASADAHAN ni Rafael ng tingin ang papeles na hawak at masinsinan na binasa. Meron siya hindi maintindihan, pero hindi naman siya ganoong kabobo para hindi malaman kung ano ang hawak niya ngayon. Alam niya na isa itong prenuptial agreement.Napataas ang isa niyang kilay nang mabasa doon na wala siyang magiging habol sa alin mang mga ari-arian at pera ni Nicolo, maliban sa halagang ibibigay nito sa kanya at tulong kay Riley bilang kabayaran sa pagpayag niyang pagpapakasal dito.Inis na tiningnan niya si Nicolo. "Hindi ako maghahabol sa pera mo, at lalong hindi ko kailangan ng pera na ibabayad mo sa'kin."Nilaro ng kamay nito ang ballpen na hawak. "I know, tulong ko na rin 'yun sa'yo kung kailanganin mo ng pera. Kung ayaw mo naman pwede mo naman ibigay na lang sa mga mahihirap."Nailing siya. Mayabang din talaga ang lalaking ito. Kung hindi niya lang talaga kailangan ng tulong nito ay never niya itong pakakasalan
MULA nang nagkita sila Raphael at Mario at nang makabalik sila sa Manila ay palagi na siyang pinupuntahan ni Nicolo sa bahay niya kundi naman ay sa flower shop niya. Uupo lang ito sa sulok habang nagkakape at kung minsan ay doon nito ginagawa angbtrabaho hanggang sa magsara ang flower shop niya.Aminin man niya sa hindi, nadagdagan ng babaeng customer ang flower shop niya. Kung minsan nga iniisip na lang niya na bumibili lang ng bulaklak ang mga ito para lang masilayan si Nicolo. Ayaw man niya ang presensya nito ay nagpapasalamat na rin siya dahil dagdag kita rin 'yun."Kuya, hindi ba si Nicolo De Lobo 'yun?" pabulong na tanong ng babae nang iabot ang bayad nito sa kanya.Pasimple niyang tiningnan sa sulok si Nicolo na nakaharap sa tablet nito habang nagkakape."Bakit siya nandito? Ang gwapo pala niya sa personal ano? Friends kayo?" tanong pa nito."Oho, ma'am. Matalik ko siyang kaaway." aniya na pi
AGAD na sinalubong sila Rafael ng maraming tao pagkarating nila sa mansion ng mga Lacsamana. Iba't ibang tao na siguradong may sinabi sa lipunan at tiyak siya lang ang nabubukod tanging tanso na napapalibutan ng mga ginto.Akmang bababa na si Nicolo nang pigilan niya ito sa braso. Kunot ang noong tiningnan siya nito."H–huwag na kaya akong pumasok. Maghihintay na lang ako rito.""Kung ngayon pa lang natatakot ka na how much more kapag nagkaharap na kayo ni Rio sa korte? Akala ko ba gusto mong maipanalo ang custody ni Riley?" May iritasyong tanong nito sa kanya."G–gusto ko.""Then prove it to me." tugon nito. "Ipakita mo sa lahat na hindi ka nila pwedeng tapakan. Remember, pakakasalan mo ang isang De Lobo. No one can frightened a De Lobo." mariin nitong sabi.Marahan siyang tumango. "I will try.""Good." anito na nagpatuloy sa pagbaba sa sasakyan.I
NAKAGAT ni Raphael ang ibabang labi nang maalala niya ang ginawang paghalik sa kanya ni Nicolo. Alam niyang palabas lang 'yun, pero sa tuwing naaalala niya ng tagpong 'yun ay bumibilis ang tibok ng puso niya.Mariin niyang ipinikit ng mga mata at pagkakuway ay pinilig ang ulo. Hindi tama ito. Hindi tama na mahulog siya kay Nicolo dahil wala itong magandang maidudulot sa buhay niya.Hindi lingid sa kaalaman niya na kaya ito nagpasyang tulungan siya dahil meron din itong kailangan sa kanya. Kaya hanggat maaga kailangan na niyang supilin kung ano man ang nararamdaman niya para sa binata.Narinig niya ang pagtunog ng bell sa may pinto, tanda na may pumasok na customer."Good day, ma'am—"Natigil siya sa ginagawang pag-aarange ng bulaklak nang makitang si Minchin ang pumasok sa shop niya. Taas ang noo nitong humakbang palapit sa kanya."Señora..." aniya. Pero sa laki
"READY ka na ba?" tila naiinip na tanong ni Nicolo sa kanya habang sinisipat nito ang suot na orasan.Ngayon kasi ang flight nila papunta sa Paris para magpakasal. It should be next week, pero dahil sa lumabas na video pinamadali na ni Nicolo ang kasal nila."Ready na ako." aniya na hinarap si Apple. "Apple, 'yung mga bilin ko sa'yo huwag mong kakalimutan ahh?""Opo, Ate. Tatandaan ko po lahat.""Kapag meron nangyaring hindi maganda tawagan mo agad ako. Niloadan ko na yang cellphone mo." bilin pa ulit niya."Opo, Ate."Hinaplos niya ng buhok ni Riley. "Babalik agad si Papatito, anak. Mamimiss kita." kinintalan niya ito sa noo."You don't have to be worry. Nagtalaga na ako ng bodyguard sa abas. Magiging ligtas sila rito habang wala ka." sabi ni Nicolo na nasa likod niya. Naisakay na nito ang mga gamit niya.Nagbuga siya ng hangin. Muli niyang hinalik
A/N: Sorry na po agad kung may masabi man ako na maling infos about this custody case."BECAUSE Nicolo's sex video came out your marriage is under investigation." pag uumpisa ni Atty. Mendez na ikinahilamos ni Raphel ng mukha. Pagkabaik ni Nicolo galing sa Canada ay agad nilang kinausap ang abogado nito.Ito na nga ba ang sinasabi niya na posibleng mangyari. Na bababa ang tiyansa nila na manalo sa custody ni Riley. And this is Nicolo's fault.Dahil kasal na rin sila ni Nicolo ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang sumama na rito at tumira sa iisang bubong. Pero kahit magkasama na sila ay sa magkaibang kwarto sila natutulog."What do you mean by we under investigation, Atty?" tanong niya."Adoption is not a joke or a game so the court wants to make sure Riley's custody goes to the right person. Hindi questionable sa kanila ang same sex marriage, ang mas pinagtutuunan nila ng pansin ay ang magigin
"SINO 'YANG kasama mo?" tanong ni Ellias pagkapasok nito sa shop niya, sabay nginusuan nito ang babaeng nakatayo lang sa labas ng shop."Bodyguard ko," sagot ko."Bodyguard?"Inis na nagpakawala si Raphael ng malalim na buntong hininga. "Ipinagpilitan ni Nicolo. Hindi ako makakalabas hanggat hindi ako pumapayag na may Bodyguard."Pilyo siyang nginitian ni Elli. "Okay na kayo?""Hindi. Masama pa rin ang loob ko sa kanya.""Masama raw ang loob pero halata namang kinikilig dahil over protective sa kanya ang asawa niya," pang-iinis pa nito."Hindi ako kinikilig! Sino kikiligin na merong nakabuntot sa akin kahit saan ako magpunta?""Sus! Ang sabihin mo, gusto ka lang ilayo ni Nicolo mula kay Kuya Hecthor.""Ewan ko ba sa isip ng lalaking 'yon.""Ano na nga pala ang balita kay Reyna?"Natigil siya sa pag-arrange ng mga bulaklak. Wala siya naging balita kay Reyna. Wala rin naman sinabi si Nicolo tungkol sa dalaga at hindi naman niya nagawang itanong dahil nawala sa isip niya."Naku ha! Baka n
"WHAT do you want to ask, Mr. De Lobo?" tanong sa kanya ni Dr. Malari, ang doktor na tumitingin ngayon kay Raphael.Sinadya talaga niyang puntahan ang doktor sa opisina nito para tanungin tungkol sa kundisyon ngayon ni Raphael."My husband has a selective amnesia, anong paraan ang dapat gawin para bumalik ang alaalang nawala sa kanya?""In most cases, Mr. De Lobo, amnesia resolves itself without treatment. However, if an underlying physical or mental disorder is present, treatment may be necessary. Psychotherapy can help some patients. Hypnosis can be an effective way of recalling memories that have been forgotten.If you don't mind if I ask you, what is the reason why your husband had this kind of condition?"Nagbuga siya ng hangin. "I don't know the reason,""Mas mainam kung malalaman natin ang naging dahilan ng pagkakaroon niya ng ganito para mas matulungan natin ang paggaling niya,"Tumango siya. "Kakausapin ko ho ang asawa ko tungkol dito," Tumayo na siya. "Maraming salamat ho, D
NAGISING si Raphael na wala siyang kasama sa kwarto. Marahan siyang bumangon at naupo. Kinapa niya ang bandage na nasa ulo niya, bahagya siyang nangiwi nang bagha 'yung kumirot.Nabaling ang tingin niya sa pinto nang bumukas 'yun at iniluwa ni'yun si Mario. Napatingin siya sa dala nitong basket na puno ng prutas."Bakit ka nandito? Tinitingnan mo ba kung malubha ang kalagayan ko?" aniya.Nilapag nito ang basket sa lamesa at humakbang palapit sa kanya."Kumusta ka na?" tanong nito imbis na sagutin ang tanong niya.May pagtatakang tinitigan niya ito. Anong nakain nito at nagbago bigla ang pakikitungo nito? Pansin na niya 'yun mula nang makasama niya ito sa yate. Hindi kaya naengkanto ito?"Kinakamusta mo 'ko?" kunot ang noong tanong niya."Hindi ba pwede?" tila nagmamaang-maangan nitong tanong."Bagong strategy mo ba 'to, Mario? Pwes hindi mo ako madadala sa pagbabait-baitan mo," pagsusungit niya.Napatanga siya nang bigla itong tumawa. "Gusto kong mainis sa'yo pero hindi ko magawa," na
NAKA YUKO si Nicolo habang nakaupo sa waiting area na nasa labas ng kwarto ng hospital kung nasaan si Raphael.Naabutan niya ito sa cabin nila nang walang malay habang si Reyna ay may hawak na kutsilyo. He asked Reyna what had happened, but before she could answer she lost consciousness at nakita niya ang saksak nito sa tyan.Buti na lang malapit na sila sa manila nang mangyari ang trahedya. Nasa maayos naman na kalagayan si Raphael habang si Reyna ay kasalukuyan pang nasa operating room.Hindi pa niya alam ang totoong nangyari kung bakit humantong sa ganun ang dalawa, pero ang higit na bumabagabag sa kanya ay 'yung tinawag siyang superman ni Raphael.Why did Raphael suddenly call him that? Except Reyna no one else knows about it."How's your husband?" tanong ni Kalila nang dumating ito kasama si Hecthor.Hinilamos niya ang mukha at isinandal ang ulo sa dingding. "he's still unconscious."Naupo ito sa tabi niya. "How about Reyna?""She's still in the operating room and undergoing surg
KINABUKASAN, maaga silang lahat nagising para sulitin ang huling araw nila sa Puerto Galera.Nagkahayaan ang magpipinsan na mag snorkeling habang sila Nicolo at Reyna ay nagkaayaang mag jet ski.Kahit ayaw niyang tapunan ng tingin ang mga ito ay hindi niya maiwasang hindi tingnan ang dalawa lalo na kapag nagtatawanan ang mga ito."Hey!" tawag pansin sa kanya ni Hecthor nang makaahon na ito mula sa pag-snorkeling."Hey,""Bakit hindi ka sumama?" naupo ito sa tabi niya."I'm not in the mood,"Sinulyapan nito sila Nicolo at Reyna na masayang nag jejet ski. Paikot-ikot ang mga ito at rinig na rinig ang bawat pagsigaw ni Reyna.Nagbuntong-hininga ito. "Nakakahalata na si Kalila sa nangyayari ngayon sa inyo nila Nicolo at Reyna. Nakita niya kanina na lumabas si Nicolo mula sa cabin ni Reyna."Mapait siyang ngumiti. Kaya pala hindi sa kwarto nila natulag ito."Napagdesisyonan na namin na maghihiwalay na kami pagkabalik namin sa manila." aniya."At si Reley?""Problema ko na si Riley, Thor."T
BUMILIS ang tahip ng puso ni Raphael habang nakatitig sa lalaking mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya.Nasapo niya ang bibig. "Diyos ko! Ano ba itong nagawa ko?" mahinang tanong niya sa sarili.Panandaliang napawi ang pangamba kay Raphael nang malaya niyang napagmasdan ang gwapo nitong mukha. Para itong maamong tupa kapag tulog at leon naman kapag gising ito.Marahil sa sobrang kalasingan nilang pareho kaya nangyari ito. Isa pa hindi ito magagawa ni Nicolo sa kanya kung nasa tamang katinuan ito. Nakita na niya sa mga mata nito kung gaano nito pinagsisisihan ang paghalik sa kanya nito noon.Hindi niya gugustuhing magisingan siya ni Nicolo. Ayaw na niyang makarinig ng pagsisisi mula rito. Kaya maingat siyang umalis mula sa ibabaw ng kama, pero sa konting paggalaw ng kama ay gumalaw si Nicolo.Umungol na marahang nagmulat ng mga mata si Nicolo at awtomatikong nagtama ang kanilang mga mata.
EKSAKTONG ala-sais nang muling maglayag ang yate papunta sa Puerto Galera kung saan doon mag-istay ng dalawang araw.Pasado Ala-siyete ang mag-umpisa ang dinner. Lahat sila ay nasa isang malaking pabilig na lamesa. Nasa kaliwa niya si Nicolo habang katabi nito si Reyna at nasa kanan naman niya si Hecthor habang katabi nito si Kalila.Tahimik lang siya habang nag-uusap ang magpipinsan tungkol sa negosyo na gustong itayo ng bawat isa. Wala naman siyang masasabi kaya nananahimik na lang siya."By the way," si Kalila. "so unfair naman Kuya Nicolo na ikinasal kayo ni Raphael pero hindi man lang namin nasaksihan ang kasal ninyo."Tumikhim si Nicolo. "Well, biglaan din kasi ang lahat. And we both know na tututol si mom kapag ipinaalam ko sa inyong lahat." nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya."I love Raphael, ayokong merong makahadlang sa pagpapakasal ko sa kanya."Sus! Gustong hi
"NAG-IISA ka ata rito?" naupo si Hecthor sa bakanteng upuan sa tabi niya.Humihop siya ng kape habang ang mga mata ay nakatanaw sa payapang karagatan. Alas-ocho na ng umaga. Mula kanina hanggang ngayon ay wala pa siyang tulog."Are you okay?" muling tanong ni Hecthor sa kanya. Tiningnan niya ito at nginitian."Yes I'm okay."Tumaas ang kamay nito at hinaplos ang kanang mata niya gamit ang hinlalaki nito."You cried. Pinaiyak ka ba ni Nicolo?"Yumuko siya at tinitigan ang laman ng tasa niya. Sakatunayan hindi niya alam ang emosyong naglalaro sa kanya ngayon."I shouldn't be in love with Nicolo. I shouldn't love him right?""Mahal mo na siya?" nahimigan niya ang lungkot sa boses nito.Raphael sighed heavily. "I don’t know if it’s love I feel for him. Meron bahagi sa isip ko na nagsasabing... I have known him for a long time and I have
PIPIHITIN na sana ni Raphael pabukas ang seradura ng pinto nang bumukas iyon. Ang walang emosyong mukha ni Nicolo ang sumalubong sa kanya."Where did you think your going?" tanong nito."Maglilibot ako sa labas. Bawal ba?"Tiningnan nito ang suot na orasan. "It's already midnight para maglibot ka pa." isinara nito ang pinto."Anong pakialam mo? Bakit mo pa ako sinama rito kung ikukulong mo lang pala ako sa kwarto?" naiinis niyang sagot.Kanina pa siya naiirita rito nang basta siya nito iniwan. Dahil sa inis din niya nagpalit na siya ng costume nang wala sa oras."Go back to sleep. Kung gusto mo sasamahan pa kitang maglibot bukas." anito. Hinawakan siya nito sa palapulsuhan niya at hinila pabalik sa kama.Inis na inagaw niya ang kamay mula rito. "Sino ka para magdesisyon sa dapat kong gawin?" Dinuro niya ito. "Kanina ka pa. Naiinis na ako sayo Nicolo!"