Allison's POV
Napatigil ako sa paglalakad, hindi inaasahang sisiputin pa rin ako ni Jazzer bagaman late na ng ilang oras.
I scoffed at my self and immediately turned to face him. He was looking at with his serious eyes. Hindi na ako nakapagpigil pa at mabilis ko siyang niyakap.
"You came," natatawang sabi ko. "I'm sorry for inconvenience, sana pala, sa tawag na lang kita kinausap. This would be fast." Humiwalay ako sa kaniya
Bumuka ang bibig niya na parang may gustong sabihin pero hindi niya maituloy. "I—"
"No need, Jazzer," pigil ko sa kaniya. "Thank you for showing up. Uh... I want to bid a goodbye. This is my last day here so it should be in person. I want to have a break in Japan. Ito na rin ang huling araw na guguluhin kita. Pasensya na." Natawa ako pero may luhang kumakawala sa mga mata ko.
I love him. My baby deserves to have him. His father. But
Allison POV “Hala, bakit mo naman sinapak?” gulat na tanong ko sa kaibigan kong si Cassandra. Tinakpan niya agad ang aking bibig at mabilis na hinila papunta sa likod ng malaking puno. Sinenyasan niya akong manahimik. “Ang arte niya kasi, e!” inis na bulong niya. Napasimangot ako. Hindi na talaga ako nagugulat sa tuwing makikita kong puro pasa ang kaniyang mukha. Napaka basagulera niya palagi!Stress ka na nga sa school, dumagdag pa ang kaibigan mo. “Umuwi na nga tayo. Baka hinahanap na rin ako ni Mama.” Ngumuso ako at pabirong inirapan siya. “Okay!"Tahimik lang kaming naglakad papunta sa sakayan. Masakit na sa balat ang araw dahil mag-aalas dose na ng tanghali. Ramdam ko na rin ang gutom. Alas singko pa lamang kasi ay narito na kami. Ang aga niya akong binulabog. “Sis, may nag-text yata sa ’yo,” bulong bigla sa akin ni Cassandra. Napatigil tuloy ako sa paglalakad at pumihit paharap sa kaniya. Tumutun
Allison POVKung ang kapalit ng pagmamahal ay sakit, bakit mas pinipili pa ng ibang tao ang sumugal?Iyon lang ang tanong ko sa sarili ko simula nong maramdaman ko kung paano ako masaktan. Simula noong una akong nagpakatanga dahil lang sa pagmamahal.Napakasimpleng tanong, pero bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha ang sagot?It's been a month since I broke up with my first boyfriend. Masakit. Alam niyo yung pakiramdam na sobra mo siyang minahal dahil akala mo siya na talaga? Then it turns out na mali ka pala. Dahil kahit gaano mo siya sineryoso, hindi mo naman sigurado kung ganoon din ba siya sa 'yo. Yung sa sobrang pagmamahal mo, hindi mo na siya kayang bitawan kahit alam mong pati sarili mo niloloko mo na rin.They always said, "If you really love the person, fight for it. Pero kung hindi na worth it, mas better kung ititigil mo na lang. Dahil hangga't binibigyan mo siya ng chance mas lalo ka lang
Allison POV“Nakipag-away ka talaga, sis?” Bumulalas ng tawa si Cassandra matapos kong i-kwento sa kaniya ‘yong nangyari kanina. Pareho kaming nasa balkonahe ng kwarto ko at nagk-kwentuhan. Kasama ko siya dahil naisipan niyang dito na naman matulog.“Oo!” Salubong ang kilay na sagot ko. “Kapag nakita ko siya ulit ituturo ko na siya sa ‘yo para malaman mo kung sino! Tama naman ang ginawa ko e, ‘diba? Imagine, nagpakahirap akong gupitin ang art papers ko para lang mabuo yung parts ng neuron! Tapos tatapunan niya lang ng juice? Makatarungan ba naman ‘yon?” Pakiramdam ko ay bumalik na naman ang inis na nararamdaman ko kanina.Tanging tawa lang ang isinagot sa akin ni Cassandra.Pumihit ako paharap sa kaniya at pinagkrus ang mga braso ko. “Sabihin mo nga sa akin, sis. Nag-iisip ba siya, ha? Ano sa tingin mo?” nakakunot ang noong tanong ko.Humalakhak muna siya bago nat
Allison POVSa sumunod na gabi ay dito na naman natulog sa bahay ang kaibigan kong si Cassandra. Pakiramdam ko nga, dito na siya nakatira. Nakiki ‘mama’ na rin siya sa mama ko. Late na naman tuloy akong nakakatulog dahil sa sobrang daldal niya.Pana’y ang kwento niya sa ‘kin tungkol sa mga bago niyang kaaway at ikinuwento pa sa akin ang tungkol sa lalaking hinalikan niya kanina!Ang harot talaga.“Balot!”Kasalukuyan akong nasa balkonahe ng kwarto ko nang marinig ang sigaw ng kung sino sa baba. Napatigil agad ako sa pagd-drawing at mabilis sumilip sa kalsada. Nakita ko roon ang dalawang lalaki na naglalakad.Tumaas ang kilay ko.Sa labing anim na taong buhay ko ay halos matatanda ang nakikita kong nagtitinda ng balot. Pinanliitan ko iyon ng mga mata. Nakasuot silang pareho ng itim na coat at sumbrero. Wow! Ngayon lang ako nakakita ng mga taong nagtitinda ng balot pe
Allison POV“Ohhhhh, pagkaibig ko’y laro lang...”Naalimpungatan ako sa mahimbing kong pagtulog nang marinig ang malakas na pagkanta ni Cassandra. Maingat akong bumangon at kinusot-kusot ang mga mata. Bagsak pa ang talukap ko at bahagyang inaantok.Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto ko. Nakita ko si Cassandra na nakaharap sa salamin. Nagpapatuyo siya ng buhok, mukhang katatapos lang maligo.Napanguso ako saka tumayo na. Mukhang hindi naman niya ako napansin kaya dumiretso na lamang ako sa banyo. Mabilis kong ginawa ang morning routine na ginagawa ko araw-araw.“Good morning, sis!” bati sa akin ni Cassandra pagkalabas ko ng kwarto. Hawak niya sa kamay si Mateo na kagigising lang rin. Mukhang mas close pa sila ng kapatid ko kaysa sa akin!“Morning,” tipid na sabi ko pabalik.Pumunta kaming kusina at doon kumain ng almusal. Sandwich at coffee ang kinain ko dahil iyon na ang
Allison POV“Can we talk?”Napatitig ako sa text message na nabasa ko sa cellphone ko. Umagang-umaga pero ito agad ang bumungad sa akin. Napalunok ako at wala sa sariling ibinaba ang cellphone ko. Malalim akong napaisip habang nakatulala lamang sa kisame.Hindi ko alam kung bakit kailangan pa akong i-text ni Darrel. Tapos na kami, hindi ba? Kung gano’n, ano itong ginagawa niya? Naupo ako sa kama at napahinga ng malalim. Naramdaman ko na naman ang kirot sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay may pumipisil nito na dahilan kung bakit nahihirapan akong huminga. Mabilis ding nangilid ang mga luha sa mata ko.Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi na ako nasasaktan.Dinampot ko ang cellphone ko nang maya-maya ay tumunog na naman iyon.“I still want to fix our relationship. Pupunta ako sa park. I will wait you there.&rdq
Allison POVNasaan ako?Marahan kong nilaro ang labi ko habang iniisip kung paano ako napunta rito. Ngumuso ako. Mamaya ko na lamang aalalahanin iyon. Napahawak sa tiyan ko at lalo lamang napanguso. Gutom na ako!Sakto namang may naamoy akong mabangong niluluto. Base sa amoy ay sinigang na bangus iyon. Binasa ko ang labi ko. Natatakam ako sa naamoy ko! Nasaan kaya ‘yon?Pero, wait! Nasaan ba ako? Hindi ito ang bahay namin! Kahit nanghihina ay buong lakas akong tumayo. May nakita akong pink na tsinelas sa baba ng kama kaya’t isinuot ko iyon. Napatingin rin ako sa suot ko at ngayon ko lamang napansin na nakasuot ako ng pink shirt at pajama. Parang ginawa naman nila akong manika! Nalukot ang mukha ko at pakiramdam ko ay gusto kong maiyak. Ayoko sa pink!Humarap ako sa nakita kong salamin para tingnan ang hitsura ko. Para akong may malalang sakit dahil sa pamumutla ng mukha ko. Muntik ko na ngang hindi makilala ang sarili ko. Tumingin ako s
Allison POV Nasaan ako? Marahan kong nilaro ang labi ko habang iniisip kung paano ako napunta rito. Ngumuso ako. Mamaya ko na lamang aalalahanin iyon. Napahawak sa tiyan ko at lalo lamang napanguso. Gutom na ako! Sakto namang may naamoy akong mabangong niluluto. Base sa amoy ay sinigang na bangus iyon. Binasa ko ang labi ko. Natatakam ako sa naamoy ko! Nasaan kaya ‘yon? Pero, wait! Nasaan ba ako? Hindi ito ang bahay namin! Kahit nanghihina ay buong lakas akong tumayo. May nakita akong pink na tsinelas sa baba ng kama kaya’t isinuot ko iyon. Napatingin rin ako sa suot ko at ngayon ko lamang napansin na nakasuot ako ng pink shirt at pajama. Parang ginawa naman nila akong manika! Nalukot ang mukha ko at pakiramdam ko ay gusto kong maiyak. Ayoko sa pink! Humarap ako sa nakita kong salamin para tingnan ang hitsura ko. Para akong may malalang sakit dahil sa pamumutla ng mukha ko. Muntik ko na ngang hindi makilala ang sarili ko. Tumingin ako sa palig