Share

Arouse Affection
Arouse Affection
Author: Itzkrizzel

Prologue

Allison POV

“Hala, bakit mo naman sinapak?” gulat na tanong ko sa kaibigan kong si Cassandra.

Tinakpan niya agad ang aking bibig at mabilis na hinila papunta sa likod ng malaking puno. Sinenyasan niya akong manahimik.

“Ang arte niya kasi, e!” inis na bulong niya.

Napasimangot ako. Hindi na talaga ako nagugulat sa tuwing makikita kong puro pasa ang kaniyang mukha. Napaka basagulera niya palagi!

Stress ka na nga sa school, dumagdag pa ang kaibigan mo.

“Umuwi na nga tayo. Baka hinahanap na rin ako ni Mama.” Ngumuso ako at pabirong inirapan siya.

“Okay!"

Tahimik lang kaming naglakad papunta sa sakayan. Masakit na sa balat ang araw dahil mag-aalas dose na ng tanghali. Ramdam ko na rin ang gutom. Alas singko pa lamang kasi ay narito na kami. Ang aga niya akong binulabog.

“Sis, may nag-text yata sa ’yo,” bulong bigla sa akin ni Cassandra.

Napatigil tuloy ako sa paglalakad at pumihit paharap sa kaniya. Tumutunog nga ang ringtone ko. Hinalungkat iyon ni Cassandra sa dalang bag bago iabot sa akin. Inihabilin ko kasi iyon sa kaniya kanina dahil wala akong bitbit na bag. Masikip din ang aking bulsa.

“Boyfriend mo pala.” Napangiwi siya.

Nakagat ko ang labi ko at inis na napabuntong-hininga. Irita kong binuksan ang message ni Darrel.

“Ang lalaking 'to talaga,” sambit ko matapos iyong basahin. Siya ang matagal ko ng boyfriend.

Sinabi niya sa aking magkita kami sa Buddy's restaurant. Kahit papaano ay napangiti ako. Ang akala ko naman, sasabihin niya sa aking hindi muna kami magkikita. Mukhang namiss niya lang pala ako.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako humarap kay Cassandra. Nagtataka siyang nakatingin sa akin ngayon. Makahulugan akong ngumiti sa kaniya dahilan para mapairap siya at umaktong nasusuka. Natatawa ko siyang hinampas.

Saglit akong tumingin sa suot ko. Malinis pa naman ang ayos ko. Ngumuso ako. Sana naman ay magtagal ang pag-uusap namin ni Darrel. Palagi na lang kasi siyang busy! Hindi ko alam kung ano ba ang dahilan niya. Either sa pag aaral o sa walang kwentang bagay.

Pinili ko na lamang hindi magtanong sa kaniya dahil mauuwi lang iyon sa away. Iisipin niya na pinagdududahan ko siya. Ganoon kakitid ang utak ng isang iyon o kung mayroon ba.

Napabungisngis ako. Pero kahit palagi siyang busy, hindi ko magawang sukuan siya. Masiyado ng matagal ang pinagsamahan namin, at isa pa, mahal ko siya. Sobra pa sa sobra. Alam kong darating din kami sa panahon kung saan mawawalan kami ng oras sa isa’t isa. Pero naniniwala akong malalampasan namin iyon.

“Gusto mo bang samahan kita?” tanong ni Cassandra. Umiling agad ako. Siguradong maiinip lang siya ro’n at kailangan din naming dalawa ng privacy. “Fine! Ingat. Mauuna na akong umuwi, ha?”

Tumango ako at kumaway muna sa kaniya bago dali-daling naglakad paalis.

Sakto namang may jeep na paparating patungo sa bayan. Mabilis ko iyong pinara. Bahagya pang kumunot ang noo ko nang mapansing marami ang pasahero. Hindi naman isyu iyon pero nakapagtatakang halos mga kababaihan ang mga nakasakay. Para namang nawalan ng kalalakihan dito sa lugar namin.

Napakibit-balikat na lamang ako at piniling sumakay sa unahan kung saan katabi ko ang driver dahil puno na sa likuran.

Tahimik akong nakadungaw sa labas hawak ang cellphone ko. Napapangiti kong kinagat ang ibabang labi ko, nasasabik na makita ang boyfriend ko. Bumuntong-hininga ako at nakasandal na lamang na pumikit.

Ang tagal ng oras!

Napamulat lang ulit ako nang marinig ko ang malalakas na tili ng mga babae mula sa likuran ko. Umayos ako ng upo at sumalubong ang mga kilay. Kanina pa iyon pero lumalakas yata.

May modelo bang nakapasok at ganito sila makapagreact?! Psh!

Napanguso ako at hindi ko na lang pinansin. Ilang minuto ang lumipas ngunit ganoon pa rin. Nawala ang sayang nararamdaman ko at napalitan iyon ng inis! Lalong lumalakas ang mga tili sa likuran ko. Matinis iyon kaya naman masakit sa tainga. Nakakabingi!

“Pwede ba?” Lumingon ako sa likuran at galit na sumigaw. Naririndi na talaga ako. “Huwag nga kayong maingay! Ang pangit ng boses niyo!” suway ko pa sa kanila.

Nakakadismaya lang ngunit ang mga kababaihang iyon ay parang walang narinig dahil nanatili ang titig nila sa harapan. Para silang nakakita ng mga artista sa sobrang kilig. Ang ilan ay may hawak pang cellphone at may pinipicturan! Grabe! Ang titibay niyo, ha?

“Darn. Ang gwapo,” bulong ng isa sa mga babaeng pasahero. Pati ang katabi niyang lola ay nakangiti rin.

Ang landi mo rin lola, ha!

“Mag v-viral ‘to! Promise!” Nagsalita ang isa pa, kinukuhaan ng litrato ang nasa unahan.

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang napatitig sa kanila. Bingi ba sila? Hindi ba sila aware na naiinis na ako sa tili nila? Padabog akong humarap sa unahan at nababanas na napapadyak. Kumuyom ang kamao ko sa inis. Pwede namang manahimik na lamang sa biyahe, ‘diba? Ang lalakas ng bunganga nila!

Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa gilid ng noo ko. Ang haggard ko na yata.

“Kainis.”

“Calm down, Miss,” may biglang nagsalita sa tabi ko. Tiningnan ko siya pero abala iyon sa pag-abot ng bayad ng mga pasahero. Ibig sabihin ay hindi siya ang nagsalita. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. “You look pissed, huh? Why don't you let them shout my name?”

Gulat akong napalingon sa lalaking nasa driver seat.

Doon ko narealize na kanya pala nanggaling ang boses na iyon.

Nahirapan pa ako dahil sa lalaking nakagitna sa amin. Nang makita ko ang mukha ng driver ay nalaglag ang panga ko. Kumurap-kurap pa ako ng ilang ulit bago mapagtantong tunay ang nakikita ko. Driver ba talaga ito? Hindi sa pagbibiro but—he's damn good looking!

He's wearing blue cap at seryoso na siyang nakatingin sa unahan. Hindi siya ganoon kaputi at may katangusan rin ang kaniyang ilong. Sa unang tingin ay hindi mo aakalain na isa lamang siyang driver ng jeep! Mukha siyang galing sa mayamang pamilya. He's biting his lower lips as if he's trying to supress a smirk. May halong panunuya ang mga mata niyang nakatitig sa daan.

And so? What's wrong with me? Why am I giving attention to it? I'm not even interested.

Pakialam ko sa gwapong driver?!

“Stop staring,” singhal niya sa akin nang maramdaman ang pagtitig ko sa mukha niya.

Saglit siyang sumulyap sa akin bago muling ibinalik sa daan. Namumula ang tainga niya na parang nahihiya sa akin pero bahagyang nakaangat ang gilid ng labi, nangingiti.

Ano bang problema nito?

May sayad ba ‘to? At bakit niya ba ako kinakausap? Gusto kong mapasinghal dahil sa hindi maipaliwanag na inis. Baka magselos ang boyfriend ko sakaling malaman niyang kumakausap ako sa iba.

Napatingin muli ako sa likuran at lumabi. Saka ko ulit matamang tinitigan ang lalaking nagmamaneho. Nanliit ang mga mata ko. Mukhang alam ko na kung bakit umiiral ang kalandian ng mga pasahero ngayon. Sila! Sila ang may kasalanan.

“Miss, am I that handsome?” muling pagsasalita ng driver. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang ngumiti sa akin gayong bakas naman ang hiya sa mukha niya.

Lumingon siya saglit sa akin kaya mabilis akong napatingin sa labas. Hindi ko namalayang nakatingin pa rin pala ako sa kaniya.

“Huwag mo akong kausapin. Pangit ka.” Umirap ako at pinagkrus ang mga braso ko, nakanguso.

Mukhang friendly naman siya dahil kinakausap niya ang pasahero niya. Pero hindi ako tanga para hindi malaman na iyon ang paraan niya para magkaroon siya ng kalandian. Kunwari nahihiya sa una, pero ang totoo naman, nagpapacute. Psh. Why I hate flirty boys. Take note, driver pa siya. Mga galawan talaga ng lalaki, napaka-obvious.

“Sungit,” bulong niya. “Me? Pangit? Then why most of girls are smiling at me?” mahinang dagdag niya pa na parang kinakausap ang sarili.

“May boyfriend kasi ako, Kuya! Landi mo po!” diretso sabi ko na nilingon pa siya.

Napasulyap siya sa ‘kin at nanlaki ang mga mata, tila hindi makapaniwala sa narinig. Ano bang nakakagulat ‘ron? Na malandi siya? Totoo naman!

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

“Okay, I’ll—”

“Para po!” Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sa pagsigaw ko.

Dahan-dahan niyang itinigil ang jeep sa gilid. Hindi ko na siya nilingon at mabilis na akong bumaba. Naglakad na ako palayo.

“Miss!” Narinig ko pa siyang sumigaw, maging ang kasama niya. Hindi ko na sila pinansin pa.

Mabilis akong tumakbo papunta sa Buddy’s restaurant. Pumasok ako sa loob at hinanap doon si Darrel. Mabilis ko naman siyang nakita dahil maliit lang ang restaurant na ito. Nakasuot siya ng simpleng shirt at pants.

Napangiti ako.

Lalapit na sana ako sa kaniya pero agad ring natigilan nang makita ang babaeng lumapit sa kaniya. Nawala ang ngiti sa labi ko at naguguluhang napatitig sa babae. Sino naman iyon?

Kakilala?

Akmang maglalakad na sana ulit ako pero muli na namang natigilan. Para akong natuod sa kinatatayuan ko nang makita ang sunod nilang ginawa! Bigla na lamang naupo sa hita ni Darrel ang kasama niya babae at sinimulan itong halikan.

Napakurap ako.

Pero mas nagulat ako nang ngumisi lang ang boyfriend ko at ginantihan ito ng halik, pinagapang pa ang isang kamay papunta sa likuran nito na akala mo ay pag-aari nila ang buong lugar.

Hindi ako nakagalaw. Naramdaman ko na lang ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko ay para ako sinasaksak sa sobrang sakit ng dibdib ko. Hindi ako makapaniwalang masasaksihan ko ito. Nakakagulat at hindi ko inaasahan...

“A-allison!” Napatayo si Darrel nang makita ako. Natataranta siyang lumayo sa babaeng kasama niya. “K-kanina ka pa ba riyan?” kinakabahang tanong niya sa ‘kin.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang patuloy ang pagpatak ng luha sa pisngi ko. Mas sumakit lang dibdib ko sa inasta niya at halos manginig ang nakakuyumos kong kamay dahil sa halo-halong emosyon.

“O-okay lang ako,” nabasag maging ang boses ko. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi. “Masaya ka naman, hindi ba?”

“A-allison, mali ang nakita mo! It’s just—”

“Huwag ka nang magpaliwanag. Ayoko na.” Pinunasan ko ang luha ko at paulit-ulit na umiling. “Pagod na ako, e. Darrel, ilang beses na! Hindi ka ba talaga marunong makuntento? Pang-ilan na ba ‘yan, ha? Ayoko nang magmukhang tanga!" Umalab ang galit sa dibdib ko.

Bumalik sa isipan ko ang mga ginawa niya nitong nakaraang buwan. Nagpaalam siya sa akin para pumunta ng Maynila dahil sinabi niyang kailangan niyang bisitahin ang kaniyang lola. Pero nalaman ko na lang na nasa ibang lugar pala siya at may kasamang babae!

“Babe, let me explain! Mali ka—”

“Anong mali? Hindi ako bulag! Tanga ako pero hindi ako bulag! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?”

“I'm sorry, please. Hindi na ‘to mauulit.” Hinawakan niya ang kamay ko.

Binawi ko agad iyon at malakas siyang itinulak, muntik pa siyang matumba. “Hindi na talaga mauulit! Tapos na tayo. Napapagod rin naman ako, e! Hindi pwedeng lagi na lang ganito! Hindi tayo naglalaro lang! Ayoko na!” buong lakas na sigaw ko at tumakbo palabas ng shop.

Napahagulgol ako at paulit-ulit na pinunasan ang luha sa pisngi ko. Namiss ko lang naman siya pero bakit iyon ang nabungaran ko? Gusto ko na lang maglaho sa sakit ng nararamdaman ko.

Tumigil ako papasok sa isang eskinita kung saan walang makakakita sa akin. Habol ang hiningang napatitig ako sa kalsadang tinatapakan ko saka ako mapait na napangiti.

Huli na talaga, 'to... Mahal kita e, pero sinayang mo ako.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa para sana tawagan ang kaibigan ko. Alam kong sa kaniya lamang ako makakapaglabas ng sama ng loob. Pero natigilan ako nang wala akong makuha.

Napaluha ako lalo at napaupo sa panghihina, humihikbing isinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko. Bakit? Bakit sobrang malas ko?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status