Share

Chapter 1

Allison POV

Kung ang kapalit ng pagmamahal ay sakit, bakit mas pinipili pa ng ibang tao ang sumugal?

Iyon lang ang tanong ko sa sarili ko simula nong maramdaman ko kung paano ako masaktan. Simula noong una akong nagpakatanga dahil lang sa pagmamahal.

Napakasimpleng tanong, pero bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha ang sagot?

It's been a month since I broke up with my first boyfriend. Masakit. Alam niyo yung pakiramdam na sobra mo siyang minahal dahil akala mo siya na talaga? Then it turns out na mali ka pala. Dahil kahit gaano mo siya sineryoso, hindi mo naman sigurado kung ganoon din ba siya sa 'yo. Yung sa sobrang pagmamahal mo, hindi mo na siya kayang bitawan kahit alam mong pati sarili mo niloloko mo na rin.

They always said, "If you really love the person, fight for it. Pero kung hindi na worth it, mas better kung ititigil mo na lang. Dahil hangga't binibigyan mo siya ng chance mas lalo ka lang masasaktan." That's when I realized something. Is he really worth it? Sobrang tanga ko na yata para ipaglaban pa ang relasyon na ako lang yata ang nagpapahalaga.

Doon ko pumasok sa utak ko na... Bakit kailangan pang magmahal? Bakit naimbento pa ang salitang pagmamahal? For what? Para sa kaunting saya na idudulot sa 'yo, kapalit ng sakit? 

That's bullshit!

Love is a waste of time. We don't need it.

Kaya kahit sobrang sakit, kinaya kong hiwalayan ang lalaking kinabaliwan ko ng sobra. Pinatatag ko ang sarili ko, ayoko nang maging malambot. Dahil bago ako sumuko, marami akong ginawa para ipaglaban siya. 

Nagtiis muna ako bago bumitaw.

Naghanap muna ako ng paraan hanggang sa tumatak sa isip ko na wala na talagang chance. Hindi dahil ako ang nakipag-break sa kaniya, balewala lang sa akin 'yon. Nanghihinayang ako. Dahil bago ako sumuko, inalala ko muna lahat ng rason kung bakit pa ako nag-s-stay...

Actually, I have seen many couples who loved themselves, but as time goes on, the love between them began to fade. Makikita mo nalang na ang saya-saya nila sa una, not until magloko ang isa. Paulit-ulit lang. Paano kung yung oras na sinayang nila ay itinuon na lang nila sa mas importanteng bagay? Sana walang namomroblema, walang masasaktan.

Sarkastiko akong napangiti.

Kahit na nabigo ako, hindi iyon rason para maging mahina ako. Instead, I shoud be thankful because it keeps me more stronger. Ipinangako ko sa sarili ko na... Ayoko na. Hinding-hindi na ako masasaktan. Lalo na kung ang rason ay dahil lang sa walang kwentang bagay.

Hindi sila worth it.

Pero...

Kaya ko namang wala siya, ‘diba?

“Goodbye, class!” Natauhan ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ang boses ni Mrs. Acachi. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng classroom.

Bumuntong hininga ako. Sinalansan ko na lang ang gamit ko at saglit pang napatitig sa blangko kong papel. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakatulala, hindi na ako nakapagfocus pa sa itinuturo ng subject teacher namin.

Tumayo na ako at isinuot ang bag ko. Dire-diretso akong lumabas ng room. Gaya ng nakasanayan ko araw-araw, sa bleacher ako dumiretso. Doon kami kumakain ng lunch palagi.

Wala pa man ako sa bleacher ay natanaw ko na si Cassandra na nakikipagsigawan sa kung sino. Simula noong tumungtong ako ng highschool ay siya na ang palaging kasama ko. Ang pinagkaiba lang namin, madaldal ang bunganga niya at palaaway.

Napailing agad ako at tumakbo na papalapit sa kaniya. “Cassandra!” Hinawakan ko siya sa braso. Gulat siyang napatingin sa akin at pagkuwa'y sumimangot nang makilala ako. Inilingan ko siya.

“Sis, siya 'yong nauna! Binato niya 'ko ng bola ng volleyball!” inis na sabi niya habang nakaturo sa babaeng sinisigawan niya kanina. Natatandaan ko siya, siya si Kaye Ann. Iyon yung babaeng palagi niya kaaway.

“Excuse me? That was just an accident! Bobo!”

“Ako pa talaga ang bobo?! Tanga ka, tanga ka?” sigaw ng kaibigan ko.

“Stupid! You're too loud! Napakabalakatak ng bibig mo!”

“Hindi ako balakatak, tanga ka lang!”

Hinawakan ko na si Cassandra at hinila siya paalis doon. Mabuti na lang at nagpahila siya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin dahil pana'y pa rin siya sa pagsigaw. Inirapan niya lang ako. 

“Siya talaga ‘yong nauna, sis. Ang sakit ng pisngi ko!” reklamo ni Cassandra pagkaupo namin.

“Aksidente lang naman daw ‘diba?” walang ganang sabi ko.

Mabilis siyang napatingin sa akin na parang hindi makapaniwala. “Naniniwala ka sa kaniya? Omyghod, omyghod! Alam mong matagal ko na 'yong kaaway! Ginagantihan ako non!” inis na singhal niya.

Kumunot ang noo at hindi napigilang mapatawa. “Sis, pwede ba? Hindi na kayo bata. Itigil niyo nga yang away-away na ‘yan!” natatawang sabi ko.

Ngumuso siya at kinuha na lang ang lunchbox naming dalawa. Iniabot niya sa akin ang isa at ang kaniya naman ay ipinatong harap niya. Nasa taas kami ngayon ng bleacher dahil dito lamang may available na table. Siya na ang nagdala ng lunch namin ngayon, kaya ako naman bukas. Salitan lang kami.

“Oo nga pala, sis. Yung cellphone mo nahanap mo na? Pano na ‘yan?” biglang tanong ni Cassandra.

Napatigil ako at hindi na naituloy ang akma kong pagsubo. “Hindi ko nga alam, e! Wala tuloy akong phone!” Ngumuso ako.

Nakakainis! Hindi ko na kasi nahanap yung driver no’ng sinakyan kong jeep noong nakaraang linggo. Actually, nahanap ko yung jeep. Pero nalaman kong iba na pala ang may-ari noon. Nag volunteer lang daw ‘yong matangkad na lalaki na tulungan sila dahil nga matanda na ito. 

Ang kaso, ang hirap niyang hanapin! Bigla na lang siyang naglaho na parang bula! Ang sabi naman ni Manong, mabait naman daw iyon. Pero hindi ako kumbinsido dahil paniguradong nasa kaniya ang phone ko!

Paano kung mukha lang siyang mabait? Paano kung magnanakaw pala siya? 

Hindi ko tuloy alam kung paano ko pa itatago kay Mama na wala na akong cellphone. Hindi naman nila ako pagagalitan pero nakakahiya. Niregalo niya pa iyon sa akin no’ng huling birthday ko, at ayoko namang isipinin niya na binalewala ko ‘yon. Ang pagkakaalam ko pa naman, pinag-ipunan niya iyon.

Street vendor lang kasi ang trabaho ni Mama kaya hindi madali sa amin ang bumili ng kung ano-anong luho. Si Papa naman, sa palayan lang nagtatrabaho. Habang ako, pasarap sa buhay. Kasalanan ko rin ito, e! Masyado akong burara sa gamit ko.

Napatingin ako kay Cassandra nang bigla siyang tumawa. “Sis, ba't parang ang laki naman ng problema mo? Ano ka ba? Cellphone lang 'yan!” pang-aasar niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Ang yabang mo! Palibhasa yayamanin kang bruha ka!” inis na sabi ko.

“Ikaw ba hindi? Kung ako sa 'yo bibili na lang ako ng bago. ‘Yong katulad ng sa nawala mong cellphone. Ano pang silbi ng real dad mo kung ganiyan?” Tumaas ang kilay niya.

Napabuntong hininga ako at umiwas ng tingin.

“Bahala na.” Muli akong bumuntong-hininga. “Let's not talk about him, please,” bulong ko sa kaniya at luminga sa paligid.

Kinahapunan ay pumunta ako sa dulo ng oval para gawin ang activity namin. Group activity ito pero ako na ang nagprisintang gumawa mag-isa. Mas gusto kong solo itong matapos kaysa may katulong akong iba. I don’t need them. Mas gusto kong magawa kung ano ang gusto ko, hindi ko kailangan ang suggestion nila.

Sa ilalim ng puno ako naupo. Tutok na tutok lang ang atensyon ko sa ginagawa ko buong oras. Hindi naman ako naabala ng mga estudyanteng naglalaro ng volleyball sa gitna ng oval dahil medyo malayo ako sa kanila. 

Ang akala ko, tahimik akong matatapos sa sandaling ito. Pero nasa kagitnaan na ako ng ginagawa ko nang awtomatiko akong mapalingon sa dalawang taong dumaan sa harap ko.

It’s Darrel with his new girlfriend.

Napatigil ako sa ginagawa ko at wala sa sariling napatitig sa kanila. Nawala ang atensyon ko sa ginagawa ko. Nakatanaw lang ako sa kanila habang naglalakad sila papalayo. Akala ko, wala na. Akala ko hindi ko na mararamdamn yung sakit. Pero traydor yata ang puso ko. Kusang kumikirot. Hindi ba pwedeng kontrolin na lang ang puso mo at ikaw ang magdesisyon kung kailan ka dapat masaktan? Kasi kapag gano’n, panatag ako kung alam kong worth it.

Pero siya, hindi siya worth it. Hindi isang katulad niya ang dapat na manakit sa akin. Hindi siya worth it maging dahilan ng luha ko.

Ngunit namalayan ko na lang ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

“Oh my god!” bigla akong napasigaw nang maya-maya ay maramdaman ko ang malamig na tubig na dumaloy sa binti ko. “Ano ba?!” Hindi makapaniwalang napatingala ako sa lalaking nagtapon ng palamig sa harapan ko.

Nanlaki rin ang mga mata niya na parang nagulat pa sa sigaw ko!

Ibinalik ko ang tingin sa group activity na ginagawa ko. Pero parang gusto kong maiyak nang makitang nabasa rin iyon. Umawang ang labi ko at hindi naitago ang pagkadismaya. Dahan-dahan akong tumayo at nag-angat ng tingin sa lalaking nasa harap ko. Pati ang ilang parte ng suot kong palda ay nabasa rin!

“Bakit mo ginawa 'yon?” galit na sigaw ko sa kaniya. 

Napatitig ako sa lalaking parang tanga na nakatayo sa harap ko. Pamilyar ang mukha niya sa ‘kin pero hindi ko iyon nagawang pagtuunan ng pansin. Nag-aalab ang galit ko! Gago ba siya? Hindi niya ba ako nakita kaya tinapunan niya ako ng juice?

“Shit. I'm sorry!” natatarantang sabi niya. Napalunok siya nang nakitang nasira ang ginagawa ko dahil sa kagagawan niya. 

Nagbaba ako ng tingin sa cartolina paper at iritadong tinapakan iyon. Mas nagulat siya sa ginawa ko.

“Ano? Ganiyan ba?! Hindi mo ba alam kung gaano ‘yan kahirap gawin para tapunan mo lang ng juice?” galit pa ring sigaw ko.

Halatang hindi niya alam ang gagawin kaya napasapo siya sa noo. Nakakaagaw na rin kami ng atensyon dahil sa lakas ng sigaw ko. Pero wala akong pakialam!

“I'm really sorry, Miss. Hindi ko sinasadyang matalapid—”

“Matalapid? Nakakainis ka! Sino ka ba, ha? Aksidente mo bang naitapon o sadyang tatanga tanga ka lang? Alin sa dalawa?!”

Frustrated niyang ginulo ang kaniyang buhok at natatarantang hinawakan ang magkabilang balikat ko. Hindi ko nagawang makagalaw agad. Napatitig ako sa kaniya, bagaman masama pa rin ang tingin.

“I didn't meant it, okay? Please, calm down.” Lumingon siya sa paligid, nahihiya.

Tinulak ko siya at mabilis na lumayo. “Minsan kasi bawas-bawasan ang katangahan! Hindi iyong nakakaperwisyo ka ng iba! Mga lalaki nga naman! Ano pa bang aasahan ko?” Inis kong hinawi ang buhok ko.

Halatang na offend siya dahil bahagyang umawang ang labi niya. Sumalubong ang makakapal niyang kilay. Sa totoo lang gwapo siya, pero wala akong pakialam! Aanhin mo ang gwapo kung lampa naman.

“Masyado ka naman yatang nagiging harsh, Miss,” bakas ang inis sa tono ng pananalita niya.

Sarkastiko akong napangisi. “Kasalanan ko ba? Kung nag-iingat ka sana—”

“It's also your fault, okay?” putol niya sa akin. “Stop being grumpy. Why don't you just focus on what you are doing, instead of staring at the man you know you can’t be taken back? Huh? Stupid,” seryoso at mariing sabi niya.

Natigilan ako. Wala sa sariling napalingon ako sa direksiyon nina Darrel saka ulit tumingin sa lalaking nasa harap ko, gulantang. A-Alam niya? Para akong natuod sa kinatatayuan ko. Umiling ako at napalunok. “Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganiyan?” Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mata ko. “I don't even know you! Anong pakialam mo, ha? Ano naman sa ‘yo kung tanga nga ako? May magagawa ka ba?” habol ang hiningang sabi ko. 

Napamaang siya at gulat na napatitig sa akin. Hindi ko siya pinansin dahil yumuko na ako para kuhanin ang gamit ko. Hindi ko na isinama pa ang activity ko na nasira. Isinuot ko na ang bag ko at akmang aalis, pero natigilan ako nang marinig siyang magsalita.

“I'm sorry.”

Malamig ko lang siyang tinapunan ng tingin. “Hindi mo kailangan mag-sorry. Sabi mo nga, it’s my fault.” Pagkatapos ay naglakad na ako papalayo.

To be continued...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status