Share

Chapter 4

Allison POV

“Ohhhhh, pagkaibig ko’y laro lang...”

Naalimpungatan ako sa mahimbing kong pagtulog nang marinig ang malakas na pagkanta ni Cassandra. Maingat akong bumangon at kinusot-kusot ang mga mata. Bagsak pa ang talukap ko at bahagyang inaantok.

Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto ko. Nakita ko si Cassandra na nakaharap sa salamin. Nagpapatuyo siya ng buhok, mukhang katatapos lang maligo.

Napanguso ako saka tumayo na. Mukhang hindi naman niya ako napansin kaya dumiretso na lamang ako sa banyo. Mabilis kong ginawa ang morning routine na ginagawa ko araw-araw.

“Good morning, sis!” bati sa akin ni Cassandra pagkalabas ko ng kwarto. Hawak niya sa kamay si Mateo na kagigising lang rin. Mukhang mas close pa sila ng kapatid ko kaysa sa akin!

“Morning,” tipid na sabi ko pabalik.

Pumunta kaming kusina at doon kumain ng almusal. Sandwich at coffee ang kinain ko dahil iyon na ang nakasanayan ko tuwing umaga.

“Mag-jo-joging ka?” tanong ni Cassanda, nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

“Ayoko. Tinatamad ako,e.” Sumimangot ang mukha ko.

Umirap siya at hindi na nagtanong. Hindi ko alam pero tinatamad talaga akong kumilos. Mas gusto ko na lang humiga sa kama o maglalakad lakad nalang. Isa pa, linggo naman ngayon. Araw talaga ng pamamahinga. Kaya siguro wala akong gana!

Kumuha ako ng pandesal at nilagyan iyon ng condense milk sa ibabaw. Saka ko isinawsaw sa kape bago kainin. Napapatingin tuloy sa akin sina Mama, aniya’y nilagyan ko pa raw ng condense kung isasawsaw ko rin naman sa kape. Psh! Ako naman ang kakain at hindi sila! Ang aarte.

Matapos kong kumain ng almusal ay muli na akong bumalik sa kwarto. Sumunod na rin sa akin si Cassandra. Hindi ko pa sigurado kung anong araw siya uuwi sa kanila. Baka maisipan niyang mag overnight ulit rito. 

“Simba kaya tayo? Tara!” pag-aaya ni Cassandra.

“Hindi na, ‘no! Mabait naman na ako---”

“Ulul! Ang tamad mo! Tumayo kana nga diyan!” Hinila niya ako bigla mula sa pagkakahiga ko. Todo piglas ang ginawa ko habang nakasimangot. Kasasabi ko lang kanina na tinatamad akong kumilos, ah? “Isa, Allison!” Binantaan niya ako ng tingin. Ngumuso ako. “May pagka-spoiled brat ka talaga, ano?” inis na sabi niya.

“Hindi naman. Sa mayaman lang meron no’n!” Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

“E, ’di ngayon meron na. Si Zaylee Allison Barcenas." 

Natigilan ako nang marinig ko na naman ang una kong pangalan. Bigla kong naalala ang tinawag sa akin ni Jazzer kahapon. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Siguro stalker talaga siya! Gosh. Ang creepy ng lalaking iyon!

“Uy, ano na! Bes naman.” Bumagsak ang balikat ni Cassandra.

Napahinga ako ng malalim at napipilitang tumango. “Fine,” Sinamaan ko siya ng tingin.

Nagpalit na ako ng damit na susuotin ko. Ano naman kaya ang nakain ni Cassandra? Kadalasan nga ay ako pa ang nag-aaya sa kaniya.

Dahil sa inis ay padabog akong humarap sa salamin. Napanguso ako. One-sided dress na kulay black ang isinuot ko at pagkatapos ay sinamaan ko ng tingin ang repleksyon ko sa salamin. Dinampot ko ang iba’t ibang make-up sa loob drawer ko. Kung ano-ano ang ginamit ko sa mukha ko na parang wala akong pakialam sa magiging hitsura ko. Ang kinalabasan tuloy, dark color ang make-up na nailagay ko. Dark red ang kulay ng liptint sa labi ko at pinatungan ko pa iyon ng color brown. 

Inirapan ko ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng kwarto.

“Hala!” Nanlaki ang mata ni Cassandra ng makita ako. Pinagmasdan niya ako simula ulo hanggang paa. “Grabe, Allison! Sa simbahan ba talaga ang punta mo?" sarkastikong tanong niya sa’kin.

Inismiran ko lang siya at kinuha na ang sling bag ko. Nahiya naman ako sa red tube na suot niya. Hindi rin naman mukhang sa simbahan ang punta niya, ah? Para siyang pupunta ng bar dahil sa ayos niya.

Nagpaalam na kami kay Mama bago umalis. Hinintay pa naming makapagbihis si Mateo dahil wala siyang kasama rito sa bahay. Paalis si Papa, samantalang si Mama ay didiretso naman sa palengke. Paniguradong maraming tao ngayon dahil linggo kaya magiging abala siya siya pagtitinda ng streetfood. Hindi niya maaasikaso ang kapatid ko kung kasama niya ito.

Tama nga ako dahil pagkarating na pagkarating namin sa simbahan ay marami ngang tao. Sumingit pa kami para makapasok sa loob at naghanap doon ng mauupuan. May ilang tao na napapatingin sa amin. Hindi ko alam kung dahil ba nakakabunggo na kami o dahil sa suot namin. Nag-iiwas lang ako ng tingin. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya. Bakit ba kasi ganito ang suot ko? Baka mukha akong aswang.

“Hay, salamat!” Nakahinga ng maluwag si Cassandra matapos ibaba si Mateo. Paano ay binuhat niya pa ito gayong marunong naman maglakad si Mateo.

Humarap na kaming tatlo sa unahan at nakinig sa sinasabi ng pari. Nag-uumpisa na ang misa.

“Ate may candy ka po?” bulong sa akin ni Mateo.

Ngumiti ako agad at tumango. Kinuha ko ang natira kong mentos sa sling bag ko saka iniabot sa kaniya. Napangiti agad siya.

“Ay, boba ka!”

Napapitlag ako sa kinauupuan ko nang may maramdaman akong braso sa likod ko pagkasandal ng ko ng upuan. Nanlaki ang mga mata ko at awtomatikong tumingin sa dalawang kasama ko. Seryoso ang mukha ni Cassandra habang nakikinig sa pari. Si Mateo naman ay nagbabalat ng candy.

Omygosh!

Nanigas ako sa kinauupuan ko at hindi nakagalaw! Ilang ulit akong napalunok. Pakiramdam ko ay may nakaakbay sa akin.

“Hi, Zaylee.” Kahit hindi ako lumingon sa katabi ko ay ramdam ko ang pag ngisi niya. Pamilyar din ang kaniyang boses at sigurado ako kung sino siya. Siya lang naman ang tumatawag sakin sa una kong pangalan! “Shit. You look hot on your dress,” bulong niya pa sa ‘kin. Halos maramdaman ko na rin ang mainit niyang hininga sa balat ko. Pumikit ako at ipinagdasal na sana ay nagkakamali lang ako. Mas gugustuhin ko pang hindi ko kilala ang nasa tabi ko kaysa makita si Jazzer!

Nanindig ang balahibo ko nang bigla siyang gumalaw at pinagapang ang palad papunta sa baywang ko. Ipinulupot niya ang braso niya sa akin at hinapit ako palalapit sa kaniya. Parang nanigas ang katawan ko at hindi ko magawang kumilos. Ni hindi ko pa siya nililingon!

"Why speechless, baby? Aren’t you grumpy now, huh?" Narinig ko ang nakakaloko niyang tawa. "Where’s your furious look? Come on, I want to see it now."

Kumuyom ang kamao ko at matapang na nilingon siya. Muntik pang magdikit ang mga mukha namin dahil hindi ko inaasahang sobrang lapit niya pala. Kumabog ang puso. Nakangiti sa akin si Jazzer at nakataas ang parehong kilay. Simpleng puting shirt at shorts lang ang suot niya ngayon. Mamasa-masa pa rin ang bagsak at itim niyang buhok.

Agh! Hanggang simbahan ba naman ay makikita ko ang walanghiyang ito?

"A-ang sama ng ugali mo! Minamanyak mo ako!" nanggigil na singhal ko sa mukha niya at malakas siyang siniko sa tagiliran. Ang sama sama niya!

"Fuck!" Napabitaw siya sa akin at napasigaw sa sakit. Mabilis akong sumiksik sa kapatid ko. Hindi ko nilingon si Jazzer nang bigla ay mapunta sa kaniya ang atensiyon ng mga tao.

Napanguso na lang ako. Pinigilan kong matawa dahil alam ko kung gaano kasakit ang pagsiko na ginawa ko sa kaniya. Buti lang sa kaniya iyon, ‘no! Sana mabutas ang bituka niya. Bastos siya!

“I’m sorry. Siniko po ako ng girlfriend ko. Red days kaya...” Bigla siyang umakbay sa akin at ngumiti sa mga matang nakatingin sa kaniya. “...mainitin ang ulo. It’s her normal, anyway."

WHAT THE HELL?!

Nanlaki ang mga mata ni Cassandra nang mapatingin sa akin. Nagtataka ring tumingin sa akin si Mateo at sinilip pa si Jazzer. Ngumiti siya at kumaway nang makita ito. Ang asshole talaga ng Jazzer na ‘to! Nasa loob pa naman ako ng simbahan pero parang gusto kong magmura. Iyong paulit-ulit. It’s his fault!

Inalis ko ang braso niya sa balikat ko at itinulak siya palayo. Nahirapan pa ako dahil nakaupo kaming pareho. Napakalandi niya talaga! Wala na bang bago sa mga lalaki? Ayoko talaga sa kaniya! Nakakainis!

“Why?” natatawang tanong ni Jazzer. Halos magdikit na ang mga kilay ko sa inis. At nagagawa pa niyang tumawa, ha? “I’m not flirting you, okay?”

“Mukha mo!” Akmang susuntukin ko siya pero pinigilan niya ang kamay ko. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kamay niyang nakahawak sa akin.

“Tsh! Nandito ako para magsimba, Miss. Stop assuming things. I’m just kidding you.” Hindi pa rin nawawala ang tawa niya. Para magsimba? Manyak ka lang talaga! “Black dress, huh? Sorry for your lost, Miss.”  Tumingin siya sa damit na suot ko. Sa pagkakataong ito ay alam kong aasarin niya na naman ako. Ngayon naman, pati suot ko ay napapansin niya.

“Lost? Anong tingin mo sa akin namatayan?” iritado kong tanong.

“Hmm.” Nakangiwi siyang tumango.

Hindi niya talaga ako titigilan, ha?

“Actually, ikaw ang pinagluluksa ko! Ang akala ko kasi patay ka na, eh? Mag-thank you ka na lang sa 'kin, okay?” Naaasar akong ngumiti sa kaniya.

Napatitig siya sa akin pero tinawanan niya lang ang sagot ko. “Matagal na talaga akong patay, Zaylee. I’m deadly inlove with you.” Kinindatan niya ako.

Huh?

Parang gusto kong masuka dahil sa kakornihan ng sinabi niya! Omygosh, kadiri talaga! Parang naninindig ang balahibo ko. Agh! I hate him! Saang planeta ba galing ito? Gusto ko siyang sabunutan.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at hindi na napigilan ang paglukot ng mukha. 

Tumagilid ang ulo ni Jazzer at tinitigan ako. Hindi ko alam kung bakit parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Siguro dahil hindi ako sanay nang tinititigan.

Pinaglaruan niya ang labi niya at umayos ng upo.

"Why are you wearing that kind of make up? You like darks?" takang tanong niya.

Ngumuso ako at napairap sa kaniya. “Ano namang pakialam mo?” Lahat nalang napansin niya.

Ngumisi siya sa akin at napaisip. “Tsss. Mukha kang...” Tumaas ang kilay ko at napatingin sa kaniya. Hinintay ko ang sunod niyang sasabihin. Siguro sasabihin niya na nagagandahan siya sa akin? Wala na namang bago. “...mambabarang.” Saka siya napahalakhak.

Fuck you!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status