Allison POV
“D-date?”
Tama ba ang narinig ko? He’s asking me for date? No. He’s not asking! He didn’t need to ask me because I am supposed to obey what he just said!
Buong magdamag tuloy akong hindi nakatulog dahil doon. Nagpapaulit-ulit sa utak ko ang huling sinabi niya sa akin bago siya umalis.
Napabuga ako ng hangin at mariing napapikit. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng pwede niyang hingin ay iyon pa ang napili niya. Kung tinanggap niya lang sana ang ‘thank you’ ko, hindi na ako namomroblema ng ganito! Sa totoo lang, mababaw lang naman ito. Ako lang ang gumagawa ng big deal!
Gusto kong maiyak sa pagka-frustrated.
Pero hindi niyo rin naman ako masisisi. Ilang linggo ko pa lang kilala si Jazzer ngunit ngayon ay makikipagdate na ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin doon. Hindi naman sa tinatanggihan ko siya pero mali yata iyon.
Tama ba na
Allison POV “Hoy, masusunog na!” May bigla na lang sumigaw mula sa likuran ko. Nataranta ako at mabilis na pinatay ang apoy sa ilalim. Muntik nang masunog ang niluluto ko! Inilagay ko na iyon sa plato at awkward na ngumiti kay Kuya. Ngayon na nga lamang ako nagluto ay palpak pa! Hindi talaga ako babagay sa ganitong sitwasyon. Ang hirap i-imagine na makita ang sarili ko sa kusina. Mabilis pa naman mawala ang atensyon ko sa isang bagay. “Ang aga-aga kasi nakikipagsigawan ka riyan sa kaibigan mo!” sermon niya. “May isang sunog, oh! Ikaw kakain niyan, ah!” Turo niya sa nangingitim na bacon. Napanguso ako at sinamaan siya ng tingin. “Bakit ako, Kuya? Niluto ko ‘yan para sa ‘yo. Hindi mo man lang ba ma-aappreciate ang effort ng kapatid mo?” kunwaring naiiyak na sabi ko. Ano ba kasing ginagawa niya rito? Ang akala ko pa naman ay abalang-abala siya sa pagbabasa roon! Wala siguro siyang mapagkaabalahan dahil t
Allison POV“Kung ihampas ko sa ‘yo ‘to? Gusto mo pa akong pakainin ng papel!” sigaw ko sa lalaki. Mabilis hinawakan ni Angel ang braso ko para pigilan ako.“A-ano, hindi! A-ano kasi, gusto sana kitang...” Kinakabahan siyang napalunok. “...l-ligawan.”Umawang ang labi ko at gulat na napatitig sa kaniya. Moreno ang kulay niya pero may hitsura naman. Kaya siguro malakas ang loob niyang manligaw! E, hindi ko naman siya kilala.“Oh, gosh,” bulong ni Angel.Huminga ako ng malalim at napipilitang tumango. “Okay. Maupo ka ron.” Tinuro ko ang bakanteng upuan sa tapat ko.Nabigla siya. “Sigurado ka?” tanong niya.“Malamang! Anong tingin mo sa akin tanga?”“O-okay,” napapahiyang tugon niya.Pagkaupong-pagkaupo ng lalaki ay ngumiti ako. Tahimik lang sina Angel, pilit pinipigilan ang pagtawa dahil siguradong alam na nila ang k
Allison POV“Jazzer?” Kumatok ako sa kwarto ni Jazzer.Natatandaan kong ito ang kwarto na tinulugan ko no’ng narito ako. Sa kaniya pala iyon. Napaisip tuloy ako kung saang kwarto siya natulog."Tao po! Jazzer?! Hindi mo ba ako lalabasin dito?" Muling katok ko. Tahimik lamang si Kaye Ann at ang Mommy niya sa likuran ko habang bitbit nila ang niluto ko. Halatang kinakabahan sila at hindi ko alam kung bakit. “Galit ka ba sa ‘kin dahil hindi kita sinipot kahapon? Sorry na nga, e! Gusto mo mag-date tayo ngayon?” nangungumbinsing sigaw ko.Napalabi ako nang walang tumugon sa loob. Wala yata talaga siyang balak sumagot. Humarap ako sa dalawang kasama ko at pinilit na ngumiti. Nagkatinginan lang sila.“Mauna na po ako, tita! Kaye Ann! Mas gusto po yata niya kung—” Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ang pagbukas ng pinto. Ngumiti ako at tagumpay na kinuha ang pagkain kay Kaye Ann
Allison POV“Ang agap mo sis, ah?” salubong sa akin ni Cassandra kinabukasan. Naglalakad ako papasok sa loob ng school nang makita ko siya, suot na naman ang kaniyang P.E uniform.Ngumiti ako at umiling. “Maaga lang nagising,” sagot ko at tumingin sa relo. Alas sais pa lang ng umaga.Sabay kaming naglakad ni Cassandra papunta sa classroom. Nauna akong makarating dahil malayo layo pa ang classroom niya.Pagpasok ko pa lamang sa loob ay bumungad na sa akin ang malinis na room. Wala pang estudyante ang dumarating kaya dumiretso na lang ako sa upuan ko. Inilabas ko ang cellphone ko at naglaro ng online games.“Sis, alam mo ba? Pumayag ang ang advicer ko na maki-sit in sa inyo bukas!” Napangiti ako nang magpop-up sa screen ko ang text sa akin ni Cassandra.“Talaga?” excited na reply ko.“Oo. Pagaya, ha? Saka hindi lang naman ako, lima kami hahaha.”“Ano ba
Allison POV“Sis, huminahon ka nga. Uminom ka muna!” galit na sabi sa ‘kin ni Cassandra at iniabot sa ang isang baso ng tubig.Nanginginig man ang kamay ay kinuha ko iyon para inumin. Pana’y pa rin ang iyak ko kahit nasa bahay na kami. Nasa kwarto kaming dalawa dahil hinila niya na ako paalis sa library, hindi ko namalayang dumating pala siya at napanood ang eskandalong ginawa ko.“A-anong gagawin ko, sis?” Pinunsan ko ang luha sa pisngi ko at inilapag ang baso sa ibabaw ng table. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa lamig ng tubig na ininom ko.“Gagawin? Wala kang gagawin! Ano ba, Allison? Bakit mo ginawa ‘yon?!” Namula sa galit ang kaibigan ko. “Anong pumasok diyan sa kukote mo? Nag-iisip ka ba, ha?” sigaw niya pa.Napayuko ako sa kamay ko dahil nagsisimula na siyang awayin ako. “Ayoko kasing maghiwalay kami kahit ako pa ang nakipagbreak sa kaniya. Ang sakit sa dibdib sis,
Allison POV"Good morning, class!" Napunta ang atensyon namin sa unahan nang pumasok ang science teacher namin. Dire-diretso niyang inilapag ang bag sa table. "Nandito na ba lahat?" tanong niya at inilibot ang paningin sa buong classroom."May kulang pa po! Isa! 'Yong kaklase ko na makikisit-in din," sigaw ni Cassandra.Nakakunot na napatingin sa kaniya si Ms. Acachi. "Hmm..." Tumango siya. Saktong napadaan ang tingin niya sa akin dahil magkatabi lang kami ni Cassandra. "I watched your video, Miss Barcenas. Why did you do that?"Tipid lang akong napangiti, bagaman nakaramdam ng pagkapahiya. "Please, don’t ask, Ma’am. That's too personal for me to answer," sabi ko. Yumuko ako sa kamay ko nang marinig na naman ang ilang tawanan."Okay. Just don't mind the other student, okay?" Ngumiti siya sa 'kin. "So, sino pa ang wala? Magsisimula na ang klase," tanong niya pa.Nag-check na siya ng attendance namin at pagkatapos ay may isin
Allison POV"Please?"Napalunok si Jazzer nang tumingin sa kamay ko. Hindi ko pa rin siya binitawan. Ayoko. Baka takbuhan niya ako, e! Tapos baka um-absent pa siya. Mahirap pa naman siyang hanapin.Matagal lang siyang nakatingin sa akin bago bumuntong-hininga at tumango. Sinamaan niya ng tingin si Jerald na nasa likod ko pa pala. Pinapanood niya kami habang sumisipol."Hindi ka aalis?""Aalis na, o!" Humalakhak si Jerald. "Pakipot lang 'yan," bulong niya sa 'kin at kinindatan ako bago umalis. Tinanaw ko muna siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.Ilang sandali akong hindi nagsalita. Nang ibalik ko ang tingin kay Jazzer ay napaatras pa ako nang makitang nakatingin na siya sa akin. Mukhang hinihintay niya lang akong magsalita. Pinalobo ko ang pisngi ko, hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Ilang ulit akong napakurap."Tsk. 'Yan lang ba ang gagawin mo? Mag-pa-cute?" bakas ang inis na sabi niya.Umawang ang labi ko
Allison POV "Kaya mo, 'diba?" Tumaas ang kilay ko. "Kaya mo 'yan, ako nagsabi, e! Tapos pareho pang 'All' ang unang letter ng name natin. Ibig sabihin, ma-swerte ka." Pinalobo ni Alleona ang kaniyang bibig at marahang tumango. "S-salamat, Ate Allison," ngiti niya. Napakatipid nitong magsalita at baka mapanis lang ang laway ng kung sinong ka-u-usapin niya dahil sa sobrang tahimik. Napaka-pino rin niyang gumalaw. Nakakainggit naman, sana dalagang pilipina rin ang peg ko. "Paano mo pala nalaman ang pangalan ko? Hindi pa naman ako nag-pa-pakilala, ah?" takang tanong ko nang mapansin ang pag-banggit niya sa pangalan ko. Ngayon ko lang naman siya nakita. Siguro stalker ko rin siya kagaya ni Jazzer! Napanguso ako. "A-ah kasi po..." Hindi niya maituloy ang sasabihin. "U-Uhm..." "Tsk. Come on, Alleona! Go back to your classroom. Just freaking believe in yourself," nababagot na sabi ni Jazzer, nakasimangot na ang mukha