Allison POV
“Kung ihampas ko sa ‘yo ‘to? Gusto mo pa akong pakainin ng papel!” sigaw ko sa lalaki. Mabilis hinawakan ni Angel ang braso ko para pigilan ako.
“A-ano, hindi! A-ano kasi, gusto sana kitang...” Kinakabahan siyang napalunok. “...l-ligawan.”
Umawang ang labi ko at gulat na napatitig sa kaniya. Moreno ang kulay niya pero may hitsura naman. Kaya siguro malakas ang loob niyang manligaw! E, hindi ko naman siya kilala.
“Oh, gosh,” bulong ni Angel.
Huminga ako ng malalim at napipilitang tumango. “Okay. Maupo ka ron.” Tinuro ko ang bakanteng upuan sa tapat ko.
Nabigla siya. “Sigurado ka?” tanong niya.
“Malamang! Anong tingin mo sa akin tanga?”
“O-okay,” napapahiyang tugon niya.
Pagkaupong-pagkaupo ng lalaki ay ngumiti ako. Tahimik lang sina Angel, pilit pinipigilan ang pagtawa dahil siguradong alam na nila ang k
Allison POV“Jazzer?” Kumatok ako sa kwarto ni Jazzer.Natatandaan kong ito ang kwarto na tinulugan ko no’ng narito ako. Sa kaniya pala iyon. Napaisip tuloy ako kung saang kwarto siya natulog."Tao po! Jazzer?! Hindi mo ba ako lalabasin dito?" Muling katok ko. Tahimik lamang si Kaye Ann at ang Mommy niya sa likuran ko habang bitbit nila ang niluto ko. Halatang kinakabahan sila at hindi ko alam kung bakit. “Galit ka ba sa ‘kin dahil hindi kita sinipot kahapon? Sorry na nga, e! Gusto mo mag-date tayo ngayon?” nangungumbinsing sigaw ko.Napalabi ako nang walang tumugon sa loob. Wala yata talaga siyang balak sumagot. Humarap ako sa dalawang kasama ko at pinilit na ngumiti. Nagkatinginan lang sila.“Mauna na po ako, tita! Kaye Ann! Mas gusto po yata niya kung—” Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ang pagbukas ng pinto. Ngumiti ako at tagumpay na kinuha ang pagkain kay Kaye Ann
Allison POV“Ang agap mo sis, ah?” salubong sa akin ni Cassandra kinabukasan. Naglalakad ako papasok sa loob ng school nang makita ko siya, suot na naman ang kaniyang P.E uniform.Ngumiti ako at umiling. “Maaga lang nagising,” sagot ko at tumingin sa relo. Alas sais pa lang ng umaga.Sabay kaming naglakad ni Cassandra papunta sa classroom. Nauna akong makarating dahil malayo layo pa ang classroom niya.Pagpasok ko pa lamang sa loob ay bumungad na sa akin ang malinis na room. Wala pang estudyante ang dumarating kaya dumiretso na lang ako sa upuan ko. Inilabas ko ang cellphone ko at naglaro ng online games.“Sis, alam mo ba? Pumayag ang ang advicer ko na maki-sit in sa inyo bukas!” Napangiti ako nang magpop-up sa screen ko ang text sa akin ni Cassandra.“Talaga?” excited na reply ko.“Oo. Pagaya, ha? Saka hindi lang naman ako, lima kami hahaha.”“Ano ba
Allison POV“Sis, huminahon ka nga. Uminom ka muna!” galit na sabi sa ‘kin ni Cassandra at iniabot sa ang isang baso ng tubig.Nanginginig man ang kamay ay kinuha ko iyon para inumin. Pana’y pa rin ang iyak ko kahit nasa bahay na kami. Nasa kwarto kaming dalawa dahil hinila niya na ako paalis sa library, hindi ko namalayang dumating pala siya at napanood ang eskandalong ginawa ko.“A-anong gagawin ko, sis?” Pinunsan ko ang luha sa pisngi ko at inilapag ang baso sa ibabaw ng table. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa lamig ng tubig na ininom ko.“Gagawin? Wala kang gagawin! Ano ba, Allison? Bakit mo ginawa ‘yon?!” Namula sa galit ang kaibigan ko. “Anong pumasok diyan sa kukote mo? Nag-iisip ka ba, ha?” sigaw niya pa.Napayuko ako sa kamay ko dahil nagsisimula na siyang awayin ako. “Ayoko kasing maghiwalay kami kahit ako pa ang nakipagbreak sa kaniya. Ang sakit sa dibdib sis,
Allison POV"Good morning, class!" Napunta ang atensyon namin sa unahan nang pumasok ang science teacher namin. Dire-diretso niyang inilapag ang bag sa table. "Nandito na ba lahat?" tanong niya at inilibot ang paningin sa buong classroom."May kulang pa po! Isa! 'Yong kaklase ko na makikisit-in din," sigaw ni Cassandra.Nakakunot na napatingin sa kaniya si Ms. Acachi. "Hmm..." Tumango siya. Saktong napadaan ang tingin niya sa akin dahil magkatabi lang kami ni Cassandra. "I watched your video, Miss Barcenas. Why did you do that?"Tipid lang akong napangiti, bagaman nakaramdam ng pagkapahiya. "Please, don’t ask, Ma’am. That's too personal for me to answer," sabi ko. Yumuko ako sa kamay ko nang marinig na naman ang ilang tawanan."Okay. Just don't mind the other student, okay?" Ngumiti siya sa 'kin. "So, sino pa ang wala? Magsisimula na ang klase," tanong niya pa.Nag-check na siya ng attendance namin at pagkatapos ay may isin
Allison POV"Please?"Napalunok si Jazzer nang tumingin sa kamay ko. Hindi ko pa rin siya binitawan. Ayoko. Baka takbuhan niya ako, e! Tapos baka um-absent pa siya. Mahirap pa naman siyang hanapin.Matagal lang siyang nakatingin sa akin bago bumuntong-hininga at tumango. Sinamaan niya ng tingin si Jerald na nasa likod ko pa pala. Pinapanood niya kami habang sumisipol."Hindi ka aalis?""Aalis na, o!" Humalakhak si Jerald. "Pakipot lang 'yan," bulong niya sa 'kin at kinindatan ako bago umalis. Tinanaw ko muna siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.Ilang sandali akong hindi nagsalita. Nang ibalik ko ang tingin kay Jazzer ay napaatras pa ako nang makitang nakatingin na siya sa akin. Mukhang hinihintay niya lang akong magsalita. Pinalobo ko ang pisngi ko, hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Ilang ulit akong napakurap."Tsk. 'Yan lang ba ang gagawin mo? Mag-pa-cute?" bakas ang inis na sabi niya.Umawang ang labi ko
Allison POV "Kaya mo, 'diba?" Tumaas ang kilay ko. "Kaya mo 'yan, ako nagsabi, e! Tapos pareho pang 'All' ang unang letter ng name natin. Ibig sabihin, ma-swerte ka." Pinalobo ni Alleona ang kaniyang bibig at marahang tumango. "S-salamat, Ate Allison," ngiti niya. Napakatipid nitong magsalita at baka mapanis lang ang laway ng kung sinong ka-u-usapin niya dahil sa sobrang tahimik. Napaka-pino rin niyang gumalaw. Nakakainggit naman, sana dalagang pilipina rin ang peg ko. "Paano mo pala nalaman ang pangalan ko? Hindi pa naman ako nag-pa-pakilala, ah?" takang tanong ko nang mapansin ang pag-banggit niya sa pangalan ko. Ngayon ko lang naman siya nakita. Siguro stalker ko rin siya kagaya ni Jazzer! Napanguso ako. "A-ah kasi po..." Hindi niya maituloy ang sasabihin. "U-Uhm..." "Tsk. Come on, Alleona! Go back to your classroom. Just freaking believe in yourself," nababagot na sabi ni Jazzer, nakasimangot na ang mukha
Allison POVBago ako pumasok sa classroom ko ay inamoy ko muna ang sarili. Napanguso ako. Wala akong amoy. Bwisit kasi! Nalimutan kong mag-spray kanina bago umalis.Nakakahiya tuloy kay Jazzer dahil inakbayan niya pa ako kanina. Baka isipin niya na sobrang plain kong babae. Siguro 'yong babae sa park, mabango iyon. Tapos baka mamahalin pa. Ano kayang iniisip ni Jazzer? Paano kung pinag-kumpara niya kaming dalawa? Walang-wala ako!Agh. Pero bakit niya naman gagawin 'yon? Masiyado na yata akong feelingera. Dapat alisin ko 'to. Hindi masamang mag-assume pero nakasasama pa rin. Tsk!"Ayoko na talaga! Baka matamaan ako sa mukha, e!" reklamo ko sa mga kaklase ko at padabog na naupo sa ilalim ng puno. Pinunasan ko ang mga butil ng pawis sa noo ko. Sobrang init!"Napaka-arte mo naman, Barcenas. Ayaw mo lang yata mag-pa-init."Hindi ko pinansin ang president naming si Elle at uminom na lang ng tubig sa tumbler ko. Grabe, pakiramdam ko ay nasusu
Allison POVHindi na ako sumakay ng trycicle pauwi ng bahay dahil paniguradong mas matatagalan ako. Tumakbo na lang ako pauwi sa amin. Hindi naman iyon kalayuan. Tingin ko, thirty minutes lang ang inabot ko.Pagbalik ko na lang siguro ako sasakay. Isa pa, sayang talaga ang pamasahe."Mama, ito na po!" sigaw ko kasabay ng pag-katok sa pinto."Oo, sandali!" Binuksan ni Mama ang pinto. Napangiti siya noong iabot ko sa kaniya ang mga susi sa wallet ko. "Sa wakas! Oh, bakit pawisan ka? Naglakad ka ba?" Kumunot ang noo niya, pinagmasdan ang mukha ko."Opo."Napasapo si mama at pinagalitan ako. Dapat daw ay sumakay na lang ako. Hinawakan niya pa ang ulo ko na ngayon ay sobrang init. Tinawanan ko siya. Mamaya naman ay mawawala na rin ito."Sige na, Ma. Aalis na ako," paalam ko sa kaniya."O, sige! Huwag nang magpainit, ha!"Tumango ako at tumalikod na. Inabot ako ng ilang segundo bago ko mabuksan ang na
Allison's POVNapatigil ako sa paglalakad, hindi inaasahang sisiputin pa rin ako ni Jazzer bagaman late na ng ilang oras.I scoffed at my self and immediately turned to face him. He was looking at with his serious eyes. Hindi na ako nakapagpigil pa at mabilis ko siyang niyakap."You came," natatawang sabi ko. "I'm sorry for inconvenience, sana pala, sa tawag na lang kita kinausap. This would be fast." Humiwalay ako sa kaniyaBumuka ang bibig niya na parang may gustong sabihin pero hindi niya maituloy. "I—""No need, Jazzer," pigil ko sa kaniya. "Thank you for showing up. Uh... I want to bid a goodbye. This is my last day here so it should be in person. I want to have a break in Japan. Ito na rin ang huling araw na guguluhin kita. Pasensya na." Natawa ako pero may luhang kumakawala sa mga mata ko.I love him. My baby deserves to have him. His father. But
Allison's POV I looked at the mirror as I stared at my face. I just wore a long sleeve dress with a flat black shoes. Simula nang malaman ko na nagdadalang tao ako, iniwasan ko na ang pagsusuot ng damit na dati ay komportable ako. Just like sleeveless and stilletos. Dinampot ko ang cellphone ko at tiningnan ang text ng isang taong hindi ko inaasahan na makikipagkita sa akin. I read her message as I sighed when Iound out that she's asking me to meet her. "Not in other place, go to our house. The guards will guide you," I replied. "Your house is too far!" "And you want me to go in your province, instead? If you want to talk to me, make an effort at least." Nakasalubong si daddy nang bumaba ako sa sala. Paalis ito at mukhang marami ring aasikasuhin dahil sa pagmamadali. Tinanong niya lang sa akin ang tungkol kay Mateo kaya sinabi kong
Allison's POV"Russel, you can go to your condo now. Marunong ka bang bumiyahe?" tanong ko kay Russel nang makalabas kami sa bahay nina Jazzer. Pasakay na sana siya sa backseat pero agad ko siya pinigilan."Huh? Where are you going?" takang tanong niya. "Bring me with you. He groaned. "You are pregnant—""Shhh!" Natataranta kong tinampal ang bibig niya at nagpalinga-linga sa paligid dahil sa takot na may makarinig sa kaniya."Ang sakit naman!" reklamo niya."Magdahan-dahan ka kasi! He doesn't have to know!""Sino?"Napalunok ako. "Stop asking, will you? Umuwi ka na!""I'll come with you, baka—""I am with my driver!""But—""Gusto mo bang mamuti ang mga mata ni Brielle kahihintay sa 'yo ro'n? I told her to go to my condo na katabi lang ng condo mo," putol ko sa kaniya, tinaasan siya ng kilay. "My condo is locked. At maghihintay siya sa labas. Pumunta ka na roon para kunwari, ak
Allison's POV "Kuya, sa tabi na lang," utos ko sa driver na agad namang sumunod. Sinulyapan ko si Russel sa backseat at nakitang bumababa na siya ng sasakyan. Hinintay ko siyang pagbuksan ako bago kami sabay na naglakad papasok. Since, he is my assistant, siya ang isinama ko sa bahay nina Jazzer para magdala ng gamit ko. Simple celebration lang naman daw ito, ang alam ko ay kakain lang kami ng lunch. Hindi ko na tinanggihan dahil baka isang oras lang din ako rito. May importante pa akong pupuntahan mamaya pagkatapos. Pagpasok namin sa loob ay sinalubong ako ni Kaye Ann at mahigpit na niyakap. Inirapan ko siya at iginala ang paningin sa paligid. Bilang lamang pala kaming nandito. Jazzer's family, Kaye Ann's and Chloe's. Nakita ko rin si Trisha na simula pagpasok ko ay hindi na maipinta ang mukha, katabi siya ni Jazzer na tahimik na nakaupo. Hindi ko sila sinulyapan at in
Allison's POV "Is this yours?" I was just staring at Russel and couldn't say anything. Nakataas ang isang kilay niya sa akin at bakas ang pagkatuwa lalo na nang makita ang naging reaksiyon ko. I tried to open my mouth pero walang salita ang lumalabas sa bibig ko. "Bestfriend, I'm asking you," kunwaring naiinip na sabi niya. Napalunok ako, huminga ng malalim at mariing ipinikit ang mga mata para pakalmahin ang sarili. Ilang segundo akong tahimik bago marahas na humakbang palapit kay Russel. Hindi niya inaasahan iyon kaya madali kong naagaw sa kaniya ang pregnancy test ko sa kamay niya. I glared at him. "Where did you get this?!" pasinghal na tanong ko. He scoffed, jokingly. "Miss Reinhard, if you doesn't want everyone to know about that, please keep it properly." Marahan siyang naglakad palapit sa isang table. Naupo siya roon
Allison’s POV Stop thinking negative, Allison! Tumalikod ako kina Jazzer at mabilis naglakad palabas. No. I still want to try it. Kung ikasisira iyon ng relasyon nila ay labas na ako, hindi ako ang may kasalanan noon kung sakali. Si Jazzer pa rin ang magdedesisyon at hindi ako. It’s either now, or never. Sa ngayon ay mas matimbang sa akin ang batang dinadala ko. I want to be selfish for now. Kailangan kong mamili. Si Trisha na mawawalan ng boyfriend, o ang anak ko na mawawalan ng kinikilalang ama. Of course, I’ll chose my baby. May nakita akong puno hindi kalayuan sa hospital kaya naglakad ako patungo roon at sumandal. Dumungaw ako sa cellphone ko. Mapait akong napangiti nang makita ang text sa akin ni Jazzer. He told me that he will be late in few minutes. He didn’t even tell
Allison POVPagkatapos kong patayin ang tawag ay lumabas na ako ng cr. Pagbalik ko sa labas ay nagtatawanan pa rin sina Cassandra. Tumawag na lang ako ng waiter bago maupo sa pwesto ko. Iniabot nito sa akin ang menu."What do you want do you want to have, guys?" tanong ko.Nagtinginan sila sa akin. Bumuntong-hininga ako at inabot sa kanila ang menu. Nag-agawan sila roon at nagtalo kung sino ang unang pipili kaya sinenyasan ko ang waiter na kumuha pa ng dalawa. Sumunod naman iyon at hindi nagtagal ay iniabot niya sa mga kaibigan ko ang dalawa."Doc, balita ko galante ka raw, ah?" puna ni Erick, na kay Jerald ang paningin.Mayabang na ngumisi si Jerald. "Ako pa?""Libre! Libre! Libre!" Bigla na lang sumigaw si Nico. Naghalakhakan sina Miguel at sinabayan din ito. Nakisali pa sina Kaye Ann maliban sa akin. "Doc, baka naman!""Sur
Allison POV Nagpaalam na rin agad si Mateo. Aniya’y mag-mo-movie marathon daw siya sa kwarto niya. Nag-prisinta akong sasamahan ko siya pero tumanggi ito, mas prefer niya raw ang solo. Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. Wala naman siyang nabanggit tungkol kay papa. Another day had passed. Kabababa ko pa lang ng hagdan ay nakita ko na ang tatlo kong kapatid na babae kasama si Mateo. Naglalaro sila ng chess. Kasakuluyang naglalaban ngayon si Allona at Allicia. Panay’y ang halakhak ni Allona habang si Allicia naman ay sunod-sunod ang pag-irap. "Bitch, I’m not stupid! Kanina mo pa akong dinadaya!" "Dinadaya your ass! Talo ka, sadyang hindi mo lang matanggap!" "Ugh! Whatever." Kumaway sa akin si Brielle nang makita ako. Napatingin din tuloy sa akin ang tatlo. Inaya pa ako ni Allona na sumali pero tumanggi ako. Hindi ko nga alam kung saan nila nakuha ang chest na nilalaro nila. Paalis din ako ngayon, babalik ako sa cebu d
Allison POV"You think I am playing here?!" buong lakas na sigaw ko.Nanatiling kalmado si Jazzer habang nakatitig sa akin. Walang karea-reaksiyon ang kaniyang mukha. Blangko lang ang ekspresiyon nito at nagawa pang mag-pamulsa. Hindi niya alam gaano ko siya gustong sampalin."Hindi ako tanga," basag ang boses na sabi ko. "I don’t trust your words!"Nakita ko ang paggalaw ng lalamunan ni Jazzer. Tumingala siya saglit at ikinurap ang mga mata. Pagkatapos ay pilit ang tawa na tumingin ulit sa akin, hindi natinag sa nanlilisik kong mga mata."Who told you to trust my words? Do I like I fucking care?" nanunuyang tanong niya. Naramdaman kong mas lalong sumikip ang dibdib ko, kinailangan ko pang i-awang ang labi ko para makahinga ng maaayos. "Shit. Tell me... Did you ever trust me? You did nothing but to doubt me, right?"Napatakip ako ng mukha, pin