Allison POV
Bago ako pumasok sa classroom ko ay inamoy ko muna ang sarili. Napanguso ako. Wala akong amoy. Bwisit kasi! Nalimutan kong mag-spray kanina bago umalis.
Nakakahiya tuloy kay Jazzer dahil inakbayan niya pa ako kanina. Baka isipin niya na sobrang plain kong babae. Siguro 'yong babae sa park, mabango iyon. Tapos baka mamahalin pa. Ano kayang iniisip ni Jazzer? Paano kung pinag-kumpara niya kaming dalawa? Walang-wala ako!
Agh. Pero bakit niya naman gagawin 'yon? Masiyado na yata akong feelingera. Dapat alisin ko 'to. Hindi masamang mag-assume pero nakasasama pa rin. Tsk!
"Ayoko na talaga! Baka matamaan ako sa mukha, e!" reklamo ko sa mga kaklase ko at padabog na naupo sa ilalim ng puno. Pinunasan ko ang mga butil ng pawis sa noo ko. Sobrang init!
"Napaka-arte mo naman, Barcenas. Ayaw mo lang yata mag-pa-init."
Hindi ko pinansin ang president naming si Elle at uminom na lang ng tubig sa tumbler ko. Grabe, pakiramdam ko ay nasusu
Allison POVHindi na ako sumakay ng trycicle pauwi ng bahay dahil paniguradong mas matatagalan ako. Tumakbo na lang ako pauwi sa amin. Hindi naman iyon kalayuan. Tingin ko, thirty minutes lang ang inabot ko.Pagbalik ko na lang siguro ako sasakay. Isa pa, sayang talaga ang pamasahe."Mama, ito na po!" sigaw ko kasabay ng pag-katok sa pinto."Oo, sandali!" Binuksan ni Mama ang pinto. Napangiti siya noong iabot ko sa kaniya ang mga susi sa wallet ko. "Sa wakas! Oh, bakit pawisan ka? Naglakad ka ba?" Kumunot ang noo niya, pinagmasdan ang mukha ko."Opo."Napasapo si mama at pinagalitan ako. Dapat daw ay sumakay na lang ako. Hinawakan niya pa ang ulo ko na ngayon ay sobrang init. Tinawanan ko siya. Mamaya naman ay mawawala na rin ito."Sige na, Ma. Aalis na ako," paalam ko sa kaniya."O, sige! Huwag nang magpainit, ha!"Tumango ako at tumalikod na. Inabot ako ng ilang segundo bago ko mabuksan ang na
Allison POVHindi na ako sumakay ng trycicle pauwi ng bahay dahil paniguradong mas matatagalan ako. Tumakbo na lang ako pauwi sa amin. Hindi naman iyon kalayuan. Tingin ko, thirty minutes lang ang inabot ko.Pagbalik ko na lang siguro ako sasakay. Isa pa, sayang talaga ang pamasahe."Mama, ito na po!" sigaw ko kasabay ng pag-katok sa pinto."Oo, sandali!" Binuksan ni Mama ang pinto. Napangiti siya noong iabot ko sa kaniya ang mga susi sa wallet ko. "Sa wakas! Oh, bakit pawisan ka? Naglakad ka ba?" Kumunot ang noo niya, pinagmasdan ang mukha ko."Opo."Napasapo si mama at pinagalitan ako. Dapat daw ay sumakay na lang ako. Hinawakan niya pa ang ulo ko na ngayon ay sobrang init. Tinawanan ko siya. Mamaya naman ay mawawala na rin ito."Sige na, Ma. Aalis na ako," paalam ko sa kaniya."O, sige! Huwag nang magpainit, ha!"Tumango ako at tumalikod na. Inabot ako ng ilang segundo bago ko mabuksan ang na
Allison POV "Do you like him?" Naubo ako sa iniinom ko nang marinig ang tanong ni Cassandra. Nawala ang paningin ko kay Jazzer at nakakunot na tumingin sa kaniya. Pinunasan ko ng tissue ang labi ko. "Huh?" maang na tanong ko. Nasa damuhan kami pareho at kumakain ng fries at burger. Sa likuran namin ay naroon sina Angel, nag-i-ihaw sila ng hotdog. "Anong sinasabi mo?" Ibinaba ko ang hawak kong coke. Ngumiti siya sa akin saka nilingon si Jazzer na ngayon ay naglalakad na palayo dahil kailangan niya na raw bumalik sa gymnasium. Kanina pa kasi siya rito at tinatawag na siya roon. Nakatingin lang ako kay Cassandra habang hinihintay ang sasabihin niya. "Siya." Ibinalik niya ang tingin sa akin. "Gusto mo siya," sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko. "Hala, hindi 'no!" gulat na tanggi ko. Sinundan ko lang ng tingin 'yong tao, gusto agad? Grabe naman. Ngumuso ako at sumubo ng fries. "Wala. Wala akong gusto sa kaniya. Kaibigan ko la
Allison POV"Do you like him?"Naubo ako sa iniinom ko nang marinig ang tanong ni Cassandra. Nawala ang paningin ko kay Jazzer at nakakunot na tumingin sa kaniya. Pinunasan ko ng tissue ang labi ko."Huh?" maang na tanong ko. Nasa damuhan kami pareho at kumakain ng fries at burger. Sa likuran namin ay naroon sina Angel, nag-i-ihaw sila ng hotdog. "Anong sinasabi mo?" Ibinaba ko ang hawak kong coke.Ngumiti siya sa akin saka nilingon si Jazzer na ngayon ay naglalakad na palayo dahil kailangan niya na raw bumalik sa gymnasium. Kanina pa kasi siya rito at tinatawag na siya roon. Nakatingin lang ako kay Cassandra habang hinihintay ang sasabihin niya."Siya." Ibinalik niya ang tingin sa akin. "Gusto mo siya," sagot niya.Nanlaki ang mga mata ko. "Hala, hindi 'no!" gulat na tanggi ko. Sinundan ko lang ng tingin 'yong tao, gusto agad? Grabe naman. Ngumuso ako at sumubo ng fries. "Wala. Wala akong gusto sa kaniya. Kaibigan ko lang siya
Allison POV "What?" nanunuyang tanong niya. Bumilis bigla ang kabog ng dibdib ko nang sandaling mapatitig ako sa kaniya. Kami lang ang tao sa parking lot kaya kahit mag-ingay kami rito ay walang makapapansin. Napalunok ako. Sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Bakit—paanong napunta kami sa ganitong posisyon? "A-ano bang ginagawa mo?" Iniwasan ko ang tingin niya. Hindi ko alam kung paano ako makawawala sa kaniya, parehong nakaharang ang kamay niya sa magkabilang gilid ko. Nawala na sa isip ko ang panyong inaagaw ko kanina lang. "Do you believe in love at first sight?" biglang tanong niya. Naglaro ang ngiti sa labi niya, nakatitig sa mismong mata ko. Nararamdaman ko na rin ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking balat. Paano napunta rito ang usapan? "S-syempre hindi," nagtatakang sagot ko. Love at first sight? Walang gano'n. Imposibleng mahalin mo ang isang t
Allison POV "Anak," pigil sa akin ni mama. Napapapikit ako at huminto sa gilid ng hagdan. Hindi ko nilingon si mama pero nagsalita ako. "Aakyat na po muna ako sa taas, Ma." Inalis ko lahat ng gumugulo sa utak ko. "Inaantok po ako." Tumayo si mama at hinawakan na braso ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Malalaman mo lang ang nararamdaman mo kapag nasaktan ka." Ngumiti si mama bago ako bitawan. "Gusto mo ba siya?" Umiling lang ako sa tanong niya at ngumiti. Tuloy-tuloy na naglakad paakyat sa taas hanggang sa makapasok ako sa kwarto ko. Doon nawala ang ngiti ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko at natulala sa kisame. Biglang bumalik sa alaala ko ang mga panahon kung paano ko nakilala si Jazzer. Kung paano ako galit na galit sa presensiya niya. Kung paano ako naiinis sa tuwing ngingitian niya ako o masilayan ko lang ang saya sa ekspresiyon niya. Posible bang gusto ko nga siya? Kaya ba gano'
Allison POVSumusuko na ba agad siya? Sinukuan niya na agad ako ng gano'n kabilis?Hinilamos ko ang mukha ko at pabuntong-hiningang dumungaw sa bintana. Sobrang dami ng lumipad sa utak ko, nakakabahala dahil nasa klase pa ako.Bakit pa ba ako nag-e-expect ng higit pa sa pinag-usapan namin kanina? Nakapagdesisyon na ako, 'diba?Sobrang kapal ng mukha ko.Kasama ba talaga ako sa list ng mga honor student? Bakit parang ang bobo ko? Hindi pa rin talaga ako nagbabago. Akong-ako pa rin ito ngayon. Sobrang tanga. Kung ano 'yong mga lumalabas sa bibig ko, parating taliwas sa mga gusto kong gawin.“What are the different liabilities? Anyone? Barcenas?”“I refuse to answer, Ma’am,” wala sa sariling tugon ko."Barcenas!"Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang marinig ang biglaang sigaw ng subject teacher namin. Napapakurap na napabaling ako sa unahan, awtomatikong umayos ng u
Allison POVKinagat ko ang labi ko.Sobrang nagtataka ako sa ikinikilos niya. Bakit kung kausapin niya ako ay parang walang nangyari? Hindi niya ba i-o-open up 'yong tungkol sa aming dalawa? Iyon na lang talaga ang hinihintay ko. Pero sa ganda ng ngiti niya, pakiramdam ko wala siyang balak buksan ang usaping iyon."What are you thinking, Allison? Alam kong gwapo ako pero nakararamdam pa rin ako ng pagkailang." Humalakhak siya.Nagulat ako. Tinawag niya akong Allison. Naninibago ako. Bakit? Bakit ganito siya umakto ngayon?"Jazzer, 'yong tungkol sa pinag-usapan natin no'ng isang ar—""You don't need to open it up again." Naging tipid na lang ang ngiti sa labi niya. "I told you, I won't stay away from you. You can't do anything, Allison. Please, let me stay with you," seryosong sabi niya. Hindi siya makatingin sa akin at nakatitig lang sa sahig. Bakas sa tono niya ang pagmamatigas, hindi talaga papayag na layuan niya ako.