Allison POV
"Do you like him?"
Naubo ako sa iniinom ko nang marinig ang tanong ni Cassandra. Nawala ang paningin ko kay Jazzer at nakakunot na tumingin sa kaniya. Pinunasan ko ng tissue ang labi ko.
"Huh?" maang na tanong ko. Nasa damuhan kami pareho at kumakain ng fries at burger. Sa likuran namin ay naroon sina Angel, nag-i-ihaw sila ng hotdog. "Anong sinasabi mo?" Ibinaba ko ang hawak kong coke.
Ngumiti siya sa akin saka nilingon si Jazzer na ngayon ay naglalakad na palayo dahil kailangan niya na raw bumalik sa gymnasium. Kanina pa kasi siya rito at tinatawag na siya roon. Nakatingin lang ako kay Cassandra habang hinihintay ang sasabihin niya.
"Siya." Ibinalik niya ang tingin sa akin. "Gusto mo siya," sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Hala, hindi 'no!" gulat na tanggi ko. Sinundan ko lang ng tingin 'yong tao, gusto agad? Grabe naman. Ngumuso ako at sumubo ng fries. "Wala. Wala akong gusto sa kaniya. Kaibigan ko la
Allison POV"Do you like him?"Naubo ako sa iniinom ko nang marinig ang tanong ni Cassandra. Nawala ang paningin ko kay Jazzer at nakakunot na tumingin sa kaniya. Pinunasan ko ng tissue ang labi ko."Huh?" maang na tanong ko. Nasa damuhan kami pareho at kumakain ng fries at burger. Sa likuran namin ay naroon sina Angel, nag-i-ihaw sila ng hotdog. "Anong sinasabi mo?" Ibinaba ko ang hawak kong coke.Ngumiti siya sa akin saka nilingon si Jazzer na ngayon ay naglalakad na palayo dahil kailangan niya na raw bumalik sa gymnasium. Kanina pa kasi siya rito at tinatawag na siya roon. Nakatingin lang ako kay Cassandra habang hinihintay ang sasabihin niya."Siya." Ibinalik niya ang tingin sa akin. "Gusto mo siya," sagot niya.Nanlaki ang mga mata ko. "Hala, hindi 'no!" gulat na tanggi ko. Sinundan ko lang ng tingin 'yong tao, gusto agad? Grabe naman. Ngumuso ako at sumubo ng fries. "Wala. Wala akong gusto sa kaniya. Kaibigan ko lang siya
Allison POV "What?" nanunuyang tanong niya. Bumilis bigla ang kabog ng dibdib ko nang sandaling mapatitig ako sa kaniya. Kami lang ang tao sa parking lot kaya kahit mag-ingay kami rito ay walang makapapansin. Napalunok ako. Sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Bakit—paanong napunta kami sa ganitong posisyon? "A-ano bang ginagawa mo?" Iniwasan ko ang tingin niya. Hindi ko alam kung paano ako makawawala sa kaniya, parehong nakaharang ang kamay niya sa magkabilang gilid ko. Nawala na sa isip ko ang panyong inaagaw ko kanina lang. "Do you believe in love at first sight?" biglang tanong niya. Naglaro ang ngiti sa labi niya, nakatitig sa mismong mata ko. Nararamdaman ko na rin ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking balat. Paano napunta rito ang usapan? "S-syempre hindi," nagtatakang sagot ko. Love at first sight? Walang gano'n. Imposibleng mahalin mo ang isang t
Allison POV "Anak," pigil sa akin ni mama. Napapapikit ako at huminto sa gilid ng hagdan. Hindi ko nilingon si mama pero nagsalita ako. "Aakyat na po muna ako sa taas, Ma." Inalis ko lahat ng gumugulo sa utak ko. "Inaantok po ako." Tumayo si mama at hinawakan na braso ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Malalaman mo lang ang nararamdaman mo kapag nasaktan ka." Ngumiti si mama bago ako bitawan. "Gusto mo ba siya?" Umiling lang ako sa tanong niya at ngumiti. Tuloy-tuloy na naglakad paakyat sa taas hanggang sa makapasok ako sa kwarto ko. Doon nawala ang ngiti ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko at natulala sa kisame. Biglang bumalik sa alaala ko ang mga panahon kung paano ko nakilala si Jazzer. Kung paano ako galit na galit sa presensiya niya. Kung paano ako naiinis sa tuwing ngingitian niya ako o masilayan ko lang ang saya sa ekspresiyon niya. Posible bang gusto ko nga siya? Kaya ba gano'
Allison POVSumusuko na ba agad siya? Sinukuan niya na agad ako ng gano'n kabilis?Hinilamos ko ang mukha ko at pabuntong-hiningang dumungaw sa bintana. Sobrang dami ng lumipad sa utak ko, nakakabahala dahil nasa klase pa ako.Bakit pa ba ako nag-e-expect ng higit pa sa pinag-usapan namin kanina? Nakapagdesisyon na ako, 'diba?Sobrang kapal ng mukha ko.Kasama ba talaga ako sa list ng mga honor student? Bakit parang ang bobo ko? Hindi pa rin talaga ako nagbabago. Akong-ako pa rin ito ngayon. Sobrang tanga. Kung ano 'yong mga lumalabas sa bibig ko, parating taliwas sa mga gusto kong gawin.“What are the different liabilities? Anyone? Barcenas?”“I refuse to answer, Ma’am,” wala sa sariling tugon ko."Barcenas!"Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang marinig ang biglaang sigaw ng subject teacher namin. Napapakurap na napabaling ako sa unahan, awtomatikong umayos ng u
Allison POVKinagat ko ang labi ko.Sobrang nagtataka ako sa ikinikilos niya. Bakit kung kausapin niya ako ay parang walang nangyari? Hindi niya ba i-o-open up 'yong tungkol sa aming dalawa? Iyon na lang talaga ang hinihintay ko. Pero sa ganda ng ngiti niya, pakiramdam ko wala siyang balak buksan ang usaping iyon."What are you thinking, Allison? Alam kong gwapo ako pero nakararamdam pa rin ako ng pagkailang." Humalakhak siya.Nagulat ako. Tinawag niya akong Allison. Naninibago ako. Bakit? Bakit ganito siya umakto ngayon?"Jazzer, 'yong tungkol sa pinag-usapan natin no'ng isang ar—""You don't need to open it up again." Naging tipid na lang ang ngiti sa labi niya. "I told you, I won't stay away from you. You can't do anything, Allison. Please, let me stay with you," seryosong sabi niya. Hindi siya makatingin sa akin at nakatitig lang sa sahig. Bakas sa tono niya ang pagmamatigas, hindi talaga papayag na layuan niya ako.
Allison POV Bigla akong pinanghinaan ng loob. Hindi ko alam kung dahil ba kinakabahan ako o dahil sa narinig kong tawanan sa taas. Paniguradong isa sa mga naroon si Jazzer. Pakiramdam ko ay gusto kong umatras. Kahit yata wala ako sa tabi niya ay masaya na siya, basta kasama ang babaeng iyon. Hindi kaya na-realize na ni Jazzer na hindi talaga niya ako gusto? Na hindi niya naman talaga ako kailangan. Baka nagkakamali lang siya ng nararamdaman. "Yiiieee." Bumungisngis si tita Solace. "Nasa taas si Jazzer!" Inginuso nito ang hagdan papunta sa ikalawang palapag. "Kararating lang niya, puntahan mo na lang sa taas." Sinundot-sutdot niya pa ang bewang ko at may halong panunukso ang tingin. Hindi ko maiwasang mapangiti, naalis agad ang lungkot ko. "Oh, why are you still standing there? Umakyat ka na." Ngumiti sa akin si Kaye Ann. "S-sige, salamat." Sinulyapan ko muna sila pareho, saka ako tumalikod para maglakad papunta sa
Allison POV "Oo, Cassandra. Tama!" Malakas akong tumawa, napayakap sa unan ko. Nakahiga na ako sa kama at kausap ko si Cassandra sa cellphone. "Naiinggit ka na naman sa akin. Oo, may boyfriend ako. Sure na ako sa lalaking 'yon." "Ang saya, 'no?" sarkastikong tanong niya, nababanas. "Pa'no 'pag pinagpalit ka rin niya? Kagaya no'ng ginawa sa 'yo ni Darrel?" Nawala ang tawa ko at napalitan ng nakasimangot na mukha. "Alam mo, ewan ko sa 'yo! Ang gulo mo. Saka, kailangan pa bang idamay si Darrel dito? Shunga, patay na 'yon. Hindi ko na nga nakikita, e." Umirap ako. "Gago ka talaga, sis. Pero nasa'n na kaya 'yong lalaking 'yon, 'no? Biglang naglaho. Basta, bes. Move-on ka na, ha? Sure na 'yan." "Oo naman. For me, Darrel is just my first experience. Past na siya, dapat na ibinabaon sa limot," sagot ko kahit na maging ako ay napapaisip kung nasaan na kaya si Darrel. Huli ko siyang nakita noong nagmakaawa pa ako sa kaniya sa loob ng library. Pagkatapos
Allison POVNagtuloy-tuloy ang pagbibigay sa amin ng tanong. Maghahapon na nang matapos ang laban. Marami tuloy ang hindi pa nakakapag-lunch kaya lahat sila ay halos magtakbuhan na palabas ng gymnasium. Hinintay ko munang makalabas ang iba bago ako bumaba ng stage.Malungkot akong ngumiti nang salubungin ako ni Jazzer. Saglit ko lang siyang tiningnan dahil yumuko ako agad, nahihiya. Hindi niya ako maipagmamalaki."Hey, malungkot ka?" Marahan niya akong hinila para yakapin ako.Hindi ako sumagot agad at isiniksik lang sa dibdib niya ang mukha ko. "Hindi ako nanalo," mahinang sabi ko.Noong una, ako ang nauunang makakuha ng sagot. Pero parang pinagbigyan lang ako dahil sunod-sunod akong napag-iwanan. Biglang na blangko anh utak ko. Nakakadismaya. Kaya siguro iniwan na ako ng mga kaklase ko rito mag-isa ay dahil galit sila sa akin. Baka ikinahihiya na nila ako kasi talo ako. Nasayang ang effort nila sa paggagawa ng banner at pompoms.