Share

Chapter 29.2

Allison POV

Nagtuloy-tuloy ang pagbibigay sa amin ng tanong. Maghahapon na nang matapos ang laban. Marami tuloy ang hindi pa nakakapag-lunch kaya lahat sila ay halos magtakbuhan na palabas ng gymnasium. Hinintay ko munang makalabas ang iba bago ako bumaba ng stage.

Malungkot akong ngumiti nang salubungin ako ni Jazzer. Saglit ko lang siyang tiningnan dahil yumuko ako agad, nahihiya. Hindi niya ako maipagmamalaki.

"Hey, malungkot ka?" Marahan niya akong hinila para yakapin ako.

Hindi ako sumagot agad at isiniksik lang sa dibdib niya ang mukha ko. "Hindi ako nanalo," mahinang sabi ko.

Noong una, ako ang nauunang makakuha ng sagot. Pero parang pinagbigyan lang ako dahil sunod-sunod akong napag-iwanan. Biglang na blangko anh utak ko. Nakakadismaya. Kaya siguro iniwan na ako ng mga kaklase ko rito mag-isa ay dahil galit sila sa akin. Baka ikinahihiya na nila ako kasi talo ako. Nasayang ang effort nila sa paggagawa ng banner at pompoms.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status