Allison POV
Bigla akong pinanghinaan ng loob.
Hindi ko alam kung dahil ba kinakabahan ako o dahil sa narinig kong tawanan sa taas. Paniguradong isa sa mga naroon si Jazzer. Pakiramdam ko ay gusto kong umatras. Kahit yata wala ako sa tabi niya ay masaya na siya, basta kasama ang babaeng iyon.
Hindi kaya na-realize na ni Jazzer na hindi talaga niya ako gusto? Na hindi niya naman talaga ako kailangan. Baka nagkakamali lang siya ng nararamdaman.
"Yiiieee." Bumungisngis si tita Solace. "Nasa taas si Jazzer!" Inginuso nito ang hagdan papunta sa ikalawang palapag. "Kararating lang niya, puntahan mo na lang sa taas." Sinundot-sutdot niya pa ang bewang ko at may halong panunukso ang tingin. Hindi ko maiwasang mapangiti, naalis agad ang lungkot ko.
"Oh, why are you still standing there? Umakyat ka na." Ngumiti sa akin si Kaye Ann.
"S-sige, salamat." Sinulyapan ko muna sila pareho, saka ako tumalikod para maglakad papunta sa
Allison POV "Oo, Cassandra. Tama!" Malakas akong tumawa, napayakap sa unan ko. Nakahiga na ako sa kama at kausap ko si Cassandra sa cellphone. "Naiinggit ka na naman sa akin. Oo, may boyfriend ako. Sure na ako sa lalaking 'yon." "Ang saya, 'no?" sarkastikong tanong niya, nababanas. "Pa'no 'pag pinagpalit ka rin niya? Kagaya no'ng ginawa sa 'yo ni Darrel?" Nawala ang tawa ko at napalitan ng nakasimangot na mukha. "Alam mo, ewan ko sa 'yo! Ang gulo mo. Saka, kailangan pa bang idamay si Darrel dito? Shunga, patay na 'yon. Hindi ko na nga nakikita, e." Umirap ako. "Gago ka talaga, sis. Pero nasa'n na kaya 'yong lalaking 'yon, 'no? Biglang naglaho. Basta, bes. Move-on ka na, ha? Sure na 'yan." "Oo naman. For me, Darrel is just my first experience. Past na siya, dapat na ibinabaon sa limot," sagot ko kahit na maging ako ay napapaisip kung nasaan na kaya si Darrel. Huli ko siyang nakita noong nagmakaawa pa ako sa kaniya sa loob ng library. Pagkatapos
Allison POVNagtuloy-tuloy ang pagbibigay sa amin ng tanong. Maghahapon na nang matapos ang laban. Marami tuloy ang hindi pa nakakapag-lunch kaya lahat sila ay halos magtakbuhan na palabas ng gymnasium. Hinintay ko munang makalabas ang iba bago ako bumaba ng stage.Malungkot akong ngumiti nang salubungin ako ni Jazzer. Saglit ko lang siyang tiningnan dahil yumuko ako agad, nahihiya. Hindi niya ako maipagmamalaki."Hey, malungkot ka?" Marahan niya akong hinila para yakapin ako.Hindi ako sumagot agad at isiniksik lang sa dibdib niya ang mukha ko. "Hindi ako nanalo," mahinang sabi ko.Noong una, ako ang nauunang makakuha ng sagot. Pero parang pinagbigyan lang ako dahil sunod-sunod akong napag-iwanan. Biglang na blangko anh utak ko. Nakakadismaya. Kaya siguro iniwan na ako ng mga kaklase ko rito mag-isa ay dahil galit sila sa akin. Baka ikinahihiya na nila ako kasi talo ako. Nasayang ang effort nila sa paggagawa ng banner at pompoms.
Allison POV Mas tumatagal, mas lalo kong minamahal si Jazzer. Minsan napapaisip ako. Maghihiwalay pa kaya kami? Hinihiling ko na lang na hindi kami magaya sa naranasan ko noong si Darrel pa ang boyfriend ko. Alam kong imposible naman 'yon. Hindi si Jazzer 'yong tipo ng lalaki na manloloko ng babae. Noong unang kita ko sa kaniya, 'yong pagkausap niya sa 'kin kahit hindi pa kami magkakilala, ramdam ko na ang pagiging malapit niya sa mga babae. At ayoko sa gano'n dahil mas mataas ang posibilidad na ang kagaya niya ang may motibong paglaruan kaming mga babae. Pero ang tadhana talaga ang lubos na mapaglaro dahil sa dinami-rami ng tao sa mundo, si Jazzer pa talaga ang minamahal ko ngayon. At hindi ko iyon pagsisisihan. "You really love cooking, huh?" Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may bumulong sa akin kasabay ng pagyakap sa likuran ko. Natatawang pinisil ni Jazzer ang pisngi ko dahil sa naging reaksiyon ko. "Bakit
Allison POVWalang ibang laman ang utak ko buong araw kung hindi si kuya. Nag-aalala ako sa kaniya. Ramdam kong may problema siya pero hindi niya sinasabi sa amin. Baka kung ano na ang nangyayari sa mokong na 'yon.Natauhan lang yata ako noong dumating si Cassandra. Marami siyang kinukwento sa akin habang papunta kami sa building nina Jazzer."Pero gwapo talaga, e. Hay, in love yata ako!"Pagdating namin sa STEM building ay nagpaiwan si Cassandra sa gilid ng hagdanan. May sinisilip daw kasi siyang gwapo roon. Mag-isa tuloy akong tumungo sa taas.Pero napatigil ako nang makita ko si Jazzer sa loob ng classroom nila. Naguguluhang napatitig ako sa kanila."Siya 'yon, ah," bulong ko.Nakatingin ako sa babaeng nakaupo kaharap niya. Siya talaga 'yon. 'Yong hinalikan ni Jazzer sa parke noon. Naka-braid ang buhok niya ngayon. Nakangiti siyang nakatitig kay Jazzer. Bakit ganoon ang posisyon nila?Nakatalikod sa akin
Allison POVHindi ako makapaniwala sa mga naging usapan namin sa loob cafeteria. Biglang naging magulo. Parang dumami ang issue nila sa buhay! Hindi ko tuloy maiwasang mainis kay Nico. Bakit niya kaya ginawa 'yon? Bestfriend sila ni Miguel kaya malabong sulutin niya ang girlfriend nito. Ano ba yan!Hinilamos ko ang mukha ko at napapadyak. Mamaya ko na lang iisipin 'yon dahil may mas mahalaga pa akong dapat unahin. Lumingon ako sa tabi ko at napanguso. Naiiyak ako. May something ba akong nailagay sa pagkain ni Jazzer kanina para maging ganito siya? Napapadyak ulit ako.Kanina niya pa akong hindi pinapansin. May nagawa ba akong ikinagalit niya? Nakakainis. Simula noong matapos kaming maglunch, hindi niya na ako kinausap. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla-bigla na lang ganito."Uy, Jazzer." Ngumuso ako at kinuwit siya.Hindi niya ako nilingon."May nagawa ba ako? Sorry na naman," nagmamakaawaang sabi ko. Pakiramdam ko ay nagkapa
Allison POVNaging maayos ang relasyon sa pagitan namin ni Jazzer."Happy 2nd anniversary, din." Kinagat ko ang ibabang labi ko.Inangat ko ang tingin ko kay Jazzer at nangingiting iniabot sa kaniya ang hawak kong box. Tahimik lang niyang kinuha iyon, bagaman bakas ang pagkasabik sa mga mata.Nasa kwarto lang kaming dalawa dahil dito ko mas ginustong i-celebrate iyon. Noong nakaraang anniversary kasi namin, gumawa pa siya ng bonggang surprise para sa akin. Humagulgol ako nang makita 'yon dahil hindi talaga ako makapaniwala. Tarantang-taranda tuloy si Jazzer.Paano ba hindi ako maiiyak? Masaya ako, oo. Pero mas naiiyak ako kapag naiisip kung gaano kamahal ang nagastos niya. Pwede na siyang magtayo ng seven-eleven dahil sa dami ng chocolates!Kaya nangako siya sa aking hindi na mauulit iyon. Bukod sa ayaw niya akong makitang umiiyak, magagalit talaga ako.Ang kinalabasan ngayon, nasa kwarto na lang kami. Solo k
Jazzer's POV"Congratsss to us!" Zaylee shouted, hugging her bestfriend Cassandra.I smiled as I stared at her face, tears started to form on her eyes. Napailing ako. Hanggang ngayon, napaka-emosyonal niya pa rin.I can't still forget the first time I saw her. She's reading a book inside the library with her eye glasses, hindi sa jeep kung saan niya ako unang nakita. Since that day, I just found myself stalking her. Funny, isn't it? I immediately have interested with her.Pero wala akong lakas ng loob na magpakilala sa kaniya o... magpakita man lang. Sapat na sa akin ang makita siya mula sa malayo. But the moment I found out how jerk his boyfriend is... I just can't stand seeing her in pain. Nagsimula na akong gumawa ng mga bagay kung paano ako mapapalapit sa kaniya. Kahit sa nakakainsultong paraan. Kahit na sa hindi magandang paraan.I deeply closed my eyes, wearing a playful smirk on my lips."Bakit mo ginawa 'yon?!" Her face
Allison POV"Hala, ang gandaaa," nakangangang bulalas ko. Napabitaw ako kay Jazzer at nanguna sa paglalalakad.Hindi ko maiwasang mamangha nang sandaling makapasok kami sa mismong resort. May makukulay na payong ang nakasabit sa ere. Pinaghalong pink, red, blue, yellow, orange at kung ano-ano pa. Matatas rin ang mga puno ng niyog. Habang sa taas ay may nakasulat na 'The Venue beach resort' kung saan iyon ang pinakapangalan ng resort nila.Mabilis lang kaming nakarating dito gamit ang van na hiniram ni Cassandra sa mommy niya.Isa-isa kong nilibot ang paligid. May ilang kubo na gawa sa kawayan, ang bubong ay gawa naman sa pawid. Halatang napakapreskong pumasok doon. Nakangiti kong tiningala ang asul na langit at hinayaang dumampi ang sariwang hangin sa balat ko.Napatingin ako kay Jazzer nang bigla ay isuot niya sa akin ang sunglass na suot niya kanina lang."Baka masilaw ka," natatawang sabi niya, bakas ang tuwa habang pi