Share

Chapter 3

Allison POV

Sa sumunod na gabi ay dito na naman natulog sa bahay ang kaibigan kong si Cassandra. Pakiramdam ko nga, dito na siya nakatira. Nakiki ‘mama’ na rin siya sa mama ko. Late na naman tuloy akong nakakatulog dahil sa sobrang daldal niya. 

Pana’y ang kwento niya sa ‘kin tungkol sa mga bago niyang kaaway at ikinuwento pa sa akin ang tungkol sa lalaking hinalikan niya kanina!

Ang harot talaga.

“Balot!”

Kasalukuyan akong nasa balkonahe ng kwarto ko nang marinig ang sigaw ng kung sino sa baba. Napatigil agad ako sa pagd-drawing at mabilis sumilip sa kalsada. Nakita ko roon ang dalawang lalaki na naglalakad.

Tumaas ang kilay ko.

Sa labing anim na taong buhay ko ay halos matatanda ang nakikita kong nagtitinda ng balot. Pinanliitan ko iyon ng mga mata. Nakasuot silang pareho ng itim na coat at sumbrero. Wow! Ngayon lang ako nakakita ng mga taong nagtitinda ng balot pero kapwa mamahalin ang suot. 

Grabe! Kahit medyo malayo ako sa kanila ay alam kong branded ang kanilang suot. 

“Sa susunod talaga hindi na ako sasama sa ‘yong gago ka. Shit!” Napakamot ang isang lalaki nang mapadaan sa tapat ng bahay namin. "Balot!"

"Shut up. Balot!"

Pamilyar ang boses nila sa akin. Hinawi ko ang buhok ko at patakbong bumalik sa loob ng kwarto. Hinanap ko si Cassandra pero hindi ko siya nakita. Nasaan na ba ang babae na iyon?

“Pota, sis!” Kumalabog ang pinto ng banyo ko at lumabas doon si Cassandra. Salubong ang dalawa niyang kilay. “Ano ba iyon, sis? Anong balot ang isinisigaw mo riyan?” tanong niya.

“Hala, gaga. Hindi ako ‘yon. Diyan ka muna.” Saka ako lumabas ng kwarto.

“Wait, saan ka pupunta? Sis!”

Dali-dali akong bumaba at patakbong lumabas ng bahay. Nakita ko pa si Mama at Papa na nanonood sa sala pero hindi ko na sila pinansin. Baka makalayo na ‘yong balot!

“Kuya, sandali po!” Ni hindi na ako nakapagsuot ng tsinelas. Hinihingal akong humarang sa tapat ng dalawang lalaki at hinintay ko munang bumalik sa normal ang paghinga ko. Weird, pero paborito ko talaga ang balot. Gabi-gabi akong naghihintay para lang makabili nito. Minsan nga, walang dumadaan kaya napupuyat ako.

“Ate, bibili ka ba?” tanong ng lalaking may hawak ng styro, iyon ‘yong pinaglalagyan ng tinda nilang balot. “Parang pamilyar ka!” Pinanliitan niya ako ng mga mata.

Kumunot ang noo ko at tumaas ang kilay. “Ano po? Hindi kita kilala, Kuya. Bibili lang ako ng balot,” nakangusong sambit ko.

Humalakhak siya. “Ikaw ‘yong nakaiwan ng phone sa jeep! Naisauli na naman hindi ba?”

Phone?

Namilog ang mga mata ko at napatitig sa kaniya. Natatandaan ko na! Siya iyong kaibigan ni Jazzer. Kasama siya ni Jazzer sa pagmamaneho ng sinakyan kong jeep noong nakaraang buwan! Ngayon ko lang ulit siya nakita.

Napalabi ako at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Wow, ha! Bakit ang dami naman niyang rocket? Wala na ba siyang pamilyang inuuwian kaya naglalako na lang siya rito?

Nawala lang ang titig ko sa kaniya nang marinig ang pag-ubo ng kasama niya. Mabilis akong napatingin sa lalaking iyon. Nakatayo roon si Jazzer na ngayon ay nakatingin din sa akin at nakataas ang kilay. Kasama siya?

Bakit ba sa tuwing nakatingin siya sa akin ay palaging gano’n ang ekspresyon ng mukha niya? Parang lagi siyang nang aasar at nanunuya sa akin. Tumingin siya sa akin simula ulo hanggang paa at napangisi. Humalukipkip pa siya sa harap ko. Ang manyak! Pakiramdam ko ay hinuhubaran niya ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

“Anong ginagawa mo rito? Ha? Talagang dito ka pa sa tapat ng bahay namin dadaan! Siguro ini-stalk mo talaga ako, ano?” pambibintang na sigaw ko sa kaniya. “Alam mo, nakakainis ka na! Ikaw na naman ang nakita ko! Hindi ka ba aware kung gaano ako naiinis sa ‘yo? Ayoko sa ‘yo! Ayaw kitang makita! Nakakainis ka!” sunod-sunod na sigaw ko pa sa kaniya. Hindi ko na napigilan pa ang inis na nararamdaman ko.

Kumunot ang noo niya at bahagyang natigilan. “What?” takang tanong ni Jazzer.

“Ang sabi ko, ayaw kitang makita! Mahirap ba intindihin yon, ha?” ulit ko. “At huwag ka ring tumingin sa akin. Nag-iinit ang ulo ko sa ‘yo!”

Napatitig siya sa akin habang nakakunot ang noo. Bakas ang pagtataka sa kaniyang ekspresyon. Habol ko ang hininga ko dahil sa haba ng sinabi ko. Masama pa rin ang tingin ko sa kaniya.

“Pre, ano bang problema niyan?” bulong sa kaniya ni Jerald. “May tama ba ‘yan?”

“I don't know, bro. She's weird.” Kumibit ang balikat ni Jazzer. “Well, she's cute. Look at her, she's so furious. But I don’t know her fucking reason. That’s her normal expression, bro.” Tumingin siya sa akin at nakangiti akong tinanguan. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa ulo ko, lalo na nang magkatawanan pa sila ng kaibigan niya!

Ano bang problema ng mga ito? Hindi ko sila maintindihan! Feeling ko tuloy nagmumukha akong tanga rito. Pinagtitripan nila ako!

“Umalis na nga kayo rito!” galit na sigaw ko. Simula nang makilala ko si Jazzer ay palagi na akong napapasigaw. Grabe! Ang sama niyang impluwensya.

“Tsk. Tsk. Tsk.” Ngingisi-ngising umiling sa akin si Jazzer. “That's harsh, baby. Kakakilala pa lang natin tapos ayaw mo na agad sa akin?” Lumungkot ang mukha niya habang nakatitig sa akin. Nakakairita lang dahil halatang pinagtitripan niya lang ako! Parang mas ginagalit niya pa ako lalo.

“Ang sasama ng ugali niyo.”

“Puta, alis na tayo pre. Baka umiyak ‘yan.” Siniko siya ng kaibigang si Jerald.

Tumingin sa akin sa Jazzer saka napangiwi. Bumuntong-hininga na siya at sumeryoso ang tingin. Ang akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag pero muli lang akong napatigil nang makita ang pagbaba niya ng tingin sa damit ko. 

“Ganiyan ba ang palagi mong suot kapag natutulog?” Tumagilid ang ulo niya at pinagmasdan ako. 

Bigla na lang akong nailang sa titig niya kaya tumingin ako sa suot ko. Omygosh! Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kung ano ang suot ko! Sa sobrang kagustuhan kong makabili ng balot kanina ay hindi ko na inalam kung maayos ba ang suot ko. Wala pa akong suot na tsinelas! 

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Napapahiya tuloy akong nag-iwas ng tingin. Suot ko ang silk dress ko na sleeveless at kulay white pa iyon. Above the knee pa ang style nito dahilan para makita ng lantaran ang balat ko.

Nakakahiya!

“Ang flirty mo talaga, no? Huwag mo nga akong titigan! Ang manyak mo!” Kahit naiilang ay nagawa ko pa rin siyang sigawan. Iritado kong ikinuyom ang kamay ko.

“Ayaw magpa flirt pero ganiyan ang isinusuot mo. Tsss.” Umiling-iling siya sa akin at muling tiningnan ang suot ko. Uminit ang pisngi ko at mariing napapikit. Kainis! 

“Wala kang pakialam, okay? Agh! Ayoko na nga! Hindi na ako bibili!” Naglakad na ako paalis at nilagpasan silang dalawa.

Pero biglang hinawakan ni Jazzer ang braso ko. Tumingala ako sa kaniya at pinukulan siya ng matalim na tingin. Ngumisi lang siya sa akin sabay kuha ng kamay ko. Isinuot niya roon ang puting supot bago muling humarap sa ‘kin.

“Libre na, Zaylee. Baka hindi pa ka makatulog kung wala nito.” Kumindat siya sa akin saka ako tinalikuran.

Nalaglag lang ang panga ko habang nakatingin sa kanila na ngayon ay naglalakad palayo. Ni hindi na sila nagdalawang isip pang lumingon sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status