Home / Romance / Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang / Chapter 2 - Returning Billionaire

Share

Chapter 2 - Returning Billionaire

SINUKLAY ni Igneel ang buhok niya nang biglang bumalik sa kaniyang isipan ang nakaraan. Ang pamilya niya ang nasa likuran ng naglalakihang establishment hindi lang sa Pilipinas kung ‘di sa iba’t ibang panig ng mundo. His family was the real power behind the Dela Muerte family, the Vandorpe family, and the Del Vecchio consortium.

 

Bilang isang Rubinacci at nag-iisang tagapagmana, kinakailangan niyang sumabak sa isang pagsubok. Hindi ito pangkaraniwan dahil sampung taon ang gugululin niya para lang mapatunayan na karapat-dapat siya para sa posisyon na iyon. Being Rubinacci’s heir wasn’t easy as one two three. He needs to successfully spend ten years under the family blockade.

 

Sa loob ng sampung taon ay kinakailangan na buhayin niya ang sarili at tumayo sa sariling mga paa. He could not support himself by any labor, but begged around like a beggar. He also looked for a job at first, but without exception, he did not get paid in the end. Mula sa Italya ay ipinatapon siya sa bansang Pilipinas upang makasigurado na walang makakakilala sa kung sino talaga siya. Dumaan siya sa butas ng karayom upang malagpasan ang pagsubok na iniatang ng pamilya sa kaniya. Minsan napapaisip siya kung bakit napakahirap mabuhay sa mundong ito. Bakit kailangan mong patunayan ang sarili mo para lang matanggap ka ng ibang tao? Kapag mayaman ka, titingalain ka ng karamihan at kung mahirap ka naman ay tatapaktapakan ka ng mga nakakaangat. For him, being a beggar for almost 10 years changed his viewpoints in life. Natutunan niyang kumayod para lang may makain, matulog sa kalsada na karton ang latag o minsan ay wala pa at higit sa lahat natutunan niyang magtiis.

 

 

Hindi niya napigilan na ikuyom ang kamao. F*cking tradition.

 

Marami siyang nakilala at nakasalamuha at isa na roon si Aricella Vermilion, ang kaniyang asawa. Noong una ay hindi niya maisip ang dahilan kung bakit siya pinakasalan ng babae, ngunit paglipas ng buwan ay napagtanto niya rin. He saved her life once. In return she saved him, and became a son-in-law and his life improved a little. Thinking of these ten years, Igneel couldn't help but red-eyed.

 

 

"Signore Igneel, this is what the monsieur Rubinacci gave you." Gambino’s words interrupted Igneel's thoughts.

 

 

Bumalik pala ito. Kumunot ang noo niya nang inilahad ni Gambino ang isang envelope. Sinilip niya kung anong laman ng envelope saka gumuhit ang mapait na ngiti sa kaniyang labi.

 

 

 

“Is there anything else, Gambino?” Pumako ang tingin niya rito matapos tanggapin ang brown envelope.

 

 

Nag-iwas ito nang tingin. Pinilig nito ang ulo at pagkatapos ay umiling. “That’s all, Signore.”

 

 

He bowed once again and turn his back on him. Tuluyan na itong umalis sa kaniyang harapan at sumakay sa sasakyan. Pinanood niyang maglaho ang kotse sa kaniyang harapan saka humigpit ang kapit sa envelope. Ilang minuto niya iyong pinagmasdan, nagdadalawang isip. Muling binuksan ni Igneel ang envelope at sinilip kung anong laman noon. He found a black and gold card inside kalakip noon ang isang mensahe:

 

 

‘Hai superato il test, mio ​​erede, Igneel. Nonostante tutte le difficoltà, combatti ancora per uscirne. Siamo così orgogliosi di te.’ You passed the test, my heir, Igneel. Despite all the hardships you still fight your way out. We are so proud of you.

 

 

 

Nakita niyang sulat iyon ng kanyang ama, ngunit ginusumot niya ito at nang hindi nakuntento ay pinunit niya ito sa maliliit na piraso saka itinapon sa basurahan malapit sa kanya. God knows how he survived. He did everything he could, he endured all the hardships and yet he can’t smile triumphantly. The black gold card in his hand right now was just a temporary compensation. It wasn’t enough. It wasn’t…

 

 

Now, what should he do? Ah he hoped to use the money to compensate his wife.

 

 

 

***

 

 

KINABUKASAN maagang nagtungo si Igneel sa Del Vicchio Store sa isang international shopping center. Balak niyang bilhan ang asawa ng isang jewelry. Sumagi sa isipan niya na hindi niya pa nabibilhan ng kahit anong regalo ang asawa simula nang makilala niya.

 

 

Palinga-linga si Igneel sa paligid, mitikuluso niyang pinagmamasdan ang bawat kumikinang na bato. Lahat ng naroon ay magaganda at agaw pansin ngunit wala pa siyang napupusuan. Lumipad ang kaniyang mata sa alahas na nag-iisa sa gilid na parte. It is a Golden South Sea Pearl necklace, these pearls are valued for their beautiful golden color and satiny luster. Unang tingin niya pa lang dito ay babagay na ito kay Aricella.

 

 

Tinawag ni Igneel ang staff para ilabas ang kwentas upang masuri niya ito.

 

 

Lumapit ang staff sa kaniya na malawak ang ngiti.

 

 

“Good m—” Ngunit napalis rin at automatic na tumaas ang kilay nito nang nakitang naka-putting sando, simpleng short at naka-flip-flops na tsinelas lang si Igneel. Hindi ito naniniwala na kayang bilhin ni Igneel ang mamahaling kwentas. Iisa lang ang kwentas na iyon sa buong Del Vecchio Jewelry Branch na iyon.

 

 

Wala sa itsura ng lalaki ang makakabili ng mamahaling alahas. Biglang lumingon ang babaeng staff sa entrance upang tumawag ng security guard para paalisin si Igneel sa pag-aakalang magnanakaw ito.

 

 

Sa sandaling ito, isang mayamang lalaki na nakasuot ng puting suit ang lumapit sa pagitan ni Igneel at ng babaeng staff.

 

 

“Gusto ko ito South Sea Pearl necklace,” anito sa intsik na accent.

 

Matangkad ang lalaking bagong dating, singkit ang mga mata, slang magsalita at puno ng mamahaling alahas ang katawan tulad ng suot nitong Rolex na bagong labas lang. Nakasuot ito ng puting tuxedo na bumagay sa itim na suot na sombrero, putting pantalon at kumikinang na sapatos.

 

Nang marinig ito ng staff ay naisipan niyang ibenta ang kwintas sa bagong dating. Makakakuha kasi siya ng ilang libong dolyar na komisyon kapag nabenta ang rare na kwintas. Kumikinang ang mga mata ng babae at agad na nagbago ang ekspresyon sa mukha.

 

 

Malawak itong ngumiti puno ng paggalang at ipinagdaop ang dalawang palad. “Sandali lang, Sir, at ilalabas ko para maisukat niyo.”

 

 

Tuwang-tuwa naman ang intsik. “Good. Good.”

 

 

Nang marinig ito ni Igneel ay hindi naiwasang umakyat ang dugo sa ulo.

 

 

Nagsalubong ang kilay ni Igneel. “Miss, ako ang nauna sa kaniya.”

 

Nang marinig ito ng staff bigla itong nag-alala na baka guluhin ng lalaking nakadamit pulubi ang bonus niya. Tumaas ang kilay ng babaeng staff.

 

“Hoy, lalaki!” pasigaw nitong bluong, matinis ang boses ng babae. “Huwag kang mangugulo dito. Hindi nababagay ang mga pulubing katulad mo sa mamahaling lugar na ito,” at agad na lumapit at tinulak si Igneel palayo. “Lumayas ka rito bago pa ako sumigaw ng magnanakaw. Ang baho-baho mo, mukha kang mas mahirap pa sa daga. Nakakasira ka sa mga mata ng customer.”

 

Kumuha ng tseke ang lalaking intsik at nagsulat roon nang mapansin si Igneel na nagnanais sa mamahaling South Sea Pearl Necklace.

 

Bumaling ito kay Igneel. “Ito ang isang daang libong dolyar. Please let me have this necklace,” anito saka iniabot kay Igneel na nang-uuyam ang tseke.

 

Nang kunin ni Igneel ang tseke ay umawang ang labi niya at pasimpleng kumuyom ang kamao. Akala siguro ng lalaki ay malaking halaga na ang ibinigay nito pero para Igneel, maliit lang $100,000 dollar. He can buy anything he wants. Rubinacci’s motto, “What we want is what we get.”

 

“Paano niyo pinapayagan na makapasok ang pulubi rito?” Umiiling na tanong ng lalaki.

 

 

“Naku, pasensya na kayo, Sir! Hindi ho namin napansina ng pagpuslit ng pulubing ito. Papalabasin ko na ho kaya huwag kayong mag-aalala.” Tila nahihinyang sabi ng staff.

 

Umismid ang lalaking intsik, “Kapakapan niyo at baka may nanakaw na ang pulubing iyan.”

 

Nagkumpulan ang ang mga babaeng staff at nakatingin kay Igneel ng masama, pero hindi nila maiwasang mahumaling sa lalaking nakaputi na tuxedo. Agaw pansin ang itsura nito at halatang mapera kumpara kay Igneel.

 

Ngumisi ang lalaki. “Makaalis ka na, pulubi. Sa’yo na ang isang daang libong dolyar.”

 

 

Kinuha ni Igneel ang cheke mula sa kamay ng lalaking insik, at habang hindi niya tinitignan ang cheke, pinunit niya ito at tinapon sa basurahan na tila ba nagpunit lang siya ng tissue.  

 

Natigilan ang lahat, at hindi na napigilan ng lalaking naka-puting tuxedo na pigilan ang emosyon at isang galit na ekspresyon ang lumitaw sa mukha nito.

 

 

Lumapit ang lalaki kay Igneel at hinila ang kwelyo ng sando nitong suot saka inilapit ang mukha kay Igneel.

 

 

“Are you out of your mind?!” Taas noo nitong tanong. “Why did you tore of the check?”

Malamig na tumingin si Igneel sa mata ng intsik saka umismid. “Hindi ko kailangan ang pera mo.”

Mas lalong nainsulto ang intsik kaya itinaas nito ang kamao at akmang susuntukin si Igneel ng biglang dumating ang manager na palipat-lipat ang tingin.

 

 

"Anong nagyayari rito?” tanong ng manager na naglalakad papalapit.

 

 

“Tss.” Itinulak ng lalaki si Igneel at marahas na binitawan ang kwelyo saka niluwagan ang sariling necktie. “Damn bastard!”

 

 

Agad itong binati ng babaeng staff at ikinuwento ang nangyari. Napahawak ang manager sa ilonghabang nakatingin kay Igneel na para bang ang dumi-dumi nito at mabaho.

 

 

“Sir, babayaran niyo ho ba ang kwintas? Hindi biro ang presyo nito,” sarkastikong sambit ng manager para kumpirmahin kung bibilhin ba ni Igneel ang kwintas o hindi.

 

 

His eyes dropped to the necklace, then pressed her lips together. “Bibilhin ko.”

 

 

After getting a positive answer, she asked him to pay immediately. “Great! Then, i-settle na natin ito.”

 

 

 

Narinig ito ng lalaki at hindi maiwasan na tumingin kay Igneel ng may panghahamak. Sa itsura ni Igneel ay mahahalata mo na wala itong pera dahil sa suot nito. Wala rin itong taste sa fashion. Handa na itong pagtawanan si Igneel sa pagkapahiya.

 

 

Si Igneel na tumira sa lansangan ng halos sampung taon ay walang pakialam sa kung anong itsura o suot niyang damit. Para sa kaniya ay normal lang na hindi siya maiintindihan ng ibang tao. Hindi naman alam ng mga ito kung anong hirap na pinagdaanan niya. Isa sa natutunan ni Igneel, na hindi lahat ng nakikita mo sa panlabas na anyo o karaniwang ikinakilos ng isang tao ay maaari mo na itong husgahan.

 

 

Sumingit ang staff at sinabing, "Kung hindi ka makakabayad, punasan mo ang maruming sahig na natapakan mo at lumayas ka na rito bago kita ipadampot sa guard. Saka huwag ka na ring babalik,” sikmat nito.

 

 

Ngunit nang marinig muli ang provocation ng staff ay agad siyang nagalit.

 

 

Itinuro ni Igneel ang staff na babae saka tumingin sa manager. "Kung makakabayad ako, ibabawas ko ang kalahating taon niyang suweldo at ibibigay ito sa isang orphanage."

 

 

 

Umawang ang labi ng mga naroon saka nagtawanan ang lahat.

 

 

“Ang lakas ng loob ng pulubi na ito na magkunwaring may pera,” komento ng staff na babae. Ngumisi ito at nanghahamong tumingin kay Igneet, “Sige, kung mababayaran mo ang mamahaling kwintas na ‘yon ay ibibigay ko ang isang taon na suweldo ko sa orphanage.”

 

 

 

 

 

Hindi napigilan ni Igneel ang pag-angat ng labi, nagpipigil nang ngiti. Minsan napapaisip siya kung anong napapala ng mga tao sa kanilang pagmamataas. Umiling na lang siya. Hindi siya umimik at nanatiling nakatitig lang sa mga ito saka bumuntonghininga.

 

 

 

“Tumatanggap ba kayo ng card?”

 

 

“Yes, Sir.” Nakangiting sambit ng manager.

 

 

Tumango lang si Igneel at kaswal na kinuha ang black gold card at iniabot ito sa manager.

 

 

Halos lumuwa ang mata ng manager nang masulyapan nito ang card na iniabot ni Igneel. Parang nakikipagkarera ang puso nito sa sobrang bilis ng tibok.

 

        

“V-VIP Royalty Black G-Gold Card...” Nanginig ang boses nito at nanginginig rin katawan. Hindi makapaniwala sa nakikita.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hay naku Ayan ngayon kayo tumawa
goodnovel comment avatar
Reynand Valdez
hangang chapter 10 nlng b ito
goodnovel comment avatar
Charmz1394
ano kau ngyon masyado kasi kaung mapanghusga
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status