Nagising si Arman mula sa pagkatulog at bumungad sa kanya ang bagong hitsura ng paligid. Nasa bagong ward na siya, ang VIP ward na ibinigay para sa kanya. Bumaling siya sa mga tao sa paligid, nang makita niya si Kenjin ngumiti siya nang malawak na tila ba nagpapasalamat nang makita si Kenjin. “Kenjin, you did everything for me. Maraming salamat sa ginawa mo, komportable ako sa bago kong higaan,” sabi ni Arman kay Kenjin. Masaya namang lumapit si Kenjin kay Arman dahil nakatanggap na naman ng pagpuri na hindi naman sana para sa kanya. “Everything for you, Papa. Kargo ko na rin po kayo simula nang pinakasalan ko si Jennica.” Masayang sabi ni Kenjin.Tumango si Arman at bumaling kay Igneel na tahimik lang sa sofa habang naka-upo. “Ikaw lalaki? Pag-upo lang ba ang ginawa mo simula kanina na tulog ako? Hindi ka manlang tumulong at hinayaan ang iyong asawa at ang mga anak ko na gumawa ng paraan?” galit na sabi ni Arman. Agad na hinawakan ni Kenjin si Arman para pakalmahin ngunit hindi tum
Chapter 10Tiningnan nilang dalawa ang kakaalis lang na kotse ni Klarence hanggang sa pumasok na sila sa loob ng taxi cab. Napansin ni Igneel na nakasimangot pa rin si Aricella pagkatapos ng paghaharap nila kay Klarence.“You and him are very close,” Igneel joked. Agad siyang tiningnan ng masama ni Aricella. Sobra ang inis ni Aricella sa matalik niyang kaibigan dahil sa pinagsasabi nito kay Igneel. Matagal naman na ganoon na talaga ang ugali ng kaibigan ngunit hindi niya inasahan na hindi pa rin ito nagbabago.“We were just classmate back then in United States,” sagot ni Aricella sabay irap kay Igneel. Naisip ni Igneel na isa sa dahilan na galit sa kanya si Klarence dahil may gusto si Klarence kay Aricella. Although, it’s true. Noon pa man ay pinilit na ni Klarence na mapasakanya si Aricella, niligawan niya ngunit hindi siya nagtagumpay dahil hindi pumayag si Aricella. Klarence is a handsome man, magaling nga sa industriya ng negosyo, matalino at talented ngunit hindi nakuha si Aric
Ilang minutong hindi sumagot si Igneel sa tanong ni Lara dahil hindi niya naman alam kung ano ba ang bakante. Wala siyang pakealam kung saan siya ilalagay, ang mahalaga sa kanya ay magkaroon na ng trabaho para kay Aricella.“Hindi ba’t kayo dapat ang mag desisyon kung saan ako ilalagay? Alam kong mataas ang standard ninyo at alam ko rin na hindi ako kwalipikado sa matataas na posisyon kaya kung inyong mamarapatin, nais ko sanang kayo ang pumili kung saan ako ilalagay,” mahabang sabi ni Igneel.Sa pagkakataong ito, si lara at ang kasama niyang interviewer ang natahimik at hindi alam ang sasabihi. Nag-iingat sila sa pwedeng isagot kay Igneel dahil natatakot sila na baka magalit ang kanilang boss kung saan-saan lang nila ilalagay si Igneel.“Kung ganoon po, maaari nating itanong sa boss. I am pretty sure na hindi niya hahayaang mapunta ka sa mababang posisyon sa kumpanya. Magkakilala kayo, hindi po ba?” tanong ni Lara.Nagtaka naman si Igneel sa sinabi ni Lara, hindi niya kilala ang boss
Hindi nakapagsalita si Igneel sa sinabi ni Aricella, nagtataka naman si Anita habang nakatingin kay Igneel at kay Aricella at si Klarence ay nagmamaktol, ayaw pumayag sa gustong mangyari ni Aricella na umuwi kasama si Igneel.“I invited you here for lunch, Varicella and besides, Igneel still working.” Hinawakan ni Klarence si Aricella kaya napatingin si Igneel sa kamay ni Klarence, lihim na umigting ang kanyang panga. Masamang tumingin si Aricella kay Klarence, nasa isip niya na ginawa ito ni Klarence para ipahiya si Igneel. “Klarence, I congratulate you for this. You build a new company by your own and I am proud of that. Actually, I appreciated na binigyan mo ng trabaho ang asawa ko ngunit hindi ito ang gusto kong gawin mo. Alam kong gusto mo lang ipahiya si Igneel,” mahabang sabi ni Aricella.Umawang naman ang bibig ni Klarence sa sinabi ni Aricella, hindi niya inasahan na ganoon ang sasabihin ng kanyang kaibigan. Tama man si Aricella pero nahihiya si Klarence pinagbibintangan siy
Dahan-dahang umatras si Aricella dahil dahan-dahan ding naglalakad si Igneel habang tinutulak siya patungo sa kama. Nakaramdam ng kaba si Aricella ngunit hindi siya makagalaw na tila ba nanghihina sa ginawa ni Igneel. “Tell me if you want to do this or not, Aricella. Ititigil ko kung hidi mo gusto—”“Gusto ko, Igneel.” Nahihiyang kinagat ni Aricella ang bibig niya at umiwas ng tingin mula kay Igneel nang sabihin niya ang linyang iyon. Hinawakan ni Igneel ang baba ni Aricella para ipaharap ulit sa kanya. “Don’t bite your lips, I might not going to control myself. Are you sure you want to do this with me?”“Of course, Igneel.”Dahil sa huling sinabi ni Igneel, hinalikan niya si Aricella at hiniga sa kama. Nasa ibabaw na siya ni Aricella habang nakatingin naman si Aricella sa buong mukha ni Igneel. Ito ang unang araw na may mangyari man sa kanilang dalawa, sa tagal nilang kinasal ay ngayon lang din naisipan ni Aricella na sumang-ayon sa ginagawa ng mag-asawa kasama si Igneel. Nakahaw
Nagsing si Igneel nang may Igneel nang may kumatook sa kwarto, iminulat niya ang kanyang mga mata at napagtanto na nasa tabi niya si Aricella habang mahimbing na natutulog. Hindi niya maiwasan ang ngumiti, hindi niya inasahan na isang araw ay gigising siyang nasa tabi niya si Aricella na nakayakap sa kanya. Tumingin ulit siya sa pintuan nang may kumatok ulit, bago siya bumangon hinalikan niya muna sa noo si Aricella at inayos sa pagkahiga, hindi manlang nagising dahil dahan-dahan siyang ginagalaw ni Igneel. Akmang aalis na si Igneel sa kama nang makita niyang hubo’t hubad pa rin siya kaya agad niyang hinanap ang kanyang boxer at shorts. Hahanapin niya na sana ang pang itaas niyang damit nang kumatok ulit ang tao. Napamura siya sa kanyang isipan at hinayaan na lang na wala siyang suot na t-shirt. “Bakit ba ang tagal ninyong buksan—ang pintuan.” Napatingin si Jemma sa mukha ni Igneel patungo sa katawan nito na nakatulala. “Tulog pa ang ate Aricella mo,” simpleng sabi ni Igneel at tum
Nang umalis ang pamilya ni Aricella at si Aricella, saktong may dumating na tatlong lalaki na nakasuot na itim na damit. Yumuko sila para bigyang galang si Igneel.“Nandito na po kami, Signore. Ano po ang dapat naming gawin?” tanong ng lalaking matangkad sa dalawa. “I need you to clean the house, everything. Maliban sa kwarto namin ng asawa ko, dapat ay matapos ninyo agad bago sila umuwi. After you clean the house, umalis na kayo at i-lock ninyo ang pintuan. May mahalaga lang akong pupuntahan,” mahabang paliwanag ni Igneel. Sabay-sabay namang tumango ang tatlong lalaki. Pagkatapos tawagan ni Igneel ang taong kikitain niya, tinawagan niya rin ang iba niyang tauhan para papuntahin sa kanya at gawin ang paglilinis ng bahay. Dala rin ng tatlong lalaki ang itim na Lamborghini ni Igneel dahil kasali iyon sa inutos ni Igneel. Ito ang gagamitin niya patungo sa pupuntahan niyang lugar. Pero bago siya tuluyang pumunta sa lugar na iyon, huminto muna siya sa iPhone store para bumili ng cell p
Busy ang pamilya ni Aricella na mag asikaso sa discharged ng kanilang ama sa hospital habang si Jennica ay panay hawak ng kanyang cell phone para tawagan ang asawang si Kenjin. Ang sabi ni Kenjin sa kanya kanina ay susunod agad siya pero ilang oras na ang lumipas ay hindi niya pa rin matawagan si Kenjin at hindi pa rin nakarating sa hospital.“Le’s go, ate!” tawag ni Jemma. Bumaling din si Aricella sa kapatid nang makitang naiinis na ang mukha. “Problema mo?” tanong ni Aricella.Inirapan sila ni Jennica at nagmamaktol na lumapit sa kanilang dalawa. “Hindi pa dumating si kenjin, hindi ko rin matawagan.” Nakasimangot na sabi ni Jennica. “Just text him na umuwi na tayo, hindi rin naman especial iyang asawa mo para antayin natin—”“Baka nakalimutan mong siya ang tumulong sa ama natin na makakuha ng VIP ward, Aricella. Kung sa especial ang usapan, mas hindi especial ang asawa mong walang ibang ginawa kundi ang magpabigat,” mahabang sagot ni Jennica.Sasagot pa sana si Aricella pero hindi