“Totoo ba ang nalaman ko? Magkasama na ulit kayo ng asawa mo?” Iyan ang bungad na tanong ni Senior Elias kay Igneel nang makarating siya sa palasyo. “Yes, Senior.” Seryoso niyang sagot at umupo na sa pwesto niya. Nakatingin sa kanya ang lahat ng pinsan niya na pinatawag din ng kanilang Lolo. Hindi nila alam kung ano ang rason kung bakit sila pinapatawag,“Mabuti naman na nandito na kayong lahat,” panimula ng kanilang Lolo nang maka-upo siya sa kanyang pwesto. Tinignan niya isa-isa ang mga apo niya na kasali sa ginawa niyang paligsahan na kung sino ang unang makakabigay sa kanya ng bagong tagapag mana. “Kumusta ang pinapagawa ko sainyo?” tanong niya. Tahimik lang si Igneel at ibang mga pinsan niya na walang pakialam sa ginawang laro ng senior. Kaya nagtataka sila kung bakit pa ba sila pinatawag sa mansyon kung alam naman na ni Senior Elias na hindi sila interesado sa gusto nitong mangyari. “May ipapakilala na ako sainyo, Senior.” Lahat ay bumaling sa nagsalita na si Laurence, natah
Habang hinahabol ni Igneel si Aricella kanina ay hindi niya maiwasan na mag-alala. Hindi siya sanay na makitang nagagalit si Aricella. Pero naabutan niya rin naman si Aricella sa paglalakad at ngayon ay magkasama na silang dalawa. Tahimik silang nasa loob ng kotse ni Igneel, habang nasa back seat naman ang dalang pagkain ni Aricella. "Hey," tawag ni Igneel. Hindi pa rin nagsasalita si Aricella dahil hanggang ngayon ay pinapakalma niya pa rin ang sarili niya. Alam niyang hindi siya nakapag timpi sa ginawa niya kanina kay Kristine, pero kung tutuosin ay para sa kanya kalmado pa iyon dahil sinasabi niya lang naman ang gusto niyang sabihin kay Kristine, hindi niya ito sinakyan pisikal. Naiinis lang siya dahil ang kapal ng mukha ni Kristine para sabihin iyon sa mismong harap niya, na para bang hindi gugustuhin ni Kristine magbigay ng respeto kay Aricella. Lalo na kung hindi naman sila magkakilala talaga personally. "I'm sorry for what happened earlier," mahinang sabi ni Igneel. Hinawakan
Nang buksan ni Aricella ang pintuan, bumungad sa kanya ang mukha ng kanyang Uncle, ang kapatid ng kanyang ina kasama ang mga kasamahan niya na gustong bumisita kay Arman, ang ama ni Aricella. Nakita ng uncle at ng mga kasama nito na wala si Igneel kaya nagsimula nila itong insultuhin, pinagtawanan na para bang wala lang sa kanila kung gaano nila insultuhin si Igneel. Nakikitawa rin ang ina ni Aricella dahil iniisip niya na tama lang kay Igneel na makatanggap ng insulto, meron man siya o wala. Pero natigil lang din sila nang pumasok bigla si Igneel sa loob ng kwarto. Nabigla ang uncle ni Aricella kaya naman para hindi siya mapahiya, lumakas ang boses niya at tinanong si Igneel. “Sino ka para magbukas agad ng pintuan na hindi kumakatok, hindi ka mayaman tulad namin kaya matuto kang rumespeto! Galing ka nanga sa kalye, ang ugali mo ay asal kalye din!” galit na turan ng Uncle ni Aricella. Sumabay din sa pang-iinsulto ang ibang kasama ng uncle ni Aricella na mga kamag-anak lang din nila.
"I-igneel...." mahinang hikbi ni Lienne sa kabilang linya.Agad namang bumangon si Igneel mula sa pagkahiga niya, at tila nagising ang kanyang diwa nang marinig ang hikbi ni Lienne. "Anong problema? Si Karlo, nasaan na?" nag-aalalang tanong ni Igneel."Si Karlo...hindi na siya gumigising, Igneel. Hindi ko kaya...tinawagan ko na rin sila Itay para pumunta rito pero bukas pa. Hindi ko kaya, Igneel...puntahan mo ako please." Tuluyan nang umiyak si Lienne. Agad namang tumayo si Igneel mula sa kanyang kama at nagmamadaling lumabas. "Papunta na ako," sabi niya at binabaan ng tawag si Lienne. Wala siyang ibang iniisip ngayon kundi ang tulongan si Karlo at si Lienne. Iyon ang dahilan kung bakit siya nahuli sa pagsundo kay Aricella. Tumawag si Lienn sa kanya at humingo ng tulong para kay Karlo. Dahil nang umuwi si Lienne sa apartment nila, hindi pa lang siya nakakapasok sa loob ay nakita niya na ang kanyang kapatid na si Karlo na dugoan sa labas at walang malay. May tama ito sa tyan niya. At
SA ISANG mahabang hapagkainan ay nakaupo ang pamilya ni Aricella at si Igneel. Kaarawan ngayon ni Janette, ang ina ni Aricella. Mapagmataas ang kilay nitong nakapako kay Igneel at halatang namimintas sa paraan ng pagkakatingin. Tahimik ang lahat at hinihintay ang haligi ng tahanan.“Kumusta ang Astral Finance, Aricella? Nakarating sa amin ang balitang hindi maganda ang lagay ng kumpanya niyo,” panimula ni Arman, ang ama ni Aricella, pagkakita sa kaniya. “Nagtayo nga kayo ng Finance Company para mag-handle ng financial problem at solusyunan ito e sa nangyayari kayo ang nagkakaroon ng Financial problem,” patuloy nito habang umuupo.“Astral keep on striving for the better, Papa,” aniya habang iniangat ang baso at uminom ng tubig. “Nagkaroon lang ng maliit na aberya pero maaayos din iyon, para saan pa at nag-aral ako sa Harvard ng Finance Management kung hindi ko iyon mareresolba.”After graduating from a famous American university, Aricella Vermillion went back to the Philippines to accep
SINUKLAY ni Igneel ang buhok niya nang biglang bumalik sa kaniyang isipan ang nakaraan. Ang pamilya niya ang nasa likuran ng naglalakihang establishment hindi lang sa Pilipinas kung ‘di sa iba’t ibang panig ng mundo. His family was the real power behind the Dela Muerte family, the Vandorpe family, and the Del Vecchio consortium.Bilang isang Rubinacci at nag-iisang tagapagmana, kinakailangan niyang sumabak sa isang pagsubok. Hindi ito pangkaraniwan dahil sampung taon ang gugululin niya para lang mapatunayan na karapat-dapat siya para sa posisyon na iyon. Being Rubinacci’s heir wasn’t easy as one two three. He needs to successfully spend ten years under the family blockade.Sa loob ng sampung taon ay kinakailangan na buhayin niya ang sarili at tumayo sa sariling mga paa. He could not support himself by any labor, but begged around like a beggar. He also looked for a job at first, but without exception, he did not get paid in the end. Mula sa Italya ay ipinatapon siya sa bansang Pilipin
PAKIRAMDAM ng manager ay nawalan siya lakas. Kung nasa ibang lugar lang siya ay baka nalugmok na siya sa lupa dahil walang tigil sa panginginig ang tuhod niya. Hindi hihigit sa sampung tao ang mayroong VIP card sa buong Pilipinas, at napagtanto nitong hindi simple ang pagkakakilanlan ni Igneel.Nahihiyang ngumiti ang manager nang tanggapin ang card ni Igneel. Matapos i-scan and VIP card at bayaran ay agad niyang binalot ang kwintas.“Here’s what you purchase. Thank you for coming to Del Vecchio.” Maingat nitong iniabot kay Igneel iyon kasama ang card nito.Tumikhim si Igneel para kunin ang atensiyon ng manager na nakatitig sa kaniya. “Nais kung i-donate ang isang taong sweldo ng isa sa staff mo sa orphanage na ito,” ani Igneel saka binaggit ang pangalan orphanage para sa mga batang may cancer.Gumuhit ang munting ngiti sa mga labi ng manager, “Asahan niyong aasikasuhin ko ito, Sir.”Tumango si Igneel. Siniko naman ng manager ang babaeng staff at pinanlakihan ito ng mata. Wala itong kib
Klarence went to Aricella, kinuha niya mula sa kamay ni Aricella ang kwentas.“This is fake!” sigaw niya. He checked carefully pero mas lalo lang siyang nagulat nang makitang totoo ito. “What? Is it fake or what?” tanong ni Aricella nang tumingin bigla si Klarence kay Igneel ng masama. “Ninakaw mo ba ito?” Nanlaki ang mga mata ni Igneel sa tanong ni Klarence, ganoon din si Aricella.“Anong sinasabi mo, Klarence? Paano naman magagawa iyon ni Igneel?” tanong ni Aricella. Tiningnan siya ni Klarence. “This necklace is not fake at mahal ito. Saan siya kukuha ng pera para bilhin ito. Kaya sigurado akong ninakaw niya ito! Damn it, let’s call the police—”“Nagkakamali ka. Hindi ko ninakaw ang kwentas na iyan. Binili ko mismo—”“Igneel?” hindi makapaniwalang sabi ni Aricella. Alam niyang walang trabaho si Igneel para makabili ng mamahaling gamit pero kung ninakaw niya nga ito para bigyan siya ng regalo ay dapat hindi na niya ginawa. Maraming sumagi sa isipan ni Aricella. “You stole it