Share

Chapter 4 - Fake Gift

Klarence went to Aricella, kinuha niya mula sa kamay ni Aricella ang kwentas.

 

“This is fake!” sigaw niya. He checked carefully pero mas lalo lang siyang nagulat nang makitang totoo ito. 

 

“What? Is it fake or what?” tanong ni Aricella nang tumingin bigla si Klarence kay Igneel ng masama. 

 

“Ninakaw mo ba ito?” Nanlaki ang mga mata ni Igneel sa tanong ni Klarence, ganoon din si Aricella.

 

“Anong sinasabi mo, Klarence? Paano naman magagawa iyon ni Igneel?” tanong ni Aricella. Tiningnan siya ni Klarence. 

 

“This necklace is not fake at mahal ito. Saan siya kukuha ng pera para bilhin ito. Kaya sigurado akong ninakaw niya ito! Damn it, let’s call the police—”

 

“Nagkakamali ka. Hindi ko ninakaw ang kwentas na iyan. Binili ko mismo—”

 

“Igneel?” hindi makapaniwalang sabi ni Aricella.      

 

Alam niyang walang trabaho si Igneel para makabili ng mamahaling gamit pero kung ninakaw niya nga ito para bigyan siya ng regalo ay dapat hindi na niya ginawa. Maraming sumagi sa isipan ni Aricella. “You stole it? I can help you basta ibalik na natin ang kwentas na ito para hindi tayo mapahamak pareho.”

 

Napaawang ang bibig ni Igneel sa sinabi ng asawa, hindi siya makapaniwala na naniwala si Aricella na ninakaw niya ang regalong ibinigay niya sa kanya. Pero alam niyang kahit ano ang gawin niya, walang maniniwala. Huminga siya nang malalim.

 

“Hindi ko ninakaw iyan… nanalo ako sa lotto kaya iyan ang una kong binili para sa’yo,” he reasoned out. “Hindi ko ninakaw iyan…” mahinang banggit ni Igneel.

 

Umiling si Aricella, hindi pa rin naniwala kay Igneel kaya agad na sumigaw si Klarence. “Tumawag na tayo ng police!”

 

Lumabas si Klarence sa opisina, isinigaw niya pa sa labas ng opisina ang ginawa ni Igneel kaya ang lahat ng empleyado ay tumayo at uniikutan si Igneel. 

 

Nanlaki ang mga mata ni Aricella sa ginawa ng kaibigan. Nagbubulungan ang mga empleyado. Sinong mag-aakala na ang lalaking kinuha lang din sa daan ay magnanakaw. Nakakahiya iyon sa parte ni Aricella at sa pamilya ni Aricella. 

 

“Please go back to your respective work! My husband did not steal anything. Now, leave!” sigaw ni Aricella.

 

Klarence looked at her bitterly, hindi siya makapaniwala na nagawa pang iligtas ng kaibigan si Igneel. Bumaling siya kay Igneel na ngayon ay nakayuko lang. “You already done your best, Aricella. Panahon na para alisin siya sa buhay mo, you already helped him at ngayon ay nakagawa siya ng mali nagagawa mo pa rin na tanggapin? He’s from garbage, marumi siyang lalaki at ngayon mas lalong marumi lang dahil sa pagnanakaw niya. Wake up, Aricella!” 

 

 

Nagsimula ulit magbulungan ang mga tao, pinagsalitaan ng masama si Igneel dahil sa pagiging ignorante nito. 

 

Nakaramdam ng awa si Aricella sa asawa nang tingnan niya itong nakayuko lang, gusto niyang pagsabuyin ng asido ang mga taong nanghuhusga sa kanya pero kahit siya ay hinusgahan din si Igneel. Sa kanyang isipan, wala siyang pinagkaiba sa mga taong nanghuhusga sa kanyang asawa.

 

“Someone call the police, now!” sigaw ni Klarence.

 

“No! This is me and my husband’s affair. Leave us alone kung ayaw ninyong kayo mismo ang mawalan ng trabaho. Klarence… just leave us alone—”

 

“I did not steal that.” Igneel’s baritone voice echoed.

 

Natahimik ang lahat nang marinig nila ang buo at seryosong boses ni Igneel. Tiningnan siya ng masama ni Klarence, hindi makapniwalang may lakas pa ng loob si Igneel na magsalita. Tumingin din si Aricella sa kanya, gustong pigilan na huwag na magsalita. 

 

“What do you mean you did not steal the necklace? Kitang-kita nating lahat na wala kang kakayahan para bilhin ito at idadahilan mo pang nanalo ka sa lotto? Lokohin mo na lahat, not me, trash.”

 

“Bili ko iyan, mismong pera ko. Hindi ko alam kung maniniwala kayo but I am the heir. Anak ako ng isa sa mayamang—” Hindi natuloy ang sasabihin niya nang marinig niya ang malakas na panunuyang tawa mula sa mga tao, nangunguna si Klarence. 

 

Naisip nila na nagawa pang magsinungaling ng kakaiba ni Igneel, kahit si Aricella ay hindi nasisiyahan sa sinabi ni Igneel. Hindi niya akalain na ganoon ang sinasabi ni Igneel, kaya niyang magsinungaling na alam niyang malabo siyang paniwalaan.

 

Nang makitang hindi talaga siya pinaniwalaan, naalala niyang nasa kanya pa ang resibo mula sa shop. Kinuha niya ito mula sa kanyang sirang pitaka at pinakita sa mga tao, agad iyong binawi ni Klarence at siya na mismo ang tumingin. 

 

“This is your name,” banggit ni Klarence. Kinuha rin iyon ni Aricella at nakitang pangalan ni Igneel ang naroon na nagsasabing siya ang bumili ng mamahaling kwentas, nakita rin ang halaga ng kwentas. At dahil doon, naniwala na si Aricella na hindi ninakaw ang kwentas. 

 

‘Totoo bang nanalo siya sa lotto?’ iisang isip ng mga tao.

 

 

Still, hindi pa rin naniwala si Klarence kahit totoo naman talaga ang resibo na pinakita ni Igneel. “Tatawagan ko ang shop na ito!” sigaw niya at kinuha ang cellphone.

 

Hinayaan lang siya ni Igneel, ilang segundo ay sumagot ang manager ng shop. “I would like to confirm kung mayroon ba kayong customer na nangangalang Igneel Mauro o ninakaw niya lang ang kwentas sa shop ninyo?” Hindi pinahalata ni Klarence ang boses niyang nanginginig, nakatingin pa siya kay Igneel na parang wala lang ang sinabi ni Igneel.

 

Kapag nalaman ni Klarence na hindi siya nagsisinungaling, sino kaya sa kanilang dalawa ang mapapahiya?

 

Natahimik naman si Klarence nang marinig ang tawa ng kausap niyang manager. “Are you insane, Sir? He is our gold customer for today and you accused him stealing the necklace? Why would you check online and let us see kung ninakaw niya ba talaga?” sabi ng manager at nagpaalam na. 

 

Ayaw pa rin maniwala ni Klarence at kahit labag sa loob niya; tiningnan niya ang online website ng shop. Halos manlaki ang mata niya, tumabi rin sa kanya si Aricella para tingnan. Kagaya ng reaction ni Klarence, napaawang ang bibig ni Aricella nang makitang nakasulat sa website ng shop ang pangalan ni Igneel at ang katabing picture nito ay ang picture ng kwentas, picture rin ni Igneel na nakatalikod habang hawak ang kwentas. Binasa pa nila ang iilang comments na keso ang swerte ng pagbibigyan ng lalaki sa picture kahit hindi ito nakasuot ng mamahaling damit. 

 

Tumingin si Klarence kay Igneel, nanghihina sa nalaman. He admits to himself na talo siya pero ayaw niyang sabihin iyon lalo na sa harap ng isang lalaking pinulot lang kung saan ng kanyang kaibigan. “Totoo bang nanalo ka sa lotto kaya mo nabili ito?” tanong niya kay Igneel.

 

Nagkibit balikat lang si Igneel at hindi na sinagot si Klarence dahil tapos na rin naman ang paliwanag niya. Sa isipan ni Klarence, kung nanalo siya ng lotto bakit hindi niya agad mabili ang bahay o kotse manlang, bakit kwentas lang. But at somehow, dahil sa nangyari. Nakaramdam siya ng inggit mula kay Aricella. Ang manalo sa lotto ay isa sa mga pangarap ng mga tao, kasama siya roon. 

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hay naku kainis talaga Buti nalang naniniwala pa di. asawa mo
goodnovel comment avatar
Charmz1394
naku katrina oras na malaman mo kung sino yang si igneel talaga mamatay ka sa inggit
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status