Share

Chapter 6

Nang buksan ni Aricella ang pintuan, bumungad sa kanya ang mukha ng kanyang Uncle, ang kapatid ng kanyang ina kasama ang mga kasamahan niya na gustong bumisita kay Arman, ang ama ni Aricella. Nakita ng uncle at ng mga kasama nito na wala si Igneel kaya nagsimula nila itong insultuhin, pinagtawanan na para bang wala lang sa kanila kung gaano nila insultuhin si Igneel. Nakikitawa rin ang ina ni Aricella dahil iniisip niya na tama lang kay Igneel na makatanggap ng insulto, meron man siya o wala. Pero natigil lang din sila nang pumasok bigla si Igneel sa loob ng kwarto.

Nabigla ang uncle ni Aricella kaya naman para hindi siya mapahiya, lumakas ang boses niya at tinanong si Igneel. “Sino ka para magbukas agad ng pintuan na hindi kumakatok, hindi ka mayaman tulad namin kaya matuto kang rumespeto! Galing ka nanga sa kalye, ang ugali mo ay asal kalye din!” galit na turan ng Uncle ni Aricella. 

Sumabay din sa pang-iinsulto ang ibang kasama ng uncle ni Aricella na mga kamag-anak lang din nila. Ngumiti si Igneel na tila ba sanay na siya sa ugali ng kamag-anak ng kanyang asawa. Tumingin siya sa uncle ni Aricella at sinabi. “Hindi talaga ako magbibigay ng respeto sa isang katulad mo, Julio. After all, hindi ako katulad mo na nagsasalita ng masama sa likod ng ibang tao.” seryosong sabi ni Igneel na tila ba wala siyang pakealam kung magalit pa lalo si Julio sa kaniya.

Narinig niya lahat ng pang-iinsulto ni Julio, at insulto mula kay Janette na ina ni Aricella kasama ang mga kamag-anak nila.

Dahil sa sinabi ni Igneel kay Julio, ang uncle ni Aricella, si Julio naman ang nainsulto. Gusto niyang sampalin si Igneel sa sinabi ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili nang magsalita si Kenjin, lumapit siya kay Igneel. 

“You are bluffing, Igneel. Sa susunod ka na magyabang kung kaya mo na ang gagawin ko. I will spend a 300,000 dollar for Papa to get him a better ward, after all mas kaya kong ibigay iyon kaysa kay Igneel na kahit kalahati ng perang ilalabas ko ay hindi niya maibigay agad.” Pagmamayabang ni Kenjin, ang brother-in-law ni Aricella. 

Tumingin naman si Julio kay Igneel, iniisip niya na isa na ngang orphan si Igneel, but also an unemployed beggar. Ano na lang ang kayang gawin ni Igneel kung sa ganoon ay wala itong pera o kakayahan manlang na mag-ambag sa pamilya ng kanyang pamangkin na si Aricella.

“Hindi nagkakamali si Jennica sa pagpili sa’yo Kenjin, bukod sa isa kang magandang lalaki, hindi hamak na mayaman ka rin at iniisip ang kapakanan ng pamilya ng aking pamangkin. Hindi tulad ng isa na nandito, wala na ngang kwenta, isa pang hampaslupa. Igneel, kalalaki mong tao wala kang kayang ibigay para sa asawa mo at sa pamilya ng asawa mo. You should fine a job to support her, hindi iyong palamunin ka araw-araw,” mahabang sabi ni Julio. 

Walang bago ang mga ganoong salita para kay Igneel pero ang marinig ang sunod na sinabi ni Julio ay nakaramdam siya ng inis. Bumaling si Julio kay Aricella na kanina pa tahimik, nagpipigil na sagutin ang kanyang tiyuhin dahil alam niya kung gaano ka-iksi ang pasensya ni Julio. 

“Aricella, hiwalayan mo ang lalaking ito. Ipapakilala kita sa isang milyunaryo na lalaki at gusto ka niyang pakasalanan noon pa man,” sabi ni Julio. 

Nang marinig ng magulang ni Aricella ang sinabi ni Julio, nagkatinginan silang dalawa na tila ba nabuhayan dahil gusto rin nilang maikasal si Aricella sa isang mayamang lalaki at ipilit kay Igneel na kumuha ng pera para sa pamilya. 

Pero nagsalita ulit si Kenjin. “May naisip akong solusyon para sa’yo, Igneel. How about, borrow a money to an usury loan or sell your kidney. Marami akong kilalang mafia, they are doing loan and organ tradings. Wala ka rin namang kwenta kaya ayos lang kung mawalan ka ng lamang loob para ibigay sa pamilya, you are nothing but a useless man.” Natatawang sabi ni Kenjin.

Sumang-ayon ang kamag-anak ni Aricella at tumawa rin. Inis naman ang naramdaman ni Aricella sa kanyang brother-in-law na nagyayabang at sa kanyang pamilya na sumang-ayon kay Kenjin. 

Nang marinig iyon ni Igneel, nakaramdam siya ng galit na tila ba umabot na sa kanyang buong katawan ang galit sa sinabi ni Kenjin. Masama siyang tumingin kay Kenjin. “Kaya kong bayaran ang halaga na sinasabi mo pero bago iyon, humingi ka ng tawad.” Galit na sabi ni Igneel kay Kenjin. 

Natawa naman si Kenjin na tila ba isang kahibangan para sa kanya ang sinabi ni Igneel. Apologize to someone like Igneel is not on Kenjin’s vocabulary. Isang insulto para kay Kenjin na humingi ng tawad kay Igneel na isang hampas lupa lamang para sa kanya.

“Ang hilig mo talaga magpatawa, bakit ako hihingi ng tawad sa’yo? You should be the one who will do that. Kung may ibibigay ka talagang ganoong halaga, kunin mo at ikaw ang lumuhod. Kung hindi mo maibigay ang pera na para kay Papa, maghahanap na ako ng matatawagan para ibenta ang kidney mo….300,000 dollar is enough for your kidney, I guess?” mahabang sabi ni Kenjin, naghahamon kay Igneel. 

Igneel smirked secretly and he took out his phone. It was iPhone 5s, luma na itong cell phone na nagtatagal na ng dalawang taon. Ito ang binigay ni Aricella sa kanya noon, pinaglumaan na cell phone. 

Sinimulan ni Igneel na tingnan ang phone niya para mag transfer ng pera ngunit napatigil siya dahil tumunog din ang phone ni Kenjin. Dahan-dahang inilabas ni Kenjin ang phone niyang iPhone 14 pro. Nang makita iyon ng kamag-anak ng pamilya ni Aricella, sinimulan nilang puriin si Kenjin dahil sa mamahaling phone na hawak niya. Nakikita talaga nila na isang sucessful na tao si Kenjin.

Kenjin checked the message, he was surprised by what is written in the message. “I received 300,000 dollars in my account,” Kenjin said. 

Gulat ang lahat na naroon, pati si Igneel. Hindi niya naituloy ang pag-transfer ng pera kay Kenjin dahil nawalan ng signal ang phone niya kaya pati siya ay nagtataka kung ano ang nangyari at sino ang nagpadala ng katulad na halaga na pinag-usapan nila. 

Kenjin received a call, tawag mula sa proyektong ginawa niya. Ang pera na natanggap niya ay galing sa proyektong inaasikaso niya sa trabaho. At nang marinig iyon ng kamag-anak ni Aricella, lahat sila ay tumingin kay Igneel. 

“Now Igneel, kaya mo bang ilabas ang ganoong halaga? Huwag ka ng magpakitang gilas dahil alam naman namin na hindi mo afford ang ganoong halaga, kahit 100 dollar ay hindi mo nga maibigay….” Insulto ng ina ni Aricella na si Janette.

“Mama, stop that!” inis na sigaw ni Aricella para pigilan si Janette. 

Ulit, nagsalita si Kenjin. “Well, I should find someone now to come to the hospital and get your kidney, Igneel. Huwag na tayong mag-aksaya ng panahon, nang may silbi ka naman—”

Hindi natapos ang sasabihin ni Kenjin nang tumunog ang phone ni Igneel at nakatanggap ng isang mensahe.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Merlyn T. Ogaco
same story Ng nagkmli kyo g inapi. iba lngag name g character
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status