Nang umalis ang pamilya ni Aricella at si Aricella, saktong may dumating na tatlong lalaki na nakasuot na itim na damit. Yumuko sila para bigyang galang si Igneel.“Nandito na po kami, Signore. Ano po ang dapat naming gawin?” tanong ng lalaking matangkad sa dalawa. “I need you to clean the house, everything. Maliban sa kwarto namin ng asawa ko, dapat ay matapos ninyo agad bago sila umuwi. After you clean the house, umalis na kayo at i-lock ninyo ang pintuan. May mahalaga lang akong pupuntahan,” mahabang paliwanag ni Igneel. Sabay-sabay namang tumango ang tatlong lalaki. Pagkatapos tawagan ni Igneel ang taong kikitain niya, tinawagan niya rin ang iba niyang tauhan para papuntahin sa kanya at gawin ang paglilinis ng bahay. Dala rin ng tatlong lalaki ang itim na Lamborghini ni Igneel dahil kasali iyon sa inutos ni Igneel. Ito ang gagamitin niya patungo sa pupuntahan niyang lugar. Pero bago siya tuluyang pumunta sa lugar na iyon, huminto muna siya sa iPhone store para bumili ng cell p
Busy ang pamilya ni Aricella na mag asikaso sa discharged ng kanilang ama sa hospital habang si Jennica ay panay hawak ng kanyang cell phone para tawagan ang asawang si Kenjin. Ang sabi ni Kenjin sa kanya kanina ay susunod agad siya pero ilang oras na ang lumipas ay hindi niya pa rin matawagan si Kenjin at hindi pa rin nakarating sa hospital.“Le’s go, ate!” tawag ni Jemma. Bumaling din si Aricella sa kapatid nang makitang naiinis na ang mukha. “Problema mo?” tanong ni Aricella.Inirapan sila ni Jennica at nagmamaktol na lumapit sa kanilang dalawa. “Hindi pa dumating si kenjin, hindi ko rin matawagan.” Nakasimangot na sabi ni Jennica. “Just text him na umuwi na tayo, hindi rin naman especial iyang asawa mo para antayin natin—”“Baka nakalimutan mong siya ang tumulong sa ama natin na makakuha ng VIP ward, Aricella. Kung sa especial ang usapan, mas hindi especial ang asawa mong walang ibang ginawa kundi ang magpabigat,” mahabang sagot ni Jennica.Sasagot pa sana si Aricella pero hindi
Kinabukasan, hindi pumasok sa trabaho si Kenjin sa kumpanya ng mismong pamilya nila dahil sa kahihiyan na natamo. Ayaw niyang makita ng mga tao kung gaano kasaklap ang nangyari sa kanya. Naging busy siya buong araw para tawagan ang dapat tawagan upang makaganti sa kung sino man ang gumawa sa kanya. Ito rin ang araw na magsisimula si Igneel sa trabaho, kahit na ayaw pa rin ni Aricella ang naging resulta ng pagkaroon niya ng trabaho, wala na siyang magagawa. Bukod sa ayaw niyang si Klarence ang naging boss ni Igneel, ayaw niya rin na mas lalong laitin si Igneel ng mga tao. Kung nasanay na si Igneel sa mga insulto ng mga tao, si Aricella ay ayaw niya ng makarinig pa. Hindi niya man aminin sa kanyang sarili, nasasaktan siya para kay Igneel."Narinig ko ang balita, totoo bang asawa mo ang kaibigan ni Sir Klarence?" tanong ni Junie kay Igneel.Nang pumasok si Igneel sa trabaho ayan agad ang bungad ni Junie sa kanya, tahimik lang si Mang Lando habang nakatingin kay Igneel at umiiwas naman
Pagkatapos ng meeting ni Klarence ay agad siyang bumalik sa opisina niya, saktong pagpasok niya bumungad sa kanya ang malinis at mabangong opisina. Binati na rin siya ni Jonas na ngayon ay naka pwesto na sa cubicle niya. “I need you to submit this documents to the Human Resources, sabihin mo kailangan ko na agad bukas.” Inabot ni Klarence ang dala niyang papel kay Jonas.“Maususnod Sir. Do you need anything like coffee or something, Sir Klarence?” tanong ni Jonas. Kumunot ang noo ni Klarence nang makita ang malapad na ngiti ni Jonas na tila ba naiinis siya. Kung hindi lang magaling at nakakabilib ang nakita ni Kalrence sa rusume ni Jonas ay iisipin niyang bobo at tanga si Jonas, bukod sa pormahan nito na para bang wala talagang taste of fashion.“No, I don’t need anything. You can leave now.” Tinalikuran niya na si Jonas at umupo sa lamesa niya. Sinuri niya ang buong paligid, nagtataka siya kung bakit maraming nagbago pero ang napansin niya talaga ay sobrang linis ng opisina niya. A
Ilang minutong hindi nagsalita si Igneel dahil sa sinabi ng kanyang Lolo. Iniisip niyang anong balka ng kanyang Lolo kung bakita gusto nitong bumalik na agad sa mansyon ng mga Rubinacci. “I’m not going to stay here, Señor Elias. I have my home now with my wife—”“Your wife na sigurarado tayong itatakwil ka rin niya sa oras na malaman niya kung sino at anong klase kang tao.”Hindi agad nakapagsalita ulit si Igneel sa sinabi ng matanda, aaminin niyang tama ito sa sinabi ngunit naniniwala pa rin siya na hindi iyon gagawin ni Aricella. “She won’t do that,” sabi ni Igneel. Bumuntonghininga siya at tinalikuran ang matanda, naunang pumasok sa loob ng mansyon. Para lamang matahimik ang matanda, pinilit niya ang sarili na pumasok sa loob. Bumungad sa kanya ang nakapilang benteng katulong at benteng security guards sa loob ng mansyon. Lumapit ang tatlong katulong kasama ang mayordoma.“Masaya kaming makita ka muli, Signore Igneel.” Nakangiting sabi ng mayordoma. Ngumiti ng tipid si Igneel sa m
Tuluyang nakaalis si Igneel sa mansyon, walang ni isang sumunod sa kanya maliban sa kanyang ina ngunit pinigilan din ni Enrique ang asawa dahil ayaw nitong lapitan si Igneel. “Bakit mo ba ako pinipigilan na puntahan ang anak natin, Enique?” bulong na tanong ni Diana sa asaawa niyang seryosong nakatingin sa kanya. Nanahimik din ang ibang kamag-anak ni Igneel sa hapagkainan, pinagmasdan sila at dahil na rin sa gulat sa sinabi ni Igneel kay Señor Elias kanina. Hindi nila inasahan na iba na ngang Igneel ang nakita nila sa araw na ito. “Hindi siya matututo kung nariyan ka sa tabi niya—”“Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Enrique? Ilang taon akong nangulilala sa anak ko para lang sa gusto ninyong mangyari sa kanya at ngayon na nakita ko na siya at bumalik na siya, pagbabawalan ninyo ulit ako? Hindi na makatarungan ang prinsipyo ng pamilya ninyo—”“Papa!”Napasinghap ang lahat sa ginawa ni Señor Elias, sinampal niya ng malakas si Diana, gulat na tumingin ang lahat sa nangyari. “Hindi ko gus
“Ano?!” Galit na sigaw ni Klarence nang basahin ang resignation letter ni Jonas. “Bakit ka aalis? Kakasimula mo lang ha? Nahihibang ka na ba?” dagdag niya pang sigaw. Kunayri pa ay natatakot si Jonas sa sigaw ni Klarence na para bang isang pusa. “May nangyari lang Sir, napagtanto kong hindi ko kaya ang pinapagawa sa akin dito.” Nakayukong sabi ni Jonas. Halos manlaki ang mata ni Klarence, napaawang ang bibig dahil sa narinig. “Seceretary ka, malamang iyon talaga ang gagawin mo. You kow waht? Nevermind, umalis ka at huwag mong hayaan na makita kita kahit saan dahil hindi ako magdadalawang isip na sirain ang buhay mo!” sigaw niya ulit at kinuha ang ballpen para padabog na pirmahan ang reisgnation letter ni Jonas. “Thank you, Klarence.” Mas lalong nanggiliti sa galit si Klarence nang marinig niya lang ang pangalan niya at hindi na tinawag na Sir. Umalis si Jonas sa opisina ni Klarence, hinubad ang pekekng salamin sa mata at itinapon sa basurahan. Nakita iyon ng ibang impleyado, nagin
Saglita na tumahimik si Aricella sa sinabi ni Jonas. Bumaling siya kay Igneel na seryoso lang ang tingin sa kanya. Nag-aantay si Aricella na may sabihin si Igneel kung may alam ba ito sa gustong mangyari ni Jonas. "Hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang gusto mo sa company ko. Hindi ko rin naman kasi kailangan ng body guard---" "Kailangan mo!" Gulat silang tumingin kay Igneel nang sumigaw ito. Nagpipigil naman ng tawa si Jonas, kung hindi lang siya sinamaan ng tingin ni Igneel ay hindi siya titigil sa kakatawa. "Bakit mo nasabing kailangan ko ng bodyguard, Igneel? Wala naman akong kaaway para magkaroon ng bodyguard. At saka, ano na lang ang sasabihin ni Klarence, baka mas lalo siyang magalit dahil aakalain niyang kinuha ko ang mga tauhan niya. Like Carlyn, isa siyang secretary ng HR sa kumpanya ni Klarence at lumipat sa akin." Mahabang paliwanag ni Aricella. "Umalis po ako ng kusa sa kumpanya niya at wala po siyang magagawa kung gusto kong lumipat ditto." Nakangiting sabi ni