Ilang minutong hindi nagsalita si Igneel dahil sa sinabi ng kanyang Lolo. Iniisip niyang anong balka ng kanyang Lolo kung bakita gusto nitong bumalik na agad sa mansyon ng mga Rubinacci. “I’m not going to stay here, Señor Elias. I have my home now with my wife—”“Your wife na sigurarado tayong itatakwil ka rin niya sa oras na malaman niya kung sino at anong klase kang tao.”Hindi agad nakapagsalita ulit si Igneel sa sinabi ng matanda, aaminin niyang tama ito sa sinabi ngunit naniniwala pa rin siya na hindi iyon gagawin ni Aricella. “She won’t do that,” sabi ni Igneel. Bumuntonghininga siya at tinalikuran ang matanda, naunang pumasok sa loob ng mansyon. Para lamang matahimik ang matanda, pinilit niya ang sarili na pumasok sa loob. Bumungad sa kanya ang nakapilang benteng katulong at benteng security guards sa loob ng mansyon. Lumapit ang tatlong katulong kasama ang mayordoma.“Masaya kaming makita ka muli, Signore Igneel.” Nakangiting sabi ng mayordoma. Ngumiti ng tipid si Igneel sa m
Tuluyang nakaalis si Igneel sa mansyon, walang ni isang sumunod sa kanya maliban sa kanyang ina ngunit pinigilan din ni Enrique ang asawa dahil ayaw nitong lapitan si Igneel. “Bakit mo ba ako pinipigilan na puntahan ang anak natin, Enique?” bulong na tanong ni Diana sa asaawa niyang seryosong nakatingin sa kanya. Nanahimik din ang ibang kamag-anak ni Igneel sa hapagkainan, pinagmasdan sila at dahil na rin sa gulat sa sinabi ni Igneel kay Señor Elias kanina. Hindi nila inasahan na iba na ngang Igneel ang nakita nila sa araw na ito. “Hindi siya matututo kung nariyan ka sa tabi niya—”“Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Enrique? Ilang taon akong nangulilala sa anak ko para lang sa gusto ninyong mangyari sa kanya at ngayon na nakita ko na siya at bumalik na siya, pagbabawalan ninyo ulit ako? Hindi na makatarungan ang prinsipyo ng pamilya ninyo—”“Papa!”Napasinghap ang lahat sa ginawa ni Señor Elias, sinampal niya ng malakas si Diana, gulat na tumingin ang lahat sa nangyari. “Hindi ko gus
“Ano?!” Galit na sigaw ni Klarence nang basahin ang resignation letter ni Jonas. “Bakit ka aalis? Kakasimula mo lang ha? Nahihibang ka na ba?” dagdag niya pang sigaw. Kunayri pa ay natatakot si Jonas sa sigaw ni Klarence na para bang isang pusa. “May nangyari lang Sir, napagtanto kong hindi ko kaya ang pinapagawa sa akin dito.” Nakayukong sabi ni Jonas. Halos manlaki ang mata ni Klarence, napaawang ang bibig dahil sa narinig. “Seceretary ka, malamang iyon talaga ang gagawin mo. You kow waht? Nevermind, umalis ka at huwag mong hayaan na makita kita kahit saan dahil hindi ako magdadalawang isip na sirain ang buhay mo!” sigaw niya ulit at kinuha ang ballpen para padabog na pirmahan ang reisgnation letter ni Jonas. “Thank you, Klarence.” Mas lalong nanggiliti sa galit si Klarence nang marinig niya lang ang pangalan niya at hindi na tinawag na Sir. Umalis si Jonas sa opisina ni Klarence, hinubad ang pekekng salamin sa mata at itinapon sa basurahan. Nakita iyon ng ibang impleyado, nagin
Saglita na tumahimik si Aricella sa sinabi ni Jonas. Bumaling siya kay Igneel na seryoso lang ang tingin sa kanya. Nag-aantay si Aricella na may sabihin si Igneel kung may alam ba ito sa gustong mangyari ni Jonas. "Hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang gusto mo sa company ko. Hindi ko rin naman kasi kailangan ng body guard---" "Kailangan mo!" Gulat silang tumingin kay Igneel nang sumigaw ito. Nagpipigil naman ng tawa si Jonas, kung hindi lang siya sinamaan ng tingin ni Igneel ay hindi siya titigil sa kakatawa. "Bakit mo nasabing kailangan ko ng bodyguard, Igneel? Wala naman akong kaaway para magkaroon ng bodyguard. At saka, ano na lang ang sasabihin ni Klarence, baka mas lalo siyang magalit dahil aakalain niyang kinuha ko ang mga tauhan niya. Like Carlyn, isa siyang secretary ng HR sa kumpanya ni Klarence at lumipat sa akin." Mahabang paliwanag ni Aricella. "Umalis po ako ng kusa sa kumpanya niya at wala po siyang magagawa kung gusto kong lumipat ditto." Nakangiting sabi ni
Kinabukasan si Jonas na ang naging driver din ni Aricella at habang nasa likod na nakaupo si Aricella sa kotse naiilang siya kay Jonas. Hindi niya alam kung paano kausapin si Jonas dahil iniisip niya pa rin ang status ni Jonas na galing sa dating kaibigan ni Aricella na si Klarence."Ma'am nandito na po tayo, nag-text na rin po si Signore Igneel po na susunduin ka niya sa lobby." Nakangiting sabi ni Jonas pero agad din itong nawala nang makita ang mukha ni Aricella na nagtataka kaya agad ding tinakpan ni Jonas ang kanyang bibig nang mapagtanto niya ang kanyang sinabi. "Ang ibig ko pong sabihin ay inaantay ka na po ni Sir Igneel sa lobby," bawi niya. "Sige, salamat sa paghatid. Tatawagan na lang kita kung magpapasundo ako---""Ma'am, si Sir po raw ang tatawag sa akin kung susunduin kayo." Dahil sa sinabi ni Jonas, mas lalong kumunot ang noo ni Aricella at mas lalong nagtataka sa sinabi nito. Bakit si Igneel ang magsasabi o magdedesisyon tungkol sa pagsundo sa kanya? "Bakit siya ang
Sa labas pa lang ng organization club, nakalinya na ang mga kalalakihan para sa pagdating ng mahalagang tao at ito ay si Igneel. Naglalakad pa lang siya sa kalayuan ay alam na ng lahat na siya ang darating. "Nasaan ang mga armas?" iyan agad ang tinanong ni Igneel sa lalaking sumusunod sa kanya. "Nasa gun room na, Signore. May nag-aantay rin sa inyo sa opisina, nais kayong makausap." Kumunot ang noo ni Igneel sa sinabi ng kanyang tauhan. Ang pagkakaalam niya ay wala siyang inasahan na tao ngayong araw dahil ang tanging gagawin niya lang ay magbigay ng instruction sa kanyang mga tauhan kung paano pa lalo alagaan at pagalawin ang organization habang wala siya. "Who is it?" tanong niya habang patuloy pa rin sa paglalakad patungo sa kanyang opisina. "Si Mr. Jonson, Signore." Napahinto si Igneel sa paglalakad nang marinig ang pangalan ng taong iyon. "May sinabi ba siya kung bakit siya nandito?" tanong niya sa lalaki. Sasagot pa sana ang tauhan niya nang mabilis na siyang maglakad
Habang nagmamaneho si Jonas hindi niya na maiintindihan ang kanyang nararamdaman dahil pinagpapawisan na siya lalo na't kasama niya ang galit na si Igneel. Hindi niya naman talaga alam kung nasaan nagpunta si Aricella dahil noong umalis siya ng bahay nila Aricella para puntahan si Igneel at sunduin naroon pa si Aricella, nag-aantay rin kay Igneel. Hindi niya inasahan na aalis ang kanyang binabantayan. Alam niyang ang huling linya ni Igneel bago sila umalis para hanapin si Aricella ay sigurado siyang may mangyayaring hindi maganda sa kanya. "Kanina ka pa nagmamaneho, alam mo ba kung saan natin siya pupuntahan?" malamig na tanong ni Igneel kay Jonas.Lumunok ng dalawang beses si Jonas at dahan-dahang tumango. "Tumawag sa akin si Ricco at nakita niya kung nasaan si Ma'am Aricella, Signore." Kinakabahang sagot ni Jonas. "Saan? At Anong ginagawa? Akin na ang telepono mo, tatawagan ko si Rocco." Agad namang ibinigay ni Jonas ang kanyang telepono kay Esteban na hindi nagdadalawang isip. H
Nang pumunta na si Igneel kay Aricella na nag-aantay sa labas ng kotse, umayos ng tayo si Igneel sa harap niya. "Pinauwi ko na si Jonas---" "Bakit ikaw ang nagdedesisyon na naman? Ikaw ang magmamaneho?" medyo may inis sa boses ni Aricella nang tanungin niya iyon, nahalata rin naman ni Igneel na naiinis ito. "Nagpaalam siyang kailangan niyang umuwi dahil may emergency sa bahay nila," pagsisinungaling ni Igneel. Binuksan niya na ang kotse at pinagbuksan niya na rin si Aricella ng pintuan, walang pasabi namang pumasok si Aricella sa loob at hindi kinibo si Igneel. Umupo lamang siya at inantay na makapasok din si Igneel sa loob ng kotse. "Are you mad?" tanong ni Igneel sa kanya. Kumunot ang noo ni Aricella, "bakit naman ako magagalit? Ano bang ginawa mo?" "Sinusundo ka lang. May mali ba roon? Dapat ba doon muna tayo na kasama ang iyong kababata?" Sa tono ng pananalita ni Igneel ay para itong nagseselos. "Hindi mo ba talaga alam ang ginawa mo, Igneel?" tanong ni Aricella. Bumuntong