Habang nagmamaneho si Jonas hindi niya na maiintindihan ang kanyang nararamdaman dahil pinagpapawisan na siya lalo na't kasama niya ang galit na si Igneel. Hindi niya naman talaga alam kung nasaan nagpunta si Aricella dahil noong umalis siya ng bahay nila Aricella para puntahan si Igneel at sunduin naroon pa si Aricella, nag-aantay rin kay Igneel. Hindi niya inasahan na aalis ang kanyang binabantayan. Alam niyang ang huling linya ni Igneel bago sila umalis para hanapin si Aricella ay sigurado siyang may mangyayaring hindi maganda sa kanya. "Kanina ka pa nagmamaneho, alam mo ba kung saan natin siya pupuntahan?" malamig na tanong ni Igneel kay Jonas.Lumunok ng dalawang beses si Jonas at dahan-dahang tumango. "Tumawag sa akin si Ricco at nakita niya kung nasaan si Ma'am Aricella, Signore." Kinakabahang sagot ni Jonas. "Saan? At Anong ginagawa? Akin na ang telepono mo, tatawagan ko si Rocco." Agad namang ibinigay ni Jonas ang kanyang telepono kay Esteban na hindi nagdadalawang isip. H
Nang pumunta na si Igneel kay Aricella na nag-aantay sa labas ng kotse, umayos ng tayo si Igneel sa harap niya. "Pinauwi ko na si Jonas---" "Bakit ikaw ang nagdedesisyon na naman? Ikaw ang magmamaneho?" medyo may inis sa boses ni Aricella nang tanungin niya iyon, nahalata rin naman ni Igneel na naiinis ito. "Nagpaalam siyang kailangan niyang umuwi dahil may emergency sa bahay nila," pagsisinungaling ni Igneel. Binuksan niya na ang kotse at pinagbuksan niya na rin si Aricella ng pintuan, walang pasabi namang pumasok si Aricella sa loob at hindi kinibo si Igneel. Umupo lamang siya at inantay na makapasok din si Igneel sa loob ng kotse. "Are you mad?" tanong ni Igneel sa kanya. Kumunot ang noo ni Aricella, "bakit naman ako magagalit? Ano bang ginawa mo?" "Sinusundo ka lang. May mali ba roon? Dapat ba doon muna tayo na kasama ang iyong kababata?" Sa tono ng pananalita ni Igneel ay para itong nagseselos. "Hindi mo ba talaga alam ang ginawa mo, Igneel?" tanong ni Aricella. Bumuntong
Masayang nakauwi sina Aricella at Igneel sa bahay, naririnig pa ang tawanan nilang dalawa at nagising si Janette. Agad siyang bumangon nang naingayan siya sa mga boses na nasa sala, kinukusot niya pa ang kanyang mga mata para tignan kung kanino nanggaling ang ingay na naririnig niya. "Anong ginagawa ninyong dalawa at anong oras na? Bakit ngayon lang kayo nakauwi?" Inaantok na tanong ni Janette pero naroon pa rin ang inis dahil sa nabulabog angkanyang mahimbing na pagtulog. Natahimik silang dalawa at umayos ng tayo. "I'm sorry Ma. Kumain lang kami sa labas kaya natagalan at may pinuntahan lang," sagot ni Aricella, pinipigilan ang tawa."Kumain sa labas? Hindi ba't kasama mo si Daniel? Nasaan siya? Siya ba ang naghatid sa'yo rito?""Ma, si Igneel ang kasama ko kaya hindi ako hinatid ni Daniel and nauna na akong umalis sa kanya, sinundo ako ni Igneel. Matutulog na po kami, Mama. Pasensya na ang good night." Lumapit si Aricella sa kanyang ina at hinalikan ito sa pisngi. Nauna siyang um
Kinabukasan maagang nag-uumagahan si Aricella kasama ang pamilya niya at si Igneel, at habang nasa hapagkainan ay kanina pa masama ang tingin ni Arman kay Igneel."May problema ba Papa?" tanong ni Aricella sa kanyang ama nang mapansin ang tingin nito kay Igneel."Nakwento sa akin ng Mama mo ang nagyari kagabi, hindi ba't sumama ka kay Daniel dahil hindi umuwi ang gago mong asawa kagabi, hindi ba?" "Dad, sinundo ako ni Igneel kagabi kaya nagpaalam na ako kay Daniel na mauuna..." sagot ni Aricella at dahan-dahan na siyang nawalan ng gana dahil sa unang topic ng pamilya. "Tinawagan mo na ba si Daniel? Baka magtampo iyon, sayang naman at mawalan siya ng gana sa'yo—""What are you talking about, Ate? Anong mawalan ng gana? Kababata ko s Daniel at maraming taon na ang lumipas na hindi kami nagkikita. Give some respect to my relationship with Igneel. Stop forcing me sa ibang lalaki dahil kasal na ako." Hindi napigilan ni Aricella ang mainis na naman sa kanyang pamilya. Palagi na lang ganit
Anong nangyayari sa mukha mo, anak?” tanong ng ina ni Daniel nang makita ang pasa nito sa mukha. Agad din namang imiwas si Daniel, bumaling siya saglit sa kanyang ama na si Daniel na hindi nakatingin sa kanya, perte itong kumakain na tila ba walang nakikita at naririnig. “Napaaway lang ako kagabi, Mom pero hindi naman malala. Nagkasagutan lang sa club—”“You’re still clubbing, Daniel. Ang sabi ko naman sa’yo iwasan mo na iyan dahil hindi rin iyan maganda sa negosyo natin. And you can’t show that to our client, that face. Kilala mo ba ang mga nakaaway mo?” tanong ni Sanra. Umiling lang si Daniel habang nakatingin pa rin sa kanyang ama na ngayon ay nakatingin na sa kanya. “No, Mom. I don’t know them. Okay lang ba kung hini muna ako sasama ngayong araw sa meeting? I just need to calm myself at hindi rin maayos kung ito ang makikita ng mga clients natin…”“But you need to be there—”“Hindi siya sasama, may ipapagawa ako sa kanya.”Lahat ay nanahimik, kahit na ang dalawang kapatid ni Da
Kanina pa naglalakad sa harap ni Igneel si Aricella, inaantay niyang matapos ito sa ginagawa. Hindi niya alam na kanina pa tapos si Igneel, pinagmasdan lang siya ng palihim habang nakatingin sa harap ng laptop nito. "May problema ba?" Napahinto si Aricella sa paglalakad dahil sa gulat niyang magsalita si Igneel at ramdam niya ang malamig na boses nito. Napaisip tuloy siya kung bakit naging malamig ang pakikitungo ni Igneel sa kanya simula ng pumasok siya sa opisina ni Igneel."Matagal ka pa ba matatapos?" tanong ni Aricella, pinipigilan ang sariling sumimangot.Magtatanghalian na, pinaalis niya si Carlyn na siyang nagtanong kung ano ang gusto niyang kaininan para sa tanghalian. Ang sagot niya ay aantayin niya muna si Igneel kaya pinauna niya si Carlyn kumain kasama ang ibang impleyado. "Malapit na ako matapos. Marami pala itong pinapagawa mo kaya hindi ko agad natapos, pasensya na." Mahinahong sabi ni Igneel.Napansin niyang tinignan ni Aricella ang relo nito kaya napatingin din si
Tumigil si Igneel sa paglalakad, pinoproseso ang tinanong ni Aricella sa kanya. “Igneel, sagutin mo ako. Sino ka?” Ulit na tanong ni Aricella, siya na rin mismo ang lubusan na lumapit kay Igneel sa harap nito. “Answer me, Igneel.”Seryoso lang ang tingin ni Igneel sa kanyang asawa, alam niya ng mangyayari ito na tila ba handa siya sa kanyang isasagot. “I am just a commoner, Aricella. Kung saan mo ako nakilala ay doon talaga ako nanggaling. Why would you ask that? Are you doubting me?” Napaisip si Aricella sa sinagot ni Igneel, halata niya naman na nagsisinungaling si Igneel pero gusto niya pa rin malaman ang totoo dahil may mga bagay na hindi siya maintindihan, may mga bagay na bigla na lang din nagagawa ni Igneel na nagugulat at nagtataka siya kung paano nagawa iyon ni Igneel.“Hindi ko alam kung ano ang papaniwalaan ko. How come that you want to help Carlyn’s father for the operation and for their hospital bills? Sa sahod mo mula sa kumpanya? Tell me? Sapat ba iyon? Anong gusto mo
Kinabukasan maagang pumunta si Carlyn at ang kanyang ina sa hospital para sa operation ni Ricardo, ang kanyang ama. Hindi na rin siya pinapasok ni Aricella sa opisina dahil alam naman nito ang sitwasyon ni Carlyn. Sa labas ng operating room, nakaupo si Carlyn at ang kanyang ina; nag-aantay na matapos kahit na halos apat na oras ang sinabi ng doctor na matatapos ang operation. Sa gilid naman nila ay si Jonas, naiilang si Carlyn sa presenya nito. Inutusan kasi ni Aricella na samahan muna sila Carlyn. "Pinabili ng Mama mo," biglang sabi ni Jonas at inabot ang dalawang burger at dalawang coke na binili nito sa McDonald. Gulat at nagtatakang tumingin si Carlyn sa kanya kahit na namamaga pa rin ang mga mata nito kakaiyak. "Si Mama ang nag-utos?" tanong niya sabay baling sa ina niyang tahimik na nagdadasal sa gilid. Hindi sumagot si Jonas, bagkus hawak niya pa rin ang bitbit nitong mga pagkain at hindi pa rin kinukuha ni Carlyn. "Magkano iyan? Babayaran ko," dagdag ni Carlyn."Walang bay