Kinabukasan maagang pumunta si Carlyn at ang kanyang ina sa hospital para sa operation ni Ricardo, ang kanyang ama. Hindi na rin siya pinapasok ni Aricella sa opisina dahil alam naman nito ang sitwasyon ni Carlyn. Sa labas ng operating room, nakaupo si Carlyn at ang kanyang ina; nag-aantay na matapos kahit na halos apat na oras ang sinabi ng doctor na matatapos ang operation. Sa gilid naman nila ay si Jonas, naiilang si Carlyn sa presenya nito. Inutusan kasi ni Aricella na samahan muna sila Carlyn. "Pinabili ng Mama mo," biglang sabi ni Jonas at inabot ang dalawang burger at dalawang coke na binili nito sa McDonald. Gulat at nagtatakang tumingin si Carlyn sa kanya kahit na namamaga pa rin ang mga mata nito kakaiyak. "Si Mama ang nag-utos?" tanong niya sabay baling sa ina niyang tahimik na nagdadasal sa gilid. Hindi sumagot si Jonas, bagkus hawak niya pa rin ang bitbit nitong mga pagkain at hindi pa rin kinukuha ni Carlyn. "Magkano iyan? Babayaran ko," dagdag ni Carlyn."Walang bay
Wala ng magawa si Jay at ang kasama niyang dalawa nang tuluyan silang pinaalis ni Jonas. Sinabihan pa niya na siya na ang magsasabi kay Igneel sa nangyari. "Anong gagawin natin?" tanong ng isang lalaki na kasama ni Jay. Umigting ang panga ni Jay, hindi alam ang gagawin dahil mas sigurado siyang malalagot sila ni Igneel. "Kahit kailan ay bida-bida ang lalaking iyon." Nanggigiliti niyang sabi. Sumang-ayon naman ang dalawa. Matagal na silang naiinis kay Jonas dahil minsan ay naging bossy ito sa kanila pero ang mga minsan na iyon ay utos na nagmula kay Igneel kaya wala rin silang magagawa kundi ang sumunod dahil sumali sila sa organisasyon na buhay ang ibubuwis kaya dapat alam na nila ang posibleng mangyayari. Sa kabilang banda, habang nagtatrabaho si Arciella sa loob ng opisina ni Igneel dahil ang sabi niya ay komportable siyang magtrabaho sa opisina ni Igneel. "Kanina pa may tumatawag sa'yo, hindi mo ba sasagutin?" tanong ni Igneel nang mapansin na hindi pinapansin ni Aricella a
Habang nag-uusap sina Aricella, Carlyn at ang ina ni Carlyn, napatigil sila dahil sa narinig na kalabog. Sabay silang lumingon sa labas ng pintuan sa kwarto ng tatay ni Carlyn dahil doon nanggaling ang malakas na kalabog. Agad silang pumasok at gulat silang nakatingin kay Ricardo at Igneel na nasa sahig. “A-anong nangyayari?” tanong ni Aricella.“Tay?”“P-pasensya na. Hindi ko nakayanin buhatin agad si Mang Ricardo. Tumayo siya bigla kaya aalayan ko sana pero bigla siyang nahulog mula sa kama,” pagsisinungaling ni Igneel.Hindi na nagsalita si Ricardo, kahit na nagsisinungaling si Igneel dahil ang tunay na nangyari ay tinulak ni Igneel si Ricardo sa kama at nang tumunog ng malakas na pagkabog mula sa pagkahulog, mabilis na lumapit si Igneel kay Ricardo na tila ba pinapalabas na tinutulungan niya itong tumayo, at sa pagsisinungaling ni Igneel, pabor naman para sa kanya. Sa ganoong paraan, naitago ni Igneel ang matagal na lihim ni Ricardo sa kanyang pamilya. Lumapit si Aricella at Car
Umigting ang panga ni Igneel nang marinig ang sinabi ni Jeriah. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito dahil alam nilang pareho na matagal na iyon at ang tanging iniisip na lang ni Igneel ay ang relasyon nila ni Aricella. "Why, Igneel? Bakit ayaw mong magsalita? Hindi ba't totoo naman ang sinabi ko? Hindi mo natupad ang pangako mo sa akin," mahabang dagdag ni Jeriah. "Huwag mo rin hayaan na tuluyan kitang makalimutan hindi bilang dati kong mahal kundi bilang miyembro na rin ng organisasyon ko. Matagal na iyon at mukhang nakalimutan mong hindi ko natupad ang pangako mo dahil ikaw ang kusang lumayo sa akin..."Hindi rin nakapagsalita si Jeriah sa sinagot ni Igneel, naalala niya lang ang nakaraan kung paano nangako silang dalawa sa isa't isa ngunit ang mismong tadhana ang umaayaw na maging malapit sila ng sobra. "Wala na tayong dapat pag-usapan, huwag kang magkakamali na banggitin ito sa pinsan mo dahil ako na mismo ang makakalaban mo, Jeriah."Pagkatapos sabihin ni Igneel ang mga katag
Kahit na sinabi iyon ni Aricella, mas pinili pa rin ni Igneel ang manatili kasama ang pamilya ni Aricella. Nakatayo siya sa gilid ng sofa, at si Aricella lang ang pinaupo niya. Dahil marami rin talagang bisita sa loob at labas man, may iilang dala kaibigan. “Aricella, kumusta ang kumpanya mo ngayon? Balita ko ay nag-iisa ka na lang dahil may isang kumpanya ang partner mo? Tama ba?” tanong ng uncle ni Aricella. “Maayos naman uncle. Sa katunayan ay hindi ako nahirapan ngayon dahil hindi naman totoo na mag-isa ako. May tumutulong din naman, isa si Igneel na tumulong—““Igneel? Siya?” tanong naman ng tita ni Aricella. Yumuko si Igneel aa kanilang lahat at bumati dahil ngayon lamang siya pinansin kung hindi sinabi ni Aricella ang pangalan niya, para lang siyang hangin sa loob ng bahay. Mas napapansin pa nga ang malakas na hangin na nagmula sa labas ng bahay kaysa sa kanya. “Yes, Tita. Tinutulungan ako ng asawa ko.” Nakangiting sabi ni Aricella. Nagkatinginan ang magkakapatid hanggang
Namutla si Marco dahil sa binulong ni Igneel sa kanya, nagtataka naman si Aricella dahil kita niya ng kaunti na nanlaki ang mga mata ni Marco at bigla itong umalis. Nakatayo lang si Igneel na seryosong nakatingin kay Marco na umalis. "Anong sinabi mo sa kanya?" tanong ni Aricella nang nilapitan niya si Igneel. "Wala akong sinabi, hindi ko alam kung bakit bigla siyang umalis." Bumaling si Igneel kay Aricella na parang walang nangyari. "Tara na? Saan mo gustong pumunta?" tanong niya pa. Hindi nagsalita o sumagot si Aricella sa kanya dahil nagtataka pa rin ito sa inaasta ni Igneel. Alam niyang may sinabi si Igneel kay Marco pero hindi niya mahulahan kung ano. "Nakakapagtaka kung bakit bigla na lang siyang umalis at ang mukha niya ay parang natakot. Gusto kong malaman kung ano ang sinabi mo sa pinsan ko, Igneel..." Hinawakan ni Aricella ang kamay ni Igneel dahil buong akala niya ay makukuha si Igneel na sabihin nito kung ano ang sinabi niya kay Marco. "Trust me. Hindi ko alam kung
Aligaga na ang mga tao sa hide-out na sinasabi ni Marco, pati si Hera na manager ng hide-out ay nagagalit na rin dahil ang mga tao ay mababagal kumilos, lalo na ang mga babae. May iilan pa sa kanila na nag-iiyakan. “Wala bang mas bibilis pa nyan ha?” sigaw ni Hera. Kahit na si Marco ay galit na galit pa rin. “Ano ba kasing problema mo? Kanina ka pa galit na galit?” tanong ni Aliah na fiancée ni Marco at isa rin sa boss ng hide-out. “I already told you. May nakakaalam na nga kung saan tayo, hindi pwedeng malaman ng marami pa!” galit na sigaw ni Marco. Hindi maintindihan ni Aliah ang galit ni Marco. “Bakit ayaw mo na lang ipapatay? Ngayon ka lang natakot ng ganito!” sigaw ni Aliah.Sinabunutan ni Marco ang kanyang buhok dahil sa inis, hindi niya na alam ang gagawin. “Pwede ba? Huwag ka munang sumabay? Sumunod ka na lang, ayusin mo na iyong dadalhin mo dahil aalis na tayo!” Umalis siya sa tabi ni Aliah at sumunod kay Hera. “Ano? Hindi pa rin ba kayo tapos? Kanina pa kayo. Ang iba, n
Kanina pa naiinis si Janette dahil kanina pa tumatawag ang ate niyang si Jannah, hinahanap si Igneel at Aricella. "Hindi nga namin alam, ate. Hindi nga namin namalayan na umalis sila, tumawag na rin ako sa opisina at pinaalam sa kanila na on-leave ang dalawa. Baka bukas ay babalik na sila. Ano ba kasing nangyari at bakit mo sila hinahanap?" Mahabang paliwanag ni Janette dahil kanina pa siya kinukulit ni Jannah."Inutusan ko si Marlon na papuntahin diyan at kausapin si Igneel pero hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi ang asawa ko---""Si Tita Jannah ba iyan?" Biglang pumasok sa loob ng bahay nina Janette si Jenny dahil nagpaalam siya sa kanyang magulang na sa bahay muna nina Aricella siya matulog at bukas na uuwi. "Oo, bakit?" tanong ni Janette."Nasa labas si Uncle Marlon, hinahanap si Igneel dahil hindi raw siya makakauwi ng buhay kung hindi niya nakausap si Igneel," sagot ni Jenny."See! Ngayon pa siya bumalik diyan kung kanina ko pa inutos. Lintek na Marlon, walang kwenta!" sigaw ni